C H A P T E R 5

113 12 0
                                    

NAGING MABILIS ang pangyayari at nakapag-empake na kaming lahat. Ang dalawang magkakapatid ay mukhang sabik. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil akala ko ay kamumuhian na naman nila ako dahil sa pag-alis naming ‘to.

“Pasensya na talaga kayo. Pasensya na kung kailangan nating lumayo dahil sa ‘kin,” malungkot kong usal sa kanilang lahat.

Selena rolls her eyes. “Drama na naman. Umalis na nga lang tayo.”

Kapag siguro wala si Hans sa tabi namin ay baka humaba pa ang pang-asar niya sa ‘kin. Papunta na kami ngayon sa probinsya ng Davao del Norte. Hans warns me that their dialect there is sometimes confusing, pero lahat naman ay napag-aaralan so . . .

“Alam mo, Ma, ayaw ko talagang tumira sa probinsya,” narinig ko galing kay Selena. Nasa likuran ko kasi sila at nasa tabi ko si Hanna na tulog na tulog habang nakasandal sa aking balikat. “Pero malakas ang kutob ko na mas magandang bahay ang mabubungaran natin doon kaya go!”

Tumawa si Ate Mathelda. “Baka marinig tayo ni Hans, anak.”

Tumawa lang sila, kaya napangiti ako.

Him having lots of connections instantly got tickets for all of us. Aniya pa, dalawang oras ang biyahe sa eroplano at kailangan na naman naming sumakay sa taxi ng isang oras hanggang sa marating na namin ang lugar nila.

“Mabuti naman at ‘di ka mabilis mahilo sa mga biyahe-biyahe,” tahimik ang paligid nang magsalita si Hans. He is sitting in a seat in front of mine. May maliit na pillow sa kaniyang leeg. Hindi ako sumagot. Ayaw ko rin naman na mapahiya. Aba. Papaano na lang kung ‘di pala ako ang kinakausap niya?

“Waz . . .”

“A-Ahh, oo. Actually, pangalawang beses ko na ‘tong nakabiyahe. Una ay noong birthday ni Mama at pumunta kami ng Aklan.”

“Seryoso? As in? Pangalawang beses pa ‘to? Eh, ako nga, sa isang buwan ay ikalima ako nakakabiyahe!” Hindi makapaniwala si Selena.

“Mahilig ka kasing gumala, anak, kaya ganiyan si Waz kasi strikto ang Papa niya, hindi nga iyan nakapag-aral under face to face learning,” si Ate Mathelda.

“So, ibig sabihin lang din niyan ay never ka ring nakipag-date?”

“Hay naku, anak, ibahin mo ang alaga ko. Wala sa isip niya ang mga ganiyan-ganiyan.”

Naiiritang tumango si Selena noong nilingon ko siya. Mukha pa nga rin siyang nalilito sa klase ng buhay na mayroon ako no’n.

“Pero, Ma, kung mahal siya ng Papa niya, bakit siya sasaktan nito?”

Ngayon lang naging palatanong si Selena. At ngayon ay hinihiling ko na sana ay maging masungit na lang siya palagi sa ‘kin.

“Napag-usapan na natin ‘to, ‘nak.”

“Pero ‘di ko pa rin gets, Ma! Sumama kami ni Hanna sa pag-rerescue kay Waz pero ang totoo ay hindi pa rin ako nalilinawan sa nangyayari!”

“Mag-usap na lang tayo mamaya, Selena. Marami akong ikukuwento sa ‘yo,” natahimik siya sa binulong ko at suminghap na lamang.

Nang nasa airport na kami ay todo ang yuko ko. Kahit naman sinabi ni Hans na maraming nakabantay sa akin ay gusto ko pa ring makasiguro.

“Have a safe fly. Hanggang dito na lang muna ako.”

Napatingin ako sa lalaki. Inakala kong sasama siya sa ‘min! Hindi niya naman pinaalam na hanggang airport lang pala siya!

“Salamat sa paghahatid, Iho,” si Ate.

Hindi naman ako nakagalaw. Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa bumaling din siya sa ‘kin. Ang kulay berde niyang mga mata ay kumikislap dulot ng ilaw na hatid ng paligid.

Chained Scars (AS#6) ✔Where stories live. Discover now