Drowning Emotions (Isla Serie...

By sintamis

38.5K 996 140

ISLA SERIES #5 
Marco, the luckiest surfer in the island but was unlucky when it comes to love. Rejected cou... More

Drowning Emotions (Isla Series #5)
PROLOGUE
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
Author's note

02

1K 29 1
By sintamis

"Oy, Marquez! Muntikan nang sumablay sa recit! Sayang, hindi natuloy!"

My eyes rolled on their own when I heard Fred speak while I was arranging my bag. He was my blockmate, who I find super annoying because of his advances towards not just me, but to every female blockmate we have.

"Kaysa naman sa 'yo, sumablay na nga, hindi pa nakabawi, pinagmukha pang tanga ang sarili dahil kinwestyon ang prof. Ano nga ulit grado mo? 70? Muntikan nang sumablay. Sayang, hindi natuloy," I retaliated so fast, not giving him a chance to speak.

"Ano'ng sabi mo?!" Siya pa ang galit, eh, binalik ko lang naman ang sinabi niya!

I held my chin up and raised one brow at him when he pointed his finger at me. Tingin siguro ng timang na 'to takot ako sa kaniya. I'm not. Nandito ako sa law school dahil gusto kong maging lawyer na magdadala ng hustisya sa mga tao. Unlike him, who will use his future title to defend those who have violated the law.

"Akala mo naman siguro kagandahan ka kaya ang yabang-yabang mo! Hindi! Makeup lang naman nagpapaganda sa 'yo!" pagatake naman niya.

"Ad Hominem, Reyes. Ad Hominem," I reminded him with a smirk on my lips. "Magbasa ka nga minsan. Sayang tuition."

"Putangina ka talagang babae ka! Palagi mo na lang akong inaaway!" Ay? Parang kinder naman 'to! Tsaka siya iyong nauna, 'di ba?

Patuloy pa niya akong minura at pinagsasabihan ng kung ano-ano. I looked at my nails instead of sparing him my attention. Ang panget ng kuko ko! Hindi pantay! Papa-appointment nga ako for tomorrow. Oh, spa rin!

"Tapos ka na bang tumahol?" nababagot kong tanong kay Fred.

Dinuro niya ako sa inis. Sinipa ko naman ang ibaba ng bangko niya nang nakitang tatayo sana siya. Napahawak siya kaagad sa handle, gulat. I rolled my eyes before hanging my bag on my shoulder so I can leave the classroom.

"Tara na, Ica?" Paige asked me, preventing her laugh from the scene she have witnessed. No one really likes Fred.

"Yes, please!" Masaya akong tumango sa kaniya. Sabay kaming lumabas at sinalubong si Sab sa hallway. They were my only friends here in law school. "Gutom na ako mga sis! Saan tayo kakain?" I asked the both of them.

"Ewan. Kayo bahala," sambit ni Paige.

"Shakey's!" masayang sagot ni Sab, pumalakpak pa.

"Shakey's na naman?" reklamo naman ni Paige.

"Ikaw na mamili kung ganoon, Paige," kalmadong sabi ko. "Sige na! Gutom na ako!" Tinapik-tapik ko pa ang tiyan ko to prove a point.

"Wala akong maisip. Kayo nga bahala," sabi na naman niya.

"Shakey's nga," sabay namin na sagot ni Sab.

"Kaka-Shakey's nga lang natin," paalala ulit ni Paige sa amin.

I itched my head. "So saan?"

"Kayo nga bahala!"

Nagkatinginan kami ni Sab at nauna nang naglakad, leaving Paige behind. "Ang gulo naman! Wala! Nagtatangahan lang tayo, beh!" reklamo ko, tumatawa.

Natawa siya at sumunod din. Sumang-ayon na lang siya dahil wala rin siyang maisip na kainan. Inakbay ko ang magkabilang braso ko sa mga balikat nila habang naglalakad kami para walang maiwan.

