Your Start is My Ending

By BLURRYTHINKER

2.7K 366 1.5K

Wattys 2022 and 2023 Shortlisted "'Wag muna," mahina niyang pakiusap habang nakatulala sa harapan. Nakatitig... More

Prologue
1. Not Now
2. Death and Life
3. Die Young
4. Selfish Betrayal
5. Does It Hurt to be a Human?
6. Kartigo
7. Familiar Danger
8. Second Chance Roleplay
9. Giving Up Forever
10. Hurt Me
11. Not Meant to Board
12. First Pain
13. We Die, They Cry
14. We Don't Need Destination
15. Climb of a Coward
16. Name Keeping
17. The Sun Will Rise
18. Unwelcome Guest
19. Shallow Drowning
20. Best of Friends
21. You are the Ending
22. Resting Waves
23. Dana Girly
24. Skateboard Battle
25. Mad World
26. Target Arrow
27. Idk You Yet, but I Miss You
28. Professional Scooter Rider
30. Teach Me Bunny Hop
31. Death of a Stranger
32. Grace of Memory
33. Push Cart Classroom
34. Robbed Second Chance
35. Pinky Promise Beetle
36. Arrow of Purpose
37. Might be His Girlfriend
38. No Choices, Only You
39. Dreams and Purpose
40. One-eighty
41. Daddy, What are You?
42. Forgotten Voice
43. Staying with You until Morning
44. A Kartigo's Purpose
45. Journey and Purpose
Final Chapter

29. Support: Plus One

20 6 25
By BLURRYTHINKER

Kinuha ni Sparkle ang isang papel na nakasuksok sa gate nila, binuklat iyon at binasa ang nilalaman.

"Unclaimed cat euthanization." Bumaba ang basa niya sa ilalim nito. "Whole Calina."

"Ano 'yan?" Ipinakita niya ang papel sa ina na palapit sa kaniya.

Nakasuot ito ng uniporme ng mga guro habang siya naman ay nakauniporme ng paaralang pinapasukan, green skirt na hanggang itaas ng tuhod niya at long sleeve blouse na puti.

Ngayon ang araw ng pasukan nila at kasabay niya ang ina sa pagpasok upang maihatid siya.

"Cat euthanization, kawawa naman sila." Kinuha nito ang papel sa kamay niya at binasa ito.

Tiningnan lamang niya ang magiging reaksiyon nito habang nagbabasa.

"Kulang na yata ang budget nila." Ibinalik nito sa kaniya ang papel at nilagpasan siya, dumiretso sa pagpasok sa loob ng kotse.

Sinundan niya ito at nagpaplanong magtanong tungkol sa mga pusa. "Pwede tayong mag-ampon ng pusa?"

Sinimulan nito ang pagmamaneho bago sumagot. "Hindi, walang mag-aalaga."

"Ako, aalagaan ko." Napatukod ang dalawa niyang kamay sa upuan mula sa backseat upang makita nang maigi ang mukha ng ina mula sa salaming nasa driver's seat.

Maisip niya pa lang na mamamatay ang mga pusa nang hindi ng mga ito alam ay pinapalubog na ang puso niya.

"Hindi mo 'yon maaalagaan."

Napanguso siya nang kaunti. "Si Benie na lang."

Muli niyang tiningnan ito. Sa tingin niya'y kaya namang alagaan ito ni Benedict, gustong-gusto niyang may mabuhay na pusa kahit isa man lang.

"Hindi pwede." Bumagsak ang pag-asa niya at sumanday na lang sa upuan. Binuksan ang bintana at pinanood ang tanawin doon.

Hindi na naman siya napagbigyan ng ina.



"What is philosophy?" tanong ng guro nina Sparkle para sa subject na Introduction to the Philosophy of the Human Person.

Kinakabahan si Sparkle at Andy dahil nararamdaman nilang masungit ito. Nakasuot ng salamin na makapal at parihaba ang disenyo, nakalugay ang abot-balikat nitong buhok, hindi katangkaran ngunit nakararamdam sila ng otoridad sa pagsasalita at pagkilos nito.

Nagtaas ng kamay ang presidente ng klase nila na si Donny. "Okay."

Confident itong tumayo. Grade eleven pa lang ay alam na nilang malakas ang loob nito sa lahat ng bagay, hindi katulad niya.

Maganda at mahaba ang naging sago nito. Iniisip niyang kung siya siguro ang sumagot, isang sentence lang ay okay na.

"Okay, thank you for your answer." Tinanguan ng kanilang guro si Donny at pinaupo ito.

Inilibot naman ng kanilang guro ang paningin sa iba pang estudyante. Mayroong mga iniiwasan ang tingin nito upang hindi matawag. Tikom at tahimik ang bibig nilang lahat. Parang nasa gyera sila at nakahanda ang mga katawan sa kapahamakang darating.

"You." Inilahad nito ang kamay sa tapat ni Riza. Kinakabahan at dahan-dahan itong tumayo habang pinipigilan ng mga kaibigan nito ang pagtawa. "Do you agree about Mr. Donny's answer?"

"Y-yes, Ma'am." Humawak ito nang mahigpit sa kamay upang mabawasan ang kaba.

"Okay." Agad din nitong pinaupo si Ria at muling inlibot ang paningin sa buong klase.

Nakahinga nang maluwag si Riza nang matanggal na ang atensyon ng guro sa kaniya. Akala niya'y napakahirap ng itatanong sa kaniya at kailangan niyang halukayin ang utak niya.

"What do you think is the difference between knowledge and wisdom?"

