He's My Cousin!

By bittenapple

309K 5.4K 1K

Aya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. W... More

HE'S MY COUSIN!
[Ch.1] Reunion
[Ch.2] His Room
[Ch.3] Just One Smile
[Ch.4] Friends
[Ch.5] Kuya
[Ch.6] Brownies at Pandesal
[Ch.7] Saturday
[Ch.8] Coffee Shop
[Ch.9] Best Friend
[Ch.10] Paolo and Abby
[Ch.11] I Will.
[Ch.12] Promenade
[Ch.13] Magician's Tale
[Ch.14] Questions
[Ch.15] Obscured Hearts
[Ch.16] When jealousy strikes.
[Ch.17] Happy Birthday.
[Ch.18] One month.
[Ch.19] Separate Lives
[Ch.20] He's back!
[Ch.21] He's back, too!
[Ch.22] Mended Gap
[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part I)
[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part II)
[Ch.24] Finally Forbidden
[Ch.25] 'Til My Last Breath
[Ch.26] Avoided Schism
[Ch.27] Blessing
[SS.1] What Happened in California
[Ch.28] Cryptic Puzzle
[Ch.29] Seizing Vindication
[Ch.30] Alpha
[Ch.31] Boundary
[Ch.32] Paolo's Girlfriend
[Ch.33] His Reason
[Ch.34] Decision
[Ch.35] When Tears Fall
[Ch.36] Chained Hearts
[Ch.37] Patched Up
[Ch.38] First Day
[Ch.39] Fate
[Ch.40] Suicide Mish
[Ch.41] Chance
[Ch.42] Push and Pull
[Ch.43] Go home.
[Ch.44] Same Girl
[Ch.45] Watching You
[Ch.46] Come Back Home
[Ch.47] Promise
[Ch.48] Stay
[Ch.49] Giving In
[Ch.50] Taking Sides
[Ch.51] Outset of Hostility
[Ch.52] Backfire
[Ch.53] Losing You
[Ch.54] Choose Me
[Ch.55] Only One For Me
[Ch.56] Tell Me
[SS.2] The Lost History
[Ch.57] Stop
[SS.3] Jiro (Part 2)
[Ch.58] Best Man
[Ch.59] Tying Up Loose Ends (Part 1)
[Ch.59] Tying Up Loose Ends (Part 2)
[Ch.60] My Once Upon a Time
Epilogue
[Book 2] Please read! For you who loved Paolo :)

[SS.3] Jiro (Part 1)

1.6K 33 7
By bittenapple

2nd update for tonight :) Hindi ako marunong magsulat ng POV ng lalaki pero let's try @.@


[SS.3] Jiro (Part 1)

// Jiro's Point of View


Maaga akong gumising para ayusin ang mga gamit ko. Pupunta kasi ako sa ngayong araw sa pamantasan kung saan ko balak mag-kolehiyo. Ngayon din kasi ang deadline ng confirmation para sa scholarship na nakuha ko; naging abala ako sa school org kaya hindi ko ito naasikaso ng mas maaga. Isa pa, naging mahaba ang diskusiyon namin ni mama ukol rito.


"Kuya, sasabay ka raw sa akin sabi ni mama?" tanong ng kapatid kong si Ryleigh. Tinapunan ko siya ng tingin habang sinusuklay niya ang mahaba niyang buhok sa harap ng salamin. Naka-unipormeng blouse at palda na siya ngunit wala pang medyas at sapatos sa paa.


"O, titingin-tingin ka?" sabi niya nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay sabay sabing, "Gandang-ganda ka na naman sa akin?" Nginitian niya ako nang pagkatamis-tamis na halos gusto ko na siyang isubsob sa salaming nasa harap niya.


"Lul!"


Nanlaki ang mga mata niya. "Ma, oh! Si kuya, ulol daw ako!" Sinimulan niya akong paghahampasin na siya namang inilagan ko.


"Jiro!" rinig kong suway ni mama mula sa kusina.


Nang magsawa na siya kahahampas sa akin ay umupo na siya sa upuang katapat nang akin. "Pangit mo!" sigaw niya sa akin.


Tumawa lang ako. "Kung pangit ako, pangit ka rin. Magkamukha tayo, e." Nginisihan ko siya.


"Yuck! Hindi ah!" Mas lalo akong natawa.


Sunod naman ay dumating na si mama mula sa kusina. Dala-dala niya 'yong ulam. Agad akong tumulong at kinuha ang kanin. Si Leigh naman ang naghanda ng mga kubyertos.


Pagbalik ko sa dining table ay nakaupo na rin sila. Si mama ang nasa kabisera at si Leigh ay katapat ko. That was how it was for years already. My parents were separated, not legally though. Nagkaroon kasi ng babae si papa noong nagtatrabaho siya sa ibang bansa. Hindi siya nagawang mapatawad ni mama.


My family was a wreck, but I was happy with mama and Leigh. I'd protect them, and be the best I could be for them. It would have just been better if my brother was with us.


"Oh, God!" bigla ko na lang narinig mula sa kwarto ni Leigh at mama. Hinihintay ko siya dahil sabay kami hanggang palabas ng village. Agad akong nagtungo sa kwarto nila at nakita ko siyang nakatataranta sa harap ng desktop computer.


Nilingon niya ako. Her cheeks were fluffy and tears were running down on them. "Kuya! 'Yung paper ko para sa English!" Bakabulatlat ang notebook, mga libro at mga papel sa may harap ng computer. Ang screen naman ay naglalaman ng tanging word document na wala pang kalamanlaman.


"Tinype ko kasi siya kanina... tapos biglang—" she trailed off. "Kuya..." she started sniffing, trying not to cry. Kahit na dalaga na ang kapatid ko ay bata pa rin ang tingin ko sa kaniya. She will always be that fragile little girl for me, and I wouldn't, not once, let her shed her tears if I know I could do something for it not to happen.


Lumapit ako at sinuri iyong notebook sa harap ng computer. Nakita kong naroroon naman pala mismo iyong lalamanin ng paper niya. Tinignan ko ang oras sa relo ko. I mentally computed my travel time and estimated time to work on this.


"Ako na ang bahala. Anong oras ba English ninyo?" tanong ko.


Biglang bumalandra ang ngiti at gulat sa mukha niya. "Seryoso? After lunch break," she beamed at me. Tumango ako sa kaniya.


Hapon na nang makarating ako sa JMU. Naipasa ko iyong entrance exam sa State U ngunit ito ang pinili ko. It's a good school, and I didn't want to throw away the scholarship.


"Excuse me," sabi ko sa dalawang babaeng nag-uusap. I didn't want to intrude their talk, but I just coudn't see anyone who'd be accommodating.

.

"Itatanong ko lang sana kung saan 'yung..." Tinignan ko iyong papel na hawak ko upang i-check ito. "'Yung administration office? 'Yung sa confirmation?" pagbubuo ko sa aking tanong.


Nagkatinginan silang dalawa at sabay na itinuro 'yong area sa likod nila. Okay, so I asked them a question when the answer was right in front of me. Great.


"Oh." I smiled at them. "Thank you."


Umalis na ako agad at nagtungo sa admin dahil nakahihiya na kung magtatagal pa ako roon at baka magtanong na naman ako ng mga bobong tanong.


Pagpasok ko roon ay may maikling pila. "Dito ba 'yong confirmation?" tanong ko sa babaeng nasa dulo ng pila bago ako nakipila ro'n. Nilingon niya ako. Luminga-linga pa siya sa paligid upang siguraduhin kung siya ba talaga ang tinatanong ko.


Tumingala siya sa akin upang matignan ako. Agad napako ang tingin ko sa brown niyang mata. "Oo, rito 'yon," sabi niya sabay ngiti. Makipot ang labi niya at natural na mapula. Ang buhok niya'y brown din tulad ng kaniyang buhok. Naka-uniporme siya tulad no'ng suot ng dalawang babae sa labas. Taga rito pala siya.


"Ah, thank you," I said. Nginitian niya akong at humarap na ulit siya sa pila. She looked kind... and well, she was simply beautiful. Napa-iling na lang ako sa mga pinag-iisip ko. Wala sa priorities mo ang ganitong mga bagay, Jiro, paalala ko sa sarili ko, ngunit may mga bagay talagang ipagpapatuloy mong gawin dahil gusto mo.


"So..." I tried breaking the ice. Nilingon naman niya ako. "Anong degree program mo?" I tried concocting a smile. "Incoming freshman din?"


"Yup," mahina niyang sagot. "CE." Civil Eng'g din? Napangiti ako.


"Parehas pala tayo," sabi ko sa kaniya. She shook her head. "Maybe we could be block mates." Para-paraan, Jiro.


"Uhh, no."


Napakunot ang noo ko. Nakita ko ang pagdapo ng tingin niya sa plastic envelope ko. She was reaching for it when she stopped herself, "Sorry," she apologized. She raised her head to meet my eyes, "But is that an Eton State U acceptance letter?"


Napahigpit ako ng hawak sa envelope kong iyon. Every time people knew I passed ESU and I chose JMU, they'd always judge my reasoning. They'd say it was a waste. Pero ito ang gusto ko, at hindi ko kailangang maging basehan ang preference nila sa mga desisyon ko. "Oo," mahina kong sagot.


"And you're choosing JMU over ESU?" she asked. Here we go.


Tumango ako at inayos ang salamin ko sa mata. Ngunit agad bumalik ang tingin ko sa kaniya nang sinabi niyang, "I wish I could do the same, too." Kumunot ang noo ko. "I'm not here for the confirmation, I'm here for my credentials. I chose ESU because of my parents," she answered as though explaining to me.


"I guess we're not meant to meet here," she said. We had the exact same choices... and we chose two different paths. Maybe she was right, or maybe she wasn't but either ways, we still did meet at one point.


"But we met, and we'll surely meet again, future Engineer...?" I said, beaming at her.


"Hamilton," she gave me a small smile. It just could have been better if she gave her first name, too.


Nakita kong bumuka ang bibig niya ngunit agad niyang isinara iyon dahil siya na ang susunod. May binigay sa kaniyang folder at pinapirma siya. I didn't know what was that though.


Nang matapos na siya ay matipid niya pa akong kinawayan bago umalis. I waved back at her. And never met her again.


Nang magbakasyon na ay inimbitahan ako ni Lola Teresa sa San Fabian, Pangasinan. Lagi naman akong pumupunta roon tuwing bakasiyon. Gustong sumama ni Leigh pero hindi siya pinayagan ni mama. Isa pa, gusto raw niyang paghandaan 'yong entrance test sa isang state university. Isang taon lang ang tanda ko sa kaniya at college na rin siya sa susunod na taon.


Noong nasa San Fabian na ako ay nakitulong ako sa mga gawain. Summer kasi at maraming turista sa resort. Ayoko namang maging pabigat pa kay Lola gayong nakikibakasyon na nga ako rito. Wala rin naman akong ibang magagawang makabuluhan.


"Jiro!" narinig kong tawag sa akin ni Leslie, isa sa mga apo ni Lola.


Sinimangutan ko siya. "Kuya Jiro," I corrected her. Nakatutuwa kasing asarin ang batang 'to. Tingin ko 'pag tumanda-tanda na 'to nang kaunti ay ikahihiya na niya 'yung mga pinagsasabi niya sa akin. I like her company though. "Oh, ano? Mas matanda naman talaga ako sa'yo?" sabi ko nang makitang aapila siya. I feigned a shocked look.


