The Jerk is a Ghost

By april_avery

13.6M 607K 135K

Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay... More

The Jerk is a Ghost
The Jerk: One
The Jerk: Two
The Jerk: Three
The Jerk: Four
The Jerk: Five
The Jerk: Six
The Jerk: Seven
The Jerk: Eight
The Jerk: Nine
The Jerk: Ten
The Jerk: Eleven
The Jerk: Twelve
The Jerk: Thirteen
The Jerk: Fourteen
The Jerk: Fifteen
The Jerk: Sixteen
The Jerk: Seventeen
The Jerk: Eighteen
The Jerk: Nineteen
The Jerk: Twenty
The Jerk: Twenty One
The Jerk: Twenty Two
The Jerk: Twenty Three
The Jerk: Twenty Four
The Jerk: Twenty Five
The Jerk: Twenty Seven
The Jerk: Twenty Eight
The Jerk: Twenty Nine
The Jerk: Epilogue
The Jerk: Special Chapter

The Jerk: Twenty Six

347K 17.3K 6.4K
By april_avery

Twenty Six,

Tatlong araw matapos ng huling pag uusap namin ni Ashton, it was Wednesday morning, noong kumalat sa school ang balitang gising na si Ashton Montecillo. Nabalitaan ko ito pag pasok ko sa main gate ng school. Halos mababakas sa mukha ng lahat ang excitement tungkol sa balita.

"Oh, my God, Delia. Did you hear the news?"

Umupo si Mindy sa silya na nasa harap ko pagkapasok na pagkapasok niya sa classroom. Humarap siya sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Gising na si Ashton Montecillo. He is so damn back!"

I tried to smile at bahagyang tumango. "Narinig ko nga." sagot ko.

Hindi ko maiwasan na maramdaman ang bahid ng lungkot sa boses ko. Pero mabuti nalang at hindi ito napansin ni Mindy. Nagpalinga linga siya sa classroom at interesadong nakinig sa mga usapan ng iba sa mga classsmates namin.

"Wow. Ngayon ko lang narealize na nakakamiss din siya." Natawa ito.

Muli siyang humarap sa akin. "Alam mo ba na pupunta ang halos buong klase sa Hospital mamaya. Gusto ko sanang sumama kaya lang—" Natigilan ito at nawala ang saya sa boses niya. "Hindi nga pala tayo close sa kanila."

Sa totoo lang gusto kong makita si Ashton. Gusto kong mahawakan ang mga kamay niya, marinig ang totoong tawa niya, ang makausap siya nang hindi lang ako ang nakakakita— pero alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko kung aasa pa ako.

Buong umagang naging usapan ang pag gising ni Ashton Montecillo. Kahit ang mga teachers ay hindi maiwasan na mabangit ang tungkol sa balitang ito. Ang sabi nila kahapon ng umaga pa siya nagising. Nasa Hospital ang Ama niya noong nagising siya. Hindi ito napa alam agad sa mga kaibigan niya dahil kinailangan pang imonitor ang kalagayan niya. Pero ngayon maaari na siyang bisitahin.

Bandang lunch noong pumasok kami ni Mindy sa Cafeteria. Pagdating namin doon, ganoon parin ang topic ng halos lahat ng usapan ng mga estudyante. Napansin ko ang grupo ng mga kaibigan ni Ashton at Micko. I've never seen them this happy mula noong nangyari ang aksidente.

"Pumasok ba si Micko?" tanong ni Mindy habang naglalakad kami papunta sa table namin. Kadalasan kasi nasanay na si Mindy na sumasabay sa amin si Micko kapag wala silang practice or team meeting.

"Nakita ko siya kanina sa classroom nila." sagot ko. "Bakit mo natanong?"

Mindy shrugged. "Wala lang. Si Reese kasi nag half day, hindi ba? Tingin ko dederecho yon sa Hospital."

Sandali akong napapaused sa paglalakad. "Siguro nga." tahimik kong sagot.

Halos patapos na kaming kumain nang dumating si Micko sa Cafeteria. Binati niya ang ilan sa mga kaibigan niya na nakaupo sa usual table nila bago siya pumunta kung nasaan kami ni Mindy. Nakangiti siya nang umupo sa harap ko.

"Hey," masayang bati niya.

I smiled back. "Hey to you too."

"Guess what?"

Mas nag lean siya sa direction ko na parang isang bata may sasabihin na mahalagang sekreto.

Mindy rolled her eyes. "Come on, Micko. Alam na yan ng lahat." sagot nito bago kumagat sa club sandwich na hawak niya.

Unti unti namang nawala ang ngiti ni Micko. Hindi ko mapigilang matawa. Para siyang bata kapag ginagawa niya yon. Hindi parin ako sanay na nakikita siyang ganito— the old Micko that I used to know. Nasanay kasi ako sa cool Team Captain aura niya.

"Pero gusto kong sa akin mangaling." sagot nito.

Mindy rolled her eyes once again. "Fine."

Muling ngumiti si Micko at tumingin sa akin. "Delia, gising na siya." masayang sabi niya. "Sa wakas, gising na si Ashton."

