Atlas Volume 2 [Warriors Batt...

By chrisseaven

3.7K 396 1.5K

Ngayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pags... More

Atlas Volume 2
History
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author's Note
Just Fun

Chapter 19

72 10 30
By chrisseaven





Chapter 19: Ang lungkot sa buhay ni August

Sa pagpapatuloy ng laban sa pagitan nila August at Adhana ay mas nakakalamang na si August, dahil sa kalagayan ngayon ni Adhana ay hindi pa rin siya nakakabangon dahil unti-unti ng nasasakop ang buo niyang katawan sa mga nagyeyelong tubig ni August, kaya naninigas na ngayon ang ibang parti ng katawan ni Adhana.

Pero sa kabila ng kahanga-hangang pinakita ni August ay labis pa ring sumugat sa kaniyang puso nang makita niyang tila nasa panig pa rin ni Adhana ang mas maraming bilang ng mga manunuod, bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala kay Adhana.

Seryoso't kalmado mang inilibot ni August ang tingin sa mga manunuod ay sugatan naman ang kaniyang damdamin dahil mas nakasuporta pa rin ang ibang mga manunuod kay Adhana.

"Naku ano bang nangyayari...eh dati-dati halos hindi nalalayo sa lakas ang mga Fire Gifted sa mga Water Gifted, at malayong-malayo kumpara sa kanila ang mga Ice Gifted..." sambit ng isang babaeng manunuod na napapakamot pa sa ulo.

"Fire Gifted ka Adhanaaa...ipakita mo sa lalaking yan na mas malakas ka kumpara sa kaniya! Madali lang yan talonin!" Sigaw pa ng isang lalaki na nakuha pang tumayo.

"Oo nga, Ice Gifted lang yan eh!" Dagdag pa ng isang lalaking kaibigan ng naunang sumigaw.



Dahil sa mga naririnig ni August mula sa mga manunuod ay unti-unting yumuyuko ang kaniyang ulo at dinaramdam niya ang sakit pero pilit niyang pigilin ang mga nagbabadyang mga luha sa mga mata.

Muling dahan-dahan na inangat ni August ang kaniyang tingin at kahit papaano ay nabawasan ang sugat sa kaniyang puso nang makita niyang naka ngiting pinagmasdan siya ng iba niyang mga kasamahaang Warriors na nanunuod sa itaas.

Agad na pinakitaan ni Atlas ng nakakuyom na kamao si August para palakasin niya ang loob nito "August huwag kang makinig sa kanila! Malakas ka! Magaling ang pinakita mo!" Pagsisigaw ni Atlas.

"Oo nga! Kahanga-hanga yang Ice Wall mo! Pwede bang makahingi ako niyan kahit isa, gawin ko lang pader sa bahay namin, desenyo lang, ang ganda kasi!" Dagdag pa ni Juan habang abot tenga ang kaniyang ngiti.

Nanginginig naman sa inis na hinarap ni Sahara si Juan "Ikaw talaga Juan kahit kailan talaga dinadag-dagan mo ng kalokohan ang mga pinagsasabi mo! Hindi desenyo ang Ice Wall! Ano bang nakain mo?!" Pagtataas boses ni Sahara habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang bewang na halos nagmumukhang isang ina na nagagalit.

Tinatawanan naman ni Atlas si Juan na nanginginig sa takot habang nakatitig kay Sahara. "Hahaha...para ka palang turo kung magalit Sahara..." pagtatawa ni Atlas.

"Ewan ko na talaga sa inyo!" Agad na sinapak ni Sahara ang likod ni Atlas kaya bumangga ito kay Juan dahil na rin sa magkatabi lang silang tatlo.

Napayuko naman si August at dahan-dahan siyang napapangiti sa labi 'Atlas, Juan, Sahara...kahit napaka-ingay niyo, maraming salamat pa rin sa inyo, dahil nabibigyan niyo ng kulay ang buhay ng iba, kagaya ko...' sa isip ni August.



Agad na muling inangat ni August ang kaniyang ulo dahil may nakalimutan siyang tignan, at ito nga ay ang kaniyang pamilya na nanunuod rin sa itaas. Hindi nagtagal ay nakita nga ni August kung saan nakapwesto ang kaniyang pamilya.

