Villaverde Brothers Series 1:...

By adihiraya

1.1M 16.8K 1.6K

Milgrace Avery Delos Santos left the Philippines for six years, and after reaching the dream she had been des... More

VBS#1: Taming the Ruthless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Fourteen

25.1K 473 26
By adihiraya

I looked down through the window glass of the second floor of my shop. I liked how Jairus designed the whole area because he is the architect that my parents hired for this. Even though it isn't finished yet, I already visualized how it will look once it is done.

"This is where the gowns will be displayed," he explained. "So it will be conspicuous outside."

I nodded. I liked his idea. Maraming makakakita mula sa labas na p'wedeng makakuha ng interest nila lalo na at malapit ito sa public places, maraming sasakyan at tao ang dumadaan kaya marami rin talaga ang makakapansin. Sana lang talaga.

I've been dreaming about this long ago and it happened. I just want to be a renown fashion designer not just here in the Philippines but outside the country too.

Seeing Kylei staring at him made me smile while Jai was looking at the other designs. Raya kept on roaming her eyes around the vicinity too and when she caught me looking at her, she smiled.

"Can't wait for this to be finished," she said. "I'm sure this is going to be beautiful once the clothes are already placed and settled."

Kylei nodded her head to agree. "La Grâce will be known world-wide."

Napailing na lang ako habang may ngiti sa labi. Iyon nga ang gusto kong mangyari kaya gagawin ko talaga ang best ko para dito. Simula bata ako, ito na talaga ang gusto kong gawin, naging consistent ako sa pangarap ko at ngayon ay ito na, nangyayari na nga.

After visiting my shop, tiningnan din nila ang workplace ko at kung paano sa tingin ko ang naging reaksyon ko nang una ko itong makita, ganoon din ang naging reaksyon nina Raya at Kylei habang si Jairus naman ay malapad ang ngiti na parang proud sa ginawa niya. Well, all thanks to him that he made such a nice place to work.

The grand opening of La Grâce isn't decided yet. Wala pang exact date dahil hindi pa naman tapos ang lugar at kakaunti pa lang ang mga damit. I need to hire some sewers so the production of clothes would be fast but I will make sure that they are skilled.

"Ano na ang progress mo sa panliligaw kay Cai?" tanong ni Kylei habang kumakain kami sa isang fast food chain sa mall.

Hindi na sumama si Jai dahil may kikitain pa raw siyang client. Villaverde brothers aren't successful in their fields because of the popularity of their whole family but because of their hard work.

Hindi sila kilala dahil sa dinadala nilang pangalan kundi dahil sa pagiging determinado nila sa lahat ng mga ginagawa nila. One thing that I admired to them.

"Still no progress," I answered then sighed. "Ewan ko na kung ano ang gagawin ko. Maybe it's time to do the pull."

"Pull?" Raya seems so confused.

"Alam mo 'yong naghamon ka ng away tapos no'ng papalag na inaway mo, aatras ka na," sagot ko. "It's enough that I showed that I love him, it is time to act that I don't."

"Tapos ano'ng mangyayari?" tanong ni Kylei.

"Hindi ko alam. Titingnan ko lang kung ano ang gagawin niya kapag kunwaring tumigil na akong mahalin siya," nag-aalangan kong tugon sa kaniya. "Kung kaya niya at wala talaga siyang pakialam sa akin, titigil na talaga akong mahalin siya. But if he pulled me back into his arms . . . then that would be nice."

"Trabaho mo ba maging tanga?" naiinis niyang tanong sa akin kaya natawa si Raya. "Ilang taon ka nang ganiyan sa kaniya. Malaki siguro sahod mo."

I smiled painfully. "One day, when you fall in love with someone, you'll understand why."

"It sucks falling in love . . ." Raya interfered.

Tumango ako sa sinabi niya habang si Kylei naman ay nakangiwi lang sa aming dalawa saka kami sabay na napatingin sa huling nagsalita nang may mapagtanto.

"Na-inlove ka na?" sabay naming tanong.

Raya's brows met. "Why? Bawal ba?"

Umiling si Kylei. "Akala ko hindi pa. Iniisip ko na ngang tatanda kang dalaga dahil parang wala ka namang interes sa lalaki.

"I lose interest in boys because I've been hurt by someone I thought would not hurt me," she said.

"Sino?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at nagkibit na lang ng balikat. Hindi na namin siya pinilit na sumagot. Naiintindihan ko na may mga bagay talaga na mahirap ipaalam sa iba.

