I Love You, Paolo! (Complete)...

By haydenagenda

289K 8.9K 608

Makapangyarihan ang pag-ibig. Wala itong pinipili. Ika nga, "O pag-ibig! Pag pumasok sa puso ninuman. Hahama... More

I Love You Paolo! (boyxboy)
Chapter 2 - The First Encounter
Chapter 3 - Beer Talk
Chapter 4 - Indecent Proposals
Chapter 5 - Respect
Chapter 6 - The Past and the Furious
Chapter 7 - The Trap
Author's Page
Chapter 8 - The Start
Chapter 9 - Second Chance
Chapter 10 - Goodbye Hello
Chapter 11 - Heart Attack
Chapter 12 - Hidden Feelings
Chapter 13 - The Hurt
Chapter 14 - Room No. 8
Author's Page
Chapter 15 - Paolo Is Everywhere
Chapter 16 - A Small World
Chapter 17 - Second Encounter
Chapter 18A - Jamoment
Chapter 18B - Steamy Nights
Chapter 19 - Guys
Chapter 20 - Jamoments Like This
Chapter 21 - Wrong Side of the Bed
Chapter 22 - Second Chances
Chapter 23 - The Truth
Author's Page
Chapter 24 - The First Night
Chapter 25 - Worst Jamoment
Chapter 26 - Can't Let Go
Chapter 27 - Hello My Lover
Chapter 28 - Lover's Night
Chapter 29 - Officially Taken
Chapter 30 - Frienemies
Chapter 31 - Violent Reaction
Chapter 32 - Hold Me
Chapter 33 - Lover's Trial
Special Page from the Author
Chapter 34 - Lover's Trial 2
Chapter 35 - Naughty Night
Chapter 36 - Old Feelings
Chapter 37
Chapter 38 - It's Love
Chapter 39 - Pictures
Chapter 40 - Love Will Keep Us Alive
Chapter 41 - Let's Make A Night To Remember
Chapter 42 - Lover's Moon
Chapter 43 - A Moment Like This
Chapter 44 - Cheating Boyfriend
Author's Page
Chapter 45 - Friendship Over?
Chapter 46 - Cases
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Author's page
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54 - A Great Escape
Chapter 54
Chapter 56 - Freed
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Author's Page
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
**Epilogue**
**Author**

Chapter 55 - Decisions

2.5K 76 1
By haydenagenda

Paolo's POV

I never thought that my cousin Xander will do things to ruin me and JM. Hindi naman siguro dahil may gusto siya kay JM. May ibang dahilan pa siguro. Alam kong ako ang dahilan bakit niya kami ginugulo. Sa di ko maipaliwanag na dahilan, naghahanap ako ng rason bakit kailangang gawin niya ito sa akin. Naging mabait naman ang pamilya ko sa pamilya niya.

Naalala ko pa nga nung down na down ang family nila, tanging si Mommy at Daddy lamg ang tumulong sa kanila. Kaya alam kong wala siyang dahilan para magalit sa akin o sa pamilya ko.

Siguro may iba siyang rason para guluhin kami ni JM. But with the help of Jamo, malalaman namin ang takbo ng utak ni Xander.

Naging kaibigan ko si Jamo hindi dahil nag confess siya sa akin sa panggugulo ni Xander kundi, siya mismo ang humingi ng tawad sa nagawa niya. Hindi ako makapangyarihang tao para hindi magpatawad. At dahil kaibigan pa din siya ni JM, he deserve my trust for friendship.

Nag-inuman kami that night. Hanggang sa mabanggit niya ang mga pinaplano ni Xander laban sa amin ni JM. Sa relasyon namin.

"Pare, malalim yata ang iniisip mo diyan. Care to share?" Nginitian ko lang si JM sabay kinabig palapit sa akin. Nagkalapit tuloy ang mukha namin at nagkadikit ang mga katawan namin. Naamoy ko ang bango ng gamit niyang sabon at shampoo na nagbibigay sa akin ng kakaibang init.

"Marami nga akong iniisip Pare." Maya maya'y tugon ko habang nagkasalubong ang mga tingin. "Isa na dun kung paano natin sisimulan ang gabing ito. Ang maangkin ka ulit." Sabay pilyong ngiti ang pinakawalan ko.

Pinisil niya ang ilong ko.

"Sira! Hindi dapat pinag-iisipan yun. Go with the flow lang." Sagot niya naman.

Kaya sinimulan ko siyang ikulong sa mga bisig ko at sabay siniil ko ang teasing niyang lips.

God! This mas has the sexiest lips! Sa isip isip ko.

Ang banayad naming halik ay unti-unting binabalot ng init na dulot ng pagpapalitan namin ng laway.

"Huwag tayo dito Pare!" Biglang sabi ko at sabay hinawakan ko ang mga kamay niya at giniya siya pabalik ng kwarto.

"Oops! Gising pa ako!" Sabay pa kaming nagulat nang magsalita si Mama. Nakasalubong namin ito paakyat ng hagdan habang papasok kami ng kwarto.

"Ma, bakit gising pa kayo?" Si JM.

"Di ako makatulog. Sabayan niyo nga ako sa terasa. Gusto ko munang magpahangin." Tuloy tuloy na itong lumabas sa terasa. Nagkatinginan na lang kami ni JM.

"Jessie Mari.." Si Mama.

"Mama, di ba sabi ko kahit JM na lang. Kelangan ba talagang buong pangalan ang itawag mo sa akin? Alam mo namang naiilang ako sa ganyan."

Magkatabi kami ni JM at kaharap si Mama na tila basa ko na may bumabagabag sa isipan niya.

"Huwag kang makulit. Eh sa gusto kong tawagin kita sa buong pangalan mo." Kontrapelo naman ni Mama.

Narinig kong bumuntong-hininga na lang si JM at tumingin sa akin.

Magkahawak kamay kaming nakaharap kay Mama. Hanggang ngayon may awkward feeling ako pag tinatawag ko siya na Mama. Hindi na kasi ako nasanay.

"Ang swerte niyong dalawa. Di kayo natitibag sa mga dumadating sa buhay niyo bilang magkarelasyon."

"Siyempre Ma, pag mahal mo ang isang tao, kung kailangang lumaban, dapat lumaban! Di ba Pare?" Tinanguan ko lang si JM bilang pagsang-ayon ko.

"Kawawa naman ang batang yun." Sambiy niya.

"Sino?" Sabay pa kaming nagtanong ni JM.

"Si James." Tugon niya.

"H-ha? Bakit naman Ma?" Urirat ni JM sa ina na salubong pa ang kilay.

Hindi ko na kailangang marinig yun dahil alam ko ang ibig sabihin ni Mama. Mga bagay na kami pa lang ang nag-uusap ni Jamo. Hindi pwedeng malaman ni JM muna.

"Ma, hayaan na muna natin si Jamo. Alam niya naman siguro ang consequences ng actions niya saka matanda na yun." Pagputol ko sa topic. Ayoko kasing baka may nasabi si Jamo kay Mama at mabulalas niya din kay JM. Ayokong mapag-isip si JM kay Jamo.

Kami na lang ni Jamo ang nagkakaintindihan sa mga bagay-bagay.

"Mas mainam ngang hayaan na lang muna natin siya." Pagsang-ayon naman ni Mama.

"Ang daya naman. Bakit ayaw niyong sabihin Mama? Ikaw Pare?" Bumaling ang tingin niya sa akin. "May alam ka din ba?"

"W-wala ha. Siyempre hindi ko alam ang nangyayari sa kanya pero instinct na lang." Pagsisinungaling ko.

"Ahhh." Tanging naging tugon ni JM.

"Anak, mag-iingat kayong palagi lalo na ikaw JM ha! Ang daming nagkalat na masasamang tao sa paligid kaya kailangan ingatan mo ang sarili mo. At ikaw din, Paolo! Huwag na huwag kayong maging kampante sa mga bagay bagay ha. Maging alerto kayo!" Pagbabala ni Mama sa amin.

