Conrad Series 1: The Servant

By SaviorKitty

4.6M 161K 205K

Conrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retire... More

Conrad Series 1: The Servant
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 11

118K 4K 4.3K
By SaviorKitty

Kabanata 11:


           Gusto ko siyang sisihin, gusto ko siyang pagalitan pero naiisip kong baka ako lang ang mapahiya sa dulo. Ako ang mas nakakahiya dahil ako ang naglagay ng spy camera sa kanyang kwarto, ibig sabihin ako ang namboboso.

He didn't touch or abuse me physically.

I don't think I have a right to be mad, kasi ako naman ang nanghimasok doon, ako ang may kasalanan unlike kay Mando na dati kong guard na harap-harapan akong pinagsalitan ng bastos.

Oh gosh, I want to fired him na rin pero anong sasabihin kong dahilan?

That, I put the camera inside his room, and I saw him masturbating and moaning my name. Baka isipin pa niyang ilang beses ko siyang pinanuod, isa lang ha!

Malakas akong napabuntonghininga habang nakasakay sa isa sa aking BMW. I got this when I was nineteen, I think? Regalo lang sa akin. Ayaw ko man sumama sa kanya pero mukhang wala naman akong magagawa. I called Papá to clarity things, kung talaga bang sasama ako sa matandang 'to kung nasaan siya pero ang sekretarya niya ang sumagot at sinabing may kasalukuyan meeting siya.

Naisip kong makakalabas ako ng mansyon at isa pa, kung tama nga si Elias na nagpapanggap lang siyang guard ko ay malalaman ko iyon sa pupuntahan namin.

Mas makikilala ko siya pero ngayon, hindi ko muna sasabihin alam ko na.

"Matulog ka muna," narinig kong sabi niya habang nagda-drive, kami lang dalawa ang bumiyahe.

Nakapikit ako't naka-krus ang mga braso sa harap ng aking dibdib pero gising ang aking diwa. Sinong matutulog pagkatapos ng sinabi niya kanina?

Na buntis ako?

Naalala ko kanina ang aking naging reaksyon nang sabihin niya iyon. 'Mataba lang ako pero hindi ako buntis, Gavril!' sigaw ko kanina sa sobrang gulat, at ang gurang na 'to, pinitik pa ang tiyan ko para makasigurado. Hah!

Unti-unti kong naisip ang iniisip niya sa pagkakasakit ko ng ilang araw at pagpunta ni Dr. Gomez noong nakaraan. Akala niya'y buntis ako, morning sickness?

Hindi iyon dahil doon, cock sickness ata 'to. I really need to ask Elias about this.

Gising ako buong biyahe namin hanggang makarating kami sa probinsya ng Pampanga. Dumilat ako nang maramdaman kong huminto ang kotse, nakita kong nasa harap kami ng isang simbahan.

Nakita kong may nakaabang sa amin na isang matangkad at gwapong pari na seryoso ang mukha. Naunang bumaba si Gavril upang pagbuksan ako ng pintuan, bahagya pa akong napaigtad nang ipirmi niya ang palad sa aking likuran at iginiya ako papalapit kung nasaan ang pari.

Ang seryosong mukha ng Priest ay napalitan ng isang matamis na ngiti nang makalapit kami, ibang-iba sa kanina na walang emosyon.

"Hindi ko alam na may kasama ka, Gavril," malalim ang boses niya.

Magkakilala sila? Kung sabagay, dito ata nakatira si Gavril ngunit mukhang bata pa naman itong Pari, higit na mas matanda itong si Gabo.

"I didn't know that I had to inform you, Father," pakiramdam ko'y sarkastiko ang boses ni Gavril.

"Uh, good morning Father," I interrupted.

Tumango ang lalaki sa akin. "Magandang umaga rin."

Mas napansin ko ang kagwapuhan niya, nasanay siguro akong nakakakita ng matandang Priest kaya ngayon na makisig itong Pari na nasa harapan namin ay namamangha ako. Tumaas ang sulok ng labi ni Father, bahagyang tumabingi ang kanyang ulo saka bumaling sa katabi ko na busangot ang mukha.

Nanatili pa rin ang mainit niyang palad sa likuran ko, bahagya pa akong hinila mas papalapit sa kanya. Inis na nilingon ko siya pero hilaw na ngumiti naman ako sa Paring naglilipat-lipat ang tingin sa amin.

"Pagpasenyahan niyo na si Gabo, Father. Kapag tumatanda talaga ay mainitin na ang ulo," paninira ko pa sa kanya harap-harapan habang nakangiti.

Bahagyang yumuko si Gavril para bumulong. "Your highness, stop smiling at him like that. He's off limit baka magkasala 'yan."

Father chuckled. "You got it bad, Gavril."

"Tss."

Ako naman ang naglipat-lipat ng tingin sa kanila, halos magkasing tangkad lang sila, medyo matangkad lang si Gavril ng dalawang inch siguro.

"Ihahatid ko muna siya, tapos babalik ka rito," sabi ni Gavril kay Father.

"Sige, hindi ko pinaalis katulad ng bilin mo."

Ako naman ang walang maintindihan sa pinag-uusapan nila pero hindi na ako nagtanong pa. Hinatid kami ni Father sa isang bahay malapit lang din sa simbahan. It's not very huge, and it's an old-fashioned house. The windows are made of capiz shells. I'd seen houses like this in historical films, but I had no idea I'd see them in person.

"Maiwan ko muna kayo, Gavril. Hihintayin na lang kita sa simbahan," narinig kong sabi ni Father.

Tumango si Gavril bago buksan ang pintuan ng bahay, sinundan ko ng tingin ang papalayong Pari. Napaigtad lang ako nang hawakan ni Gabo ang braso ko papasok sa antique na bahay.

"Will you stop touching me?" inis na sabi ko.

Hinawak-hawak niya 'yon sa ano niya tapos hinahawak niya sa akin.

"Will you stop staring at him?" ginaya niya pa ang tono ko.

Inirapan ko siya bago inilibot ang paningin sa bahay, maaliwalas ang loob no'n at malinis naman. Mas lumiwang nang buksan niya ang mga bintana, may hagdanan sa gilid sa tingin ko'y daan papuntang kwarto.

"Kaninong bahay 'to? Ilang oras tayong tatagal dito, matagal ba ang aasikasuhin mo?" sunod-sunod kong tanong saka chineck ang aking smartphone para sana tawagan ulit si Papá pero walang signal. "Gosh, what kind of place is this? Bakit walang signal, walang wifi?" I groaned.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Sa pamilya ko 'to. Sandali lang ako, babalik din, may aasikasuhin lang ako at walang wifi sa bahay na 'to, your highness. Ano bang number mo? Ipapa-load na lang kita ng pang-data at pang-tawag," sabi niya habang binubuksan ang isa pang bintana.

Napabusangot ako. "May gano'n?"

"Hm, oo."

"Fine, here's my number."

Ididikta ko sana pero inabot niya ang kanyang kulay itim na phone sa akin. "Lagay mo na lang dito."

Napanguso ako saka tumango, hinayaan ko siya sa ginagawa. Naupo ako sa isang upuang kahoy roon saka binuksan ang phone niya. Plain black lang ang kanyang wallpaper, may password iyon.

"What's your password?" Tsk, kapag may password, may nililihim.

"ADIEL. All capitalize."

Bahagyang kumunot ang noo dahil pamilyar iyon, saan ko ba narinig o nabasa ang salitang iyan?

I typed his password, kaagad iyon bumukas. Kaagad kong sinave ang aking numero, sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang pumasok sa isang pintuan na tingin ko'y kusina ng bahay.

Kaagad kong binuksan ang kanyang inbox. Ang daming unread messages, wala naman kakaiba. Kaagad ko iyon binack at pumunta naman ako sa gallery niya, wala rin kakaiba. Malinis, may ilang photos doon pero sunsets at mga halaman lang.

"Babalik din ako kaagad."

"Shit!" Muntik ko ng mabitawan ang phone niya nang magsalita siya, nagtatakang tinitigan niya ako.

"Magugulatin ka pala, your highness."

Kaagad ko iyon pinatay at inilapag sa lamesa, nagpanggap na wala lang.

"Na-save ko na, here." Inilabas ko ang wallet ko para bigyan siya ng pera pero mabilis niyang ibinulsa ang kanyang phone.

"Huwag na, meron pa naman dito. Babalik din ako kaagad bago magtanghalian, your highness. Ligtas ka rito, walang makikielam dito sa'yo," sabi niya saka tuluyan lumabas sa pintuan, sumilip ako sa bintana. Pinanuod ko siyang maglakad hanggang palabas ng gate.

I sighed when silence filled the house.

Tahimik din naman sa aking kwarto sa mansyon pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Walang nagbabantay sa akin, malaya ako, hindi ko alam pero ang gaan pala sa pakiramdam, parang nasa ibang mundo ako.

Wala pa man sampong minuto ay dumating na ang load na sinasabi ni Gavril. Nag-email ako sa sekretarya ni Papá na tawagan ako kapag free na sila.

Napanguso ako nang may sunod na text galing sa isang hindi kilalang numero.

From: Unknown
,,nÄnDYän näH, yØūR higHn3s$?!

~ gHäbX_35<:

What the fuck? Gago, ano 'to?

To: Unknown
Gavril?

From: Unknown
,,y3š, yØūR higHn3s$!!

~ gHäbX_35<:

To: Tito Gabo
Yes, nandito na.


Ang tagal kong nag-reply dahil nahirapan akong intindihan ang sinasabi niya. Bakit ganyan, may problema ba ang keyboard ng phone niya?

Akala ko ay hindi na siya magre-reply pero tumunog ulit ang phone ko.

From: Tito Gabo
,,änØng gūx2 mØng Lūn©H?!

~ gHäbX_35<:

"Ano 'to?" bulong ko habang binabasa ang message niya, hindi ko maintindihan. Anong gu-ex-two? "My god, old man." I whispered.

Hindi ako nakapag-reply, tumunog ulit ang phone ko.

From: Tito Gabo
,,Hū\/\/äg kÄng läLhÄväx dY@n.

~ gHäbX_35<:

To: Tito Gabo
Stop texting, do your emergency.

Inilagay ko na lang sa silence ang phone ko para hindi ko na marinig ang reply niya. Hindi ko naman maintindihan ang pinagsasabi niya.

Habang wala pa siya ay nilibot ko ang bahay, namamangha pa ako dahil ang simple lang ng mga gamit pero maganda at malinis tingnan. Kahit hindi aircon ay maaliwalas pa.

Umakyat ako sa second floor ng bahay dala ang bag kong itim, kung anong suot ko ay iyon lang din ang dala kong damit, isang jeans at blouse, wala akong ibang dalang damit dahil hindi naman kami magtatagal.

Natakot pa akong tumapak sa sahig na kahoy dahil pakiramdam ko ay lulusot ako pero hindi naman pala, tumutunog lang iyon kapag tatapak ka pero matibay naman.

Pagdating sa itaas ay may malaking bintana rin ang tumambad sa akin at isang kahoy na higaan na hindi kalakihan.

Sumilip ako sa bintana, natanaw ko ang ilang batang naglalaro sa kabilang kalasada, malakas ang kanilang tawanan.

Inilapag ko ang aking bag sa higaan, kung hindi ako nagkakamali papag ang tawag dito sabi ni Mersita. Sabi niya noon, ganito lang ang higaan nila, walang mattress. Hindi kaya sumasakit ang katawan nila kapag nahihiga rito?

Sinubukan kong mahiga, malamig at masakit sa likod pero nakaka-relax din kaya hindi ko namalayan na nakaiglip na ako.

Nagising lang ako nang may marahan tumatapik sa pisngi ko.

"Your highness," gising ni Gabo sa akin.

Kinabahan pa ako noong una dahil hindi pamilyar sa akin ang kwarto pero bigla kong naalala kung nasaan kami. Paglingon ko sa labas ay hapon na, papadilim na.

"Hindi sana kita gigisingin pero hapon na, hindi ka pa kumakain," ani Gavril.

Doon ko nakitang bagong ligo siya, nakasuot na siya ng isang puting shirt at cotton short.

Naguguluhan akong bumangon, hinilot ko ang aking batok. "Anong oras na, bakit hindi mo 'ko ginising?!" Gosh, ayoko na ngang mairita kaso hindi ko alam bakit naiirita ako sa kanya.

"Tulog ka kasi."

"Kaya nga gigisingin mo ako!"

"Kapag naman ginising kita, magagalit ka. Kapag hindi kita ginising, nagagalit ka rin, your highness," mahinahong sabi niya.

"Ugh! Nevermind, Gavril. Uuwi na ba tayo?"

Binasa niya ang ibabang labi. Nakaladlad lang ang basa at mahaba niyang buhok. Napansin ko rin ang bahagyang tumutubo na niyang bigote at balbas.

"Hindi tayo makakauwi ngayon gabi, your highness."

"Ano?!"

"Hindi pa tapos ang inaasikaso ko, pero nakausap ko na ang Papá mo at sinabi kong nandito tayo sa Pampanga, natawagan ko na rin si Manang Mersita."

Hindi kaagad ako naniwala sa kanya pero tininaas niya ang phone ko. "Tumatawag sa'yo ang Papá mo kanina, sinagot ko," mahinang sabi niya.

Unti-unting nanlaki ang mata ko dahil wala akong password, bigla kong naisip ang app ko ng spy camera. Baka nakita niya!

Kaagad kong inagaw iyon sa kaniya sa sobrang pagkataranta.

"Bakit k-ka nangingielam?! Hindi mo ba alam 'yong privacy?!" I shouted at him.

Gavril chuckled, his head titled.

"Hm, what's privacy, yourness?" sarkastikong tanong niya, bahagya pa siyang lumapit sa papag na kinakaupuan ko, naamoy ko ang sabon na ginamit niya at toothpaste.

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko, alam na ba niya? Hindi, hindi pa siguro. Hindi ako pwedeng mag-assume.

Taas-noo kong pinantayan ang titig niya.

"Ang tanda mo na hindi mo pa alam 'yon. Nevermind, Gavril. Kung hindi tayo uuwi ngayon ay kakain na ako ng dinner, saka magpapahinga. Nasaan ba ang kwarto ko?"

He bit his lower lip. "Isa lang ang kwarto sa bahay na ito, your highness at sabi mo nga matanda na ako at ang matandang katulad ko ay hindi na pwedeng matulog sa sahig. Ito lang ang higaan natin." Tinuro niya ang papag, nanlaki ang mata ko nang maisip ang sinasabi niya. No way, I am not going to sleep with the old man!


_____________________

SaviorKitty

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 146K 34
Vaughn Rage Navarro was known for his ruthless ability and heartless attitude. No one has ever seen him show any emotion except the usual pissed, ann...
5.1M 194K 39
"𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘵𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘮𝘺 𝘗𝘳𝘰𝘧𝘦𝘴𝘴𝘰𝘳 𝘢 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘭𝘦𝘴𝘴𝘰𝘯. 𝘐'𝘮 𝘩𝘪𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘴 𝘴𝘰𝘯." Some people don't have contentment...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...