Reincarnated

By u_rsopretty

12.5K 723 24

work of fiction A girl with a heart disease and weak body, trying to be strong for the people around her. Wis... More

Prologue
I.
II. Unknown Pain
III. Gusto ko
IV.
V
VI
VII
VIII
IX.
X.
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII

XXIII

141 13 0
By u_rsopretty

XXIII

"AHHHHH!" Isang malabong tili ang narinig namin galing sa gubat.

Lahat kame ay napalingon doon at napatayo rin ang iba. Halatang lahat ay gulat or curious kung ano ang meron.

Akmang tatakbo si Fredrick papunta doon pero pinigilan siya ni Emilia.

"We don't know what's in there." Emilia said in a warning tone.

"Jayford and Ike are in there." Mariing sagot ni Fredrick.

Jayford and Ike. Kilala ko sila at lagi silang magkasama magka-iba man ang grupo nila. Sila yung mga makukulit kahit na mas matanda sila sa 'kin. Sila yung palaging napapagalitan dahil halos dinadaan lang sa biro ang lahat.

"Si Ike!" Sigaw ng isang babae. Ka-grupo iyon ni Ike at Sinzy ang pangalan niya. "Malamang kasama niya naman ang kanyang kaibigang si Jayford."

May narinig kaming sigaw na papalapit na samin pero wala ni isang gumalaw. Kilala rin kase ang dalawa na prankster. Nagkatinginan kame kung dapat bang puntahan namin sila o hindi.

Dalawang beses akong napa-hakbang paatras ng may mga kaluskos.

"Sila na 'ata yan" Sabi pa nung isa.

May nararamdaman akong kakaiba at wala sa sarili akong napatingin kay Tim na ngayon ay kunot noo ring nakatingin doon.

I summoned my weapon pero walang dumating na weapon sa kamay ko. Oo nga pala, di kame makakagamit ng kahit anong mahika.

Hinihingal na bumungad sa 'min sina Ike. Tumakbo pa sila at nagtago sa likod ng ilang mga ka-grupo nila.

Nagtataka kameng tumingin sa kanila dahil sa inakto nila. Muka silang takot at may inaantay pang lumabas galing sa gubat.

"Ano ang nangyari?" Dinig kong tanong ni Sinzy.

Bumukas ang bibig ni Ike pero muli niya itong tinikom. Tinuro niya ang gubat at may narinig kameng kaluskos mula dun.

May kamay na maputla at halos buto nalang ang biglang lumabas. Ngunit bigla rin itong nawala at ang sunod naming narinig ay ang tunog ng kaluskos papalayo.

Kahit na kamay lang ang nakita ko, alam ko kung ano iyon. Iyon ang bagay na umatake samin ni Tim, yung umatake samin ng mga ka-grupo ko, at yung mga nilalang na nakita namin ni Dahlia sa isang sekretong lugar.

Tim hurried to Ike and Jayford. Ganun din ang ginawa ko at ng mga ka-grupo ko. Alam kong nakilala rin nila kung ano iyon kahit na kamay lang ang nakita. Lumapit na rin ang iba sa kanila.

"Anong nakita ninyo?" Tanong nito sa kanila pero gulat pa rin ang dalawa at di nakasagot.

Para bang di sila makapaniwala sa nakita lalong lalo na si Ike.

"Ano? Malaki ba tenga?" Tanong ko.

Tumango si Jayford.

"Malaking bibig, walang mata?"

Tumango siya ulit. Napansin ko ang napunit na parte sa sleeve niya at may munting galos.

"Maputla, tapos parang kalansay yung katawan?"

Tumango ulit.

"Dalawang tuldok lang yung ilong tas walang patitin?"

Mahina kong tinulak si Tala dahil sa tanong niya. Ang bad. Sinali pa talaga yung ano... Tumango si Jayford at gulat sila ni Ike na napatingin samin.

"P-paanong...?" Utal niyang tanong at di na matapos ang sasabihin. Gulat ka noh?

Nagkatinginan kame ng mga ka-grupo namin. Nag-uusap gamit ang mga mata.

Nahagip ng paningin ko si Dahlia na nakatingin sakin. Madilim ang silid kung nasan ang mga nilalang na iyon nung ma-diskubre namin kaya mukang di niya nakilala ang kamay.

"Stay near the water, everyone!" Utos ni Fredrick.

May ilang sumunod sa kaniya pero ang ilan naman ay hindi. Sasabihan niya sana ulit na manatili malapit sa tubig pero pinigilan siya ni Emilia.

Our group gathered sa isang sulok na hindi masyadong malapit sa gubat para mag-usap.

"How did those creatures got here?"

"Wala yun kagabi. If nandito na yun, umatake na sana tayo lalo na't gumawa tayo ng ingay."

Sasabihin ko ba sa kanila kung ano ang nalaman ko? Para kaseng ang unfair e'. Yung nagtatago ako ng sekreto sa kanila. Nangako kase ako na wag sasabihin sa iba e'.

But promises are meant to be broken...

No! Nangako ako kaya dapat tuparin ko iyon! Walang kwenta ang pangako kung di mo tutuparin. 'Di mo na madidikit ulit ang naputol na pangako. Walang super glue na makakapag-dikit nito.

I feel like they deserve to know...

"What to do? We can't have our weapons."

"Maybe we'll stay near the waters will do. Ganun din ang ibang mga grupo."

"But what will happen if those creatures catch us?"

Yung rin ang tanong ko. Ano ang mangyayari pag nakuha lame ng mga nilalang na iyon? Kakainin ba kame? Papatayin?

'Di ko man alam kung ano ang gagawin nila pero parang nasa instinct nang patayin ang mga ganoong nilalang. Para bang naiisip mo lang na halimaw iyon at sasaktan ka nun.

Ganun naman talaga tingin natin sa mga halimaw, diba? Nananakit? Kahit nga hindi halimaw nagawa kang saktan e'.

"Guys..." Lahat sila ay napalingon sa akin at nag-antay sa sasabihin ko.

Nag-dedebate pa ang dalawang parte ng isip ko kung sasabihin ko o hindi. Kung sasabihin ko, maaaring may magawa sila. Dapat kong sabihin sa kanila pero, yung pangako.

Umiling nalang ako sa huli.

Wait, nangako ba ako? Did I promised?

Sinubukan kong alalahanin pero wala akong maalala na nangako ako. Ang sinabi ko lang ay di makeke-alam sa matters sa school at hayaan na iyon.

Pero parang ganun na rin iyon pag sasabihin ko sa kanila. Na-iimagine kong pupuntahan namin ang lugar kung saan may maraming ganung nilalang pag sinabi ko sa kanila and we'll dig deeper about this issue lalo na't napahamak na kame dahil sa mga nilalang na iyon.

Is this the school's plan? Ito ba ang paraan nila para malaman kung sino talaga ang magaling?

Naalala ko kung paano medyo nag-iba ang muka ng Dean dito nung sinabi naming inatake kame ng mga kakaibang nilalang kina-umagahan. There's a little change in his expressions pero tinago niya iyon.

Is he part of this? Gwapo pa naman yun.

But maybe those creatures are harmless -harmless? Really, Veronishianinica? E' bumuga nga iyon ng lason- kase hindi nga kame ipapahamak ng eskwelahan, diba?

Oh! Muntik ko ng makalimutan. Wala nga pala silang pake kung mapahamak man o hindi dahil ang kanila lang ay gumaling ka sa pakikipag-laban masaktan ka man sa ensayo.

That's how cruel the second campus is. May iba nga'ng hindi na pumasok dito at naghanap-buhay nalang sa Demitri.

Bakit ako nandito? Dahil nandito rin ang mga ka-grupo ko. Ayaw kong mahiwalay sa kanila sabihin man nilang masasaktan at masasaktan ako dito.

Sabihin man ng iba na di ko kakayanin dito pero hala, sige! Nandito pa rin ako kase gusto ko silang protektahan kahit na ako ang kailangan ng proteksyon. Gusto kong nandiyan ako palagi sa tabi nila masaya man o malungkot.

Tama na nga! Humahaba na ito e'!

"Guys." Tawag ko ulit sa kanila. Ngayon ay buo na ang boses ko. "May dapat kayong malaman."

Sumulyap ako kay Tala. Alam kong may ideya na siya sa sasabihin ko dahil naririnig niya ang isip ko. That's why iniiwasan kong isipin yun nung mga nakaraang araw.

