Drowning Emotions (Isla Serie...

By sintamis

38.4K 996 140

ISLA SERIES #5 
Marco, the luckiest surfer in the island but was unlucky when it comes to love. Rejected cou... More

Drowning Emotions (Isla Series #5)
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
Author's note

11

760 22 0
By sintamis

"It's nice here, 'no? Hindi pinagkakaguluhan ang mga artista."

We've been in the coffee shop for hours now. People look at me and wave excitedly, but they don't ask for pictures. It's been the most peaceful morning of my life!

"Kapag bakasyon kasi, dito napapadpad ang mga sikat kaya sanay na ang mga tao," Marco explained. "Tsaka may model na may-ari ng resort dito. May artista ring mayroong surf shop diyan sa kanto."

"Who owns a resort? Baka kilala ko." I had a huge circle in the industry. Hindi ko lang talaga mga close.

"Kilala mo si Remy?" he asked me.

"Remedy? The model?" I asked to be sure. Hinipos ko ang buhok ko pero nag-iwan ng isang makapal na strand. Then, I twisted my hair up into a bun and used the strand to tie it as a ponytail. It was easy to do since my hair was wet and sticky from the saltwater.

"Oo, pero hindi siya ang ibig kong sabihin." He chuckled, biting a french fry.

Hinampas ko siya sa balikat. "Then why did you ask if I know her?" Akala ko tuloy siya ang may-ari ng isang resort dito!

"Wala lang." He shrugged, still laughing. "But it's Lauren," matinong dugtong niya.

"Sure na ba iyan?" paninigurado ko dahil minsan talaga ang luwag ng turnilyo nito sa utak at palaging nagbibiro! Kung pikon siguro akong tao, baka dinisown ko na 'to.

"Grabe naman trust issues mo sa 'kin!" His hand flew on his chest, acting hurt. I pushed his cheek gently. "Ouch! That hurt!" pagda-drama pa niya.

"Fling mo si Remy or Lauren, 'no?" Minasahe ko ang sentido ko habang nakatingin sa kaniya. Medyo masakit iyon. Pakiramdam ko dumaloy ang sakit ng panga ko roon.

"Used to be." He licked his lower lip after he admitted that.

"Which one?"

"Both."

Napasimid ako. "Model talaga mga type mo."

"Pwede ring artista," he said, smirking.

My brows raised in utter surprise. Pwede bang sumigaw ng 'I volunteer!' dito?!

"Pero paano mo nga nalaman na mga model ang naging fling ko, ha?" Nakataas na ang kilay ni Marco sa 'kin, nagtataka.

"May pakpak ang chismis." I made wings gesture with my hands.

"Raya?" Siningkitan niya ako ng mata.

"I invoke my rights against self-incrimination." I bit the french fry he was holding, hiding my smirk.

"I invoke my rights against self-incrimination," Marco mocked, rolling his eyes with a laugh before finishing the fry in his hand. "Okay, Atty. Ano'ng isasagot ko diyan? Operation success? Or operation failed?"

I laughed so loud. "I don't get it." Then, I stopped. Iba kami ng humor doon!

"Med terms." Napahilot siya sa bridge ng ilong niya, tumatawa. "Pinagchichismisan n'yo pala ako, ah?" He had this arrogant look on his face.

"Laki naman ng ulo nito!" I hit his head with my hand, causing the volume of his laugh to increase as he dogged my hits. "I'm not telling you any details." I acted as if I zipped my mouth.

He imitated my action to mock me before we laughed in unison. Natigilan lang ako at maiyak-iyak nang naramdaman ang sakit sa panga ko.

"You good? Masakit ba?" Agad siyang tumuwid ng upo, nag-aalala.

"Is there a bruise?" I didn't notice one after icing it because I haven't used the restroom yet. However, based on the pain, there is undoubtedly a bruise.

"Mayroon. Para kang ube, babe," sagot niya, nang-aasar.

Napalabi ako at humawak sa panga ko. "Okay lang. Mawawala naman siguro 'to this week. I have no shoots naman for a movie nor commercial." Napasapo ako sa noo ko nang may naalala. "But I do have a home photoshoot for a brand. Oh no!"