Hindi ko maiwasang mapansin ang saya at relief sa boses niya. Wala akong masyadong alam sa pagkakaibigan ng dalawa. Kung gaano na kadami ang mga gulo na pinag daanan nila at kung gaano kalalim ang naging samahan nila. Pero nakikita ko kay Micko na higit pa sa pagbabalik ng isang kaibigan ang saya sa mga mata niya— para siyang binalikan ng isang kapatid.

"Nabalitaan ko nga." sagot ko. "Natutuwa ako para sa inyo."

Isusuli ko na siya sa inyo. Salamat sa pagpapahiram kay Ashton sa akin.

I was never selfish. Madalas ibibigay ko parin ang isang bagay kahit wala ng matira para sa akin. Pero si Ashton Montecillo ang isa sa mga dahilan, na sa unang pagkakataon, ginusto kong maging maka sarili. Sana nasa tabi ko nalang siya lagi. Sana hindi ko nalang siya kailangang ibalik.

"Delia, are you okay?" asked Micko.

I snapped back in attention at nakita na nakatingin na silang dalawa ni Mindy sa akin. I tried to smile. "Yes. May naalala lang."

Kumunot ang noo ni Mindy pero hindi na nagsalita pa. Maya maya pa, nagtanong si Micko na siyang kinabigla ko.

"Sumama ka mamaya sa amin, kayo ni Mindy."

Natigilan si Mindy gaya ko. "You mean para bisitahin si Ashton?" unsure na tanong niya.

Tumango si Micko. "Oo. Mamaya pupunta ang buong Team."

Wala sa sarili na pinagmasdan ko ang pagkain na nasa harap ko. "Hindi ako pwede." sagot ko. Tumingala ako at pilit ngumiti kay Micko. "Kailangan kong umuwi ng maaga. Pasensya na."

Tiningnan ako ni Mindy with a weird look. Para bang tinatanong niya kung anong problema ko at ayaw kong sumama.

"Deels, sige na. Ayaw mo bang makita na okay na si Ashton?" halos nagmamakaawa na sabi niya. "Please?" bulong niya sa akin with a slight nudge.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung kaya kong makita si Ashton Montecillo pagkatapos ng mga nangyari. Hindi pa sa ngayon. Hindi sa harap nilang lahat. Hindi ko pa kaya.

"Okay lang." sagot ni Micko. "Bukas nalang."

Pinagmasdan ko silang dalawa ni Mindy. Mindy with her pleading eyes and Micko's quite disappointed look.

"Please?" bulong ulit ni Mindy.

Muli akong natahimik. Naalala ko ang huling pag uusap namin ni Ashton.

I wanted you to be there when I wake up. Gusto kong nasa tabi kita.

Umiwas ako ng tingin bago sumagot. "Okay."

Bandang uwian nang magsama sama ang Basketball Team sa harap ng school para pumunta sa Hospital kung saan naka-confine si Ashton. Pinagpaliban nila ang after school practice nila para dito. Sa sasakyan ako ni Micko sumakay samantalang si Mindy naman ay sa isang member na medyo kilala niya.

Nauna na sa pagbyahe ang iba samantalang kami ni Micko ang huling umalis sa Jefferson High. Hindi ako mapakali habang nasa sasakyan. Hindi ko matingnan si Micko ng derecho dahil alam kong mapapansin niya ay pagka ilang ko sa nangyayari. Kaya naman nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana.

Ayon sa kanya, kanina pa nandoon si Reese— tama ang hinala ni Mindy. Maghapon din doon kahapon ang Ama ni Ashton at ang tagapag alaga niya na si Manang Beth. Sana hindi ko sila makita doon ngayon. Kasi siguradong makikilala nila ako.

Pwede ng maka usap si Ashton, nagsimula na din siyang kumain. Natawa si Micko nang tumawag si Reese abang nasa sasakyan kami at sinabi na hinahanap daw ni Ashton ang tarantado niyang kaibigan.

Maingay sa kabilang linya, naririnig ko ang sabay sabay na usapan nila. Pero bigla akong napatingin sa direction ni Micko nang marinig mula sa speaker phone sa dashboard ang boses niya— si Ashton.

"Hey, Micko."

Dalawang salita lang yon pero pakiramdam ko nanghina ako. Ni hindi ako ang kinakausap. Pero doon nag sink in sa akin na gising na talaga siya— si Ashton Montecillo nakabalik na.

Makalipas ang ilang minuto, nag park si Micko at bumaba kami sa sasakyan. Sabay kaming naglakad sa lobby ng Hospital. Habang nagla-lakad napa-tingin si Micko sa akin.

"Delia, kanina ka pa walang imik."

Umiwas agad ako ng tingin. "Uhm, hwag mo akong pansinin."

"Naiilang ka ba?" tanong niya. "Napansin ko kasi halos ganito din ang reaction mo noong una kitang dalhin para bisitahin si Ashton."

"No." mabilis kong sagot. Huminga ako ng malalim. "I'm fine, promise."

I have to accept the fact that sooner or later, kailangan kong harapin si Ashton Montecillo. Siguro mas mabuti na ito, kasama si Mindy, si Micko, at ang iba sa mga kaibigan niya. That way hindi ako masyadong masasaktan.

