SERIE ALFA DOMINANTE 2: NICOL...

By kaillaxxii

9.7K 550 6

SERIE ALFA DOMINANTE 2: Nicollo Palmieri "The Male Stripper" Sa isip ni Nicollo, kailanman ay hindi naging pa... More

Disclaimer
NOTICE
THE MALE STRIPPER: NICOLLO PALMEIRI
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 - R18
Chapter 47 - R18
Chapter 48 - R18
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78 - R18
Chapter 79 - R18
Chapter 80 - R18
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
The New Beginning
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132

Chapter 81

52 5 0
By kaillaxxii

"Lalabas lang ako," paalam ni Nicolai sa kaniyang asawang si Yvette habang nasa kuwarto sila ng mansion ng mga Palmeiri dahil pinakiusapan sila ng Nanay ni Nicollo at Nicolai na magtigil muna sila ro'n kahit isang linggo lang, dahil nalulungkot ito na wala masyadong tao sa mansion bukod sa Old Master, Baron at mga kasamabahay.

"Saan ka pupunta?" mahinahon ang boses na tanong ni Yvette kay Nicolai habang nasa harapan ito ng kaniyang vanity mirror at nagsusuklay ng buhok.

"Mabilis lang ako, don't worry. Babalik ako kaagad," wika ni Nicolai sabay lakad palapit sa pinto ng kuwarto at bago pa nito mapihit ang door knob ay nagsalita muli ang kaniyang asawa.

"Pupuntahan mo ba ang Old Master para humingi ng permiso na makipagkita sa kapatid mo sa pag-aasam na baka makita mo rin si—"

"Yvette, please!" wika ni Nicolai sabay lingon sa kaniyang asawa na natigil sa pagsusuklay ng maganda, malambot at mahabang buhok nito, ngunit nanatiling nakatingin lang sa salamin.

"Nagsisisi ka ba?" mahinang tanong ni Yvette at bakas sa boses nito ang lungkot.

"What?" nakakunot ang noo na tanong ni Nicolai dahil hindi nito maintindihan ang sinabi ng asawa.

"O nakokonsensya—"

"Yvette," nanlulumong tawag ni Nicolai dahil hindi nito nagustuhan ang sinabi ng dalaga sa kaniya at ayaw pa nitong manahimik na lang dahil alam niyang away na naman ang kauuwian ng kanilang pag-uusap.

Sa pagtawag na iyon ni Nicolai ay napayuko na lamang ang dalaga at napangiti nang mapait. Hindi nito gustong sirain ang kaligayahan ng binata kaya niya nasbai iyon.

Nang nakita ni Nicolai ang lungkot na ekspresyon ng mukha ng kaniyang asawa ay malalim itong huminga bago binitawan ang pagkakahawak sa door knob at nilapitan si Yvette. Lumuhod ito sa harapan ng asawa bago hinawakan ang dalawa nitong mga kamay at hinalikan habang nakatingala at tinitignan ang magandnag mukha nito.

"Wala sa nabanggit mo ang nararamdam ko. Hindi ako nagsisisi o nakokonsensya dahil walang dahilan para maramdaman ko iyon," maamo ang boses na wika ni Nicolai at doon na nagilid ang luha ni Yvette.

"I-I'm sorry, Nicolai. I'm so sorry if I took you away—"

"Enough," pag-aamo ni Nicollo. "It's my own decision, Yvette. Hindi mo kasalanan—"

"No," umiiling na wika ni Yvette bago binawi ang kaniyang kamay sa asawa na sa puntong iyon ay tuluyan nang tumulo ang luha.

"I-It was my fault, Nicolai. Alam natin pareho iyon!" may kalakasan na sigaw ni Yvette habang umiiyak na nakatingin sa asawang pinapanood lamang siya. "I took away your happiness. I took you away from her!" sigaw nito at humagulgol na.

Hindi naman kaagad nakakibo si Nicolai sa sinabing iyon ng kaniyang asawa at natigilan na lang. Umiwas ito ng kaniyang tingin sa asawang humahagulgol at paulit ulit na humihingi sa kaniya ng patawad.