"Makeup na lang. Maliit lang naman. Hindi halata. Maganda ka pa rin," pampalubag loob niya sa 'kin.

Tumawa na lang ako sa pambobola niya. "Do you want another burger?" I raised my hand, hoping to get the waiter's attention. The burger was delicious. I already had one earlier, as well as Marco.

"Ayaw." Sumikop siya ng iilang french fries sa kamay niya bago lumipat doon sa duyan.

"What do you want then? Paubos na ang fries. You want more?"

"I'm good, thanks." He smiled.

Pakiramdam ko magtatagal pa kami rito sa coffee shop. I have no complains. I like it here, love, actually. Ang mapayapa. The way the palm trees dance with the wind, the soft murmurs of the people blending with the sound of the waves, the picturesque view. Everything here was a sight for sore eyes.

When the waiter came near, I told him my order. Nag-order din ako ng chicken lollipops, fries, and coke. Aayaw-ayaw lang naman 'tong isa pero kapag may pagkain na sa harapan, nauna pang kumain sa lahat!

"I ordered chicken lollipops and fries for you," I informed Marco when the waiter left. "Alam ko naman kasing pabebe ka lang."

"Mak, tugtug ka mamaya?" A tall chinito man approached Maki kaya hindi siya nakasagot sa akin. There was another man behind him.

My gaze drew to the sea. It was already past noon and low tide na. The weather was so perfect. I'm planning to sunbathe after this, get a tan maybe.

There were still some surfers out there, mostly short boarders. Sabi ni Marco, hindi raw pwede ang mga longboarders kapag low tide kasi delikado saka baka masira ang surfboard. He explained it earlier, along with lots of surfing related things. Curious kasi ako.

"Hindi, Jace," sagot ni Marco. Sumulyap ako sa kaniya at nakitang nakahiga na siya sa duyan, both his hands behind his head. "Tutugtog naman si Donny."

"Tinatamad akong tumugtog mamayang gabi, bro! Galing kasing tour!" The man who was on the back chuckled.

"Palusot. Tamad ka naman araw-araw," the other man fired, turning to me. He pointed the chair in front of me. "Is this seat taken, Miss?"

"No, you can get it if you want," I replied with a smile, getting my glass of water to drink a little because my throat felt dry.

"I'm Jace." He suddenly sat down instead of pulling the chair to where Marco was.

"I'm Donny!" pakilala naman noong isa. They were both smiling brightly. Mukhang kambal yata. "You are?"

"Ica. Nice to meet you." I looked at Marco for rescue but he was just arching a brow, waiting for what I was going to do next.

"You're on a vacation?" Jace asked me. I nodded carefully. "Have you gone surfing? Snorkeling? Island hopping? Land tour? If you want to do those things, you can book our services. We have a shop right around the corner!"

Natigilan ako saglit bago natawa, nakahinga nang maluwag. Damn, I should stop overthinking sometimes with stranger's intentions! But I'll give it to the locals, puro sila masisipag.

"Ako ang bahala sa kaniya," Marco suddenly interfered. He stepped out of the hammock and walked towards me, brushing his hair through his fingers.

"Bro naman. Humanap ka ng kliyente mo. Nauna kami," pabulong na reklamo ni Donny sa kaniya.

"Talaga?" Marco leaned and cupped my jaw from behind before planting a light kiss on my lips.

To say that I was stunned was an understatement. What the fuck?! Maki smirked and sat beside me, turning to the boys. I imitated what he did and saw their eyes were wide a little in shock and amusement.

I cleared my throat, getting over the kiss we shared in front of his friends! Hindi naman ako nakikipaghalikan sa harap ng ibang tao unless I'm drunk kasi walang hiya na ako noon! I mean, walang hiya naman talaga ako kahit on sober state but ibang level kapag lasing!

"Geez!" Jace raised his hands, as if backing out. "Pa-lechon na ba ako, bro?"

Marco crumpled a tissue before throwing it at him. "This is Ica, my friend."

"Friend," mariing ulit ni Jace at siniko si Donny sa dibdib. "Friend, ha. Tandaan mo. Friend."

