Flee from Sorrows (Affliction...

By adihiraya

54K 1K 109

Published under Paperink Publishing. They say running away from the things that hurt you could be the answer... More

Affliction Series
Flee from Sorrows
Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue
Author's Note
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter One

2.1K 42 7
By adihiraya

Dalawang araw na akong may sakit dahil naulanan ako. Nilalamig ako na para bang nasa ilalim pa rin ako ng ulan. Walang umaasikaso sa 'kin, walang nag-aalaga kasi wala namang may pakialam.

"Ahmya!" Narinig ko na naman ang sigaw ni Mama at ang malalakas niyang yabag.

Katulad ng inaasahan ko, kinatok niya nang sunod-sunod ang pinto. Hindi lang basta katok kundi kalabog.

I'm too weak to stand up nor to speak. I just let her open it and make her way inside.

"Ano? Dalawang araw ka na riyan, ah? Dalawang araw ka nang hindi pumapasok. May balak ka pa bang mag-aral, ha? Sabihin mo kung wala na dahil pabor din naman sa amin iyon at hindi sayang ang baon na ibinibigay namin sa 'yo!" sigaw niya at ramdam kong tumatama sa balat ko ang laway niyang tumatalsik. "Por dios por santo! Bente ka na. Nasa kolehiyo at nag-aaral para maging guro tapos ganiyan ka pa rin? Wala ka pa ring alam gawin!"

Wala akong lakas pero pinilit kong bumangon saka humawak sa side table upang kumuha ng lakas para makatayo.

"Papasok na ho . . ." mahina kong sabi.

"Edi mabuti! 'Di mo naman ikamamatay 'yang lagnat mo na 'yan. Makita mo lang si Kyler, magaling ka na ulit. Malandi ka!"

Lumabas na siya sa k'warto. Napatingin ako sa salamin at awang-awa ako sa sarili nang makita ko ang repleksyon ko. Dalawang araw na walang maayos na kain at tulog. Hindi rin gaano nakainom ng tubig dahil ako lang naman ang umaasikaso sa sarili ko. Hirap na hirap akong tumayo kaya naman minsan lang ako bumaba. Isang beses lang din ako nakainom ng gamot.

Sobrang payat ko na.

Wala akong choice kundi maligo at mag-ayos papasok sa school. Parang sasabog ang ulo ko sa sakit no'n. Nang matapos ako ay dahan-dahan akong bumaba.

Papasok na ako pero masama pa rin ang tingin na pinupukaw ni mama sa akin.

"Dalian mo. Late ka na!"

Hindi na ako nagpaalam pa at lumabas na lang ng bahay. Hindi na rin ako humingi ng pera dahil sa isip ko, nakakahiya na. May pera naman akong naiipon. Nagtitipid ako kasi hindi naman nila ako binibigyan.

Hindi ko naman daw kasi kailangan samantalang si Lyka, halos ibigay na sa kaniya lahat—pangangailangan niya at mga luho.

Hindi ko maiwasang sumama ang loob ko sa mga magulang ko kasi parang ang unfair. Parang hindi nila ako anak . . . parang hindi nila ako pamilya.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar kasi kahit kailan, hindi naman ako naging tama sa paningin nila. Iniisip ko nga na baka ampon ako. Baka napulot lang nila ako sa lansangan o hindi naman kaya ay may nag-iwan sa akin sa labas ng bahay nila.

Minsan ko na 'yong tinanong sa kanila pero ang sagot na nakuha ko sa kanila ay, "Tanga ka ba? Kung ampon ka at ayaw naman namin sa 'yo, matagal ka na sana naming itinapon sa labas at pinalayas."

Kahit naman tunay nila akong anak, p'wede naman nila akong paalisin kung ayaw talaga nila sa akin.

I don't know why they loathe me so much even if I have done nothing wrong against them. I still love them even though they can't give that back. They are still my . . . family.

Albeit unsure if what is the reason, I don't want to leave because I am still hoping that they will love me and accept me as part of their family.

Walang kasiguraduhan pero wala rin namang mawawala sa akin kung patuloy pa rin akong maghihintay.

I saw Kyler outside the gate of our University while he's surprised to see me. His smile seems hesitant to show up.

"Hi," bati ko nang makalapit sa kaniya. "Hinihintay mo 'ko?"

Napakamot siya sa kilay niya. "Magaling ka na?" tanong niya at hindi pinansin ang tanong ko.

Nagsalubong ang kilay ko at nagtaka. "Alam mong may sakit ako?"

"Sinabi sa akin ni Lyka."

Mabagal akong tumango. "Alam mo pala . . ."

Magdadalawang buwan pa lang akong nililigawan ni Kyler. Sa dami ng babaeng may gusto sa kaniya, bakit ako? I'm just an average girl while he's the dream man of every girl here in the campus.

Bumuntonghininga siya saka hinawakan ako sa leeg at noo. "Mainit ka pa rin," aniya. "Kumain ka na ba? Uminom ka na ng gamot?"

Umiling ako bilang sagot dahilan para samaan niya ako ng tingin pero unti-unti ring lumambot ang ekspresyon niya at inakay na ako papasok sa loob ng University.

"Pasensya na kung hindi kita napuntahan. Alam mo namang may pasok, 'di ba? Kagabi lang din sinabi sa akin ni Lyka. Balak ko sanang hindi pumasok ngayon at puntahan ka kaso nakita na kita."

"Kaya ba nasa labas ka?" tanong ko.

"Oo," sagot niya.

Sa canteen kami dumiretso. Iniwan niya muna ako saglit dahil bibili raw siya ng pagkain ko at gamot.

He's an ideal guy pero kahit ganoon, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko siya magawang magustuhan. May nararamdaman naman ako para sa kaniya pero simpleng crush lang iyon . . . hindi pa nga ako sigurado.

"Kumain ka na muna," aniya nang makabalik sa akin. "Tapos uminom ka nitong gamot."

"Thank you!"

"No need to thank me. I want to do this because I'll be your boyfriend soon. Nandito ako para alagaan ka. Hmm?" he said through a little smile plastered on his lips. "H'wag na rin sana sumama ang loob mo kina Tita. May trabaho rin sila, 'di ba? Baka masyado silang abala kaya naman stress at wala na silang panahon para intindihin ka at kung minsan ay ikaw ang napagbubuntunan ng inis nila. Hindi naman kasi natin alam kung ano ang mga nangyayari sa kanila sa trabaho. Baka nadadala nila ang inis sa bahay."

Hilaw akong ngumiti. "Kung ganoon, hindi pa rin naman maganda na sa akin nila ibunton ang stress, pagod, o inis nila sa trabaho. Wala naman akong kasalanan, 'di ba?"

"Wala kang kasalanan pero intindihin mo na lang sila. For sure babawi rin sila sa 'yo," sabi niya. "Sige na, kumain ka na. Baka mahuli pa tayo sa klase, kalahating oras na lang magsisimula na."

Hindi na ako nagsalita ulit at kumain na, pinilit kong ubusin 'yon kahit hindi ako nagugutom at kahit pa hindi naman ako kumain ng dalawang araw. Ininom ko rin ang gamot sa pag-asa na mamaya lang din ay gagaling na ako.

"Halika na. Ihahatid na kita sa classroom mo," aya niya sa akin.

Tumango na lang ako at sumunod. Hindi maiwasan ng mga estudyante na nadaraanan namin na tumingin sa kaniya. Bukod kasi sa guwapo siya, siya rin ang ace player ng basketball team namin. Malakas ang hatak niya sa mga babae.

Kahit binibigyan niya ako ng assurance, hindi ko maiwasang mag-isip na baka ngayon niya lang ako gusto at kalaunan ay mapapagod din siyang manligaw.

Kung siya'y tinitingnan nila dahil hinahangaan, tinitingnan naman nila ako dahil naiinis sila sa akin. Bakit kasi sa dami ng babae rito, ako pa ang napili ni Kyler?

Hindi naman ako kagandahan, hindi rin gaanong matalino, wala akong talent. Hindi ako nakakaagaw ng pansin. Kumbaga, average lang ako.

Kahit ako ay hindi ko rin naman alam ang sagot kung bakit ako ang pinili niya.

"Pasok ka na," ani Kyler. "Susunduin na lang ulit kita mamayang lunch, ha? Magsabi ka sa prof kung hindi mo talaga kaya. Pumunta ka sa clinic."

"Thank you," pasasalamat ko ulit.

"No worries! I love you!"

I just smiled. Kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyang pumasok. Nakatingin pa rin siya sa akin hanggang sa makaupo ako, saka lang siya umalis sa labas ng room.

Maya-maya ay dumating ang mga kaibigan ko at nagulat pa nang makita ako.

"Oh, Ahmya? Nakapasok ka na pala," si Jade. "Dalawang araw kang wala."

"Kaya nga. Sayang naman, ang dami mong na-miss," sabi ni Krizza habang paupo sa tabi ko. "Ano bang nangyari sa 'yo?"

"Nagkasakit ako," sagot ko. "Hanggang ngayon nga ay meron pa."

"Edi sana hindi mo muna pinilit pumasok," sabi ni Rica. "Ayos lang naman siguro 'yon. Baka mamaya mahawa pa kami sa sakit mo. Dapat nagpagaling ka na muna."

"Nagagalit na si mama," rason ko.

Umirap si Jade. "Ayan na namang mama mo. Tsk! Kung ganiyan mama ko, hindi ko na alam kung ano magagawa ko. Masyado kang kinakawawa." Tumawa siya. "Buti na lang hindi ako ikaw."

Nagtawanan sila habang ako ay nagsimula na namang kwestiyunin ang sarili. Deserve ko ba talaga tratuhin nang ganito? Deserve ko ba maramdaman na hindi ako kamahal-mahal, wala akong kwenta, wala akong silbi, at wala akong pakinabang?

Hindi naman, 'di ba?

All my life, I've been good. I tried to be as good as I could even if there's a lot of people testing me.

Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang mga tao sa paligid ko . . . malapit sa akin pero pinaparamdam naman na hindi ako mahal.

"Oo nga pala, may lakad kami sa Sabado. Hindi ka na namin isasama kasi alam naman naming hindi ka papayagan," banggit bigla ni Rica.

Napatigil sa paglalagay ng kolorete si Krizza sa mukha ni Jade dahil doon. Tumingin siya sa akin saka nagtaas ng kilay. "Kaya h'wag ka sanang magtatampo kung may makikita kang uploaded pictures namin sa Facebook, ha? Alam naming strict parents mo kaya hindi na kami mag-aabala pa na ayain ka."

Ngumiti ako nang pilit. "Sige . . . ayos lang."

I have friends but I don't feel like I belong.

I am always left out.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 237 32
Ciera Larraine Davis, the young multi-millionaire and the vice president of Bright Telecommunications, the first leading telecommunication company in...
13K 504 32
Miss Rhythm (Misses Series #2) [COMPLETED] Eleina is the woman who believes that music is the way to make each one of us heal and escape reality for...
232K 15.2K 75
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
263K 9.1K 24
Quintero Series Book 1 of 3 (COMPLETED) Calla Adilane Quintero is the long lost daughter of the President. She was kidnapped at the age of five and...