Falling for Miss President

By phantasiaaaaa

4.3K 213 313

❝Hindi naman porket naka-glasses ay matalino na!❞ - Alora Camren. Isa si Alora sa mga taong napagkakamalang... More

Falling for Miss President
1.
2.
3.
4.
5.
NOT AN UPDATE
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.

6.

142 10 2
By phantasiaaaaa

The tutor

Breaktime na namin, we were about to leave the room nang tawagin kami ni Sydny. Kunot noo namin siyang tinignan nang tinuro-turo niya ang wrist watch niya.

"Ha?" Sabay naming sabi sa kaniya at kaming lima naman ay napatingin din sa kaniya-kaniya naming wrist watch.

Anong meron?

"Guys..." Makahulugang sabi ni Sydny. "Hindi niyo ba alam?" He added.

"Ang alin?" Tanong ni Diya.

Napatingin naman ako kay Brittney nang tapikin niya sa balikat si Sydny. "Sabi sa'yo eh, hindi 'yan mag si-seen." Natatawa niyang sabi.

"Anong meron?" Tanong ko.

"In-add namin kayo sa group chat na ginawa ni Ma'am kagabi, hindi kasi kayo pala seen." Aniya.

"Para saan ba 'yon?" Sofie asked.

"Para 'yon sa magiging tutor session natin. Nag announce siya kagabi na pumunta daw tayo sa office niya this breaktime," paliwanag ni Syd.

"So hindi tayo makaka-kain?" Tanong ni Diya.

Siniko ko siya dahil puro pagkain ang alam niya sa buhay. "Bakit? Gutom kaya ako." Bulong naman niya sa'kin.

"Lagi ka namang gutom, anong bago?"

"Ssh. Manahimik ka!" Bulong niya sa'kin.

Tinawanan ko lang siya at tinignan ang mga kaibigan ko. Tumango lang sila kay Sydny at sumunod na lang kami nang mag simula na silang maglakad.

"Kagutom." Si Chanelle habang nasa likuran ko.

Pumunta kami sa kabilang building dahil nandoon ang office ni Ma'am. Nang nasa second floor na kami ay tinungo namin ang pinakadulong room. Si Sydny ang kumatok ng tatlong beses.

Kasama namin ang tatlo naming kaklase na lalake. So anim lang pala kaming babae ang nag stay? Ngi.

Sumilip muna si Syd sa loob at wala sa sariling sinarado ulit at hinarap kami. Para siyang nakakita ng multo kasi nanlalaki pa ang mata niya.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Bebs, pwede pa ba mag backout?" Tanong niya.

Nakarinig naman kami ng sigaw ni Ma'am mula sa loob na sinasabing pumasok na daw kami.

"Pasok na daw!" Sigaw ni Brittney kay Sydny.

"Ikaw mauna!" Sigaw din nito.

"Eh bakit ba, ikaw na nandiyan! Bida bida ka kasi!" Inis na sabi ni Brittney.

"Para kayong buang, kung sabay na lang kaya kayo pumasok 'no?" Bored na sabi ni Diya sa kanila at umirap.

"Huy!" Saway ko sa kaniya.

"Ang tagal eh, 'wag akong paghintayin lalo na't gutom ako!" Aniya at humalukipkip.

"Tara, hawakan mo kamay ko!" Sigaw ni Brittney kay Sydny.

Naghawakan nga sila ng kamay at binuksan ni Syd ang pinto. Natigilan pa silang dalawa bago dahan dahang yumuko ng bahagya at magkaholding hands na pumasok sa loob.

Sumunod naman si Anjali at Chanelle, sa likod nila si Sofie na nasa harapan namin ni Diya. Napa-atras kaming dalawa nang biglang humarap sa'min si Sofie.

"Problema mo beh?" Tanong ni Diya.

"Oh my..." Mahinang sabi ni Sofie.

Pinaharap na lang siya ni Diya dahil stranded na kami sa may pinto, may tao pa naman sa likod namin at iyon ang kaklase naming lalaki.

Nang makapasok kami sa loob ay napahinto talaga kami ni Diya. Para kaming na-guidance sa ayos namin ngayon dahil nakatayo kami sa harap tapos madaming guidance counselor ang naka-mata sa'min. 

Literal na madami ang naka-mata sa'min ngayon. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Diya dahil sa kaba.

Narinig ko na lang ang pag sarado ng pinto pero para akong estatwa na nakatingin lang sa kaniya.

"So ayan, nandito na kayo. Sila pala ang magtuturo sa inyo."

Parang nabingi naman ako sa sinabi ni Ma'am. Sila daw ang magtuturo sa'min? Bakit? Iniwas ko ang tingin sa kaniya nang taasan niya ako ng isang kilay.

Hmp ang sungit!

Lumapit si Ma'am sa pwesto nila Syd at Britt dahil sila ang nasa unahan.

"Alam niyo naman kung anong subject ang itu-turo sa inyo 'di ba?"

Tumango naman kami sa tanong ni Ma'am. Chem at Physics sa'kin. Pinipigilan ko ang sarili na lumingon sa mga arm chair na nandito. Medyo malaki naman ang office ni Ma'am kaya kasya naman kami.

Tinanong si Sydny kung anong subject ang kaniya at tinuro ang babaeng Patty daw ang name. Isa siya sa mga head ng student council ah.

Nahihiya namang lumapit si Sydny sa kaniya, if I know sumisigaw na 'yan sa loob loob niya dahil ayaw niya sa babae, except sa'ming mga kaklase niya.

Nang ilahad na nung Patty ang isang arm chair na nasa harapan niya tsaka lang umupo si Syd. Sunod si Britt, tinignan ko yung tinuro ni Ma'am. Isang lalake ang gwapo. Florence daw ang name.

"Ma'am, may tanong po ako." Singit ni Sofie.

"Ano iyon?"

"Paano po kapag dalawa yung subject na ano?" Mahinang tanong niya.

"Ah okay, 'di ba ang sabi ko sa group chat ay two to three tao lang ang tuturuan nila per hour since vacant niyo ngayon dahil breaktime ay uunahin niyo yung isang subject and ang second naman ay sa uwian na. If tatlo ang kukunin niyo, the two will be tuwing uwian." Paliwanag ni Ma'am.

Tumatango na lang ako sa kaniya. Nakakaloka! Bakit naman kasi ganito, tutor or remedial man 'to hindi nakakatuwa na nandito ang mga Allegra.

"Literature po, Ma'am." Sabi ni Anjali.

"Ilan kaba doon, anak?"

"89 po, damot isang point na lang eh." Nakangusong sabi niya.

"Galingan mo, kaya mong ma-90 plus 'yan kapag natapos mo ito." Tumango na lang si Anjali kay Ma'am, "Kay Xirano."

Nagkatinginan naman kami ni Diya dahil doon. Hala siya! Isang Allegra ang magtuturo sa kanila.

"Hala, hoy! May literature ako!" Bulong ni Diya.

"Oh, akala ko ba 'di ka takot sa kanila?" Pang aasar ko.

"Hindi ako takot sa kanila 'no, baka lapain lang ako nung Xirano na 'yan kapag hindi ko maintindihan tinuturo niya." Umirap pa si Diya. "Isa pa, baka mag away kami niyan."

"General Biology po." Simpleng saad ni Chan kay Ma'am.

"Isa lang?" Tanong ni Ma'am na tinanguan naman ni Chan.

"Cold mo naman, babe!" Ani Sofie na hindi pinansin ni Chanelle.

"Doon kay Arcane."

Kita kong napapikit ng mata si Chanelle. "Fuck." Bulong niya na rinig naman namin.

Mukhang nawala siya sa mood dahil basta nalang siyang umupo sa arm chair na nasa harapan ni Arcane. At nakatingin lang naman siya kay Chanelle na mukhang any moment ay mag ta-tantrums na.

"Literature po at kay Xirano po." Ani Sofie at dumiretso na sa pwesto ni Xirano at Anjali.

"Ma'am, General Chemistry at Literature po."

"Unahin mo muna Literature," tumango naman si Diya bago binitawan yung kamay ko at pumunta sa pwesto nila Xirano.

"General Physics and General Chemistry po."

"Physics ka muna, nak. Doon kay Vicente." Tinignan ko kung sino ang tinuturo ni Ma'am. Isang gwapong lalaki din na nakasalamin tapos nakaayos ang buhok niya na obviously naka-gel.

"Thank you po." Nag bow ako ng kaunti kay Ma'am at nilapitan na yung lalaking tinuro niya.

"Hi, have a seat." Ang lalim ng boses niya at ang gwapo talaga niya lalo na sa malapitan.

"Thanks." Saad ko at naupo.

Nahihiya ako sa kaniya kasi ang bango niya, amoy na amoy ang manly niyang pabango. Paano kaya ako nito makakapag-focus?

Nilibot ko at tingin at nakitang nakatingin sa'kin si Geovana. May dalawa siyang tuturuan at iyon ang lalaki kong kaklase. Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya at iniwas ang tingin.

Si Chanelle at Arcane naman ay nagtititigan lang. Mukhang hate nila ang isa't isa dahil masama ang tingin ni Chanelle habang yung isa ay inaarko lang ang isang kilay niya.

Napangisi ako, mag mamalditahan ata itong dalawa.

Tinignan ko si Xirano, Diya, Anjali at Sofie. Nakakainggit sila dahil puro babae tapos mga kalog pa ang magkakasama. Sana all, at sana may matutunan sila.

Napakunot ang noo ko nang makitang nakatingin sa'kin ng makahulugan si Diya. She suddenly mouthed gwapo sabay nguso kay Vicente.

Sinamaan ko siya nang tingin ng ulitin na naman niya. She even gestured na magpalit daw kami at nag dalagang pilipina pose pa siya.

Natawa ako ng bahagya nang hampasin siya ni Sofie. Sabay naman silang dalawa na napatingin sa'kin. I mouthed selos sabay tingin kay Sofie.

Nag tongue out sa'kin si Diya sabay irap. Si Sofie naman ay nanatiling nakatingin sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. She just thumbs up and mouthed gwapo nga and seriously what's wrong with them?

Hindi naman ako nakakaramdam ng awkwardness kay Vicente and I don't even like him. 'Di ba kasi usually may mga nagkaka-crush at first sight. I admit naman na he's so handsome and so attractive pero hindi ko siya naging crush.

"Okay, since we have one hour breaktime—"

"One hour?!" Sabay na tanong ni Syd at Britt they even cutted Ma'am's off.

"Oo bhie, 'di niyo alam?" Bagets na sagot ni Ma'am.

"Ma'am, wala po kaming alam." Sagot ni Diya.

"Hindi ba, gaya last year. After ng exam at last 2 weeks ng pasok ay one hour break..." Ani Ma'am.

"Ah! Oo nga po pala!" Tumango tango naman kami kay Ma'am.

"Okay sige, this will be 45 minutes lang para there are still time na makapag-kain kayo, you can start now."

Nahihiya akong tumingin sa magtuturo sa'kin, nakakalula naman ang ka-gwapuhan niya na pati salamin niya ang gwapo din.

Ang unfair naman, ako din naman nakasalamin pero bakit hindi bagay sa'kin? Tapos itong nasa harapan ko walang ka-effort effort sa ginagawa pero ang gwapo.

"So," tumikhim pa siya at inilahad sa'kin ang kamay. "I am Vicente, how about you?"

Itinaas ko ng maayos ang salamin ko at alanganin siyang nginitian, inabot ko din ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay.

"I am Alora." Simpleng saad ko at nag shake hands kami.

"Let's start," binitawan na namin ang kamay ng isa't isa. "So, I've heard na ang ite-take is two hundred items so basically from the very start ng lesson 'yon sa physics until the end kaya mag i-start muna tayo sa first topic niyo noon."

Tumango na lang ako sa kaniya, para siyang abogado kung makipag-usap tapos ang lalim pa ng boses niya at ang linis niya talagang tignan.

"We have two weeks naman kaya kayang kaya 'to."

Nag start na nga siyang magturo, tumatango ako sa kaniya kapag naiintindihan ko ang tinuturo niya at kukunot naman ang noo ko tapos ay itatanong sa kaniya yung part na hindi ko gets.

Halos sa loob ng 45 minutes ay nag focus talaga ako sa tinuturo sa'kin dahil determinado akong matuto at maipasa ang exam na ite-take namin.

"Okay, times up!" Sigaw ni Ma'am dahilan para mapa-angat ang mga ulo namin. "Later after class niyo ay dito ulit kayo pupunta, okay."

"Kami pong isa lang ang ite-take no need na po 'di ba?" Tanong ni Sofie.

"Yes, no need na. Iyong dalawa lang ang pupunta. You can have your break na."

Lahat naman kami ay nag ayos ng gamit at sunod-sunod na lumabas, kasama yung mga nagtuturo sa'min.

"Hay sa wakas makaka-kain na!" Ngiting tagumpay naman si Diya habang inuunat ang braso niya.

"Tara canteen muna tayo tas sabay sabay na akyat sa room" aya nung kaklase naming lalaki.

Pumunta kami sa canteen at kaniya kaniya ng order. I just take burger, fries and coke dahil hindi naman ako ganun ka-gutom.

Naglakad na ako papunta sa table kung nasaan si Anjali. Napanguso naman ako nang makitang nasa tabing table lang nun ang mga heads. Bakit ba dito din sila kakain 'di ba may cafeteria naman for college?

Naupo ako patalikod sa kanila para hindi ako ma-distract sa pagkain. Hinintay ko muna ma-kompleto kami bago ako nag start kumain. Tahimik lang naman kami dahil gutom, lalo na si Diya at Sofie na maingay ayon, busy sa pagkain.

Natapos kong kainin ang burget at fries ko kaya iniinom ko na lang ang coke. Sila naman ay may dessert pang kinakain.

"Hmm?" Ani Chanelle sa'kin habang nilalahad yung supot ng pastillas niya.

"Thanks," saad ko nang makakuha ako.

"Hoy, anong name nung lalaking pogi?" Tanong ni Diya sa'kin habang sumusubo ng chichirya niya.

"Oo nga, gwapo nun!" Dagdag pa ni Sofie.

"Manahimik nga kayo, nasa likod lang sila." Pabulong kong saad.

"Damot mo naman, beh! Pangalan lang eh." Umirap pa sa'kin si Diya sabay inom sa iced tea niya.

"Vicente name niya." Sinabi ko nalang para matapos na, knowing her hanggang uwian or even hanggang chat kukulitin niya ako.

"O, add ko nga." Ngiting sabi ni Sofie at nag tipa sa cellphone niya.

Tinapik naman ni Diya ang kamay ni Sofie. "Epal mo 'no, mang aagaw ka talaga!" Inis niyang sabi. "Ako unang nakakita doon tapos eechosin mo pa!"

Natawa ako sa sinabi niya. Nag aasaran na naman silang dalawa as if naman papatulan sila nun, mukhang hindi pumapatol sa bata si Vicente.

"Sus, akala niyo namang dalawa magugustuhan kayo nun." Singit ni Anjali.

"Sino ba yun?" Inis na tanong ni Chanelle.

Nagkatinginan naman yung dalawang maingay sabay lingon sa likod kung nasaan sila. "Yung naka-salamin?" Malakas na tanong ni Chanelle.

"Hoy!" Nakisabay ako sa pag sigaw ni Diya at Sofie. Pinanlakihan pa nila ng mata si Chan.

"Ang lakas naman ng boses mo!" Bulyaw ko sa kaniya. Mamaya marinig nila 'yon tas sabihin na pinaguusapan namin sila, kahit totoo naman kaso mamaya kung ano pa ang isipin mahirap na.

"Gwapo nga." Komento na lang niya pero walang kagana-gana sa buhay.

"Alam mo, bes. Mag vitamins ka kaya? Yung pampa-sigla, tamlay ng buhay mo eh." Maasim na sabi ni Diya.

"Kulang ata sa lambing si Chan kaya ganiyan." Natatawa kong saad sabay inom sa coke ko.

"Ayan lang ba problema mo, Chanelle Mae?" Ngising tanong ni Diya. "Tara, halika dito, papakiligin kita." Dagdag niya sabay kindat kay Chan.

"Kadiri ka, Diya Mae! Ang asim mo mag wink." Komento ni Sofie.

Muntik ko naman mabuga sa harapan ni Anjali yung coke na lulunukin ko pa lang sana. Hinampas hampas ko sa braso si Sofie habang humahagikhik. Si Anjali at Chanelle naman at tawa ng tawa.

"Bwisit ka ah!" Diya.

Lalo akong natawa sa sinagot ni Diya, kumuha ako ng maraming tissue at doon pinakawalan ang coke na nasa bibig ko.

"Ikaw nga maasim talaga amoy." Rebat naman ni Diya, "Hindi ka kasi naliligo, mas kadiri ka!"

Nagtatawanan nalang kaming tatlo ni Chan at Anjali dahil sa dalawa. Napapunas naman ako sa gilid ng mata ko dahil sa kakatawa. Ang funny talaga nitong dalawa kapag nag aaway.

Natapos kaming kumain at gaya ng sabi nung kaklase ko ay sabay sabay kaming umakyat sa room. Tamang tama lang dahil pagdating namin doon ay sumunod na pumasok ang subject teacher namin.

Wala naman ginawa sa mga nagdaang subject kaya matiwasay kaming nagliligpit ng gamit para umuwi. Ay sila lang pala uuwi dahil may tutor pa ako at si Diya.

"'Wag ka na magpa-ganda, kahit anong gawin mo hindi ka nun magugustuhan!" Pang aasar na naman ni Diya kay Sofie.

Nag pupulbo at nag li-liptint pa kasi si Sofie, gaya ng iba. Bago umuwi ay nagpapaganda pa sila. Kami nila Chanelle ay simpleng suklay at pabango lang tapos okay na.

"Epal ka eh 'no?" Sofie.

"Asang asa ka naman kasing magugustuhan ka nun!" Palatak na sabi ni Diya. "Sasaktan mo lang sarili mo." She added at umirap bago sinukbit ang bag.

"Una na kayo ah." Sabi ko sa tatlo nang makalabas kami ng room.

"Hatid namin kayo." Sabi ni Chanelle.

Wala naman na kaming nagawa ni Diya nang maglakad na silang tatlo kaya sumunod na lang kami. Nang nasa tapat na kami ng office ni Ma'am ay nag hug lang kami sa isa't isa as bye bago kami pumasok ni Diya sa loob.

Tahimik kaming naupo sa malapit na arm chair, tabi ni Syd at nung tatlo pa naming kaklase. Maya maya lang ay bumukas ang pinto at sunod sunod pumasok ang mga heads.

Pumunta sila sa mga pwesto nila. Dumating din si Ma'am at tinanong ulit kung ano pang subject ang itu-tutor namin.

"Chemistry po kaming dalawa, Ma'am." Sabi ni Diya.

"Ako din po!" Sabat nung kaklase naming lalaki.

"Sige, doon kayo kay Allegra." Ani Ma'am.

Hindi naman kami kumikilos ni Diya dahil hindi namin alam kung sinong Allegra ang tinutukoy niya.

"K-kanino pong Allegra?" Mahinang tanong ko, nakakainis nautal pa ako!

"Kay Geovana."

Parang nabingi ako sa sinabi ni Ma'am. Maya maya lang din yung kabog na ng dibdib ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako!

Tumayo na yung kaklase kong lalaki at sumunod si Diya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang din.

Nang ilahad ni Geovana ang tatlong upuan sa harap niya ay tsaka lang kami umupo. Nakayuko lang ako dahil ramdam ko ang tingin niya sa'kin.

"Oy, akala ko matalino kayong dalawa. Bakit nandito kayo?" Biglang sabi nung lalaki.

Hindi pa kasi kami nag sisimula since wala pang signal ni Ma'am.

"Paano mo naman nasabi?" Sarcastic na sagot ni Diya.

"Syempre mukha kayong matalino, lalo ka na Alora akala ko matalino ka dahil d'yan sa salamin mo." Nag pantig naman ang tenga ko dahil nadamay pa pangalan ko.

Sinamaan ko ng tingin itong epal na lalaki dahil kailangan pa ba niya 'yon sabihin? Lalo na sa harap ni Geovana! Nakakainis.

"Tanga ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman porket naka-glasses ay matalino na!" I added and rolled my eyes.

"Right. But, she's still smart, unlike you."

Tinignan ko si Geovana nang sabihin niya 'yon at nakatingin siya ng masama dito sa kaklase kong epal, tinaas baba pa niya ang tingin na akala mo ay sinasabing mababang nilalang itong kaklase ko.

"Buti nga sa'yo, papansin." Muli kong tinignan ang kaklase ko.

Medyo na-guilty naman ako nang makitang parang napahiya siya but he did that first! Kami ni Diya ang una niyang pinahiya.

"'Yan, bida bida ka ah." Asar ni Diya sa lalaki.

I don't know his name since I don't like him. Masyado siyang papansin at walang ka-kwenta kwenta ang mga sinasabi lagi kaya sobrang layo ko sa kaniya. Hindi ko naman close lahat ng classmates ko dahil may mangilan-ngilan din na kagaya ng ugali nitong paepal na lalaki.

Tumingin ako kay Geovana at muntik pa ako napa-atras nang makitang nakatingin din siya sa'kin, para bang she's waiting for me to look at her.

Okay assuming!

I mouthed thank you to her and smiled. She just nod at me and I think I just saw her face lighted up. Parang gumaan ang aura niya at lalo siyang gumaganda sa paningin ko.

"You can start now, it's also for 45 minutes." Saad naman ni Ma'am na mukhang kakatapos lang sa pag ayos sa table niya.

Walang isang salitang nag simula kaming turuan ni Geovana. I pushed myself to listen carefully sa kaniya at hindi sa puso kong malakas ang kabog. I also stopped myself from looking at her kasi feeling ko maba-blangko ang utak ko sa sobrang ganda niya.

"You guys did understand?" She asked.

"Oo." Sagot ni pabidang boy.

"Yes." Sagot ni Diya.

Tumango tango na naman ako kasi nga I was looking at the book kung nasaan yung tinuturo niya.

"Do you understand?" Ulit niya.

Tumango tango ako ulit kahit hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya. I was putting all she said earlier sa utak ko kaya I was still looking at the book.

"Hey, look at me."

Muling saad kaya kahit na hindi ko alam kung sino ang tinatawag niya at nag angat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang mag salubong ang tingin namin.

Oh, shet! It was me the whole time?

"Do you understand?" She asked again while looking straight to my eyes.

"Y-yes." Nautal kong sagot. Yumuko ako ulit dahil I can't stand her eyes, sobrang ganda nito na para bang hinihigop ako para mahulog sa kaniya.

What the hell I am saying?

"Good." Aniya tapos nag simula na naman siya mag turo.

Natapos ang tutor namin madilim na sa labas. Nag liligpit kami ni Diya ng gamit nang may maalala ako.

"Hala!"

"Ano ba 'yon, Alora Mae!" Mukhang nagulat ko din si Diya dahil nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa'kin.

"Nakalimutan ko mag text kila Manang!" Saad ko.

Ngayon ko lang naalalang hindi nila alam na may tutor ako dahil nakalimutan ko nga din yung tutor kanina, ay hindi pala! Hindi ko pala alam na may tutor.

"Hala ka! Bakit kasi hindi ka nag text kanina?" Tanong niya. "Tumawag kana!"

Dali-dali kong kinuha sa bulsa ng palda ko yung phone at guilty naman ang naramdaman ko nang makitang madaming missed calls at text message sa'kin.

Nag tipa agad ako ng mensahe sa isang kasama ko sa bahay at sa driver namin. Hindi ko naramdaman ang pag vibrate ng phone ko, nasobrahan na ata ako sa kaka-focus ko sa tinuturo.

Nang tumayo si Diya at sumunod na ako at sinukbit ang bag. Pag labas ng office ni Ma'am ay agad akong napakapit sa braso niya.

"Bakit ba?" Parang naiinis naman na tanong niya sa'kin.

"Ih, Diya Mae nakakatakot." Hindi naman madilim dahil may mga poste ng ilaw sa labas ng building pero nakakatakot dahil obviously kami na lang ang tao at medyo madilim ang hallway.

"Sus, 'wag ka matakot. Pag may nanghila sa'yo suntukin mo agad sa mukha." Aniya.

Nag umpisa na siyang maglakad kaya sumunod ako dahil nakakapit ako sa braso niya. Siga talaga kahit kailan itong babaeng na ito.

"Diya Mae, hatid kita." Saad ko habang naglalakad, need ko siya kausapin para hindi ako matakot.

"Baka ikaw pa ihatid ko." Ngumisi pa siya sa'kin.

Oo nga 'no, baka iniwan na ako nung driver namin dahil sa tagal ko and worst baka ni-report na nila na nawawala ako.

They are not OA they are just super protected to me kasi ako ang pinakabata sa'min, ayon na 'yon. Some of them treats me as their siblings or as their child kaya ganun sila. I am with them na when I was still a kid.

Nang malapit na kami sa may gate ay binitawan ko na ang braso ni Diya. "Hatid kita if dadating si kuya driver ah?" I said.

"'Wag na, nand'yan sila Mama kakain kami sa labas." Aniya at inakbayan ako. "Baka ikaw pa ihahatid namin." Natatawa niyang sabi.

"Hindi 'no, baka nandiyan pa si kuya." I am hoping na hindi ako iniwan dito, I know how to commute naman pero nakakatakot kapag gantong gabi na.

"Sama ka sa'min if wala pa sundo mo, kakain kami sa labas dahil bida ang Ate ko."

"You should love your sister, Diya Mae."

"Ew." Ngumiwi pa siya para ipakita talaga na nandidiri siya.

"Bye-bye, Diya Mae!" I hugged her nang nasa labas na kami ng gate.

"Ba—" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang may sumingit.

"Hey." Sabay naman kami ni Diya na lumingon sa likod.

There we saw the Allegra's. Geovana's the one who called us.

"Po?" I just asked.

"Just wanna remind you both that memorize the equations that I've said earlier, I'm going to give a sample quiz tomorrow."

"Okay. Thank you!" Saad ni Diya.

"Thank you. I'll note it!" I smiled to her and she just smiled a bit and nod. "Ahm... Take care!" I said and wave my hands at her when they starts walking.

She looked back at me, "You too." I smiled at her widely.

"Tara na!" Aya ni Diya.

Nakatingin pa din kasi ako sa kanila hanggang sa makasakay sila sa kotse, she's the one who will going to drive again.

"Hoy!" Tawag na naman ni Diya.

Ibinalik ko na sa kaniya ang tingin at hinila na siya para mag simula na kaming maglakad.

"Ngiting-ngiti, mapunit labi mo niyan." She commented.

Tiniklop ko naman ang bibig ko dahil doon. Er! She just saw me smiling because of Geovana.

Geovana...

Continue Reading

You'll Also Like

73.6K 2.1K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
51.3K 1.7K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...