Conrad Series 1: The Servant

By SaviorKitty

4.5M 160K 205K

Conrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retire... More

Conrad Series 1: The Servant
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 21

92.1K 3.5K 11.3K
By SaviorKitty


Kabanata 21:


They said nothing would change, that I will remain their child, that Adilyn will simply take the position, but that is not what I am seeing now because, whatever they say, I know it's not the same as before. Gusto kong magalit, pero kanino? Kung pare-pareho lang kaming biktima, ako nga lang 'yong walang kakampi.

Hindi ko sila masisisi, bakit pa nila papatagalin kung nandito na ang totoo nilang anak? Bakit nila hihintayin maging handa pa ako? Sino ba ako?

That is not how it works here. The royal family has rules and traditions. No reason, no exemption, no what-ifs.

Blanko ang aking mukha habang inililibot ang tingin sa aking bagong kwarto.

Ito na ang aking tutulugan simula ngayon dahil hindi raw panatag si Adilyn sa kwartong ibinigay sa kaniya, kaya naman inilipat siya malapit sa kwarto ni Gavril, sa dati kong kwarto.

Mas malaki at kumpleto ang gamit sa loob, mas ligtas. Sound proof at bullet proof nga naman doon.

They are right; that room is really for their child, the heiress and I am not.

And what hurts me is that they move on so fast to that issue. Na talagang sinabihan lang nila ako pag-uwi nila at tanggap na nila iyon, hindi ko tuloy maiwasan maisip na sa mga panahon na hindi ko sila ma-contact ay magkakasama na sila.

Dalawang araw na ang nakaraan pero malinaw pa rin sa akin lahat ng binitawan nilang salita.

Umiyak ako sa gilid ng pond ng araw na iyon, inubos ko lahat ng maaari kong iiyak at nang bumalik ako sa mansyon ay ni isang luha ay wala na akong ipinakita sa kanila hanggang ngayon.

I am Alora Ebony, even I am not a Lavelle I won't let them see me bleed.

Kung sila nga hindi apektado, bakit ako aapektado? Ang kailangan kong gawin ay alamin ang totoo, sino ako? Nasaan ang mga magulang ko? Hinahanap ba nila ako?

Gabriela, Gav's mother, comes to mind. She's been missing for some time now, and she's the only one who knows what's going on and she's the only one who can answer all of this.

Kung totoong binibintang nila na ang pamilya ko ang may kagagawan ng nangyari sa pamilya ni Gavril ay mas lalong ayaw ko ng humarap sa kaniya.

Dalawang araw ko na rin siyang hindi kinikibo, masiyado rin silang abala lalo't narito na ang bagong tigapagmana.

Abala ang mga katulong sa pag-aasikaso kay Adilyn, si Papá at Gavril din ay tingin ko ay may inaasikaso, narinig ko naman kay Mamá habang kausap si Papá kanina na dadating si Count Maddox mamaya, sinabihan nila akong bumaba kapag ipinapaliwanag na nila ang nangyari.

I don't care about the wedding anymore.

I'm hurt but I don't want to leave Mamá and Papá like that. Siguro nga may galit ako, kasi parang ang dali lang para sa kanilang bitawan ako.

Pero bakit ko nga nakalimutan dito umiikot ang buhay ng Lavelle. Mas mahalaga ang tradisyon, mas mahalaga ang sasabihin ng ibang tao sa pamilya, mas importante ang tigapagmana kaysa sa tagal ng pinagsamahan.

Napalingon ako sa pintuan ng bago kong kwarto nang bumukas iyon, unang sumilip ang ulo ni Anna na bahagya pang nagulat nang makitang nakalingon ako.

Dala-dala niya ang ilang gamit ko, hindi ko na pinakuha ang iba lalo't hindi naman sa akin iyon.

Ang mga alahas at gamit na regalo para sa tigapagmana ay iniwan ko na roon, tanging personal na gamit ko na lang ang inilipat ko.

"S-Senyora, saan po namin ito ilalagay?" takot na tanong niya.

Doon ko nakitang may kasama siyang isa pang kasambahay na kasing edad lang din niya siguro. Sinenyasan ko silang ipatong na lang sa kama, akala ko ay si Mersita ang magdadala mukhang inutusan siya ni Mamá. Hindi ko rin kasi masiyadong nakakasama na si Mersita lalo't nandito na si Mamá.