"Good evening," bati ko pagkapasok sa mansion. Nakita ko lang ang isang kapatid ko sa sala, nanunuod ng TV. "Kumain ka na, Vy?" I asked her.

Bumaling siya sa akin nang nakataas ang isang kilay. "Ang plastic mo, Ica. Huwag ka nang magpanggap. Wala si Dad," she said directly.

"Nagtanong lang naman ako kung kumain ka na. Ano'ng plastic doon?" nakakunot noong tanong ko sa kaniya.

"Andito na pala iyong anak sa labas," bungad naman ng isang kapatid kong si Cindy, na galing sa kusina.

Natawa ako kahit na nairita at nasaktan sa bungad niya. "Araw-araw, ah? Consistent! Hindi ka nagsasawa?" I sarcastically asked her.

"Para ipamukha sa 'yo na hindi ka belong dito? Hindi." Cindy had her arms crossed over her chest as she shook her head.

Huminga na lang ako nang malalim. I pursed my lips before taking my shoes off. Pinulot ko iyon bago tinahak ang daan papunta sa kwarto ko sa itaas. Nakasalubong ko sa hagdan si Lianna, isa ko pang kapatid.

"Great. You're home," bored na sabi niya.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na umakyat. Pero kung hindi ba naman 'to hayop at pinalo ang hawak kong mga folder kaya nahulog iyon sa steps! I drew a deep breath before picking it up one by one.

"Lord..." Pahingi ng patience, Lord! Napapikit ako nang sinandya niyang tapakan ang isang puting folder ko habang pababa siya! Nakakainis!

"Lianna." I heard Alonzo's voice, my brother. "Won't you say sorry to Ica?"

"I won't," walang pag-aalinlangan na sagot naman ni Lianna.

Dinalian ko na lang ang pagligpit ng mga folders ko bago tumayo. "Akyat na ako," paalam ko kay Lonzo bago nagpatuloy sa paglalakad.

Dumipa ako bago pagod na binagsak ang sarili ko sa higaan. "Hi, Mishu. How are you today?" I greeted my persian cat when she climbed on my bed.

I hate living here but I don't have a choice. Kulang pa iyong ipon ko galing sa pag-aartista kaya hindi ako makaalis. Gusto ko kasi kapag umalis na ako rito sa mansion nila, hindi na ako manghihingi ng financial support sa kahit ano. Kahit sa pang tuition ko sa law school.

And yes, anak ako sa labas ni Mama. Alonzo was the oldest among us. Magkasunod kami ni Lianna kaya siya ang pinakagalit sa akin. Sunod naman si Cindy tapos bunso si Vy. Among them all, si Lonzo lang ang hindi galit sa akin. Maybe because he's a guy and he doesn't feel jealous of me, like my sisters do.

I assumed it's because I was praised by their father always since I was consistent with my grades. Dean's lister for my whole year in college, and now a law student.

Hindi nakapasa si Lianna noong 1st year college kami kasi puro party ang inatupag kaya umulit siya ng taon. Dahil doon, dumagdag ang galit niya sa 'kin dahil pakiramdam niya nalamangan ko siya. We were in the same grade now dahil nag gap year ako. Both 1st year in law. Buti nga hindi kami blockmates!

"Gia, can I do more auditions? Kahit supporting role lang," pakiusap ko kay Gia noong pinatawag niya ako sa agency. It's a good thing I don't have class today so I was quick to arrive.

Tinaasan niya ako ng kilay habang tinatanggal ang eyeglasses niya. "From bida to supporting role?" she asked as if that meant something.

"So?" Tinaasan ko rin siya ng kilay. "As long as the pay is good, g ako! Alam mo naman iyon, eh!" I pressed my index finger on the edge of the table before pushing myself, making the swivel chair I was sitting on twirl.

She sighed, massaging her head. "I'll find a big project for you."

