Flawed Series 1: Lost in His...

By elyjindria

3.7M 105K 36.3K

(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innoc... More

Lost in His Fire
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 12

102K 3K 1K
By elyjindria

Hindi ko pa rin maiwasang mapangiti sa tuuwing naaalala ko ang nangyari sa amin ni senyorito kagabi. Unti-unti na talaga siyang nagbabago sa paningin ko. Mukhang hindi naman pala siya ganoong kasama kagaya ng inaasahan ko. 

"Elaine, bakit parang hindi maayos ang paglalakad mo?" tanong ni Ria. 

Napatigil ako sa pagmo-mop at napatingin sa kan'ya. Bahagyang nag-init ang mukha ko sa tanong n'ya. Napakamot na lang ako sa batok ko bago sumagot. "A-Ano... Nadulas kasi ako kagabi sa banyo," sabi ko na lang saka muling tumuloy sa paglilinis. 

"Clumsy ka talaga... Ah, teka, bakit pala bigla kang nawala sa bahay-aliwan? Alalang alala ako sa 'yo dahil hindi kita mahagilap," nag-aalalang sinabi n'ya. 

"A-Ah, ano kasi... H-Hindi na ako magtatrabaho sa bahay-aliwan. Hindi na kasi ako pinapayagan nina Nanay," pagdadahilan ko na lang. 

"Ah gano'n ba?" Napatango siya. "Sige ha, sa kusina muna 'ko."

Tumango na lang ako saka muling nag-mop. Natigilan lang ako nang makarinig ng maingay na takong. Napatingin ako sa pinanggalingan no'n ngunit agad akong napatungo nang makitang si Senyora Eleanor iyon. Hangga't maaari ay iniiwasan kong makasalubong ang senyora lalo kapag wala siyang kausap sa phone. Minsan ay mainit din ang dugo n'ya sa akin nang walang dahilan. Nasabi sa akin ni Nanay na hindi naging maganda ang relasyon nila ng senyora dahil madalas nagsasalita si Nanay pati na rin si Tatay kapag may ginagawang hindi maganda ang senyora. Sina Nanay kasi ang tipo na hindi basta tumatahimik kapag may nakikitang mali. Hindi sinabi sa akin ni Nanay nang detalyado ang tungkol doon.

Madalang ko rin namang makita ang senyora sa mansyon kaya hindi siya gaanong problema sa akin. Pero kapag nakikita n'ya ako lalo at hindi siya gaanong abala sa hacienda, talagang pinag-iinitan ako nitong maigi. Mukhang sa akin n'ya ibinubunton ang inis n'ya sa mga magulang ko. Tinitiis ko na lang talaga dahil sayang din ang kinikita ko rito at minsan lang din naman nangyayari ang mga ganoong sitwasyon. 

"Elaine!"

Napapitlag ako nang tawagin ako ng senyora. Napalunok ako saka tumingin sa kan'ya at tipid na ngumiti. "B-Bakit po, Senyora Eleanor?"

Napataas ang kilay ng senyora saka tumingin sa hawak kong mop. "Mukhang masyadong madali ang trabaho mo rito... Nasasayang lang yata ang ibinabayad namin sa 'yo."

"P-Po?" tanong ko na lang. Hindi ko mapigilang kabahan. 

"Wipe the floor again, but don't use map. Kumuha ka ng basahan at kamayin mo ang--" naputol ang sasabihin ng senyora. 

"Old hag." 

Natigilan kaming pareho nang marinig ang boses ni Senyorito Zamir. Tanging jogging pants lang ang suot nito at wala na namang damit pang-itaas. Lumapit siya kay Senyora Eleanor, pasimple pa siyang napatingin sa akin. 

"Ano na naman ang kailangan mo?!" asik ng senyora kay senyorito. 

"I have to talk to you about something," sabi ni Senyorito saka muling tumingin sa akin. 

Natigilan ako nang senyasan n'ya ako na umalis. Kahit nagtataka, tumango na lang ako at tahimik na umalis doon. Narinig ko pa ang galit na sigaw ng senyora bago ako tuluyang makaalis. 

Nang makalayo na ako sa kanila, napabuga ako ng hangin at napasapo sa dibdib ko. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko nang mapagtanto ang ginawa ni senyorito. Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang mukha ko. Marahang tinampal-tampal ko ang mukha ko upang pakalmahin ang sarili. 

Bumuga na lang ako ng hangin at bumalik na sa trabaho, ngunit hindi maalis ang senyorito sa isip ko. Halos buong oras na nagtatrabaho ako ay naiisip ko siya.

"Pst, huy, Elaine. Sa kusina tayo. Nagpapaluto si Senyoritang suplada--este si Senyorita Adrianna dahil dadating daw ang manliligaw n'ya," sabi ni Ria saka tinapik ang balikat ko. 

Natigilan ako nang may maalala ako... Sinabi nga pala ni Senyorita Adrianna na h'wag akong pumasok sa trabaho ngayon. Nakalimutan ko na dahil sa dami kong iniisip... Pero wala namang dahilan para hindi ako magtrabaho... Hindi na lang ako magpapakita sa kan'ya. 

Nagtungo na ako sa kusina para tumulong sa pagluluto. Pagkatapos no'n ay naghain na sila. Nakiusap na lang ako kay Ria na hindi ako maaaring tumulong sa paghahain dahil ayaw kong magpakita kay senyorita. Buti na lang at pumayag siya. Agad na lang akong naghanda para umalis. Hapon na rin naman, e. Ipagpapaliban ko na lang muna ang pagligo sa ilog. Mas mahalaga na hindi ako makita ni Senyorita Adrianna. 

Akmang lalabas na sana ako ng mansyon ngunit natigilan ako nang makitang may lalaking nakatayo malapit sa pintuan ng mansyon. Nililibot nito ang tingin sa paligid, mukhang hindi n'ya alam kung saan didiretso... Siya na ba ang bisita ni Senyorita Adrianna?

Lumapit ako sa kan'ya, agad naman siyang napalingon sa akin. Bahagya pa siyang natigilan nang makita ako na ipinagtataka ko ngunit tipid na ngumiti na lang ako sa kan'ya.

"Senyorito... kayo po ba ang bisita ni Senyorita Adrianna?" magalang na tanong ko. 

Saglit pa siyang natulala habang nakatitig sa akin. Napatikhim siya at tumango nang tila nahimasmasan. "Y-Yes... Ahm, by the way, I'm Matthew," pagpapakilala n'ya saka inilahad ang kamay. 

Agad akong tinablan ng hiya. "M-Magandang hapon po, Senyorito Matthew," sabi ko na lang. 

Bahagyang tumawa si Senyorito Matthew. "Ah, drop the senyorito, it's cringy. Matthew na lang," nakangiting sabi n'ya saka inilapit ang kamay n'ya. Tila gusto nito makipagkamay. 

Dahil ayaw ko namang maging bastos sa bisita ni senyorita. Tinanggap ko na lang ang kamay ni Matthew saka bahagyang ngumiti sa kan'ya. Mas lalo siyang napangiti. Agad ko na lang inalis ang kamay ko mula sa kan'ya... Mukha talaga siyang taga-siyudad sa paraan ng pananamit n'ya at pananalita. Mukha nga itong modelo. 

"Ano'ng pangalan mo?" tanong n'ya. 

Napakurap ako sa tanong n'ya. Ito yata ang unang beses na naging interesado sa akin ang bisita ng mga Castellon. Walang nag-aabalang magtanong ng pangalan ng mga katulong na gaya namin noon. 

"Ahm... E-Elaine po ang pangalan ko, senyori--ah, Matthew," sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. 

"Elaine... I hope we'll get to know each other more," nakangiting sabi n'ya. 

Nagtataka man ako sa sinasabi n'ya, tumango na lang ako. "Ahm... naghihintay po si Senyorita Adrianna sa loob. Gusto n'yo po ba na dalhin ko kayo sa hapag?" tanong ko. 

Natigilan si Matthew. "Ah. no... I mean, before we go there, pwede bang ilibot mo muna ako rito sa hacienda?" tanong n'ya. 

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit gusto n'yang lumibot muna bago puntahan ang senyorita. 

Napailing ako. "S-Si Senyorita Adrianna na lang po siguro, kanina n'ya pa po kayo hinihintay. Mauna na po kayo sa loob," sabi ko na lang. 

Napangiwi si Matthew saka napakamot sa batok. "Then... can I just get your number?" tanong n'ya saka inabot ang phone n'ya sa akin. 

Napatingin na lang ako roon. Pilit na ngumiti ako at umiling. "Wala po akong cellphone," pagdadahilan ko na lang. 

Marahang tumawa si Matthew. "Then, what is that?" tanong n'ya saka itinuro ang hawak ko sa kaliwang kamay ko. 

Natigilan ako at napatingin sa hawak ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko nga pala naipasok ang cellphone ko sa bag ko. Napabuga na lang ako ng hangin saka muling tumingin kay Matthew. Sa totoo lang ay ayaw kong ibigay ang number ko sa kan'ya, pero baka isipin n'ya naman na masyado akong suplada. Baka malaman pa ito ni Senyorita Adrianna at magalit sa akin dahil hindi maganda ang trato ko sa manliligaw n'ya. 

"B-Bakit n'yo po gustong makuha ang number ko?" tanong ko na lang. 

"Ahm... Well, kapag kailangan ko ng matatanon. Ite-text or tatawagan na lang kita," sabi pa n'ya. 

Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko saka nag-aalangang inabot sa kan'ya ang cellphone ko. Mas lalo namang napangiti si Matthew saka nagpindot doon. Itinipa n'ya roon ang number n'ya at kinuha na rin ang number ko. Ibinalik n'ya sa akin ang cellphone ko pagkatapos. 

"Salamat, Elaine... By the way, pauwi ka na ba? Pwedeng hintayin mo muna ako. Gusto kong gumala rito sa Vista Querencia, magpapasama sana ako sa'yo."

Natigilan ako sa sinabi n'ya. "M-May trabaho pa po ako," sabi ko na lang. 

Marahang napahalakhak si Matthew saka hinawakan ang balikat ko. Napapitlag ako sa ginawa n'ya at gulat na napatingin sa kan'ya. 

"Well, I can pay for your time."

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at bahagyang inilayo ang balikat ko sa kan'ya. "H-Hindi na po. Kailangan ko na pong umalis," sabi ko na lang.

"Wow, ang sipag mo... Sana bukas pwede mo na 'kong samahan," nakangiting sabi n'ya saka inangat ang kamay at hinaplos ang kamay ko. Napapitlag ako sa ginawa n'ya. 

"Elaine!" 

Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang boses ni Senyorita Adrianna. Napalingon ako ro'n ngunit agad din akong napatungo nang makita ko ang masamang tingin nito sa akin habang papalapit sa amin. 

"M-Matthew, nandito ka na pala. Hindi ka man lang nag-text," sabi ni Senyorita Adrianna saka agad na lumapit kay Matthew. Bahagyang lumayo na lang ako sa kanila. 

"Oh, I was just..." Tumingin sa akin si Matthew. 

Agad na humawak si senyorita sa braso ni Matthew. "Sa dining area na tayo. Nagpaluto na ako ng food for us," sabi ni senyorita habang hila hila si Matthew papuntang dining area. Napalingon pa sa akin si Matthew bago tuluyang nagpatianod kay Senyorita Adrianna. 

Tila nakahinga ako nang  maluwag nang wala na silang dalawa. Napailing na lang ako at akmang aalis ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang si Senyorito Zamir ang bumungad sa akin paglingon ko. Agad akong napakagat sa loob ng pisngi ko upang pigilin na mapangiti nang makita siya. 

"S-Senyorito Zamir..." anas ko na lang. 

Ngunit natigilan ako nang mapansing nakakunot ang noo nito, tila ba galit siya. Napasinghap na lang ako nang basta n'ya hinablot ang kamay ko saka hinila ako papuntang silid n'ya. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya roon... mukhang galit nga siya. Bakit siya nagagalit?

"S-Senyorito..." sabi ko na lang nang maisara na n'ya ang pinto. 

Natigilan ako nang hubarin n'ya ang suot na t-shirt saka inihagis 'yon sa kung saan. "Remove your clothes... we'll have sex," malamig na sinabi n'ya. 

"S-Senyorito... D-Dito po? Nandito po tayo sa hacienda... B-Baka may makakita po sa akin mamaya kapag--"

"Is that important than your job? Your main job is to pleasure and satisfy me whenever I want to."

Natigilan ako sa sinabi n'ya... Napalunok na lang ako at napakapit nang mahigpit sa bag ko. Ano ang nangyayari? Kagabi lang ay ayos pa kami. Bakit nagbago siya? May nagawa ba akong mali? 

Napalunok na lang ako at sinunod ang sinabi n'ya... Hinubad ko ang suot kong damit. Napasinghap na lang ako nang hindi nag-aksaya ng oras si senyorito at binuhat ako saka dinala sa kama. 

Hindi mapigilang manikip ng dibdib ko... Akala ko pa naman ay ayos na kami ni senyorito. 

TAHIMIK NA NAKAUPO lang ako sa kama habang nakatingin kay senyorito na naninigarilyo at nakatingin sa bintana. Napatingin ako sa orasan, gabing gabi na. Kailangan ko ng umuwi. 

Napalunok na lang ako at inayos ang pagkakabalot ng kumot sa hubad kong katawan. Mabigat ang pakiramdam na kinuha ko ang mga damit ko at agad na isinuot 'yon habang hindi siya nakatingin. 

"A-Aalis na po ako," tipid na sinabi ko na lang saka agad na lumabas ng silid n'ya. 

Madilim na sa buong mansyon nang lumabas ako. Malamang ay tulog na ang mga tao. Napabuga na lang ako ng hangin at napailing. Inabot na ako ng gabi rito. 

Nang nasa sala na ako, natigilan ako nang may humawak sa braso ko. Napalingon agad ako ro'n dahil sa kaba... ngunit humupa ang kaba ko nang makitang si Senyorito Zamir lang iyon. 

"B-Bakit po, senyorito?" tanong ko na lang. 

Napatingin si senyorito sa couch. "Let's have sex there," sabi n'ya saka muling tumingin sa akin. 

Natigilan ako sa sinabi n'ya, nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. "S-Senyorito... kung gusto n'yo po, doon na lang tayo sa silid mo. B-Baka may makakita sa atin k-kapag--"

Naputol ang sasabihin ko nang agad n'yang siniil ng halik ang labi ko. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa halik n'ya... Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa nangyayari... Sa sala kami nagtalik. Muntik pa kaming nahuli ng katulong din na si Manang Gloria... Abot abot sa dibdib ko ang kaba ngunit naging mahina ako sa mga halik at haplos ng senyorito. 

PAGDATING NG sumunod na araw, masakit na naman ang buong katawan ko kagaya ng inaasahan ko. Madaling araw na yata bago tuluyang nagsawa si Senyorito Zamir. Kung hindi pa ako nakiusap na talagang pagod na ako, tila wala pa yata siyang balak na tumigil. Hindi ko pa rin matukoy kung saan n'ya nakukuha ang lakas n'ya sa pakikipagtalik, tila hindi 'yon nauubos. Ni hindi ko alam kung paano ko pa nagawang umuwi at pumasok ulit sa trabaho. 

"Hey, Elaine! Wipe my foot, natuluan ng juice."

Natigilan ako at napatingin kay Senyorita Adrianna. Sinunod ko na lang ang utos n'ya at lumapit sa kan'ya. Lumuhod ako sa harapan n'ya at pinunasan ang makinis n'yang paa gamit ang laylayan ng pang-katulong kong uniporme. Hindi maganda ang pagtrato nito sa akin ngunit tinitiis ko na lang dahil kahit papaano ay malaki ang sweldo ko rito sa mansyon nila.

"What the fuck?! Did you just use your dirty uniform to wipe my foot?! Tanga ka ba?!"

Napaigik ako nang basta na lamang nitong sinipa ang balikat ko. Napahawak ako ro'n dahil medyo napalakas ang pagkakasipa n'ya ro'n. Napadaing na lang ako nang basta nito hinila ang buhok ko. Malakas ang pagkakahila n'ya ro'n na halos humapdi na ang anit ko.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali sa kan'ya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang mainit ang dugo sa akin ng senyorita... Hindi ko maintindihan. Dahil ba pumasok ako sa trabaho kahapon kahit sinabihan n'ya ako na h'wag pumasok?

Natigilan kaming pareho nang biglang dumating si Senyorito Zamir at mukhang kakatapos lang maligo. Napakunot ang noo n'ya nang maabutan kami sa ganoong tagpo ni Senyorita Adrianna ngunit nagkibit-balikat na lang ito at hindi kami pinansin. Kumuha lang ito ng tubig saka agad ding umalis.

Inaasahan ko na 'yon ngunit hindi ko mapigilang madismaya at malungkot habang hinahabol siya ng tingin... Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako na ayos lang sa kan'ya na nakikitang sinasaktan ako ng kapatid n'ya. Nalulungkot ako na para bang wala siyang pakialam kung ano man ang gawin sa akin ng ibang tao na para bang wala kaming mainit na gabing pinagsaluhan... Kahit pa alam ko na hindi na dapat ako umasa ng kahit ano mula sa kan'ya dahil alam ko naman kung ano lang ang tingin n'ya sa akin.

Para sa kan'ya... isa lang akong babae na binabayaran n'ya upang maibsan ang init ng katawan n'ya. 

Hindi na dapat ako umasa dahil lang pinakitaan n'ya ako ng panandalian kabutihan noong mga nakaraang araw. Masyadong naging mataas ang tingin ko sa sarili ko... Masyado akong umasa na marahil ay may magbabago sa pagitan naming dalawa. 

"Damn you, bitch... Ano ba ang nakita sa 'yo ni Matthew?" mariing sinabi ni Senyorita Adrianna saka mas hinila ang buhok ko. 

"S-Senyorita... Hindi po kita naiintindihan," daing ko. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko. 

"You stole Matthew from me! Dahil sa'yo, wala na siyang balak ligawan ako! I can't believe it... someone like you... a filthy woman like you..." 

Napaigik na lang ako nang makatikim ako nang malakas na sampal mula sa kan'ya. Nanginginig ang mga kamay na napahawak ako sa pisngi ko. "S-Senyorita..."

"Matthew likes you more than me! You fucking bitch!" Inangat n'ya ang kamay at akmang sasampalin ako.

Napapikit na lang ako nang mariin habang naluluha... Ngunit natigilan ako nang walang palad na dumampi sa pisngi ko. Marahang idinilat ko ang mga mata ko saka tumingin kay senyorita. Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang may nakahawak sa palapulsuhan ni Senyorita Adrianna. Natigilan ang senyorita at namutla. 

"M-Matthew... W-Why are you still here?" nauutal na tanong ni senyorita. 

Napatingin ako kay Matthew. Tumingin din siya sa akin saka agad na binitiwan ang senyorita. Humawak siya sa balikat ko saka inalalayan ako patayo. Kahit hinang hina ang mga tuhod ko ay pinilit ko pa ring ituwid ang binti ko saka tumayo. 

Tumingin muli si Matthew kay senyorita. "You're so disappointing, Adrianna," sabi ni Matthew saka iginiya na ako paalis doon. 

Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kan'ya. Narinig ko pa ang sigaw ni senyorita bago kami tuluyang nakalayo... Hinang hina ako sa mga nangyayari. Napatingin na lang ako kay Matthew nang makalabas na kami ng mansyon. 

"S-Salamat, Matthew."

Ngumiti siya sa akin saka hinaplos ang pisngi ko. "I'll drag you out of this hell if you want to, Elaine."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
8K 190 4
Sylestia wanted nothing but a good future. Sick and tired of her poor provincial life, Syl left her hometown without bidding goodbye to anyone-pati n...
188K 8.8K 41
Keandro Izaak Vergara is a happy go lucky guy not until he met a boy on a bar and become his everything for a short time. Selo Vennice Matteo who gi...
1.5M 36.1K 41
Savannah Lewinsky just finished college with her boyfriend and her best friend. As a celebration, they decided to go on a retreat in a small town in...