Oneshots by Ate Sushii

Galing kay AteSushii

14.6K 557 367

Love in its many different angles... Higit pa

19th, March
YOU GOT ME
Hi, Jon
Reach the Skies
Chasing Louis
[shushii notes:]

You Owe Me a Day

1.3K 35 19
Galing kay AteSushii

YouOweMeaDay

Ang sarap isipin na may magagandang bagay na nangyayari dahil destined kayo...

---

 

December 21, 2012, 11:36 PM

"DA'F*CK!"

Sa sobrang inis, sinipa ko ang inosenteng gulong ng sasakyan ko kasabay ng isa pang malutong na mura. No'n naman nag-ring ang cellphone ko. Wala akong balak sagutin kung sino man ang tumatawag para wala nang madamay sa init ng ulo ko. But it's my cousin Alaissa who's calling, so I slide the Answer icon.

"Hello, Dixie. Nasa'n ka na? Sorry, nauna na kami ni Yana sa 'yo, ha?" paumanhin niya sa kabilang dulo ng linya.

I was with her and her best friend Yana earlier.Galing kaming bar,nag-happy-happy. Pero itong si Yana, may problema pala sa love-life— 'ayon, lumangoy sa alak. Halos maglupasayna siya sa sahig sa sobrang kalasingan kaya napagdesisyunan ng pinsan ko na iuwi na siya mga kalahating oras na ang nakakalipas. Naiwan ako mag-isa since may sarili naman akong sasakyan. Anyway, it's fine because I've wanted to try to stroll around the city at night ever since I got a car as a gift from my Lolo. I thought I'd enjoy this trip tonight. But I was wrong.

Nag-squat ako sa tapat ng walang kwentang gulong, my phone still against my ear. "'Insan,help me here. Na-flat-an ang sasakyan ko..."

Walang sagot.

Napakunot-noo ako. "Hello, 'Insan? Alai, yuhoo..." Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Hindi umiilaw. Great! Ito na ang ultimate kamalasan: na-flat-an ako ng gulong, wala akong spare tire, I'm all alone here on a creepy sidewalk, at dead-bat ang phone ko. Kainis!

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at hinanap ang charger ng brother ko. But I can't find any trace of the stupid thing so, wala na talaga akong choice. I can't spend the rest of the night here—ayoko, nakakatakot! Magko-commute na talaga ako. Pero naiwan ko pala ang wallet ko sa bag ni Alai. Nadagdagan ang inis ko. DAAANG! Pinepeste ako ng kamalasanThis is worse than the Doom's Day people have been talking about that supposed to happen tonight! DAW.

WALA NA BANG MAGANDANG MANGYAYARI SA 'KIN NGAYON?

Napabuntong-hininga na lang ako habang pababa ulit ng sasakyan. Then, may na-realize ako.  May last choice pa ako: MAGHI-HITCH AKO! Bahala na si Batman—

"Ay, Batman!" Halos sumabog ang dibdib ko sa gulat nang biglang may mag-caroling na mga batang-lansangan sa tabi ko.

"Jing-gumbels, jing-gumbels, jing-gum ol da waaay! O, wat fan, electric pan, en a one-horse open sleigh..."

I don't know but as I'm watching these kids sing with all their hearts, all my irritations seem to melt away. Kanina lang, naghuhuramintado ako dahil sa simpleng gulong; samantalang itong mga batang 'to, wala pa sa kalingkingan ng problema nila ang kanina ko pa pinagsisintir. At kanina ko pa iniisip na malas ako, pero swerte pa pala ako kung tutuusin. Dahil ngayon, ako ang may kakayahang magbigay sa kapwa. These kids... they're better than me. God really has His own way of showing one how lucky he is.

Pumalakpak ako pagkatapos ng makabagbag-damdaming caroling ng mga bata. Hinanap ko 'yong malaking Tupperware ng dinadala kong mga tinapay, tsitsirya at mineral water sa backseat. Madalas kasi mag-impromptu outing ang barkada ko kaya nasanay akong magbaon ng kung anu-anong makakain. These foods and a few coins I've fished out from my pocket are the only things I'm able to give them, pero mukhang natuwa naman sila sa binigay ko. Hindi ako "barat" tonight.

