The Psychiatrist's Insanity

By thatpaintedmind

790K 12.6K 5K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of s... More

Teaser
Kabanata I
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII

Kabanata II

56.4K 821 289
By thatpaintedmind

HUMUGOT ako ng malalim na hininga nang sa wakas ay maisalansan ko na ang aking panghuling damit. Ininat ko ang aking likod para maibsan ang pagkangawit. Inabala ko muna kasi ang sarili sa pag-ayos ng aking closet. I like to get things done immediately.

Tumingin ako sa suot na relo. Alas tres na ng hapon. Napatingin ako sa bintana. Ang ganda ng sikat ng araw, hindi masyadong mainit.

Tumayo ako para mas makita ang kaganapan sa labas ng bintana. Mula rito ay natatanaw ang kalsada sa harap ng gusali, ibig sabihin ay natatanaw din mula rito ang katabing unibersidad.

Sa tapat ng gusaling 'to ay naglapana ang mga fast food restaurants, maging mga drugstores ay marami, hindi rin kalayuan dito ang palengke at iba pang grocery stores. Gitnang-gitna talaga ng lungsod.

I mean, Olongapo is also a city, pero doon, sa residence area kami nakatira. Ngayon ay sa gitna ako ng commercial area, kaya naman talagang nakakapanibago. Siguro ay mas magandang sanayin ko muna ang sarili sa bagong kapaligiran. After all, that's the reason why I moved here so early.

I changed my outfit to a more appropriate one. Mag-iikot na muna ako sa buong area.

Lumabas na ako ng kwarto, hahanapin ko pa lang si ate Edith para magpaalam pero kaagad ko rin naman siyang nakasalubong sa labas.

"Iha, ito nga pala ang spare key ng pinto." Nakangiti niyang inabot sa akin ang susi.

Ngayon ko pa lang siya mas natitigan. I think she's in her 40s. Kulot ang buhok niya, at may pagkakulubot na rin ang balat. Her vibe is very motherly.

Nakangiti ko rin namang inabot ang susi. Napatitig pa ako ro'n nang makitang may kasama iyong keychain. Napakurap ako. It's a small wooden keychain shaped into a... penis?

"Madaming ganyang souvenirs dito. Kung hindi ka sanay sa maliliit ay may malalaki rin naman." Kaswal niyang wika habang nangingiti.

"Okay lang po, ayos na po sa akin itong maliit." Aanhin ko naman kasi 'yong malaki?

"Naku naku, huwag gano'n. Hindi dapat tayo nagse-settle! Tignan mo ako matanda na wala pa ring asawa. Hirap kasing makahanap ng malaki."

"Po?" Natanga ako sa kanyang sagot.

"Malaki ang takot sa Diyos," paglilinaw niya.

"Ahh," Napatango-tango naman ako. Relihiyoso pala ang nais niya.

She proceeded on reminding me about the rules of this dorm. I can say it's manageable. Pets, distractible noises, and boys are all not allowed inside. May curfew din na 12:00am.

I listed everything in my head. Tingin ko ay hindi ko naman malalabag ang mga 'yon.

Nang matapos ay dumiretso na ako palabas ng gusali. Maraming sasakyan ang humaharurot, malimit din ang mga jeep at taxi. Panigurado ay palaging trapiko dito tuwing rush hour. Buti na lang ay hindi ko na kailangang magcommute para pumasok ng unibersidad, para kumain, at maging para bumili ng pangangailangan. Tabi-tabi lang naman kasi. Hindi nga kalayuan dito ay maaabot mo na ang Burnham Park. Doon ako patungo ngayon.

Dinadama ko ang lamig ng paligid habang naglalakad. Hindi pa ganoon karamihan ang tao ngayon. Pero aasahan ko nang pagdating ng pasukan ay dadami rin ang mga nagsisilipana rito. Kailangan ko na yatang ihanda ang sarili para ro'n. I'm not used with big crowds.

Pagkarating ko sa Burnham ay naglibot-libot na muna ako. Surprisingly, hindi rin ganoon karami ang tao rito. I was expecting loads of tourists, but I guess seasonal din talaga ang pagdagsa ng mga turista rito.

Naglakad-lakad ako sa madamong field habang tinatanaw ang mga bangkang Swan sa lawa. Nakaabot din ako sa parteng puno ng mga batang nagbibisekleta. Nakakatuwa ang iba't-ibang klase ng bike, may pang-isahan, dalawahan, maging tatluhan.

Parang gusto ko rin tuloy iyong masubukan.

"Miss! Tabi!"

Napalingon ako sa lalakeng sumigaw. Awtomatikong namilog ang mga mata ko nang makitang may bike na rumaraga papalapit sa direksyon ko! Sasalpok na iyon sa akin!

Sa gulat ay hindi ako nakagalaw. Masyado ring mabilis ang pangyayari para makapagreak ako.