Nakarating kami sa pintuan ng kwarto ni Ashton. Mula sa labas, narinig ko ang boses ng mga bisita na nasa kwarto. Masaya, nagku-kwentuhan, nagtatawanan. Lumingon si Micko sa direction ko na para bang nag paalam bago buksan ang pintuan. Bahagya akong tumango. Nang tuluyang bumukas ito, halos hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Madaming taong nakapalibot sa bed kung saan siya naka-upo, wala na ang kulay pale blue na kurtina na kadalasan ay naghihiwalay sa bed at sa rest ng kwarto. Wala na din ang malalaking medical apparatus na nakakabit malapit sa bed, tanging dextrose na lamang at heartbeat monitor. Kahit madaming tao, kapansin pansin na mas naging maaliwalas ang kwarto, masigla, maingay.

Pumasok si Micko sa kwarto habang hawak ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Pero sa totoo lang nanlalamig na ako at hindi magawang makagalaw ng maayos. Pinagmasdan ko ang lalakeng nasa gitna ng mga taong nagtatawanan, nakasuot parin ito ng Hospital clothes, naka-upo sa kama, may magulong buhok, at higit sa lahat nakangiti at masayang nakikipag usap sa mga kaibigan niya.

Ashton.

Halos gusto ko ng umatras at umalis sa kwarto. Gusto ko ng umuwi. Hindi dapat ako nandito. Hindi ko siya kayang tingnan. He looks so happy, even with his pale face and weary eyes, he looks so damn happy.

My Ashton.

Napansin ko ang bahagyang pagtahimik ng kwarto nang lumapit si Micko. Ashton's smile widens and became a grin. Nag offer ng fist bump si Micko pero natawa siya nang pinakita ni Ashton ang mga kamay na may naka-kabit na heart monitor at sa kabila naman ay dextrose

"Tagal mo." reklamo ni Ashton.

Nanatili akong nakatayo sa likod ni Micko na para bang hindi alam ang gagawin. Napansin ko si Reese na nakatingin sa akin mula sa sofa sa gilid kung saan siya nakaupo. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

Napatingin ako sa isa pang sulok at nakita si Mindy na kausap ang lalakeng kasama niya sa sasakyan. Bahagya akong bumitaw kay Micko at plano sanang puntahan si Mindy nang mahagip ng mata ko si Ashton— na nakatingin sa akin.

Natigilan ako at wala sa sarili na pinagmasdan siya. Pakiramdam ko huminto ang oras at tumahimik ang paligid. In the back of my mind hindi ko mapigilan na umasa— na sana nagkamali lang si Lala, na sana kahit konti naaalala parin ako ni Ashton Montecillo. But I know, just on the way he stares at me, na impossible na ang hinihingi ko.

Ashton was staring at me with a blank expression on his face as if my existence doesn't concern him or anyone in this room. Linampasan niya ako ng tingin na para bang wala siyang naging pakialam. And that act itself became a reality slap for me. He doesn't recognize me. At all.

Nagpatuloy sila sa masaya nilang pag uusap— while I tried hard to keep myself together. He was so damn close, smiling like that, hearing his familiar voice. Nakakatawa dahil halos abot kamay ko siya pero hindi na siya yong Ashton na nakasama ko.

Look, Ashton, I'm here after all. Gaya ng hiniling mo sa akin, nandito ako sa tabi mo. Can you see me?

Humarap si Micko sa akin nang mapansin na hindi ako nagsasalita. He tried to smile to assure me that it's fine to be here. Muli niyang hinawakan ang kamay ko and for a moment bigla akong kumalma. Pero mabilis na nawala yon nang marinig ko ang boses ni Ashton.

"Kasama mo?"

Humarap si Micko sa kanya. "Liniligawan ko." derecho nitong sagot. Walang bahid ng kahit anong pag aalangan. "Si Delia Salazar, isa sa pinaka special na babae para sa akin."

Muling bumaling ang tingin ni Ashton sa akin. I tried to stare back with a force smile. Bahagya naman siyang tumango, a polite gesture for a stranger like me. Saka siya ngumiti.

"Congrats, Miss. Minsan lang mag seryoso ang gagong Captain namin." pabirong sabi nito.

Miss.

Bahagya umakbay sa akin si Micko. He said something else pero hindi ko na masyadong naintindihan.

Pinagmasdan ko si Ashton Montecillo at noong mga oras na yon isang bagay ang pumasok sa isip ko— ang Ashton na nakilala ko, wala na siya, at kailanman hindi na siya babalik.

***

Author's Note:

Thank you sa mga feedbacks sa previous update, Chapter 25. Na-appreciate ko talaga yon, especially those inspiring once. I hope you'll keep the support until the end of the story. Thank you!

PS. We Can't Be by Krissy Villongco is my song for this chapter.

Until the next update,
@april_avery

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 155K 107
"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata. This is the story of an innocent girl growing up, a simple...
2.2K 255 10
Where do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nan...
42.9M 843K 83
"Break na 'yan sa Sabado!"
2.8K 200 25
[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok...