Refuge

By hannablint

145 29 17

How did it happened? That's the biggest question of Samariya after seeing zombies that is scattered all over... More

REFUGE
Prologue
Chapter 2 // Companion
Chapter 3 // Sniper
Chapter 4 // Runaway
Chapter 5 // Crossing Paths
Chapter 6 // The Beginning
Chapter 7 // Hideout
Chapter 8 // Leader
Chapter 9 // The Organization
Chapter 10 // East Barrier
Chapter 11 // Clan of Hunters
Chapter 12 // Safe Place
Chapter 13 // Face to Face

Chapter 1 // Home

9 2 0
By hannablint

Samariya's PoV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatana sa mukha ko. Panibagong araw. Panibagong simula... kung saan ako na lang mag-isa. Hay. Bukod sa masakit kaunti ang katawan ko dahil sa higaan, masakit din ang puso ko. Mas masakit pa nga ito kumpara sa lahat ng sakit ng naranasan ko sa buong buhay ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Sabagay, kahapon lang iyon nangyari, malamang ay sariwa pa rin 'yon sa isip ko. Pero bakit nga ba kasi nagka-gano'n? Saan ba 'to nagsimula? Parang biglaan naman yata? Ni wala man lang kaming nabalitaan mula sa radyo o telebisyon, at maging sa social media.

At bakit kailangan pang lumaban nila Mama at Papa kung p'wede namang umalis na lang kami at maging ligtas? Bakit din ang daming armas na nakatago sa kwarto nila? Wala naman iyong koneksyon sa mga trabaho nila. Si Papa ay isang Chem niist at si Mama naman ay Doctor. Ano namang kinalaman ng mga baril, katana at kung anong armas sa mga propesyon nila?

Naiintindihan kong may pagkahilig sa mga bagay na 'yon si Papa dahil ang balak niyo sana noon ay maging sundalo. Madami siyang alam patungkol sa mga iyon kaya naman tinuruan niya rin ako. Pero paano naman natuto si Mama? Wala naman siyang hilig doon. Sa katunayan nga ay ayaw niya ang pagkahilig doon ni Papa na dinadamay pa ako. Ang hilig ni Mama ay ang pag-aaral sa mga sakit at kung ano pang may koneksyon sa pagiging Doctor niya.

Oh wait—

My father is a Chemist but an aspiring Soldier before and my mother is a Doctor. Shoot! I really can survive dahil sa mga kaalaman na natutunan ko sa mga magulang ko! And the fact that I'm in a forest, mas malaki ang magiging advantage ko para maka-survive. Luckily, my father taught me how to use weapons and my mother taught me about diseases and how to heal wounds properly. Perks of being an only child na pinag-a-agawan ng mga magulang at tinuturuan ng mga bagay na gusto nila.

Agad akong bumangon at nag-stretch-stretch 'tsaka binuksan ang bag ko. Gaya nga ng sabi ko ay malaki ang bag at ngayon ko lang nakita na may folding bed pala rito, isang unan at kumot. Maayos sana ang tulog ko kagabi kung nakita ko itong mga 'to. May mga pantal tuloy ako na kagat ng mga lamok. Isa-isa kong nilabasan ang mga laman ng bag at mabuti na lang dahil may mga pagkain. Hindi naman halatang pinaghandaan ni Mama ang pamumuhay kong mag-isa.

Tinapay lang ang kinain ko at uminom ng tubig. Kailangan ko ayusin 'tong bahay ko kaya naman plano kong ayusin lang ito buong araw. Hindi rin naman ako p'wedeng bumalik sa lugar namin dahil delikado. Sa susunod na lang siguro kapag handa na ako. Sa ngayon ang kailangan kong gawin ay mapanatili ang kaligtasan ko rito sa gubat. Wala ngang mga zombie rito pero hindi ibigsabihin noon ay ligtas na ako sa mga mababangis na hayop na naninirahan dito.

Muli kong kinuha ang katana ko at gumuhit sa lupa ng panibagong parisukat na kadugtong lamang ng kasalukuyan kong bahay. Mas malaki ito kumpara sa nauna, ito ang gagawin kong kwarto. Pukpok dito, pukpok doon. Tali rito, tali roon. Nakapapagod pero kailangan ko 'tong gawin. Nang matapos ko ang bubong ng bahay ay lumipat naman ako sa haligi at dingding. Bukod sa mas malaki ito, mas matibay din ito kumpara sa nauna. Maayos na rin dahil may pintuan at bintana. Gumawa din ako ng cabinet na paglalagyan ko ng mga gamit ko at lamesa at upuan. Sinimulan kong iayos ang gamit ko sa kwarto at saktong-sakto lang ang lahat.