"Hindi mo tinatawag na 'kuya' ang future husband mo!" bulalas niya na siyang tinawanan ko nang malakas. She crossed her arms. I really couldn't wait to see this girl grow up and get embarassed for all her antics.


Ilang araw matapos akong dumating ng San Fabian ay napag-alaman kong darating din pala 'yung isang naging alaga ni Lola bago siya namasukan sa amin. 


"Paolo Salvatorre ang pangalan niya, matipuno iyon at siguradong makikita mo agad," bilin sa akin ni Lola Teresa nang paki-usapan niya akong sundin ang ang alaga niya sa terminal. May importante kasing guest sa villa ngayon.


"Paolo Salvatorre?" tanong ko sa lalaking bahagyang nakatalikod sa akin. Hawig kasi ng side view ng kaniyang mukha ang litratong ipinakita sa akin ni Lola Tere. Sabay silang lumingon noong kasama niya na noon ko lang napagtantong babae. "Ikaw si Paolo Salvatorre, hindi ba? 'Yung alaga ni Lola Teresa?"


Tumango si Paolo sa akin ngunit naagaw ng babaeng kasama niya ang atensiyon ko. "Ikaw si Mang Roger?" gulat niyang tanong. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ang bata ni Mang Roger. Hindi ko napigilang matawa. This girl was interesting.


"Si Mang Roger 'yung magdidrive ng jeep na maghahatid sa atin sa bahay ni Lola Teresa." I smiled at her, then I realized I have seen this girl... sa JMU, noong nag-confirm ako ng scholarship. Isa siya sa dalawang babaeng pinagtanungan ko kung nasaan ang admin office. I was amused by the fact that we met again at this circumstance. "Ako si Jiro... Jiro Cervantes," pakilala ko.


Lumipas ang mga araw... Nalaman kong girlfriend pala ni Paolo si Yanna. Nagulat ako dahil akala ko ay magkamag-anak sila dahil bibihira lang naman iyong pinapayagang mag-out of town kasama ang nobyo. Hindi ko naman na sila pinakialaman, not until that night came and I found out one grievous thing that made me want to stay. 


Isang gabi ay papunta sana ako sa garden nang marinig ko si Yanna at Paolo na nagtatalo. Aalis na sana ako dahil hindi ko naman gawaing maki-usiyoso sa LQ ng may LQ ngunit napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko nang marinig kong tawagin ni Yanna si Paolo na "kuya." You don't call your boyfriend "kuya."


"Where's that guy, Paolo? Nasaan na siya? Where's the guy who'd let things be easier for me? Where's the guy who'd bring the hell out of me... but also the guy who made me fall for him? I want... I want him back. I want my Kuya Paolo back..."


"Alam... alam mo," he took a deep breath. "A-alam mo ba kung bakit?" Nanlaki ang mata ko nang makita kong may mga luha sa pisngi ni Paolo. Gay shit. Anong kagaguhan ba 'to? "Kasi sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos pinamumukha sa akin na hindi tayo pwede. Na minsan na nga lang ako tamaan ng ganito sa maling tao pa."


Ha?


"Na kahit anong gawin ko hindi pwede. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, Aya. Call me conceited, but that's how it is. That's how it should be. Except for two things, Aya. Just two things. 'Yung una, kaya kong magawan ng paraan 'yon. I'm on the process. Sinusubukan kong mag-aral nang mabuti para may mapatunayan ako sa mga magulang ko. Pero 'yung pangalawa? Hindi. Hindi ko na alam," he said, shaking his head. "Sana hindi na lang kita pinsan, Aya. Pero hindi eh... I can't have you even I badly want you! I love you, only you."


Napatakbo ako pabalik sa villa. Halos manuyo ang labi ko. What did I just heard? Hinanap ko si Lola Teresa at nakita siya sa may kitchen nook.


"Lola... sino po si Yanna?" gulong-gulo kong tanong.


