He's My Badass Guy | BADASS D...

By riyazyn

3.8K 255 4

[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #1 Zares Keiv "Ares" Fillion Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa... More

AUTHOR'S NOTE
WORK OF FICTION
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25: Last Chapter
Epilogue

Chapter 11

108 9 0
By riyazyn

Chapter 11

Daren's Point of View

"Hey there, mom and baby sis!" Bati ko sa kanila habang hinahaplos ang mga lapida nila. Magkatabi lang kasi silang inilibing. "Sorry kung ngayon lang kami nakabisita ulit."

"Eto kasing anak mo, Kaerelle, nagpakabusy." Segunda naman ni mommy.

"Hahaha! Alam mo, mom, palaging galit si mommy sakin kapag hindi ako nakakauwi ng bahay. Alam ko namang namimiss niya lang ako eh hahaha!" Napaigik ako ng kurutin niya ako sa tagiliran. "You see that, mom? Kinurot niya ako." Nasanay na kami sa ganito. Halos ganito ang nangyayari pag bumibisita kami sa puntod nila.

"Kausapin mo muna si Xia."

Lumipat naman ako sa puntod ni Xia. "Kumusta ka na, baby sis?" Hinahaplos ko ang nakaukit niyang pangalan. "Alam mo ba baby sis, may bago akong kaibigan. She's Kaede. Siguro kung nandito ka ngayon.. magkaedad siguro kayo at magkakasundo kayo. She's a good person." Napangiti ako ng maalala si Kaede. "And ipinapangako ko sa harap ng puntod mo na poprotektahan ko siya. Baby sis, wag kang magselos ah? Syempre mas mahal naman kita." Napabuntong-hininga ako. "Siguro kung andito kaㅡkayo ni mommy.. aalagaan at poprotektahan ko rin kayo. Sana masaya kayo ni mommy kung nasan man kayo ngayon."

"And I promise again, Kaerelle na aalagaan ko ang anak mo sa abot nang makakaya ko." Napangiti ako ng marinig ko yun.
"Daren, magpaalam ka na. Uuwi na tayo. Papasok pa ako sa kompanya." Si mommy na kasi ang namamahala sa kompanya ni daddy since nakakulong pa si daddy sa ibang bansa.

"Mom, baby sis.. uuwi na kami. Kita nalang tayo sa susunod. I love you both." Tumayo na ako at nilapitan naman ako ni mommy.
Natawa ako. "Mom, I'm not gonna cry!" Natatawa kong usal.

Kapag kasi bumibisita kami dito, umiiyak talaga ako pag uuwi na kami. Feeling ko kasi ayoko silang iwan, feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko.

"Really?" Nagtaka naman ako ng haplosin niya ang kaliwang pisngi ko at ipinakita niya ang kamay niya sakin. Nakita kong basa yun kaya pinahiran ko ang pisngi ko.

Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. "You can't fool me, you know that I'm your mother so why not be honest?" Napayakap ako sa kanya ng napaiyak na talaga ako. "Hahaha! And here I thought you're a man!" Aniya na hinahagod ang likod ko.

"I'm a man!" Nakanguso kong sabi. "Thank you, mom.. thank you for everything. For being here, even though I'm not yourㅡ"

"Oh cut the crap! You're my son and I'm your mother, get it?"

Natawa akong tumango. "And we're so lucky!"

"Oh god, I'm late!" Sinamaan niya ako ng tingin.

Natawa lang ako. "Let's go!" Sumakay na kaming kotse at hinatid siya sa kompanya namin. Pagkatapos, ako naman dumiretso sa UH.

Zares' Point of View

"Hahaha! Sorry na, bro. I was just teasing you." Natatawang pang usal ni Daren. Ginising-gising pa ako ng alas kwatro kasi may pupuntahan kami yun pala mamayang hapon pa. Bwisit! "Uy! Ba't galit na galit ka? Ahh... ayaw mo pang pumunta dito no? Gusto mo pang matulog? Matulog ka nalang dito, sayong-sayo ang buong UH." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tss." Ewan ko ba. Nasanay naman na ako na hindi nakakatulog pero bakit galit ako ng istorbohin ako ni Daren kanina. Bumabawi nga kasi ang katawan ko!