"Bakit ba kasi tayo pa ang inutusan nito, hindi naman na natin siya amo, wala ba siyang kamay, laki-laki ng katawan." Narinig kong bulong ng kasama ni Anna.

Nilingon ko kaagad sila, naningkit ang aking mata dahil malinaw na malinaw iyon sa akin.

Kaagad kong nakita ang takot sa mukha ni Anna, siniko niya ang kasamang babae, palibhasa ay nasubukan niya ang galit ko noon.

Wala akong planong magtaray, pagod ako makipag-away.

"Anong pangalan mo?" kalmadong tanong ko sa nagsalita.

Napakamot siya sa batok. "K-Keisha po."

"Sa susunod lakasan mo ang boses mo, medyo mahina ang pandinig ko. Siguraduhin mong maririnig ko," kalmadong sabi ko.

Kaagad siyang napayuko. "S-Sorry po."

"Ayan ikaw kasi," narinig kong bulong ni Anna bago hinawakan sa braso ang kasama niya. "A-Ah, Senyora. Aalis na po kami." Nagtutulakan at nagmamadali pa silang lumabas ng kwarto.

Napailing ako bago ayusin ang aking mga gamit sa ibabaw ng kama, balak kong ayusin sa cabinet iyon, walang walk-in closet ang kwartong ito katulad sa dati kong kwarto.

Nakita ko sa aking bag ang cellphone, umupo ako sa kama upang buksan iyon.

I smiled when I remembered that they took down all my photos on social media and my accounts were deleted too. I think they're planning to make new ones for the new heiress.

Humugot muna ako ng hininga, sinubukan kong tawagan muli si Elias pero katulad din kahapon, nag-ring naman iyon bago namatay.

"P-Please, Elias. I need someone to talk, mababaliw na ako," bulong ko.

Nang sunod kong tawag ay tuluyan ng nakapatay ang kaniyang phone, ni ring ay wala na.

Bumagsak ang aking balikat at napatulala ako habang nakatingin sa numero niya sa contact ko.

'Bestfriend'

Siguro ay nakarating na sa pamilya nila ang balita, baka alam na nila ang tungkol dito. Mahigpit ang nga Lavelle ngunit paniguradong hindi naman ito ililihim nila Papá lalo't para ito sa tigapagmana nila, baka alam na nilang hindi ako totoong anak ng mga Lavelle kaya naputol na rin ang pagkakaibigan namin ni Elias.

"Elias, ba't naman p-pati ikaw," I whispered. Akala ko iba siya, akala ko mananatili siya.

Maiintindihan ko pa sila Mamá kasi totoong kadugo nila si Adilyn, talagang iyon ang pipiliin nila kahit mas matagal akong kasama. Si Gavril, mas matagal at madami silang pinagsamahan kaysa sa akin na halos isang buwan lang, hindi ako umaasang ako ang pipiliin niya pero si Elias, kaibigan ko siya e, alam niyang siya lang ang nag-iisa kong lalapitan pero tumalikod din siya.

My chest hurts, but there are no tears anymore.

Imbes na kulitin pa siya ay pinatay ko na lang ang phone ko saka inayos ang aking mga gamit.

Pilit kong tinatandaan ang mga tinuro ni Mersita kung paano magtupi ng damit. She thought I didn't listen to her rant and lesson, but I always did. I always listened and practiced it when I'm alone.

Nang matapos ko iyon iayos sa cabinet ay isusunod ko sana ang personal na gamit ko sa banyo pero napukaw ang atensyon ko sa ingay galing sa labas ng aking bintana.

Hindi katulad sa dati kong kwarto na may veranda, rito ay wala. Binuksan ko ang kurtina para makita ko ang pinanggagalingan ng ingay na sana ay hindi ko pala ginawa.

I see Gavril and Adilyn, laughing at something while she's riding my horse.

Naglalakad at inaalalayan ni Gavril ang kabayo sa stone path papuntang harapan ng mansyon, mukhang galing sila sa likuran.

May sinasabi si Adilyn kay Gav, humalakhak si Gavril dahil doon.

Napangiti ako nang makita ang kaniyang pagtawa na may tunog pa.

There's something lancinating inside my chest. Bigla kong naisip na hindi ko pa siya nakikitang tumawa ng gano'n na ako ang kasama. Ilang beses niya akong nangitian pero hindi ko pa siya nagawang mapatawa.

