Game of Love

By Aethan2001

851 65 26

This story is a Transgender x Straight story. Skip this if you are a Homophobic. More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 1

144 10 4
By Aethan2001

SUMABOG na ang mga speakers namin sa sala dahil sa lakas ng tunog na nangga-galing rito, Umaalingaw-ngaw ang malakas na beat dahil sa amplifier na binili pa ni papa noong bagong kasal pa lamang sila ni mama. Bumangon na ako dahil sa ingay at nag-inat muna ng katawan bago inayos ang kama. They say that if you want to achieve your goals in life, you should start on the little things first, like fixing your bed.

Pagkatapos kong ayusin ang kama ay lumabas na ako ng kwarto para magpunta sa banyo namin dito lamang sa gitna ng mga inookopa naming kwarto, mag-isa lamang ang banyo namin dito sa loob at may isa pang banyo sa labas na ginagamit kapag may sira o may gumagamit ng banyo dito sa loob. Pagkatapos kong magritwal sa loob ng banyo ay pumunta na ako sa kusina kung saan nagluluto ng agahan si mama. I kissed my mom on the cheeks after greeting her.

"Gisingin mo na ang kuya mo at hindi yata magising ng malakas na speaker." sabi niya habang hinahalo ang mga nilagay na pampalasa sa niluluto niyang sinangag.

"Nako ma baka puyat yon dahil nag stream siya kagabi hanggang alas tres ng madaling araw, hayaan mo na muna wala pa naman kaming pasok." kuda ko habang humihila ng upuan para maupo na.

"Hay nako, kaya nanga-ngayayat yang kapatid mo dahil diyan sa pag stream na yan, hindi nalang mag apply ng pansamantalang trabaho sa munisipyo kaysa yang pagalalaro na yan." at doon na nga umangat ang sungay ko.

"Ma, wala tayong magagawa kung yan ang gusto ni kuya, nakaka tulong naman siya sa mga gastusin dito sa bahay, nakaka tulong din siya sa pagaaral niya dahil imbes na sabihin pa niya sa inyo ang iba pang mga bayarin sa eskwela eh, siya na mismo ang nagbabayad dahil lang diyan sa pag stream niya na ayaw niyo." Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

" Ma, masaya ang kuya dahil sa paglalaro niya at masisigurado mo ba na magiging masaya siya diyan sa sinasabi mong pansamantalang trabaho sa munisipyo? Hindi diba? " Hinihingal na ako pero gusto ko pa rin siyang sermonan.

"Anak, hindi naman sa--" pinutol ko siya agad at rumebat.

"Ma, kung kayo ba noon pinilit ni lolo at lola na mag nursing imbes na mag education matutuwa kayo? Hindi diba? Kasi hindi yun ang passion mo! Hindi yun ang gusto mo! Ngayon, isipin mo si kuya, masaya siya sa pag stream, pipigilan mo pa ba?" ibinaba ko sa lamesa ang kamay kong naitaas ko na pala.

" Naintindihan ko naman ang punto mo anak, kaso sana wag naman sana magpuyat ang kuya mo ng sobra, suportado ko kayo, pero kapag nakasalalay na diyan ang kalusugan at kaligtasan niyo tututol at tututol ako." naluluha si mama habang nagsasalita.

"Hindi mo alam anak ang pag-alala ng isang ina sa kanyang mga anak dahil hindi ka isang ina, pero sana maintindihan mo ako." dinuro ni mama ang dib-dib niya at pinunasan ang tumulo na niyang luha. Tumalikod siya at tinuloy ang pagluluto.

Tumayo agad ako sa aking kinauupuan at niyakap siya mula sa likod.

" Ma, huwag kayong mag alala, kakausapin ko na ang kuya na huwag na masyadong magpuyat pa." Hinalikan ko siya sa pisnge at kumuha na ng mga pinggan para maayos na.

Tanghali na nang magising si kuya dahil napuyat siya kagabi. Nakaupo siya sa sofa habang pinupunasan ng towel ang basang buhok. Sunog ang kanyang balat dahil sa palaging pagbabad sa araw dahil na rin sa course niya, semi kalbo ang buhok at matikas ang tindig.

" Kuya, pwede ba kitang makausap? " tanong ko nang nakaupo sa kaharap niyang sofa. Tinaas niya ang tingin sa akin.

"About what?" tinaas niya ang kanyang kilay at umayos ng upo.

"Kuya, kasi si mama, nag aalala na sa pagpupuyat mo." tumingin ako sa kanya na parang nagmamakaawa.

"Bakit, anong meron?" pinagsiklop niya ang dalawang kamay at dinagan ang mga siko sa kanyang mga binti.

