Taking Risks

By czescadems

12.4K 138 57

Would you take the risks if you dated a basketball player? Kakayanin mo ba ang pagsubok na to? Is it even mea... More

Taking Risks
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 5

577 5 0
By czescadems

Nung makita ko si Jeron, agad ko siyang inakap. Hinigpitan ko ang pagakap ko sakanya at parang ayaw ko siya munang bitawan.

Ang mga kamay niya ay nakapalibot sakin. Ang ulo ko ay nakasandal sa right shoulder niya.

Eto ang kailangan ko. Hug.

"Sshh, wag ka ng umiyak. Andito na ako" sabi ni Jeron habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

"panomo nalaman nandito ako?" tanong ko habang nag pusnga ako ng sipon ko sa panyo niya. Natawa siya. Nakakrelief ang tawa niya.

"di kita mahanap sa building mo, tapos tinatawagan kita, di mo sinasagot phone mo. Then naalala ko na kapag di kita ma contact, it'a either nandito ka sa so called "paradise" mo o may ginagawa ka na something" tas nginitian niya ako.

Agad naman ako natawa sa term niya tas siniko ko siya. Buti nalang kami lang dalawa dito.

"tahan na kasi. Baka ma dehydrate ka, di panaman kita mabuhat, sobrang bigat mo kasi" pabiro niyang sinabi sakin.

Tapos natawa kami.

Nung medyo okay na ako, inakbayan niya ako tas he rubbed my shoulder.

"what's wrong?" tanong niya sakin

"i have a crush at school"

"oyy!! Dalaga na pig ko!!! Yee sino? Pero bakit ka umiiyak? Naalala mo si Fort noh?" pabiro niya at agad naman nag fade smile niya yung nalaman niya na tama ang hinala niya. Naumiiyak ako tungkol Jeric.

Opo.

Si Jeric Fortuna, na basketball player at point guard ng UST Growling Tiger ang ex ko.

Sinagot ko naman ang tanong ni Jeron kasi baka akalain niya nisnob ko siya.

"si Kiefer Ravena" tas nanlungkot ang mukha ko

"PAPS KO YAN!! ANG BASKETBALL PLAYER?!" sigaw ni Jeron sakin.

Eto naman, may dalang sigaw pa. Parang na bingi ata ako sa sinabi niya ah. pero tumango ako.

"eh bat umiiyak pig ko?"

"natatakot kasi akong gawin rin sakin ni Kiefer ang ginawa sakin ni Fort."

Tumahimik si Jeron at dinamayan nalang ako. Alam ko na alam niya na ang ibig kong sabihin.

Jeron's P O V

Nasan na ba si Sab? Baboy talaga. Kun san san na napupunta.

Wala naman siya sa building niya. Kanina pa tapos class niya. Hay nako si Sab talaga.

*riiing* *riiing* di niya pa sinasagot phone niya!! Nakasilent siguro. E Tinext ko na rin baka sakali makareply.

--

To: Sab Lacson

Pig, asan ka? :) hinahanap hanap kita

--

Alam ko naman na matutuwa yun kapag nalaman niya na nag text ako sakanya ng kanta. Papakantahin nanaman ako nun mamaya. Tatawanan niya ako dahil sa boses ko. Kaya nga tinuloy ko nalang pagiging basketball player ko.

30 minutes na ang lumipas di pa rin nag reply? Anyare sakanya?

Ah alam ko ng style ni Sab na ganito. Alam ko na malungkot siya ngayon. Alam ko narin kung asan yung babae na yun.

Sa park.

Don't take me wrong ha pero share ko lang. Nagkagusto ako kay Sab noon. Ilang buwan ko rin niligawan yun, pero ayaw niya. Kapatid lang talaga turing niya sakin, yun ang sabi niya. May isang araw pa nga na hinawakan ko kamay niya nung nasa mall kami, pero it felt wrong. Pero ayun, di ko nalang tinuloy ay panliligaw ko sakanya, kasi siya mismo ang klaseng tao na ayaw na ayaw kong mawala sakin. Di bale na maging girlfriend ko siya, mas makakabuti kun maging bestfriend ko nalang siya. Atleast close parin kami and she's always there for me and i'm always there for her, so okay na rin.

Tuwing maalala namin yung mga panahon na yun, di kami Makatigil sa kakatawa. So yun.

Pagdating ko sa park, tinignan ko ang buong park. Tapos ayun, nakita ko si Sab. Umiiyak na. Patay ano kaya nanyare sakanya?

Agad ko siyang pinuntahan at inabot sakanya ang panyo ko.

Di siya tumigin sakin.

Umupo ako sa tabi niya, pero di ako ganun ka kaysa. Makapag indian seat naman tong babae to, wagas ah.

Tas bigla niya akong tinignan. Nagulat pa ata. Pero inakap niya ako ng mahigpit, tapos nilagay ko rin ang dalawang kamay ko sakanya para damayan.

Nagkwento kami tapos yun sinabi niya sakin na crush niya si Kiefer. Pero ayaw niya mangyari sa kanila ni Kiefer ang nangyari sakanila ni Fort.

Kasi po, si Fort in love na in love yan kay Sab. Pero dumating ang araw na nagkalabuan sila, na di man lang nila inayos yun. Sinabi pa ni Fort na "na papagod na daw siya" dun na saktan si Sab. Di niya na inalam ang side ni Fort.

Umiyak, na depressed, nag laslas yan si Sab. Kaya na takot sakanya sila ni kuya Earl at mama niya na baka magpakamatay si Sab.

Buti nalang nandito ako. Pero yun, ewan ko nga bat ganun parin epekto ni Fort sakanya, pero akalain niyo nakamove on din naman?

Dinala ko kung san saan eh. Pinakain ko kung ano ano. May time pa yun na tumakas kami at pumunta ng Masskara sa Bacolod last year. Buti nalang di kami nahuli. Highschool pa si Sab noon.

Nakakatawa talaga ang mga pinaggagawa namin tong baboy na to. Kaya mahal na mahal ko to eh. Pero bilang kaibigan lang ha? Baka kung ano naman ang iniisip ninyo haha

Pero nung sinabi niya sakin na gusto niya si Kiefer? Hmm kung may ano man talagang tong dalawang to, dapat ingatan ni Kiefer ang baboy ko. Once in a lifetime lang to makikita eh.

________________________________

Ayun, Jeron treated me McDonald's tsaka dinalhan niya ako ng cupcake. Alam niya kasi na ito ang mga gusto ko kapag malungkot ako. May isa pa siyang gift sakin.

Stuff toy na Care Bear na malaki.

"awww mahal mo talaga ako no" tas niyakap ko siya

"ikaw kasi, ang drama mo. Kaya yun. Pasalamat ka ako ang bestfriend mo" sabi niya

Binatukan ko at agad ko naman sinabi na "aba aba aba, yabang ah. Kailan ka pa na tutu mang libre at mangsuprise?"

Nginitian niya lang ako.

Hinatid naman agad ako ni Jeron sa bahay.

Pagpasok ko sa bahay namin, agad akong umakyat at pumunta sa kwarto ko. Wala rin naman akong gana kumain kasi tinreat na ko ni Jeron. Naghilamos, toothbrush at nagpalit na ako ng damit pang tulog.

8:30 palang pero pag higa ko, nakatulog agad ako.

5:45 na ng magising ako. Sarap ng tulog ko 

Tas na realize ko, hindi ko pa hinahawakan ang cellphone ko mula kahapon ng pumunta ako sa park. Ma check nga.

Bumangon ako at kinuha ang phone ko sa bag ko.

215 new message

71 missed calls

o______O tangina lang?

May nag viber pa ah. 18 new messages rin siguro. Winner!!! Daming nag tweet ah! Hahaha kaloka naman to.

I checked Viber first. From my barkada lang naman pala. Dito nalang kasi kami nakakapagcommunicate.

Sa twitter naman, dami nag follow at nagtweet sakin. Nag tweet si Kiefer sakin. Kaya naman pala.

--

@kieferravena: @sablacson di ka nag paramdam kahapon ah :(

@von19: ops! Ano yan paps? :> @kieferravena @sablacson

@juamitiongson: hmmm who's this paps? @von19 @kieferravena @sablacson

@kieferravena: wala paps! @juamitiongson @von19 @sablacson

--

@sablacson: guys? Ano to? :) @juamitiongson @von19 @kieferravena

--

Sa missed calls naman ako.

56 missed calls from My Panda

12 Jeron Teng

3 Mother Dearest

Hmm what's up with Kiefer kaya?

Maliligo na sana ako, kaso nag ring phone ko.

--

My Panda

Answer | Decline

--

Sasagutin ko? Oh sige. Matapos ang First ring, sinagot ko.

"Hello?" sabi ko

"di ka nag paramdam kahapon. Tampo ako sayo"

Medyo seryoso ang pagkasabi ni Kiefer sakin

"sorry na, lam mo naman. May mga problema din ako.."

"sana sabihan mo rin ako, para di naman ako magalala."

"sino ka ba para magalala?" pabiro kong sinabi

"ganon" sabi niya alam ko nagpout siya ngumiti ako

"cute mo mag pout kahit sa phone no?"

Then na feel kona nag smile siya sa kabilang linya

"galeng mo mang hula no. Hulaan mo please kong kailan kita pwedeng ligawan"

"after ko mag graduate ng college, Kief" pabiro ko ulit saka tumawa ako ng malakas

"naman :("

"maliligo na ako!!! :)) baka masarapan ako sa boses mo tapos ma late pa ako" sabi ko

"see you :) mag paramdam ka ah" tas binaba niya ang phone

Pagdating ko sa school, dumiretso agad ako sa Lib. Wala lang, masyado pa kasing maaga. Eh dun nalang muna ako.

Papasok na sana ako nung may tumawag sakin. Napalingon naman ako agad

"miss Sab" sabi ng girl

"bakit po?" tanong ko

Tas may inabot sakin na paperbag ang girl. Agad naman siyang umalis. Tatanong pa sana ako kung kanina galing.

Pagopen ko, may Hot Chocolate na Venti at Cinnamon Swirl from Starbucks. Tapos may nakasulat na "To my Boss "

Lam ko na to.

Galing kay Kiefer.

Napangiti ako tuloy.

Nagvibrate naman agad phone ko. Napakahabang vibrate ah. Dun ko na realize na may tumatawag sakin. Agad kong hinanap phone ko sa bag ko, tas sinagot ko ang phone. Wala na akong time tignan kasi baka babaan.

Muntik na sana ako ma tapunan ng Hot Chocolate ko sinabi ko agad sa phone na

"wait lang po, wait

Tumawa lang ang kausap ko sa kabilang linya.

"ang cute mong tignan"

"Kiefer langya ka." tumawa ako "thank you dito ha, sakto di rin naman ako nakakain ng breakfast eh" pasasalamat ko

"tumalikod ka please"

Pagtalikod ko, ayun.

Si Kiefer, nakangiti.

Lord, ikaw na bahala sakin. Ang gwapo niya. Matutunaw na ako.

"aki na nga bag mo. Ang gulo mo." kinuha niya agad ang bag ko, di nako umangal kasi totoo naman, ang gulo kong tignan. Pero hindi ako nahihiya, ganito naman talaga ako.

"good morning" hinalikan niya ko agad sa noo

WHAT THE HECK

Shet feeling ko namumula ang pisngi ko. What was the kiss for? Pero sobra ako nag blush dahil dun ha. Nakita niya ba ang reaction ko? Naman to si Kiefer eh

Pumunta kami sa field at umupo dun. Ganda ng araw ngayon di ganun ka init. Siguro masyadong pang maaga.

Nagkwentuhan kami. We talked about our favorites, hobbies mga ganyan.

"labas tayo bukas" biglang singit Kief tapos ngumiti ng abot tenga na ngiti.

Sino hindi maiinlove sa taong ganito?

"eh, kasama ko kasi pinsan kong si Kyra. Babawi ako kasi di man lang kami nakalabas after first day." pagpaliwanag ko

"eh sige na, e sama mo nalang, e sasama ko nalang kapatid ko paramakilala mo rin" pumipilit talaga tong bata to. Sobrang Convicing smile ya. Huhuhu

"sige na nga!!" tapos tumalon si Kiefer kahit naka Indian seat kami.

Malapit ng mag 7:30 kaya agad agad ako nag ayos para sa 8:00 ko na first class.

Habang papunta kami ni Kiefer sa class ko, dahil ihahatid niya ako, bigla niyang hinawakan kamay ko.

Oh

My

Gosh

Huwag ganyan please. Na fefeel ko rin na bigla namula ang mga pisngi ko.

"ingat ka babe ha" he winked at me tapos siniko ko siya

"babe babe mo diyan! Che!" agad ko siyang sinimangutan at naglakad na ako pabalik sa class ko.

Tapos na class ko. Pumunta agad ako sa carpark.

San kaya ako tatambay ngayon. Hmm. ay di joke!! May quiz pala ako bukas. Oh noes

Magpapasundo nalang kaya ako kay Kuya Erik. Ma tawagan nga. Tinawagan ko siya agad at wala pang isang ring sinagot niya ang cellphone niya.

"Kuya Erik, pwede po ba ako magpasundo sa school? Nakalimutan ko kasi na may quiz pala kami bukas, kailangan ko mag aral."

Tumatawa siya sa kabilang linya. Ay, anyare? May ano?

"kanina pa kaya kita tinitignan" tumawa siya ulit. "lumigon ka"

Pagkalingon ko, ayun si kuya Erik. Tumatawa sa loob ng sasakyan.

Naglakad ako papuntang kotse. I made the -_______- face at him, sinungitan, tinarayan, at di ko siya pinansin habang papasok ako sa kotse.

Tumawa lang siya ulit.

Hay baliw.

Habang nag dadrive si kuya Erik, sinaksak at pinagtutug ko ang songs sa iPhone ko. Tas shinaffle ko ang mga songs.

Ang una nag play ang parati kinakanta sakin ni Jeric.

Miserable At Best.

Bakit ganito pa? Huhuhu enenext ko sana ang song kaso sabi ni kuya Erik dun lang muna kasi gusto niya ang kanta. Wtf. Fine makiride nalang ako.

Habang tumutugtug ang kanta, naalala ko lahat na ginawa para sakin ni Jeric. Nag flashback sakin ang mga memories.

Mga memories namin ni Fort.

Na papagod na ako

Na papagod na ako

Na papagod na ako

Na papagod na ako

Ang sakit parin. Tuwing maalala ko ang mga sinabi sakin ni Captain, ang sakit. Parang may sumaksak sakin at pinabayaan lang ako na ganun. Humihingi ng tulong pero wala namang may nakakarinig.

Move on na, Sab. Ano ka ba. Di ka na niya kailangan. You tried your best, but he didn't notice your efforts. It's time to move on and be happy.

You were once happy without him, you will be happy again.

Bulong ko lahat yun sakin.

Ayoko na siyang maalala.

Tama na.

Si Kiefer na ang gusto ko.

Tapos na kami ni Fort.

At hinding hindi ako papayag na gawin ko lang panakip butas si Kiefer sa buhay at puso ko dahil lang sa ginawa sakin ni Fort na hanggang ngayon masakit parin.

I will take the risks for Kiefer.

Continue Reading