I never made him happy like that.

Bigla kong naalala ang pagtulak ko sa kaniya palayo sa akin nang araw na iyon. Paano ko naman magagawang lumapit pa kung sinasabi nilang ang totoo kong pamilya ang gumawa sa kanila ng masama? Ang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang ama at bakit hanggang ngayon ay nawawala ang kaniyang ina.

Bigla kong naalala ang gabi na binigyan niya ako ng singsing bilang pangako na pakakasalan niya ako.

Kung hindi dumating sila Mamá ay buo na ang desisyon kong sumama sa kaniya at sundin ang plano niya, naaalis kami, na iiwan ko ang lahat ng ito para sa amin.

Ngayon ko naisip, kahit sabihin ko sa kaniya iyon ngayon na pumapayag na akong umalis na kami ay alam kong hindi na siya sasama sa akin.

Maybe he was just saying those words, so I can't notice their real plan.

Bago pa nila ako makita ay isinarado ko na ang bintana, sandali ko pang pinakalma ang aking sarili bago mag-ayos muli ng gamit.

Nang magtanghalian ay bumaba na ako dahil hindi naman na ako dadalhan ng pagkain lalo't nandito sila Mamá at Papá. Wala sa kusina ang tanghalian namin, sa labas kami kakain malapit sa pool dahil nga dadating si Count Maddox.

Ayoko na sanang sumabay sa kanila katulad kahapon pero nasabihan na ako kanina.

I took a hard breath before finally stepping out of the mansion.

Pagkadating ko roon ay maraming tao, abala ang mga katulong. Mas nanliit ako nang makitang madaming pagkain sa mahabang lamesa, talagang pinaghandaan nila.

Unang lumingon sa akin si Mersita, lalapitan niya sana ako nang magsalita si Adilyn.

"Nanay Mersita, pwede pong papalitan po 'yong baso ko po, may fingerprint po, thank you po." Lihim akong nairap.

Tipid na lang akong nginitian ni Mersita bago sundin si Adilyn.

Bitch you're so maarte. Ako lang may karapatan mag-inarte rito. Bakit hindi mo dilaan niyang fingerprint, hindi ka naman mamatay riyan.

Ewan, mukha naman siyang mabait sabi nila pero wala akong tiwala sa ganyan. I don't want to judge her, pero iyon naman talaga ang dahilan nila hindi ba? Pera?

Deretsyo ang aking mukha nang mas lumapit sa kanila, hinila ko ang isang upuan sa eight seater at gumawa iyon ng ingay.

Ramdam ko ang paglingon nila sa akin. Gosh I hate attention now.

"Oh good you're here, Ebony I think we can start now, Count Maddox," si Papá.

Nag-angat ako nang tingin.

Si Papá ang nasa kabisera ng lamesa, sa kanan niya ay si Mamá na katabi si Adilyn. Sa kaliwa ni Papá ay nandoon si Gavril, katabi niya si Count Maddox habang nasa kabila akong kabisera katapat ni Papá, bakante ang upuan sa aking kaliwa na katabi ni Adilyn at sa kanan na katabi ni Maddox.

"Magandang tanghali, Milady," bati kaagad ni Maddox sa akin, walang emosyon pa rin ang boses.

Tumango ako sa kaniya, hindi pa nasasabi sa kaniya nila Mamá ang tungkol sa akin?

Lumagpas ang tingin ko kay Count Maddox, gumagalaw ang panga ni Gavril habang nakatingin sa bakante niyang pinggan.

Maybe he's angry because he thinks I'm getting the attention that is for Adilyn.

Lahat kami ay napatingin kay Count Maddox nang tumayo siya, lumipat siya nang upuan sa kanan ko. Napatingin ako kay Mamá nang bigla siyang napainom sa kaniyang tubig, tumikhim naman si Papá.

"Go start," utos niya kay Papá na hindi ito nililingon. Nanlaki ang mata ko lalo na nang lagyan niya ako ng kanin sa aking pinggan. "Anong ulam ang iyong gusto?" tagalog na tagalog na bulong niya.

Pinigilan ko kaagad ang kamay niya sa sobrang hiya, dapat ay si Adilyn ang inaasikaso niya ng ganito hindi ako.

"Ako na, Count," pigil ko sa kaniyang kamay, tumango siya't binigay sa akin ang serving spoon.

Mahabang katahimikan muna bago nagsalita si Papá. Halos isarado ko na ang tainga ko para lang hindi marinig ang paliwanag niya, inulit niya kay Count Maddox ang lahat ng sinabi nila sa akin noon. Tahimik akong kumakain ngunit hirap na hirap akong lumunok. Napadami tuloy ang aking kain para lang may magawa ako at hindi sila mapakinggan sa pinag-uusapan.

"And that's the story, Count Donavan. This is my daugther, Adilyn. Soon, she will be Lavelle. Ngayon linggo lang din, inaayos na ang mga papeles niya at ngayon buwan ay maikakasal na kayo," ganadong pagtatapos ni Papá.

Napainom ako ng tubig, nagtama ang mata namin ni Gavril.

Nakita kong bumaba ang tingin niya sa aking labi bago bumalik sa pagkain niyang mukhang hindi niya ginagalaw.

"That's it?" ani Count Maddox.

"Huh?" boses ni Mamá, pati tuloy ako ay naguluhan.

"I don't care who's who. I don't like that ugly kid. I want her." Turo niya sa akin.

Nanlaki ang aking mata, napalingon na ako kila Papá, galit kaagad ang nakita ko sa mata ni Mamá animong sinira ko ang plano nila. Wala akong ginagawa, nakita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Adilyn.

"C-Count! I am not a L-Lavelle," ulit ko dahil baka hindi niya naiintindihan.

"That's fine. You'll change your surname to mine anyway," kalmadong sabi ni Maddox, nagkibit balikat pa siya. "Eat more," utos niya sa akin, tinaas niya ang kamay, lumapit ang isang maid para salinan ng juice ang baso namin.

Hindi ako nakapagsalita, uminom si Papá sa kaniyang baso, natulala ako sa pinggan ko.

"Hindi pwede iyan, Count Maddox dahil may usapan na kami ng 'yong Papá. Ang pagsanib ang Lavelle at Donavan ang sasalba sa atin, you need us," medyo naging madiin na boses niya.

Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanila, Count Maddox chuckled.

"Mr. Lavelle, kayo ang higit mas kailangan kami."

"Your father won't allow this Count Maddox, a royal for royals and here... my daughter Adilyn, the heiress." Hinawakan ni Mamá ang braso ni Adilyn, napaayos ako ng upo.

Narinig ko ang pagbaba ng kutsara ni Gavril, hindi ko na sila malingon.

"My father won't mind if I marry the woman I want, and I want Ebony, now take it or not. Hindi ko naman hinihingi ang pabor niyo tungkol dito lalo't hindi naman pala kayo ang magulang niya, siya ang magdesisyon nito, Mr. Lavelle." Kaagad kong hinawakan ang pulso ni Count Maddox dahil pakiramdam ko ay mag-aaway na sila.

Nakita ko ang matalim na tingin doon ni Mamá, bumaba rin ang tingin ni Gavril doon, nakita ko kung paano niya paglaruan ang dila sa loob ng kaniyang bibig.

"Ebony won't marry you." Nanlaki ang mata ko nang umalingawngaw ang kalmadong boses ni Gavril sa hapagkainan.

Nilingon namin siya, nakataas ang sulok ng kaniyang labi habang nakatingin sa hawak niyang baso na bahagya niyang ginagalaw-galaw.

"Oh, I didn't know we have a guard here," si Maddox.

"He's my brother," tanggol ni Adilyn.

"Oh, your brother is a guard then?"

Para na akong kakapusin ng hininga sa sagutan nila.

"Sorry, excuse me." Mabilis akong tumayo upang pumasok sa bahay, bago pa man ako maakyat sa itaas sa aking kwarto ay may humawak na sa aking braso, kaagad akong napalingon doon. "M-Mamá"

Tinambol ang dibdib ko sa kaba. Hindi pa kami nakakapag-usap simula noon.

"What do you think you're doing, Ebony? I know your plans!"

"P-Po?"

"Anong sinabi mo kay Count Maddox noong wala kami? Siguro ay siniraan mo na ang Lavelle kaya gano'n ang asta niya, tama ba Ebony?" Nagulat ako sa pagtaas ng kaniyang boses at galit sa kaniyang mukha, buong pag-aakusa iyon.

"Mamá, n-nasasaktan po ako." Napangiwi ako sa pagdiin ng kaniyang kuko sa aking braso. "Wala po akong sinasabi at ginagawa."