*****

Nandito kami ngayon sa bakanteng lote na sinasabi ni  Mark.

Isang bahay ang nadatnan namin pagkarating at walang tao ni isa. Sobrang kalat pagpasok namin. May isang malaking rebolto pang nakatayo.

"Maghanap lang kayo sa mga sulok-sulok. Kung anong pwedeng makita niyong ebidensya, kunin niyo." Sabi ko sa kanila.

"Yes, boss!"

Naghiwa-hiwalay kaming lahat pero si Daren, nanatiling nakasunod sakin.

"What?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa naman siya. "Hindi ako hihiwalay sayo." Aniya pero hindi ko nalang pinansin. "Pucha, bro. Wag mo sabihing... nagtatampo ka pa sakin?" Patuloy pa niya saka tumawa.

"We're here to gather evidence not to laugh your ass off!" Tinitingnan ko ang mga gamit na naroon.

Pinasok narin namin ang mga kwarto. "Bro, mukhang wala naman silang iniwang mga bakas na ebidensya dito eh." Reklamo niya.

"Just keep searching!" Asik ko.

"Ayt! Galit talaga to haha! Yes, boss!" Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

Maraming mga magazines ang nandun, puro lang naman mga babaeng nakahubad. May mga tape pa na mga bold. Peste!

Bumalik kaming sala at nagsidatingan ang mga kasama namin.

"Boss, wala kaming mahanap eh!"

"Oo nga, boss. Mukhang iniwanan nila itong walang bakas na ebidensya."

Habang nagsasalita sila ng may marinig akong kakaiba.

"See? I told you, nagsasayang lang tayo ngㅡ"

"Ssshhhh!" Pinutol ko ang sasabihin ni Daren upang marinig ko ng malinaw kung ano man yung ingay na yun.

*Tick tick tick tick tick*

Shit! At base sa tono ng ingay, Segundo nalang ang natitira.

"Everyone, out now! May bomba!" Pagkasigaw ko ay agad silang nagsilabasan except Daren. "The fvck, Daren?"

Nang hindi pa siya kumilos ay ako na ang humila sa kanya na timing namang sumabog ang bahay.

Natumba kami ni Daren sa sahig pero agad akong napalingon sa kanya ng sumigaw siya.

"Oh, fvck!" Agad akong tumayo at sinubukang hilahin ang reboltong nakadagan sa binti niya.

"Everyone, help me get this thing away from Daren!" Agad silang tumalima at tinulungan akong buhatin ang reboltong yun na tagumpay aaman naming nabuhat. "Daren! You okay?" Tanong ko kahit na kitang-kita ko sa mukha niya ang sakit.

"I am not! Ang sakit nun, pakshet!" Aniya.

"We will bring you to the hospital." Inalalayan ko siyang makatayo at naglakad papuntang kotse. Pagkatapos pinaharurot yun papuntang ospital.


Kaede's Point of View

Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari nung isang araw. Palagi ko yung naalala. Nagising ako nun na nasa kama na na ipinagtataka ko dahil sa sofa naman ako natulog nun. Pagkatapos, ng pumunta akong kusina para sana magluto ng may mapansin akong pagkain sa mesa na nakataklob at may note pa na Eat up! Ang gaan mo kaya ubusin mo lahat yan. Pambawi ko narin sa pagpatulog mo sakin. Alis na ako. Anyways, thanks! - Keiv.
Nagulat pa nga ako ng makita ang niluto niya sa dami nun. Inubos ko narin, siya nagluto eh.

Napangiti ako. Mabait din naman pala siya eh. Akala ko masungit.

Sa dalawang araw na nagdaan, hindi ko nakita si Daren. Hindi siya pumapasok.

Nandito na naman ako ngayon sa batibot ng mag-isa. May dumaang dalawang estudyante na narinig kong nag-uusap.

"I saw Daren nung isang araw sa ospital when we visited my dad there. He's injured. I don't know why."

"What? Kaya siguro hindi siya pumapasok."

Nagulat ako sa narinig. He's injured? And he didn't bother to tell me?

Dali kong kinuha ang gamit ko. Hindi muna ako papasok, pupuntahan ko muna si Daren.

Pagtalikod ko, nabunggo ako sa isang bulto at talagang tumama pa ang mukha ko sa matigas nitong dibdib.

Inangat ko ang ulo ko ng may masamang tingin. Pero nang makita kong si Keiv yun, agad napalis ang sama ng pagkakatingin ko. "Keiv, si Daren..."

"What about him?" Aniya.

"He's injured at nasa ospital siya."

"I know!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit hindi niyo sinabi sakin?" I know, nagmukha akong assuming pero nag-alala talaga ako eh.

"Ayaw niya."

"Tss!" Nilampasan ko siya at dali-daling lumabas ng university. Kukutusan talaga kitang lalaki ka. Humanda ka sakin pag nakarating ako jan. Magpapara sana ako ng taxi ng biglang may humila ng braso ko. "Where do you think you're going?"

"Hospital! I need to see him. Yung lalaking yun, humanda talaga siya sakin pag nakarating ako dun." Papara sana ulit ako ng taxi ng hilahin na naman niya ako. "Bakit ba?"

"Hop in!" Aniya na binuksan ang pinto ng kotse niya. Hindi ko to napansin kanina. "Pupunta ka ba dun o hindi?" Kaya mabilis pa sa alas kwatrong pumasok ako sa loob.

*****

"Kaede..." Parang kinakabahang naiusal ni Daren pagkapasok namin ng kwarto niya. "Bro, why did you bring her here?"

"At bakit naman hindi?" Lumapit ako sa kanya at mahina siyang kinurot sa tagiliran. "Ikaw lalaki ka, alam mo bang nag-alala ako sayo."

Napangiwi naman siya. "That's it! Ayokong mag-alala ka kaya hindi ko pinaalam." Ewan ko ba, naging komportable na talaga ako kay Daren. Wala naman akong espesyal na nararamdaman para sa kanya. Well, he's a friend.

"I'm your friend, aren't I?" Malungkot kunyari kong tanong.

"Of course, you are!" Agad niyang sagot.

"Then why is that? Alam mo bang sobrang saya ko ng makilala kita tapos parang wala lang yun sayo."

"I'm sorry, Kaede. Ayoko lang naman kasing mag-alala ka eh. I know, busy ka na ngayon since graduating ka na. Ayokong makadagdag sa iisipin mo."

Napabuntong-hininga ako. "Okay ka na ba?"

"Ayos lang, injured lang naman."

"Anong 'lang'? Psh! Ang sakit na kaya nyan." Palibhasa kasi, sanay! "Kumain ka, bumili ako kanina ng pagkain." At inilabas ko yun sa plastic bag. Nilingon ko si Keiv dahil sana yayain ko rin pero nakita ko siyang tulog na nakasalampak sa sofa na nandun.

"Hahaha! Yaan mo na siya. Hindi kasi yan nakatulog sa pagbabantay sakin."

"Bakit? Pwede naman siyang matulog habang binabantayan ka niya."

"Hindi ko kasi hinahayaan. Palagi kong kinukulit eh hahaha!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang sama mo! Teka, kumain na ba siya?"

"Actually.. hindi pa. Pero kakain rin yan pag nagutom." I can't believe him! Hahayaan niya lang ang kaibigan niyang magutom.

"Tss. Oh, ayan! Tirhan mo siya!" Padabog kong inilapag ang pagkain.

Tinawanan lang niya ako. "Galit ka?"

"Hindi!" Sarkastik kong sagot. "Sige na, kumain ka na." Mahinang usal ko. Maya-maya may naalala ako. "Ahm, Daren.. a-anong buong pangalan ni Keiv? Kasi narinig kong tinatawag mo siyang Zares eh."

"Oh! Zares Keiv Fillion ang buong pangalan niya." Sagot niya at tumango lang ako.