"Opo Ma. Kaya nga plano ko na huminto muna sa pag-aaral para mahatid sundo ko ng maayos si JM." Inakbayan ko si JM pero kita ang pagkagulat niya sa sinabi ko.

"Teka. Sinong nagsabi na hihinto? Kelan mo pa na plano yang paghinto? Bakit di mo sinabi sa akin?" May halong galit sa boses niya.

Minabuti kong magpakalmante dahil alam kong ikagagalit niya talaga ito. Ayaw niyang huminto ako sa pag-aaral dahil kailangan ko ito.

"Par, isang taon lang naman. Marami lang akong aasikasuhin na mga bagay. Di ako makaka focus sa pag-aaral. Saka, ayokong mag resign ka bilang guro dahil sa akin. Mas mabuting ipagpatuloy mo ang propesyon mo. Alam mo naman ang sitwasyon natin sa university di ba? Ayokong malagay ka sa alanganin kaya nagdecide ako na huminto na muna pagka-sembreak." Pagpapaliwanag ko.

Akala ko naintindihan niya agad ang eksplenasyon ko pero bigla siyang tumayo at tumungo sa kuwarto.

"JM..." Tawag ko pa pero hindi na ito lumingon.

"Hayaan mo na muna Paolo. Maiintindihan niya din ang rason mo pagdating ng takdang oras." Si Mama.

"Alam ko namang ikagalit niya talaga pag sinabi ko ito sa kanya Mama. Kaya nga gusto ko sanang sabihin sa kanya ang plano pagka sembreak. Pero sa nangyayari ngayon, gusto kong pagtuunan ng pansin ang problema ko. Alam kong madadamay siya sa mga nangyayari kaya gusto kong maging alerto at bantay sarado sa kanya." Tumayo si Mama sa kinauupuan at tumabi sa akin. Tinapik tapik niya ang likuran ko.

"Anak, wag masyadong mag-isip ng problema mo. Alam kong mahirap din ang pinagdadaanan mo ngayon pero hindi sapat na pagtuunan mo lang yun ng pansin. Mas maganda pa din na i-balanse mo ang lahat at huwag puro problema. Kung laging problema ang nasa isip mo, hindi ka lulubayan ng mga iyon." Huminto muna si Mama sa pagsasalita at napatingin sa kalawakan. "Gaya ng sinabi ko sa'yo, magaling ang attorney mo. Kahit hindi ka na kumilos, alam niya ang gagawin niya. May tiwala ako dun."

"Salamat Ma. Salamat!"

"Huwag mong banggitin yan. Di ka na din iba sa akin. Sa amin. Pamilya ka na din. Ang pamilya nagtutulungan. Nagbibigayan ng payo. Nagmamahalan. At higit sa lahat, nagkakaunawaan sa lahat ng bagay."

Tama ang sabi ni Mama. Ang pamilya, kahit di ko man naramdaman dati sa totoong pamilya, ang sandigan ng bawat isa.

Napayakap ako sa kanya sabay sambit ng pasasalamat.

"O siya! Sundan mo na yun. Matutulog na din ako. Gigising pa ako ng maaga bukas para bumiyahe pabalik ng probinsiya."

"Sige Ma. Kakausapin ko lang din si JM tungkol sa plano ko. Saka, kami na din ang maghahatid sa'yo bukas sa terminal, okay?" Humalik ako sa pisngi niya bago ko pa siya pinagbuksan ng pintuan ng kwarto niya.

"Ipaintindi mo ng mabuti anak ha! Minsan may pagkamakitid at makasarili yang si Jessie Mari." Natawa pa ako sa pagbanggit niya ulitng buong pangalan ni JM.

Nang nakapagsarado ng pinto ay tumungo muna ako sa kusina at naghain ng ice cream. Alam kong makakausap ko si JM pag may kaharap na ice cream.

Pumanhik ako sa kwarto at nakita kong nakatagilid siya pakaliwa na nakahiga.

I heaved a sigh. Hindi ko kasi alam paano ko sisimulan ito.