"Those creatures, nakita ko sila sa school." Pabulong kong sabi na para bang may nakikinig sa usapan namin kahit nasa malayo ang ibang mga studyante.

"Malamang, dun tayo inatake, diba?" Si Elena.

"Hindi yun." Umiling ako at lumunok muna bago nag-salita. "We discovered a secret place ilang araw na nakalipas kung saan naka-tago ang mga nilalang na iyan. Madami sila. Sobrang dami."

Nagkatinginan sila, tila naguguluhan at mahirap paniwalaan.

"'We'? Sino ang iyong kasama?" Tanong ni Tim. Yun 'ata ang unang napansin niya sa sinabi ko. Ano ba, Tim! May mas importante pa kaysa d'yan!

"Uh..." 'Di ko alam ang sasabihin. Nalawa salita ko.

Nanatiling nakabukas ang bibig ko, na ngangapa sa sasabihin pero walang lumabas na salita. Sasabihin ko bang kasama ko si Dahlia? Wala naman sigurong mangyayari, diba?

"You know it's dangerous!" Pa-galit na sabi sa 'kin ni Tim bago ako nagkapag-salita. Pinapagalitan ako ni father.

"Di ko naman alam na may ganun pala e'." Nakabusangot kong sabi.

"Veron, who are you with?" Kalmadong tanong sa 'kin ni Emilia, tila ba pinipigilang pagalitan pa ako ni Tim.

Sumulyap muna ako kay Tim bago kay Tala na ngayon ay tahimik lang. Alam kong alam na niya kung sino ang nakasama ko pero di siya nag salita. Gusto niyang ako ang mag desisyon kung sasabihin ko ba o hindi.

#decisionmaking

In making a decision, dapat mag-isip ng mabuti. Ano ang mangyayari pag sasabihin kong si Dahlia ang kasama ko? Ano ang gagawin nila?

Well, kakausapin nila si Dahlia dahil dito and I feel like unfair ako kay Dahlia dahil sinabi ko sa kanilang siya ang kasama ko. Baka madamay pa siya dito, wala naman siyang ginawa.

"Sorry, nagkamali lang. Ako lang talaga mag-isa." Tumawa ako. "Typo lang."

Sinuri nila ako. Parang tinitignan ako ng maigi kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

For years, I mastered the art of lying.

"Kailan pa yan? Bakit di mo sinabi sa 'min?" Sermon naman ni Fredrick. Parang lahat na ata sila ay sini-sermonan ko.

"Nawala sa isip ko e'. Nakalimutan ko." Naging malungkot ang boses ko. "Masyado kaseng marami ang ginagawa kaya..." I trailed off.

"May mga oras o panahon naman sigurong pumapasok iyon sa iyong isipan, hindi ba?" Si Elena.

"Sorry na." Sabi ko. "Marami lang iniisip."

"Hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari, Veron!"

Galit?

'Malamang!'

"Bigyan ng panahon si Veronishianinica na mag-isip. Malamang kinakabahan na iyan na para bang tinawag ng math teacher para sa oral recitation. Isipin na muna natin ang gagawin." Pagwawala ni Tala sa topic na gumana naman.

Nagpasalamat ako sa kanya mentally pero sinagot niya lang ako na isiping mabuti ang lalabas sa bibig ko. Malakas talaga powers ni Tala kaya hindi lahat ay na-bblock.

Binigyan muna ako ni Tim ng 'we'll-talk-later-look' bago sumang-ayon sa sinabi ni Tala. Ganun din ang iba. Hala, lagot.

"I'm sure some of the other students won't listen to us." Si Fredrick sabay tingin sa kumpol ng ilang kasama namin.

Ang iba ay nakatingin sa 'min -mukang nagtataka sa pinag-uusapan namin o gustong sumali- ang iba ay kausap sina Jayford at Ike na pasulyap sulyap sa 'min at ang iba naman ay walang pake at gusto lang na maka-alis dito.

Sino bang mag-eenjoy e ang sakit ng buhangin? Tapos ang akward namang maligo ng dagat kung ikaw lang isa. Maliban lang kung makapal ang muka mo tulad nung mga dating kaibigan ni Veinna na mukang may-plano atang maligo sa dagat kahit na may kalalakihan.

