She's My Ex-wife (COMPLETED)

De zavwithav

828K 21.1K 7.4K

"Izrael Stavros and Amethyst Evans-Stavros. I now declare you, divorced!" anunsyo ng judge sa dalawang taong... Mai multe

DESCRIPTION
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 12 - REASON BEHIND REASON
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23 - FINALE
SPECIAL CHAPTER - THE SURPRISE

KABANATA 11

26.7K 829 422
De zavwithav



IZRAEL


2 nights ago. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nun. Basta ko nalang nasabi ang mga katagang 'yon.


“Good night, wife,” sambit ko bago pa tuloyang maisara ni Amethyst ang pinto.


Umigting ang panga ko nang mapagtanto ang mga nasabi. Ang alam ko lang ay tulala ako nun at hinihintay s'yang pumasok sa kwarto n'ya.


Siguro sa sobrang tuwa ko nang gabing 'yon kaya ko nasabi ang dapat na iniisip ko lang.


Pagkatapos nun ay dalawang araw kong hindi s'ya nakausap. Tanaw ko lang s'ya mula sa malayo habang abala sya sa restaurant n'ya.


Ngayong gabi naman ay napagpasyahan kong maghintay sa labas ng suite n'ya. Dalawang araw rin akong tumunganga lang sa tabi at naghintay ng tamang tiempo para kausapin s'ya.


“How do I look?” tanong ni Amethyst nang lumabas s'ya at suot ang vintage dress na talaga nga namang bumagay sa kanya.


Ilang beses akong napalunok at sinigurado kong hindi nya 'yon mapapansin.


Kumurap kurap pa ako. “Ganun parin naman,” simpleng sagot ko at mabilis na tumalikod para pa kalmahin ang sarili.


Marami akong gustong sabihin para i-compliment s'ya but this is not the right time to make her kilig. ‘Kaya kumalma ka, Izrael’ paalala ko sa sarili.


“Ganun parin naman nyenye.”


Napangiti ako sa pagmamaktol na narinig mula kay Amethyst. Agad ko namang kinalma ang sarili at mabilis na itinago ang ngiti.


I faced her. “I like it. I like it so stop sulking. Tara na bago pa mag bago ang isip mo.”


Wala s'yang ginawa nang iabot ko ang kamay ko sa kanya kaya ako na ang kumuha sa kamay n'ya.


Napansin kong nakanguso parin s'ya na parang bata habang nag lalakad kami palapit sa elevator.


“I said, I like it. You look good right now. Wala akong alam sa mga damit pambabae pero maganda yang suot mo. Maganda ka kahit anong suotin mo.” I complimented her again and again.


‘If only you knew, Amethyst. Kasing ganda mo ang bulaklak na imbes na pitasin ay didiligan pa kita.’ dagdag pa ng sarili kong isip.


Desisyon talaga 'to minsan.


“T-Thank you. You don't have to compliment me too much,” nangingiti nang wika n'ya.


Her mood lighten up. Narinig na n'ya siguro ang nais marinig.


“Ae asked me to bring you sa dinner namin. Gusto n'yang makipag dinner kasama ka bago raw ako umuwi.” Pakikipag usap ko kay Amethyst habang naglalakad kami papunta sa restaurant n'ya.


“Uuwi ka na?”


I glance at her. Nakatingin na s'ya sa 'kin.


“Hmmm, tapos na ang bakasyon ko rito kaya babalik na ako. Nalaman ko rin na nakauwi na sila mama galing Cuba.”


Tango lang ang tanging sagot na natanggap ko mula kay Amethyst.


“How about you? Mananatili ka ba rito? Gaano ka tagal?” sunod sunod ang tanong ko rito para lang mag salita s'ya.


“Uuwi narin siguro ako. Maayos na rin naman ulit ang takbo ng restaurant kaya pwede na siguro. I'm not sure,” kibit balikat n'yang sagot.


“Hindi ka ba busy? Samahan mo nalang ako.”


“Samahan saan?”


Inangat ko ang kamay naming kanina pa magkahawak. Wala naman akong narinig na pagtutol mula sa kanya kaya hindi ko 'yon binitawan.


“Sa pagtanda,” sagot ko.