"Kuya, kung pwede daw ba, mag stream ka pero wag ka magpaabot nang sobrang gabi? Nangangangayat ka na raw kasi." Sabi ko sa kanya.

Ang akala kong pagtutol niya sa sinabi ko ay hindi nangyari.

"Talaga naman na mahal ako ni mama ah, oh sige mamaya hanggang alas onse nalang ako." tinaas taas niya ang kilay niya at tila sinakal niya ako sa kanyang braso habang niayayakap ako sa leeg. Halos maubo na ako sa sobrang sikip, gago talaga.

"Kuya buhatin mo naman ako sa nilalaro ko di na ako makaalis sa rank ko" sabi ko sa kanya habang inaalis ang kamay niya.

"Hindi pwede eh, naka kontrata ako, at nakalagay doon na hindi ako pwedeng maglaro ng ibang laro habang hindi pa tapos ang kontrata." Napailing siya habang nagsasalita. May ganon palang kontrata, ampangit naman.

"Kuya, gusto ko pala makapasok sa tournament ngayong season na 'to kaso mediyo hirap ako eh, gusto ko na rin magkaroon ng sariling pagkakakitaan." Sumandal ako sa sofa at pinikit ang mga mata, nag de kwatro rin ako para mas marelax.

"Bakit di ka nalang kasi mag stream muna o di kaya'y mag upload ng mga highlights sa nilalaro mo? Ganon ang mga nakikita kong nagsisimula palang. Huwag mong  madaliin ang pag pasok sa pro scene dahil hindi yan madali lalo na at hindi mo ako kasing galing." Tangina neto, hambog by sagpro crew.
Bumangon ako sa pagkakasandal sa sofa at inirapan siya.

Alas siyete ng gabi pagkatapos nga ng hapunan ay naglaro ako. Binabalak ko munang mag record ng mga highlights dahil sa ganon mapaparami ang magiging interesado sa laro ko.

Nabigla ako nang makita ang isang pamilyar na squad, trio sila. Ang squad na ito ay kilalang team sa pro scene, napanood ko na silang mag stream at mabait naman sila sa kanilang mga viewers, nagbibigay rin sila ng mga libreng skins at nagsesend pa ng pera sa gcash ng kanilang mapipili.

Sa kalagitnaan ng laro, habang tumutulong ako sa jungler ay aksidente kong natamaan ang buff na kailangan niya para mas maging malakas. Lagot.

Nexus (Lex) : Put@ngina naman! Nananadya ka bang tanga ka?

Ito na nga ba ang sinasabi ko, galit na.

Moonlight (Val) : Pasensya na hindi ko sinasadya, akaka ko kasi gagamitin mo yung jungle spell mo.

Pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang kaba. Hinahaplos ko na sa cotton shorts ko ang aking mga palad dahil namamasa na nga ng sobra.

Nexus (Lex) : Tanga tarantado! Mag respawn na yung  Rey, sa kanya ko sana gagamitin ang jungle spell para hindi maagaw ng kalaban at matapos ng maaga itong game! Stupida! Palibhasa pabuhat!

Ebarg naman tong si kuya, parang sumosobra naman na. Sa kay tagal kong naglalaro rito ay hindi pa ako namura ng ganito kahit na minsan nga ay nala-last hit ko ang mga buff nila.

Moonlight (Val) : Pasensya na talaga, hayaan mo di mo naman na ako magiging kakampi next game.

Nexus (Lex) : Dapat lang tangina! Ikaw na ang pinakabobong support na nakalaro ko!

Grabe ang sakit naman nito magsalita, hinayaan ko nalang siya at nag focus nalang sa game. Mabilis nang maubusan ng energy ang jungler dahil wala na siyang buff. Pabalik balik siya sa base at ako parin ang sinisisi niya, ilang segundo pa bago mag respawn ang paibagong buff kaya kailangan niya munang hintayin ito bago kunin ang Rey. Hindi na ako susunod sa kanya dahil baka ma last hit ko na naman, sigurado akong ibang level na naman nang panenermon ang makukuha ko.

Mediyo nahirapan siya sa pagkuha dahilan para makuha ng kalaban ang unang Rey. Sinisisi ulit ako ng tukmol dahil dito, kung hindi ko raw sana kinuha kanina ang buff ay nakuha na sana namin ang unang Rey.

I made a miracle play afterwards. Dahil siguro sa kagustuhan kong manalo na at matapos na ang larong ito ay nakagawa ako ng isang pambihirang laro. I wiped out the whole team when they try to push for our mid lane. May dalawa pang natitarang turret at kailangan nila itong sirain para makapasok sa base at sirain ito.