Sa tingin ko ay sa susunod na araw babalik na ako sa lugar namin. Bukod sa kailangan kong tignan kung ando'n pa ang katawan nila Mama at Papa. Kailangan ko rin manguha ng mga gamit na kakailanganin ko rito sa gubat. Titignan ko na rin ang bahay namin para makakuha pa ng iba kong personal na gamit at armas. At higit sa lahat ay suplay ng pagkain dahil siguradong mauubusan ako sa pananatili ko rito. At sana sa araw na 'yon ay maging ligtas ako at makabalik nang maayos dito.

Palubog na naman ang araw. Hudyat na muli akong naka-survive ngayong araw. Pangalawang gabi ng pananatili ko rito at pagiging mag-isa. At pag-gising ko bukas ay pangalawang araw na ng pagkawala nila. Ni hindi ko man lang sila nabigyan nang maayos na libing. Hindi ko alam kung kailan matatapos 'tong sakit sa loob ko. Sa tingin ko nga ay hindi na at araw-araw na lang akong magluluksa. Hindi man iyon halata dahil sa mga ikinikilos ko pero kitang-kita naman ang pagdadalumhati ng mga mata ko kapag tinignan mo.

Mayro'n pa kayang natitirang tao sa lugar namin? O kaya naman ay sa ibang lugar? Sa tingin ko ay wala na. Kung hindi sila nakain ng mga zombie, naging kabilang siguro sila. Pero sana mayro'n pang mga natitira. Para kahit papaano ay alam kong hindi ako nag-iisa at may mga kasama. Hindi man personal na nakikita pero alam kong lumalaban para maging ligtas at mabuhay. Pakiramdam ko tuloy ay may naguudyok sa akin ngayon na simulan na ang paglalakbay bukas.

***

Isinukbit ko ang bag at huminga nang malalim bilang paghahanda sa paglalakbay ko pabalik sa lugar namin. Kagaya ng sinabi ko kahapon, may nauudyok sa akin na simulan na ang paglalakbay ngayon. Hindi ko na dapat patagalin pa dahil tumatakbo ang oras. Baka kung may mga tao pa roon at pinatagal ko pa ang pagpunta ay hindi ko na maabutan.

Alam kong sa pagbalik ko ay delubyo ang sasalubong sa akin. Walang kasiguraduhan ang kaligtasan ko. Hindi ko alam kung mamatay ba ako o magiging isa sa kanila. Kung kakayanin ko bang makita sila Mama at Papa kung naging ganoon na rin sila.

Hindi ko alam. Napakaraming tumatakbo sa isip ko. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon, kailangan kong mabuhay. Iyan ang panghahawakan kong salita galing kay Papa.

Ma, Pa, pangako, kakayanin ko.

Nagsimula akong maglakad at habang ginagawa ko iyon ay naglalagay ako ng mga marka sa dinadaanan ko. Mahirap na at baka maligaw ako kapag bumalik ako.

Hay, hindi ko akalain na sobrang layo pala nang itinakbo ko. Kahit anong senyales na malapit na ako ay wala. O baka naman naliligaw na ako sa gitna ng gubat? Aish!

*rustling sound*

Jeez what's that? Agad kong hinawakan ang katana ko mula sa likod at naghanda sa kung ano mang p'wedeng mangyari. May zombie ba? Wild animal? Tao?

"Ah!" sigaw ko at bahagyang napatalon matapos lumabas ng dalawang squirrel mula sa damo. Psh, squirrel lang pala, akala ko naman kung ano na.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa hindi kalayuan ay nakatanaw na ako ng iilang bahay at kalsada. Biglang kumabog ang dibdib ko at napalunok ako nang paulit-ulit. Ito na. Andito na ako.

Hindi ko alam kung ito ba mismo ang lugar namin dahil baka iba ito pero ang mahalaga ay andito na ako. Kailangan ko na mag-handa kung sakali mang may mga zombie na pagala-gala rito. Paisa-isa ko silang papatayin hanggang maubos ang gaya nila sa parteng ito. Mas mabuti na iyon kaysa takbuhan ko lang lalo na't kung kaya ko naman patayin.

