Atlas Volume 2 [Warriors Batt...

By chrisseaven

3.7K 396 1.5K

Ngayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pags... More

Atlas Volume 2
History
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author's Note
Just Fun

Chapter 24

54 8 19
By chrisseaven






Chapter 24: Ang kahanga-hangang katangian ni Jericho


Walang araw na hindi nagsasanay si Jericho, lagi niyang binibigyan ng oras ang pagsasanay at naiinis siya kapag hindi nakakapagsanay. Minsan kaagapay niya ang kaniyang pamilya, minsan nama'y siya lang mismo nagsasanay sa sarili.

Dahil malapit ng muling magbukas ang Atlan Academy ay mas lalong nagsasanay si Jericho para lalo siyang lumakas, at nang sa ganun makayanan niya ang lahat ng mga pagsubok na ibibigay para maging ganap silang mga Trainee.

Alam ni Jericho na hindi rin basta-basta ang mga nangangarap na makapasok sa Atlan Academy, kaya hanggang maaga palang pinaghahandaan na niya para mapabilang siya sa mga magiging Trainee.

Isa lang si Jericho sa mga batang nais pumasok sa Atlan Academy hindi para maging isang Protector, kundi para mas lalong lumakas at magkaroon ng mga bagong kaalaman sa iba't ibang bagay.




Halos buong oras ni Jericho ay itinuon niya sa pagsasanay, ang lugar na kadalasan siyang nagsasanay ay sa loob ng malawak na kagubatang malapit lang sa bahay nila. Itong kagubatan na ito ay naging malaking bahagi na ng buhay niya, dahil dito siya nagsasanay edad apat na taong gulang pa lang siya at hanggang ngayon na sampong taong gulang na siya.

Maaga siyang umaalis sa bahay nila para pumunta sa kagubatan at magsasanay, minsan nama'y kapag hindi siya nakakadala ng baon ay hinahatiran siya ng kaniyang ama't ina. Suportadong-suportado si Jericho ng kaniyang pamilya, lalo pa't hindi malaki ang pamilya nilang Rowan, at tanging si Jericho lamang ang Gifted.

Maging sa gabi ay gusto niya paring makapagsanay sa loob ng kaniyang kwarto bago matulog. Sinasanay ni Jericho ang kaniyang sarili na makagawa ng mas malaking Ener Bubble, sa ngayon kasi ay maliliit palamang ang mga ito na parang mga bula lang galing sa paglaba.





Hanggang sa isang araw. Si Jericho ngayon ay nasa gitna ng malawak na bakuran ng kanilang bahay, habang pasan-pasan niya ang dalawang mabibigat na balde na puno ng mga tubig na galing lang mismo sa kapangyarihan niya. Sa subrang bigat ng mga ito ay pinagpapawisan na siya at hinihingal na, pero pinipilit niya pa ring ngumiti dahil talagang masayahin siyang tao.

Mayamaya pa'y hindi naiwasang may mga tubig ang natapon mula sa loob ng dalawang baldeng pasan-pasan niya lalo pa't punong-puno ang mga ito. Napahinto nalang si Jericho at napabuntong hininga na halos bagsak na ang mukha niya.

Dahan-dahan siyang tumalikod at lumakad pabalik sa kung saan siya galing kanina. "May natapon na namang mga tubig, kaya balik na naman ako sa start line..." mababang tuno ng boses niya.

"Anak Jericho, tama na muna yan...kain na! Ipagpatuloy mo nalang yan mamaya..." tawag sa kaniya ng kaniyang ina na si Ange na nasa labas ng bahay at pinagmasdan siya.

Nakabalik na si Josh sa kung saan siya unang nakatayo kanina. "Sinabi ko po sa sarili ko na hindi ako kakain hanggat hindi ko matatagumpayan ang hamon na ito..." sagot ni Jericho at muli na siyang nagpatuloy sa paglalakad habang pasan-pasan ang dalawang baldeng puno ng mga tubig, papunta sa kataposan o tagumpay na linya kung saan nakatayo ang kaniyang ama at ina.

"Anak kanina mo pa sana yan natagumpayan kung hindi ka balik ng balik sa pinakaunang linya...hayaan mo nalang kung may mga matatapon na mga tubig..." sambit ng ama ni Jericho na si Jake.