I'm glad that the hero I am using has a lot of dash skills. Magaling rin ang tank kaya nagawa ko ang larong iyon. Una kong napatay ay ang jungler, magkasabay namang namatay ang marksman at sorcerer sumunod ang offlaner at pinakahuli ang tank.

Bumili ako ng mga magic penetration items kaya madali ko lamang silang napatay. Pinupuri ako ng tank ngunit ang jungler ay tahimik lamang. Wala na akong pakealam sa kanya, ang tanging iniisip ko nalang ay ang kunin ang susunod na mas matigas na Rey para matapos na ang laban na ito. Halos kalahating minuto pa bago ito mag respawn ulit kaya   magfocus muna ako sa mga mas malambot na mga creeps dahil kailangan ko pa ng maraming gold para makuha na ang last item ko. Kailangan ko parin ng defense item dahil malakas rin ang mga kalaban.

Pagkatapos ng laro ay nag edit na ako, nilagay ko sa intro ang pagka wipe out ko sa mga kalaban para mas maging kaaya-aya ito at mas lalong tangkilikin ng mga manonood. Nang matapos sa pag edit ay ini-upload ko na ito sa aking YouTube channel at Facebook account. Marami akong natanggap na comment. Marami ang nagsasabing matagal na silang nagaabang sa mga content na dapat noon ko pa ini-upload. I have almost 50 thousand followers on Facebook at alam kong mas madali lang mapansin ang naunang video ko.

Napag-isipan kong magpahinga muna dahil parang napuno ako ng negative energy dahil sa encounter ko sa jungler namin kanina. Ganon ba talaga siya maglaro, o sa akin lang. Wala naman akong narinig o nabalitaan na ma attitude ang mga players ng Phantom. Doon ko pa naman binabalak ang maglaro pero parang aatras yata ako. Nakakatakot naman yung jungler nila. Parang hindi ko kakayanin ang ganong klaseng pang trashtalk at baka maiyak lang ako.

Nanood muna akong ng mga ibang streamers dahil hindi pa naman ako inaantok. Ang tanging naririnig ko lamang na sinasabi nila ay, "salamat sa panonood at pagsend ng mga stars" hindi ko sila masyadong naririnig na magmura.

Ang pinapanood kong streamer ay si Lance, yung crush kong player noon pa. Ka edad lamang ni kuya at malapit na ata mag graduate sa kursong Med Tech. Napakabait niya at sobrang napaka gwapo. Ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay ang kilay niyang may paikot sa dulo. Para siyang demonyo pero maamo ang mukha, yung kilay niya lang talaga ang mataray.

Sa kalagitnaan ng panonood ay lumipat sa ibang video ang pinapanood ko.

Siya ay isang transgender vlogger, pinapayuhan niya ang ibang mga transgender tungkol sa mga iniinom nilang hormones. Pinanood ko ito hanggang matapos. She talked about bio identical hormones that are way safer than synthetic hormones.

Sa napanood ay napaisip ako. Matagal ko ng alam sa sarili ko na isa akong trans, pero dahil isang respetadong pulis ang tatay ko ay hindi ko na naisipang maglalad muna. Hindi ko pa pinahaba ang buhok ko at mas lalong hindi pa ako nagdadamit ng mga pambabae, hindi ko rin naisipang uminom ng mga hormones kahit na naririnig ko na ito sa mga kaklase kong bading.

Sinasabi ng iba na napaka androgynous ko raw, bagay ko ang maging lalaki at bagay ko rin ang maging babae. Magpahaba lang daw ako ng buhok ay tiyak marami akong mapepeke. Ngunit kapag nasa banyo ako o kapag tinitignan ko sa salamin ang katawan ko, parang may kulang at naiilang ako. Hindi ko gusto ang katawan ko at hindi ako natutuwa.

Makinis ang balat ko pero kapag pagmamasdan ay parang katawan parin ito ng isang batang lalaki. Marami akong insecurities sa katawan at gusto ko na itong mawala.

Bukas na bukas ay sasabihin ko na kay mama ang gusto kong mangyari. I will visit an endocrinologist and I will undergo hormone replacement therapy.

I will conquer my dysphoria and I will live my life the way I wanted.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
6.6K 674 21
HR: #1transwomen HR: #1kwentongpinoy HR: #2pinoy HR: #5pinoystories Being single made Elijah realize na hindi naman pala natin kailangan ng iba para...
57K 3.1K 14
DANGEROUS SON SERIES 3: ON-GOING | BL | RATED 18 | MPREG SYNOPSIS: FOILE RHYSER MONTESALVE X WINTER LAIN DEL-VALLE "SA MULING PAGTATAGPO MATUTUPAD...
3.5M 101K 75
Simula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya del Francia, kasama ng kaniyang Ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang Ina kaya napa-su...