"Ang bait mo, Ate. Salamat po," sabi sa 'kin ng parang pinaka-kuya ng mga nag-caroling habang nagsisikain sila sa gilid ng kalsada.

"Wala 'yon. Pakabusog kayo," sagot ko naman habang nakatayo sa tabi nila. Naghihintay pa rin ako ng dadaang sasakyan na pwede kong parahin. "Uhm, may dumadaan pa bang sasakyan dito 'pag ganitong oras?"

"Meron pa naman po, Ate. Usually, around midnight po. Kasi gano'ng oras nagsasara 'yong mga bar malapit dito. Kung gusto niyo, we'll keep you company until your boyfriend comes to fetch you."

Napakunot-noo ako sa pag-English ng batang sumagot sa 'kin. Anyway, hindi na ako nag-usisa, malay ko naman kung magaling pala siya sa eskwela? Sana lang hindi alien itong mga kasama ko ngayon. Hindi ko na rin siya tinama na walang boyfriend ang susundo sa 'kin dahil wala naman akong boyfriend. Basta ang importante makauwi na ako para makahabol sa Simbang Gabi mamaya.

Buti na lang may dumating nang sasakyan wala pang sampung minuto ang nakakalipas. This is my first time kaya hindi ko alam kung talagang effective ba ang pag-o-"okay sign" sa pagtawag ng atensyon ng driver. But I'm desperate so I give it a try.

"Hitch! Hitch!" sigaw ko kasabay ng pagsenyas ko sa driver. "Hitch...ARAY!" Nasilaw ako sa front light ng sasakyang tumigil sa harap ko mismo. Ilang segundo rin akong nakapikit. Nang imulat ko ulit ang mga mata ko, wala akong makita.

Nag-panic ako agad. "Aaaaah! Wala akong makita! Bulag na ako! AAAAAAH!"

"Hoy! 'Wag ka ngang OA."

Natigilan ako. Pamilyar kasi ang boses na 'yon... Minulat ko ulit ang mga mata ko. Okay na ang paningin ko at malinaw ko na ring nakikita 'yong nagsalita kanina. He's literally looking down at me, towering in front of me with his usual stern face.

Keijian? What's he doing here?

Tumaas ang kilay niya nang hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko habang nakatunganga sa kanya. He rolls his eyes thenI hear him breathe out an exasperated sigh as he turns his back and strides beside my car. Tinitigan ko lang siya habang ina-absorb ng utak ko ang nangyayari.

Talaga? Si Keijian "The Great", ang ultimate heartthrob sa university namin, ang rescuer ko tonight? Hindi nga? Totoo ba 'to o dala lang ng nainom ko kanina?

Naramdaman kong lumapit sa 'kin 'yong mga bata. "Ate, ang gwapo ng boyfriend mo. Kaya lang mukhang masungit."

Tumingin ulit ako kay Keijian at natigilan na naman dahil nakatingin din pala siya sa 'kin. Maybe these kids are right. But when you really get down to it, Keijian isn't snooty; intimidating is the right term.

"What?" iritadong tanong niya.

Lumingon ako sa likod ko. Baka lang hindi ako ang kausap ni Keijian. Nang nakita kong walang ibang tao, binalingan ko ulit siya. Ngumiti ako ng alanganin—hindi ko pa rin alam kung paano siya kakausapin.

"What now? Tutunganga ka na lang d'yan? Halika rito."

Ang commanding ng tono niya kaya napasunod na lang ako.Nag-squat rin ako sa tabi niya.

"You have flat tire," sabi niya. Hindi na irritado ang boses niya pero aloof pa rin ang kanyang aura. "Do you have a spare?"

"A-ah, eh... 'yon nga ang problema. Wala."

"What?! Driver ka. You should always bring spare tire." Now he's like my dad chiding me.

I pout. "Sorry na. Nalimutan ko ibalik 'yong spare tire ko no'ng naglinis ako ng interior, eh." Really now? Nag-a-apologize ako sa taong ni hindi ko naman kaibigan? "Uhm, kung okay lang sa 'yo, hihiram sana ako ng spare tire mo?"

He does his "trademark" once more: tinaasan niya ako ng isang kilay. "No."

WHAT?! Napasimangot ako. Ang damot naman ng lalaking ito. Dapat dito hindi nagiging crush ng bayan! "Why not?" asar na tanong ko.

"Because I don't have one either," casual na sagot niya bago siya bumalik sa sarili niyang sasakyan.

Nagpintig ang tenga ko ro'n. Umuusok ang ilong at nangangati ang kamao na hinabol ko siya. "Hey! Ang lakas ng loob mong sermunan ako, e ikaw rin naman pala walang dalang spare tire? Ang kapal ng mukha mo!— Sino ka ba? 'Wag mo sabihing sikat ka sa school at maraming babae ang nagkakandarapa sa 'yo. Para malaman mo, I'm running for Cum Laude—"

He's stopped me from ranting with his index finger pressed against my lips. "Miss, kung na-flat-an ka at wala kang dalang spare tire, 'di ba issue mo lang 'yon? 'Wag mo 'ko idamay sa kamalasan mo. Dahil kung nasiraan din ako at wala akong dalang extrang gulong, hindi ko 'yon isisisi sa iba, hmm?"

Inalis ko ang daliri niya sa labi ko. Nagkapatung-patong na ang frustrations ko dahil sa lalaking 'to!" Bakit ang yabang mo? Kung wala ka namang puso para tumulong, sinabi mo na lang sana agad! Hindi 'yong pinaiiral mo ang kaarugante—hmmrr— hmmf— hmmmm!"

Tuluyan na niyang tinakpan ng palad ang bibig ko. I try to punch him but he's able to grab my wrist and pin me against his car with one hand in no time. Wala na akong nagawa kundi saluhin ang inis niyang tingin. Nakaka-frustrate... Nakaka-frustrate dahil imbes na naiinis ako sa kanya, feeling ko nagba-blush pa yata ako. Pa'no, bukod sa halos magdikit na ang katawan namin, SOBRANG LAPIT RIN NG MUKHA NIYA SA 'KIN! I can even feel his warm breath on my face!

 "You know, you don't hafto make so much fuss. And there's no need for this drama either if you'll just stop yapping."

I glare at him; he doesn't back down. Imbes, pinanlakihan niya lang ako ng mata. Hindi naman ako nagpatinag. Ilang sandali kaming nagtinginan nang masama bago siya kumilos para pakawalan ako. I won!

For the second time tonight, he sighs frustratedly. "Grabe, sobrang sungit mo pa rin," he mumbles.

"Ikaw, sobang yabang."

Namaywang siya."Why don't you just be thankful I came?"

"At bakit naman ako magpapasalamat? Basta mo na lang ako tinalikuran at wala ka na ngang balak tumulong, sinermunan mo pa ako."

"I went back to my car because I was gonna get my cellphone— wait, why am I even explaining?" He shakes his head. "Gusto mo bang tulungan kita o hindi?"

Tinitigan ko siya habang tinatansiya kung sincere ba ang inaalok niyang tulong. O kung gusto ko ba ang tulong niya. Tapos napagtanto ko na ang dapat na tinatanung ko sa sarili e kung kaya ko bang pakisamahan ang taong 'to. Ngayon palang kami nagkaharap, pero nagkasalpukan na agad ang mga ugali namin.

Lumunok ako kasabay ng paglunok ko ng pride ko. "I need help... Please help me..."

Akala ko pagtatawanan na niya ako o ipapamukha sa 'kin na loser ako. But instead, he motions his car. "Get all your things in your car, lock it, and then get in my car."

"Huh?" I gawk at him.

"What? Kailangan pa ba kitang pagbuksan ng pinto?"

Phew. Grabe ang kaarogante ng lalaking 'to! I check my scowl. "Ang ibig ko pong sabihin, bakit kailangan ko sumakay sa kotse mo?"

"You don't have to be sarcastic. And to answer your question, I'm the one who's helping here, kaya tutulong ako sa paraang alam ko. Kaya ikaw, sumunod ka na lang, hmm?"

Hindi ko na napigilang mapasimangot. Hindi lang mayabang at arogante itong si Keijian, control-freak pa! Anyway, sumunod pa rin ako sa utos niya. Nagpaalam rin ako sa mga batang tumulong sa 'kin kanina bago ako pumasok sa sasakyan ni Control Freak.

"Tumawag na ako ng magto-tow ng kotse mo," sabi niya bago in-start ang engine.