"Dahil po dito mas lalong masusubukan ang lakas at galing kong magbalanse ng katawan para hindi masayang ang mga tubig, kaya mas nahahamon po ako, bagay na gustong-gusto ko...huwag po kayo mag-alala matagumpayan ko rin ito..." naka ngiting sagot ni Jericho habang tuloy pa rin siya sa paglalakad papalapit sa kaniyang mga magulang.




Sa pagkakataong ito ay mas lalong nagiging maingat sa paghakbang si Jericho, at binabalanse na niya ang kaniyang mga braso lalo pa't dito pasan-pasan niya ang dalawang balde na pinagkonekta sa mahabang kahoy na hawak-hawak niya. Hanggang kaya ni Jericho ay pinipilit niyang huwag masyadong magalaw ang mga braso, ito kasi ang kadalasan na dahilan kung bakit natatapon ang mga tubig.

Kapansin-pansin na dahan-dahan lang na humahakbang si Jericho habang nagpapatakan na ang mga pawis niya. 'Dahan lang, dapat dahan lang para masigurado kong walang matatapon na mga tubig...' sa isip ni Jericho.

Dahil sa ginawang pagdahan-dahan lang na hakbang ni Jericho ay walang natatapon o napatak na mga tubig, at unti-unting nagiging abot tenga ang kaniyang ngiti nang mapansing ilang hakbang nalang ang natitira ay matagumpayan na niyang malapitan ang kaniyang mga magulang.




Hanggang sa hindi nagtagal ay natagumpayan na niya ang hamon niya sa sarili, kaya pumapalakpak ang kaniyang ama at ina. Bakas ang tuwa sa mukha ni Jericho habang dahan-dahan na niyang ibinaba ang pasan-pasan na dalawang balde.

Nang maibaba na niya ang dalawang balde ay hindi niya napigilan ang tumalon dahil sa tuwa "Horayyy!!! Isa na namang tagumpay!" Pagsisigaw ni Jericho habang ang laki ng kaniyang ngiti at inakbayan naman siya ng kaniyang ama at ina na parihong natutuwa sa tagumpay niya.

Naka ngiti sa labi si Jericho habang nilingon niya ang kaniyang mga magulang "Huwag po kayo mag-alala ang mga tubig po na nasa dalawang balde ay hindi po galing sa Ener Bubble, kaya magagamit po natin ang mga yan dahil wala yang lason..." sambit ni Jericho at tumango naman ang mga magulang niya.

"Taika Anak, tungkol naman sa Ener Bubble mo, pakitaan mo naman kami, gusto naming makita kung gaano na kalaki ang nagagawa mo ngayon..." saad ng kaniyang ama na si Jake.



Agad naman na pinagbigyan ni Jericho ang hiling ng kaniyang ama. Humiwalay muna si Jericho sa kaniyang mga magulang para ipakita sa mga ito ang Ener Bubble niya. Huminga muna ng malalim si Jericho at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. 'Tiwala lang. Malaki na yong nagawa ko, hindi yon himala lang, alam kong magagawa ko rin ulit yon ngayon.' Sa isip ni Jericho.

Inimulat ni Jericho ang kaniyang mga mata at agad niyang inangat ang mga kamay at nakalahad ang dalawa niyang palad sa itaas na himpapawid. Sa una'y maliit na bumubulang tubig pa ang makikita sa itaas, pero napapanga ang mga magulang ni Jericho nang unti-unting lumalaki ang bumubulang tubig o kapangyarihan na Ener Bubble.

Nanatiling nakalahad ang mga palad ni Jericho kaya nanatili ding mas lumalaki pa ang Ener Bubble. Hanggang sa biglang hindi na lumalaki ang Ener Bubble ni Jericho kaya naisip nilang hanggang dito pa sa ngayon ang laki ng Ener Bubble.

Ibinaba na ni Jericho ang kaniyang palad pero nanatili pa ring nakalutang sa itaas ang Ener Bubble niya. Naka ngiti sa labi ang mga magulang ni Jericho. "Ang galing mo talaga Anak, isipin mo, dati kasing liit lang niyan sa mga bituin sa malayo, ngunit ngayon kasing laki na ito ng araw. Magpatuloy ka lang Anak, hanggang sa kasing laki na yan ng mundo..." sambit ni Jake sabay akbay kay Jericho na naka ngiti.




Tuloy-tuloy ang pagsasanay ni Jericho at binibigyan niya ang sarili ng mga pagsubok o hamon, ilan na diyan ang hindi siya kakain hanggat hindi siya nakagawa ng isang daang lakad na nakabaliktad, ibig sabihin ay ang kaniyang mga kamay ang gamit niya sa paglakad.

