The Way I Loved You (TOA Seri...

Por Mirklore

1.3K 92 316

Tales of Alison Series #1 If being devoted to public worship's a part of the criteria to be considered as a r... Más

The Way I Loved You (TOA Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 12

44 4 13
Por Mirklore

Everything except this breathtaking man in front of me seemed to vanish. The distant bouncing of the ball from a distance, few murmurs from some people near the hall, and any other environmental noise were all discarded.

In my mind, his words are endlessly repeating, so is the look on his face—determined and sincere.

Looking back from the moment I first saw him on that entrance procession last Christmas day, I never thought that a time will come when he'll be the one who would want to befriend me. Kahit mukhang friendship pa lamang ang nais niya, hindi pa rin ako makapaniwala.

At ngayon, hindi raw siya magsasawang humingi ng sorry hanggang sa mapatawad ko siya. Ibig sabihin, kung umabot ng ilang buwan ang pagpapakipot ko, patuloy siyang hihingi ng tawad?

Palagay ko ay ako na ang mahihiya no'n!

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Basta ang sigurado ay ang pamumula ng aking mukha.

"U-Uh..." I awkwardly laugh. "Okay na 'yon. Hindi mo n-na kailangang mag-sorry ng paulit-ulit. Joke lang naman na hindi ko tatanggapin."

Siya na ang nagpakumbaba kaya't sino ba naman ako para hindi tanggapin iyon 'di ba? Lalo na kung ganiyan ang mga mata niya.

"Really? Are you sure?" he confirmed.

Maagap akong tumango at ngumiti. "Oo naman."

His lips formed a single line as he sighed out of maybe... relief? Mas gumaan na rin ang ekspresyon niya kumpara kanina. Pero hindi pa rin ako nabibiyayaan kahit ng munting ngiti lamang mula sa mapupulang labi niya.

"Then... can I ask you something?"

Simpleng tanong lamang iyon pero grabe na ang itinambol ng puso ko. Mabilis na gumapang ang init sa aking mukha.

Bakit ba kasi nakakakaba ang tanong na 'yan?!

"A-Ano 'yon?" I answered.

"Did you really mean it?"

I slided my tongue in between my lips. "Ang alin?"

"When you told me that you like me. Did you really mean it?"

My eyes widened a fraction. Nadagdagan ng hiya ang nararamdamang kaba at kilig ngayon lamang. Noong nakaraang linggo nang umamin ako sa kanya, nilamon ko lang ang lahat ng lakas ng loob na mayroon sa mundo. At ngayon, bakit kailangan niya pang ipaulit?

Should I confess again? Right now in broad daylight? He's embarrassing me a lot without even knowing it!

Napayuko ako at pilit na itinago ang kabang nararamdaman sa pamamagitan ng tawa. Kung saan-saan ako sumulyap bago muling inangat ang tingin sa kanya.

"Uhm... ang totoo niyan, naghahanap na ako ng bagong crush. Alam mo na, crush-crush lang naman, e, gano'n," wala sa wisyo kong tugon. "Kaya huwag kang mag-alala."

Nakita kong umangat ang isa sa makakapal at itim na itim niyang mga kilay kasabay ng bahagyang pag-igting ng kanyang panga, tila sasabak sa isang debate o kung ano mang laban.

"Bakit ka naghahanap ng bagong crush?" kuryoso at tila may pagtitimpi niyang tanong.

Napangiwi ako. Papaano ba 'to?

"S-Siyempre, g-gano'n talaga. Nag-iiba-iba naman ang mga c-crush. Kapag ekis sa isa, hahanap ng iba. At minsan, puwedeng marami kang crush." I stammered foolishly.

Damn, I feel like I look and sound so dumb right now!

Para kasing, hindi ko kayang umamin ulit sa ikalawang pagkakataon. Lalo na't sinabi niya kanina na gusto niya akong kaibiganin. Kung aamin ulit ako, malaki ang tiyansa na tatanggihan niya ulit.

Mas mabuti na sigurong magpanggap na lamang. I just hope that he won't see my real feeling through this dumb mask.

"I haven't had a really huge crush on someone before but I'm sure that's not how it works. You should be loyal to your crush," seryoso niyang saad.

Halos kapusin ako ng hininga sa sagot niya. Natameme ako at hanggang tingin na lamang sa kanya ang kinakaya.

"And you cannot have two or more. Only one crush for you, Sharina."

I blinked multiple times. "G-Gano'n ba 'yon?"

He nodded confidently. "Yes."

"Hindi naman ata gano'n 'yon, Juancho. Nagawa ko na nga dati ang maraming crush, e. Puwede naman kasi... crush lang," hindi ko pag-sang ayon.

He frowned. Mula sa kaninang puno ng kumpiyansa at seryosong mukha ay naging simangot. Bumalik rin ang kadiliman ng itim na itim niyang mga mata, iyong tipo na nakakapanindig-balahibo.

"I just told you, you should be loyal to your crush."

Why is he pushing that? Having a crush is not the same as commitment so I think having different crushes is acceptable. Bakit gusto niyang maging loyal ako sa crush ko?

Sa crush ko na tingin ko'y alam niyang... siya?

Posible kayang...

"B-Bakit ba gusto mong maging loyal ako? Paano kung sabihin ko sa'yong crush ko si Mariano? Dapat ba, loyal ako sa kanya?"

Susubukan ko lang naman kung tama ba ang palagay ko. Ayoko ng gaya noong nakaraan ay nag-assume ako nang wala namang matibay na pruweba. Hindi nga ako sigurado kung sapat na ba ito subalit gusto ko lamang malaman ang isasagot at magiging reaksyon niya.

"You told me I'm your crush. Why is it Mariano now?" wika niya, mas lalong sumimangot.

I bit my lower lip to suppress my smile. "Sabi ko naman, naghahanap ako ng pamalit. Okay naman si Mariano."

"Higher your standards again, then."

Imbes na mainsulto sa sinabi niya, natuwa pa ako! Siguro dahil batid kong gawa-gawa ko lamang iyon.

Nagkibit-balikat ako at hindi na napigilan ang pag-ngiti. Kung kanina'y mabigat ang dibdib ko noong nakita kong kausap niya si Cristine, ngayon ay labis naman ang saya!

The duality of my heart is insane! And that's all because of this handsome but dangerous man right in front of me.

"Okay! Sa session next week, malay mo, may makita akong mas pogi!" I pushed.

Natahimik siya nang ilang sandali, tila naninimbang pa. Hindi rin ako nagsalita at hinintay siyang bumasag ng namutawing katahimikan.

"Tss... crush is even different from like. You told me you felt the latter..." he sighed with frustration. "Fine. Do what you want."

Nakangiti akong umuwi sa amin nang araw na iyon. Walang paglagyan ang kilig na nararamdaman na halos magtatalon pa ako sa aking kama. Gusto ko ngang sumigaw kung hindi lang maririnig nila Mama.

Daig ko pa ang tumama sa jueteng nito. Hindi pa rin ako makapaniwalang nag-usap kami! Ang gagong 'yon, ayaw talaga akong hayaang maka-move on!

I also enjoyed teasing him. Napatawad ko na siya pero hindi ko pa rin napigilang pikunin siya kanina. Kahit nakasimangot ito nang maghiwalay kami, okay na okay lang! Pakiramdam ko, nakalamang ako sa kanya kahit papaano! Nakabawi sa sakit na pinaramdam ng mga salita niya noong nakaraang linggo!

Ang mahalaga, alam kong magkaibigan na kami ngayon. At ako pa lang ang unang babaeng naging kaibigan niya, mula na rin mismo sa kanya.

Impit akong napatili habang nakasubsob sa unan. Kinuha ko ang aking cellphone at ibinalik ang letrato ni Juancho bilang wallpaper ko. Wala na akong pagtatampong nararamdaman kaya paalam na ulit sa default.

I was excited for the next day. Bukod sa makikita ko si Juancho, induction ceremony na rin namin! I will finally be an official member of Children of Mary Immaculate! Kahit junior rank pa lang!

I am so ecstatic that I hoped, nothing will kill my mood.

Lumabas ako ng bahay na bihis na bihis na. Suot ko ang kulay puting uniporme namin at ang itim kong school shoes. Sinuklayan ko lamang ang aking buhok sapagkat bahagyang basa pa iyon mula sa kaninang pagligo.