Dahan-dahan binitawan ni Mamá ang braso ko, kaagad kong sinapo ang braso ko, hinintay ko siyang mag-sorry pero wala akong narinig.

Malakas siyang bumuntonghininga, seryoso ang mukha.

"Umakyat ka na sa kwarto mo."

Tumango na lang ako, sobrang lakas pa rin ng kabog ng puso ko sa takot sa kaniya.

Tatalikod na sana ako nang magsalita siya ulit. "Bukas, dadating ang ilang kaibigan ng pamilya. Manatili ka sa kwarto mo dahil ipapakilala namin si Adilyn sa kanila, ayokong mangyari ang kanina," seryosong bilin niya bago ako talikuran.

Napatitig ako sa kaniyang likuran hanggang tuluyan siyang makalayo. Iniiisip ba niyang ipinapahiya ko si Adilyn, wala naman akong ginagawa.

Buong araw na iyon ay nanatili na ako sa kwarto, hindi ko alam kung anong oras natapos ang usapan nila sa labas.

Nang gumabi ay bumaba ako para mag-dinner pero nang marinig ko ang tawanan nila sa kusina ay bumalik na lang ulit ako sa itaas at natulog na lang.

Kinabukasan ay pumunta ako sa dati kong kwarto para kunin naman ang mga naiwan kong mga personal na notes at damit doon na hindi naisama. Sinigurado kong wala si Adilyn upang hindi kami pumang-abot, alam kong sa ganitong oras ay nasa labas sila katulad noong mga nakaraan araw.

Kinuha ko sa drawer ang mga notebook at laptop ko, binuksan ko ang isang drawer sa aking lamesa para kunin ang ibang gamit ko roon nang bumukas ang pintuan, nagtama ang tingin namin ni Adilyn.

The smile disappeared from her lips and she looked down at my hands.

"Anong kinukuha mo?"

"Oh, just my things," pormal kong sabi, ngayon ko lang siya nakausap ng kami lang, iniiwasan ko talaga siya.

Isinarado niya ang pintuan, nagpupunas siya ng pawis na umupo sa aking kama.

"Nakakapasok ka pa pala rito."

Hindi ako nagsalita.

Malakad siyang nagpakawala ng buntonghininga. "Ayoko sanang may basta-bastang pumapasok sa kwarto ko." Malumanay ang kaniyang boses pero madiin iyon. Hinihimas niya ang kama na dati ay sa akin. "Kumusta naman ang tulog mo sa ibang kwarto, Ebony? Nako, pasensya ka na ha, hindi kasi ako makatulog ng malayo kay Gavril."

Kumunot ang noo ko dahil wala ng Kuya ang tawag niya.

"Okay lang."

"Masarap palang matulog sa kama na ganito ka lambot."

Hindi ako tanga para hindi malaman ang pinupunto niya.

Nginisian ko siya. "Oh, right. I know, masarap nga. Sarap nga ng tulog ng Kuya mo riyan." I shrugged.

Nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa labi niya. "Anong sabi mo?"

Kinuha ko ang kukunin ko sa drawer, hindi ko siya sinagot.

Lalabas sana ako nang makilala ang suot niyang short, 'yong binili namin iyon sa Divisoria.

"Anong ginawa mo?!"

Tinaasan niya ako ng kilay, bumaba ang tingin niya sa short niyang sa akin. Kilala ko iyon dahil sa puting linya sa gilid.

"Oh, ito ba? Pinasikipan ko kay Manang Mersita, ang luwag kasi e."

"That's mine!"

Ngumiti siya sa akin na nang-aasar, umapaw ang galit sa dibdib ko. This bitch. "Hmm, sabi ni Gavril ay kahit ano ay pwede kong gamitin kasi sa akin lahat ng ito."

Nanlaki ang aking mata, hindi ko alam kung ang babaw ko ba pero gusto ko iyon ipahubad sa kaniya dahil sa akin iyon.

Bigay iyon sa akin, binili namin iyon!

"Take it off!"

"Ayoko."

Binitawan ko ang mga gamit at lumapit sa walk-in closet, kumuha ako ng ilang shorts doon at inihagis ko iyon sa kama.

"Here, remove my short! Sa'yo na 'yang lahat, akin 'yan."