Hindi kase magandang gawain dito ang maligo sa harap ng mga lalake kahit public yung lugar. Maraming bawal sa mga babae dito tulad ng pag papakita ng balat mula sa tuhod pataas, bawal ma exposed ang balikat kaya ang mga damit at may sleeves talaga.

Sabi ko nga noon, walang gender equality.

"Hindi sila makikinig sa atin hangga't di nila makita ang nilalang na iyon." Sang-ayon ako sa sinabi ni Emilia lalo na't may ibang di namin kasundong studyante.

"Wala tayong magagawa kung hindi sila susunod sa atin. Ang tanging magagawa lang natin ay ang maging alerto sa kapaligiran."

Nag-usap usap pa kame kung ano ang gagawin ng biglang lumapit sa 'min si Ike. Mukang mag tatanong.

"Ano ang mga n-nilalang na iyon?" Tanong niya sa 'min.

Natahimik kame at nagkatinginan kung sino ang sasagot at ano ang isasagot dahil maski kame, walang alam kung ano iyon maliban nalang kay....

Dahan dahan akong napalingon kay Tala ng may mabuong konklusyon sa isip pero umiling rin kalaunan.

"What did that creature did to you?" Tanong ni Tim.

Bumukas ang bibig ni Ike pero muli rin iyong nagsara na para bang may pumipigil sa sarili niyang magsalita.

Namumutla siya at may malalaking butil ng pawis sa noo at leeg. Nakapag-tatakang di pa iyon na tuyo, mataas na ang rest nila simula nung hinabol sila ah.

Mabilis siyang nahawakan ni Emilia nung muntik siyang matumba. Nanghihina din ang tuhod niya.

"Anong nangyayari? Okay ka lang?" Tanong ko at lumapit sa kanya para rin alalayan siya.

Pinaypayan ko siya gamit ang kamay ko at mukang nagsisimula na kame maka-agaw ng atensiyon nung bigla siyang natumba.

Nasa braso ni Emilia ang ulo niya habang patuloy ko parin siyang pinapay-payan dahil mukang nahihirapan siya ng hangin.

"Tabi! Tabi!" Pinatabi ni Tala ang Fredrick ang mga naki-ususyo upang hindi ma-block hangin na papunta dito.

Tim came to us dala ang tubig na tinakbo pa niya at pina-inom sana ito kay Ike pero umiling siya. Then he held his waist.

Naguguluhan sa ginawa niya pero hinawi ni Tim ang parte damit ng ni Ike kung saan niya hinawakan.

Lahat ay napa-singhap ng makita kung ano ang nandun.

Isang malaking marka na para bang kinagat ng isang malaking bibig at may matutulis na ngipin.

May mga butas. May malaki, malalim at may mababaw dahil sa matutulis na ngipin. Walang dugo na lumalabas dahil mukang na stuck iyon sa may butas.

Narinig ko ang pag-hihysterical ni Jayford pero nanaliti akong nakatulala sa kagat. Di matanggal ang mata ko doon.

Gawa ba 'yan ng nilalang na 'yon?

Bumalik ang ulirat ko ng hinawakan ni Emilia ang kagat na para bang gagamutin niya iyon kahit na di niya magagamit ang element niya.

Mabilis na inilayo ni Emilia ang kamay niya sa kagat na para bang napapaso siya at humiyaw sa sakit si Ike.

"M-may alam kayo sa nilalang na iyon, hindi ba? Kumilos kayo! Paniguradong may alam rin kayo kung ano ang nararapat gawin diyan!" Sigaw ni Jayford.

Nakatingin siya sa 'min na para bang sinasabing iligtas namin ang kaibigan niya.

Tim also tried to touch it pero maski siya ay para bang napaso. Kinuha niya ang tubig at binuhos sa kagat pero ang sunod na nangyari ay umusok iyon.

Muling napahiyaw sa sakit ni Ike kaya nagsimula na kaming mag-panic. Nang mawala ang usok ay dun nakita ang parang natunaw na parte ng katawan ni Ike.

"Hayop ka! Ano ang iyong ginawa?!" Sinugod ni Jayford si Tim at kinwelyuhan ito.

Pero wala dun ang tingin ni Tim dahil nanatili iyon sa natunaw na parte ni Ike. Gulat sa resulta ng ginawa niya.

"Anong ginawa mo?!" Hinigpitan ni Jayford ang hawak sa damit ni Tim.

May away bang magaganap? Wag naman sana. Wag yung ganitong away.

"Hindi niya alam." Mahinahong sabi ni Warrick at pilit na kinakalas ang hawak ni Jayford sa damit ni Tim.

"Hindi niya alam?! E' sana nag-isip muna siya bago kumilos!" Halos napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Baka nabasag eardrums ni Tim.

"Jayford!" Suway ni Prince Phoenix nung umangat ang kamao ni Jayford.

Hinawakan ni Warrick ang kamay niya para pigilan ang gagawin nitong pag-suntok kay Tim.

Akmang lalapit rin ako sa kanila para umawat pero naramdaman ko ang pag-hila ni Ike sa laylayan ng sleeve ko.

Naka-bukas ang bibig niya na para bang may sasabihin siya pero di niya masabi. Walang nakapansin sa kanya dahil halos lahat ay na kina Tim ang atensiyon.

Wala sa sarili kong ginaya ang pag-bukas ng bibig niya para e-encourage siyang sabihin kung ano ang gusto niya sabihin.

Ginaya ko ang pag-bukas sara ng bibig niya. I think the word he wanted to say is 'they'

"Jayford!"

Hindi ko pinansin ang sigaw ni Elena dahil binabantayan ko ang pag bukas-sara ng bibig ni Ike.

'R' is the next

"Ikaw ba?! Nag-iisip ka ba bago ika'y kumilos?!"

Kusang sumara ang bibig ko sa narinig. Gusto ko man silang lingunin ay tinuon ko ang pansin kay Ike.

"Hindi rin naman, hindi ba? Kung ikaw ay nag-iisip ay sana hindi siya humantong ng ganito!"

Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Ike.

"Kung kayo'y nag-iisip ay hindi kayo humatong sa ganito kaya huwag mong ibuntong ang sisi kay Tim dahil hindi niya ito kasalanan!"

Sumara ang bibig ni Ike pero ramdam kong may sasabihin pa siya at di ko masundan yung sinabi niya kanina.

"Kayo ang may kasalanan! Kung hindi ninyo pina-iral ang katigasan ng iyong ulo ay hindi sana nang-yari ito."

Natahimik ang lahat. Pati rin si Jayford ay natahimik.

I encourage Ike to continue pero di na siya nagpatuloy. Naapektohan sa sinabi ni Elena.

"Ike, ituloy mo. Baka makatulog." Sabi ko sa kanya pero tinignan niya ako.

Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang isang usok.

"Everyone.." mahinang sabi ni Emilia pero nakuha nito ang atensiyon ng lahat.

Nakatitig rin siya sa usok tulad ko at halos sabay naming hinawi ang makapal na usok para makita kung ano na ang nangyayari sa kagat ni Ike.

Naging manipis ang usok at dun nakita kung paano nagiging abo ang kanyang katawan. Nahuhulog ang abo at nahahalo sa buhangin.

"Ike! Ike!" Dali daling lumapit si Jayford at hinawakan ang parte na nagiging abo ngunit ang nahahawakan niya ay nagiging abo rin.

Parang ang paghawak na ginawa niya ang dahilan kung bakit si Ike nanging abo na talaga.

Tulala. Halos ganyan kameng lahat, di makapaniwala sa nakita. Umihip ang hangin, tinatangay si Ike, ang abo ni Ike.

I didn't know. 'Di ko alam na ganito pala ang magagawa ng nilalang na iyon.

Para kang magiging nasunog na papel pero buo paring ngunit kung hahawakan ay masisira ka at magiging abo. Mag-aantay ka lang na maging abo ang lahat at tangayin ng hangin papunta sa lugar na di mo alam.

On this day, six lost a group mate, nakulangan ng isa ang studyante ng skwelahan, a family lost their precious son, and one lost a friend.

We can do nothing, but watch how Jayford cry.

Continue Reading

You'll Also Like

60.9K 3.4K 74
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
201K 4.5K 67
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
22.4K 1.9K 39
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
237K 11.9K 91
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...