Accidentally In Love with my...

By SAHN-DRAH

3.9K 234 6

Marileigh Gonzales, the only child and only grand daugther of the Chairman Gonzales. One of the richest famil... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 18

128 10 0
By SAHN-DRAH

Samraz pov

Sinundo ko si Reid sa sunflower farm. Sinuguro ko na walang sino mang nakasunod sa akin dahil, kahit mga tauhan ni lolo ayokong malaman na tinutulungan ko sina Samira at Reid.

Kasama ko si Anton. Para walang magduda na aali-aligid sa paligid kung saan kami pupunta, tutal ang mga mata naman nila ay nakatutok sa kapatid kong si Samira.

Hindi lang isa ang panay aligid sa bahay ng mga Gonzales. Kundi tatlo. Hindi ko lang maintindihan kay Lolo kung bakit kailangan pa nya gawin subaybayan ang kilos ni Samira. Mabuti na lang ay tinulungan ako nila Chairman at Chairwoman Gonzales.

Flashback..

Habang nasa bahay ako nila Mari, nilakasan ko ang loob ko para kausapin ang lolo at lola ni Mari.

"Ano yun Samraz?" tanong ni Chairman Gonzales ng kumatok at pumasok ako sa study room.

"Chairman. Gusto ko po sana humingi ng pabor."

"Ano yun?"

"Hihingiin ko po sana ang tulong nyo."

"Tulong para saan?"

"Para po sa kapatid kong si Samira."

"Ano iyon Hijo?" tanong ni Chairwoman.

"Alam nyo naman po ang dahilan kung bakit ayaw ni lolo sa kasintahan ni Samira, at tutol si Lolo duon."

"Anong maitutulong namin tungkol sa bagay na yan?"

"Gusto ko po sana, isa sa mga tauhan nyo ay samahan ako papuntang batangas para sunduin si Reid Ruiz. Na hindi makakahalata ang mga taong nagmamasid dito sa paligid nyo."

"Nagmamasid??"

"Opo, mga tauhan ni Lolo para, bantayan si Samira. Kaya po humihingi po ako ng tulong nyo para magkita ang dalawa." paliwanag ko.

"Walang problema, ngunit paano kung sa akin naman magalit ang kaibigan ko?"

"Please po Chairman. Yun na lang po ang tanging magagawa namin ni Mari para kay Samira."

"Alam ni Mari ito?"

"Plano po namin ito. Dahil sa isang mabigat na dahilan."

"Ano yun?"

"Buntis po si Samira. Tanging kami pa lang po ni Mari ang nakakaalam." sabi ko at narinig kong bumuntong hininga si Chairman.

"Okay sige. Kung yan na lang ang nakikita nating paraan. Para magkita ang dalawa."

"Salamat po Chairman."

"Ngunit sa isang kondisyon."

"Ano po iyon?"

"Alam kong may relasyon kayo ng apo ko. Gusto ko, bigyan nyo na kami ng apo." nagulat ako sa kondisyon nya.

"Pero Chairman. Hindi pa naman po ganon kalalim ang relasyon namin ni Mari. Bago pa lamang kami."

"Alam ko, pero gusto ko talaga na ikaw ang lalaking para sa kanya. Dahil, darating din ang araw na ipagkakasundo pa rin naman namin kayong dalawa." paliwanag nya. Na matagal ko ng alam ang bagay na iyon.

End of flashback.

Matagal ko ng alam na gusto kami ipagkasundong dalawa ng mga magulang namin, at ng lolo at lolo ko, simula nung dumating sya sa bahay sa mindoro, nung mga bata pa kami.

Isa din yun sa dahilan ko nuon kung bakit ako nagagalit sa kanya. Pero hindi ko naman akalain na sa tuwing aasarin ko sya ay mahuhulog ako ng ganito sa kanya na di ko inaasahan, at hindi ko din alam paano nagsimula, basta bigla ko na lang naramdaman. Mahal ko na sya.

¤ ¤ ¤ ¤

Nang makarating kami sa bahay ng mga Gonzales. Nag-umpisa na pala ang party. Halos lahat naka maskara kaya hindi ko matukoy kung sino sila.

"Ayon si Samira." bulong sa akin ni Reid. Tinutukoy nya ang babaeng nakasuot ng light blue na long gown na terno din sa maskara nito. Walang ibang naka light blue duon kundi yun lang.

"Paano mo nalaman sya yun?" tanong ko.

"Nagtext sya sakin, kung anong itsura ng suot nya, at mukhang sya lang naman ang nag-iisang ganon ang suot at sa haba ng buhok." paliwanag nito at natawa si Anton.

"Oo nga naman. Tara na lapitan natin." sabi ni Anton.

Ngunit sa paligid ni Samira ay may mga lalaking aali-aligid sa kanya,

"Sandali." sabi ko kay Reid. "Magpanggap kang classmate tayo nung elemantary, may mga di kilalang nakapaligid sa kanya na kakaiba ang kilos." sabi ko pa.

Habang palapit kami biglang natanaw ko ang stage. Sa itsura pa lang ng babaeng naroon ay alam ko ng si Mari iyon.

"So, nasaan naman ang boyfriend mo?" tanong ng emcee sa kanya at bigla syang tumawa.

"Boyfriend ba? A-ano eh.. Ayoko mag assume." utal nitong sagot.

"Why naman?"

"He started a joke. Kaya mahirap paniwalaan." sabi nya at tumawa pa

Tinitigan ko sya. Hindi ko gusto ang suot nya. Kita na nga ang likod, kita pa ang cleavage nito at pati ang hita nya.

"Tch!" sighal ko. Tila para syang nang-aakit sa suot nya.

Lumapit kami kay Samira. Agad kong tinanggal ang maskara ko para makilala ako ni Samira.

"Samraz." sabi nito at yumakap.

"Yung mga lalaki ba sa paligid mo kanina pa sila?" bulong ko.

"Oo, kanina pa." agad nyang sagot.

"Kasama ko na si Reid. Magkunwari kang di kayo magkakilala, at classmate ko sya ng elementary nuon." bulong ko pa at tumango sya.

"Hi Samira." formal na bati ni Reid sa kanya. "I'm Romeo." pakilala nito.

"Hello, I'm Samira, nice to meet you Romeo." nag-umpisa na syang magpanggap.

"Classmate ko sya nung elementary. Di mo na ba sya natatandaan?" kunwaring tanong ko.

"Ah. O-oo. Natatandaan ko na. Sya yung madalas magpunta sa bahay lalo na kapag walang pasok." sabi naman ni Samira at sumakay sa pagpapanggap namin para lituhin ang mga nakamasid sa amin.

Maya-maya pa ay muling tumingin ako sa stage kung saan naroon pa rin si Mari.

"Siguro naman, may hinandang awitin ang ating birthday celebrant!" sabi ng Emcee. "Kilala nating talented ang babaeng ito nung elementary pa. Pero kung nakasama natin sya nung highschool, malamang, hindi lang pagiging isang cosplayer ang ating birthday celebrant." sabi pa nito.

"Diba Pre. Crush mo si Marileigh nung elementary pa lang tayo?" rinig kong tanong ng isang lalaki na katabi ko na nakatingin din kay Mari.

"Oo, pero, dati na yun. Kung hindi lang siguro sya biglang nawala, malamang pag tungtong ng highschool, niligawan ko na sya." sabi pa nito kaya medyo nainis ako.

"So dahil mayroon hinandang awitin ang ating birthday celebrant! Palakpakan natin syang lahat! Again! The only one Marileigh Gonzales!" sigaw ng emcee.

Umupo si Marileigh sa isang upuan at inabot ang acoustic guitar sa kanya at microphone.

Sa haba ng panahong nakasama ko sya, hindi ko alam na tumutugtog pala sya ng gitara.

"Hey white lady." tawag ko kay Samira.

"Ano yun?"

"Bakit hindi ko alam na nag gigitara pala si Mari. Ilang taon na natin syang kasama sa bahay." tanong ko.

"Wala namang gitara sa bahay eh." agad nyang sagot.

"Di mo talaga alam pre? Tinuruan sya ng lolo nya mag gitara nung mga bata pa kami." sabi ni Anton.

Nag-umpisa na syang tumugtog ng gitara at sinabayan nya ng pagkanta

🎶 hAaahhhhhh haaaaahhhh
Sabi pa ng aking magulang
True love waits
Yun lang ang pinanghahawakan
Wag daw magmadali para di ka magsisi
Darating lang din yung taong magbibigay sa atin ng kasiyahan

Tapos dumating ka sa
Buhay ko ng biglaan
Iniiwasan ka pero ikaw panay papansin pa.

Di ko win sa paghahabol mo sa akin
Pag nagustuhan kita
Ikaw na ba ang aking hinihiling..

Siguraduhin mo na totoo ka nga
Kung pag-ibig ang pag-uusapan di ako nakipaglaro lang
Dahil ang hinahanap ko'y asawa
Wala kong panahon sa pacute-cute
Wala kong panahon sa mga joke mo

Pag sure uy!
Pag sure uy!
Pagsure uy.. 🎶

"Ang tagal ko syang nakasama pero hindi ko talaga yun alam." sabi ko pa at napapailing.

"Tuwing umuuwi sya dito taon-taon, nag papraktis pa rin sya mag gitara. Pag pumasok ka nga sa kwarto nya. May gitara kang makikita duon. Madalas pinapalinis sakin ni Nanay ang kwarto nya dahil baka inaalikabok na ang gitara nya sa tagal ng wala sya." paliwanag ni Anton.

🎶 Ito na ba yung sinasabi ni mama
You can stay sa house pag dumating na sya
Bine-baby ka pa kahit hindi ka na bata
Pakeme-keme ka pa
Pero puso ko'y nakokuryente na 🎶

Nilibot ko naman ang tingin ko sa kwarto nya kanina dahil baka may nakamasid din sa amin.

"Pero, wala naman akong nakitang gitara sa kwarto nya kanina." sabi ko pa.

"Ibig sabihin pre, nakapasok ka na sa kwarto nya?" nakangiti pa na tanong ni Anton.

"Oo, kanina, magkasama kami."

"Teka! Anong ginawa nyo ha?" tanong ni Anton na may malikot na isip.

"Wala ah." sagot ko pero tumawa sya, tila hindi sya naniwala.

🎶 Siguraduha dong ug maninuod man ka
Kay ug gugma'ng esturyahan ta 
Wa gyud ko ga duwa duwa
Kay ang akong gipangita bana
Wa ko'y panahon sa pa cute cute
Wa ko'y panahon sa mga joke joke

Pagsure uy
Pagsure uy
Pagsure uy

Ayaw ug paasa kay ako nahulog na
NBSB raba ko basin di ko ma kaya
Kanunay mag ampo nga ikaw para kanako
Ug ako mahigugma 
Wa gyu'y sama... 🎶

"So sa tingin mo para kanino ang kantang iyon?" tanong pa nya.

"Malamang para sakin. Kanino pa ba?" mayabang kong sagot.

"Paano mo nasabi?" tanong pa nya.

"Tch! Ayaw kasi nyang maniwala na totoo nararamdaman ko sa kanya. Na mahal ko sya." sabi ko pa.

"Owsss... Talaga ah. Parang kaylan lang sabi mo di mo sya type." natatawang sabi pa nya. Kaya napakamot na lang ako sa batok ko. "Pag sure uy!" sabi pa nya.

🎶 Siguraduhin mo na totoo ka nga
Kung pag-ibig ang pag-uusapan di ako nakipaglaro lang
Dahil ang hinahanap ko'y asawa
Wala kong panahon sa pacute-cute
Wala kong panahon sa mga joke mo

Siguraduha dong ug maninuod man ka 
Kai ug gugma'ng estoryahan ta 
Wa gyud ko ga duwa duwa
Kay ang akong gipangita bana 
Wa ko'y panahon sa pa cute cute 
Wa ko'y panahon sa mga joke joke

Pagsure uy
Pagsure uy
Pagsure uy

PAGSURE UY... 🎶

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

30.1K 249 7
Thể loại : ngôn tình, trọng sinh, hiện đại, nữ cường, hoàn. Sơ lược : Đồ sứ vỡ? Đồ đồng đen thiếu một góc? Danh họa tổn hại? Đồ cổ thực hư khó phân b...
53.8K 2.3K 41
A hurt tattoo artist, a crazed painter, a confused druggie, and a controlling gangster...It sounds like a chaotic mix of colors that shouldn't be abl...
29.2K 530 18
In a world where power and wealth rule, an unexpected romance blossoms between the feared and revered Mafia Queen and an ordinary, struggling man. Th...
12.1K 454 17
After the battle between Ryan and Seth, Ryan starts to act weird. He starts being mean to his friends and brother, plus he keeps getting headache and...