Pero imbis na matuwa siya dahil nandito nga't dumalo ang kaniyang pamilya ay unti-unting napapalitan ng lungkot ang mukha niya nang makitang tanging ang kaniyang Inang si Lea lamang ang nagawang ngitian siya. Ang kaniyang ama, lolo't lola ay pawang halatang-halata na hindi pa rin sapat ang tiwala nila sa kakayahan niya.

Nakipagtitigan ang ina ni August sa kaniya at nagsalita ito sa mahinang boses "Ngiti ka Anak..." kahit hindi ito narinig ni August dahil malayo siya dito ay alam niya ang ibig sabihin ng kaniyang ina lalo pa't gumuhit ito ng ngiti sa labi gamit ang dalawang daliri lamang.

Dahil mahal ni August ang kaniyang Ina ay pinagbigyan niya ito, dahan-dahan siyang ngumi-ngiti kahit na nangingibabaw pa rin ang lungkot niya. 'Kahit anong gawin ko, wala pa ring tiwala sa akin ang sarili kong pamilya. Buti nalang laging nandito si Ina para suportahan ako...' sa isip ni August.

Biglang dumaan sa isip ni August ang mga nangyari sa buhay niya, ang pagmamaliit sa kaniya at kakulangan ng tiwalang ibinibigay sa kaniya ng sariling pamilya.




Isang gabi, naglalakad sa gitna ng kalsada ang batang si August na kung susumain ay nasa pitong taong gulang na ito. Pauwi na siya sa kanilang bahay nang makita niya ang limang mga bata na nasa gitna ng kalsada nagkukulitan.

Pagkadaan ni August sa kanila ay natahimik ang mga ito at tila nagbubulongan pa. Isang bata ang biglang nagsalita "Sali natin siya sa grupo natin..." sambit nito.

"Ano?! Eh Ice Gifted yan eh! Baka wala lang yang magawa para ipagtanggol tayo! Baka nga maging pabigat lang siya sa grupo natin! Eh sa pagkakaalam ko, mula pa nong unang panahon mahihina na talaga ang mga Ice Gifted at madali lang nasasakop ang terotoryo ng Nuwabe kung saan maraming mga Ice Gifted, dahil talonan sila..." napahinto sa paglalakad si August dahil sa narinig niya mula sa isa pang bata na nasa likuran niya.


Hindi na bago kay August ang maliitin siya bilang isang Ice Gifted, dahil alam niya na sa mundong ginagalawan niya, Ice Gifted ang madalas na tinutukso, dahil bukod sa hindi masyadong marami ang klase-klaseng kapangyarihang meron sila, eh mabilis din maubos ang mga enerhiya nila.

Sanay na sanay na si August sa pagmamaliit sa kaniya, ngunit ikinakainis pa rin niya sa sarili niya dahil kahit sabihin niyang huwag nalang pansinin ang mga sinasabi ng iba ay nasasaktan pa rin siya.

Bumuntong hininga si August at sinimulan na niyang muling magpatuloy sa paglakad at nagbibingian nalang siya na kunwari hindi narinig ang mga sabi-sabi pa sa kaniya ng limang mga bata.



Hindi nagtagal ay nakabalik na nga sa kanilang bahay si August at sumalubong sa kaniya ang pamilya niyang nagtipon-tipon sa sala at tila inaantay siya. Agad na tumayo ang kaniyang amang si Ferde "Gabi ka na nakauwi! Nando'n ka na naman siguro sa Protector's Place kasama ang Atlas na yon!" Pagtataas boses ni Ferde.

Nanatiling kalmado lang nakatingin sa kanila si August, sanay na sanay na kasi siya sa mga pangsusumbat nila sa kaniya. Tumayo naman ang Ina ni August na si Lea para ipagtanggol siya.

"Ferde nasisiraan ka na ba talaga?! Pinagbabawalan mo ng lumabas si August! Anong gusto mo, mananatili nalang siyang nakakulong dito sa loob ng bahay at walang nalalanghap na hangin, puro nalang pangsusumbat mo!" Pinagtuturo na ni Lea ang kaniyang asawa.

Mas lalo lang uminit ang ulo ni Ferde "Hindi yan ang ibig kong sabihin! Gusto ko lang ipaalam sa batang ito na tigil-tigilan na niyang mangarap ng gising! Eh hindi nga siya kalakasan, tapos gusto pa niyang maging isang Protector! Kalokohan!" Bakas ang galit sa mukha ni Ferde habang palipat-lipat niyang tinitignan sina Lea at August.

Napabuntong hininga naman ang ina ni Ferde na si Sita na may katandaan na "Lea may punto si Ferde. Marami na sa angkan nating mga Mendez ang sumubok na makapasok sa Atlan Academy, at lahat nabigo. Kaya August, payo ko bilang iyong lola, iba nalang pangarapin mo..." mababang tuno ng boses man itong sinabi ni Sita ngunit tagos ito sa puso ni August lalo pa't nangangarap siyang maging Protector.

Hindi na nakayanan pang tiisin ni August ang mga sinasabi nila sa kaniya kaya agad siyang lumakad papunta sa kaniyang kwarto na nasa itaas pa ng hagdan. "Ano ba kayo?! Baka nakalimutan niyo ng bahagi pa rin ng pamilyang ito si August! Wala kayong tiwala sa kaniya!" Rinig pa ni August ang kaniyang Ina habang umakyat na siya sa hagdan.



Pagkapasok ni August sa kaniyang kwarto ay ang agad niyang ginawa ay humiga sa kama at bakas ang lungkot sa kaniyang mukha habang nakatingin sa itaas at tila may malalim na iniisip. 'Mabuti pa si Atlas, walang pumipigil sa kaniyang mangarap...' sa isip ni August.

Biglang dumaan sa isip ni August ang nangyari kaninang hapon na kasama niya si Atlas sa Protector's Place. Kahit sino kasi malayang pumunta dito sa Protector's Place kung saan makikita ang Great Statue ng dalawang naging Protector ng Atlanian, at sa likod naman makikita ang Protector's Office kung saan nasa loob ang kasalukuyang Protector na si Nayde Alanta.

Tanaw ni Nayde sa labas ng office ang dalawang bata na sina Atlas at August, tinabihan ng mga ito ang dalawang Great Statue. Nasa tabi ni Atlas ang Great Statue ng Ika-unang Protector na si Sanarthur Galang at katabi rin ni August ang Great Statue ng Ika-lawang Protector na si Nayde Alanta.


Parihong nakatingin sa itaas ng mapayapang mga ulap sina Atlas at August at masarap sa pakiramdam nila habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin at pinagmasdan ang tanawin sa ibaba.

Biglang napabuntong hininga si August at nilingon niya si Atlas "Mabuti ka pa Atlas, malaya mong gawin ang gusto mo, malaya kang mangarap...ako kasi para akong nakarihas sa isang kadinang puno ng negatibo sa kung ano lang ang kaya ko..."

Dama ni Atlas ang lungkot sa tuno pa lang ng boses ni August kaya nilingon niya ito at ningitian niya sa labi "Huwag kang makinig sa sasabihin ng iba, tuloy ka lang, mangarap ka lang. Nagtitiwala ako na balang araw, sabay nating makamit ang mga pangarap natin..." abot tenga ang ngiti ni Atlas na halos hindi na makita ang kaniyang mga mata.

Dahil sa mga sinabi ni Atlas ay dahan-dahan na napangiti sa labi si August. Ilang saglit pa'y muli ng tinanaw ni Atlas ang mga ulap at nagsalita siya ng mababang tuno ng boses ngunit halatang mas nais pa rin niyang ipakita na ayos lang ang lahat "August kung magiging Protector ka, sasaya ka dahil may pamilya kang kasama. Ako, magiging Protector ako nang wala pa ring kasamang pamilya...pero ayos lang...ang maganda naman naging maayos pa rin ang buhay ko..."

Sa mga sinabi ni Atlas ay napapanganga nalang si August at ikinagulat niya nang mapagtantong sa kabila ng pagiging masayahin ni Atlas ay may nakatago palang lungkot sa puso nito.

'Atlas...paano mo nagagawang maging masaya pa rin sa kabila ng sakit sa buhay mo...napakatibay mo, ni-hindi mo man lang magawang magreklamo sa kung anong buhay mo ngayon... sa isip ni August habang nakatitig siya kay Atlas na may ngiti sa labi habang nakatanaw pa rin sa mga ulap.




Nagdaan pa ang ilang taon. Labing-dalawang taong gulang si August nang mangyari ang isa sa mga pinapangarap niya, ang makapasok sa Atlan Academy, kasi para sa kaniya, isa itong malaking daan patungo sa pina-pangarap niyang maging isang Protector.

Nagbunga ang lahat ng pinaghirapan ni August, mula sa iba't ibang pagsubok na ibinigay sa mga nais makapasok, at sarili niyang pagsisikap at pagsasanay. Kaya sabik na sabik na siyang ibalita ito sa kaniyang angkan lalo na sa kaniyang Ina, na isa siya sa labing-walong mga batang nakapasok sa Atlan Academy.

Hindi mawalawala ang ngiti sa mukha ni August habang naglalakad na siya pauwi sa kanila. Samantala, hindi alam ni August na marami sa angkan nilang mga Mendez ang nagtipon-tipon sa loob ng bahay nila, dahil may mahalagang pag-uusapan. Lahat sila'y nakasuot ng kanilang uniporme na may kulay ng kasing asul ng ulap dahil pawang mga Ice Gifted sila.

Malawak itong bahay ng pamilya ni August kaya kasyang-kasya rito ang nagdalong parti ng angkang Mendez. Ang ama ni August na si Frede ang kinikilalang pinuno sa angkan nila, kaya isang salita lang nito ay pumayag nga ang mga kaanak niya na dumalo sa bahay nila. Karamihan sa narito ay mga Ice Gifted, kilala kasi ang angkan ng Mendez na isa sa mga maraming bilang ng Ice Gifted.


"Anong mahalagang pag-uusapan natin ngayon Frede? Nga pala, may resulta na ba kung nakapasok ba o hindi ang iyong anak na si August sa Atlan Academy?" Tanong ng isa sa mga matatanda sa kanila.

Napabuntong hininga si Frede bago sagotin ang tanong ng matanda "Tanging si August ang magsasabi ng resulta mamaya, hindi pa siya nakabalik kaya hintayin nalang natin. Sa ngayon may mahalaga akong anonsyo sa inyo," tumigil muna saglit si Frede at inilibot ang tingin sa kasama niya ritong parti ng angkan.

"Kapag hindi pa rin tagumpay na makapasok ang aking anak na si August, itigil na natin ang pagpresenta pa ng ating angkan sa Atlan Academy..." anonsyo ni Frede na gumulat sa mga kasamahan niya.

Halos napapanganga ang mga matatanda "Ibig mo bang sabihin wala ng maski-isa pang bahagi ng ating angkan ang ipapasok natin sa Atlan Academy?" Tanong ng isang matanda.

Tumango naman si Frede "Oo. At hawak ni August ngayon ang kapalaran natin." Pagkatapos nitong sabihin ni Frede ay natahimik ang lahat at napapapikit pa ng mga mata ang ilan sa mga matatanda na tila taimtim na nagdadasal.



◇◇◇◇

Wow sa unang pagkakataon nakaabot ako ng 2100+ words count...isang himala! Hahaha!

Sigurado ako na marami sa inyo ang naka-relate sa buhay ni August.

Thank you Seabelievers sa matyagang paghihintay ng updates. Humihingi ako ng pasensya kung matatagalan na ako makapag-update, start na kasi second sem namin, pero huwag kayo mag-aalala kahit papaano magfo-focus pa rin ako dito sa Volume 2. Senior high pa naman ako hindi pa masyadong busy, puro nga ako chill eh hahaha...

Muli, maraming salamat! Always stay safe and God Bless! 💙








Continue Reading

You'll Also Like

474K 34.1K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
209K 9.3K 29
Can true love be enough to break the spell? Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]
Find the Killer By _kiko_

Mystery / Thriller

12.9K 809 43
Noon ay isang larong pambata lamang na kapag nahuli ka, ikaw na ang taya. Pero ngayong may sikreto na wag kang magpapahuli, kasi papatayin ka nya. An...
150K 6.2K 73
"Woooh! Alam ko na mga style niyong fans ko, kunware wrong sent pero sinadya naman. Wag ako, iba na lang." -Jeon Wonwoo //svt's wonwoo fanfic// [epis...