Agad na gumana ang utak ni Sparkle at pilit na inisip ang pagkakaiba nito. Ngunit dahil sa bilis ng kalabog ng puso ay tila hindi niya naririnig ang sariling isip. Ito ang ayaw na ayaw niya kapag pinangungunahan siya ng takot, nababalangko siya.

"Ano'ng pinagbubulungan n'yo?" Mabilis na napalingon si Sparkle sa harapan kung saan ito nakatingin.

Magkasalubong ang kilay nitong nakatingin kay Katrina at Yannah na magkatabi sa unang row ng mga upuan, samantalang sila ni Emie at Andy ay nasa pangatlong row.

"Stand up."

Agad na tumayo ang dalawa, hindi nila makita ang reaksiyon ng mga ito at likod lamang ang nasisilayan nila. Hindi rin maiwasan ni Sparkle na makaramdam ng takot para sa dalawang kaibigan, tila napakabagal ng oras para sa kaniya.

"Anong pinagbubulungan n'yo?" pag-uulit nito ng tanong.

Nagtinginan pa muna si Katrina at Yannah bago nagsalita. "Si Kat po, tinatanong niya po kung ano po pagkakaiba ng knowledge at wisdom," mahina nitong sagot.

"Ikaw, sa tingin mo, anong pagkakaiba ng knowledge at wisdom?" tanong nito kay Yannah. Hindi naman kinakabahan si Sparkle sa kaibigan dahil alam niyang kayang-kaya nitong sagutin ang tanong na iyon.

"'Yong knowledge po ay kung ano ang natutunan po ng isang tao, kumbaga pure information a person learned, 'yong wisdom naman po ay may involved na pong experience."

"Okay, stay standing." Nang tumalikod ang guro ay tinawanan nila ang isa't isa nang tahimik.



"Unang subject tapos napagalitan agad kami. Gandang salubong para sa school year na 'to," reklamo ni Katrina, kasabay ang halakhakan ng mga kaibigan.

Lunch na nila at nasa loob sila ng canteen, nakaupo sa kaniya-kaniyang upuan sa gilid ng lamesa. Nagpapahinga mula sa katatapos lamang nilang klase.

"Syempre, sinagot mo na raw kasi si Dean," hirit ni Emie na nakapagpainit ng pisngi ni Katrina.

"Siraulo." Pinipigilan niya ang pagngiti samantalang natatawa naman sa tabi niya si Dean. Patuloy pa rin ang pagtawa ni Emie bilang pang-aasar sa kaibigan. "'Wag ka ngang tumawa," baling ni Katrina kay Dean sabay hampas nang mahina sa tiyan nito.

"Ay, hinahawakan 'yong abs," malakas na saad ni Emie kaya't napahagalpak na sila ng tawa.

Agad na tinakpan ni Sparkle ang bibig at tumingin sa paligid. Ang mga mata ng ibang estudyante ay naililipat na sa kanila. "H-hoy, 'wag kayong masyadong maingay," paninita niya habang patuloy sa pagtawa.

"Yieh, porke may nanliligaw lang sa 'yo na gwapong may hepa 'yong mata," muling pang-aasar sa kaniya ni Emie. Hindi nila alam na may ilalakas pa pala ang tawa nila nang sabihin ni Emie ang mga salitang iyon.

Napahawak si Sparkle sa sariling tiyan at idinukdok ang mukha sa bag na nasa ibabaw ng lamesa, halos mamatay na sa kakatawa dahil sa sinabi nito. Naririnig niya rin ang pagtawa ng mga kasamahan kasabay niya.

Inubos niya ang hagikgik sa kaniyang bag at nang maramdamang nawawala na ito ay itinaas na nitong muli ang ulo habang pinupunasan ang luha.

"Anong hepa! Ang ganda kaya ng mata ni Benie!" bahagyang nakangusong ani niya sa kaibigan.

Nanlaki ang mga mata nito. "Oo, joke lang. Niloloko lang kita syempre. Alam mo namang crush ko 'yon."

"Hindi ka naman magiging crush," banat sa kaniya ni Yannah na inirapan lang nito.

"Sus, Yannah, porke my jowa ka lang ngayon." Napatigil naman si Yannah sa pagsasalita at nanahimik. Siya naman ngayon ang aasarin ng kaibigan.

"Uy, sumali ka pala sa kick scooter training?" Mula sa panonood ni Sparkle sa pag-aasaran ng dalawang magkaibigan ay nilingon niya si Andy na nasa kaniyang tabi.

"Pa'no mo nalaman?" Ayaw niya sanang malaman ng kahit na sino sa mga kaibigan niya ang tungkol dito. Ang tanging rason lamang na alam niya ay nahihiya siya. Hindi alam ng mga ito na isa sa mga hobby niya ay scooter riding.

"Sa post nila, nakita ko pangalan mo." Tipid siyang napangiti at hindi na sumagot, ayaw niyang mas lumalim ang pag-uusap nila tungkol dito.

"Gusto mo palang maging professional scooter rider?" tanong ni Emie sa kaniya.

Itinaas niya ang ilong at isiningkit ang mata sa kaibigan at hindi sumagot. Hindi rin naman niya alam kung gusto niya nga ba.

"Support ka namin." Gulat siyang napatingin kay Andy, unti-unting gumagaan ang loob dahil sa sinabi nito.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
27.4M 699K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
44.7K 2K 45
(FORMERLY "MY STAR WARS GIRL") Loner, tahimik, at weird. Mahilig din siya sa Star Wars. Di ko lubos akalain na mababago pala ang pagkakakilala ko sa...
5K 314 57
Meet Rayden De Villa the rich boy , handsome , model and famous on campus who will fall in love with a female fighter Aleera Forteza. Let's watch the...