Umiling siya saka tumayo. "A.yo.ko. Saka sa taba mong iyan, tingin mo ba kakasya ba sa'yo 'tong tinahian na? Ang laki rin ng iba mong shorts, ayoko 'yan." Kinuha niya ang mga shorts na inihagis ko sa kama at inihagis sa aking mukha.

Napapikit ako roon.

Pakiramdam ko ay napigtas lahat ng pasenysa ko sa kaniya, dinampot ko iyon at ibinato sa kaniya. Kasabay nang pagbukas ng pintuan ay bigla na lang siyang umiyak, nawala ang matapang na mukha kanina.

Nanlaki ang mata ko, nang makita si Gavril na galit na deretsyong nakatingin sa akin.

"K-Kuya. K-Kuya, sasaktan niya ako! Sasaktan niya ako," she cried.

You fucking bitch!

"Ebony anong ginawa mo?!" sigaw ni Gavril, kaagad siyang nilapitan si Adilyn na akala mong naging maanong tupa na. "What happened, Adilyn? Hush, it's okay. Kuya's here."

"K-Kuya, h-hindi ko naman siya inaano. M-Magpapahinga sana ako tapos nandito pala siya, kung anu-anong sinabi niya tapos binato niya akong mga damit, h-hindi ko naman alam na sa kaniya 'tong suot ko." Mas lumakas ang hikbi niya, sumubsob sa dibdib ni Gavril.

"You're fucking crazy liar!" sigaw ko.

Hindi ako natinag nang hinarap ako ni Gavril, isang kurap ay nasa harapan ko na siya.

"Why did you do that!" sigaw niya sabay hawak sa braso ko, masakit pa iyon dahil sa kuko ni Mamá kahapon, napangiwi ako.

"Let me go!"

"Simpleng bagay lang pinapakita mo ugali mo, mananakit lang parang damit lang, putangina!" madiin usal niya, puno ng panghuhusga.

Hindi ako makapaniwalang sa sinabi niya, sandali ko siyang tinitigan. Ni hindi man lang niya inalam ang totoo, sa akin kaagad ang sisi.

I felt a stabbing pain in my chest. I felt heat in the corner of my eyes. How could he say that? We have been together for more than a month. I may be a witch, but I won't do that.

"S-Siya 'yong unang bumato, sa akin 'yong short," mahinang sabi ko.

You gave it to me, Gav. That's the only thing I have from you.

Pagak siyang natawa, binitawan niya ang braso ko.

"You're so immature!" he said, sounding disappointed.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, tinalikuran niya ako, pinulot niya ang mga shorts sa sahig at binalibag sa akin, napapikit ako dahil ang iba ay tumama sa mukha ko.

"Lumabas ka na at kunin ang mga gamit na pinagdadamot mo, huwag ka na rin papasok sa hindi mo kwarto," he said flatly.

Napatitig ako sa mga shorts sa sahig na ibinato niya sa akin, ang iba ay tumama pa sa braso ko at leeg. Masakit iyon pero mas masakit ang puso ko, mas makirot.

Siguro para sa kanila, immature iyon, na short lang naman pero iyon na lang din ang mayroon ako na masasabi kong sa akin talaga.

Hindi ko pinulot ang mga shorts, kinuha ko ang mga gamit sa lamesa bago mabigat ang dibdib na lumabas sa kwarto. Kaagad kong pinunasan ang luha ko na nag-unahan mahulog habang naglalakad sa hallway.

Nandoon si Anna sa gilid, mukhang narinig ang sagutan namin sa loob, kaagad niya akong sinundan.

"S-Senyora, ako po kukuha ng laundry, kukunin ko po iyon pangako. I-Itatabi ko po," habol niya sa akin.

Napangiti ako, umiling ako habang patuloy na naglalakad papunta sa kwarto ko.

"K-Kung gusto mo, S-Senyora sa'yo na lang ibang shorts ko na bigay mo po galing Divisoria, b-binigay ni Manang Mersita iyon sa akin pero hindi ko pa nasusuot," pag-aalo niya sa akin.

Nakarating na ako sa aking kwarto, hinawakan ko ang doorknob saka nilingon siya.

"Hindi na, Anna. T-Thank you, ahm... gawin mo na trabaho mo sa ibaba baka makita ka pa ni Mamá at pagalitan ka," sabi ko bago isarado ang pintuan, narinig ko pang sinabi niyang dadalhan niya ako ng pagkain mamaya pero hindi na ako sumagot pa.

༻𖥸༺

WALA SANA akong balak bumaba nang gumabi dahil sa bilin ni Mamá kahapon pero kinatok ako ni Keisha, sinabi niyang pinapatawag ako ni Papá sa pool area.

Mabilis akong nagsuot ng puting bestida, mas inayos ko ang aking itsura bago bumaba.

Nang makaratimg sa sala ay natanaw ko ang madaming tao sa may garden sa gawing fountain area, mukhang doon ginanap ang pagpapakilala kay Adilyn sa mga kaibigan nila.

Napangiti ako nang maalalang madalas din kaming ganyan noon.

Tahimik akong naglakad papunta sa pool area, tanaw ko ang handaan, rinig din ang tawanan nila roon. Nagpalinga-linga ako para hanapin si Papá pero wala siya roon, babalik sana ako sa loob nang mahagip ng aking tingin si Adilyn sa gilid ng pool, bahagyang madilim sa parte namin.

Nakasuot siya ng magandang pulang dress, napabuntonghininga ako nang maisip ang nangyayari.

Hindi si Papá ang nagpapunta sa akin.

"Hindi mo ba ako babatiin, your highness? Oh, hahaha. Sorry, ako na nga pala 'yon." I don't know if she's drunk or what.

Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa hindi ba't dapat ay ako nga ang magalit, bakit parang siya pa ang galit?

"Bumalik ka na sa party mo, baka hanapin ka nila Papá at Mamá," utos ko lumapit ako sa kaniya sa gilid ng pool.

"Huwag mo silang tawagin ganyan! Hindi ka nila anak!" she hissed, he chuckled. "I hate you, kinamumuhian kita."

Hindi ako nagsalita, pinasadagan niya ako ng tingin.

"Dahil sa'yo kaya nawala ako noon, kung hindi dahil sa'yo sana buhay pa si Ama. H-Hindi sana nawawala si Nanay. L-Lahat kinuha mo sa akin! Ikaw ang malas!" sigaw niya.

Natigilan ako sa sinabi niya, kinuha ko lahat? Kung gano'n, bakit mag-isa ako ngayon?

"Na sa'yo na lahat, Adilyn. W-Wala ng natira sa akin."

Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. "Gusto kitang mawala, dahil sa p-pamilya mo kaya naghihirap kami," bulong niya, humihikbi na.

Napailing ako dahil kahit anong paliwanag ko ay alam kong walang silbi lalo't nakainom siya, mabilis ko siyang tinalikuran pero kaagad din akong natigilan nang tawagin niya ang pangalan ko.

Nang lumingon ako ay gano'n na lang ang paglaki ng mata ko nang makitang nagpatihulog siya sa swimming pool.

Aabutin ko sana ang kamay niya upang hindi siya mahulog pero bago ko pa maabot iyon ay napatid na ang aking paa sa gilid ng pool dahilan para mahulog din ako kasabay niya.

Nakarinig ako ng sigawan, sumirit ang sakit sa aking paa. Malayo si Adilyn pero pinilit ko siyang abutin para iligtas kahit sobrang dilim, wala akong makita sa ilalim. I tried to swim and reach for her hand, but I could not move my feet. I squirmed under the pool. I can swim, but I ran out of air.

"Gav!" sigaw ko pagkaahon sandali ng aking ulo ko, may mga tubig na pumasok sa aking bibig.

Nakita ko ang mga taong nagtatakbuhan papalapit sa pool, nakita ko si Gav na tumalon sa pool bago ako pumailalim muli sa tubig.

I am going to die.

Mamá and Papá, would my family cry? Gav, will he remember me and his promises? Will Mersita keep my belongings? Would my real family mourn?

Pilit kong iginalaw ang kamay ko para makita nila ako, may mga pumasok ng tubig sa aking ilong at bibig.

Hindi na ako makahinga.

Inisip kong wala naman malulungkot kung mawala na ako, walang kamag-anak na maghahanap sa akin at iiyak sa katawan ko.

Napipikit na ang mata ko pero bigla akong napadilat nang may matanaw na may naghagis ng salbabida sa ibabaw ng tubig, pilit ko iyon inabot para maligtas ko ang sarili.

I saved myself.

Napaiyak ako habang umiiyak nang tuluyan kong maiahon ang aking ulo. Una kong nakita si Anna na umiiyak sa gilid ng pool malapit sa aking gawi, pilit inaabot ang kamay sa akin.

