Echoes of a Heartbeat (HEARTW...

Od SILUMANG_PLUMA

486 44 0

Her heart never echoes for someone but why of all sudden it changes? Si Maria Celestine Feyyara Canva ay isan... Viac

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Simula

72 6 0
Od SILUMANG_PLUMA

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Indifferent

Sa edad na walong taon, nambabae na ang Papa ko. Sa trabaho, madalas na huhuli siya ni Mama. Pinatawad siya mga ilang buwan na lumipas, sinusuyo siya ni Papa kaya nagiging okay din naman. Kahit pa na itago kami ni Mama para lang hindi namin sila makita ni Papa na nag-aaway alam pa rin naman namin.



Sa pangalawang pagkakataon na ulit pa iyon kaya naman para lang na mapanatili kami bilang pamilya, pinatawad na naman sya ni Mama at nag-decide na umuwi muna kami sa probinsya. Baka kasi sakaling doon maiisip ni Papa na kailangan niya ng magbago lalo pat unti unti na kaming lumalaki.



Umuwi kami sa probinsya, nga lang wala ng trabaho si Papa. Ilang buwan lang at nag-decide si Mama na mag-abroad. Nangyari nga iyon. Nakakatawa kasi sa murang edad ko pa lang umalis na si Mama para sa amin. Hindi niya sinasabi na matatagalan siyang makabalik pero habang lumalaki ako mas nauunawaan ko na ang trabaho niya kaya ilang taon muna ang lilipas bago siya makauwing muli sa piling namin.



Si Papa at ang lola at lolo ko ang nag-aalaga sa aming magkakapatid at habang nagtatrabaho si Mama, sinusuportahan niya naman si Papa na nagtatrabaho bilang driver. Pero sa lumipas na mga taon habang wala si Mama nambabae na naman si Papa.



Nalaman iyon ng mga kapatid ni Mama, nagalit kaya kinausap si Papa. Sabi ni Papa, ayaw daw niyang umalis si Mama namimiss niya. Kung sana lang sana ay naging mabuting asawa siya ay nagkaroon pa sya ng magandang trabaho at hindi na kailangang umalis pa ni Mama. Nauunawaan ng mga kapatid iyon ni Mama pero hindi pa rin nila maiwasan na magalit kay Papa.



Sa mga nakita at namulatan ko noong bata pa ako, iba ang paniniwala ko sa mundo, pagmamahal at pag-ibig. Yong love, delikado, hindi concreto, mabigat sa puso, betrayal ang love at pagsisisihan. Ang mundo naman, madaya at lalo ng mapanakit. Ganun ako kung magbigay ng depinisyon sa mga salitang iyon. Kasi kung hindi delikado ang love edi sana komplete kami, edi sana naging faithful pa si Papa kay Mama. Napaka daya rin ng mundo kasi sa murang edad ko hinayaan na ako na makita ang mga bagay na ito. I just become indifferent.



Kaya hanggang ngayon ganun parin ang paniniwala ko. Kahit pa na sinabi iyon ni Papa na nangungulila na sya sa pagmamahal ni Mama kaya mas lalong nambabae siya para sa akin hindi iyon sapat dahil habang lumalaki kami at nagdadalaga ginagawa pa rin ni Papa. Nasa poder kami ng mga magulang ni Mama, kay lola at lolo. Grade three palang ako nung hindi pa rin nakakauwi si Mama.




Yong lola at lolo ko ang naging Mama at Papa namin ng ate at ng isa ako pang kapatid. Si Papa naroon lang sumusuporta. Mabait naman talaga ang Papa ko, mahal niya kami pero yong mga pagsisisi niya parating na sa huli at hindi ko nagugustuhan lalo pat inuulit niya lang din naman.



Sa mga taong iyon, napaka swerte namin sa lola ko. Kahit na gaano na siya katanda, siya pa rin ang nagluluto para sa amin, sya ang naglalaba ng mga damit namin, siya lahat, sa tanda niyang iyon. Hindi ako nagsisisi na sa kabila ng lahat ng iyon may isang tao paring mahal na mahal ako at ang mga kapatid ko. Yong lola ko ayaw niyang kumain kung wala kami. Kapag mag-isa siya namimiss niya kami, nalulungkot at natatakot siya kapag nagkakasakit kami.



