Hart with Lav and Valentine

By pandan05

1.1K 87 94

Hart and Lav with Valentine. These guys are perfect if your goal is to ruin your life like how their lives ar... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 10

34 4 4
By pandan05

NAKAKAMISS DIN PALA

Valen's POV

Mag-aalas singko na ng hapon at kasalukuyan akong naglalakad papunta sa likod ng lumang building kung saan ang abandonadong parking lot. Nasa gawing pinakalikod ito ng school kaya imposibleng may estudyanteng mapapadpad dito.

Hindi ko na inaya sila Leon at Hiro na sumunod sa akin. Ayoko ng maraming drama mula kay Hiro at panigurado si Leon naman ay nandun na sa kung saan mang club para magliwaliw.

Wala akong pakialam sa kung ano man ang mangyayari. Oo, alam ko kung pano makipaglaro si Hex. Madumi. Napakadumi. Pero maganda nga iyon. The worse, the better.

Isa pa madami ding atraso iyang lalaking iyan sa amin. Lalong lalo na sa akin. Pasalamat sya't pagbibigyan ko sya.

Hex Gabriel Cameron. Kung gaano ka-anghel ang pangalan nya, ganun naman kademonyo ang ugali nya. Sya ang leader ng kanilang grupo. At ang grupo nilang hindi kami mapatumba. Hindi na rin mabilang kung ilang beses na kaming nakipagsagupaan sa kanila. Pero iisa pa rin ang kinalalabasan, hindi nila kami kaya. At sya nga pala, malakas ang apog ng lalaking iyan dahil isa ang mga magulang nya sa may malaking shares dito sa school kaya ayan, akala nya sa sarili nya gwapo. Pwe!

Agad na sumirado ang malaking pintuan ng tuluyan na akong makapasok sa abandonadong parking lot.

Ilang sandali pa ay nagsilabasan na ang mga iilang estudyanteng nakangisi sa akin, yung iba naman ay gusto na akong hambalusin ng mga kahoy at bakal nilang hawak. Mga halatang excited. Tsk. At syempre ang grand entrance ni Hex kasunod ang tatlong lalaking mga kagrupo nya.

Ngumisi sya sa akin at agad na marahas na iniluwa ang chewing gum nyang nginunguya saka muling tumingin sa akin. "Nakalimutan ko nga palang sabihin kanina, welcome back"

"Nakakalungkot namang isipin na hanggang ngayon hindi ka pa rin makamove on sa mga nangyari." supalpal ko sa kanya saka ngumisi din

Pero hindi naman sya nagpatinag. "Nasaan na yung iba? sa pagkakatanda ko, lima kayo diba? masyado ba silang natakot at hindi na sumama? nako! papano ba yan? naparami ata yung mga inimbitahan ko" inosente nyang tugon. "Makakagapang ka pa kaya mamaya?" pahabol pa nya

"Hindi ba ikaw ang nagmumukhang natatakot nito?" tanong ko sa kanya bago ngumisi. "Alam mo naman pala kung iilan lang kami tapos buong baranggay pa yung kinunchaba mo"

"Hindi takot ang tawag jan, kundi paninigurado" sagot naman nya kaya nagtaka ako. "Paninigurado dahil talagang pupuruhan na kita! at sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ko na talagang manghihiram ka ng mukha sa kambing!" nanggigigil nyang sabi.

Well, sorry nalang sya, dahil sa tatlong taon kong pamamalagi sa Seoul, walang araw na walang humahabol sa akin.

"Tsk. Alam mo tama na yang satsat. Wala namang kabuluhan eh, mas gugustuhin ko pang makinig sa mga Homily ni Hiro kesa jan sa mga walang kwentang salita na lumalabas sa bibig mo. Hindi kasi bagay sa isang talunan na katulad mo."

Muli itong ngumisi. "Huh.. tingnan lang natin kung hindi ka magmakaawa mamaya. Geh! Umpisahan na! dalhin nyo nalang sa akin kapag nangingisay na"

Matapos ng kanyang sinabi ay doon na nga naglakad ang napakaraming lalaki papunta sa gawi ko. May iba't ibang hawak silang mga kahoy at bakal na ipapalo especially for me.

Mayamaya pa ay nag-umpisa na silang sumugod sa akin kaya ako naman ay ginagantihan din sila ng mga suntok at mga moves kong ako lang ang nakakagawa.

Huh? anong akala nila? mapapatumba nila ang isang Lem Valentine? It's impossible! sa dami na ng mga nakasagupa ko, balewala lang to.

Ilang sandali pa ang nakalipas at marami na rin akong napatumba, pero hindi pa rin sila maubos ubos, lalo pa atang dumarami. Nag-uumpisa na ring mapagod ang katawan ko, lalo na yung mga kamao ko.

Tumingin ako sa gawi nila Hex at nakikitang nag-eenjoy naman ito sa panonood na animo'y isang pelikula ng plants vs zombies ang showing. Tsk. Sya yung mukhang zombie eh!

Pero dahil wala sa dugo ng mga Seinfeld ang magpatalo! mas lalong nagfocus lang ako sa pakikipag away.

Akma akong hahampasin ng isang lalaki ng kanyang hawak na bakal ng maunahan ko syang suntukin kaya napatagilid ito at matutumba na sana. Mabilis ko syang hinablot at ipinangsangga sa mga ilan pang susuntok sa akin. At nung bugbog sarado na sya ay mabilisan ko syang ipinahiga sa gilid. Kawawa naman kasi, napuruhan. Sino ba kasing may gawa nyan?

Kukunin ko na sana ang hawak nyang tubo ng may humampas sa likod ko kaya hindi ako nakabalanse dahilan para matumba. At sa pagkakataong iyon ay doon na nag-umpisa ang panghahalay--este pangbubugbog ng mga ulol na 'to. Pero syempre dahil nag-iisang Lem Valentine ako, ginawa ko paring makatayo at lumaban sa kanila. Swerte naman at may nahablot akong kahoy sa isa sa kanila kaya ginamit ko ito para mas madali ko pa silang mapatumba. Lahat ng inis at sama ng loob meron ako ay ibinuhos ko na sa mga gunggong na ito. At effective naman dahil mas mabilis ko pa silang napapatumba. Nawala na rin ata ang pagod na nararamdaman ko.

Sa gitna ng bakbakan ay biglang bumukas ang pintuan. Madilim na pala, pero kitang kita ko ang mga mukha ng dumating.

"Kuya Valen!!!!!" at sa pagsigaw ni Axel ay automatic na napatigil ang lahat. Nasa likod nya sina Leon at Hiro.

"Anak ng! ba't kayo tumigil! puruhan na din pati sila!" sigaw ni Hex mula sa gilid kaya muling nagpatuloy ang kaguluhan. But this time, may kasama na ako at apat na kami.

"Pasensya na at nahuli kami." sabay tabi sa akin ni Leon habang nakikipagsuntukan. "Si Axel kasi hindi namin mahahilap eh"

"Sisihin mo si Lav! wag ako kuya!" sabat naman ng isa mula sa di kalayuan

"Sana manlang nagmessage ka diba? nakakailang tawag na kaya kami sayo!" naiinis na sabat ni Hiro sa tabi nya at nakikipag away na rin.

"Si Lav nga kasi!" muli na namang sabi ng pinakabata sa amin.

Sya si Finn Alexander Watsons. Kaklase at matalik na kaibigan ni Lav. At kasama namin sa away palagi. 15 years old palang din yan pero may tinatagong taglay. Mas marami pa nga yang napapatumba kumpara sa amin noon. I bet, mas naging mahusay pa sya ngayon.

"Alam mo Valen pare, pahamak din yang abnormal pinsan mo minsan eh" nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi ni Leon

Sinipa ko muna ang lalaking susuntok sana sa kanya bago sumagot. "Oo, alam ko."

"Pero kahit alam mo na, sasabihin ko ulit." cool nyang sambit bago muling sumuntok. "Kung ayaw nyang nakikipagpatayan tayo, eh sana naman matuto syang rumespeto sa kung ano mang gustong gawin ni Axel! aba! hindi pwedeng wala iyang batang iyan kung nakikipagbakbakan tayo." matapos ng kanyang sinabi ay agad nyang inilagay ang kanyang kamay sa bulsa bago sinipa ang lalaking hahampas sana sa amin ng hawak nitong bakal.

"Wag mo ng sisihin si Lav, may point naman kasi sya." sabat ni Hiro sa kung saan man. "Sya lang din naman kasi ang hindi basagulero sa atin kaya intindihin nalang natin."

"Hindi nga basagulero, bulakbol naman" mabilis kong tugon habang nakapoker face.

"Wohoah! namiss ko to haha! iba pa rin talaga kapag magkakasama tayo! imagine 3 years ng walang kabuhay buhay yung lantang buhay ko haha! mukhang bumalik yung dating ako haha!" masayang sambit ni Axel na ngayon ay nasa ibabaw na pala ng lumang sasakyan at doon na nakikipagsuntukan

"Alam mo kung malapit ka lang sa aking bata ka, ako na mismo ang hahambalos sayo!" sigaw ni Hiro sa kanya

Napailing nalang ako bago muling sumipa. "Hindi pa rin pala nagbabago si Hiro. Buti nga at napagtyagaan mo pa ng ilang taon ng mag-isa"

"Naku sinabi mo pa! nakakabangag nga eh. That feeling na may kaibigan kang basagulero, pero yung ugali pangkumbento? sana naman nagfocus nalang sya sa pagiging basagulero. Ang weird lang kasi. Alam mo yun? akala nga din ng iba may matino akong kasama, ayun biglang natakot sila" problemadong sabi ni Leon habang pinapalo ng kahoy nyang napulot ang kanyang kalaban.

"Hoy hoy! wag kayong ano! naririnig ko kayo!" sigaw ni Hiro sa amin. "Saka anong basagulero Leon? matino pa rin akong tao! Pero dahil sa inyo, heto ako at nakikipagbugbugan ngayon"

"Oh eh, anong tawag mo dun?" sabay naming tanong ni Leon dahilan para kami ay mapangiti.

"Maybe we should stop badmouthing Hiro, alam naman nating magpapari yan. You'll go to hell." muling hirit ni Leon saka humarap sa akin

"Dude, I'll see a familiar face in hell anyway." sagot ko naman sa kanya

"Who?"

"You, of course!" at tuluyan na nga akong ngumisi. Kung wala lang sana kami sa sitwasyong ito, kanina pa siguro ako nakahagalpak ng tawa.

Ilang sandali pa ay konti nalang ang mga nakapalibot sa amin kaya naman hinanap ko si Hex at sakto namang nakita ko silang naglalakad na palayo.

"Leon, kayo na muna ang bahala ni Hiro dito, susundan lang namin ni Axel yung gunggong, tatakas na naman." bilin ko kay Leon na sya namang tinanguan ako.

Agad syang kumuha ng bwelo para mabilis na makatapak sa sementong gate at tumalon saka pinagsisipa yung ibang mga kaaway namin saka mabilis na tumakbo papunta kay Hiro at tinawag ito.

Tumakbo naman ako papunta sa sasakyan kung saan nasa ibabaw parin si Axel at busy pa din. "Axel!" pagtawag ko sa kanya..

"Yes Kuya?"

"Sila Leon na bahala dito, sundan natin yung kutong lupa, tatakas na naman eh." sagot ko bago hinawakan sa ulo yung isang lalaki saka ibinunggo sa pintuan ng kotse

"Aye captain!" pagkasabi nyang iyon ay agad syang tumalon pababa sa tabi ko. Nagkatinginan muna kami bago nagtanguan. "Sa Exit. Bilis!" pagkasabi kong iyon ay agad kaming tumakbo papunta kaliwang pintuan.

Yun nga lang, huli na ata kami sa pagdating dahil nakasakay na sila Hex sa isang sasakyan. Huminto kami sa pagtakbo at pinanood nalang silang tumatawa. Mga walang hiyang iyan.

"Hahaha! anong akala mo Valentine? mahahawakan mo ako? Haha! hoy gunggong! Paumpisa palang to! Diba sabi ko welcome back!? napakalayo pa natin sa climax! kaya wag kang ma-inip kasi marami pang magyayari! Adios!" pagkatapos ng kanyang sinabi ay umandar na ang sasakyan at mabilis na itong pinatakbo papunta sa gawi namin kaya agad akong tumakbo papunta sa pinakasulok habang si Axel naman ay tumalon para makahawak sa railing ng isang abandonadong sasakyan para makaakyat sa itaas nito.

Humarurot ang sasakyan nila palayo. Tsk. Jjajeungna!

"Bwiset!" rinig kong sigaw ni Axel bago tumalon ulit pababa. "Tsk! Makakaganti din tayo sa mga hayop na yun! lalong lalo na sa Hex na yun! baka akala nya hindi ko alam na sya yung nag-uutos sa mga taong sumusugod sa akin sa school! Tsk!"

"Oh ano na?" tanong ni Leon habang tumatakbo papunta sa amin

Nakasunod naman sa likod nya si Hiro. "Nakatakas ang mga loko?" tanong din nito habang nakasunod ang tingin sa sasakyan nila Hex.

"Mabuti nalang iyon." sagot ko sa kanila kaya agad silang napatingin sa akin. "Kasi kung naabutan ko sana, baka basag na mukha nun." saka ako napasmirk. "Pagnagkataon kawawa ang mga kamao kong ipandudurog sa kanya"

Ngumiti naman si Leon. "Sabagay, ako nga kinulangan eh"

"Nakakamiss din pala ano?" muling tanong ni Hiro sa amin. "Nakakapagod din kasing maging good boy eh haha"

"Alam nyo, magcelebrate nalang tayo sa pagbabalik nila kuya Valen."

"Okay!" sabay naming sagot sa suhestyon ni Axel.

Nakakainis mang isipin ang mga nangyayari sakin sa pagbalik ko ng Pilipinas, naiibsan naman ito kahit papano. At hanggat nandito itong mga kaibigan ko, hinding hindi ako magpapatalo.

Honestly, I don't have any clue why that old man decided to bring us back here with some sh*tty announcement and decision. But it seems that he's up to something. Something big that makes the three of us involved, kahit na alam na alam nyang wala ng pag-asang maibabalik pa ang lahat sa dati.

Sabi nga ni Hiro dati, once the damage has been done, there's no way you can ever retrieve it. And I totally agree.

For now, all I want to know is the reason behind all of this. Hinding hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang tunay na plano ni tanda. Kailangan ko itong malaman para hindi na muling madamay pa.

At panigurado, may kinalaman dito yung babaeng hindi kagandahan.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 83.1K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
36.7K 2.6K 22
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
4.4M 245K 188
Now available in paperback on Amazon! Though the last chapter is read that doesn't mean the story is over. One shots for A Secret Service including...
140K 797 25
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...