"Friend. Okay, copy." Donny nodded.

"So, Ica. That means you're single?" Jace leaned over the table, smirking at Marco but he was talking to me.

"I guess," nagtatakang sagot ko. "I mean, I am," mas malinaw kong sagot ngayon.

"Aguy!" Jace dramatically held his chest. "Donny, bro, confirmed! Friends nga lang! Maki, shot na natin iyan!"

"Tahimik! Baka mabugbug ka diyan," pagbibiro ni Donny, nakangisi.

"Ang eepal n'yo talaga, 'no?" Marco said with a fake smile. "Magsilayas na nga kayo. Hindi kayo welcome rito."

Hindi ako makasabay dahil iniinda ko ang sakit sa panga ko. Naguguluhan ako lalo nang tumawa ang dalawa sa tapat. Halos magpasalamat ako sa lahat ng santo na kilala ko noong dumating ang waiter, pagod nang intindihin ang nakakalokong tawa ng mga ito.

"Kain tayo," I invited them, gesturing the chicken lollipops and fries. Madami iyon kaya paniguradong magkakasya iyon sa kanilang tatlo. If not, I can just order. Fast naman ang service nila rito.

"Akala ko ba akin iyan?" Marco squinted his eyes at me.

"You can share. Ang dami naman niyan."

"True," Donny second the motion, obviously teasing Marco.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Maki sa kaniya kaya lumapad ang ngiti ni Donny. I chewed my lips to prevent myself from laughing.

"Pikon," bulong ko kay Maki, nang-aasar din. Sinamaan niya ako ng tingin. "Pero seryoso, kain lang kayo!"

Jace chuckled. "Okay lang, Ica. Aalis naman na kami! Medyo mahal ko rin ang buhay ko!"

"Nice to meet you, friend ni Marco!" Tumawa si Donny at nakipag-apir sa tropa. Kurot sa tiyan ang binalik sa kaniya ni Marco.

After paying, we walked by the beach for a while. "Doon tayo." Tinuro ni Maki iyong kaliwang parte. It was empty since most of the people are on the boardwalk, taking pictures.

May baon akong scarf na pwede kong gamitin for sunbathing. Nilabas ko iyon sa bag ko at binigay kay Marco ang isang dulo para tulungan niya akong maglatag noon. Mahangin kasi. If I'd do it alone, probably lilipad-lipad pa bago ko malatag sa buhangin.

"Palagay, Maki." I showed him my tanning oil bottle. I use that always for sunbathing to get a nice tan, instead of sunburns.

Kinuha ko ang small codal ko sa loob ng bag bago dumapa, resting my chin on my one hand. Binuklat ko ang libro gamit ang isang kamay. May bookmark ako kung saan ako tumigil kaya hindi ako na hirapan.

"Hanggang dagat ba naman mag-aaral ka?" Marco sounded amused as he slid his hands through my back.

"Can't fail," simpleng sagot ko bago hinila ang strap sa likod ko para hindi iyon magkamarka ng araw. "It's a surprise you're not studying right now," dugtong ko.

"Break for today. Surf, chill, stay here by the beach with you. I don't know, I need a breather. Live life a little. Feel ko kasi sa sobrang aral ko wala na akong natututunan. Blanko. Gets mo ba?"

"Gets," pag-agree ko, nagbabasa pa rin.

"What if magpahinga ka rin?" suggest niya.

"What if..." I trailed off, sinisilip siya sa balikat ko. "What if pareho tayong bumagsak?" I made my tone exaggerated.

"Eh, 'di goals," he joked.

I immediately hitted him with my codal, giggling. Gumulong ako at humiga. Agad na napamura si Marco at inayos ang bra ko. Doon ko lang naalala na tinanggal ko pala ang strap ko.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa habang nilalagyan niya ako ng oil sa katawan. Nang natapos, bigla siyang naglakad sa mga lalakeng nag-iinuman. I bet those people were his friends dahil nag-apiran sila at inabutan siya ng shot glass, which he declined.