"Pwede bang tawagin ko rin siyang Zares? Masyado kasing maiksi ang Keiv eh."

"Hahaha! Okay, kung jan ka komportable. Wala naman sa kanya kung anong itatawag ng ibang tao sa kanya."

"Okay..." Tahimik ulit kami.

"Wala na bang nambully sayo sa school?"

Umiling ako. "Wala na, wala na ring nagtangkang lumalapit sakin."

"Good to hear that! Okay na ako, pumasok ka na sa school." Aniya.

"Hindi ako papasok ngayon." Nagulat siyang lumingon sakin. "What?"

"Hindi pwede!"

"Pwede!" Pamimilit ko. "And that's final or else.. babawiin ko ang pagkain mo."

"Tsk! Ngayon lang to Kaede.." Ako naman ang nagulat ng magseryoso siya. Napalunok ako at tumango. Ngumiti siya. "Good girl."

"Ewan ko sayo. Tirhan mo siya!"

Tahimik lang kami habang kumakain siya hanggang sa natapos. Magsasalita sana ako namg bumukas ang pinto.

"Daren, why didn't you tell me about this matter?" Istriktang singhal ng isang magandang babaeng may edad na. Nakita ko namang napangiwi si Daren sa lakas ng boses dahil pati si Keiv, nagising.

"Mom, I'm okay now." Ani Daren. "I don't want you to be worried."

"That's what we mothers do and you said you don't want me to be worried. God, I don't know what to do with you anymore!" Nilapitan niya si Daren at hinarap niya si Keiv. "And even you, you didn't bother to tell me!"

"Ayaw niya tita eh!" Baliwalang sagot niya.

"Tss. Magkaibigan talaga kayo. Buti nalang may nakapagsabi sakin sa opisina." Lumingon siyaay Daren at dumiretso ang mata niya sakin. Bahagya siyang nagulat. Ngayon niya lang ako napansin. "Xia.." aniya na titig na titig sakin.

"P-Po?" Ang naiusal ko dahil sa pagbanggit niya sa ibang pangalan ko.

"She's Kaede, mom, my friend. Kaede, si mommy Lenny." Pagpakilala ni Daren.

"M-Magandang tanghali po.." naiilang kong bati. Hindi ko alam kung anong itatawag ko. Baka kasi magmukha akong assuming kong tatawagin ko siyang Tita.

"Oh, I'm sorry, hija. Kung ano-ano ng lumalabas sa bibig ko." Bawi ni ma'am Lenny. "I'm Daren's adoptive mother, just call me Tita Lenny. Nice to meet you, hija." Napalingon pa ako kay Daren ng marinig ko ang 'adoptive mother'. Nginitian lang ako ni Daren.

"Um, n-nice to meet you din po, T-Tita.."

"Hmmm.. such a pretty young lady. Hindi nabanggit sakin ng lalaking to na may kaibigan pala siyang magandang dilag. Ano pa kaya ang hindi niya sinasabi sakin?"

Napailing nalang si Daren. Close sila ng mommy niya, I see.

"Mom, okay lang ako. Kailangan mong bumalik sa kompanya. I've heard na may hina-hire kang bagong secretary."

"Ah yes, I almost forgot. Sige, aalis na ako. Tawagan mo ako pag may kailangan ka okay?" Tumango lang si Daren. "Zares, ikaw na ang bahala sa matigas na ulong to! And hija, maiwan na muna kita dito ha?"

"Ah, sige po, ingat po!" Nasabi ko lang.

Tahimik ang namuntawi nang makalabas sa silid ang mommy ni Daren.






Continue Reading

You'll Also Like

162K 15.3K 30
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
334K 19.3K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
6.2K 46 4
book about the band tokio hotel🩵. so guys decided to change it AGAIN since i now have a mad obsession with the whole band so i'll be writing stories...
42.9K 1.4K 56
Pano pag isang babae ang mag hahanap ng trabaho? pano kapag ito pla ang makakapag bago ng buhay nya? pano pag ang simpleng pamumuhay nya ay mag bago...