Hilam ang matang nilingon ko kaagad ang pinaghulugan ni Adilyn, para makasigurado kung nailigtas din siya. Mas lalo akong nadurog nang makitang nandoon silang lahat.

Basang-basa ang damit ni Gavril, nakaluhod sa gilid ng pool habang yakap niya si Adilyn na umuubo-ubo at umiiyak, nandoon din si Mamá at Papá, bakas ang pag-aalala, may dalang tuwalya naman si Mersita na nakaabang.

Hindi nila alam, hindi nila ako iniligtas.

"S-Senyora... abutin niyo kamay ko! Senyora! Ayos lang ba kayo?! Bilis, lalamigin po kayo!" umiiyak na sabi ni Anna, pilit inabot ko ang kamay niya.

Kahit maliit ay pilit niya akong hinila pataas ng pool, hindi tumitigil ang luha ko na umaagos sa aking pisngi habang malakas ang kabog ng puso ko sa sobrang takot.

Takot dahil takot akong mamatay mag-isa.

"S-Senyora, 'yong paa niyo po."

Pinaghalong luha at tubig ang nasa mukha ko, pinunasan ni Anna ang mukha ko gamit ang dulo ng kaniyang maid uniform.

Napatingin ako sa kanan kong paa na kaagad namaga, namumula ang buo roon.

Aalalayan niya sana akong tumayo nang may humila sa akin, hindi pa ako nakakabawi ay may malakas na palad ang tumama sa aking pisngi dahilan para halos mabingi ako't mapasalampak muli sa damuhan.

"Lahing kriminal ka talaga! Hindi mo matanggap na hindi ka Lavelle kaya papatayin mo anak ko! Ganito ka babawi? Wala kang kwenta!" sigaw ni Mamá galit na galit habang umiiyak. Kasama si Papá na mahigpit hinawakan ang braso ko upang kaladkarin ako papasok sa bahay, walang pag-iingat kahit halos hagasgas na ang paa ko sa sahig.

Halos mapasigaw ako dahil bali ang aking paa habang hinihila ako, hindi ako makatapak.

"Wala kang utang na loob! Ito ang igaganti mo sa amin puta ka!"

"P-Papá! H-Hindi ko po... Nasasaktan po ako, p-please po b-bitawan niyo ako." Hikbi ako nang hikbi, namamanhid na ang katawan ko hindi ko alam kung saan na ang masakit.

Sa paa ba o sa dibdib ko.

"G-Gav!" sinubukan kong humingi ng tulong kay Gavril, siya lang ang tumutulong sa akin palagi.

Pilit akong kumawala sa pagkakahawak kay Papá dahil siguradong sasaktan nila ako.

Nang madaanan namin si Gavril na buhat-buhat si Adilyn na umiiyak. Kahit iika-ika ay lumapit ako sa kaniya, hinawakan ko ang kaniyang braso, bumaba ang matalim na tingin niya roon.

"G-Gav, I-I didn't hurt her, please help me..." I begged.

He shook his head, his jaw clenched.

"I should listen to Adilyn. You're fucking obsessed, nakakadiri ka," he said flatly before he pushed me away from their way.

Napasalampak akong muli sa damuhan, napangiwi ako dahil sa sakit sa balakang ko.

Napatulala ako nang talikuran niya ako, pumasok sila sa loob ng mansyon, lalapitan sana ako ni Mersita pero kaagad siyang tinawag ni Mamá sa loob.

Ang ibang bisita ay pinalayo ng mga gwardiya sa gilid.

Natanaw ko ang pamilya ni Elias, nakita ko si Elias na nakatayo roon mukhang gulat pa. Nagtama ang mata namin nanlaki ang mata niya pero hindi siya lumapit, may sinabi ang Mama niya sa kaniya bago sila tumalikod.

Nanlalabo ang aking mata na bumaba ang tingin ko sa aking hita nang may maramdaman ako, mas lumakas ang iyak ni Anna na dinaluhan ako sa damuhan.

"S-Senyora, m-may d-dugo po."

_____________________
SaviorKitty

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 60K 38
Conrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
2.2M 58.7K 16
SEVEN DEADLY SINS SERIES 2: 𝐋𝐔𝐒𝐓 Dr. Kaden Dark is one of the best gynecologist. The doctor who specialize in women's health, with a focus on the...
107K 5.4K 40
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...