Mga tao rito, kahit anong oras umiinom! Nakakita rin ako kaninang sunrise pagkarating namin ng nag-iinuman sa sari-sari store. Ang aga! Or baka hindi pa sila tapos? Ah, pakialam ko ba!

"Pahiram, ah?" I heard Maki say. Kinuha niya ang gitara na walang gumagamit bago naglakad pabalik sa pwesto ko.

I was reading, analyzing the cases. Marco was playing filipino songs and singing a little. Nakikinig lang ako. Hindi ko napigilan sumulyap sa kaniya sa likod ng libro ko. Malayo ang tingin niya habang nagsa-strum. I smiled and returned to reading.

"Gusto mo ng buko?" Marco asked me after half an hour.

"Coconut?" Focus pa rin ako sa pagbabasa.

"Yeah."

Tumingin ako sa kaniya. "Sure. Saan tayo bibili?" tanong ko at tinuko ang isang kamay ko sa buhanginan para maangat ako nang kaunti. Nakasingkit pa ang mga mata ko sa sinag ng araw.

"Anong bili?" Tumawa siya at nilapag ang gitara sa tabi ko. Tumayo siya at umalis saglit, na nakapagtaka sa akin. Mas nagtaka ako nang bumalik siyang may itak.

"Hoy, marunong ka ba? Mag-ingat ka nga sa pagakyat! Kumapit ka!" Napahawak ako sa dibdib ko sa takot dahil bigla siyang umakyat doon sa isang puno nang walang pasabi!

I heard his laugh thundering above as he continued climbing the tree. "Sanay na ako!" sigaw pa niya.

I took my phone and started taking a video. I like documenting moments like this. It's raw. And I only experience something like this with Maki. It wasn't like I was a sheltered kid, obviously, it's just that I don't have someone to explore with.

"Ica, baka mahulog ito sa 'yo. Tabi ka nang kaunti, please," Marco requested, looking down at me while holding a coconut. Isang kamay na lang niya ang nakahawak sa puno.

"Ikaw na lang sana mahulog sa 'kin," bulong ko sa sarili ko bago tumayo at naglakad palayo nang kaunti.

While I was standing there, I was also spacing out with what I just whispered to myself. Gosh, I seriously need to get over this little crush on him before it gets deep!

Solid daw akong kaibigan sabi niya kanina. Alam kong ako ang naunang magsabi pero hindi ko ine-expect na ibabalik niya iyon sa akin. Oddly, I wasn't hurt. Maybe because in the first place I never expect him to treat me more than that.

Friends who are flings. Just that. He's the closest thing I have to a boy best friend. Who can read me, understand me, make me feel safe, allow me to be myself, explore with me and show me wonders. Sana kahit iyong friendship na lang, hindi masira ng kung ano man itong nararamdaman ko.

Ica, kaibigan, hindi ka-ibigan, so you need to set your boundaries if you want him in your life.

"Mas malayo akin! Talo ka!" Marco laughed before sipping on his buko, watching his pebble jump on the surface of the water before it sunk in the ocean.

Hindi mapinta ang mukha ko dahil sobrang layo ng tapon niya kaysa sa 'kin! Tinanggap ko ang pagkatalo at naupo sa lilim ng puno.

"Uy, nabali! Gawan mo 'ko ng bago." I showed him my spoon na ginawa niya gamit ang shell ng buko. I was using it to carve the coconut inside. Matigas iyon kaya medyo nahihirapan ako.

"Kamayin mo na lang." He gestured his hand like a claw. Nangagago na naman 'to!

I flipped him off with a smile. Nakangiting umiling siya bago nag-squat sa tapat ko. Kinuha niya ang isang buko na naubos namin pati ang itak bago pumutol doon. He shaped it a little to assure there were no sharp edges before giving it to me.

"Sabihin mo lang kung bored ka na, pwede tayong maglibot. Madami naman tayong pwedeng puntahan."

Umiling ako. "Ang kalma nga rito. I'm actually enjoying."

"Enjoying? Wala naman tayong ginagawa." He chuckled.

"I enjoy doing nothing with you."