"Pare..." Hindi siya kumibo. "Pare may dala akong ice cream!" Pang eenganyo ko sa kanya pero hindi pa din siya kumibo.

Umupo ako sa side ko ng kama.

"Pare... Pakinggan mo naman muna ako oh!" Sa malumanay kong boses. Ayoko kasing sabayan ang galit niya.

"Matutulog na ako. Saka na kita kakausapin pag di mo na itutuloy ang balak mo." Ang narinig kong sabi niya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Pare.. Ang sa akin lang naman.." Bigla siyang bumalikwas sa pagkakahiga.

"Ano? Tinatamad ka ng mag-aral? Dahil ayaw mong mag-aral? Napag-isip isip mong walang kwenta amg mag-aral? Ano?" Singhal niya.

"Hindi Pare..."

"Kaya nga sabihin mo! Give me a valid reason bakit binabalak mong huminto? Akala ko ba kailangan mo 'to? Akala ko ba ito lang ang dahilan para maangkin mo ang kayamanan ng mga magulang mo!?"

"Oo! This is the only way for me to inherit their riches. Pero wala na sa akin yun. Ayokong isipin na dahil sa kayamanang yun, may maaring mabuwis ang buhay. May maaring mamatay. Ang gulo! Hindi mo alam ang mga nangyayari dahil hindi ko sinasabi sayo. Pero maniwala ka. Para 'to sa security nating dalawa. Nanganganib ang buhay nating dalawa JM. Hindi mo alam yun. Pero ngayon sinabi ko na! Pwede na bang valid reason yun para tanggapin mo ang plano ko?"

He was stunned sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata niya sa rebelasyon ko. Alam kong it's too early para sabihin sa kanya amg lahat. But I need to para maipagpatuloy ko ang mga plano ko.

"It's for our safety! Ang tanga ko nga dahil pinilit kong di ka masama sa gulong ito. Pero hearing the plans sa mga di ko kilalang kumakalaban sa akin, part ka ng paghihigantihan nila. Sana maintindihan mong gusto kitang pangalagaan dahil mahal kita. Mahal na mahal kita at ayokong mapahamak ka dahil sa akin. Ayokong madamay ka sa problemang hindi ka naman talaga dapat kasama."

I can see him starting to cry kaya nabahala ako. Nilapitan ko siya para amuin.

"Tahan na. Sorry na kung hindi ko agad nasabi sa'yo dahil alam kong magagalit ka. Pero nandito na 'to. Kailangan kong mapangalagaan ikaw, si Mama.."

"S-si Mama? Ba-bakit nadamay si Mama?"

"Shhhhh. Naninigurado lang ako na hindi madadamay si Mama dahil alam kong parte mg pamilya mo ay kalaban na din ng mga kalaban ko. Ni hindi ko pa alam kong sino talaga ang kalaban ko pero may kutob ako kung sino. Kailangan ko lang ng matibay na ebidensiya bago ko siya masampahan ng kaso. Kailangan ko itong gawin." I kissed his forehead. "Promise, magpapatuloy ako sa pag-aaral once naayos ito, okay?" Hinalikan ko siya sa labi niya pero smack lang.

"Stop crying mg Baby Pare. Please..." Pakiusap ko pa sa kanya. "Naiiyak din ako pag nakikita kang umiiyak." At bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Sa gabing ito, sigurado na ako sa plano kong huminto sa pag-aaral pagka-sembreak. Hindi na importante sa akin ang kayamanan. Kailangan kong maprotektahan ang mga taong mahal ko. Kailangan kong maprotektahan si JM, si Mama.

Ang bago kong pamilya.

===
Itutuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

127K 2.8K 10
May mga taong mahilig magpatawa, mahilig magbiro, mahilig sa kulitan.. Kadalasan sila yung mga taong tine-take for granted. Ina-underestimate. Pero d...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
9.7K 1K 17
"Jack, even we're not in the titanic, hold my hands and never let go." ⋇⋆✦⋆⋇  Lumaking magkasama sina Topher at Jack. Hin...
402K 16.5K 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi...