Kalmado (A Stand-alone Novel)

By isipatsalita

17.5K 2.8K 1K

Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita More

Mensahe
Relaks 1
Relaks 2
Relaks 3
Relaks 4
Relaks 5
Relaks 6
Relaks 7
Relaks 8
Relaks 9
Relaks 10
Relaks 11
Relaks 12
Relaks 13
Relaks 14
Relaks 15
Relaks 16
Relaks 17
Relaks 18
Relaks 19
Relaks 20
Relaks 21
Relaks 22
Relaks 23
Huling Relaks

Pasilip

2.4K 168 126
By isipatsalita

Madalas akong maturingang "gago".

Tiyanak pa lang ako, sutil na ang tawag sa akin ng ermats at erpats ko. Hindi naman ako salbahe pero ang ligalig ko raw na bata. Hindi ako mapakali sa iisang puwesto lamang. Takbo rito, takbo roon. Akyat dito, akyat doon. Ewan ba, basta hindi ako natatahimik sa isang sulok.

Bully rin ako noong elementary pa lang ako. Hindi ako makapapayag na wala akong niyayamot na kapwa bata. Laman din ako palagi ng Guidance office lalo na noong may nanuntok sa aking kaklase tapos sinaksak ko sa braso niya iyong pencil ko.

Kahit hindi naman ako ang direktang may kasalanan, nadadawit pa rin ako kasi pilyo raw ang itsura ko.

Para bang marami raw tumatakbo sa isipan ko kahit hindi ako nagsasalita.

Nadala ko iyon hanggang high school. Ipinasok pa nga ako nina Mamme at Dadde sa Catholic school para raw pumino-pino ang kilos ko. Pangalan pa ng Santo iyong iskul namin tapos puro demonyo naman pala ang pumapasok.

Pero natuto naman akong magdasal ng Angelus noon. Minsan nili-lip sync ko na lang para kunwari ang galing kong magdasal.

Ako pa nga madalas ang naaatasang magdasal sa loob ng classroom namin bago magsimula ang klase.

Puro "Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, our Lord. Amen." lang naman ang idinadasal ko pero okay na iyon kaysa wala akong masabi.

Noong kabataan ko kasi, nagdarasal ako pero hindi hardcore. At hindi lang naman ako ang ganoon. Marami kami. Marami tayo.

Pero huwag ninyo akong husgahan dahil doon. May sarili akong pakikipag-usap sa Kaniya na hindi mauunawaan ng iba.

Malaki ang pananampalataya ko sa Kaniya kahit hindi ako palabasa ng bibliya o kahit hindi ko kabisado ang mga mysteries ng rosaryo.

Marami nga akong kakilalang laman palagi ng simbahan pero hindi naman nila isinasabuhay ang pagiging makatao. Pero sabi nga ni Devin Francisco na isang karakter ng otor ng Pagsinta, "Who am I to judge if I'm not a judger?"

May kaniya-kaniya talaga tayong kapangitan sa ugali at pagkatao. May kaniya-kaniyang specialization pagdating sa pagiging siraulo. Iba-ibang istilo't paraan pero lahat ay may naitatagong kasablayan kasi nga "Tao lang".

Tulad ko.

Madalas akong makakuha ng pangit na feedback at palagi ko ring naririnig na ako raw ay sutil, pilyo, gago, walang direksyon ang buhay at kung ano-ano pa.

Akala naman nila'y naka-o-offend iyon, eh immune na immune na naman ako sa ganoon.

Hindi naman ako kulang sa aruga dahil alagang-alaga nga ako ng mga magulang ko. Kumpleto rin daw sa bakuna at vitamins. Solong anak pa ako kaya lahat ng atensyon ay nasa akin talaga.

Paanong gagawin, eh sadyang ganito ako?

Ang madalas magpagalit sa akin ay si Mamme. Pero iyong tatay ko, sobrang kalmado't banayad lang.

Katuwiran niya'y nagdaan na rin siya sa ganoong phase ng buhay kaya inaasahan na niyang mapagdaraanan ko rin iyon.

Iyong nanay ko ang palaging nagtuturo sa aking maging malumanay na lalaki. Huwag daw akong maging balahura at maligalig.

Hindi naman ako ganoon. Gusto niya kasing maging prim and proper ako kahit binatilyo pa lang ako noon. Relihiyosa kasi si Mamme.

Dami pa niyang mga kumare na matitino ang mga anak kaya naikukumpara ako roon. Hindi naman ako naiinis kapag ganoon. Para bang pasok sa kabilang tainga, labas sa kabila. Ganoon palagi ang sistema.

Natuto akong makipagtropa kung kani-kanino noong high school. Kahit iyong mga traysikel drayber sa mga toda, kilala ko. Madalas din akong makitambay sa mga kapitbahay namin kaya ultimo mga bisyo nila, nakuha ko na rin.

Yosi, inom, chicks pero walang drugs. Rugby lang.

Biro lang, baka may maniwala.

Kahit iyong mga lola't lolo sa subdivision namin noon, kinakausap ko rin kasi ganoon ako ka-warm pagdating sa mga tao. Pati iyong mga tindera sa mga inuutangan kong tindahan noon, tropapips ko rin.

Ganoon talaga para makalibre ako at makautang ulit (binabayaran ko naman kapag malaki ang ibinibigay na allowance ng erpats ko).

Makulit lang talaga ako pero marunong akong makipagkapwa tao. Malapit din ang puso ko sa mga bata at matatanda pati na rin sa mga babae.

Bata pa ako no'n, eh. Tamang abang lang ako noon sa iskul ng mga magagandang babae. At dahil maliit lang iyong eskuwelahan namin dati, kakaunti lang iyong mga naii-spot-an kong bebot.

Kinikilabutan nga ako kapag naaalala ko iyong una kong gerlpren na si Marie na araw-gabi walang panty. 'de, may panty naman iyon. Tinatanggal ko nga lang tuwing Sabado o Linggo.

Pers ko iyon sa lahat. Dati, tamang porn porn lang ako pero noong nagkaroon ako ng gerlpren, doon ko na naranasan ang iba't ibang paraan para maisagawa ko ang pagiging knowledgeable ko sa sex.

Ulul.

Akala ko nga ang astig ko na n'on. Akala ko nakakapogi iyon. Sa una lang pala masarap. Hanggang sa nagkabuwisitan na lang kami at nagkaumayan. Selosa siya, ako naman mahilig tumambay sa kung saan-saan.

Puro ako barkada kaya ayon, naubos ang pasensya ni Marie at iniwan ako.

Hindi ako luhaan no'n, siyempre. Tuwang-tuwa pa nga ako kasi may tsansa akong maka-spot ulit ng bagong chick.

Medyo kupal nga talaga siguro ang sistema ko noong high school. Puro pagpopogi ang inaatupag kahit wala pa namang ibubuga talaga.

May oras ngang nagalit nang sobra si Mamme kasi nagkamali raw siyang ipinasok pa niya ako sa Catholic school dahil wala naman daw nagbago sa akin. Lumala pa nga raw ako.

Tatay ko naman, ipinagtatanggol pa rin ako.

"Pasalamat ka nga't hindi nag-aadik iyang anak mo."

Kaya lab na lab ko iyon kahit doon ako nagmana ng ugali ko, eh.

Pero lilinawin ko lang na hindi ako nagpabaya sa pag-aaral ko. Medyo tamad ako't nangongopya paminsan-minsan pero naitatawid ko lahat ng mga subjects ko.

Hindi naman dumating sa puntong kailangang pang magpadulas nina Mamme sa Adviser ko at sa Principal para lang maka-graduate ako.

Punta naman tayo sa pagiging college boy ko. Iyan, medyo hardcore na mga kalokohan ko niyan.

Hangang-hanga ako sa campus namin noon (hindi university) kasi ang ganda ng facilities. Wala pang uniform kaya pabor na pabor sa akin. Makaka-japorms talaga na pangmalakasan. Ang yabang ko pa n'on.

Tibay nga ng mukha kong kumuha ng BS Computer Engineering program kahit alam kong hindi ko mapaninindigan. Nakigaya lang kasi ako roon sa kaklase ko noong high school na nag-Engineering din.

Sinubukan ko naman noong First Sem, hanggang sa lumagapak ako sa ilang subjects.

Taena, hindi pala piece of cake. Naging piece of shit ako kaya nag-shift ako sa BS Information Technology.

Sumang-ayon naman mga magulang ko sa desisyon ko kasi in daw ang kursong iyon lalo na sa Singapore. In case daw na gusto kong mag-abroad after college.

Asa namang mag-abroad ako. I lab Pilipins, ya know.

Hindi pa rin easy maging IT student lalo na kapag mahihigpit ang mga professor at maraming nire-require gawin. Medyo mataas ang standard doon sa campus na iyon dahil sister school iyon ng isang prestihiyosong unibersidad sa Maynila.

Bruh, mas lumawak ang koneksyon ko noong kolehiyo. Literal na iba't ibang tao ang nakasasalamuha ko, 'di tulad noong high school na nakakulong kami sa apat na sulok ng iskul.

Akala ko kupal na ako noong high school pero mas naungusan ako ng mga tao-tao sa campus.

Naging ordinaryong nilalang na lang ako n'on. Pero siyempre, hindi ako nagpapahuli at nagpapatalo. Ganoon ako ka-competitive, eh.

Smoke all the way highway kami ng mga katropa ko (pati underground pinatos ko). Tuwing natatapat kami sa boring na klase at professor, tumatambay kami sa open lot tapat ng building namin para mag-skate.

Tamang gitara rin ako kasama ang mga ulupong. Bumuo pa nga kami ng banda.

Banda Rito, Banda Roon.

Imbento lang ang pangalan iyon kasi hindi naman namin sineseryoso. Saktong mahilig ding kumanta at tumugtog iyong iba kong blockmates kaya nasasabayan din ang trip ko.

Kapag wala na kaming ibang matambayan, sa cafeteria naman kami pupuwesto kasi de aircon doon.

Doon ko naman nakilala iyong pangalawang gerlpren kong si Jane na nakaupo sa katapat na puwesto namin ng barkada.

Nagkangitian kaming dalawa, eh. Pinanindigan ko na tuloy ang pagiging Tarzan ko.

Galawang breezy, nabingwit ko siya nang walang kahirap-hirap.

Matinong babae si Jane. Seryoso. Maliit lang siyang babae, katamtaman ang katawan, mukhang hindi makabasag pinggan, walang arte sa katawan, morena pero nadaan ako sa dimple niya sa kaliwang bahagi ng pisngi.

Hindi siya iyong tipo kong babae pero habang tumatagal, mas nakilala ko siya't nasabi kong, "Ah, puwede!"

Ayos naman. Stable naman kami. Medyo pumino nga ang galawan ko n'on kasi mahinhin si Jane. Pati iyong mga kaibigan niyang mukhang pala-aral talaga at laman ng library palagi, ganoon din.

Nakahihiya naman kung umakto akong asbagin kapag kasama sila, hindi ba?

Kunwari ang sipag-sipag kong mag-aral. Nagno-notes ako kunwari kahit nagdu-doodle lang naman ako kapag hindi siya nakatingin.

Ultimo pagtawa ko, parang naiipit kasi nga nakikibagay lang ako sa kanila, lalo na sa kaniya.

Palagi rin akong inaaway no'n kapag nagyoyosi ako o kaya amoy yosi iyong damit ko.

Naiintindihan ko namang may concern lang siya sa akin pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit palagi niyang ginagawang big deal ang mga bisyo ko hanggang sa dumating iyong puntong pinapili niya ako kung barkada, bisyo o siya.

Siyempre, pinili ko iyong bisyo.

'de, siya ang pinili ko kasi ganoon ako karomantiko dati. Sunod-sunod naman ako kasi ayaw ko ngang mawala sa akin.

Sineryoso ko iyon, mga repapips. Ramdam ko iyon. Akala ko nga iyon na iyon, eh.

Pero maraming namamatay sa maling akala. Muntikan na nga rin akong mamatay dahil sa high blood.

Akalain mo nga namang may naitatago palang talent iyong nobya ko.

Hindi ko na ide-detalye pero nasira talaga ang tiwala ko roon. Sinubukan ko pang makipag-ayos sa kaniya kasi humingi siya ng isa pang pagkakataon (lakas maka-pelikula). Lumuhod pa iyon sa akin n'on kaya pinagbigyan ko.

Mahal ko nga, 'di ba?

Taena, eh sinira ulit ang tiwala ko sa ibang paraan naman. Nagsinungaling sa maliit na bagay, eh bistong-bisto ko na.

Ayuku na! Ganoon talaga sigaw ko sa loob-loob ko.

Iyong gandang lalaki kong 'to tapos ganoon ang igaganti sa akin? 'di na, uy.

Nag-lie low muna ako. Inatupag ko na lang ang pag-aaral ko kahit medyo sumesemplang ako sa ibang subjects lalo na noong mga panahong aburido ako sa mundo.

Mas dumoble ang bisyo ko. Minsan nga napagagalitan na rin ako ng tatay ko kapag inuumaga na ako ng uwi saka kapag mas napararami pa ako ng yosi kaysa sa kaniya.

Jamming pa silang dalawa ni Mamme kaya narindi ako.

Hindi naman ako sumasagot sa mga magulang ko. Umaalis lang ako kapag napupuno na ako. Hindi ko sila kayang bastusin. Hindi kaya ng konsensya ko.

Palagi nilang panakot sa akin ay ang pagbawi sa kotseng iniregalo nila sa akin bago ako tumungtong ng college.

Malayo-layo kasi iyong campus at mahirap commute-in kaya sponsored ng erpats ko iyong Honda Civic EG Hatchback 1995 model na pangarap kong kotse.

Car enthusiast kasi kami ng tatay ko. Kami ang magkasundo sa ganoong bagay kahit elementary student pa lang ako. Siya rin ang nagturo sa aking magmaneho.

Tutol nga si Mamme sa ideyang iyon kasi baka raw maaksidente ako at hindi makapag-aral nang mabuti. Ang sagot naman ng tatay ko, "May kotse man o wala, kung gagawa ng kalokohan, gagawa iyan ng paraan."

Eh 'di nasa akin ang huling halakhak. Gumagawa nga ako ng kalokohan pero nag-iingat naman ako. Take extra precaution, ika nga.

Adventurous kasi akong tao.

Kung ano-ano ang gusto kong subukan habang bata pa para hindi ako inosente pagtanda. Kumbaga, tino-tropa ko iyong mga siraulo para hindi ako maloloko at mauutakan ng iba pang siraulo kasi ka-miyembro na nila ako.

Hindi ako proud sa mga katarantaduhan ko pero marunong naman akong lumugar. Hindi ako basta kupal lang nang walang dahilan. Malakas lang talaga ang trip ko pero hindi ko ipahahamak ang iba.

Mas lalong hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ko. Unico hijo ako ng mga magulang ko, nararapat lang na respetuhin ko sila sa pamamagitan ng self-lab.

Ewan ba. Naka-set na siguro sa ganito ang pagkatao ko. Ang pagkalalaki ko.

Ang boring siguro ng buhay ko kung masyado akong seryoso sa buhay. Iyong palagi lang akong sunod nang sunod kahit hindi ko alam kung ano ang kahahantungan no'n.

Wala naman akong regrets. Kasi kung ano man ang mga nagawa ko noong kabataan ko, nakatulong iyon sa kung ano man ang mayroon ako o kung sino man ako ngayon.

Lahat ng mga naranasan ko simula pagkabata ay may kapupulutang aral. Kahit iyong mga sinasabi ng ibang mga "kalokohan" ko ay may magandang epekto sa pagkatao ko ngayon.

Makulit daw ako, mabisyo, palamura, mayabang kung kinakailangan, maligalig, mahilig sa illegal racing, palaging nakiki-party, puro tattoo kaya napagkakamalang basag ulo (judgmental ang iba), chain smoker, alak na rin yata ang dumadaloy sa katawan ko at marami pang iba pero hindi ko sinasabing tularan ako ng iba.

Huwag na huwag akong tutularan ng iba. Utang na labas. Ngunit kung ganito ka rin, fist bump tayo riyan, repa.

Pero kahit ganito ako, siguro naman masasabi kong mabuti pa rin akong tao.

Kung katawan ko man ang nasisira dahil sa mga desisyon ko, at least hindi ko dinadamay ang ibang tao. Marunong akong rumespeto sa iba.

Gumagalang ako sa mga nakatatanda, sa mga babae, sa mga tambay at sa iba pang mga taong nakasasalamuha ko. Hindi ko rin ugaling makipag-away kung kani-kanino man kahit pa sabihing kaya ko namang bigwasan ang kahit sinong mangta-tarantado sa akin.

Ginagalang ko ang mga magulang ko sa paraang kaya ko at higit sa lahat, may takot ako sa Kaniya.

Iyon ang isang bagay na maipagmamalaki ko sa ibang tao at kahit sa inyong mga makababasa nito.

Hindi bale nang masama ang image ko sa ibang tao, basta alam Niya iyong saloobin ko.

Tanggap ko naman kasi iyong mga panghuhusga ng iba base sa itsura, pananalita at kilos ko. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ganoon dahil mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kanila.

Kasi sa totoo lang, hindi ako magiging si Axe kung hindi ako ganito.

At hindi rin ako si Palakol kung hindi ko nakilala si Adria na may pakana nitong lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

66.4K 1.2K 33
Daffney Levanidez wasn't interested in dating guys not until the night she met Darlin Francisco, the guy that would turn out to be her first love. DU...
20.6K 993 34
ARCHER SERIES 2 Cashcade Lyle Montage, a girl who's afraid of taking risks and commitments after a great heartbreak from JH never expected to meet so...
6.5K 377 33
Misfits Series #3: Your Eyes Tell (Published under Grenierielly Publishing) Living with misery and indifference, Keres had a difficulty in blending i...