"Bigla ganoon, Ica. Sweet natin, ah," pang-aasar niya at inagaw sa 'kin ang buko at kahoy na kutsara. He scraped the buko for me so I won't have a hard time.

Hindi na ako bumalik sa pagbabasa ng codal ko nang natapos kumain. Tumunganga lang ako roon at pinanuod ang paggalaw ng mga ulap sa asul na kalangitan habang tumutugtug si Marco sa gitara.

"Girl, I'll stay through the bad times, even if I have to fetch you everyday. We'll get by with a smile... You can never be too happy in this life..." Marco sang, strumming slowly.

"Favorite mo ba iyan?" He glanced at me, curiosity laced in his eyes. "Kanina mo pa tinutugtog, eh," pagpapaliwanag ko.

Marahan siyang tumawa habang nakatingin sa akin. His eyes turned glossy, which worried me. Mabilis niyang winala ang ekspresyon at binalik ang mga mata sa dagat. Hindi ako nang-usisa hanggang sa natapos siya sa pagtugtog.

"Alam mo ba ito?" Humarap siya sa akin at inayos niya rin ang pagkakalapag ng gitara sa hita niya bago nagsimula. "You gave me a reason for my being and I love what I'm feeling..."

Tumango-tango ako, alam ang kantang iyon. Sinasabayan ko siya. I even acted as if my cellphone was my mic but he was just smiling at me. It wasn't a fake smile, but it was small and sad. I noticed that.

"Ano'ng favorite mong kanta?" curious na tanong niya sa 'kin. "Baka alam ko. Tugtugin ko para sa 'yo."

"Favorite ko? Akin na iyan." Kinuha ko ang gitara sa kaniya at naupo nang tuwid. Nag-strum ako, nakapikit pa. Binuksan ko ang isang mata ko at nakita kaagad ang lukot ng mukha ni Marco, jinu-judge ako.

"Marunong ka ba?" Lumala lang ang ekspresyon niya.

"No, actually! Nagmamarunong lang!" walang hiyang pag-amin ko.

Inirapan niya ako at hinampas pa nang marahan ang maliit niyang towel sa 'kin habang tumatawa. Nakahinga ako nang maluwag nang nakitang medyo totoo na ang tawa kumawala sa labi niya, kahit mga mata niya ay lumiwanag nang kaunti.

"Bibilib na sana ako, Ica, kasi may papikit-pikit ka pang nalalaman. Kaso sumablay kaagad unang strum palang. Hindi nagdalawang-isip na umatras ang bilib ko sa 'yo." Umiling siya, dismayado.

Hinampas ko siya sa balikat. "Wala sa tono ang gitara!" pagbibiro ko.

"Parang boses mo," he fired.

"Below the belt!" Inis ko siyang tinuro at sinapak sa dibdib kaya mas natawa siya. Hindi siya tumigil sa pang-aasar sa 'kin. Pinabayaan ko lang siya. At least, he got his mind off the thing that was bothering him earlier.

"Hindi na. Aray!" nagreklamo na siya at hinawakan ang isang kamay ko. Halatang nag-iinarte lang 'to pero nakinig pa rin ako at naupo sa tabi niya, hinihingal pa nang kaunti. "Grabe naman iyang hingal mo. Kamusta takbo mo ngayong araw? Malayo-layo ba?" Hindi pa pala siya tapos!

"Akala ko tapos ka na." I laughed.

Sinabayan niya ang tawa ko at binaba ang gitara sa buhanginan. He held my chin and wiped my forehead with his face towel. Sinunod din niyang punasan ang leeg ko.

"Ayna! Pasalamat ka mataas ang patience ko!" sigaw ko nang ginulo niya ang buhok ko.

"Aayusin ko naman! Ang highblood nito! Iyan kasi mahilig ka sa sugar, bawasan mo na nga!" Ang bilis niyang maka rebutt!

I was just watching him redo my hair. He was staring back into my eyes. Ginamit niya ang bracelet niya bilang panali.

"Alam ko ang ginagawa mo... Thank you," he said in a sincere tone, looking down.

Sinikop ko ang mukha niya sa isang kamay ko at pinanggigilan. "Naman. Anytime," I said the words he told me the other day.