Matapos ang buong araw na kasama sila, nakangiti akong umuwi at unti-unting naglaho iyon nang makita kung sino ang prenteng nakaupo sa sala . . . si Cai.

Napalingon siya sa akin nang buksan ko ang pintuan. Napaisip pa ako kung babatiin ko ba siya pero nang maalala ko ang mga sinabi ko kanina sa kaibigan, mas pinili ko na lang mag-iwas ng tingin at dire-diretsong umakyat sa hagdan.

Bago ako pumasok sa kuwarto ko ay pasimple akong tumingin sa kaniya at nakita ko siyang nasa akin pa rin ang paningin ngayon. Pumasok ako nang tuluyan sa loob saka napangiti.

Nagtataka siguro siya kung bakit hindi ko siya pinansin. This is what Tita Meryll told me before, do the push and pull.

Napagod man sa ginawa maghapon ay hindi pa rin ako nakararamdam ng antok kaya naman bumaba ako upang magtimpla ng gatas. Napakunot ako nang makitang nandoon pa rin si Cairus.

Hindi naman siya nagtratrabaho. Tahimik lang siya roon na nakaupo. Gusto ko mang tanungin siya ay nilampasan ko na lang ang sala at pumunta sa kusina saka ginawa ang balak ko.

I heard his heavy footsteps from behind but I acted that I don't know he is coming. Hinalo ko ang gatas saka tinikman iyon.

"Can't sleep?" he asked.

Lumingon ako sa kaniya, nagpanggap na nagulat dahil naroon siya't pinagmamasdan ako. Dahan-dahan akong tumango, piniling 'wag na lang magsalita.

Sa mga oras na iyon ay bakas na ang pagtataka sa mukha niya, gusto ko nang matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Iniwan ko na ulit siya roon.

I heard him gasp. "Did I do something wrong?" he asked.

Umiling ako nang hindi lumilingon sa kaniya saka nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"Then, why are you ignoring me?"

Brows furrowed, I turned to him and asked, "Am I?" He nodded like a kid. Hiding my amusement, I bit my lips. "I'm not."

Arkong-arko na ang kilay niya kaya tumalikod na lang ulit ako saka umakyat. I'm doing him a favor. Kapag hindi ko na siya pinansin o kinulit, at least wala nang istorbo sa kaniya. Hindi na siya maiinis sa akin.

Kinabukasan ay naroon pa rin ang paninitig niya, hindi na tuloy maalis ng pamilya niya ang paningin sa kaniya dahil nagtataka na rin sa inaasal niya.

"Milgrace doesn't have any dirt on her face, Kuya," Jai said with a smile on his lips. "Stop staring at her and focus on your food."

Cairus just shook his head and diverted his attention on his food. Mahinang natawa si Jai sa kaniya. Pilit ko namang tinatago ang ngiti ko sa takot na makita niya.

Matapos kumain ay nauna akong tumayo sa kanila saka tumingin kay Tita at kumindat. Na-gets niya kung ano ang ibig kong sabihin kaya naman natawa siya habang umiiling.

I excused myself to them and leave. Pansamantala ko na munang inalis ang lalaki sa isip ko at nagtrabaho. Mas inaayos ko ang trabaho ko ngayon, abala rin ako masyado sa pag-aasikaso ng mga nag-a-apply na mananahi.

I was busy sketching when someone knocked on my door. Since it was not locked and I am too lazy to stand up, I just told someone behind to open the door.

Hindi ko nilingon ang nagbukas but when he cleared his throat, nakuha niya ang atenson ko . . . si Cai at sa likod niya ay ang kapatid niyang si Jai na malawak ang ngiting ibinibigay.

"Anong ginagawa ninyo rito?" kunot noo kong tanong sa kanila.

Tumawa si Jai. "May pinabago lang ako sa ayos ng shop mo, sumama itong si Kuya kasi gusto ka rin daw niyang silipin." Nakatanggap siya ng pagsiko sa sikmura kaya dumaing siya't umiling. "'Yong workplace mo pala, hindi ikaw."

"Ah, okay!" I smiled. "Just tour him around. I can't entertain you. May ginagawa kasi ako."

Seryosong nakatingin sa akin si Cai at pinilit ko rin magmukhang seryoso. Hinawakan siya sa balikat ni Jairus pero hindi niya nilingon.

"Is it fine with you?" he asked.

Brows furrowed, I nodded. "Okay lang. Feel free."

Bahagya pang umangat ang kilay niya na parang naghihintay kung may sasabihin pa ba ako pero hindi ko siya pinabigyan at tinikom ko na ang bibig ko.