"Ihahatid mo na ba ako?"

"Nagmamadali ka ba?" balik-tanong niya habang nagda-drive.

"Hindi naman. Gusto ko lang makahabol sa Simbang Gabi."

"Good. Sisingilin pa kita sa ginawa kong tulong sa 'yo."

"Ano?!" Nagsumiksik ako sasulok ng passenger seat. "Hoy, Keijian Espiritu, ha! Subukan mo 'ko gawan ng malaswa, masama at karumaldumal, makakatikim ka ng karate skills ko!"

I see him roll his eyes. "Tss. I will never do what you have in your green mind right now. Kaya umayos ka ng upo r'yan."

Pahiya ako ro'n. Inayos ko na ang seatbelt ko at nanahimik na lang. Mayamaya, tumigil kami sa harap ng isang coffeeshop. Past midnight na pero marami pang costumers. I just follow Keijian and remain not talking until we're seated on a corner table.

"Uh, I assume tinutulungan mo 'ko kasi kilala mo ko, diba?" usisa ko.

"Kahit 'di ko kakilala, tutulungan ko," matipid niyang sagot.

"Kilala mo 'ko?!" Oo, nag-assume ako pero hindi ko inakalang tatama ako. I mean, sobrang sikat ni Keijian sa university namin. At ako, isa lang akong simpleng mag-aaral...

"Of course I know you. You're Dickson Xien Jacinto," he says this so confidently, like he knows a lot about me. "Sa'n mo ba ulit nakuha 'yang pangalan mo?"

Natahimik na lang ako sa kinauupuan ko. He's right—it's my real name. Pero 'yong talagang nakakakilala lang ang tumatawag sa 'kin nito. So... he remembers me?

Ang totoo, I've known Keijian since kindergarten. He was the chubby boy who seemed to get some sort of satisfaction by pulling my pigtails and hiding my lunchbox. He was also the seatmate who used to copy my test answers and call me names during elementary. He was my bully for many years until his family flew off to Australia during third grade.

I remember my 10-year-old self going home early that day after hearing Keijian's departure. Pero imbes na mag-celebrate, nagkulong lang ako sa kwarto ko. I cried that whole afternoon. Keijian was my bully pero isa yata akong masokista no'ng kabataan; sa kabila ng lahat ng pang-aasar at pangti-trip niya sa 'kin, nagka-crush ako sa kanya. It was a major case of childhood crush. Pero dahil nawala siya sa landas ko, naglaho rin naman 'yon.

Until this college, roughly a decade later. Bumalik siya ng bansa at—tadhana nga naman—sa parehong university pa kami nag-enroll. Pero hindi kami nagtagpo uli ni minsan. It's my choice not to show up to him. We were not friends so I figured catching up with him is an odd idea.

The years that had passed did a lot of changes in him. Lalo siyang gumwapo, naging seryoso at nag-mature pati ugali niya. But right now as I see it, there are two things that didn't change: una, marami pa ring nabibiktima ang charisma niya (in fact, triple-triple pa ang dumagdag sa mga nagkakandarapa sa kanya); at pangalawa, may feelings pa rin ako sa kanya.

It's ridiculous, I know. But maybe as I grew up, I've unconsciously carried with me the innocent fondness I had for him when we were kids. Then when he came back into my life, it bloomed into something deeper, something close to adoration.

Pero syempre, ang awkward ng kwento kung bigla na lang ako lilitaw sa harap niya at magko-confess ng feelings katulad ng mga fangirls niya. So nakontento na lang akong pinapanood siya sa malayo.

"You know I hate it when I'm talking to someone and she's not paying attention."

Keijian's voice pulls me back from my contemplation. Tumikhim ako. "Uh, ano ulit 'yong tanong mo?"

"Wala." Halata ang disappointment sa mukha niya. "Ubusin mo na 'yang in-order mo. May pupuntahan pa tayo."

I stuff the small piece of ham sandwich in my mouth and gulp the remaining milktea in my glass in less than a minute. Pagkatapos no'n, nasa byahe na naman kami. Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa isang theme park. I hop off his Vios like a kid taken to Disneyland. Pero bago pa ako makatuloy sa entrance, pinigilan ako ni Keijian sa braso.

"Wait. Wala ka bang jacket?" tanong niya. Bago pa ako makasagot, sinuot niya sa 'kin ang jersey jacket niya.

"Pa'no ka?"

"I lived in a cold country for many years,so I'm fine. Ikaw, feeling ko magkakapulmunya ka sa suot mong kulambo." He gestures my blouse.

"See-through ang tawag dito, mister."

"Whatever, lady. Buti nga concerned ako sa 'yo." Nauna na siyang naglakad. "Bilisan mo na, mag-rollercoaster tayo."

Sumunod akong nagba-blush. CONCERNED DAW SIYA SA 'KIN! And it's actually sweet he let me use his jacket. Napuno pa ng kakiligan ang gabi—uh, madaling-araw dahil sa extra care na binibigay sa 'kin ni Keijian habang naglilibang kami sa mga rides at booths. Dumeretso kaming Simbang Gabi pagkatapos. Katulad ko, gusto ring makumpleto ni Keijian ang Simbang Gabi for his Christmas wish.

"Buti nagsisimba ka na ngayon?" tanong ko sa kanya habang nanginginain kami ngputo-bumbong. Katatapos lang ng Misa, naisipan naming maghintay ng sunrise sa Luneta. "No'n kasi, akala ko alagad ka ng masamang espiritu. Ang sama ng ugali mo."

"Is that how you regarded me before?"

Pinanuod ko siyang lagyan ng ni-request niyang extra evap ang hot chocolate ko. Ohmay-Gee! Kanina pa ako napupurga sa pag-aalaga ng lalaking 'to. Ang sarap isipin na may magagandang bagay na nangyayari dahil destined kayo...But of course, that would be hilarious. Nagkataon lang na siya ang nakasama ko ngayon. Tomorrow, I'm not sure if a brand new day would still bring him with it.

"Yes. You used to pull my pigtails," I remind him.

"I told you I hate it when I'm giving someone all my attention and she won't give hers to me. Laging sa ibang classmate natin ang focus mo and I hated that."

"Kinokopyahan mo rin ako kahit ayoko," I continue with my long overdue complaints.

"Gusto ko rin kasi ng mataas na grade para maging proud naman 'yong crush ko sa 'kin."

"And you used to call me 'Panget' and some gross names..."

Tumawa siya. "Of course. Isn't that normal— calling your crush names?"

"Huh?" Napatunganga ako sa kanya. Ok, that's quite a revelation...Crush niya ako no'n?

CRUSH NIYA RIN AKO NO'N?

I watch and wait for him to grin before telling me he's just joking, or for him to laugh at my now flushing cheeks— but neither happens. He's just gazing at me, not blinking, and he's got a serious look in his face.

CRUSH NIYA RIN AKO NO'N?

"Yes," pagkumpirma niya na parang narinig niya ang tanong ko sa isip.

Noon naman dumating si Alaissa para sunduin ako. I called her earlier using Keijian's phone. He just nods when my cousin thanks him for taking care of me like I'm a kid that needs baby-sitting. Hinatid pa kami ni Keijian sa sasakyan pero hindi ako nakapagpasalamat sa kanya o nakapagpaalam man lang dahil shocked pa rin ako.

Looking back, as we drive away in my cousin's car I think to myself, what a revelation? What did I let slip away...?

 

 

 

January 7, 2013, School Gymnasium

LUMIPAS NA ANG Pasko at Bagong Taon at kainan at putukan. Ngayon ang unang araw ng pasukan ngayong taon. Ilang linggo na rin ang lumipas pero lutang pa rin ang isip ko na parang nakahithit ng kape mula ng araw— madaling-araw na nagkasama kami ni Keijian at nalaman kong crush niya rin ako no'ng bata pa kami.

Kumbinsido na ako sa kababawan ko: smiling like a fool while ambling— almost floating— like I'm on cloud nine. Nasa cellphone ko lang ang buong atensyon ko.

See me. U stil owe me a day. —text 'to ni Keijian kahapon.

Wala na akong inaasahan at hindi na rin ako nag-entertain ng kahit anong possibility sa pagitan namin. Pero bigla siyang nag-text. At ang mababaw na childhood crush, naging high na high napagpapantasya na baka... baka may dahilan bakit siya ang dumating no'ng kailangan ko ng tulong. Baka may dahilan kung bakit bumalik siya ng bansa. Baka destined nga talaga kami...

And maybe these are little chances that need seizing.

Nabaling ang atensyon ko sa malakas na hiyawan ng mga estudyante ng nanunuod ng basketball dito sa covered court. I'm not a fan of basketball but maybe I can be a fan of the coolest and prettiest guy I know who plays the sport. This will be my first time to watch Keijian's game, and here is the very place I chose to meet him. Sana masurpresa siya at mas ganahang maglaro 'pag nakita niya ako.

Naghahanap ako ng magandang mapupwestuhan nang mag-timeout ang laro. I find a spot immediately but before I can sit, I'm immobilized by Keijian's stare. Mission failed. He doesn't look surprised at all to see me. Mas mukha siyang disappointed... katulad ko. Disappointed and confused and, in the end, embarrassed— more to myself— as I watch the entire scene on the courtside. Inaasikaso si Keijian ng isang anghel.

Damn.

Bakit ba naisip ko pa na alibi lang ni Keijian 'yong text niya at ang totoo, gusto niya lang ako maka-date? Bakit kasi ambisyosa ako? Why did I fail to read the reality— that he's a school heartthrob and I'm nothing like him? I should've seen this: Keijian and the Campus Sweetheart together. His female counterpart, the one perfectly matched for him.

"Ang sweet ni Nice, no? Tuwing my game si Keijian, lagi siyang present sa courtside, doing the girlfriend job."

"Yeah. Bagay na bagay sila."

"Ah, miss. The game's about to start, could you please sit now? You're blocking the view... Oh. A-are you okay?"

The girl behind me  looks so concerned. I nod at her, because that's all I can manage. I try to wipe my tears dry but my tear ducts just won't cooperate. The game's about to start, I watch Nice give Keijian a hug before he scoots back inside the court. Bago pa ako matunaw sa kinatatayuan ko, umalis na ako sa gymnasium.

Dixie, madala ka na sana. Bawas-bawasan ang pagpapantasya 'pag may time!

February 14, 2013, School Cafeteria

"MAGBE-BREAK RIN kayo, tiwala lang."

"'Sama ng ugali mo. Destined kami, 'no. I can feel it."

"'Sus. Nililinlang ka lang ng pantasya mo."

"Bakit ganyan ka? Imbes na maging supportive ka sa pinsan mo, puro ampalaya sinisiksik mo sa utak ko. Tara na nga sa counter."

Hindi ko na giniit kay Alaissa na totoo naman ang sinasabi ko. No two people are destined for each other. If they were together, it was their choice to exist on the same place and breathe the same air, and waste energy and time for each other. Pero habang namimili ng oorderin naisip ko, bitter ba 'ko? I just don't believe in Destiny— at least not anymore. You love somebody today because it's your choice, not anyone else's; you leave, it's again your choice. Simple.

 

 I wonder idly if I make sense when a cheesecake appears in front of me.

"I remember this was your favorite snack during elementary. Eating wasn't allowed in the library, but you were one misbehaving girl despite your class standing."

Biglang dumoble ng tibok ng puso ko habang nakikinig sa boses na 'yon mula sa likod ko. Lalo na nang humakbang paharap sa akin si Keijian, still holding out the cupcake.

"Ba't nandito ka?"

"Because I chose to," he answers casually. "By the way, this is for you."

I don't understand what's happening but I take the cupcake. Keijian's refreshing smile beats me more.

"There's some more I want to give you, but you have to come with me."

Umatras ako bago pa niya maabot ang braso ko. "Bakit ako sasama sa 'yo?"

Suddenly, Keijian looks impatient. I hear him sigh. "Could you please come with me without any fuss? Ayoko nang maraming nakatingin sa 'kin."

Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya, partly dahil gumagawa na kami ng eksena at nakakaani na rin ng audience, and mostly dahil mukhang hindi talaga kumportable si Keijian sa atensyong nakukuha niya. Idly, I think it's cute: a heartthrob who doesn't like to be in limelight.

Nakarating kami sa rooftop. Surprisingly, walang ibang tao.

"Hoy, Keijian. Hindi porque binigyan mo ko ng cupcake, pwede mo na akong gawing utusan, ha. Kung may pinaplano kang surpresa para kay Nice, pasensya na pero hindi mo maaasahan ang tulong ko ngayon. Tsaka na lang ako babawi sa ginawa mong tulong sa 'kin dati."

He frowns. "What are you saying? Why would I surprise Nice?"

"Bakit hindi?"

"Bakit oo?"

I sigh, giving up. "Wala namang pinatutunguhan 'tong usapan natin. Babalikan ko na lang si Alai. Ba-bye. Happy hearts' day," walang ganang pagbati ko.

Pinigilan niya ako sa braso. "You really are one disobedient girl. Bakit mo 'ko iiwan dito?"

"Bakit naman kita sasamahan?"

 "Sabi ko, you owe me a day. Bakit hindi ka na nagpakita sa 'kin?"

Okay. So that's where he's coming. "Diba sabi ko, tsaka na lang ako magbabayad sa 'yo? Kailan mo ba gusto 'yang day na 'yan? Bukas na lang."

"No, not only tommorow. Pati sa makalawa... At sa mga susunod pang mga araw."

"Ano?! Abuso ka, ah..." Now where is he going with this?

Namaywang siya bago tinikom ang bibig. Mukhang sobrang frustrated na siya. Bakit ba kasi ang lalabo ng mga sinasabi niya?

Finally, after three centuries, he sighs once more before mumbling, "You owe me a day— and I mean everyday."

So it hits me. 'Yong pigil na ngiti ko, nauwi sa hagalpak. "Sige na nga. I like you, too. At crush din kita no'ng mga bata pa tayo," sabi ko sa pagitan ng walang humpay na paghalakhak.

"Anong 'I likeyou, too'? Wala pa akong sinasabi! Tsk. Sinira mo script ko! Stop laughing, silly girl!"

Ang comical ng hitsura ni Keijian, nadagdagan ng isang-daan ang tawa ko! He smiles a shy smile, that's when I calm down.

"Okay, let's hear your script." I smile kindly.

For the first time, hindi ang cool at composed na Keijian ang kaharap ko. He looks tense, but still very handsome.

"Okay... to start, I want to tell you there's nothing going on between Nice and I. She's just a good friend. I take it you still remember her..."

Tumango ako. Oo, si Nice, ang female counterpart niya mula pa no'ng elementary kami. Lagi nga akong nagseselos sa babaeng 'yon dahil parati na lang siya'ng muse ng homeroom at si Keijian ang adonis. Minsan ko ring nakasundo si Nice, pero nag-transfer rin siya bago pa kami naging mag-bestfriends.

"I appreciate her efforts in finding me. Yes, she looked for me and actually transferred here when she heard I'm back in the country. She even turned down her scholarship abroad just so she can be with me..."

I frown. At one point I feel sad for Nice... pero bakit siya ang kinikwento ni Keijian?

Tumawa siya. "Okay, to get to the point... Nice is nice, and I'll always be thankful of her faith in me. But I had to tell her my intention I flew back here. That I, too, had to turn down a college grant in Austrailia so I can get my dream that I left here when I was ten. My dream that goes by the name Dickson Xien Jacinto a.k.a. Dixie..."

I'm speechless; he's grining.

"Yes. I looked for you. How I thank God for your flat tire that night— oh, midnight. Hindi ko pa nakokompleto 'yong Simbang Gabi no'n pero binigay na Niya ang wish ko na ma-meet ulit 'yong crush kong biba at cute na bata during childhood... and now I'm close to fulfilling my dream."

Dammit! Naiiyak ako na gusto kong magtatalon na natatawa na kinikilig... pero sa huli ang nagawa ko lang ay yakapin si Keijian. He embraces me, too. When he pulls away, a bouquet of red roses and a huge teddy bear materializes in front of me.

"Dickson, my dream... will you be my Valentine? Forever?"

I smile at him. "Sure, crush."

Ang sarap isipin na lahat ng ito ay nangyayari 'di lang dahil destined kami... kundi dahil ito ang tinakda ni Papa Lord.

:)

[shushii notes:] Yey! New oneshot. CELEBRATION (sabi nung jc ang pangalan :P)

 to @imflyyen, DEAR  this is for U! And also to DIXIE mylabs! <3

 sana magustuhan niyo to! Comment. Smile. Be Inspired<3

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...