We spent the whole afternoon by the beach, jamming. We took pictures and videos, too. Napapakamot pa si Marco sa ulo niya dahil hindi raw siya marunong ng tamang angle. He still shot my pictures for me, seryoso pa ang mukha sa sobrang concentration.

"Swimming muna tayo! Tara!" aya ko kay Marco at tumakbo kaagad papunta sa dagat.

"Teka, take two! Hindi ko na-videohan!" pasigaw na reklamo niya.

I turned back at him, laughing. I placed my hands on the side of my mouth. "Nevermind that! Come here na. Let's enjoy!" I gestured him to come.

As much as I want every moment documented, I didn't want spending my time with him just focusing on the camera. We need to live by the moment. Enjoy the experience because there's more to life.

We took a short dip and watched the sky changed hues before we went home. Si Tita Amara, na nakapamewang sa may pinto ang bumungad sa amin. Nagpigil ako ng tawa nang sinermunan niya kami dahil malapit na mag gabi at nagtitimpasaw pa raw kami sa dagat.

"Ma, matanda na kami," paalala ni Marco, kumakamot sa ulo niya.

"Tapos, Marquenzo? Kahit singkwenta anyos na kayo, mag-aalala pa rin ako!" Pinandilatan ni Tita si Marco ng mga mata. "Kita mo, ang hangin sa labas tapos basa si Ica. Wala kang dalang towel para sa kaniya? Haynako!" Hinawakan ako ni Tita sa braso, stressed.

"Sorry, Tita! Hindi na po mauulit! Promise po next time tatanggi na ako sa invite ni Maki! Papalayo po ako sa tukso!" Kumapit ako sa braso ni Tita at patalon-talon pa na naglakad, napapa-cute.

"Aba?!" Natigilan si Marco sa pagpasok ng pinto, gulat na gulat. "Bakit ako? Ikaw iyong gustong lumangoy diyan, oy! Pinasa mo pa! Hindi iyan makatarungan!"

"Tumigil na kayo bago pa kayo magsimula!" pigil ni Tita, tumatawa.

"Huh, Ma?" Marco was so confused.

"Stop before you start," pabirong translate ni Ares, may hinahanap sa sofa.

Tinapik ako ni Tita sa braso ko. "Nagluto na ako pero maligo ka muna. Baka magkasakit ka pa, anak."

Anak.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango, hindi makasalita. It felt... good to hear someone call me that with genuineness.

After a long day, I finally got to lay down on the bed. Naliligo si Marco at ako naman nakahiga sa kama, tumitingin ng mga IG story.

My brows raised a little when I saw Marco mentioned me on his story. Hindi ko alam na kinuhanan niya pala ako ng picture kanina habang may hawak akong dalawang buko. My face wasn't seen because he covered it with a coconut emoji. Ang bastos!

"Marquenzo," tawag ko pagakalabas niya ng bathroom.

"Hmm, yeah?" He smiled at me while wrapping the towel on his waist.

Ngumiti ako pabalik. "Alam mo tangina ka rin, 'no?"

"Alam ko matagal na." Bahagya siyang tumawa. "Bakit ba? Ano'ng kasalanan ko?"

"Stostory mo na nga lang ako pero tinabunan ang mukha. Hayop! Minention mo pa ako. Ano'ng point?"

"Stay lowkey, tanga!" He bursted out laughing when I threw all the pillows at him.

"Holy- Bastos ka! Magbihis ka na nga!" Tumalikod agad ako nang nahulog ang towel sa baywang niya!

"Arte nito. Akala mo naman 'di nakita," pambabara niya.

"May iba pa bang pictures?" I asked him and lay down on my back, holding my phone in the air.

"Yeah, check on my phone," he answered. Sumulyap ako sa kaniya at nakitang nagsusuot palang siya ng boxers. "Pakunwari pa, oh. Tititig naman pala."

"Huh? Assumero," sabi ko at binalik ang mata sa cellphone ko.

"Hinahalay ako ng mga matang iyan!" I showed him my middle finger without glancing at him. "Kita mo! May hand sign pa!" Hindi siya tumigil.