Napatayo ako sabay takip sa bibig ko bago tumalon-talon sa saya. "Sure iyan? Hahanapan mo ako? Huwag mo akong paasahin, ah!" pagbibiro ko bago umupo ulit sa chair.

Gia gave me my schedule for next week. Babalik na naman ako roon sa isla since may shooting na naman kami for a short New Year special episode of the last series I filmed there. It was December already.

"Marquez, you can leave." The prof gave me a nod when I passed my exam paper.

"Thank you po!" Finally! Tapos na ako sa finals! Confident ako sa mga sagot ko dahil nag-aral naman ako noong isang araw.

"Daya mo," Paige mouthed when I waved at her as I walked out of the classroom.

"It's the most beautiful time of the year..." I hummed as I walked in the hallway, putting my airpods on.

"Veronica, pwede pa picture?!" Two students came near me, holding their phones up with huge smiles on their lips

"Sure! Sige, diyan kayo tayo." Kinuha ko ang phone noong isa habang tinuturo iyong magandang spot dahil white wall doon. Hindi nakaimik iyong mga babae. "Sige na, beh! Taray lighting diyan!" I urged.

"I think they meant picture with you." My blockmate, Zion, chuckled behind me.

"Ay!" Natawa ako nang malakas bago tumango. "Sorry, naiwan yata braincells ko sa classroom. Kunin ko muna, ah." Umakto pa akong babalik sa classroom kaya natawa sila.

Since I packed the things I need to bring for my shooting, I just washed up at home and find my mom to tell her I'm leaving already. They were on the garden, nagba-barbecue. My sisters were lighting some lusis to take pictures. They were already in there white dresses, santa hats, and headbands.

"Ma, alis na po ako," mahinang paalam ko, nakasilip sa may sliding door.

"Sure, dear! Bye!" She didn't even spare me a glance and just waved her hand.

"Happy holidays po!" I greeted.

"Smile, Vy!" Hindi niya ako pinansin. Napangiti ako nang mapait bago tumalikod.

"Sabi ko nga Happy holidays, Ica. Have a safe trip. I love you," bulong ko sa sarili bago binuhat ang cage ni Mishu at hinihila na ang luggage ko palabas.

The van was waiting for me outside. Natulog lang ako sa byahe at nagising na naroon na sa isla. The sunrise was so attractive that I escaped from the crew, wanting to breathe for a while since my heart was feeling really heavy.

"Surfing, Ma'am?" one surfer instructor asked me.

"Okay lang, Kuya! Thanks!" pagtanggi ko. Halos lahat ng nakakasalubong ko ganoon ang tanong. Lahat sila tinanggihan ko.

"The tides are good today, Ma'am. Surfing?" another surf instructor asked me while I was snapping a picture of the sunrise.

Nanigas ako. It was a familiar voice, drawing my attention to him. My brows raised. Iyong si Maki! Matalas ang memorya ko kaya kahit na ilang linggo na ang lumipas alalang-alala ko pa siya! That embarassing moment in the bathroom's bar was stuck in my mind like a tattoo! Nakakahiya ako!

Tinagilid niya ang ulo niya, mukhang inaalala kung saan niya ako nakita. I surveyed him. He was wearing black beach shorts and was carrying a surfboard on his left arm, the other was holding his rushguard. The water in his hair was dripping down his neck and chest. Obviously, he went surfing.

But he asked me? Surfing instructor din pala siya! All around nga! Sipag, ah!

"No, thanks," pagtanggi ko at iniwan siya bago pa niya ako maalala.

Wala pa akong kain kaya naman inaya ko si Calista, isa kong vlogger friend. She also grew up here. I haven't seen her for quiet some time now since pareho kaming busy. Sobrang genuine at hinhin niya. I can't relate! Buti na lang kaya niyang tiisin ang kaingayan ko!

"I missed you, girl! How are you? I haven't seen you for so long!" Niyakap ko siya kaagad pagkarating niya. Lumayo ako at nawala ang ngiti ko nang nakita si Manu sa tabi niya. He was one of my past flings! "What is he doing here?!"

"Oh, I'm sorry! Awkward ba? I forgot!" Cali covered her mouth with her hand, looking regretful.

"What? Of course not! I don't care about him. I'm just sorry for you! You can do better!" pagbibiro ko naman.

"Marquez, you sound a little bitter today. Too much coffee, yeah?" Manu sarcastically remarked.

"I only drink sweet lattes." I acted rude and rolled my eyes at him.

"Oh, I don't really care about your preferences." Aba!

"Cali, stop me before I poke his eyes with this fan I'm holding!" Tinuro ko kay Manu ang paypay na hawak ko, nagbabanta. He smirked in return.

"Whoever you are, can you keep your voice low? Nauna ka pang tumuka sa manok." Kilala ko na ang boses na iyon.

I turned and saw Maki, leaning beside me on the counter. "This waiter is so rude!" I exaggerated, trying to offend him.

When he poked his tongue on the inside of his cheek and gave me a sarcastic gaze, I knew he remembered me already. "Ayos ka, ah. Sino 'to? Daming dada," he fired.

I knew he was lying that he didn't recognize me. I didn't spend years studying psychology just to believe in this man's tactics. Of course, he also knew what I was doing. Psych student din siya dati. Pagalingan na lang siguro kami sa paggaguhan!

"Excuse me? I'm Veronica Marquez! Don't you know me?" pagsasabay ko na lang, ayaw malaman nila Cali na magkakilala kami nito.

"Hindi. At ayaw kitang kilalanin," sarkastikong sabi niya bago umalis.

I heard the barista chuckle, which made me look at him. He was tapping on the montior so I faced Cali to fish more informations about that stupid pogi guy! Oo, pogi pa rin talaga! He even looked better now with his clean haircut and wet look pa!

But Ica, no! Iyong pride mo! Napahiya ka noong gabing iyon dahil sa kaka-YOLO mo. I now know that I need to limit myself in the things I do!

Charot! Sinong niloloko ko? Kalahati tanga, kalahati seryoso. Balance kumbaga! Gusto ko ng thrill sa life 'no!

"Who the heck was that?" I faked my curiosity. When Cali informed me that she was friends with Maki, I couldn't believe it. Paano niya naging kaibigan iyon?! Iba sila ng breed!

"What's yours?" Manu asked me when he finished ordering for them. I tried so hard to stifle my laugh but I still gave him a malicious look. "Shut up, Marquez," he warned playfully.

Wala. Iyon na. Natawa na ako nang tuluyan at tinalukuran silang dalawa para makapag-order. I can hear Cali asking Manu kung ano raw mayroon. Sumulyap ako at nakitang kinakalabit pa ni Cali ang braso ni Manu. He just laughed and held her hand.

"Cheesesteak omelette and blueberry latte," I ordered.

While eating, I couldn't help but smile while watching the lovebirds in front of me. Kanina pa ako namamangha actually dahil nakikita ko ang different version of Manu. He was never caring. I mean, he does the bare minimum to his girls before, even to me.

Good thing hindi ako marupok sa mga ganoon. I know what I'm worth. I also know that I shouldn't be surprised by tiny actions that are considered normal. Bare minimums shouldn't be the standard. Honestly, bare minimums are things you can do for yourself. At alam mong kaya mo pero nahuhulog ka pa rin.

"Ica, do you want to taste my smoothie? It's yummy!" Cali shoved her glass to me, smiling.

"Sure, uy!" I immediately accepted it and sipped on the straw. Tumango-tango ako at nag thumbs up para sabihing masarap nga. "Kulang lang sugar pero masarap!"

Cali frowned. "You should stop drinking and eating too much sweet. You might get diabetes!"

"Girl, isang beses lang akong nagsabing kulang sa sugar. Diabetes agad? Grabe ka naman!" natatawang sabi ko sa kaniya. Humupa ang tawa ko nang nakita si Maki roon sa counter, nago-order.

"There's a party later. We're going. You should come," Manu invited, drawing my attention to him.

"Party?" Natawa ako nang sarkastiko, kinakamot ang gilid ng panga ko. Parang pass ako roon, ah! Wait, bakit nga ba ako mahihiya? "Sure! Chat lang sa details!"

After having breakfast with them, I ran to the venue. Malapit lang naman iyon. Syempre, pinaulanan ako ng sermon ni Gia dahil tinakasan ko siya.

"Direk, oh my gosh! Ang ganda-ganda ng script! I love it so much!" pambobola ko sa director, hinampas pa siya sa braso nang mahina bilang pambawi sa pananakas ko.

"Really, Veronica?" He covered his mouth. "Blockbuster ba?!"

"Yes naman! Ako nga mismo kinilig, eh!" I had to lie! Ang corny kaya noong script!

Another tedious day of acting and forcing myself to be in Aspen's presence. Buti naman hindi niya ako kinukulit dahil baka masapak ko na siya sa iritasyon.

I really can't imagine na naging kabit ako! Hindi ko talaga maproseso. I want to talk to his girlfriend para makapag-apologize sa kakulangan ko ng information about Aspen at paninira ng relasyon nila pero hindi ko naman kilala kung sino ang babae. Hahanapin ko iyon.

"Aray! Hayop! Ano 'to? Canal?!" Natapilok ako sa kakaiwas sa isang malalim na parte sa gilid ng daan, making Mishu jump towards the ground too. Hindi ako sumakay sa van dahil gusto kong mag-explore muna. Ganda rin ng sunset, eh.

I stood up and wiped my knee. May kaunting dugo pero hindi pa naman ako nakaramdam ng hapdi roon. Kukunin ko na sana si Mishu nang bigla siyang tumakbo!

"Hala, bumalik ka! Mishu!" tawag ko na akala mo
naman naiintindihan niya ako. "Ay! Butiki!" Nadapa na naman ako.

"Ano ba naman iyan. Lampa." Jusko! Nandito na naman siya!

I tsked and stood up, ready to run again, but I felt a stinging pain in my knee, so I paused for a moment to avoid causing more pain on it. Tumakbo ulit ako nakalipas ang ilang segundo pero mahina na lang.

"Mishu! Come back to mommy! Mishu!" tawag ko pero ang layo na niya sa akin.

"Sino kausap mo?" Marco asked, looking at me weirdly. Sinasabayan ng motor niya ang speed ng takbo ko.

"My pussy is running away!" I screamed in frustration and quicken my pace up.

"Ang ano mo?" Tinaasan niya ako ng kilay, mukhang natatawa.

"Pusa ko tumatakas! Bingi?!" Inirapan ko siya. "Huwag mo akong binibwisit! Epal mo!" Tumakbo na ulit ako. Maybe because I want to avoid him kaya nainda ko iyong sakit sa mga tuhod ko.

Napatigil ako at humawak sa dalawang tuhod ko nang kinapos na talaga ako ng hangin. Huminto rin si Maki, tumatawa nang mababa. Sinamaan ko siya ng tingin pero unti-unti nang naluluha dahil nawala ko si Mishu!

"Oh, tinatawa-tawa mo diyan?" pagsusungit ko sa kaniya.

"You know, you can just ask," he answered, which confused me.

"Ask what exactly?"

"To help you chase him," he replied, clenching the handle of his motorcycle, causing the sounds to echo through the streets.

"Her," pagtama ko kaagad sa kamalian niya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh, galit? Wala bang kasamang sampal iyan?" sarkastikong sabi niya.

I scoffed and poked my tongue on the insides of my cheeks to calm myself down. May naisip ako bigla. Walang hiya akong umangkas sa motor niya. Nagulat siya at tinginan ako sa side mirror niya, nakataas pa rin ang kilay.

