He's My Badass Guy | BADASS D...

By riyazyn

4.3K 303 4

[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #1 Zares Keiv "Ares" Fillion Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa... More

AUTHOR'S NOTE
WORK OF FICTION
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25: Last Chapter
Epilogue

Chapter 24

105 9 0
By riyazyn

Chapter 24

Kaede

"It's all my fault! It's all my fault!" Rinig kong sabi ng isang di-pamilyar na boses.

"Dad, stop blaming yourself!" Boses yun ni Daren.

"No! It's all my fault why your sister ended up hereㅡlying and having so many bruises!" Nagtaka naman ako. Nakapikit pa ako kaya hindi ko nakita ang kausap ni Daren. Ano daw? Sister ni Daren? Akala ko ba

"Dad, Kaede is fine. Maghintay nalang tayo kung kelan siya magigising." Sa sinabing yun ni Daren, napamulat ako.

"Kaede! You're awake! Dad, she's awake! I'll call the doctor!" Nakita kong lumabas si Daren ng silid at naiwan ang isang lalaking may edad na, maluha-luha ang mata niyang lumapit sakin.

"Y-You're awake.. thank God!" Nagulat pa ako ng bahagya niya akong yakapin.

"S-Sino po k-kayo?" Pinilit kong itanong yun.

"I will tell you when you're okay!" Ngumiti pa siya sakin. Kamukha nga niya si Daren.

"Kaede!" Napalingon kami sa pinto at dun ko nakita si Keiv na maraming benda sa katawan. I missed him..

Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay. "How are you feeling? You okay?"

"I-I'm okay.." pinilit ko rin siyang ngitian. Nakita kong tumingin siya sa daddy ni Daren at tumingin ulit sakin.

Maya-maya pa'y, dumating ang doctor na may kasamang nurse.

"She's okay now, malinis na ang dugo niya. Ngayong nagising na siya, pwede na siyang ma-confine tomorrow but I will still give her medications." Sabi nang doctor.

"Thank you, doc. I owe you!" Sabi ng daddy ni Daren. Nakapagtataka talaga ang iniasta niya.

"You're welcome. I'll go ahead!" Umalis na sila kaya kami nalang ang naiwan ni Keiv. Iwan ko kung bakit lumabas sina Daren at ang daddy niya.

Umupo naman si Keiv sa tabi ko. "You sure you okay?" He said while caressing my hair.

I nodded at him. "Okay na." Hindi narin ako nauutal.

"Don't do that again.. you made me worried!" Aniya.

"Sorry! Sana.. naniwala ako sayo na hindi dapat pagkatiwalaan si Celine." Akala ko pa naman mabait siya. Ang dali ko lang talagang mauto. Una si Tina, ngayon naman si Celine. Napatigil ako ng maalala si Athena. "Si Athena? Is she okay?"

"Yes, nagising narin siya kahapon lang. Binisita ka nga niya dito eh." Such a relief!

"Buti naman. Ilang araw ba akong walang malay?"

"3 days." Nagulat ako.

"Ganun katagal?" Tumango naman siya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sorry.. sorry for being a stubbornㅡ"

"I should be the one saying sorry. Y-Your parents.. I'm sorry, Kaede.."

"Let's forget it.. past na yun. Tsaka sure naman akong masaya sina mama at papa kung nasan man sila ngayon at alam ko ring hindi mo ginusto at sinadya yung nangyari. May pinagdaanan ka rin." Napangiti ako ng sabihin ko yun.

"But you said.. pagbabayarin mo ang taong may kasalanan nung aksidente. Ngayong.. natagpuan mo naㅡ"

"Oh shut up!" Singhal ko sa kanya. "Bakit? Gusto mo bang maghiwalay tayo?"

Umiling siya agad. "Syempre, hindi!"

"Yun naman pala eh!" Natawa naman siya at tumayo.

"Kasya naman siguro ako dito." Aniya at pinagpag ang tabi ko.

"Anong gagawin mo?" Takang tanong ko.

"Hihiga. Na-miss kasi kita! Torture sakin ang hindi ka nalapitan ng ilang araw." Sabi niya na nakapagpangiti sakin.

"Na-miss din naman kita." Agad kong sagot.

"I know!" Aniya with full of confident. Hihiga sana siya nang may tumikhim kaya napalingon kami. Daling tumayo si Keiv ng tuwid.

"Can you give us some privacy, Zares?" Anang daddy ni Daren.

"Sure, tito!" Sagot ni Keiv at nilingon ako. "I'll be outside." Hinalikan pa niya ako sa noo bago lumabas.

Lumapit naman sakin yung daddy ni Daren. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"K-Kumusta ang pakiramdam mo?" Naiilang ako.

"Ayos naman po. Maraming salamat po sa pagtatanong. Kayo rin po ba ang nagligtas sa akin?" Sagot ko. Mas lalo akong nailang nang nakatitig lang siya sakin. "May.. problema po ba?"

Nagulat ako nang may tumulong luha sa mata niya. Niyakap niya ako bigla ng mahigpit. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam. Na parang.. siya ang totoo kong tatay.

"Xia.." mas lalo pa akong nagulat ng banggitin niya ang isang pangalan ko. "Xia.. anak ko.." Humagulgol niyang turan.

"P-Po?" Naguguluhan talaga ako. Alam Kong ampon lang ako ng nagisnan kong mga magulang at hindi ko rin kilala ang totoo kong magulang.

Kumalas siya at hinawakan ako sa balikat. "Salamat kina Martin at Agnes dahil pinalaki ka nilang mabuti." My adoptive parents. He mentioned my adoptive parents.

"A-Ano pong ibig niyong sabihin? K-Kayo po ang totoo kong t-tatay?" Tanong ko habang sobrang nagtatambol sa lakas ng tibok ang puso ko.

"I am.. I am your biological father." Aniya na nakapagpatulo ng luha ko. "I'm sorry, anak, it's all my fault! Kung hindi lang sana ako nakulong, sana naprotektahan kitaㅡkayo!"

Umiling-iling ako. "K-Kung kayo po ang totoo kong tatay, si Daren.."

"He's your brother, Xia.. Saka lang din nalaman ni Daren ang totoo kaya ipinaliwanag ko sa kanya ang totoo kanina."

"Kayo din po ba ang nagpangalan sakin?" Tanong ko.

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko. "Ang mama mo ang nagpangalan sayo."

"Asan po siya? Kung kayo ang totoo kong magulang, bakit niyo ko pinamigay? Bakit hindi nalang kayo ang nagpalaki sakin?" Hindi ko napigilang tanong at napaluha na rin.

Napayuko siya. "I'm sorry anak, I didn't had a choice. Ginawa ko yun para sa kaligtasan mo. Marami akong kalaban noon dahil galing akong CIA. Ayokong madamay ka kaya pinaalaga ka namin kina Martin at Agnes. Si Daren, samantala ko ring binilin sa mama ni Zares kaya naging magkaibigan sila." Paliwanag niya.

"Bakit kailangang hiwalay kami ni Daren? Pwede namang magkasama kami!"

"Iniisip ko kasi na mas ligtas ka sa kamay nina Martin at Agnes. Please, anak, sana mapatawad mo ako!"

Galit ako sa kanya pero hindi maipagkakailang mas nangingibabaw ang kasiyahan sa puso ko dahil sa wakas, nakita ko na rin ang totoo kong magulang.

"Kung ganun, asan po ang totoo kong nanay?"

"She.. died after a month she gave birth to you." Hindi ko alam pero napaluha ako. Akala ko pa naman, magiging kompleto ang magulang ko. "It was my fault. Pinatay siya ng mga naging kalaban ko."

Napatulala ako. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko na kaya. "C-Can you please leave me for a moment?" Sabi ko ng nakatitig sa baba.

"Anakㅡ"

"Please?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Umiiyak na rin ako.

Wala na siyang nagawa kaya dahan-dahan siyang naglakad papuntang pinto at lumabas. Bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kaya, kailangang mailabas ko ang nararamdaman ko.

"Kaede.." napalingon ako at mas lalo lang akong naiyak nung yakapin ako ni Keiv. "It's okay, it's okay! I'm here." Hinahagod-hagod niya ang likuran ko.

"Bakit ganun? Halo-halo ang nararamdaman ko, dapat nga m-masaya lang ako diba kasi sa wakas nakita ko na ang totoo kong t-tatay, pero bakit.. ang bigat ng p-pakiramdam ko?" Humahagulgol Kong ani.

"Maybe you're just shocked, Kaede. Listen, ilabas mo lang ang nararamdaman mo ngayon, I'm just here." Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa gumaan na ang pakiramdam ko. Kumalas siya at tiningnan ako. Inayos pa niya ang buhok ko. "Feeling better?"

Tumango lang ako at tiningnan ang nakabenda niyang sugat. "Bakit may ganito ka?" Sabi ko at hinawakan yung benda.

"Ahm, it's nothing. Nasugatan lang but I'm okay now." Aniya na para bang may tinatakpan dahil sa bilis ng pagkakasabi niya, kaya tumango nalang ako.

"Asan nga pala si Daren?" Sa kabila ng nalaman ko, hindi ko alam kung maiilang na ba ako kay Daren pag nakita ko siya. Hindi ko tuloy alam kung anong itatawag sa kanya. Sa pagkakaalam ko, 3 years ang tanda sakin ni Daren.

"Binabantayan muna si Athena dahil walang pamilya niya ang bumibisita sa kanya." Sagot niya. Magsasalita sana ako nang may pumasok.

"Oh my god, kKede, are you okay?" Medyo pasigaw na tanong ni Julie. Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Ayos na ako, salamat, Julie."

"Alam mo bang nagtataka ako kung bakit hindi na kita nakikita sa mall ko tapos nabalitaan kong andito ka kaya dali-dali akong pumunta dito!"

"Hahaha, pasensya na kung hindi ako nakapasok."

"Wag mo nang intindihin yun, ang importante magpagaling ka, okay?" Tinanguan ko siya. Parang nagmamadali ata siya. "Oh shoot! My boyfriend is waiting for me. I'm sorry I have to go but I promise, bibisitahin kita ulit."

"Wag na. Makakalabas na rin naman ako bukas."

"Good to hear that! Sige na talaga, kailangan ko nang umalis. Bye!" Tiningnan muna niya si keiv sa tabi ko at sininghalan. "Zares, take care of her!" Pagkatapos, bumalik siya ng tingin sakin. "Bye, kaede!"

"Ingat!" Sigaw ko.

Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil kay Julie. Hindi ko inaasahang pupuntahan niya ako dito.

****

Naglakad-lakad kami sa hallway habang hawak ni Keiv ang dextrose ko nang makasalubong namin ang daddy ni Daren. Ang tatay ko..

Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata niya nang tumingin siya sakin.

"It's okay. Go!" Bulong sakin ni Keiv. Kinumbinsi at pinaliwanag kasi niya sakin ang lahat kanina kaya naliwanagan ako.

Nginitian ko siya at tinanguan. "Yeah, thank you!" Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makalapit.

"I'm just nearby.." Bulong ulit niya sakin bago hinalikan ako sa sentido at umalis.

"I ahm.. I was just paying your billㅡ" hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.

"Sorry po.. sorry po kung nagalit ako sa inyo." Sabi ko. Naramdaman kong hinagod niya ang likod ko kaya napangiti ako.

"No, no! Please don't apologize. It's all my fault anak kaya natural lang na magalit ka." Kumalas ako at humawak sa kamay niya.

Maluha-luha parin ako kaya pinahid niya ang luha ko. "Masaya po ako na nakita ko na kayo, d-dad." Hindi kasi ako sanay na dad ang itawag. Papa kasi ang tawag ko sa adoptive father ko. Sinabihan lang ako kanina ni Keiv na dad kasi daw dad din ang tawag ni Daren.

Nakita kong nagulat siya. Alam kong hindi niya inaasahang tatawagin ko siyang dad.

"Mas masaya ako ngayon, anak. Salamat dahil tinanggap mo ako, sobrang saya ko!" Siya naman ngayon ang naluha. "Ngayon, magkakasama na tayo at pinapangako kong aalagaan ko kayo ni Daren. Babawi ako sa inyo." Napangiti ako at tumango.

"Dad, what are youㅡ" napatigil si Daren nang makita kami. "Kaede.."

Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

"D-Daren, I-I c-can't b-breatheㅡHoo!" Nakahinga nang malalim ng luwagan niya yun pero hindi parin siya kumalas.

"Noon sobrang gustong-gusto kong mayakap ang kapatid ko kaya iniisip ko na sana nabuhay siya pero ngayong nalaman ko ang totoo, magagawa ko na ang gusto ko noon." Niyakap ko siya pabalik. "Sobrang saya ko sa nalamang ikaw pala ang little sister ko."

"Ako din." Kumalas siya at tiningnan ako sa mata.

"Kaede, you can call me Kuya hehe.." Aniya at napatingin sa likuran ko. "Ay wag nalang pala. Baka tawagin din ako ng kuya ni Zares. Mas matanda pa naman sakin yun ng tatlong buwan!" Natawa ako sa sinabi  niya. Napalingon ako sa gilid ko ng may tumabi sakin.

"Kuya!" Asar ni Keiv kaya nalukot ang mukha ni Daren.

"Tss. Nagmumukha akong matanda sayo. Wag mo nga akong tawagin ng ganyan!" Mas lalo pang nalukot ang mukha niya. "Dad oh!" Sumbong pa niya. Tumawa lang si dad. Kailangan kong masanay.

Hinila ako ni Daren at ang dextrose saka nagpatiuna kami sa paglalakad.


Zares' Point of View

Nang magpatiuna sila Kaede at Daren sa paglalakad ay sumunod narin kami ni tito.

"Zares, maraming salamat sa lahat. Alam kong matagal akong wala rito pero nasisiguro kong hindi mo pinabayaan ang anak ko." Biglang sabi ni tito.

Napangiti ako. "Wag po kayong mag-alala, tito. Aalagaan ko pa po ang anak niyo sa hinaharap.. ahm, kung yun naman po ay gusto niyo ako para sa kanya.."

"Matagal na kitang kilala kaya alam ko na ang pag-uugali mo. Alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko kaya panatag ako na ikaw ang naging boyfriend niya."

"Maraming salamat po, tito. Mahal ko po ang anak ninyo." Sinseridad kong usal.

"I know.." nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa silid ni Kaede.

Ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng isiping problema. Sila Fuentes naman at ang mga alipores niya, habambuhay ang pagkakakulong nila dahil narin sa patong-patong na kaso ang ifi-nile sa kanila. Kaya hindi na kami mag-alala sa kaligtasan namin at sa taong mahalaga samin.



*****

A/N: Anyways, happy 28 reads! Thank you so much guys for reading! Masaya na po ako na nakaabot ng 20 reads hehe at mas magiging masaya po ako kung madagdagan pa 🤗
By the way, last chapter nalang para matapos so look forward to it!

Continue Reading

You'll Also Like

5K 67 11
This is a story about Luna lovegood's younger twin sister, she's like luna except she is very shy around people especially a certain someone. #1 Xeno...
5.2K 94 6
"She's taking pictures in the mirror. Oh my god her skin's so clear. Tell her bring that over here." IN WHICH Claire Jones transfers to the basketbal...
194M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
2.4K 79 34
MY BROTHER'S SON STORY DESCRIPTION May Isang babaeng lagi nakangiti na walang problemang dinadala Pero what if yong ngiting lagi niyo nakikita ay m...