"77, 78, 79...80...kunti nalang magawa ko na...tiis muna tiyan, kakain din tayo mamaya kapag matapos ko to..." medyo nahihirapan na siyang magsalita dahil sumasabay pa ang paghinga niya at talagang naliligo na naman siya ng mga pawis. Nakayanan niya ito sa kabila ng pagod at sakit, lalo na sa ulo niyang tila nakabitay sa ibaba.

Ang lahat ng ito'y ginagawa ni Jericho para makapag-ipon siya ng mga enerhiya, dahil alam niyang magkakaroon ng mga enerhiya ang mga Gifted kapag may mga bagay silang pinaghirapan gawin, lalo na kapag isinasanay nila ang sariling mga katawan sa pagod, at kapag napapalaban naman sila dito kadalasan lumalakas ang mga enerhiya nila.







Sa pagpapatuloy ng laban nila Josh at Jericho sa Battlefield ay wala pa ring kalaban-laban si Jericho, dahil nahihirapan pa siyang kumilos dahil sa lamig ng kaniyang katawan ito'y dahil nadapohan siya ng mga Snowflakes ni Josh.

Samantala, si Josh nama'y confident ng siya ang mananalo sa labang ito, kaya nakangiti siya habang mas lalo pang idinidiin ang kamao niyang nakasuntok sa tiyan ni Jericho.

Nanatiling tahimik lang si Jericho habang nagsusuka siya ng mga dugo at nakasandig pa rin siya sa dingding ng Battlefield. Mayamaya'y matapang na nakipagtitigan si Jericho sa kaharap niyang si Josh.

"Masyado ng marami ang mga pagsubok na naglagpasan ko, hindi ako makakapayag na lahat ng yon masasayang lang, kaya hinding-hindi ako magpapatalo..." pagkatapos nitong sabihin ni Jericho ay halos manlaki ang mga mata ni Josh nang makitang unti-unting napapalibutan si Jericho ng mga tubig.



Dahan-dahan na inangat ni Jericho ang kaniyang kamay sa itaas, at ilang saglit pay napaangat ng tingin si Josh at nanlaki ang mga mata niya nang makitang malalaglag na sa kaniya ang Ener Bubble na kasing laki ng araw na Ener Bubble sa kaniya. Dahil sa kaba ay naalis ni Josh ang kamao sa tiyan ni Jericho kaya nagawa na ni Jericho ang maglaho.

Dahil walang kakayahan na maglaho si Josh o Teleportation ay hindi nga siya nakaiwas at tuloyan ng bumagsak sa kaniya ang Ener Bubble ni Jericho, kaya siya ngayon ay nakahiga sa lupa at pinatongan ng Ener Bubble.



Sumulpot si Jericho sa gitna ng Battlefield at agad siyang napadapa sa lupa dahil nanghihina pa rin siya, pero sa tulong ng mga nakapalibot sa kaniyang katawan na mga tubig ay unti-unting bumabalik ang lakas niya dahil pinapagaling siya ng mga ito.

Hindi nagtagal ay dahan-dahan ng bumabangon si Jericho dahil bumalik na sa dati ang lakas niya, at nang matayod na siyang nakatayo ay unti-unti ng nawala ang mga tubig na nakapalibot sa kaniya.

Ilang saglit pa'y nagsalubong ang mga kilay ni Jericho nang makitang naglabas ng Ice Shield si Josh, kaya sa Ice Shield na ngayon nakapatong ang Ener Bubble niya.

Dahil sa lamig ng Ice Shield ni Josh ay pumutok ang Ener Bubble na nakapatong, ngunit dahil protektado ng Ice Shield si Josh ay hindi siya nabasa ng mga tubig na nagmula sa Ener Bubble kaya nakaligtas siya.




Pagkawala ng Ice Shield ni Josh ay dahan-dahan na siyang tumayo at hinarap niya si Jericho. Naging malalim ang titig nilang dalawa na parang galit na galit na sa isa't isa.

Napakuyom ng mga kamao si Jericho "Palaban ka Josh, ngunit ako nama'y kahit kailan hindi ako sumusuko..." pagkatapos nitong sabihin ni Jericho ay agad siyang tumakbo papunta kay Josh.