"Seriously, just show me the photos," pagbabaliwala ko sa kaniya. Ang good mood niya!

"Sa phone ko nga. Buksan mo na lang. Alam mo naman ang password," sabi niya at pumasok sa bathroom para mag-toothbrush.

Hindi ko pa rin kinuha ang phone niya. Hindi ako komportable buksan iyon on my own. Kumamot si Maki sa panga niya nang nakitang nasa side table pa rin ang phone niya pagkalabas niya.

"Oh." Binigay niya sa 'kin iyon pagkatapos buksan at nahiga sa tabi ko. Umakbay siya sa 'kin at sumandal ako sa may braso niya. He wrapped his other arm on my waist, planting feathery kisses on my neck.

I bit the insides of my cheeks as I scrolled to his gallery. I added to favorites the one I'll send to me. Blurred kasi iyong iba kaya 'di ko gets ang point kung ipapadala ko pa.

"'Di mo 'ko miss?" he asked. I shrugged and continued searching on his gallery. He buried his face on my neck, chuckling. "Nagtatanong lang ako, ah."

"Alam ko," natatawang sagot ko. Tumigil ako sa pagtawa nang may nag-pop na banner sa screen. It was a text from Sasy, based on the name. "May nag text sa 'yo," imporma ko.

"Sino?"

"Sasy."

"Ano'ng sabi? Pakibasa," utos niya sa 'kin, inaayos ang yakap niya sa 'kin habang kinakagat nang marahan ang leeg ko.

"Huh? Ayaw ko nga." Basahin ko raw? Sobrang komportable naman niya ipabasa sa akin ang messages niya!

"Huwag mo na lang pansinin. Mamaya ko na titingnan. Go on and check the photos."

"Maybe it's important," I told him.

"Hindi iyan." He sounded so sure. Sinalpak ko sa dibdib niya ang cellphone. "Aray! Kita mong busy ako sa 'yo." He groaned, glaring at me. Binuksan niya iyong text kaya umiwas ako ng tingin. Mahinang siyang tumawa. I assumed it was from the text message.

Hindi ko tuloy maiwasan na ibalik ang tingin sa kaniya. Lumingon din siya sa akin, nakataas ang isang kilay at may multo ng ngisi sa labi.

"Kilig na kilig ka naman diyan. May asawa," paalala ko sa kaniya.

"Huh?" He looked at me ridiculously. "Sa 'yo ako natawa," he defended and sent his text before placing his phone on the side table and returning to his position earlier. "Tulog na tayo."

"Pwedeng patayin ang ilaw?" I asked him, pointing the light.

He opened the lamp before getting up and closing the lights. Bumalik ulit siya sa position niya kanina. Humarap ako at binalot ang kamay sa baywang niya sabay tinanday ng isang paa sa kaniya.

"Ba't mo 'ko yakap?" tanong niya.

"Nakayakap ka rin." Hindi ako nagpatalo.

"Alam mo namang mahilig akong mangyakap." Marahan siyang tumawa. I honestly thought he hates being close. Turns out, he loves them. He's such a baby. "Akala ko ba ayaw mo ng cuddles?" he teased.

"Hindi ko nga trip. Pero trip mo, eh," sabi ko.

"What is that supposed to mean, huh?" He caressed my cheek with his thumb.

Hindi na ako sumagot at pumikit na lang, ayaw nang mamali ng salita. Naalimpungatan ako nang nawala ang init ng katawan niya sa akin.

"Babalik lang ako. Lalagyan ko ng ice ang mukha mo para mabawasan ang pamamaga." Tapos lumabas siya ng kwarto.

Niyakap ko ang isang mahabang unan niya at tumagilid ng higa para malagay niya iyon ng mas mabilis. Marco came back and sat on the bed again.

"Tulog ka na," he repeated, sounding vey sleepy.

"Baka mahulog ang ice," mahinang sabi ko at pumikit.

"Hindi iyan. Ako na ang bahala." He leaned and kissed my forehead. "Good night."

I felt him comb the hair blocking my face and putting the ice pack on my cheek. Nakatulog naman ako ulit sa pagod at rahan ng paulit-ulit niyang haplos sa buhok ko.