Natatawang nakatingin sa akin si Lola Teresa. "Anong ibig mong sabihin, apo ko?"


"Lola... anong koneksiyon niya kay Paolo? Kilala niyo ang pamilya niya, hindi ba? Alam mo halos lahat ng tungkol sa kanila? Sabihin niyo po sa akin ang alam ninyo..." I didn't know why I was doing that. Ang alam ko lang ay halos mababaliw na ako sa nalaman ko. She was such a nice girl, how could she... how could she possibly have such relationship with her own cousin? Napangiwi ako.


"Jiro... may nalaman ka bang hindi mo dapat nalaman?" ang mata niya'y nagdududa.


"You know..." deklara ko nang mapagtanto kong alam niya ang tungkol sa dalawa. Alam niyang magpinsan ang dalawa ngunit hindi siya gumagawa ng kahit ano upang pigilan sila!


"Lola, mali 'yon..." I reasoned out. Frustration was oozing from my voice and I didn't even know why.


"Unang kita ko pa lang kay Ayanna ay alam ko ng Salvatorre siya, sa hugis pa lang ng kaniyang mukha at sa ngiti mula sa mata niya... isa siyang Salvatorre," sabi ni Lola habang nakangiti.


"Pero Salvatorre rin si Paolo. Immoral 'yung ginagawa nila!"


"May mga bagay na hindi natin pwedeng paki-alaman, apo. Ayokong masaktan si Paolo ngunit may mga bagay rin na hindi ako pwedeng gawin dahil nakapangako ako sa pamilya niya. Naiintindihan kita kung ganiyan ang pananaw mo... pero ipangako mong wala kang gagawin para sirain silang dalawa..."


I promised Lola Teresa I wouldn't expose their secret, but I did not promise not hindering them. 


I did all things to get close to Yanna. Pati ang schedule niya ay ipinuslit ko pa upang maging magkaklase kami sa mga subjects na parehas mayroon kami. If I couldn't let her see that they're into a forbidden thing, I would save her from it instead. Iyon ang paniniwala ko.


Ngunit nagbago ang lahat ng makilala ko siya nang tuluyan.


She was indeed a nice woman. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng mga taong nasa paligid niya na minsan ay nakalilimutan niya na ang sarili niya. She was a bad liar when it comes to telling everyone that she was okay. Dahil nakikita kong hindi. Dahil alam kong unti-unti na siyang nadudurog nang dahil kay Paolo. And I eventually genuinely cared for her... not because she was the lost girl I knew in San Fabian, but because she was Ayanna, she was the girl who made me see how beautiful it was to love and be loved.


I fell in love with her. I utterly fell in love with her.


Alanganing oras na nang tawagin ako ni Rod isang gabo, "May bisita ka raw sa baba sabi ni Marius." Nagulat ako dahil wala naman akong inaasahang bisita at late na oras na rin para may dumating pa.


"Yanna..." I said in disbelief as I see her. Bakit ganiyan ang itsura niya? Mukha siyang nakagayak kanina na parang may kung anong nangyari sa kaniya? She was a mess.


Unti-unti siyang tumingala at tinignan ako. Para bang wala siya sa sarili niya... magang maga na ang mga mata niya at bigla siyang... umiyak. Hindi, bigla siyang humagulgol. Parang biglang nadurog ang dibdib ko nang marinig ang iyak na iyon mula sa kaniya. Kung kaya ko lang pawiin ang sakit ay noon ko pa ginawa, Aya. Kung kaya ko lang sana. I was out of my senses when I hugged her tightly.


"Magiging okay rin ang lahat..." bulong ko sa kaniya.


"H-hindi. Hindi na. Hindi mo naiintindihan." Niyukom ko ang kamao ko. It was so painful to see the girl you love— the girl whom you're willing to sacrifice everything for— being crushed by another man. She was falling apart and I was never the pieces to complete her.


"I understand... and believe me, magiging maayos din ang lahat." Pinapangako kong magiging maayos din ang lahat.


"Bakit gano'n?" she said as tears continue to flow down her cheeks. I let her blurt out what she wanted to tell. Kailangan niyang ilabas ang sakit sa dibdib niya. "He explained pero hindi ko pa rin maintindihan. He never really told me why..."


"He said he's tired. Tired? Anong bullshit 'yon? Nahirapan ako pero kahit kailan hindi ako napagod." I could feel my shirt getting wet from her tears. I hugged her tighter with the small hope that she'll believe that everything would be okay.


"Damn your cousin for hurting you like this..." I whispered on top of her head.


Naramdaman kong aalis siya mula sa yakap ko kaya ibinalot ko ang braso ko sa kaniya at mas hinagkan siya. It was that exact moment I promised myself that I will do everything for her happiness. No matter how much that will cost me... and my happiness. "It's all right. It's all right. Everything's going to be okay, Aya."


Aya... because Yanna was the name he gave you. Aalisin ko lahat ng magpapaalala sa kaniya. You'll have a new life, Yanna. And you will be so much happier. We'll be happier.


Ngunit nanlaki ang mata ko nang mamataan ko ang pigura ni Paolo mula sa 'di kalayuan. Kausap niya iyong lalaking naikwento ni Aya na Knave ang pangalan. Pina-akyat ko si Aya sa lounge sa dorm at sinabi kong bibilhan ko lang siya ng ice cream sa convenient store.


Sakto namang pagbaba ko sa labas ay naroroon si Paolo. Mukhang wala siya sa wisyo atmukha siyang desperado.


"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.


"Nasaan si Aya?" natuturete niyang tanong habang iniikot ang mata niya sa paligid upang hanapin ang babaeng sinaktan niya. "Ilabas mo si Aya! Alam kong nandito siya!" he was shouting. Napatingin ako sa building ng dorm.


"'Wag ka nang umasang babalik pa siya sa'yo," malamig kong sabi sa kaniya. "You hurt her and I will never let you do that to her again. Lubayan mo na siya simula ngayon."


"Anong karapatan mong sabihin 'yan?"


"You are his cousin, Paolo. 'Wag mo nang pahirapan si Aya!" Nakita ko na sa loob ng iilang sigundo ay nagulat siya— dahil siguro alam kong magpinsan sila— ngunit agad din iyong nawala. It was as though he didn't care if I truly know.


"Bakit? You love her? You love the woman I love?" he said, his voice accusing. Halos gusto kong matawa sa sinabi niya. Anong karapatan niyang sabihin ang mga iyan? Does he have any idea what she put Aya into? Misery. Torment.


"You don't hurt the woman you love to the point she thinks she has lost herself..." I said, and he shut his mouth.


I looked straight to him. "She will love you for a long time—that's not even debatable— but one day, one day, she'll stop chasing after you because she had had enough, because she'll realize you're not worth it, because she'll finally learn to let go... and when that time comes, I would be the one standing by her side. "


He looked back at me and smiled sadly, "But I'm getting her back. That's certain. Hindi ko kayang ipaglaban si Aya ngayon pero dadating 'yung araw... 'yung araw na kaya ko na. I will make sure she'll come back."


"Mas lalo mo lang ipinapamukha sa akin kung gaano ka kagago ngayon, Paolo."


"Wala kang alam." His voice was trembling.


"I've seen enough." Hindi ko man alam ang lahat ng tungkol sa kanila ay sapat na ang nakita kong paghihirap ni Yanna... ni Aya. She never deserved this. She deserved more than this.


"That doesn't make you the man for her. You are not the one for her," he said. What he said stung inside me, but I stood firmly.


"And so are you."



***

Sinong nakakatanda kung sino 'yung babae sa pila? hahaha



Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 48.5K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.8M 123K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.3M 93.5K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.6K 135 64
BTS Series 5: Kim Taehyung 💜