Atlas Volume 2 [Warriors Batt...

By chrisseaven

3.7K 396 1.5K

Ngayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pags... More

Atlas Volume 2
History
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author's Note
Just Fun

Chapter 7

103 12 23
By chrisseaven




Chapter 7: Ang pagdaloy ng enerhiyang apoy

Nang tumilapon si Haliya ay agad na naman siya nilapitan ni Hamaro sabay sinuntok ang kaniyang tiyan kaya tumilapon siya papunta sa sumintong dingding ng Battlefield at napangiwi siya sa sakit.

Hindi pa tapos si Hamaro dahil nag-atake siya ng apoy kay Haliya, tiniis ni Haliya ang sakit para lang makapag-atake din ng tubig kaya nagkasalpukan sa gitna ang mga apoy at tubig nila.

Ilang sandali pa'y mas pinili nalang ni Haliya ang maglaho. Napansin ni Hamaro ang pagsulpot ni Haliya sa kaniyang likod kaya agad niya itong hinarap sabay mabilis na nilapitan at pinagsusuntok ng malakas.

Nakakuyom ang mga kamao si Izalem habang nakikita niya kung paano sinasaktan ni Hamaro si Haliya.

Hindi ako pwedeng manuod nalang dito, bago pa mahuli ang lahat kailangan ko ng iligtas si Haliya, sa isip ni Izalem.

Malakas na sinipa ni Hamaro si Haliya kaya tumilapon ito sa malayo. Dahil dito ay hindi na nakapag-pigil si Izalem, agad siyang tumalon papunta sa Battlefield at sinaulo niya si Haliya sabay atake niya ng apoy kay Hamaro.




Marami sa mga manunuod ang napatayo sa gulat nang makitang sumali si Izalem sa gitna ng laban nila Hamaro at Haliya at ang mas labis nila ikinagulat ay ang biglang pag-atake ng apoy ni Izalem.

"Paano nangyari 'yon?! Hindi ba't Land Gifted si Izalem?!" Nanlaki ang mga mata ng mga batang Warriors.

Nanatili lang kalmado ang isa sa kasamahan nilang si Cecilia. "Sinabi sa ating lahat ni Protector Raidan na si Izalem ang natatanging Land Gifted sa angkan ng Elfalco. Kahit naiiba siya, mula pa rin siya sa angkan ng Elfalco, kaya siguradong darating ang panahon magkakaroon siya ng Elementong Apoy, at mukhang nangyayari na." Seryosong tugon niya.

Naging malalim ang tingin nila kay Izalem na buhat-buhat si Haliya habang ang kabilang kamay niya ay nakalahad pa rin kay Hamaro kaya nakakapag-atake pa rin siya ng apoy na nakikipagsalpokan sa mga apoy ni Hamaro.

"Naging matindi ang galit niya sa ginagawa ni Hamaro kay Haliya kaya hindi niya nakontrol ang sarili niya, siguradong 'yon ang dahilan upang magising ang Elementong Apoy niya." Wika ni Sahara at tumango si Cecilia, natahimik naman ang iba sa kanila.

Nanatiling nakalahad ang mga kamay nila Izalem at Hamaro sa isa't isa kaya sa gitna ng Battlefield ay naglalaban ang mga apoy nila. Ang kabilang kamay ni Izalem ay nakaalalay kay Haliya na nanghihina pa rin.

Ang mga mata ni Haliya na nakatitig kay Izalem ay dahan-dahan ng pumipikit. "I-Izalem..." nahihirapang tuno ng boses niya.

Nanlilisik ang mga mata ni Hamaro habang nakatingin kay Izalem. "Izalem, talagang ginagalit mo ako!" Nangangalit niyang sigaw.

Habang nakipagtitigan si Izalem kay Hamaro ay bigla niyang naalala ang nangyaring pagsasanay niya kahapon kasama si Protector Raidan para sa paghahanda niya dito sa Warriors Battle.







Tanghali nagsimula ang pagsasanay ni Izalem dito sa malawak na espasyo sa loob ng kagubatan, kasama niya ang master niyang si Raidan Mondo, ang kasalukuyang Protector sa bansa ng Lupakasan.

Inabot na sila ng hapon sa pagsasanay at walang pahinga.

Pinagpawisan at hinihingal na si Izalem habang pinagmasdan niya sa kalayoan si Protector Raidan na hanggang ngayon hindi pa rin napapagod sa kabila ng mga ginawa nitong atake laban sa kaniya.