Handa na akong mabalian ng buto pero sa gulat ko ay iniwas niya ang bike sa akin dahilan para matumba siya sa damuhan!

Do'n ako nakabawi sa pagkagulat. Kaagad kong dinaluhan ang lalake. He was reaching for his glasses that dropped from the impact.

"Hala, sorry!" Ako na ang nag-abot no'n sa kanya. Agad niya naman iyong sinuot.

"Okay lang, kasalanan ko rin. Kailangan ko na yatang i-update itong salamin ko." Napakamot siya sa batok. His dimple appeared with his smile.

"Ako kaya ang nakaharang sa daan, kasalanan ko." I insist.

Totoo naman, sa pagmamasid ko sa paligid ay hindi ko na namalayang nasa daan na ako ng mga nagbibisikleta.

"Okay ka lang ba? May masakit?"

"Nah, I'm fine," tanggi niya. Gayunpaman ay tinulungan ko pa rin siyang makatayo. Pero gaya ng sabi niya, mukhang ayos lang naman siya. Mabuti na lang.

"Sorry talaga," nahihiyang hingi ko ng tawad habang pinapagpag niya ang damit.

He's wearing a white shirt, topped with checkered long-sleeves polo na hindi naman nakabutones. Pinagpag niya rin ang sumabit na lupa sa suot na jeans.

"I can manage, malayo naman sa bituka." Tinayo niya na rin ang natumbang bike. "Ingat ka na lang next time, baka sa susunod hindi na lang bike ang makabangga sa 'yo." Aniya pagkatapos sumampa sa bike.

Napakamot ako sa noo. "Yea, salamat,"

Nginitian niya ako bago pinaandar ang bike paalis. Napabuntong-hininga na lamang ako habang tinatanaw ang paglayo nito.

Unang araw na unang araw sa Baguio ay muntik na agad akong maaksidente. Is this a sign?

Umiling ako para mawala ang ideyang 'yon sa utak ko. Huwag naman sana.

MAG-AALAS sais na nang makabalik ako ng dorm. Tahimik pa rin sa loob, ako pa lamang ang tao.

Well, iyon ang akala ko. Kaya gano'n na lang ang pagkagulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay may dalawang taong bumungad sa akin.

Napatigil ako sa bungad ng pinto, maging sila ay natigil sa kanilang ginagawa.

"Uy, hi roommate #2!" Ang unang nakabawi ay ang babaeng nag-oorganize ng kanyang closet. Malawak siyang ngumiti sa akin.

Ako naman ay napakurap. Akala ko ay sa susunod na linggo pa darating ang roommates ko?

"Pasensya na, nasurpresa ka yata namin. Ako nga pala si Bridgette, Bree na lang for short!" Lumapit siya sa akin para kamayan ako.

Kaagad ko namang inayos ang sarili ko.

"Uh, Fayven. Fayven Leone." Tinanggap ko ang kamay niya.

Sinuklian ko ang malawak niyang ngiti. She looks optimistic, the total opposite of me who's very pessimistic.

"Freshman?" She asked. I just nodded. "Anong course mo?"

"BS Psychology, ikaw ba?"

"Nursing, siya naman architecture." Turo niya sa isa naming kasamang nakaupo sa itaas ng double-deck na kama habang naglalaptop.

Maligalig naman ako nitong kinawayan. "Hi! Annika nga pala."

Habang patuloy kami sa pagkilala sa isa't isa ay naupo muna ako sa aking kama, si Bree naman ay nagpatuloy sa pagligpit ng kanyang damitan.

"Bakit dito ka sa Baguio nagdesisyong mag-aral?" Usisa niya.

"Malamig," tipid kong sagot.

Hindi siya makapaniwalang napalingon sa akin. Napatigil pa siya sa ginagawa.

"Seriously? Malamig?" She sounded like I offended her with my answer.

Nagkibit-balikat na lamang ako. I don't want to go in details with my true answer. Dadami pa ang kanyang tanong.

Napailing na lamang siya bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"I can't believe that I moved here because our university happens to be the top performing school in nursing, while your only reason is because malamig."

Nagkibit-balikat lang muli ako bago humilata sa kama. "We exist,"

"Ako nga pinili ang Baguio kasi perfect for sexcapades."

Parehas kaming napalingon kay Annika. Patuloy lang naman ito sa pagdutdot sa kanyang laptop. Laglag na talaga ang panga ni Bree, habang ako ay napailing na lang.

"Sexcapades? Really?" Bree sounded more offended now.

"Why? Don't tell me your one and only purpose here is to study?" Sumulyap si Annika kay Bree, mapang-asar itong nakangisi sa huli. "Come on girl, don't miss the opportunity. Sayang ang malamig na klima kung hindi ka magpapaalab. Kapag wala kang kahit kaunting distraction sa buhay, baka imbis na matapos mo ang pag-aaral, eh pag-aaral ang tumapos sa 'yo."

"You're insane," naiiling na lang na sagot ni Bree bago bumalik sa ginagawa.