Pagkagising ko, ako na lang ang nakayakap sa kaniya at nakasiksik sa leeg niya. Even my feet were still tangled with his. Hindi ako nagmulat kaagad ng mata at dinama ang paglaro niya sa dulo ng buhok ko.

"Ang aga mo naman," I said sleepily.

"Nasanay lang. Gusto ko rin sanang manuod ng sunrise, eh," he answered huskily.

"So ba't ka pa nandito?"

"Ang higpit ng yakap mo sa akin kaya hindi ako makaalis." He chuckled lowly. Tumingin ako sa kaniya, nakasingkit ang mga mata sa antok. "Tutulakin sana kita pero nakaka-guilty naman."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya at mabilis na kinalas ang kamay kong nakabalot sa kaniya, nag-iinit ang pisngi.

"Tara, nuod tayo." He got up the bed, stretching his arms up in the air. Napaigtad at mura siya nang dumaan si Mishu sa gitna ng paa niya. "Katakot naman 'to! Hindi man lang gumawa ng tunog!" Kulang na lang samaan niya ng tingin si Mishu!

"Hello, love." I caressed Mishu's fur when she jumped on the bed. Nilaro ko muna siya saglit at binalik sa cage niya. May food naman siya roon kaya hindi na ako naglagay ng bago.

Akala ko sa beach sa tapat ng bahay kami manunuod pero mukhang sa iba yata dahil nagsasakyan kami. The color of the sky was still ash grey so I was sure we'll reach the sunrise.

"What place is this? It looks so beautiful." I felt in awe when we reached the place. Tophill iyon but unlike in the city where we see buildings and lights, this view was the very wide beach. Just plain blue, that turns a hue darker as it went farther.

"I don't know what's it called. Kito and I found this while we were strolling the island. I usually come here when I was in high school. Kapag bothered o hindi ko gustong may kausap, nandito lang ako nakatambay. This is my special place," kwento ni Marco.

Inabutan niya ako ng flask. Binuksan ko ang takip at nakitang kape ang laman noon. "Prepared! Thank you!" Ngumiti ako at naupo sa hood ng sasakyan niya, pinapanuod ang mahinang pagsikat ng araw. Sumandal siya sa tabi ko.

"Who have you brought here?" I didn't spare him a glance when I asked that question. Ba't ko ba tinanong?

"This is a place I run to when I don't want to be found so I brought no one here. Ewan ko lang kung may dinala si Kito rito. Bakit?"

From my eyes on the sun, my gaze averted to meet his curious eyes. "Even Sasy hindi mo dinala?"

He nodded. "Kahit si Sasy." His voice sounded full of assurance.

Tumalbog ang puso ko bigla. Dinala niya ako, pero iyong babaeng mahal niya, hindi? Dahil ba siya ang tinatakasan nito at ayaw magpahanap sa kaniya? He loved her that much to be hurt big time, huh? How can I compete to that?

Maybe there was something else that's why he brought me? Fuck. Why was I such a hopeful person? Sabi ko pipigilan ko ang nararamdaman ko pero paano kung ganito siya?

"Then why did you bring me?" I had to ask that or else I'll overthink every night about this.

I saw a faint smile on his lips before he shook his head and looked away. "I honestly don't know... But I don't regret it."


Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 502 14
π‘·π’–π’ƒπ’π’Šπ’”π’‰π’†π’…:π‘«π’†π’„π’†π’Žπ’ƒπ’†π’“ 23, 2022 π’‡π’Šπ’π’Šπ’”π’‰π’†π’…:
84.3K 4.8K 57
Sword still in her hands, she stomped her foot again. "Why are you smiling?" Brainwashed? Check. Sheltered? Check. Lost and alone? Check and, uh, che...
17.1K 541 47
Metanoia [meh - ta - noy - ah] β€’ Greek (n.) The journey of changing one's mind, heart, self or way of life PS-CoS Completed? Unfinished? βœ” Edited...
54.3K 1.5K 19
she never settles, but she can lock it down. Β© BUECKEERS 2024