Conrad Series 1: The Servant

By SaviorKitty

4.5M 160K 205K

Conrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retire... More

Conrad Series 1: The Servant
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 17

107K 3.9K 2.8K
By SaviorKitty



Kabanata 17:


Hindi ko maialis ang aking tingin sa lalaking nagpakilala sa akin na magiging asawa ko, kasalukuyan kaming nasa veranda sa ikalawang palapag ng mansyon. Nilingon ko si Mersita na maglapag sa amin ng tasa na may tsaa, mahaba ang kanyang nguso at nang makitang nilingon ko siya ay yumuko siya bago mabilis na tumalikod.

Nahagip ng aking mata si Gabo sa malayo, sa dulo ng hall malapit sa elevator kasama ang mga guard ni Count Maddox, nandoon lang sila at nagbabantay sa amin.

Ang ibang guard ay naka-iwas tingin habang halos hindi naman kumukurap si Gavril habang deretsyo ang tingin sa amin, seryoso ang kanyang mukha, kaya kinabahan ako.

Bigla kong naalala ang ginawa ko kanina na pag-alis ng aking kamay sa kanya kaya nag-iwas ako ng tingin.

Count Maddox, who was sitting in front of me, sipped on his tea. He looked outside our balcony. He scanned our garden and the farm in the distance.

"Ipinadala ako rito ng iyong ama, dapat ay magkakasabay kami patungo rito ngunit hindi natuloy ang kanilang pagdating," tagalog na tagalog na sabi niya sa kabila ng banyagang itsura, mukha siyang may lahing Spanish dahil sa tangos ng ilong at porma ng mata.

"M-Marunong kang magtagalog?"

Count Maddox nodded. "I'm still studying your language and culture, Milady. Hindi ba't dapat lamang matutunan ko ang wika ng aking mapapangasawa?" pormal na boses niya.

I took a deep breath and sat there straight.

Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa kanya. Naisip ko na noon na hindi si Gavril ang ipapakasal sa akin, pero may parte sa akin na umaasa hanggang kahuli-hulihan. Na baka umaarte lang siyang hindi siya at parte lang iyon ng test para sa akin.

Ngayon, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman, anong gagawin ko ngayon nandito na ang lalaking magiging asawa ko?

I'm scared. I don't want to make a mistake for our family, for Lavelle.

"I-I don't know what to say," pag-amin ko sa lalaki sa aking harapan.

Seryoso niya akong tinitigan, bahagya niya akong pinasadahan ng tingin. Kahit nahuli ko iyon ay parang hindi naman siya nahiya.

Ako ang biglang nahiya, kahit hindi ko sabihin ay nakakaintimida ang kanyang itsura lalo na't matalim tumitig ang kanyang berdeng mata.

"I saw some of your pictures and you looked different from there," deretsyahan sabi niya, hindi ako nakapagsalita. He is telling the truth. I know I've changed a lot. "Anyway, I don't care as long as you're healthy. I want a wife that can take care of me, our child, and also herself."

Para bang isang business meeting lang para sa kanya ang sinasabi niya at ako ang ka-business partner niya.

"Bakit parang ang dali lang sa'yong sabihin 'yan?" I can't help but ask.

Sabi ko noon ay handa na ako, kung sino at kailan man dumating ay handa ako pero ngayon ay alam kong nagdadalawang-isip ako sa kasal na ito.

Tama nga si Gavril, hindi siya ang mayaman na lalaking ipapakasal sa akin. Na isang mahirap na guwardiya lang siya na nagsisilbi sa amin pamilya katulad ng ibang tauhan.

Biglang bumigat ang paghinga ako dahil umaasa akong siya iyon, na mayaman din siya katulad ko para pwede kaming dalawa, para ayos lang kung maging kami.

"Bakit hindi, Milady? Hindi ba't iyon naman talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito? Ang bumuo ng mga susunod na tagapagmana. Hindi na rin ako bumabata, I'm already twenty seven and I need a heir. I want a baby this month." He sipped on his cup again, I saw his eyes landed on my neck.

Natatarantang kaagad kong inayos ang buhok ko dahil alam ko kung anong mga nandoon na marka.

Kalmadong ibinaba ni Count Maddox ang kanyang tasa, inilapag ang kamay sa nakakrus na mga hita.

"If you have a lover, just make sure our family and upcoming wedding won't be affected by it. I am giving you two weeks to break up with him before our marriage."

"A w-what?!"

Halos maisigaw ko iyon, hindi ko magawang sumulyap muli sa mga guwardiya pero ramdam ko ang matalim na tingin ni Gabo sa amin. Paniguradong hindi nila naririnig ang usapan namin sa layo pero paniguradong nakikita niya ang emosyon ko.

Anong sinasabi niyang two weeks?

"Ikakasal tayo sa loob ng dalawang linggo. Kung gugustuhin nga kahit ngayon araw ay maaari ngunit ayaw kitang biglain tungkol sa bagay na iyon, binibigyan kita ng dalawang linggo, Milady," he reminded.

Naiwan nakanganga ang aking bibig, hindi ako nakapagsalita.

Sobrang bigat ng aking paghinga, sigurado akong may ideya na siya sa kung ano ang mga marka sa leeg ko. Hindi ko iyon maitatanggi, lalaki siya paniguradong alam niya.

Taas-noo kong pinantayan ang tingin niya.

"What if I decline this marriage? What if I don't want to marry anymore?"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi, mas sumandal sa kanyang upuan. "Hm, the royal highness will not follow the tradition, e?" Tumabingi ang ulo ni Count Maddox. "Would you abandon your family to be with that boy? If you can, then . . . That is your answer. If you can't let the Lavelle family down, don't even try."

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya, hindi iyon nagbabanta ngunit madiin.

"Aalis na rin ako, dumaan lang ako bago pumunta sa aking tutuluyan habang nandito sa Pilipinas," imporma niya.

"You can sleep here; the mansion is big; we have enough room, Count Maddox," I said.

I know that would be my parents' words if they were here. Alam kong gano'n din ang gagawin nila kahit pa ayaw ko.

"Hindi na, baka hindi ako umabot ng bukas kapag dito ako natulog. Babalik na lang ako sa susunod na araw kapag nandito na ang iyong mga magulang kasama ang mag-asikaso ng ating kasal."

Naguluhan ako sa sinabi niya, magtatanong pa sana ako pero inayos na niya ang kanyang suot na tuxedo bago tumayo, halos matulos ako sa aking kinauupuan nang lumapit siya't yumuko, hindi kaagad ako nakakilos sa gulat.

Count Maddox kissed my cheek. "The next time your guard looks at me like that, I'll kill him in front of you, Milady," he whispered before he walked towards his guard.

Nadaanan niya si Gabo, hindi ko alam pero kinabahan ako lalo na nang tumigil siya, may sinabi si Count Maddox kay Gavril bago tuluyan lagpasan, nakita kong gumalaw ang panga ni Gavril bago yumuko na lang.

Napatitig ako sa tasa na nasa aking harapan. Everything looks unreal. I don't know how to react.

Tulala akong naglakad papunta sa kwarto ko, nadaanan ko si Gavril. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.

Bago pumasok sa elevator papunta sa palapag kung nasaan ang kwarto ko ay nilingon ko siya.

"Hindi mo na kailangan sumama sa akin sa kwarto, tawagin mo na lang si Mersita at papuntahin sa akin," seryosong sabi ko bago pindutin ang button para sumara ang elevator.

Mariin akong pumikit habang iniisip ang mga nangyari, parang bigla akong napagod.

Tama sila, pagkatapos ng saya ay kalungkutan naman.

Pero hindi ba't dapat maging masaya ako? Dahil sa wakas ay magagawa ko na ang matagal ng itinakda sa akin, ang matagal ko ng pinaghandaan.

I massaged my neck when I entered my room.

Humiga ako sa aking kama, hindi gumaan ang loob ko kahit sobrang lambot no'n. Parang mas gusto ko pang mahiga sa matigas na papag kaysa rito.

Bumukas ang pintuan, napalingon ako sa isang katulong na pamilyar sa akin, si Anna. Mukhang hindi niya inaasahan na maabutan niya ako roon, natigilan siya bago yumuko.

"S-Sorry po, Senyora. P-Pinapunta po ako ni Mersita para ayusin ang pampaligo niyo, p-paakyat na rin po siya," maingat na sabi niya na nauutal-utal pa, hindi mo malaman kung papasok ng tuluyan o aatras na lang.

Umupo ako sa aking kama.

"Sige, thank you," sabi ko saka tumayo upang kumuha ng damit sa aking walk-in closet.

Nakita kong nanlaki ang kanyang mata at napaawang ang kanyang bibig kaya natigilan ako sa paglakad, what the hell is wrong with this woman?

"What?"

"N-Nag-thank you ka po, Senyora. T-Tapos h-hindi ka po sumigaw, h-hindi na po kayo nambabato ng vase," gulat na sabi niya, naitakip pa niya ang kamay sa kanyang bibig.

Sandali akong natigilan, hindi ko rin iyon napansin. Napairap ako bago pumasok sa walk-in closet, parang isang kwarto ko na rin iyon. Maraming branded bags, shoes at iba pa pero isa lang ang hinanap ko.

'Yong short na binili namin sa Divisoria at isang sando.

Nang maayos ni Anna ang bathtub ay nagbabad na ako roon, nakaidlip pa ako habang napapalibutan ng mga bula at petals. Nang matapos at makuntento ako ay lumabas na ako, naabutan ko si Mersita na pinag-aayos ako ng pagkain.

Lumingon ako sa labas at gabi na pala at umuulan din, ang tagal ko pala sa banyo.

"Magandang gabi, Senyora," bati niya.

"Hmm," I greeted her.

Dumiretsyo ako sa aking kama, nakita kong nandoon na ang aking bag, inabot ko iyon upang i-check ang aking phone ko. Kaagad kong hinanap ang numero ni Gio para pagtanong tungkol sa mga nalalaman niya kay Gabo pero wala na ang numero niya roon, nakailang scroll pa ko sa ilang pirasong contacts ko pero wala iyon.

Hindi ko ata na-save.

"Senyora, kumain na po kayo."

"Mersita, ipakuha mo ako ng red wine," sabi ko bago ibaba ang aking phone.

Kumunot ang noo niya. "Huh? Iinom po kayo?"

"Ano pa bang pwedeng gawin ko sa red wine, Mersita?"

Nakita kong napanguso siya. "Ngunit gabi na, Senyora."

"Ayos lang, ilang baso lang bago matulog." Umawang ang labi niya animong may sasabihin pero sa huli ay tumango na lang.

Nakailang subo lang ako sa masarap na pagkain na inihain sa akin, wala akong gana. Dumating ang alak na pinapakuha ko dala ni Anna na kaagad din umalis.

Mukhang may trauma pa rin siya sa akin.

Gusto ko sanang uminom sa labas ng veranda, hindi naman nababasa roon dahil may malapad na bubong naman kaya binuksan ko ang glassdoor. Umihip ang malakas na hangin sa aking mukha, bahagya akong nilamig dahil sa manipis na sando na suot ko, nagsuot muna ako ng robang puti.

May wooden chair at table ako roon na madalas ko talagang tambayan.

Umupo ako roon dala ang bote ng alak, madilim ang kalangitan habang maliwanag naman ang ibaba ng mansyon.

Maraming ilaw lalo na sa malaking fountain sa harap ng mansyon. Hindi ko maiwasan mapangiti nang maalala ang tungkol sa fountain.

Na matutupad kapag nag-wish sa balon o hindi kaya ay fountain.

Tinungga ko ang alak deretsyo sa bote, bahagya pa iyon natapon sa damit ko. Ilang beses ko iyon ginawa, mariin akong pumikit nang bahagyang umikot na ang paningin ko. I don't have high alcohol tolerance; usually I can have one glass. Kadalasan ay isang bato lang kaya kapag ganitong halos nakalahati ko na ang bote ay umiikot na talaga ang paligid ko.

Isinandal ko ang aking ulo sa sandalan bago pumikit. I can sleep, I don't have to overthink.

Hindi ko alam gaano ako katagal nakapikit, nagising lang ang diwa ko nang maramdaman kong may bumuhat sa akin.

Pinilit kong dumilat nang maramdaman kong umupo kami, kumunot ang aking noo nang maaninag si Gabo na naka-sandong itim at sweater pants na gray. Seryoso ang kanyang mukha habang kandong ako sa banyo, nakaupo siya sa bowl.

Sinubukan kong tumayo pero nasusuka ako, shit!

"I-I want my bed." I groaned.

"Mag-toothbrush ka muna bago matulog." Umingit ako sa sinabi niya.

Inalalayan niya akong tumayo, naramdaman kong isinandal niya ako sa malamig na tiles.

I smiled and wrapped my arms around his neck, he let out a harsh breath.

"Sumandal ka nang maayos, hihilamusan kita at toothbrush bago mahiga," bulong niya sa akin.

Natatawang umarte akong nagsasayaw kami, narinig ko ang daing niya. Nagkunwari akong sumasayaw, nakatayo lang siya roon, kumembot-kembot ako habang natatawa.

"My old prince charming," I mumbled while I'm moving my hips.

"My evil queen, that's enough. You need to rest," he whispered.

Tuluyan niyang natanggal ang kamay ko sa kanyang leeg, hinayaan ko na siya sa ginagawa niya.

Nararamdaman kong pinupunasan niya ako ng basang bimpo sa mukha at leeg, napangiti ako nang maramdaman ang hinlalaki niya sa aking pisngi animong may tinatanggal siya roon.

Mapungay ang mata ko nang maramdaman binubukas niya ang bibig ko.

"Say ah."

"Ahhh!" He brushed my teeth and tongue.

Dumura ako sa lababo pagkatapos at nagmumog, inalalayan niya akong muli papunta sa kama. Napabuntonghininga ako nang maramdaman kong lumapat ang likod ko sa aking kama.

"Iinom hindi pala kaya," narinig kong bulong niya animong matanda.

Oh right, he's matanda na!

I chuckled of what I thought.

"Narinig kita ah, hindi ako l-lasing ah," tanggi ko. Masakit lang ang ulo ko at inaantok pero hindi ako lasing, hindi pa ata.

"Uh-huh," he ended the topic. I sighed when he softly grabbed my hair into a bun.

Naramdaman kong inaalis niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha.

Pumikit na akong muli, nagising lang muli ang diwa ko nang maramdaman kong may malamig siyang pinapahid sa pisngi ko. Pinilit kong dumilat, nakaupo siya sa gilid ng aking kama habang hawak ang phone niya at may pinapanuod doon.

'Next step, you should always apply your serum after your toner, to ensure that it can effectively penetrate your skin.' Narinig kong sabi ng boses ng babae sa video na pinapanuod niya.

Oh, I thought he's watching pornographic videos.

Nakita kong lumapit siya sa vanity table ko sa gilid kung nasaan ang mga gamit ko.

"Serum, anong kulay ba 'yon? Ang daming serum dito." Narinig kong bulong niya habang binabasa ang mga beauty products na nandoon.

Gusto ko siyang turuan pero tinatamad akong magsalita, napipikit muli ang mata ko. Naramdaman kong umupo siyang muli sa kama, may kung ano na naman nilalagay sa mukha ko at leeg.

"Ayan! Ang galing ko, ang ganda ng baby na 'yan," bulong niya bago ako kumutan.

Gusto kong matawa pero inaantok na talaga ako. Madaling araw nang magising ako dahil sa lamig, kinapa ko ang aking kumot pero hindi ko mahanap kaya dumilat na ako.

Halos mapabaliwas pa ako sa gulat mang makita ko si Gavril na natutulog sa sofa sa aking kwarto. Tanging lampshade ko lang ang nakabukas pero sigurado akong nakapikit siya at mabigat ang paghinga roon.

I checked the time. Four in the morning.

Dito siya natulog? Hindi ba sumasakit ang leeg niya riyan?

Maingat akong tumayo sa kama, inayos ko ang pagkaka-ribon ng aking roba saka lumapit sa kanya sa mahabang sofa.

Balak ko sanang gisingin siya para lumipat na sa kwarto niya pero bigla niyang hinuli ang pulso ko't hinila ako pahiga sa sofa. Napasinghap ako sa gulat, bumagsak ako sa kanyang dibdib, pinaunan niya ako sa kanyang braso bago ipalupot ang isa sa aking beywang upang hindi ako mahulog.

Malapad naman iyon kaya kasya kami, napalunok ako nang hilahin pa niya ako papalapit sa kanyang katawan.

Parehas kaming nakatagilid at magkaharap.

Tiningala ko siya. "B-Bakit dito ka natulog?"

"Hindi ako makatulog sa kwarto, your highness. Nasanay ata akong kasama ka," mahinang sabi niya ngunit nanatiling nakapikit, napansin ko ang mahaba niyang pilik-mata. "Tatabihan sana kita sa kama kaso baka hindi ko mapigilan, at lasing ka."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin, tumama ang pisngi ko sa dibdib niya. I'm not cold anymore, I want this. I love his body with me. So hot.

Nangingiting niyakap ko rin ang kanyang beywang saka mas sumiksik sa kanyang malaking katawan, narinig ko ang mahinang mura niya bago ilapit ang labi sa aking noo.

"Lasing ka pa?" bulong niya.

"H-Hindi na, bakit?"

"Hmm." He hummed. "Wala lang, my Adi."

Sandali akong natigil, simpleng salita lang iyon pero sobrang kiliti sa tiyan ko.

"Sorry, kahapon. Galit ka ba?"

Doon siya dumilat, nagtama ang aming mata.

"Hindi ako galit, naiintindihan ko naman." Sandali siyang tumigil. "Maiintindihan ko kung anong magiging desisyon mo."

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa kanyang sinabi, gumagalaw ang kanyang panga, inangat ko ang aking palad upang abutin iyon.

"Hindi ka galit?"

"Hindi, your highness. Hindi mo gugustuhin magalit ako."

Nanuyo ang lalamunan ko, bahagya kong hinimas ang panga niya, napapikit siya.

"Paano ka ba magalit, Gav, hmm?"

Gusto kong tuparin ang tungkulin ko sa pamilya namin, ayokong ma-disappoint sila Papá at Mamá pero... si Gavril.

Anong gagawin ko?

I know, this is between my responsibility and my happiness.

Hindi siya sumagot. Natatakot ako kasi nagsisimula pa lang kami, nagsisimula palang 'tong nararamdaman ko, namin. Tapos may ganito na kaagad.

I bit my lower lip when he caressed my waist.

"Anong plano mo, your highness?" tanong niya magkaraan ng ilang segundo. "Kailan daw ang itinakdang kasal niyo?" naging mas mahina ang boses niya, may kakaibang emosyon sa mata.

"D-Dalawang linggo."

He leaned closer to me. He brushed his lips on my ear. "Then I have two weeks to seduce and romance you, until you are completely crazy over me, my highness."

__________________
SaviorKitty

Continue Reading

You'll Also Like

201K 3.9K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
11.4K 1K 44
SB19 KEN Fanfiction ***** He needed rest and peace. She needed to escape and breathe. One night in a loud and busy club in Manila, Felip Jhon "Ken" S...
746K 31.5K 15
SEVEN DEADLY SINS SERIES 3: 𝐄𝐍𝐕𝐘 Reagan is a cold-hearted womanizer. Iyon na ata ang karugtong lagi kapag binabanggit ang pangalan niya. He alway...
40.9K 1K 25
This story is purely m2m story. There are parts that are not suitable for all ages. If you are uncomfortable with my stories feel free to leave and l...