"I've told you it's my own decision, Yvette. Hindi mo kasalanan," mababa ang boses na wika ni Nicolai habang nakaiwas ng tingin.

"W-What?" gulat at natigilan sa paghagulgol na wika ni Yvette habang nanlalaki ang mga mata nito. "Nicolai, hanggang kailan mo ba sasabihin iyan? Hanggang kailan mo ba isisisi sa'yo ang isang bagay na ako ang may kasalanan?"

"Yvette, hindi mo kasalanan!" malakas na sigaw ang naging tugon ni Nicolai. "Sinabi ko na sa'yo na sarili kong desisyon ang makipaghiwalay kay Mei noon at pakasalan—" Ngunit isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Nicolai.

"Hiniwalayan mo siya dahil sa sakit ko!" sigaw ni Yvette at umiyak muli. "D-Dahil sa akin kaya mo siya hiniwalayan! Alam mo na gusto kita noon pa lang. Sobra akong nasaktan noong nalaman ko na may girlfriend ka noon pero hindi ako nanggulo kasi alam kong mali iyon. Kung sana lang ay... kung sana lang ay hindi na ako nagka-cancer, sana hindi ako nakasira ng relasyon!" malakas na sigaw ni Yvette sabay hila ng suot nitong wig at bumungad ang ulo nitong walang buhok.

Hindi naman kaagad nakasagot si Nicolai sa sinabi ng asawa bagkus ay tumingin na lang sa mahaba at magandang itim na wig na nasa sahig dahil sa pagbato ni Yvette rito.

"I-I'm so sorry, Nicolai. I'm sorry for ruining your happiness. I am so sorry that you need to break up with her just to be with me and stay by my side hangga't buhay—"

"Yvette," tawag ni Nicolai sabay hawak sa braso ng asawa at hinila ito palapit sa kaniya bago tinagpo ang labi nito at hinalikan.

Nanlalaki ang mga mata at halos maduling naman sa lapit ng kaniyang nakapikit naa asawa si Yvette. Mulat na mulat ang mga mata nito habang hinahalikan siya ni Nicolai. Tumagal ng halos dalawang minuto ang halik na iyon hanggang sa kusa nang lumayo si Nicolai sa gulat na gulat pa rin niyang asawa. Dahan-dahan na iminulat ni Nicolai ang kaniyang mga mata bago seryosong tinignan si Yvette at pinahid ang luha nito.

"Please don't blame yourself, wife. It's not your fault. You didn't ruined my happiness. You didn't took me away. It was me who decided to be with you."

"B-But, si Mei—"

"I admit that I do have feelings for her... until now," pag-amin ni Nicolai at hindi naman iyon nakapagbigay gulat kay Yvette dahil alam niya iyon.

"Then why—"

"But after knowing that she's with my brother, I don't mind. I know she's in good hands,' nakangiting wika nito sabay halik sa noo ng asawa at niyakap ito. "You are my wife, Yvette. Matagal nang nangyari iyong pangyayari na iyon. Ang isipin mo na lang ay ako, at ang baby na nasa sinapupunan mo."

"W-Wait, how did you—"

"I saw your pregnancy test before sa bahay natin," nakangiting wika ni Nicolai at nagulat naman si Yvette. "We're starting to have our own family now, wife. That's what all matters to me," wika ni Nicolai at naiiyak naman sa tuwa na yumakap si Yvette sa asawa habang tumatango.

"Thank you, Nicolai. Thank you for not blaming me," mangiyak-ngiyak na wika ni Yvette at napangiti na lang si Nicolai habang hinihimas ang buhok ng dalagang nakayakap sa kaniya.

"It's alright, wife. As long as you're happy," wika nito at mapait na lang na napangiti nang maisip niya na wala na talaga silang pag-asa pang magsama ni Mei dahil mayroon na siyang Yvette at mayroon ng Nicollo si Mei.

Continue Reading

You'll Also Like

863K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...