Ngumiti s'ya. “Corny,” wika nya sabay tingin sa mga kamay namin. “Alam mo na rin ba?”


Biglang naging seryoso ang tono ni Amethyst kaya naibaling ko ang atensyon ko sa kanya.


“Signed na 'yong-


Mabilis kong pinutol ang sasabihin n'ya. “Andito na tayo. Siguradong naghihintay na sila Ae.” Tinulak ko ang pinto ng restaurant at una s'yang pinapasok.


I smile at her to finally change the topic. “Gasgas na 'to pero ladies first,” wika ko. She smiled back bago pumasok.


Sumunod naman ako sa kanya at nahanap ko kaagad si Ae kasama ang fiancé niyang si Top.


“Kanina pa kayo?” tanong ko pagkalapit namin ni Amethyst sa kanila.


Magkatabi silang dalawang ng upuan pero may malaking space sa gitna. Hindi talaga halatang engaged ang dalawang 'to.


Pinaghila ko muna si Amethyst ng upuan bago ako umupo. “Dito ka,” tawag ko sa kanya.


“Salamat,”


“Kakarating lang namin,” pagsasalita ni Top nang maka-upo ako.


Sarkastiko namang sumagot si Ae. “Oo, kakarating lang, mga 30 minutes ago.”


“Anong meron?” boses ni Amethyst.


“Despedida party para sa ex-fiancé kong si Top. Dahil mawawala na s'ya sa buhay ko,” Ae answered.


“Ingay mo, halikan kita dyan 'e” si Top naman ay mukhang wala sa mood.


Ae immediately zipped her mouth close. Ngayon ko lang s'ya nakitang nakinig kay Top.


“Order na tayo.” Si Top ang tumawag sa waiter. Nang may lumapit ay umorder na kami.


Hindi rin natagalan ang pagkain at agad itong dumating. We didn't waste any time, nag simula kaming kumain habang kinakausap ang isa't-isa.


“Uuwi ka na bukas, 'di ba? Ang bilis naman. Nasulit mo ba ang pag stay mo rito?” Pagkausap ni Top kay Amethyst.


Sumagot si Amethyst kahit abala sa ginagawa nito. “I didn't came here for a vacation pero sulit naman ang ilang araw.” Amethyst answered while chewing the steak. Busy pa rin s'ya sa paghiwa.


Kinuha ko ang plato n'ya at ipinalit ang plato kong may steak na hiniwa ko kanina. “Ito nalang.”


“Thank you,” she smiled pero hindi s'ya makatingin sa 'kin. “S'ya nga pala Ae, taga san ka?” pag baling n'ya kay Ae.


“Gensan City,” maikling sagot nito.


“Kailan ka uuwi?” si Top naman ang nag tanong kay Ae.


Ae shrugged. “I don't know, but I'm sure hindi ako uuwi na kasama ka.”


“Okay,” nakangusong sagot ni Top.


Nakarinig ako ng mahinang tawa sa tabi ko. Nilingon ko si Amethyst na nakangiti kay Top.


Anong meron sa kanila?


“Sabay nalang tayong umuwi bukas Top. Tutal sabay naman tayong pumunta rito,” wika ni Amethyst na nakangiti parin kay Top.


“Buti pa nga,” sang ayon naman ni Top.


My brows furrowed. “Bakit naman?” Hindi ko napigilan ang sariling makisali sa usapan nilang dalawa.


They both glance at me. Pati narin si Ae na natigilan pa sa pagsubo.


“I mean, bakit naman ganito kakunat ang steak dito?” Binaling ko ang tingin sa steak na nasa plato ko.


Namilog ang mata ni Ae. “Hoy! Restaurant to ni Amethyst,” bulong n'ya.


Gusto kong batokan ang sarili dahil sa sinabi. Ngayon ko lang naalala na nasa restaurant pala kami ni Amethyst.


Tumikhim ako dahil sa hiyang naramdaman. Nanahimik nalang ako at bumalik na sa pag kain.


‘Nakakahiya’


“Nabusog ka ba?” tanong ni Amethyst matapos naming kumain.


Tumango ako bilang sagot.


Nagpatuloy sila sa pag uusap kanina habang ako ay pinanatili ang katahimikan ko. Ang hiyang nararamdaman ko kanina ay mula ulo hanggang talampakan at ramdam ko parin ang hiyang 'yon hanggang ngayon.


