Taking Risks

By czescadems

12.4K 138 57

Would you take the risks if you dated a basketball player? Kakayanin mo ba ang pagsubok na to? Is it even mea... More

Taking Risks
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 6

517 4 2
By czescadems

"Sab, andito na si Kyra, ang pinsan mo."

Sigaw ni Manang Mimi mula sa baba. Grabe to si manang, parang akala ya ata di. Kilala ang mga pinsan ko ah.

Tumayo ako, inilabas ko ulo ko sa pintuan, nakabukas naman kasi kaya sumigaw ako para marinig ni manang Mimi ang boses ko sa baba mula sa taas.

"Sige po manang, papasukin mo po siya at at paakyatin dito sa kwarto ko." sigaw ko

Minutes later, pumasok si Kyra at ginulat niya ako. Di ko kasi napansin na pumasok siya, kasi naman abalang abala ako sa pinapagaw sakin ni Prof. Tinawanan lang ako ni Kyra at humiga sa kama sa tabi ko.

Inakap ko siya. Miss na miss ko tong bruha to eh. Last ko siya nakasama siguro nung summer ng may family trip kami to Caramoan Island sa Camsur. Di naman kami agad agad nagkasama ng bumalik kami dito sa Manila kasi naman naging busy at andaming ko inisikaso sa college. Siya naman ay may ginawa pa sa school niya kasi incoming third year. Napaaga yung plano niya sa kanilang prom. Excited naman kasi at governor ng batch nila, so sige. Ikaw na.

"ano ginagawa mo Chub? It's a Saturday! Labas tayo. Ipagpabukas mo nalang yan!" sabi ni Kyra.

Chub tawag niya sakin kasi nung highschool ako, ang chubby ko.

"sandali lang to, Pets. Kunin mo nalang ang macbook dun sa cabinet ko at mag twitter ka para di ka mainip." sabi ko sakanya

Pets naman tawag ko sakanya kasi naman noon, ang petite petite niya. Short sa height ba. Haha di joke. Pero ang grabe ng itinagkad niya ngayon ha. Akalain mo mas mataas na siya ngayon sakin -___-

So yun nga kinuha niya ang macbook tsaka umupo dun sa couch ko malapit sa study table.

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko ng sumigaw si Kyra na may halong kilig. Obvious eh

"omg sis! Nag tweet sayo si Kiefer! Kaloka ka!" sabi ni Kyra sakin sabay pag tapon ng mga unan sakin na nasa sa couch. Baliw lang

Agad naman ako bumangon sa kama, para tignan kung totoo nga ang mga sinasabi niya. Pagtingi ko sa laptop, totoo nga. Puteks!!! Ano naman palabas ni Kiefer? Natawa nalang ako. At kinilig na rin.

--

@kieferravena: goodmorning bebegurl! Ano plans mo today? :) @sablacson"

--

Tweet sakin ni Kiefer parang text lang ah. Pero world-wide ang makakabasa. Di ko alam na nag tweet rin friends niya. Di ko kilala

--

@juamitiongson: huli ka!! Sino naman to paps? @kieferravena @sablacson

@kieferravena: wala paps! Friend :) @juamitiongson @sablacson

@von19: let us meet her! :> @kieferravena @sablacson

@nickobesalva: oo nga naman paps! @von19 @kieferravena @sablacson

@kieferravena: soon! @nickobesalva @von29 @sablacson

--

"Pets, di ko talaga gets.. Bakit sikat si Kiefer? Sino naman si Nico? Wala talaga akong idea" sabi ko kay Kyra

"omg, Sab! Napakaloser mo! Ano ka ba. Si Kiefer sikat yan kasi nga diba naglalaro ng basketball yan sa Ateneo. Yung mga kinakausap niya sa twitter na guys eh, teammates niya lang naman. Magkakilala kaya sila nila Jeron at For-" bigla pinutol ni Kyra ang usapan namin

"okay lang" sabi ko, tumango lang siya agad

"di mo alam?"

Hindi.

Pano ko malalaman eh di naman ako ganun ka hilig sa basketball players. Noon, oo kasi naman I support Jeron. And Fort.. Pero ngayon di na talaga.

Wait, magkakilala daw si Jeron at Kiefer?

Hindi man lang ako sinabihan ng mokong kong bestfriend na si Jeron about this? Loko yun ah. Umiyak pa ako kahapon sakanya dahil kay Kiefer, tapos di niya man lang ako sinabihan about Kiefer? Hay Jeron.

Pero obvious naman eh, basketball player sila kaya for sure, magkakilala sila.

Kinuha ko ang laptop para e tweet si Kiefer gamit ang twitter ni Kyra.

"Peram muna ha, wait" pagpaalam ko

--

"@kyramontalbo: @kieferravena @sablacson bebegurl? Haha aga mo ata ah :) - Sab"

--

"hoy ano ka ba! Hindi yan nagrereply sayo kasi akin yan twitter. Di siya pumapansin ng fans!" sabi ni Kyra, parang nawalan to ng hangin sa pagsasalita ah

"pustahan tayo? Pag mag reply dito ka matutulog tsaka bilhan mo ko ng gelato ha!"

Tumango si Kyra. Bigla ng blue ang "@" or interactions sa twitter niya. Nakita namin agad na

--

@kieferravena started following you

@kieferravena favorited your tweet

"@kyramontalbo: @kieferravena @sablacson bebegurl? Haha ang aga mo ata ah :) - Sab"

Kiefer Ravena mentioned you:

@kieferravena: sab? IKaw ba talaga to? @kyramontalbo @sablacson?"

--

"omg! Kiefer followed me then favorited my tweet then tweeted me back!! Shet!! Pero wait.. Why'd he tweeted you? Magkakilala ba kayo?"

Nakita ko sa mga mukha ni Pets na nagpaprocess pa sakanya kung pano kami ni Kiefer nagkakilala. Tinawanan ko lang ang expression niya. Di talaga ma drawing eh :)))

Natawa lang talaga tas naalala ko na di ko pa pala na kwento sakanya ang ginawa sakin ni Kiefer. Ang pag shoot ng bola ni Kiefer sa ulo ko -__- pero kinwento ko nalang agad sakanya para di naman siya ma late sa balita.

Tas niyaya ko agad si Kyra mag papicture "mag picture tayo, tas e tweet natin kay Kiefer para maniwala siya satin. Pero may gelato nako sayo ha! At hoy bata ka ako nireplyan niyankasi ako nag tweet, hindi ikaw. Wag kang feeler"

Tumango siya at nag picture kami, tapos we sent it to Kiefer. Wala pang 3 minutes Kiefer favorited the tweet tapos nag reply siya.

--

@kieferravena: ah so siya pala ang sinasabi mo sakin na pinsan mo na si Kyra :)) sige @kyramontalbo @sablacson"

Di na namin nireplyan si Kiefer

Biglang bigla nag vibrate at nag ring phone ko. Kaya agad ko namang hinanap at kinuha, tapos sinagot ko nalang agad. Di ko na tinignan kun sinong tumawag.

"Goodmorning, Boss." na feel ko na nag smile siya kahit sa phone lang.

Si Kiefer :")

Kinikilig nanaman ako as usual.

"goodmorning Kief!" sagaot ko na medyo hyper. Di naman siguro obvious no.

"siya pala si Kyra."

"yes po, type mo?"

Tumawa kaming dalawa sa telepono. Tinignan lang ako ni Kyra na parang nababaliw ako. I just rolled my eyes at her.

"Loko, ikaw naman ang gusto ko eh"

Pucha! Ano daw?! Tama ba yung narinig ko o nagaasume lang talaga ako?

Gusto ako ni Kiefer Ravena ng Ateneo Blue Eagles, Phenom ng Pilipinas?! Shet, haba ng hair ko!

The there was silence, buti nalang Kiefer broke it.

"Boss? Andiyan ka pa ba?"

"sorry Kief! Nagulat kasi ako sa sinabi mo! Ano nga ulit yung sinabi mo?"

Tumawa lang siya

-_____-

"ah wala, wala. labas tayo?"

"kasama ko nga si Kyra. Ay ang kulit"

"eh di sama mo siya"

"tapos ano? Gagawin ka naming chaperon?"

Tumawa kaming dalawa. Pagtumatawa si Kiefer, parang.. Nakakainlove. HAHAHA

"huwag ka magalala, may e sasama ako. Magkita nalang tayo sa MOA ha? Lunch tayo? Elilibre kita"

"oh sige ba. Basta libra mo, game kami..."

Tumawa ulit si Kiefer, ang cute "sige, bye boss!"

Tapos ng tawag ni Kiefer, agad kong binaba ang phone ko.

Sinabi ko kung ano ang plano ni Kiefer kay Kyra. Grabe excited! Tumakbo agad sa banyo para maligo.

Pero bago dapat akong umalis sa bahay, tatapusin ko muna ang pinapagawa ni Prof sakin, baka kasi kung ano gawin niya sa grade ko.

Naligo si Kyra at nghiram ng mga damit ko.

20 minutes na, di pa siya tapos?

"KYRA BILISAN MO!"

Buti nalang na tapos ko ng maaga ang pinapagawa sakin na paperwork ni Prof bago lumabas si Kyra ng banyo.

Agad naman akong sumunod sa banyo.

Pagkatapos kong maligo, I wore the comfiest clothes I could possibly wear.

White T-shirt, skinny jeans, and my red keds. Then I used my brown sling bag para lagyan ng cellphone at wallet. Yun lang naman ang mga dadalhin ko. Di narin ako magdadala ng suklay kasi I tied my hair na rin para di na ako maguguluhan.

Quarter to 12 nn ng umalis kami ni Kyra sa bahay, para di na rin ma traffic. Nagpahatid kami ky kuya Erik sa MOA.

Agad kong tinext si Kiefer nung nasa mall na kami

--

To: My Panda <3

Magkita tayo sa harap ng Department Store :)"

--

Ilalagay ko na sana ang phone ko sa bag, kaso nag beep agad.

--

From: My Panda <3

Eto na, Boss. Inaantay ka nalang namin. E tetext rin kita sana na dito nalang mag kita, kaso inunahan mo ako."

--

Hindi ko na siya nireplyan kasi nasa harap na kami ni Kyra ng Department store. Inaantay ko nalang si Kiefer at ang kasama niya.

Sino kaya kasama niya?

Maya maya, may tumakip sa mga mata ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tumalikod ako para makita kung sino.

Si Kiefer.

Nakangiti siya sakin. Ang lapit namin ha. Yokong PDA hahaha kainis. First time rin ata na pansin na di masyado magulo ang mall. Wala masyandong tao. Mga ganun.

May kasama na lalaki si Kiefer.

Para ang bata pa ng face niya pero ang tangkad niya. Agad pinakilala sakin ni Kiefer ang guy.

"Sab, kapatid ko, si Thirdy" sabi niya.

Inoffer niya sakin ang kanyang kamay para makipag hand shake, kaya kinuha ko naman ito agad.

"ehem" sabi ni Kyra

"ay sorry, oo nga pala, si Kyra, pinsan ko. Kyra si Kiefer at si Thirdy" ngumiti ngiti lang si Kyra sakanila

"you look so familiar" sabi ni Thirdy kay Kyra

"talaga? Pano?" tanong ni Kyra

"have you tried joining the basketball clinic last Summer sa may Parañaque?"

"oo, omg totoo nga, you look so familiar!" sabi ni Kyra

"natamaan kita diba ng bola nung ipinasa ko sa kasama natin?" sabi ni Thirdy

"oo! I remember now! Ikaw pala yun!" tumawa kaming lahat tapos sabi ni Kiefer

"ang sweet, same lahat tayo ng way na mag pagkilala. Tinatamaan ng bola" tumawa kaming lahat

"Ravena talaga" i deeply sighed hahaha kakatawa naman to

"kamusta ka na? Tagal natin di nag kita ah! Nakakamiss yung mga hampas mo!" sabi ni Thirdy

Agad naman siyang hinapas ni Kyra

Kung makareact naman tong si Thirdy parang pang Oscars ah!

"aray! Sinabi ko lang nakakamiss di kong sinabi hamapasin mo ko"

"ehem nilalanggam" pabiro sinabi ni Kiefer sa kapatid niya

Tumawa ulit kaming lahat

Agad hinawakan ni Kiefer ang kamay ko at hinila ako papalayo sa kanila ni Kyra and Thirdy. Nung nakalayo layo kami, naglakad lakad kami agad.

Nakahawak parin kamay namin. Tinignan ko si Kiefer, ang ngiti niya umaabot hanggang sa tenga niya oh. Gwapo ni Panda oh.

"san tayo kakain?" he's looking straight habang kausap niya ako

Nag-sisink in palang sakin na ako pala kausap niya,

"ha? Eh uhh sa ano, uhm mcdo nalang. Gusto ko ng burger" omg di na ako na hiya, burger pa talaga. Pero wala ng hiyang hiya to. Nagugutom na ako eh

Pagpasok palang namin sa Mcdo, andami na nag papaicture kay Kiefer. Tinignan ya ako, tumango ako. Sa mata niya kasi, nakita ko na nag papaalam siya kung pwede siya magpapicture with his fans. Ok lang naman sakin kasi hindi ko pa naman siyang responsibilidad.

Timing nung bumalik si Kiefer sakin, kami na ang next sa counter. Kiefer ordered a lot of food. Big mac, chicken nuggets, quarter pounder, dalawang coke float atsaka mcflurry. Langya ka Kief, tataba ako nito eh.

Naghanap kami agad ng upuan. Buti nalang sa may bandang huli, walang masyado tao, kaya dun kami pumwesto ni Kiefer.

Nafeel ko na nag vibrate phone ko, kinuha ka agad at tinignan kung sino. Gm man lang pala ni Sarah. Loko. Hahaha

Nung makaabot kami sa table, iniwan ko ang phone ko sa table. Kay Kiefer. Kasi maghuhugas ako ng kamay ko, feeling ko kasi ang dumi dumi. Kaya sinabihan ko si Kiefer na pupunta ako sa CR, tumango lang siya.

Pagkalabas ko sa CR, di ako nakatingin sa nilalakaran ko, kaya may na hit ako na tao accidentally.

Nahulog ang bag niya, pareho kami nakahawak sa bag niya, kamay niya nasa taas ng kamay ko. Pag ka look up ko.

Shit

Si Captain. Si Fort.

Kahit kailan di ko siya talaga maiiwasan. Nasa paligid lang siya. Ewan ko ba kung bakit, pero alam ni Fort kung saan ako kapag malungkot ako. Hindi sa park, may iba pa.

"Sab?" sabi niya habang papatayo ako

"oh, Jeric. Ikaw pala. Sorry ha. Elilibre nalang kita" sabi ko, omg ano ba. Bat ganun sinabi ko. Ang bobo ko forever.

Kasama ko pala si Kiefer! Nakalimutan ko.

"ah, sige Jer, aalis na ako" sabi at pagpaalam ko

Hinila agad ako ni Jeric.

"teka, labas tayo.. Text kita. Same number mo?" tanong sakin ni Captain. Di ako makasagot, kaya tumango nalang ako.

"ingat ka, Sab."

Agad agad akong umalis, at bumalik sa table namin ni Kiefer. I need air. Bakit ko pa nakita si Jeric? Bakit ngayon pa? Bat ngayon niya nalang ako kinausap?

Totoo talaga siguro ang quote na

"kapag may bago ka, babalik at babalikan ka parin ng ex mo"

Continue Reading