Sa lola ko, parang siyang anghel sa amin ng mga kapatid ko. Kahit kailan hindi kami nakaranas ng pamamalo na malalang malala talaga. Yong lola ko na napakabait, siya ang naging ina namin. Para lang din siyang si Mama.



Sa mga buwan na lumipas nambabae na naman si Papa, ang malala may asawa na rin iyong babae. Ang sabi nangangaliwa na rin iyong babae dahil sundalo ang asawa nito at nangungulila din sa pag-ibig nito.



Kaya nga minsan naiisip ko betrayal ang pagmamahal, ang pag-ibig, dahil dapat ang love concrete siya, pero hindi e, delikado ito at mas lalong mabigat sa puso dahil katulad ni Mama na paulit ulit ng niloloko, dahil sa mahal niya isang tao at mahal niya iyong mga anak niya, kahit mabigat sa puso ang pagmamahal na iyon, ang nangyayari pinaglalaban pa rin.



Dahil sa ginawa ni Papa, kailangan niyang bumalik sa pamilya niya para makaiwas sa sundalong asawa ng babae nang nalaman nito. Umuwi siya sa mga magulang at kapatid niya. Naiwan kami ng Ate ko at ang bunsong kapatid namin sinama ni Papa. Ilang buwan ang lumipas bago kami magkasamang muli ng kapatid ko, nagdesisyon na rin si Mama na umuwi.




Dahil sa nangyari naiwan namin ang lolo at lola namin sa probinsya at umuwi kaming muli sa probonsiya nila Papa. Nagkita na kami ng bunsong kapatid ko, inaayos na naman ni Mama ang relasyon nila Papa. Ang sabi ni Mama saamin huli na daw itong pagkakataon na ibigay niya kay Papa kaya naman nagsimula kaming muli. Nag-aral na kami ng mga kapatid ko at nakikitira sa poder ng mga magulang ni Papa. Bumalik na rin si Mama sa abroad. Ilang buwan pa nun kailangan ni Papang magtrabaho kaya ng may nag-offer sa kanya bilang driver sa Manila ay tinanggap niya na.




Naiwan kaming magkakapatid sa poder ng mga magulang ni Papa. Dito ibang iba ang buhay namin. Syempre sa mga panahong iyon mga bata pa rin kami, wala pa masyadong alam kundi ang maglaro. Mabait at hindi madamot sa pagkain ang mga magulang ni Papa. Inaasikaso kami, si Ate ang naghuhugas ng pinggan tuwing kumakain kami, naglalaba ng mga damit. Pero hindi nagtagal nag-iba ang ugali ng lola namin.




Madalas kaming pinapagalitan dahil naglalaro at hindi tumutulong sa mga gawaing bahay pero hindi naman iyon totoo dahil tuwing umaga ako ang nagwawalis sa labas ng bahay, si Ate ang naghuhugas. Umiiyak kami sa lungkot at takot. Mabait pa rin naman sila sa amin pero naroon iyong authenticity. Kung totoo ba na bilang apo mahal ba nila kami? May kapatid si Papa na babae, naalala ko noong bata pa talaga ako madalas akong makaihi sa kama niya kaya madalas na nakakatanggap din ako ng palo mula sa kanya.





Mabait naman siya dahil binibilhan niya kami ng mga damit, tsinelas at sapatos. Pero na husgahan na naman ako at ang mga kapatid ko. Ang sabi ng lola ko sa kapitbahay namin mga ignorante daw kami na parang ngayon lang nakasuot ng mga magagandang tsinelas na iyon. Narinig ko mismo iyon dahil sa tuwing dumadaan ako sa harap nila pinagmamasdan nila ako na parang may masama akong ginawa kaya nakinig ako sa usapan nila sa may balkonahe. Doon ko narinig ang lahat. Naiyak ako kaya siguro masyado akong iba, kung ano para sa akin ang kahulugan ng pagmamahal, pag-ibig at mundo.