"Bakit? Tama naman ako, diba Fayven? Sex is part of Maslow's hierarchy of needs?" She looked at me for approval.

Mahina lang akong tumawa. Napuno naman ng disbelief ang kanyang mukha.

"Don't tell me, wala ka ring balak magpatira?"

"Magpatira sa tren, pwede pa." Sagot ko.

Sabay silang napalingon sa akin, parehas nakaawang ang labi.

Natikom ko naman ang bibig. Remind me not to make a suicidal joke in front of mentally stable people. They don't get my humor.

"It's a joke," agad kong bawi. Sabay naman silang nakahinga nang maluwag.

"Akala ko naman," bulong ni Bree bago bumalik sa ginagawa. Napailing lang naman si Annika bago binalik ang tingin sa kanyang laptop.

"So, Fayven... Why did you take psychology?"

Napahinga ako nang malalim. Mukhang natanong na nila 'yon sa isa't-isa kaya ako naman ngayon ang inuusisa nila.

"Wala lang, mukhang masaya."

Muli na namang napalingon sa akin si Bree. Pinigilan ko ang matawa sa reaksyon niya.

"Seriously? Wala ka bang plano sa buhay mo?"

"Wala nga akong plano mabuhay, eh."

Sabay na naman silang napalingon sa akin kaya inunahan ko na. "Joke lang uli."

"Jokes are half meant," giit ni Bree.

"Then take the other half." Sagot ko.

Napabuga na lang siya ng hangin. Napangisi naman ako.

"Kidding aside, I took psychology because I've always wanted to understand the people around me." Sagot ko, para naman kahit papaano ay hindi nila isiping wala akong patutunguhan sa buhay.

May rason naman talaga kung bakit sikolohiya ang pinili ko. Maliban sa gusto kong maintindihan ang mga taong nakapaligid sa akin, gusto ko ring magawang intindihin ang sarili ko. I also want to work in the field of clinical psychology, be a registered psychologist someday. That if I manage to survive few more years of my life.

"Fair enough," ani Bree. Mukhang ngayon lang siya na-satisfy sa sagot ko.

"Ikaw, bakit nursing?" It was my turn to ask.

Hindi siya agad nakasagot, patuloy lamang siya sa pagsalansan ng damit. Inabot ng ilang segundo bago siya sumagot.

"Parent's choice," kalaunan ay sagot niya habang patuloy pa rin sa pagsalansan ng mga damit. "I wanted to take Fine Arts. Pero sabi nila hindi 'yon practical. Wala raw ang pera do'n."

Natahimik ako. Mahirap man tanggapin pero marami ngang anak ang katulad ni Bree, walang choice kundi sundin ang nais ng mga magulang.

"Nakasalalay ang magiging trabaho at kasiyahan mo sa kurso mo, sigurado ka bang kukunin mo ang kursong hindi mo naman gusto?" Kunot-noong pahayag ni Annika.

Napabuntong-hininga si Bree. "Kung may choice lang naman ako, susundin ko kung ano ang gusto ko."

Hindi na kami nakapagsalita pagkatapos no'n. Ano nga bang tamang sabihin sa ganitong sitwasyon? Baka imbis na makatulong, ay mas mapalala pa namin ang sitwasyon.

"Isa pa naman sa pinakamahirap na trabaho ang paging nurse." Wika ni Annika.

"Lahat naman mahirap. Ano bang trabaho ang hindi kailangan ng tyaga at talino diba?"

"Prostitute," mabilis na sagot ni Annika.  Muling napasimangot si Bree. "Bakit? Second choice ko kaya ang pagiging prosti. Atleast may plan B ako, pustahan si Fayven wala." Pang-aasar ni Annika.

Ako naman ang napasimangot.

Plan B ko ang mamatay. Pero siyempre hindi ko na sinabi 'yon.

"Hay nako! Huwag na muna nating aalalahanin 'yan! Hindi pa naman simula ng klase." Tinabi ni Annika ang kanyang laptop bago lumundag pababa ng double-deck. "Mamaya mo na ituloy ang pagliligpit. Tara sa night market!"

Inalis niya ang mga hawak na damit ni Bree. "Night market?"

"Oo, sa Harrison! Kain tayo dinner then diretso na tayo ro'n."

Ako naman ang sunod niyang pinuntahan para hilahin mula sa pagkakahilata. I groaned in protest.

"I hate big croooowds."

"Nye, nye, I didn't ask! Tara na!"

Wala na akong nagawa nang silang dalawa na ang humila sa akin.

God have mercy on me. I am surrounded with extroverts and I don't think my introvert self would be able to handle this.

Baka mas tumaas ang kagustuhan kong mamatay ng dahil sa dalawang 'to.







-

A/N: Updates will be weekly. But since I was already able to create quite a lot of drafts, I decided to publish this. Stay safe, loves.

Continue Reading

You'll Also Like

850K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...