"Bilisan mo na nga! Nawawala na iyong pusa ko, oh!" I almost cried as I begged him. Ilang taon ko nang pusa si Mishu! Siya lang ang mayroon ako.

"May bayad 'to," he joked.

"Oo na! Kahit ano pa iyan! Mag-drive ka lang! Shet! Pag iyon nawala, kasalanan mo! Napakabagal!" Hinampas ko nang paulit-ulit ang balikat niya para ma-pressure siya. "Go na!"

Agad nga niya pinaharurot ang motor niya kaya napasigaw ako dahil hindi pa ako nakakapit sa gilid. Nahila ko ang likod ng sando niya kaya nagreklamo siya kaagad habang hinihila naman ang harapan noon.

"Hindi ka naman nang-inform! Leche! Paano kung nahulog ako?! Eh, 'di nabagok ako! Then mao-ospital ako! Tapos nawala na nang tuluyan si Mishu! Ano'ng kwenta mo?! Tutulong ka na nga lang, palpak pa!" nag-drama pa ako sabay hampas sa likod niya.

"Aray! Bakit kasalanan ko?" iritang tanong niya. "Sabi mo go. Common sense na lang siguro na kumapit ka," iritang sabi niya.

"Common sense? Parang wala ka rin noon! Kung common sense dapat nagsabi ka! It's an initial reaction to inform your passenger that you're going to start driving already," pagdaldal ko, iritado na rin.

"And it's an initial reaction to hold before you say go." He chuckled without humor. "Bagay ka nga sa law. Daming dada," he fired. Through the side mirror, I saw him rolled his eyes at me.

Napairap rin ako sabay hila ng likod ng sando niya dahil nakita ko na si Mishu sa may buhanginan, nakaupo at dinidilaan ang paw niya na para bang wala siyang kasalanan sa akin!

"Putangina!" mabilis na mura ni Marco nang tumalon ako pababa ng motor kahit na hindi pa siya humihinto.

Tumakbo ako palapit kay Mishu at agad siyang binuhat. "Don't run away from me again! Are you okay?" I caressed her fur slowly. She just curled up in my arms, looking at peace. Nakahinga ako nang maluwag at nagsimula nang maglakad paalis.

"Ayos! Thank you sa tulong, ah!" sarkastikong sigaw ni Marco sa likuran ko.

Sinilip ko siya sa balikat ko. "You're welcome!" sigaw ko rin, walang pakialam.

Natulog ako pagkatapos mag freshen up. Nagising lang ako sa alarm ko para sa lakad namin nila Cali. Nagsuot lang ako ng white oversized long sleeves at maong shorts dahil tinatamad na akong mamili.

We ate dinner first to be sure that we won't get drunk. Pareho pa naman kami ni Cali na mahina sa inuman! May tutulong naman sa kaniya na jowa pero paano naman ako, 'di ba?!

"I'll go to the bathroom muna, Cal," paalam ko sa kaniya pagkarating sa bar na pinuntahan ko dati.

"Samahan kita!" she offered. Umiling ako at tinapik ang braso niya bago sila iniwan.

Halos magpasalamat ako sa diyos dahil hindi mahaba iyong linya. Nakakatamad kaya maghintay! Tapos sumisingit pa iyong iba! Iyong tipong isa lang iyong nakalinya pero representative lang pala iyon ng isang buong barkada!

"Hindi siya ang DJ tonight, ah," I whispered to myself when I unconsciously looked at the platform pagkalabas ko ng bathroom.

Cali chatted me that they were on the table downstairs since walang available dito sa may dance floor. Mas gusto ko rin doon sa baba dahil ang wild ng tao rito. I made my way to the bar to order a drink kasi sure akong hard drinks ang binili ng mga iyon.

"Hindi nga DJ, bartender naman," dismayadong bulong ko na naman sa sarili ko. Tumuloy pa rin ako dahil dalawa naman ang bartender doon.

"On the house." I heard Marco told the girl when I passed by. Doon ako sa pinakagilid tumayo, malayo sa kaniya dahil ayaw kong siya ang kumuha ng order ko.

Ngayon palang talaga ako tinubuan ng hiya! First time in my life! I was always confident with the things I do. Kahit nga magkamali ako sa mga sinasabing salita, ngingiti ako para hindi halatang namali. Confidence is the key kaya!

"On the house, babe," Marco said for the fourth time since I waited. Napailing ako. Kanina ko pa napansin na basta maganda ang babae, libre iyong inumin. Kawawa naman iyong may-ari ng bar na 'to! Malulugi dahil sa kaniya!

Ang tagal naman ng isang bartender lumapit. Hindi niya siguro ako napansin dahil nasa pinakagilid talaga ako, katabi ng ng maliit na pinto. Nagpalit pa sila ng pwesto ni Marco kaya mas nahirapan ako!

Huminga ako nang malalim. "Hi! Excuse me! Can I order?" I asked happily. Bakit nga ba ako nahihiya?!

"Akala ko hindi ka magsasalita." Marco chuckled, placing a drink on the counter before accepting the money the customer gave him. "Order?" Nagulat ako nang bumaling siya sa akin nang nakangiti.

Don't be shy, Ica! Hindi ka nahihiya! Makapal mukha mo, 'di ba?

I walked near him so I can see the menu board properly and so I didn't have to shout. Ang lakas kasi ng music. I leaned both my elbows on the counter, reading the 'espesyal' category on the menu board. Napangisi ako nang may naisip na kalokohan habang nagbabasa roon.

"Hmm... I'd love to try a pop my cherry," I told him, gaining my confidence back now.

"That's kind of strong. I recommend a bite my banana," ganti naman niya kaagad, leaning on the counter with a smirk.

I smiled politely. "Ayaw mo ng blue job margarita?"

"Why are you asking me? You're the one who's going to drink." He chuckled a little. "I'm sure you'd love a sex on the beach, though," he said in his seductive tone.

Tumingin ako sa menu board para makita kung may pang ganti pa ako sa kaniya pero ubos na! I wasn't also familiar with other malicious named drink so I just flashed him a smile.

"Gin watermelon nga," sabi ko na lang, accepting defeat.

Natatawang tinulak niya ang sarili palayo sa counter. "Masyado kang galit sa akin. Ilang linggo mo na iyan bitbit, ah?"

"Hindi ako galit sa 'yo. Assumero." Tumawa rin ako para hindi niya isipin na masungit ako.

"Sureness!" hindi naniniwalang sambit niya.

Nagpahalumbaba ako at pinanuod siyang magbukas ng mga bote. A customer next to me ordered a mai tai, to which he nodded. He poured alcohol into a cocktail shaker before putting the cap on and shaking the shaker with both hands, looking at me.

"Titig na titig ka naman diyan," pagsusungit niya.

"Ang tagal mo maghalo, tanga," paninira ko sa kung ano mang imaginations niya.

"Ah, akala ko naman nakakita ka ng gwapo." He tsked jokingly, opening the cap and pouring the drink on a plastic cup. Nagputol siya ng mint at nilagay roon sa isang baso bago binigay sa katabi ko.

"Thank you!" the woman said. Kinindatan siya ni Marco kaya naman nataranta siya at nasaboy nang kaunti ang inumin sa baso.

"Rosie, kalma lang." Marco let out a teasing laugh.

The woman laughed flirtatiously. "Sorry, Mak! 'To bayad ko." She gave him two one hundred bills. He accepted it and gave her change before she left.

"Maganda iyon. Ba't hindi on the house?" curious kong tanong sa kaniya.

"Maganda nga pero hindi ko type," he said boredly. Ah, ganoon pala. "Binabantayan mo pala ako, ah." Napailing siya.

