The Psychiatrist's Insanity

By thatpaintedmind

792K 12.6K 5K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of s... More

Teaser
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII

Kabanata IV

49.5K 962 1K
By thatpaintedmind

"GRABE, muntik na akong maligaw! Ang lawak naman ng SM nila rito. Ang daming pasikot-sikot!" Iritang sumipsip ang pinsan ko sa binili niyang hot coffee.

Just like what she said, narito kami sa SM nagkita, partikular sa labas ng food court kung saan open space ang establisiemento. Tanaw mula rito ang mga nakapaligid na gusali. It's like a huge veranda located on top of the mall.

"Nasaan ba ang mga kasama mo?" tanong ko saka sumubo sa pagkaing in-order niya. Gutom na gutom na talaga ako.

"Nasa burnham park sila, nag-usap-usap na lang kaming magkita mamaya sa The Mansion kapag uuwi na."

Hindi na ako nakasagot dahil abala ako sa pagkain. Mabuti na lang talaga at nag-order na siya habang nasa jeep pa lamang ako. Nanuyo rin ang lalamunan ko kasasalita kanina.

"Hoy bakla ka! Kaninong boses 'yong kanina, ha?! Grabe ang baritono! Isang linggo ka pa lang dito may ka-karingkingan ka na!"

Halos mabulunan naman ako sa sinabi niya.

Bwisit! Nakalimutan ko na nga ang kahihiyang 'yon, pinaalala niya pa!

"Nakahanap ka na kaagad ng cherry popper?"

Napairap ako habang umiinom. Pabagsak kong binaba ang baso sa mesa saka ko siya pinanlisikan ng mata.

"Doctor 'yun sa clinic na pinanggalingan ko. Nakasabay ko lang sa elevator."

"Ganon? Edi mashonda na pala?" Dismayado niyang wika sa pag-aakalang matanda na ang lalake kanina. "Sayang, umasa ako sa boses. Accent pa lang kasi, tunog sisirain na agad ang buhay mo." Bakas na bakas talaga ang panghihinayang sa mukha niya kaya napailing na lamang ako.

"Sirang-sira na nga buhay ko, papasira ko pa lalo?"

Sumipsip ako sa in-order niyang milktea. Alam niya talaga ang favorite ko.

"Sabagay," humalumbaba siya.

"Tsaka tingin ko hindi naman siya mashonda o matanda. Kaka-graduate siguro," I shrugged my shoulders. Hindi rin naman ako sigurado. Ang boses niya lang din ang tanging basehan ko.

"Uy, may pag-asa. Mine mo na 'yan, bhie!" Napapalakpak pa siya sa excitement.

Napairap na lang ako uli. "Bad idea,"

"No! Good idea!" Diin niya, mas nilapit niya pa ang mukha sa akin saka ako pinanlakihan ng mata. "Depressed ka, mental health professional siya! O diba, perfect combination?"

"Nang-aasar ka ba?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ako? Nang-aasar? Nagsusuggest lang naman!" Umayos siya ng upo bago pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. "Hindi ba't mas maganda naman talaga kapag therapist o psychologist ang partner ng isang taong may depression?"

Bumagsak ang tingin ko sa aking milktea habang napapaisip. Hinalo-halo ko iyon gamit ang makapal na straw bago sinagot ang kanyang tanong.

"Advantage para ro'n sa taong may depresyon, pero paano naman 'yong nagmimistulang therapist? It would be draining."

Napatango-tanong naman si Angelli sa ideya ko.

"Sabagay, may point..." Maging siya ay napaisip. Sandali kaming natahimik, pero hindi kalaunan ay muli rin siyang nagsalita. "So, kung nagkataong may therapist or any kind of psychologist ang manligaw sayo, hindi mo tatanggapin?"

Natawa ako sa tanong niya. "Trabaho na nga nilang umintindi ng iba't-ibang pasyente, dadagdag pa ako? Pa'no 'yun? Pagod na nga sila galing trabaho, tapos pag-uwi trabaho pa rin? Imbis na makapag-pahinga ay mas mapapagod pa sila lalo." Napailing ako. "It's a no for me."

Napatango-tango siya uli. "May point..."

Sandali kami muling natahimik. Nag-abala na lang ako sa pag-ubos ng aking pagkain habang siya ay painom-inom sa kanyang kape.

"Kamusta pala ang assessment?" Tanong niya kumakailan.

"Ayos naman, next week pa makukuha ang resulta."

Napatango siya. "Pasukan niyo na sa Monday, 'di ba?"

"Yea,"

"Nakabili ka na ng gamit mo?"

"Yea,"

"Nakapag-adjust ka naman na ba rito?"

Napabuga ako ng hangin. "Kanina pa ako ini-interview, hanggang dito ba naman?"

"Ang sungit!" Napairap siya. "I'm just diverting your mind! Panigurado kasi naging fresh na naman sa alaala mo ang trauma mo gawa ng assessment kanina."

I breathed deeply. "Hindi naman na bago. Nasasanay na rin ako."

"Talaga ba?" Tumaas ang isang kilay niya. "Kahit may panibagong dagdag sa trauma mo?"

Natigil ako sa pagkain. "Anong panibagong dagdag? Parehas lang naman."

"Duh? Diba hindi nakulong si uncle? Panigurado bagong isipin na naman 'yon sa 'yo."

I felt my whole world stopped right after hearing those words. 

"Diba hindi nakulong si uncle?"

Para akong nabingi. Nawala lahat ng ingay sa paligid. Ang tanging dinig ko lang ay ang lumalalim kong paghinga.

"Diba hindi nakulong si uncle?"

It felt like my heart literally sank in my chest. I can feel it beating, but how can be a sign of life be so painful? God I don't want my heart to beat anymore. The audacity of this heart to fucking beat when I already feel like dying.

This is probably my 'watch my heart burn' moment. Ganito pala ang pakiramdam no'n. Tila nararamdaman mo talagang nagliliyab ang puso mo sa halo-halong emosyon.

Araw-araw na akong pinapatay. Hindi pa ba sapat ang paghihirap na 'yon? I have barely moved on, may bago na naman?

"Oh my, God. Don't tell me... you didn't know?"

Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. Even speaking is a battle I have to fight.

"A-Anong ibig mong sabihin?" I gathered all my strength just to ask that simple question.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ng pinsan ko, tila nahihirapang sabihin sa akin ang totoo.

"Ah, k-kasi Fayven," lumikot ang mga mata niya.

Nagtagis ang bagang ko. "Ano, Angelli?" My voice was threatening. Napatingin naman siya sa akin nang dahil do'n.

"H-Hindi nakulong si uncle, Fayven. Binayaran niya ang mga pulis kapalit ng kalayaan."

With that, my heart burned even more.

Napapikit ako. My whole system weakened.

How am I even suppose to recover after this?

"Kailan pa?" I almost choked upon asking that.

Habang hinihintay ang kanyang kasagutan ay tila hinihintay ko lang ding sumabog ang isang bomba.

"Ever since, Fayven... He was never really imprisoned in the first place."

That shattered every piece of my being.

Three years... for three years, I fought at the court, swallowed all the accusations, and faced all my goddamn demons... just for everything lead to nothing? All those for nothing?!

Akala ko ay nakamit ko na ang hustisya. Iyon na nga lamang ang pinanghahawakan ko, pero sa huli, talo pa rin pala ako.

"Paano mo nalaman?" My voice was already shaking. I was fighting the urge to explode. I know this is not the right place nor the right time.

"'Yung kasambahay ngayon nila ate Vera, kamag-anak ng asawa ni uncle. Siya ang nagsabi ng lahat."

Ate Vera... Kasama siya sa pamilyang sinisisi ako.

Mapait akong napangisi.

"So they all knew?" My voice was laced with bitterness. "You all knew."

"Kailan ko lang nalaman—-" kaagad niyang depensa.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" My tone started to sound suspicious.

"Nandito ka na sa Baguio nang malaman ko. Akala ko rin alam mo. Believe me, I didn't know you were clueless."

Tumiim ang bagang ko. Hindi dahil sa kanya, kundi sa panibagong ideyang pumasok sa utak ko.

Did my parents know?

"Sandali, saan ka pupunta?" Naalarma siya nang tumayo ako.

"Uuwi ng Olongapo." Walang sabi kong hinablot ang aking bag saka ako dire-diretsong naglakad paalis.

"Ano?! Sandali, Fayven!"

Taranta niya akong sinundan. Narinig ko pang muntik nang matumba ang upuan niya nang maagap siyang tumayo para sundan ako. Marahas na lang akong napabuga ng hangin nang hablutin niya ang braso ko upang pwersahan akong ipaharap sa kanya.

"Huwag ka magpadalos-dalos! Sa Lunes na ang klase mo--"

"Sabado pa lang. Uuwi ako bukas."

"Magba-bus ka--?"

"You make it sound like that's hard."

"Hindi ka naman kasi sanay--"

"Wala akong pakialam!" Natigilan siya nang tumaas na ang boses ko. Hindi ko na mapigilan. Para akong sasabog. "Alam mo ba kung gaano kahirap sa aking malaman 'to?!"

Tears automatically crawled up my eyes. Muli na namang nanikip ang dibdib ko. Halo-halong emosyon ang nag-uumapaw sa akin na tila nawalan na ng espasyo ang puso ko. I can't take it anymore. God, this is too much. 

"For years, wala silang narinig sa akin! Kahit ilang pang-aakusa, paninisi, at pamimintang ang binato nila sa akin ni isa wala silang narinig sa akin!"

"Fayven..."

"I just need to know the truth, Angelli." I harshly wiped the tears that escaped from my eyes. "Kahit katotohanan na lang ang ibigay niyo sa akin, okay na. Just please, let me have this one."

Wala na siyang nagawa. Wala rin naman akong balak magpapigil. I was determined to go back to Olongapo and confront my parents.

Kinuha ko ang pinakamalapit na schedule mula Baguio hanggang Olongapo. Angelli insisted to come with me instead of her colleagues. Hindi ko na siya pinigilan dahil ang nais ko lang ay makabalik ng Olongapo sa pinakamabilis na paraan.

Tanging ang dala ko lang na bag kaninang umaga ang bitbit ko ngayon. Narito naman na lahat ng kakailanganin ko kaya walang problema.

Buong byahe ay mabigat ang dibdib ko. Ni hindi ako magawang kausapin ng pinsan ko. She was giving me space to think, which I did the whole time. Buong oras ay wala akong ibang inisip kundi lahat ng pangyayari sa buhay ko mula ng nagdaang mga taon.

When I was 14, I used to think that maybe, I'll understand things better when I get older. Now I am so disappointed that my life only got worse at 20. Akala ko noon, magiging okay na ako pagtanda, na makaka-move on din ako paglipas ng panahon. Well, that's what they say, time heals all wounds. But if it really does, then why am I still bleeding?

Does time really heals all wounds or do we just learn how to tolerate the pain? Perhaps time heals only applies to those who has shallow wounds, but not to us whose pain lingers deep within our heart.

"Fayven," nilingon ko si Angelli. Kababa niya lang ng phone. Kausap niya ang kanyang mga magulang kanina. "M-Magkakasama yata sila ngayon."

Hindi ako sumagot. Natunugan ko na ang ideyang iyon kanina. Syempre magkakasama sila, birthday ni lola.

"Sigurado ka bang tutuloy pa tayo--"

"Ngayon mo pa ba ako pababalikin ng Baguio? Malapit na tayo sa kanto." Halos isigaw ko iyon sa kanya dahil sa lakas ng pag-andar ng tricycle na sinasakyan namin.

Madilim na ang kalangitan. It was already 7 in the evening when we arrived.

"Hindi ko binanggit na kasama kitang papunta sa bahay niyo." aniya pa.

Hindi ako sumagot. Ako pa yata ang magmumukhang gatecrasher sa party nila mamaya. Pwes, wala akong pakialam.

Tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay namin pagkatapos magbigay ng instruksyon ni Angelli sa driver. Nauna akong bumaba. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok ng gate. Nasa bungad pa lang ako ng pinto ay dinig ko na ang malalakas nilang tawanan. Mas lalong nag-alab ang puso ko.

Pabalya kong binuksan ang pinto. Naglikha ng malakas na tunog ang pagtama ng pinto sa pader, dahilan para matigilan silang lahat. All their heads shifted on me.

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila. But I didn't care, I was scanning my eyes across the room, trying to find my parents.

Tumigil ang mga titig ko sa kanila. Maging sila ay gulat na gulat na nakatingin sa akin. Syempre, hindi pa nagsisimula ang klase namin pero umuwi na kaagad ako.

"Fayven," si mama ang unang nakabawi. Agad siyang naglakad papalapit sa akin.

"Anak, bakit ang--" akmang hahawakan niya ako sa magkabilang braso pero kaagad kong winaksi ang mga kamay niya. Nagulat siya sa inakto ko.

"Totoo ba, ma?"

I fought the urge to break down right there and then. Ang hindi ko napigilan ay ang panunubig ng mga mata ko.

"Ang alin? Hindi ko maintin--"

"Na hindi siya nakulong?"

I no longer had to mention his name. I didn't need to, dahil iyon pa lang ay kitang-kita ko na ang pagkatigil sa mga mata ni mama.

Her reaction already stated everything I needed to hear.

My chest tightened again, tighter this time that I almost find it hard to breathe.

"Anak--"

"Okay lang sa 'yo, ma?" Nanginig ang boses ko. I used all my strength to keep it all together even though my whole world is already collapsing. "Pa?" Tumingin ako kay papa.

Napaiwas ito ng tingin. Hindi ako makapaniwala.

They all knew... They all knew except me! Pinagmukha nila akong tanga! Why didn't they tell me? Para ano, para hindi ko ipagtulakan ang kaso?

"Hindi ko ba deserve ang hustisya, ma?" I sounded so betrayed. Well I am!

Okay pa kung mga kamag-anak ko lang ang nagtra-traydor sa akin, matatanggap ko pa. Pero ang sarili kong mga magulang? Ang mga taong inaasahan kong kakampi kong ipaglalaban ako? Ibang klaseng sakit na 'yon. Ang sakit-sakit.

"Anak, nanalo ka naman na sa korte. Tingin ko sapat na 'yon."

Akala ko wala na akong ika-dudurog pa, meron pa pala.

Pakiramdam ko ay pinagpira-piraso ang pagkatao ko nang sabihin iyon ni mama.

Napaatras ako. Tumingin ako kay papa para alamin kung gano'n din ba ang opinyon niya. Napabuntong-hininga ito nang makasalubong ang tingin ko.

"Sira naman na ang reputasyon niya, anak. Iyon ang importante." Wika ni papa.

Tang ina. Putangina talaga.

Wala na. Durog na durog na ako. Durog na durog na naman ako. For years I tried to put my pieces back together, only to be shattered once again. Worse, by my own fucking family.

Hindi ko na napigilan, my tears started flowing down my cheeks.

"What about me?" My lips trembled upon asking the question that had always haunted me. "What about me, pa? Paano ako?"

Hindi sila nakapagsalita. Napaiwas ng tingin si papa.

"Tingin mo sa akin pa? Walang nasira? Tingin mo 'yung reputasyon ko, hindi nasira? Gising, pa! Pakinggan mo naman ang mga sinasabi nila sa akin!" I motioned my relatives watching us. "Buti pa nga si uncle reputasyon lang ang nasira! Kamustahin mo ang buhay ko, pa! Tingin mo maayos ang buhay ko? Ha? Hindi! Pati buhay ko sirang-sira ng dahil sa kasalanang hindi ko ginawa!"

Halos hindi na ako makahinga. Halos hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin dahil sa mga hikbi at pagsinghap ko.

"Anak, please, calm down. You're overreacting." Sinubukan ako muling hawakan ni mama pero lumayo ako sa kanya.

Overreacting? I'm overreacting?

"No, ma! You don't get to destroy me and then tell me how ruined I am allowed to feel!"

Wow, just wow.

"Apo," natigilan ako nang lumapit sa akin si lola. Halos madurog akong muli nang makita ang luha sa mga mata nito. "Pasensya na, akala kasi namin okay ka na."

Sa sinabi niya ay parang may kamay na madiing pumisil sa puso.

Akala namin okay ka na.

Natawa ako.

"Ako? Okay?" Mapait akong napangiti, patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. "Tingin mo ba 'la, gano'n lang kadali sa akin ang lahat? Kayo ang okay na!" Suminghap ako ng hangin. "Buti pa kayo okay na."

"Fayven," ate Vera called me. Napatingin ako sa kanya, dahil do'n ay nakita ko rin ang kanyang pamilyang kasama niya. "Mas okay kasi kung magpatawad ka na lang. Alisin mo ang galit sa puso mo. Kapag ginawa mo 'yon ay saka ka lang makaka-move on."

Nag-init ang mukha ko sa galit dahil sa sinabi niya.

"Hindi madaling mag-move on sa ganitong sitwasyon, ate."

"Kasi nga hindi ka marunong magpatawad. At least learn to forgive, after all, he's still our family. Blood is thicker than water naman."

"Tama si Vera," habol ni tita Rowene, nanay ni ate Vera. "Everything happens for a reason, Fayven. Panigurado ay plano ng Diyos ang nangyari. Magtiwala ka lang sa Kanya. Diyos nga ay mapagpatawad, ikaw pa kaya na tao lang?"

Nagtagis ang bagang ko. "Malamang madali lang makakapag-patawad ang Diyos! Bakit siya ba ang ni-rape?!"

"Fayven!" My mom tried to stop me but I refused.

"Talagang madali lang makakapag-patawad ang Diyos dahil hindi naman siya ang nakaramdaman ng pangungutya niyo! Hindi siya ang nakarinig ng paninisi niyo! Hindi siya ang nakaramdam ng sakit na dinanas ko! Kung Diyos lang din ako madali ko talaga kayong mapapatawad! Dahil hindi ako ang nagdusa! Hindi ako ang araw-araw niyong pinatay!"

"Fayven," mula sa likod ay hinawakan na rin ako ni Angelli.

"Hindi mo naiintindihan ang pinupunto ko." Giit ni tita Rowena. "Ang akin lang naman, pinlano iyon ng Diyos para mas maging malakas ka! God gives his toughest battles to his strongest soldiers, doesn't he?"

"Putang ina!" Lahat sila nabigla nang itulak ko ang katabing vase. Nabasag iyon dahilan para mapaatras silang lahat. "I was 13!" I broke down. "I was just fucking 13!" Nanginginig na ang buong katawan ko. I look so fucking miserable crying in front of them, trying to make them understand that I was just 13 when I was sexually assaulted, 14 when I started considering to take my own life. "I was a child! Not a fucking soldier! Hindi ko kailangang maging malakas! I was just a child. Just a fucking child..." Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. "Ang dapat na problema ko lang ay ang pag-aaral ko, pero ang pino-problema ko araw-araw ay kung paano ko maaalis ang mga bakas ng hayop na iyon sa akin!" Pinunasan ko ang aking mga luha. "And if that was really God's plan, then fuck his plans! I didn't deserve to suffer at such a young age!"

"God, Fayven!" Bwelta ni ate Hera, kapatid ni ate Vera. "At least your trauma made you stronger, right? Learn to look at the bright side!"

Nagtagis ang bagang ko.

"My traumas didn't make me stronger! It made me traumatized! It destroyed my innocence! It made me beg for God's mercy just so the pain would stop! Mukha ba akong malakas ngayon sa pangingin mo?! Look at me!" Nilahad ko ang kamay na tila pine-presenta ang sarili sa kanya. "I am miserable! Me being almost raped didn't make me any stronger, ate Hera! It crashed every piece of me!"

"Grabe! Napakadrama mo naman!" Ate Vera grunted. "Sayo na nanggaling! Hindi naman natuloy ang pag-rape niya sa 'yo! Nakatakas ka nga, diba?!"

Kumuyom ang mga kamao ko. Nagdidilim na ang paningin ko sa galit. Pigil na pigil akong maging bayolente, baka sa huli ay ako pa ang makulong.

"Madali lang sabihin sa'yo 'yan dahil hindi naman ikaw ang nakaranas ng mga dinanas ko!"

"Kung ako ang nakadanas ng mga dinanas mo, makakamove on ako agad. Sana nga ako na lang ang tinangkang i-rape ni uncle, edi sana hindi na nasaktan si lola dahil hindi ko naman babalaking ipakulong ang unico hijo niya."

"Gago!" Kaagad ko siyang sinugod bago walang babalang hinablot ang kanyang buhok.

"Fayven!"

"Aray! Bitaw!"

They all gathered to pull me away from her. Pero masyadong mahigpit ang kapit ko sa buhok niya. Wala na akong ibang makita kundi pula. Gusto kong mapigtas ang anit ng babaeng 'to mula sa ulo niya!

"Fayven! Tama na!"

Nang si papa na ang humila sa akin ay napagtagumpayan nila kaming paghiwalayanin. Nagpumiglas ako pero kaagad akong dinaluhan ni mama. Habang ang iba ay kaagad inalo si ate Hera na iyak nang iyak.

"Fayven! Tama na!" Galit na si mama.

"Ano, ma? Kakampihan mo rin sila katulad ng pagkampi niyo kay uncle?!"

"Wala akong kinakampihan!"

"Ka-bullshitan!" Marahas akong humiwalay kay papa. "Kapag nanahimik ang witness sa krimeng nasaksihan niya, sino ba ang mas makikinabang, 'yung biktima o 'yung suspek?!" Giit ko. Hindi siya nakapagsalita. "Kaya sabihin mo sa akin ma, sa ginagawa niyong pananahimik ni papa, sino ang mas nakikinabang, ako ba o si uncle?!"

She looked at me pitifully, while I looked at her full of pain.

"Kaya huwag na huwag mong masabi sa aking wala kayong kinakampihan! Dahil sa pananahimik niyo, ako ang dehado!"

"Hindi naman sa gano'n, anak--"

"Magulang ko kayo, ma." Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. "Kung may tao akong aasahang po-protekta sa akin, kayo 'yon." Napayuko ako, patuloy na humihikbi. Ang tagal ko nang gustong sabihin ito sa kanila, pero kahit kailan ay hindi ako nagkaro'n ng lakas ng loob. Ngayon lang. Kahit ngayon lang ay ilalabas ko ang lahat, lahat ng hinanakit, lahat ng pasakit. "Kayo dapat ang kakampi ko. Pero hindi niyo na nga ako nagawang protektahan, hindi niyo pa ako nadepensahan. Ma... bakit naman hindi niyo ako pinaglaban? Bakit?"

I cried.

"Fayven," that was my father's voice. "I'm sorry we failed to protect you. We're just doing this to protect our family."

"I am your family, too!" Tumingin ako sa kanya nang puno ng hinagpis. "Pamilya niyo rin ako, pa!"

Muntik na akong matumba pero kaagad akong nasalo ni Angelli.

"Pamilya niyo rin ako..." Bulong ko habang patuloy sa pagtangis. "Paano naman ako?Kinailangan ko rin kayo."

"Fayven, tahan na." Bulong sa akin ni Angelli.

"Ayan! Pinaiyak mo si lola!"

Napatingin kami kay ate Hera. Imbis na si ate Vera, si lola na ang kanilang inaalo. Nanlalabo ang paningin ko pero malinaw ko paring nakikita ang pag-alo nila kay lola.

"Magsorry ka kay lola, Fayven! Pati kay Vera!" Demanda ni tita.

"Anak," hinawakan ako ni mama. Pagtingin ko sa kanya ay lumuluha na rin siya, ngunit kaagad niyang pinunasan ang kanyang luha. "P-Patahanin mo na ang lola. Baka manikip ang dibdib niya."

I looked at her unbelievably. "Ma--"

"Come on, anak. Don't be selfish, please?"

That was my last straw.

Selfish.

Of course, I am selfish.

Sinubukan ko ang makakaya ko para lang huwag ipakulong si uncle noon. Tinanggap ko lahat ng paninisi nila nang walang salita. Imbis na magalit, sinubukan ko pang tumingin gamit ang kanilang pananaw, baka sakaling maintindihan ko, baka sakaling makita ko ang pinaghuhugutan ng galit nila. Instead of being mad, I even tried to justify their anger towards me. Pero sa huli, I'm the selfish one, right?

Umayos ako ng tayo. They were all looking at me, waiting for me to apologize.

Pinunasan ko ang aking mga natuyong luha bago humugot ng malalim na hininga. Isa-isa ko muna silang tinignan, at sa matapang na mukha, nagsalita ako.

"Tang ina niyo. Mamatay na kayong lahat."

"Fayven!" Nahintakutang sigaw ni mama.

Hindi ko na siya pinansin dahil nagtuloy-tuloy na ako palabas ng bahay.

Why should I apologize? Kahit kailan ay hindi sila humingi ng tawad sa alin. Bakit ko ibibigay ang bagay na ipinagkait nilang ibigay?

Pride na lang ang natitira sa akin. Hindi ko hahayang pati 'to mawala. Magkamatayan na pero hinding-hindi nila maririnig sa akin ang katagang sorry.

They can cry all they want, but their sufferings will never equal to mine.

Continue Reading

You'll Also Like

858K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...