KABANATA 8

29.2K 898 154
                                    

IZRAEL


Sumapit ang dapit-hapon at naisipan kong lumabas na. Buong araw na rin kasi akong nasa loob lang ng suite ko.


Hindi ko na inasahang pupunta pa si Amethyst sa suite ko dahil kanina ay hindi naman s'ya bumalik.

Baka nakalimutan n'ya o napagtanto n'yang wala namang kwenta kung babalik pa s'ya.

Hindi ko rin s'ya hinintay dahil mas inuna kong magpahinga.

‘Talaga ba?’ sabat ng isip ko.

Talagang talaga. Kaya ko namang mag-isa, bakit ko s'yang hihintayin?

“Pssst! Izrael,” mahinang tawag nito.

Inilibot ko ang paningin dahil don.

Kumunot ang noo ko nang makita si Ae na may suot na malaking sumbrero. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ay halata namang s'ya 'yon dahil sa suot nyang damit.

“Tuloyan ka na bang nabaliw?” diretso kong tanong sa kanya.

“Shh! Halika,” aniya sabay hila sa 'kin. “Nakita mo ba si Top?”

Kaya naman pala ganito ang itsura nya ngayon ay dahil pinagtataguan n'ya ang fiancé.

“Hindi. Pero nababaliw ka na ba? Kahit ako ay mabilis kitang nakilala dahil sa suot mo,” asar ko sa kanya.

“Huh? Halata parin ba?”

“Oo, kaya. 'Di ba yan yung suot mo kanina?”

Hinubad nya ang sumbrerong suot nang makarating kami sa hindi mataong parte ng beach.

“Hindi 'ah! Nagpalit kaya ako ng ibang kulay."

Kumunot ang noo ko na tiningnan ang suot n'ya. Oo nga at iba ang kulay pero ganun parin naman ang design.

“Malala ka na talaga.” Naiiling kong sambit. “Ba't hindi ka na lang kasi sumama sa fiancé mo?”

“Ex-fiancé. Sabing hindi ko pakakasalan yun 'e! Tsaka ikaw rin naman 'ah? Hindi pa pala kayo divorce pero ex-wife na ang tawag mo sa asawa mo,”

Natigilan ako.

Saan n'ya naman kaya nalaman na hindi pa kami divorce ni Amethyst?

“Oo nga pala, Rael. Nagkita kami ni Amethyst sa isang restaurant. Binigyan n'ya ako ng hang over soup tsaka nalaman ko rin-

“Nagkita kayo? Kailan? Saang restaurant?” putol ko sa mga sinasabi n'ya.

Inirapan n'ya ako. “Teka lang kasi, makinig ka. Ganito kasi yung nangyari. Pumasok ako sa isang restaurant sa kakatago ko mula kay, Top. Ewan ko ba sa lalaking 'yun, napaka consistent. Ayun na nga, sa restaurant na 'yon nakita ko si Amethyst na may kausap. Naalala ko yung soup kaya nilapitan ko s'ya.”

“Don't tell me you asked her about the soup?”

Nginitian niya ako na parang tama ang sinabi ko. Nababaliw na nga talaga sya.

“Sasabihan ko si Top kung nasaan ka.” Mabilis akong tumalikod.

“Luh? Wag! Hoy!” pigil n'ya sa 'kin. “Biro lang. Lumapit talaga ako sa kanya para itanong kung nakita n'ya ba si Top. Sagot n'ya ay hindi saka niya ibinigay sa akin yung paper bag na may sopas. Sarap nun! Naubos ko nga,”

Nakatingin lang ako sa kanya. Para s'yang batang walang problema at ini-enjoy lang ang buhay.

“Hinahanap ko si Top ngayon para alam ko kung saan ako mag tatago. Hindi mo ba talaga nakita?” Ngumuso s'ya.

She's My Ex-wife (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora