Devil's GAME

Galing kay MaybelAbutar

46.5K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... Higit pa

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 32

929 50 7
Galing kay MaybelAbutar

Maagang nagising si Primo dahil hindi siya maayos na nakatulog. Hanggang umaga iniisip pa rin niya ang pakiramdam pagkatapos yakapin si Hurricane. Gusto niyang magpa-check-up para malaman kung normal pa ba ang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya mapakali dahil damang-dama niya ang init nito loob ng bisig niya. 

"Your crazy," Ginulo niya ang sariling buhok. 

Na sa ganoon siyang posisyon ng tumunog ang kanyang phone. Kinuha niya ito sa ibabaw ng bedside table at sinagot ng nakitang si Zion 'yon.

"Bro," bati niya sa lalaki. 

Nakilala niya si Zion sa isang proyekto two years ago at naging matalik silang magkaibigan. Zion Thomps has a connection with Clyde Versalles, known as the Business Tycoon. Clyde is a private person especially when it comes to his family but Zion helps him to get more clients using their connection. 

"Bro, huwag mong kakalimutan ang meeting mo ngayon sa orphanage. Yari ako kapag hindi ka sumipot," 

Gusto niyang tumawa sa natatakot nitong boses, pero mabuti na rin tumawag ito dahil nakalimutan na rin niya iyon. One week na rin simula ng kausapin siya nito tungkol sa proyekto. He's an Architect outside the Mafia but he uses his mother last name instead of his father to protect his identity as the Mafia Lord. 

"Alright. I'll go there," sagot niya. 

"Thanks, Bro!"

Matapos nitong siguraduhin na pupunta siya, si Lassy naman ang tumawag sa kanya. Hindi niya namalayan ang oras dahil sa mahabang usapan nila tungkol sa Mafia. Lumabas siya ng silid pero nakita niyang may kausap si Quirie. Hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil ayaw niyang paghintayin ang kanyang kliyente.

...

Sinalubong siya ng babaeng nagngangalang Mianne na nagpakilalang assistant ng kanyang kliyente. Masaya naman siyang nakipagkwentuhan sa mga ito kasama ang Pari at ilang mga Madre.

"Mianne, andiyan na si Ma'am." Sambit ng kasamahan nito. 

Nagpaalam naman sa kanila ang babae bago lumabas sa simbahan kung saan sila naroroon. 

Maging si Primo ay nagpaalam din para sagutin ang panibagong tawag mula kay Lassy. 

"Las," 

"P-primo." 

Kumunot ang kanyang noo ng marinig ang nag-aalinlangan nitong boses. 

"Is there something wrong?" tanong niya. 

"S-she's back," 

Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito. Malakas ang kutob niyang si Hurricane ang tinutukoy nito. 

"H-how did you know?" 

Kinakabahan man pero natuwa siya sa kaalamang iyon. 

"She's in the news now. I'll send it to you," 

Naputol ang tawag nito kasunod ng isang notification message. Mabilis niyang binuksan ang mensahe at tumambad sa kanya ang isang news title na : Business tycoon Clyde Versalles' sister arrived in the country. Nakita niya roon ang isang CCTV footage at mga larawan na dumating si Hurricane sa bansa. Hindi niya akalain na may connection ito kay Clyde Versalles at higit sa lahat ay kapatid nito ang tinaguriang Business Tycoon. Hindi na siya magtataka kung hindi niya nagawang kunin kahit ang maliit na impormasyong iyon sapagkat hinaharangan ni Abaddon ang mga kilos niya na may kaugnayan sa kapatid nito. Ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang larawan nito kasama si Quirie sa airport.

Kaagad niyang tinawagan ang pinsan. 

"Primo, may-" 

"Last night is real, right? She's not a dream. Why did you lie to me, Quirie?" Putol niya sa sasabihin nito. 

"Anong sinasabi mo?" 

"You're with her in the airport. Why did you lie?" May hinanakit niyang tanong. 

Four years siyang naghihintay para lang magkaroon kahit konting impormasyon tungkol kay Hurricane pero pinagkait nito sa kanya 'yon. 

"You need to move on, Primo." Mahinahon nitong sagot. 

"I can't!" Tanggi niya. "I need to-" 

"She's married!" 

Naputol ang pagmamatigas niya sa sinabi nito. 

"That's why I told you to move on."

Pagak siyang natawa. Umaasa siyang pwedeng matuloy ang naudlot nilang pagsasama noon pero bigla rin 'yung naglaho ngayon. Bakit hindi niya naisip ang posibilidad na magkakaroon ito ng katuwang sa buhay at hindi siya 'yon. Matagal siyang kumapit sa isang alaala na kailanman walang kasiguraduhan. 

"Please move on," Huling sabi ni Quirie bago nito putulin ang tawag. 

Bumuntong hininga si Primo bago bumalik sa pwesto niya kanina pero natigilan siya ng makita si Hurricane habang nakangiti. Ang pamilyar nitong ngiti na ilang taon niyang hindi nasilayan. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mga mata nito na mas nagpatingkad sa angkin nitong kagandahan. 

Seryoso siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito at binati ang babae. This is a pure business now kahit hindi niya inaasahan na ito ang kanyang kliyente. 

"Miss Hurricane Versalles," bati niya. "I'm Architect Dither Ruin Arkanghel, nice to meet you." Pagpapakilala niya sa totoong pangalan. Nilahad niya ang kamay dito for formality. 

Kitang-kita ni Primo ang gulat nito habang nakatingin sa kanya. Marahil hindi nito inaasahan na makita siya sa lugar. 

"P-primo? What are you doing here?" Gulat nitong tanong.

"Ahm, Ma'am siya po si Architect Arkanghel," Sambit ni Mianne sa tabi nito. 

"Oh, s-sorry." Paumanhin nito at tinanggap ang kanyang pakikipagkamay. "Nice to meet you too, Mister Arkanghel." Bahagya itong ngumiti sa kanya pero nanatili siyang seryoso. 

"If you don't mind, can we start now? We wasted a lot of time today," Propesyonal niyang sabi.

"Okay, let's start!" Mabilis din itong bumalik sa dati at tila balewala ang existence niya. 

...

...

...

"It's the best thing to isolate the classrooms to their quarter, Mr. Arkanghel." Komento ni Hurricane ng ilatag nito ang blueprint sa mesa. 

Hindi inaasahan ni Hurricane na makita si Primo rito taliwas sa nangyari sa bahay ni Quirie. Kung doon swerte niyang naiwasan si Primo pero hindi ngayon sapagka't ito ang Architect niya sa proyektong ito. 

"Noted your suggestion, Miss Versalles. However, it was hard for the little one to go there alone," Opinyon nito sa kanya. Pareho silang nakatingin sa plano bago simulan ang construction.

"Given," Sang-ayon niya. "But the purpose of separated rooms is to avoid children's staying to their quarters instead to their classrooms." Paliwanag naman niya.

Pinagtatalunan nila kung ano ang mas mabuting gawin sa mga facility ng Orphanage. 

"Ma'am, Sir." Sabay silang tumingin ng lalaki sa katabi nilang madre. Mukhang bago pa lang ito dahil bata pa. "Meron pong nag-aassist sa maliit na bata at mayroon din pong nagche-check bawat room kung may hindi dumadalo sa klase. Kaya pwede po kahit magkahiwalay o magkadikit ang quarter at classroom."

"Thank you for informing me, Sister Hanna." Nakangiti niyang sabi sa madre. Humarap naman siya sa lalaki na ngayon ay nakatingin din sa kanya. "We'll do connected."

"Separated,"

Magkasabay nilang sabi. 

Napataas naman ang kilay ni Hurricane. Kanina nakikipagtalo ito na dapat connected ang dalawang facility pero ngayon separated na ang gusto.

"Okay final. Separated," aniya. 

"Connected," sambit nito.

Muling sabi nila ng magkasabay kaya naguguluhan na ang mga na sa paligid nila kung ano ang susundin.

"Are you playing with me?" Naiinis niyang tanong.

"No. I'll go with your suggestion." Balewala nitong sagot.

"You're obviously contradicting my decision. What's with you Mr. Arkanghel?"

"Look, Miss Versalles. I didn't mean anything about it. If your decision is final, then we'll do it."

"Alright! We'll use the connected blueprint." Pinal niyang desisyon.

"Yes, Ma'am!" Bahagya pa itong ngumisi na kinainis niya.

...

...

Naiinis na umupo si Hurricane sa upuang yari sa kahoy malapit sa ginawang temporary shelter ng kanyang mga kasama. Pinaypay niya ang kamay sa sarili dahil sa init ng araw. Kung kahapon sobrang sama ng panahon, ngayon naman sobrang init.

"Ma'am, tubig po." Kinuha niya ang ibinigay na bottled water ni Mianne at mabilis niya iyong ininom.

Medyo gumaan naman ang kanyang pakiramdam.

"Napansin ko pong hindi kayo magkasundo ni Architect Arkanghel," Sambit nito habang nakatayo sa katabi niya.

Nakatanaw silang pareho sa mga abalang manggagawa kasama ang lalaking 'yon. Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong asarin siya o talagang ganoon ito. Palagi itong nagko-complain sa mga suhestiyon niya at planong gawin para sa renovation ng simbahan. Kahit isa itong Architect, siya pa rin ang dapat masunod dahil siya ang nagpapasweldo rito at hindi na siya baguhan sa larangang iyon. Marami na siyang naipagawang Church and Orphanage na siya mismo ang nagdisenyo ngunit kinokontra nito ang mga gusto niya but in the end papayag din pala.

"Yeah. I'm planning to hire another Architect who's better than him." Sagot niya.

Iyon talaga ang pumasok sa kanyang isip habang kinokontra nito ang mga suhestiyon niya. Ayaw niyang palagi silang nagtatalo at maapektuhan ang kanilang trabaho. Bukod doon, hindi talaga siya komportable habang na sa paligid ang lalaki.

"Sayang naman Ma'am, ang gwapo pa naman ni Architect." Kusang umangat ang kilay ni Hurricane ng marinig ang mahinhin nitong tawa.

"Huwag kang magpapaloko sa mga gwapo, masasaktan ka lang." sagot niya habang nakaharap dito. 

Hindi siya bitter, base on her own experience lang 'yon.

"Hindi naman lahat Ma'am. Ang gwapo kaya ng boyfriend mo," Sagot nito.

Alam niyang si Casseus ang tinutukoy nito dahil iyon ang alam ng kanyang mga kasama lalo pa't palagi silang magkasama ng lalaki.

"I told you-"

"Excuse me Miss Versalles," Humarap si Hurricane sa taong pumutol ng kanyang sasabihin kay Mianne.

"Yes, Mr. Arkanghel?" Sagot niya sa lalaki na hindi niya namalayan ang paglapit.

"I need your opinion on this matter,"

Bahagya pang nagtaka si Hurricane kung bakit ngayon kusa na nitong hinihingi ang opinyon niya. Mas better siguro kung ganoon ang gagawin nito para magkasundo sila sa trabaho. 

Tumayo siya at lumapit sa lalaki. 

"What is it?" Seryoso niyang tanong. 

"What do you think about this one?" Turo nito sa lokasyon ng gymnasium sa hawak na blueprint, "Don't you think its too far to the classrooms?" Seryoso nitong tanong. 

"No. Your idea is great," Puri niya sa ginawa nitong plano na gusto rin niyang mangyari noong una. Ang alam niya nagbigay na siya ng suhestiyon sa bagay na 'yon kanina. 

"Then-" Naputol ang sasabihin ni Primo ng tumunog ang cellphone nito. "Sorry, excuse me." Pagpapaalam nito bago bahagyang lumayo. "Leticia," 

Natigilan naman si Hurricane sa paglalakad pabalik sa inuupuan ng marinig ang sinambit nitong pangalan. 

Hindi niya intensyong marinig ang usapan ng dalawa kaya siya na ang kusang lumayo sa pwesto ni Primo. 

...

...

...

Galit na galit si Leticia ng mapanood ang balitang na sa bansa si Hurricane ngayon kaya agad niyang pinuntahan ang Ama sa opisina ng Council. 

"Dad, I'm begging you. Make Supremo mine!" Pakiusap niya sa Ama. 

"Leticia, I can't do that. Napag-usapan na namin ang tungkol diyan," Mahinahon nitong sagot. 

"Pero Dad, masyadong matagal ang three months! Bumalik na si Hurricane at natatakot akong matuloy ang iniiwasan kong mangyari four years ago!" 

"Relax, Iha." Nakangiti nitong sabi. "Sigurado akong hindi mangyayari 'yon,"

"What do you mean?" Nagtataka niyang tanong.

"The former Lead Mafia Council is already married,"

"Really?" Masaya niyang tanong.

"Yes. Head Council said that,"

Tumalon sa tuwa si Leticia. Kung gayon hindi na pala siya mababahala sa presensya ni Hurricane.

"You need to relax and plan to get Supremo. Baka maunahan ka pa ng iba," Payo ng kanyang Ama.

"I won't let that happen, Dad." Paninigurado niya rito.

Hindi siya papayag na mapunta sa wala ang pagtitiis niya makuha lang si Primo. Apat na taon ang kanyang ginugol at alam niyang malapit na siyang magtagumpay. Nawalan na siya ng interes sa singsing sapagkat nawala na rin ang demonyong lalaki na 'yon at hindi na nagparamdam sa kanya sa loob ng apat na taon. Hindi naman niya iyon problema dahil big catch si Supremo.

Tinawagan niya si Primo ng makalabas sa opisina ng Ama.

"Leticia,"

Napangiti si Leticia ng marinig ang kanyang pangalan mula rito. Akala niya hindi nito sasagutin ang kanyang tawag tulad ng palagi nitong ginagawa.

"Where are you?" Malambing niyang tanong.

"At work, why?"

Gustong tumili ni Leticia dahil maayos siya nitong kinakausap ngayon.

"Can I go there? I want to see you," Mas pinalambing niya ang boses para pumayag ito.

"Not now, maybe some other day."

Impit na tumili si Leticia dahil sa sagot nito. Hindi siya makapaniwala na hinayaan siya nitong puntahan sa trabaho.

"Really? Thank you Ruin!" Masaya niyang sabi.

"Gotta go, bye."

Napatili ng tuluyan si Leticia ng putulin nito ang tawag. Hinayaan siya ni Primo na tawagin ito sa sariling pangalan na hindi niya inaasahan. Walang sinuman ang tumatawag dito sa pangalang iyon na miyembro ng Mafia. Tanging Supremo o Primo lang ang allowed nitong itawag sa kanya

"O. M. G.!!!" Tili niya, "Is it a good sign?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa sarili.

Kahit nakalabas na siya sa building ay nananatiling lutang ang kanyang isip. Sobrang saya niya sa kaisipang napapansin na rin ni Primo ang mga effort na ginagawa niya.

Habang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan, narinig niyang muli ang tunog ng kanyang cellphone.

Nakangiti niya iyong kinuha sa pag-aakalang si Primo iyon. Ngunit nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka ng makitang unregistered number iyon.

"Who's this?" Kunot noo niyang tanong sa caller.

"Miss me, Baby?"

Bumundol ang kaba ni Leticia ng marinig ang pamilyar na boses.

"It's been four years, Leticia. Did you get the ring or did you really fall for Supremo? Which one did you do, Baby?"

Walang salita ang namutawi sa kanyang bibig dahil sa labis na kaba.

"I'm watching you, Baby."

Lumingon sa paligid si Leticia at tama ito, pinapanood siya ng lalaki habang nakasandal sa itim na kotse hindi kalayuan sa kanya.

"Don't try to betray me, Leticia. You know how I punish a traitor," Banta nito bago patayin ang tawag at pumasok sa sasakyan.

Nangatal sa kaba at galit si Leticia habang nakatingin sa papalayong sasakyan.

"D'mn you, Nate!" sigaw niya.

...

...

...

Sino si Nate? Hahaha!

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
10.7K 667 35
I. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...