Madalas kaming umiiyak sa kwarto nila Ate, tumatawag si Mama at sinasabihan namin siya sailang buwan na pagtitiis, di nagtagal pinagawan na kami ni Mama ng bahay, malapit lang din sa Lola ko para daw mapagmasdan kami kahit papaano at nakauwi na rin si Papa galing sa Manila. Masaya ako dahil nangyari iyon, para kaming nakalaya sa rehas ng mahigit na taon.



Doon nagpatuloy ang pag-aaral namin. Ang bilis ng panahon at nag highschool narin kami ni Ate, yong kapatid ko naman ay elementary pa lang. Sa mga nagdaan na taon nun inuulit parin ni Papa ang pambabae doon hindi na sya binalikan ni Mama. Nananatili kami sa bahay namin samantalang si Papa na sa bahay na pinapagawa ng babae niya.



Dinadalaw kami ni Papa, madalas pag sinabihan namin siya na may meeting sa school, pumupunta naman siya pero hindi pa nga natatapos umaalis na, kaya madalas sinasabihan kami ng mga guro namin kung bakit daw ganoon, wala naman kaming mai-sagot. Binibigyan din kami kahit papaano ng pera pero aruga ang kailangan namin at pagmamahal.



Dahil walang trabaho si Papa inakay na lahat ni Mama ang responsibilidad at yon yung hindi ko matanggap at kinaiinisan. Bakit sa dinami dami ng tao bakit ganito pa siya iyong Papa namin? Kaya nilimot ko muna ang lahat. Tinoon naming magkakapatid ang lahat sa pag-aaral. Kaya lagi kaming na sa with high honors.




Nagtrabaho ako bilang taga bantay ng bata tuwing gabi. Sinasabay ko iyon sa pag-aaral ko tuwing gabi habang dinuduyan at pinapainom ng gatas. Madalas 4 na oras lang ang tulog ko pero kinakaya ko para ma suportahan ang sarili hanggat kaya pa ganoon din si Ate. Si Papa naman wala ka talaga masyadong maaasahan, pili lang ang oras na tutulong.



College na si Ate makalipas ang ilang taon, private school at nag nursing. Si Mama at ang kapatid ng lola namin ang tumutulong sa tuition nito. Bata pa lang siya gusto niya talagang maging nurse kaya gaya niya gusto ko ring maging doctor kung papalarin. Naging smooth yong mga taon para sa amin kahit papaano. Pero noong dalawa na kaming nag college naisip ko na kailangan kong mag public school, hindi naman porket nasa public kami ay hindi na competitive ang school namin.




Bago nga ako makapag-aral ng college kailangan kong mag-aral at mag review para lang pumasa school entrance exam at pagkatapos department course exam naman. Isa pa kilala ang school na pinasukan ko. Naging mahirap iyon dahil hanggat kaya, sa gabi ako nagtatrabaho for only 3 hours. Pinipilit kong gawin dahil mabait naman ang may-ari. Nasa coffee shop ako nagtatrabaho for 3 hours at umuuwi sa boarding house ko pagkatapos. Masaya si Mama na kahit papaano na gagawan ko ng paraan na mabuhay at kapag sumusistento naman sya sa akin ay hindi na gaanong kalaki.



Grumaduate ako sa high school ng with high honors at nakapasa sa mga entrance exam ng school na inap-playan ko. Doon naging mahirap ang buhay ko dahil ang nasa bahay na lang ay ang kapatid at ang ate ko. Namimiss ko sila, nangungulila sa pag-iisa at kalungkutan pero lumalaban.



I was taking Political Science that time dahil hindi ako nakapag take ng exam sa nursing at limited student lang daw ang kinuha nila, madalas kinakausap pa ang dean ng iba para lang makapasok. Kaya naman dahil second choice ko naman ang Political Science dahil gusto kong maging lawyer ay doon na ako pumasok. Naging mahirap iyong dahil ang dami ring matatalino at galing saibang parte ng Pilipinas ng mga kaklase ko. Matatalino kaya kailangan kong mag-aral ng mag-aral para pumasa at makakuha ng magandang grades.




"Celestine, number four na table. Doon ka na magserve. Malay mo bigyan ka ng tip. Mayayaman yang nariyan. Kakagraduate palang kasi ng anak ng businessman dyaan oh, tapos ito na raw ang pagmamanahan kaya naman nag-uusap sila with his business partners. Ang gwapo pa naman niyang lalaki. Sige na magserve ka na." Si Ryan. Kaibigan kong bakla. Napaka kulit at wala ng bukang bibig kundi ang mga customer dito sa House of Sweet Coffee.



"Good evening, Sir. Here's your coffee." Nilapag ko sa table ang coffe ng isang lalaking seryoso na nakatingin sa laptop niya. Pinagmasdan niya ako habang nilalapag ang mga coffee, nakuha niya ata ang atensyon ko at ng mga kasama niya sa business. Matagal siyang nakatitig sa akin, pansin ko iyon kaya binilisan ko baka kasi may private silang pinag-uusapan.




"Thank you." aniya at tumango akong naka ngiti. "Enjoy, Sir." tuluyan na akong umalis at nagserve sa ibang mesa. 30 minutes na lang din naman out na ako.




"Ikaw ha! Inaagaw mo yong si Sir Eris Trevor sa akin." si Ryan. Na kukunin na rin ang bag niya para makaalis pero hindi niya pa ginawa, aantayin niya nalang daw ako tutal 25 minutes nalang. Sabay na daw kaming lumabas.



"Anong inaagaw? Tumahimik ka nga diyan. Nonsense talaga iyang mga sinasabi mo." hindi na sya umimik at nagcellphone na lang. Pagkatapos ng shift ko ay sabay kaming lumbas ni Ryan. Naglalakad kami sa may gater ng kalsada kaya naman patuloy kami sa pag-uusap hanggang sa may isang matandang babaeng lumabas sa isang magarang kotse. Matanda na at may tungkod.



May mga body guard naman siya pero natumba pa kaya agad kong tinulungan, kinuha naman ni Ryan ang bag at hinawakan dahil sa pagkahulog nito. Hindi na lumapit ang bodyguard dahil sinabihan ng matanda na okay lang sya.



"Lola, okay ka lang po?" tumingin siya sa akin at tumawa.



"Salamat, apo. Pero malakas pa ako. Wagkang mag-alala okay lang ako." aniya at tsaka tuluyan ng tumayo.





"Okay lang po ba talaga kayo, Lola?" si Ryan.





"Oo naman, hijo. Girlfriend mo ba itong pagkaganda gandang babae?" si Lola na tinuturo pa ako.





"Naku, hindi lola no. Bakla po ako. May iniirog na po ako, lola. Yan si Celestine, single po iyan." si Ryan na dada ng dada.



"Ay buti naman para maipakilala ko siya sa apo ko. Bagay kayo nung apo ko, hija." si Lola sa akin.




"Naku po, lola, wala po akong oras sa ganyan. Nahihirapan na nga po ako sa trabaho e. At tsaka gabi na po saan po ba kayo pupunta?"





"Oo nga po, lola. " dagdag ni Ryan.






"Bibili lang ako ng kape para sa apo ko. Nasa kabila lang kasi iyong company namin kaya bibilhan ko nito para may mainom. Busy kasi iyon lagi. Kaya nga wala iyong girlfriend dahil ang busy palagi." anito kaya mas lalo kaming natuwa kay lola.




"Oh sya papunta na ako sa coffee shop." aniya pero inalalayan pa rin namin siya hanggang sa makapunta sa house of sweet coffee shop.





"Salamat mga apo." ngumiti at tumango kami ni Ryan at tuluyan ng umalis.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

110K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
36K 1.7K 18
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.3M 30.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
803K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.