Chained Scars (AS#6) ✔

By Vicissiveour

3.5K 265 11

"I am the most vulnerable person I have ever known in the my entire life, the dumbest, the weakest." More

Author's Note
P R O L O G U E
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 5
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 10
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 14
C H A P T E R 15
C H A P T E R 16
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 23
C H AP T E R 24
C H A P T E R 25
C H A P T E R 26
C H A P T E R 27
C H A P T E R 28
E P I L O G U E

C H A P T E R 4

119 11 0
By Vicissiveour

“KUYA . . .”

Si Hanna lang ang nakapagsalita sa aming lahat. Napalinga-linga na lang ako sa paligid para maiwasan ang mga mata ni Hans. At patungkol naman sa sinabi niya . . . ‘di ko maiwasang ‘di matuwa roon. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng isa pang kakampi bukod kay Ate Mathelda.

“Kumain na ba kayong lahat? I bought boxes of pizza for us,” he says without taking his orbs on me. “Waz, don’t worry as I’ll investigate about what happened earlier. Huwag kang masyadong mag-alala. You’re safe here.”

Parang bata akong tumango.

“. . . and Selena, I bought new phone for you. I am sorry kung hindi ko naibigay nang mas maaga.”

Napatitig ako kay Selena na na-gui-guilty na yumuko. “S-Salamat. Nabigla lang talaga ako kanina kaya kung ano-ano na ang pinagsasasabi ko. Pasensya na . . .”

“You should say that to Waz,” he utters.

“Hindi, okay lang talaga! Naiintindihan ko naman.” Nginitian ko si Selena. Nalungkot ako noong hindi man lang siya ngumiti pabalik pero bahala na.

“Can I go in?” napatingin akong muli kay Hans nang magtanong siya. Tinutukoy niya ang kwarto ko.

Kasabay nang pagpasok naming dalawa ang pag-alis ng magkakapatid. He gracefully puts his hands on the side of his pockets as he marches towards the window. Hindi naman amoy bulaklak ang kwartong ‘to at ‘di rin naman mabaho kaya kampante na ako.

Matangkad siya, kaya kailangan niya pang yumuko nang todo para ma-lebel ang tingin sa labas ng bintana. Pero ‘di ko naman siya narinig na umangal. Sa halip ay makikita sa mga berdeng mata niya ang pag-aalala habang nakamasid sa poste.

“Diyan ko siya nakita kanina . . . ‘Yong lalaki.”

Isang beses siyang lumingon sa ‘kin, at halos ikagulat ko na ‘yon.

“I am sorry. Nagulat ba kita?” Natawa siya nang marahan.

“Okay lang. Magugulatin talaga ako.” Tumawa rin ako at inayos ang mukha. “H-Hmm, ‘yong letter pala, ang totoo niyan ay napunit ko na kanina. Kinabahan kasi ako at ‘di ko napigilan ang sarili na i-flash ‘yon sa inidoro.”

Natawa na naman kaming dalawa sa ‘di matukoy na dahilan. Saan ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Sa parte na ni-flash ko sa inidoro ang letter?

“Isa talaga ‘yon sa mga dahilan kaya pumunta ako rito. Pero I have left with no choice but to accept the fact that you already dumped it.”

Bumuntong-hininga siya. Ngayon lang din ako nakaramdam ng paghihinayang. ‘Yong sinayang ko kanina ay puwede maging pruweba kung sakali na mahuli namin ang lalaki na ‘yon.

“Stop blaming yourself, though. Maghahanap tayo ng ibang paraan para malaman kung sino ang lalaki na ‘yon.”

Napatitig ako sa kaniya lalo.

He tilts his head in another side, amused. “What now?” and laughs.

“B-Bakit ka pala alalang-alala sa kaligtasan ko, Hans?” Go, Waz, kaya mo ‘yan. “Ang ibig kong sabihin ay pwede ka namang mag-hire na lang ng tauhan kaya . . . K-Kaya naisip ko na pwede rin naman na ganoon na lang ang gawin mo para ‘di ka na maabala, ‘d-di ba?” Hindi ba?!

“Hindi naman ako naaabala. Hindi ko na rin naisip na mag-hire like what you’re thinking. I like to personally do some things.”

Hindi na ako nagtanong pa. Tahimik lang siyang umupo sa kama kagaya ko. Tinanong niya pa nga ako kung gusto ko pa bang magpatuloy sa pag-aaral. Hindi ako nakasagot pero halatang ramdam niya na gusto ko; gustong-gusto ko.

“Are you okay with modular learning?” tanong niya nang dahan-dahan.

Napaisip naman ako roon. Gusto ko ba ang ganoon na set up? Eh, papaano naman ang hiling ko na maranasang um-attend sa school at makasalubong ang kapwa ko students at makahawak ng mga makakapal na libro habang naglalakad sa pathway ng isang university?

“I don’t know what to decide. Pero maraming mga tao ang gustong manakit sa ‘yo. Your father enemies are targeting you. I can’t risk your safety, Waz.”

Naiintindihan ko naman siya. Masasayang lang ang lahat ng pag-iingat ko kung sakaling piliin ko ang sariling kagustuhan. 

“Pero puwede ka namang bumalik sa pag-aaral under face-to-face learning, kung lilipat lang kayo ni Ate Mathelda sa mas ligtas na lugar. Only if you are willing, though.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“My family own a land sa isang Probinsya. Naroon mostly ang mga kamag-anak namin. The school is near my house. Naisip ko na bagay ka roon?”

You mean?

“Yes, only if you want to live in my house, kasama syempre sina Ate Mathelda at ang mga anak niya.”

“Parang nakakahiya na?”

He shakes his head.

“. . . I mean, bahay mo ‘yon, kaya ba’t ko titirahan?”

“Do you want to study, right?’

“Y-Yes . . .”

“Then that home is the safest place I can recommend. What do you think?”

Natatakot na ako sa bahay na ‘to kaya personally gusto ko na rin lumipat sa iba. Pero inaalala ko si Ate Mathelda. Kung ‘di sila sasama sa ‘kin, edi rito na lang din ako. Sa pagkakaalam ko, narito rin ang trabaho ni Ate, nasa malapit lang ang karenderya na pinapasukan niya.

Napatingin ako kay Hans. “Pero si Ate, may trabaho siya rito, e’. ‘Tapos sina Selena at Hanna ay naka-enroll na rin.”

“I can give her a new job in Province. I am willing to give her allowance para pwedeng ‘di na siya magtrabaho. Also, ako nang bahala sa pag-aaral nina Selena at Hanna.”

Napangiti ako. Sa totoo lang talaga ay gumagaan na ang pakiramdam ko. I mean, magiging malaya na rin ako. Papunta na rin ako sa isang lugar kung saan pwede na akong mamasyal.

“Kakausapin ko sila mamaya,” pinal kong sabi. “Salamat talaga sa lahat. ‘Di bale, kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, sa kompanya niyo ako magtatrabaho nang walang sweldo.”

He laughs. “That’s unfair to your side.”

“One-fourth na lang ng sweldo ko ang kukunin ko para may pambawi ako sa lahat ng tinulong mo sa ‘kin.”

“No, Waz, hindi mo kailangang bumawi. Just you being safe is more than enough to Mom and to me as well.”

Napalabi ako. “Speaking of her, p-puwede ko rin ba siyang makausap? Kahit sa telepono lang sana.”

“Here.” Inilahad niya sa ‘kin ang phone na galing sa bulsa niya. Ilang beses pa akong kumurap para malaman kung nagbibiro lang ba siya o ano.

“Ipapahawak mo sa ‘kin ‘yan?” Nakaawang pa rin ang bibig ko sa gulat. Nakita ko ang pagtiim-bagang niya at kung papaano siya lumunok. Napatanong tuloy ako sa aking sarili kung may nasabi ba akong masama o ano.

“Sabi mo sa ‘kin gusto mong kausapin si Mama?” patanong niyang sagot. “And don’t use the word “ipapahawak”. You know, it kinda sounds inappropriate.”

Kumunot lang ang noo ko sa kaniya, kaya mas lalo siyang naging iritable?

May kasalanan ba ako? Ito ang unang beses na nakita kong supladong-suplado ang dating niya. Pero, ‘di ko rin naman maipagkakaila na kahit anong ekspresyon ng mukha ay bagay pa rin sa kaniya. Magkasalubong ang kaniyang kilay, ang ilong naman na namumula ay nakakaaliw tingnan, dagdagan pa na ang kaniyang mga labi ay malapit nang ngumuso.

Ang cute lang.

“Wait, and I will dial her number first.” Minsan niya na lang ako kung tingnan. May mali na talaga.

“Hindi ba siya masyadong busy ngayon? Baka kasi nasa trabaho siya.” 

“She is surely in her office right now so . . .” His brows are furrowed. Mas nag-focus tuloy ako sa pagoobserba sa maganda niyang mukha kaysa sa mga kaniyang sinasabi.

“All right.” Tumayo siya. Balak ko sana siyang habulin kaso nakalabas na ‘to ng kwarto. Iniwan niya lang ang phone na nakalapag sa sheet. Napatitig ako rito nang mabasa ang isang pangalan sa screen.

“Tita Rica. . .” ako ang unang nagsalita sa pananabik. Sapat na ang katotohanan na isa siya sa nagbigay ng panibagong buhay sa ‘kin para makaramdam ako ng kasiyahan sapagkat kausap ko siya ngayon.

“Jesus, who are you? Wait, you are a girl, are not you? Why are you holding my son’s phone, though?”

Sa kaniyang boses ay maririnig mo talaga ang pagiging strikta. At kahit matagal na simula noong huli ko siyang nakita ay batid kong wala pa ring kasingkupas ang ganda niya.

“W-Waz po . . .”

Isang segundong katahimikan.

“Waz,” she breathes heavily. “How are you there? I am thankful that you called me! I feel relieved!”

“T-Tita, pwede po ba kitang makausap nang personal?” Hindi kasi sapat na through call lang ako magpapasalamat. Mas maganda ‘yong harap-harapan para na rin mayakap ko siya. “Kung okay lang naman po sa ‘yo.”

“Okay na okay, Waz, as long as it is you. Jesus, your voice is as smooth as your mom’s. Naaalala ko na tuloy ang kaibigan ko sa ‘yo.”

Napangiti ako sa narinig. “Salamat po. Salamat po sa lahat.”

“No, you have got to be kidding me! I do need to have some drama right now.” Tumawa siya at ramdam ko sa boses niya ang pagiging maarte na nasa tamang lugar naman. “Speaking of our meet up, when will you be available? Ako nang pupunta sa inyo riyan. You should not go outside for more safety. Anyway, is my son beside you?”

“Umalis po saglit.”

“He is an idiot.”

“Ano po ang ibig niyong sabihin?

“Nevermind. Anyway, Waz, about Hans,  he is not always by my side. He rarely goes home because he is always inside the company or beside you. That is why, remind him to take rest sometimes, please?”

Sino ba naman ako para humindi? At isa pa, ‘yan na lang din ang maaari kong maitulong sa kanila, para sa lahat ng ginawa nila. “Opo, Tita. Kakausapin po siya patungkol sa bagay na ‘yan.”

Hanggang sa, formally, tinapos namin ang tawag. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad nang lumabas ng kwarto. Alam kong matatagpuan ko lang siya sa sala na nakaupo at tama nga ako. Pero ‘di ko kaagad pinakita ang aking presensya dahil nabigla ako sa nakikita sa TV.

Namamalik-mata lang ba ako? Si Papa ba talaga na nakaharap sa camera habang sinasagot ang tanong ng mga reporters?

“It happened so fast. My princess is kidnapped. I need all your cooperation.” Umiyak siya at pakiramdam ko ay literal talaga siyang nasa harapan ko ngayon. “And for everyone information, I am willing to give an unquestionable prize anyone who can rescue my daughter from those kidnappers.”

Panibagong cliff na naman ang nag-play at pinakita nito ang isang saleslady na pakiramdan ko ay minsan ko na ring nakausap.

“Sigurado po ako na siya ‘yon. Nakasuot po siya ng jacket noong oras na ‘yon at isang babaeng teenager ang kasama,” ani nito. Halata sa mga mata niya na sigurado siya sa sinabi.

Mas lalo tuloy akong kinabahan. Mahuhuli na ba ako? Malaking halaga ang nakataya, kaya sigurasong marami ang hihiling na makita at ibalik ako sa ama ko.

“What did she say to you?” a manly voice wakes my system up.

“About the tv report,” ang hindi ko pagsagot sa tanong niya. Sadyang, mas binabagabag talaga ako ng napanood kanina.

“You are safe.”

“Pero papaano kayo? Baka punteryahin din kayo ni Papa?” Napahakbang ako papalapit sa kaniya.

Pero hindi nagbago ang ekspresyon niya. He is still wearing that brave expression. “‘Wag kang maisip nang masama. As long as you are with us, there is nothing for you to be worried about.”

Continue Reading

You'll Also Like

50.6K 1K 33
Second installment of Zambales Series
6.1K 459 59
Never Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
7.7M 223K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...