"Tara na, Kuya. 'Wag nating istorbohin si Milgrace diyan. Nagtratrabaho 'yong tao, istorbo ka."

Cairus turned his back to me and they made their way outside. Slowly shutting the door, I heard him say, "That's what she does to me, too. Disturbing me when I am working."

The fading laugh of Jairus is the last thing that filled my ears and after that, silence occurred again. Shaking my head with a smile on my lips, I continued what I was doing.

After three days of totally ignoring him, I needed to go to their company to see Jairus because Kylei told me so. May pinabibigay siya, sa bahay ko na lang sana iaabot kaso ang sabi ng bruha ay urgent na at kailangang mabasa ni Jairus.

I heard he's helping Kylei. Balak na yata niyang bumukod sa pamilya niya dahil pakiramdam niya ay wala siyang  sariling desisyon kapag naroon siya. Si Jai ang kinuha niyang architect, kung sabagay ay marami naman nang ipon si Kylei kaya naman kaya niya na magpatayo ng sariling bahay.

Pwede namang siya na lang ang magbigay nito kay Jai kaso busy raw siya at sumaglit lang sa akin para iabot ang kung anong folder sa akin.

Tinawagan ko naman ang lalaki at sinabing wala raw siya sa bahay at naroon nga siya sa office ng kumag. Salubong tuloy ang kilay ko habang pababa ng kotse saka ko nakita si Cairus na naglalakad at nilapitan ang isang matanda na nagtitinda sa gilid ng company nila.

Gulay ang tinda ng matanda, akala ko ay  kakausapin niya pero kumunot ang noo ko nang tawagin niya ang mga guard saka tinuro ang matanda na balak niya yatang paalisin doon.

Nang makalapit ang mga guard ay kinausap niya ang mga ito saka umalis at pumasok sa loob ng company nila. Tinulungan nila ang makatayo at ang isa naman ay hinaakot ang mga paninda ni lola.

Tumakbo ako roon papalapit saka hinawakan si lola na hirap na rin sa paglalakad.

"Kuya, anong gagawin n'yo kay lola?" Bakas ang galit sa boses ko.

Napakamot ang guard na may hawak kay lola kanina. "Paalisin po sana namin sa harap, Ma'am, kasi utos ni Sir Cai."

Napatingin ako sa matanda na tahimik lang ngunit naluluha. Hindi ko maiwasang maawa dahil gusto niya lang naman magtinda, sana man lang ay pinagbigyan na siya ni Cai.

Umiling ako saka muling tumingin sa dalawang guard. "Pakilagay na lang sa kotse iyang mga paninda ni lola, ako na po ang bahala sa kaniya."

Hindi naman ako puwedeng magalit sa kanila dahil sinunod lang naman nila ang utos ng kumag nilang boss, labag man sa loob nila ay wala silang magagawa kundi sumunod.

Bakas ang pag-aalangan sa mga mukha nila ngunit nang makita nilang seryoso ako ay tumango na lang saka sumunod sa akin sa kotse. Inalalayan ko ang matanda saka pinaupo sa shotgun seat.

Kinuha ko ang folder saka inabot sa isang guard. "Pakibigay na lang po iyan kay Jairus, pakisabi na pinabibigay ni Kylei De Vega. Salamat."

Sumakay ako sa kotse at nilingon ang matanda na tahimik na umiiyak. Dinurog no'n ang puso ko kaya nag-iwas ako ng tingin at pinigilan ang pagpatak ng mga nagbabadyang luha.

Binuhay ko ang makina ng kotse at bumuga nang malalim na hininga. "Huwag kayong mag-alala, lola, bibilihin ko po ang mga paninda ninyo. Sa ngayon po ay kumain na muna tayo at  mukhang hindi pa kayo kumakain. Kanina pa ho ba kayo roon?"

Tumango siya. "Kanina pang umaga ngunit walang pumapansin sa mga paninda ko. Buong akala ko ay bibili ang magandang lalaki kanina kaya siya lumapit sa akin pero paaalisin niya pala ako. Wala pa akong kain dahil sa pagtitinda lang naman ako umaasa. Kung saan-saan ako pumepwesto dahil hindi ko kaya ang renta sa palengke."

Mas lalong dinurog no'n ang puso ko saka ako napaisip kung paano siya nakakaya tiisin ng pamilya niya na pagtindahin sa kabila ng edad niya. Mahina na si lola at ang katunayan na siya rin ang nagdadala ng mga paninda niya ay ang lalong nagpadagdag sa bigat ng nararamdaman ko.

Mahina na siya at mas mabuting nasa bahay na lang. Nakarating kami sa malapit na restaurant at inakay ko siya papunta sa loob. Ang dami kong gustong itanong ngunit pinili kong manahimik na lang dahil nahihirapan na siyang mgsalita.

Mahina na ang boses niya maging ang kaniyang pandinig kaya't pahirapan nang makipag-usap sa kaniya ngunit dahil likas sa mga matatanda ang maging palakwento ay hindi nagbahagi siya tungkol sa kaniyang buhay habang kumakain.

May lima siyang anak ngunit lahat sila ay matagal na siyang iniwan ilang taon na ang nakakalipas dahil ayaw daw nilang mag-alaga ng matanda. Ang asawa niya naman ay dalawang dekada ng patay.

"Nakikituloy ako sa pamangkin ko ngunit ayaw kong maging pabigat kaya gumagawa rin ako ng paraan para magkapera," aniya.

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko saka siya binigyan ng isang ngiti, ngiti na kinukubli ang sakit na nararamdaman para sa matanda.

"Pero dapat po ay nasa bahay na lang kayo at nagpapahinga," sabi ko.

Umiling siya. "Hangga't kaya ko pang lumakad ay magtratrabaho ako para hindi maging pabigat sa mga tao sa paligid ko."

Hindi ko kinaya ang pagpipigil at tuluyang naiyak sa harap ng matanda. Gusto kong magalit sa pamilya niya pati na rin kay Cairus ngunit ano ang karapatan ko kung si lola mismo ay hindi nagtatanim sa kanila maski katiting na galit?

Sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan ko. Ang pangyayaring ito ay binigyan ako lalo ng dahilan para hindi pansinin si Cairus.

Baka nga totoo talaga ang mga sinasabi sa kaniya ng mga tao. Baka hindi ko talaga kilala ang tunay na siya. Baka hindi sila nagsisinungaling noong sinabi nila na wala siyang awa at wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid niya.

Hinatid ko si lola sa kanila at kagaya nang ipinangako ko ay binili ko ang mga paninda niya pero sobra ang binigay ko. Nakausap ko rin ang pamangkin niya at mababait sila.

Malaki raw ang utang na loob nila sa matanda kaya tinanggap nila ito nang walang pag-aalinlangan. Ilang beses na rin daw siyang pinigilan sa pagtitinda ngunit makulit daw ang matanda at ayaw magpapigil.

Kinausap ko sila tungkol sa pagbibigay ng monthly allowance kay lola basta huwag na siyang magtitinda at naging malinaw naman ang pag-uusap namin tungkol doon.

Pabalik-balik ang tingin ko sa sako kung saan naroon ang paninda ni lola  habang nagmamaneho ako. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko habang papasok sa loob ng bahay bitbit ang sako.

Bakit ko itatapon? Mayaman ako pero hindi ko ugaling magsayang. Ngayon, kung ayaw nilang kumain ng mga pagkain na galing sa lansangan ay ako ang kakain.

Napalingon sa akin ang magkakapatid nang buksan ko ang pinto at bumaba ang tingin nila sa dala ko. Sabay-sabay ring kumunot ang noo nila roon.

Umangat ulit ang tingin sa akin ni Cairus. "What's that?" he asked.

"None of your business," I answered angrily. "And don't you ever talk to me, you fvcking asshole!"

I marched out of their sight. Pumunta ako sa kusina upang ilapag doon ang mga gulay saka sinabi kay ate Diyosa na iyon ang uulamin ko mamaya hanggang bukas. Nagtataka man ay tumango na lang siya.

Lumabas ulit ako ng kusina at nakasalubong ko si Cai na bakas ang pagtataka sa mukha. Hinawakan niya ako sa braso upang pigilan ako ngunit iwinakli ko lang ang kamay niya.

"Don't touch me, it disgusts me!" I blurted out.

"What the hell is your problem?" he asked while looking at me warily.

"You! You are my fvcking problem!"

Hindi ko kaya isipin kung gaano siya kasamang tao. Hindi ko pala talaga siya kilala at ang tanga ko para iisipin na kilalang-kilala ko na siya.

Mukhang mali nga ako na siya ang inibig ko.

Continue Reading

You'll Also Like

797K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
165K 4.7K 71
[THIS BOOK IS UNDER MAJOR EDITING, SOME CHAPTERS MAY CHANGE] "Mahal na prinsesa, nagsisimula na sila." Kinuha ko ang baso ko at tumalikod dito. Nags...
11.2M 205K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...