Nakahanda na rin ang mga kamao ni Josh at agad siyang tumakbo para salubongin si Jericho. Pagkalapit nila Josh at Jericho sa isa't isa ay agad na susuntokin ni Josh ang bandang mukha ni Jericho, ngunit mabilis na umiwas patagilid si Jericho at agad niyang hinawakan ang kamay na isusuntok ni Josh.

Naging madiin ang hawak ni Jericho sa kamay ni Josh na para bang babaliin niya ito, pumunta siya sa likod ni Josh habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay nito, at gamit ang tuhod niya ay sinisipa niya ang likod ni Josh kaya napapasigaw ito't napapangiwi.

Ilang saglit pa'y binitawan na ni Jericho ang kamay ni Josh at sinuntok niya ng malakas ang likod ni Josh kaya tumilapon ito. Habang tumilapon pa si Josh ay lumapit na naman si Jericho sabay sipa niya ng pagkalakas sa likod nito, kaya mas lalong malayo ang pagkatapon ni Josh.

Agad naglaho si Jericho at sumulpot sa harap ni Josh at hindi pa nga ito bumagsak sa lupa ay agad na naman siyang sinipa paitaas ni Jericho. Dahil may kataasan ang mga paa ni Jericho at sanay na sanay siyang lumaban gamit lang ang mga paa at kamay ay naging mataas ang pagkatapon sa himpapawid ni Josh dahil sa sipa ni Jericho.




Ang lahat ng mga manunuod ay napaangat ng tingin dahil sa taas ng pagkatapon ni Josh. Hanggang sa bumabalik na paibaba si Josh at nang papalapit na itong bumagsak sa lupa ay agad na tumakbo si Jericho at tumalon siya papunta sa itaas ni Josh at sabay inangat niya ang isa niyang paa at malakas niyang sinipa paibaba si Josh.

Nang pabagsak na sa lupa si Josh ay muli pa siyang nilapitan ni Jericho sabay malakas siyang sinipa sa kabila namang paa ni Jericho. Sa subrang lakas ng pagkasipa ni Jericho ay napaka-lakas din ng pagkabagsak ni Josh na halos nabutas ang lupa at naibaon siya.

Marami sa mga manunuod ang napahanga ni Jericho, marami sa kanila ang nagsitayoan at pinapalakpakan si Jericho. Habang ang tagahukom naman na si Sinaunang Shadow Andres Waluna ay napapanganga "Hindi lang pala espesyal na kapangyarihan meron ang batang yan, dahil magaling din pala siya makipaglaban gamit ang mga paa at kamay lang..." pagkahangang saad ni Andres.




Mayamaya pa'y sa kabila ng sakit sa katawan ni Josh ay nagawa niya pa ring dahan-dahan na bumangon at napapangiwi pa siya dahil humahapdi ang kaniyang katawan dulot ng pagsisipa sa kaniya ni Jericho. Nakatayo na nga si Josh pero hindi pa rin siya gaano kalakas, kaya hindi masyadong matayod ang tayo niya, pero pinipigilan naman niyang bumagsak ang kaniyang katawan.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jericho nang makitang nagawa pa rin siyang harapin ni Josh sa kabila ng sakit na ibinigay niya sa katawan nito.

"Taposin na natin 'to!" Pagkatapos nitong sabihin ni Jericho ay agad niyang inangat ang mga kamay sa itaas at ikinagulat ng lahat nang biglang napapalibutan si Jericho ng mga Ener Bubble na hindi man masyadong malalaki katulad sa mga naunang ipinalabas niya, ngunit subrang dami naman ng mga Ener Bubble na ito.

Tila mahuhulog na ang panga ni Josh sa kakanganga dahil sa nakita niyang halos ang buong Battlefield ay pinapalibutan ng mga Ener Bubble. "Mukhang hindi ko na kaya to...pero lalaban pa rin ako..." mababang tuno ng boses ni Josh.









Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 74 15
I Love Him, but He Loves Him!.....
1.6M 64.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
1K 50 27
sa pag ibig Kaya mong gawin ang lahat para makuha lang ang pansin kahit na kahiya hiya kana sa harapan ng taong inaasam mo mula ng bata pa kayo.hangg...
13.2K 587 24
MELANCHOLIA STAND-ALONE VOLUME 1 Highest Rank Achieved ➡ #54 in Teen Fiction . . . ❝I met the guy with his smile when my pen started to phlebotomize...