Umalis na rin si Ae at Top matapos naming mag dinner. Nag desisyon silang mag party. Hindi ako sumabay dahil uuwi ako bukas, ganun din siguro si Amethyst.


Naglalakad kami ngayon pabalik sa hotel.


“Izrael?” 


Napalingon ako kay Amethyst nang tawagin n'ya ako sa mahinahong tono.


“Bakit?” Nasa kanya ang buong atensyon ko.


“Kumusta ka?”


Nalito ako sa tanong n'ya.
Ilang beses na kaming nagkita, nagkausap, at nagkasama, pero ngayon lang s'ya nag tanong ng ganyan.


“Kumusta ka sa lumipas na dalawang taon?”


Napaisip ako. Inalala ko kung kumusta nga ba ako sa lumipas na dalawang taon?


‘Maayos naman ako. Tatlong beses lang naman sa isang araw kong natatanong sa sarili kung hindi ko ba deserve maging asawa mo. Kung saan ba ako nagkulang at ayaw na ayaw mo sa 'kin.’ sagot ng isip ko. Pero wala akong lakas ng loob para sabihin 'yan sa kan'ya.


“Ayos lang naman. Sakto lang na humihinga,” ang tanging naisatinig ko.


Gusto kong pagtawanan ang sarili. I'm casually talking and joking around about my pain to someone who caused it. Napaka brave and strong ko naman.


“Nagalit ka ba sa mga nagawa ko? Kinamumuhian mo ba ako ngayon?” Amethyst continue to ask.


Huminga akong malalim. Hinanap ko hanggang sa kailaliman ng pakiramdam ko ang galit ko para sa kanya.


I answered, “No. Ni minsan ay hindi ako nagalit sayo.”


Kahit anong gawin kong paghahanap sa galit ko para kay Amethyst ay wala akong mahagilap. 'Coz I know, ni minsan ay hindi ako nagalit sa kan'ya.


Nagalit ako sa sarili ko.


“Alam kong nagulo kita. Ang pagpapakasal sa akin ay s'yang gumulo sa buhay mo. Sorry that I failed to stop it. Tuloyan kitang nagulo,” wika ni Amethyst sa mahinang boses.


Kumunot ang noo ko. “Dahil ba sa nakaraan natin kaya sinasabi mong nagulo mo 'ko nang maikasal tayo?” diretso kong tanong.


I clenched my jaw as I felt something inside my heart. Nasasaktan ako dahil hindi ko pinigilan ang sarili na halungkatin ang nakaraan.


Mabilis na iniangat ni Amethyst ang ulo n'ya at nagtama ang mga mata namin.


Kagat n'ya ang labi n'ya at may luhang lumandas sa pisnge nito.


“I'm sorry, I'm really sorry,” puno ng pagsisising sambit n'ya. Sunod sunod ring tumulo ang kanyang luha.


Hindi ako nagdalawang isip na yakapin s'ya. Ngayon ko lang s'ya nakitang umiyak na puno ng hinanakit at pagsisisi.


At nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan akong malaman na matagal na rin pala s'yang nasasaktan.


Hinawakan ko ang pisnge nya at hinanap ang mga mata n'ya. “Hindi ko alam. Ako dapat ang mag sorry 'e.” Pinalis ko ang luhang naglandas sa pisnge nya. “Matagal ko nang kinalimutan ang nakaraang 'yon, Amethyst. Matagal ko nang binitawan 'yon. Patawarin mo 'ko,”


Muli ko s'yang niyakap ng mahigpit. Patuloy s'yang umiyak sa dibdib ko na hinahayaan ko lang naman hanggang sa mailabas n'ya lahat.


Ilang taon n'ya ring dinala ang sakit ng nakaraan namin. Matagal na 'yon kaya nagi-guilty ako matapos malaman na 'yon pala ang dahilan kaya tinululak n'ya ako palayo sa kan'ya.


“Ayaw lang kitang magulo ulit gaya ng nangyari 5 years ago,” aniya pa.



Continuă lectura

O să-ți placă și

179K 3.1K 29
Started: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED
2.1M 60.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
7.5M 210K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
788K 6.3K 12
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.