"Ang lakas kaya ng boses mo lumandi, baliw," paninira ko na naman. Tumango siya, pakunwari naniniwala. "Kawawa owner sa 'yo. Malulugi," I told him my thoughts from earlier.

Marco stared at me for a long time before a smirk made its way on his lips. Then, he shrugged like it wasn't a big deal. Nagbukas siya ng gin bottle at nagbuhos sa baso.

"Nauna akong nag-order pero nahuli iyong inumin ko. Ano iyon? First come, last serve?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Napapatagal pa tuloy ako rito sa harap niya!

"Alam mo, ang dami mo talagang dada. Minsan kinakabahan ako dahil baka may kasamang sampal."

I shrugged. "I don't really slap people. I'm sorry about that, by the way," I apologized. I don't see anything wrong with admitting my faults.

"And you shouldn't slap people because your hand is fucking heavy," he said with hatred.

"I was just humiliated," I admitted, laughing lightly.

"Truth be told, I was hurt and shocked." He shook his head. "Sige, offended na rin."

"Gago ka, eh," I countered.

He twist the cap open of the watermelon liqueur before pouring it on the cup. It mixed with the gin, creating a gradient shade of pink. May hinalo pa siya na kung ano bago naglagay ng mint sa taas.

"Gago?" He raised a brow, giving me my drink. Tinanggap ko iyon. "Kasi hindi kita pinagbigyan kaya gago na ako sa mata mo," he made a conclusion in such a sarcastic tone. "Gets!"

"Parang ganoon na nga."

"Alam mo dapat nga nagpapasalamat ka pa. Malay mo ba kung sino ako tas ibibigay mo sarili mo sa akin. Paano kung nabuntis kita tapos hindi mo ako mahanap? You don't even know me aside from my name is Marco," he reasoned.

"One night stand nga. Ano bang gusto mo papakilala pa kita sa pamilya ko bago kita hahalikan?" I laughed. "Tsaka ayaw ko kasi na hindi ako pinagbibigyan," I reasoned too, hindi nagpapatalo.

"Spoiled ka rin 'no?" Tinaasan niya ako ng kilay bago umirap.

"Parang ganoon na nga," ulit ko na naman bago nilapag ang bayad sa counter. He placed his hand on top of it so it won't fly away with the air coming from the ceiling fan.

"Be careful of men," he seriously reminded.

"Okay! Mag-iingat ako sa 'yo!" I laughed, sipping on my drink. I winced with one sip. "Sinobrahan mo naman iyong gin!"

"Sobra ba? Bakit? Mahina ka ba sa inuman?" He attempted to get my drink, probably to make a new one.

"Huwag na!" I shoved his hand away. Sayang naman kasi. Itatapon rin naman for sure kasi nainuman ko na. "Just give me my change, please." Nilahad ko ang kamay sa harapan niya, nakataas ang isang kilay para magmadali siya.

Naguluhan ako noong binalik niya ang pera na binayad ko sa kaniya kanina. "On the house," he said.

"Huh?" Nabigla ako habang pinoproseso ang sinabi niya dahil naalala ang tungkol doon.

"Huh?" he mocked. "You know what that means." He winked before leaving me to entertain another customer.

Continue Reading

You'll Also Like

41.8K 472 51
Chen Boyan, top-notch in the entertainment industry, excellent in singing and dancing, and excellent acting skills. A pair of gentle and alienate...
84.5K 4.8K 57
Sword still in her hands, she stomped her foot again. "Why are you smiling?" Brainwashed? Check. Sheltered? Check. Lost and alone? Check and, uh, che...
18.6K 502 14
𝑷𝒖𝒃𝒍𝒊𝒔𝒉𝒆𝒅:𝑫𝒆𝒄𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓 23, 2022 𝒇𝒊𝒏𝒊𝒔𝒉𝒆𝒅:
1.8K 67 6
✧ In which a young female surgeon called charlotte Avery heads into her 2nd year residency in a merge of two hospitals..time to swap out the orange s...