Sa tapat ng aming bahay ay nakita ko si Micko na nakasuot ng kanyang pang-alis na bughaw na t-shirt at faded jeans. Nakaayos din ang kadalasan niyang magulong buhok. Mas nagmukha siyang good boy ngayon.

"Micko! Saan lakad natin?" usal ko nang malapitan siya.

He tilted his head towards my direction. His face instantly lit up with his wide smile.

"Sabi ni Pamela, may seremonya raw kayo ngayon. Sasama ako at magsisimba rin!"

"Wow, wala ka atang trabaho ngayon?" tanong ko at ngumiti na rin.

"Day-off ko kila Aling Melda. Saktong-sakto," aniya at bumagsak ang tingin aa bandang leeg ko.

Hindi ako nakagalaw nang lumipad ang kanyang mga kamay sa aking leeg. Sisitahin ko na sana siya nang magsalita ito.

"Ang laki mo na, Sharik. Hindi mo pa rin magawang ayusin ang kuwelyo mo. Tsk." Hinawakan niya ang aking kuwelyo at isinaayos ito. Nakanguso kong tinitigan iyon.

"Maayos naman 'yan kanina, e," depensa ko.

Siniguro kong maayos ang damit ko bago lumabas ng bahay. Siguro, hindi sinasadyang nahawi ko iyon o kung ano man, dahilan kung bakit nagulo.

"Likot mo kasi," dagdag niya nang matapos sa ginagawa sabay kurot ng pisngi ko.

"Aww!" I complained and smack his hand. "Ang sakit, Micko."

Humalakhak ito at hinaplos ang bahaging kinurot niya. "Sorry na. Kiss ko na lang, gusto mo?"

I rolled my eyes before I shot him a glare. "Yuck. Lumayo-layo ka nga at nandidilim ang paningin ko."

"Arte naman!"

Nagpatuloy ang aming bangayan hanggang sa wakas ay dumating na rin si Pamela. Kasama namin si Micko ngayon na magtungo ng simbahan.

Kagabi ay nakausap ko sa chat ang pinsan. She expressed her dislike towards my friend, Cristine. I don't really know what to say kaya naman sinabi ko na lang na pagpasensyahan niya ang babae at nagkakagusto lang naman.

Pamela:

Ok! Itatry kong magpigil kung kaya

Pamela:

Pero tignan na lang natin kung ikaw ay mapagpasensyahan pa yan kalaunan!

Ganoon ang mga sagot niya sa akin hanggang sa huli'y napilit ko siyang huwag nang masyadong barahin dahil kaibigan ko pa rin 'yon. Naisip ko rin na siguro'y dapat ko na ring aminin kay Tine na may gusto rin ako kay Juancho habang maaga pa. Iyon nga lang ay hindi ko pa alam kung paano ipagtatapat. Mag-iisip muna ako.

"Mag-isa kang uupo, Micko ha? May puwesto na kasi na nakareserba para sa'min," ani Pam nang marating ang simbahan.

Mayroong mga pew sa harapan sa dalawang hanay na nakareserba para sa mga miyembro na ma-i-induct mamaya lamang. May nakalagay sa likuran ng mga 'yon na 'reserved seats' upang hindi upuan ng ibang mga tao.

"Sige, sige. Ako na ang bahalang maghanap," sagot ni Micko at ngumisi. "Congrats mga makasalanan."

Umirap ako at marahan siyang itunulak papasok. Kumindat pa ang huli bago tuluyang tumalikod upang maghanap na ng mauupuan.

Nanatili kami sa labas dahil kasama kami sa entrance procession. Sa bawat minutong lumilipas ay dumarami na ang mga tao maging ang mga miyembro. Malapit na rin kasing magsimula.

I caught my cousin frowning when she saw Cristine and her family's arrival. I was a little embarrassed when she quickly introduced me and Pamela to her parents before they went inside the church.

"Hindi ko makita si Juancho," sambit nito nang nakanguso.

Upon saying that, Juancho finally arrived. Just like last week, his parents are with him. Kagaya rin noong nakaraang linggo ay may ilang binati ang mga ito mula sa mga kasabayang papasok ng simbahan.

"Ang gandang lahi naman talaga ng future family ko," Cristine muttered dreamily, her eyes are locked up on Juancho and his parents.

Hindi ako tumugon at sumulyap na lamang din mula sa malayo. Ilang saglit pa ay pumasok na rin sila sa loob habang si Juancho ay dumiretso sa ilang sakristan na inabot sa kanya iyong pinaglalagyan ng insenso.

Palihim akong ngumiti nang magtama ang paningin naming dalawa. Nag-angat siya ng isang kilay bago kumurba ng kaunti ang kanyang mga labi.

Sa tagpong iyon dumating ang sasakyan ng pari, dahilan kung bakit naputol ang aming titigan. Pinapila kami ni Ate Weng para nga sa entrance procession. Nanguna ang ilang knights, sunod kami, sa likod namin ay ang mga elders, ang grupo nina Juancho at ang pinakahuli ay si Father.

Some of the COMI are holding candles. Hindi ako kabilang sa mga iyon sapagkat hindi ako ang nasa pinakaharapan. Ang sarili ko lamang ang tangan ko.

When the commentator finished reading and the choir started singing the opening song, the entrance procession began, starting at the knight who's holding the cross. Mabagal sa una ang mga hakbang nito.

I suddenly remember Juancho and our first encounter. Siya noon ang may hawak ng krus nang unang beses magtagpo ang aming mata. Tila ba nakatatak na sa aking isipan ang pangyayaring iyon.

When our turn came, I silently followed the pace of the members in front of me. Natanaw ko pa sa isang pew si Micko na nakangiti sa akin. Tahimik kong sinuklian ang kanyang ngiti bago ibinalik sa harap ang tingin.

The mass started as the whole church was surrounded with grace and serenity. I can still feel the excitement for the ceremony that'll be held a little later.

When the liturgy of the eucharist was done and everyone already received their communion, I saw the commentator called Ate Weng who immediately went in front. She uttered a short introduction before the induction ceremony started.

Just like what we practiced, it started with us, the upcoming juniors. Tahimik kaming nagtungo sa harapan nang nakahanay. We uttered the vow altogether before they distributed the medals one by one. Pagkatapos no'n ay tahimik kaming bumalik sa inuupuan upang ang ibang ranggo naman ang sumunod.

The cycle repeated until the last full-pledged knights of the blessed sacrament were summoned. For the last part of the ceremony, all of us—members, stood on our seats as the priest blessed us with his prayers and the holy water.

The concluding rites took place right after the ceremony.

"Tapos na ang misa. Humayo kayo sa kapayapaan," saad ng pari matapos ang amen.

"Salamat sa Diyos," sabay-sabay na wika ng lahat bago binalot ng masigabong palakpakan ang paligid at ang pag-awit ng choir members para sa pangwakas na kanta.

Natapos ang misa at nagsimula nang magsi-alisan ang mga tao. Tinipon kami ni Ate Weng para sa picture taking. Nauna kaming mga COMI na sinundan ng mga KBS.

For the last few shots, we organized ourselves into a position that'll let everyone fit in the frame—girls and boys. Ngumiti ako sa camera hanggang sa matapos ang pagkuha.

Lumakad ako at sandaling huminto sa isang pew upang titigan ang natanggap na medal. It was an oval-shaped silver medal with a red ribbon. Red ribbons are given to the juniors, green for the aspirants, and light blue for the full-pledged ones.

Since I am a junior, I received the red one. I examined the details of the medal. Engraved on the surface is the body of Mary, surrounded by the statement that read in all caps:

O Mary conceived without sin, pray for us who have recourse to thee

It was so beautiful to stare at. Hindi siya ganoon kabigat at tila bagay na bagay sa puting gala na suot ko.

Tahimik kong ineeksamina pa ang ilang detalye nang marinig ang magkasabay na tinig na nagwika ng aking ngalan, sa magka-ibang paraan.

"Sharik!"

"Sharina."

I tore my gaze off the medal around my neck and lifted my head. My eyes slightly widened when I saw Juancho near my right and... Micko from my left.

"Uh..." I managed to utter.

Hindi ko alam subalit nakaramdamn ako bigla ng kaba. Awang ang mga labing nagpalipat-lipat ang aking tingin sa dalawang lalaking wala na sa akin ngayon ang mga mata.

Juancho's dark eyes is now levelling Micko's gray-colored pair.

Seguir leyendo

También te gustarán

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...