Dahan-dahan akong nag-lakad sa kalsada habang ang kanang kamay ko ay naka-handa sa pagbunot ng katana sa likod ko. Naka-alerto sa paligid ko at sa kung ano mang maaaring mangyari. Ngunit nang makakita ako ng isang zombie ay agad akong napatago sa likod ng abandonadong kotse.

Damn! Isa pa lang ang nakikita ko pero halos lumabas na ang puso ko mula sa dibdib ko. Pa'no na lang kung higit pa ang makasalubong ko o makita? Hindi ko yata kakayanin. Parang hindi ko na kayang tumuloy. Natatakot na ako.

Pero paano ako makakaligtas kung ganito? Kung mahina ang loob ko? Pa'no na 'yong pangako ko kila Mama at Papa? What if magpakain na lang din ako para hindi na ako mamroblema? Just kidding.

But seriously, how can I survive when I'm like this? I'm scared. I can't even kill one. How am I supposed to help other people then? Ni hindi ko nga yata kayang iligtas ang sarili ko nang mag-isa tapos balak ko pang tulungan ang iba? Baka pare-pareho lang kaming maging zombie. Imbis na makaligtas, lalo pang napahamak.

Dahan-dahan akong sumilip sa kotse at nakita ko ang zombie na naglalakad papalayo pero nagulat ako nang bigla na lang itong bumagsak. Holy sh*t! Anong nangyari? Oh my gosh!

Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid at wala akong maisip na dahilan para mangyari 'yon sa zombie. What just happened? Ano 'yon? How did it happened? What the hell?

Wait—

A sniper!

Maybe there's someone out here who shot the zombie with a sniper. And maybe he or she used a silencer kaya wala akong narinig. I think this is good. At least I know now that there are survivors too.

Muli akong naglakad nang tahimik at alerto sa paligid ko. Kung sakali mang may zombie at makita ako ng kung sino man na tao ang bumaril sa zombie kanina ay baka tulungan niya ako. Siguro naman ay hindi niya ako pagkakamalan na zombie.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang kotse kung saan ako nakasandal habang pinapanuod sila Mama at Papa na lamunin ng mga zombie.

Muling bumalik sa akin ang alaala at pakiramdam ko noong araw na 'yon. Ang sakit. Wala man lang akong nagawa. Malinaw pa rin sa akin ang nangyari at parang nakikita ko ang sitwasyon namin noon sa harap ko ngayon. I'm so stupid. So weak and a crybaby. I have guns that time, I should've use them to kill those damn creatures.

Bigla akong napaigtad at nanigas sa kinatatayuan ko nang makitang bumulagta sa harap ko ang isang zombie. Jeez! I was so overwhelmed that I let my guard down. Sa ulo nito tumama ang bala. Gross. Pa'no na lang kung nakagat ako niyan?

Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid at umaasang makita kung nasaan ang sniper. I owe that person. I need to thank him or her for saving me.

Naglakad na lang ulit ako at inalis sa isip ko ang nangyari noong araw na 'yon. Kung hahayaan kong lamunin ako ng emosyon ko ay walang mangyayari. Sa paglalakad ko ay narating ko ang bahay namin. Maayos pa ito. Tahimik akong pumasok sa loob at alerto. Hindi ko masasabi kung mayroon bang nakapasok dito. Kailangan kong maging handa.

Nang masigurado kong wala naman ay pinagmasdan ko ang buong bahay namin. What a lovely home, but it feels like a nightmare now. Tumulo ang luha ko at napahinga nang malalim. I miss them.

Dahil sa pagiging abala ko na pagmasdan ang bahay namin at alalahanin ang mga memorya namin dito ay hindi ko namalayan ang isang tao sa likod ko.

Continue Reading

You'll Also Like

103K 3.4K 40
Y/N was a teenage introvert who enjoyed having her own space and being alone. She loved listening to music in her room, which was a great escape for...
90.1M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
92.2K 2.9K 51
𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐔𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐕𝐄𝐘𝐀𝐑𝐃 "𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚎𝚜𝚝 𝚠𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝚐𝚘, 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚎. 𝚆𝚑𝚊𝚝𝚜 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚒𝚜𝚑 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚊 𝚖𝚘𝚝...
113K 11.7K 31
Athulya Singhania has spent her entire life in solitude, yearning for the love of a family. Over the years, she mastered the art of concealing her em...