Kalmado pa rin nakatayo si Protector Raidan habang tinitigan si Izalem. "Ano Izalem, sumusuko ka na ba?!" Tanong niya.

Napakuyom ng kamao si Izalem. "Hindi! Kaya humanda ka lalabanan pa kita!" Pagkatapos niya sabihin ito ay agad siya tumakbo papunta kay Protector Raidan.

Kalmadong itinadyak lang ni Protector Raidan ang isa niyang paa at nagkaroon na ng malakas na pagyanig sa mga lupang tinatakbohan ni Izalem. Kaya napatalon-talon ngayon si Izalem para hindi muling lamonin ang paa niya sa lupa.

Mabilis na minanipula ni Protector Raidan ang ibang mga pirasong lupa at inihagis niya papunta kay Izalem at pinagsusuntok naman ito ni Izalem.

Muling gumawa ng atake si Protector Raidan sa pamamagitan ng paglahad niya ng kamay sa itaas ni Izalem kaya nagkaroon ng malaking hugis bilog na lupa.

Nag angat ng tingin si Izalem at nanlaki ang mga mata niya nang makitang matatamaan na siya ng malaking hugis bilog na lupang ito at kapag hindi pa siya makaiwas ay maiipit siya nito sa ibaba, pero agad siya nakaisip ng paraan, ginamit niya ang kakayahang natutunan mula kay Protector Raidan.



Biglang tila nagpalit ng anyong maliit na bato si Izalem, ngunit alam ni Protector Raidan na hindi si Izalem ang batong ito, at mayamaya'y tama nga siya ng iniisip nang maramdaman niya ang enerhiya ni Izalem mula sa kaniyang likod.

Mabilis na kumilos si Protector Raidan pagilid para makaiwas sa gagawing atake ni Izalem at agad niya sinuntok si Izalem kaya tumilapon ito, muli pa niyang nilapitan si Izalem at pangalawang beses itong sinuntok kaya tumilapon ito sa mas malayo.

Magaling, alam pa rin niya gamitin ang kakayahang itinuro ko sa kaniya, ang Nature Copy, sa isip ni Protector Raidan habang tinitignan niya si Izalem nakadapa.

Ang Nature Copy ay ang kakayahang gayahin ang wangis ng mga kalikasang bagay. Katulad ng ginawa ni Izalem kanina na pinagmasdan niya ang bato sa paligid at itinatatak niya sa isip ang wangis nito kaya nagawa niyang gayahin ito at ipinalit ito sa kaniyang kalagayan para makaalis siya sa kinalalagyan at ang bato ang pumalit.

Madalas sa merong nitong kakayahan ay mga Land Gifted at Water Gifted. Sa mga Water Gifted ay tanging mga kalikasan na konektado ng tubig lamang ang kanilang magagamit sa Nature Copy, katulad ng tubig, perlas sa karagatan, at kung ano-ano pa.





Dahan-dahan na bumangon si Izalem at mas lalo siyang hinihingal pero nilalabanan niya ang pagod, agad niya inilahad ang mga kamay sa lupa at minanipula niya ang mga ito sabay hagis ng mga pirasong lupa papunta kay Protector Raidan.

Pinagsusuntok ni Protector Raidan ang mga lupa, hanggang sa isang malaking lupa nalang ang natira kaya malakas niya itong sinipa papunta kay Izalem at tumama nga ito sa mukha ni Izalem.

"Maghapon nalang Izalem pero hindi mo pa ako nasusugatan! Mukhang kailangan ko pa doblehin ang pagpapahirap sa 'yo upang mailabas mo ang tunay mong lakas!" Tumataas na ang boses ni Protector Raidan.

Muling pinipilit ni Izalem ang bumangon kahit nahihirapan pa siya. "A-Anong ibig mong sabihin?" Nahihirapang tuno ng boses niya.

Inangat ni Protector Raidan ang kaniyang mga kamay at nakalahad ito sa itaas ni Izalem kaya nagkaroon ng mahahaba at malalaking lupa na tila pader kung ihahantulad kaya tinatawag itong Land Wall, ang mga Land Wall na ito ay pinalibutan si Izalem hanggang sa nakakulong na nga siya sa loob.

Nanlaki ang mga mata ni Izalem nang makitang ikinulong siya sa loob, napa-angat siya ng tingin at nakita niyang wala pang takip sa itaas kaya plano niyang tumalon para makalabas, pero hindi niya nagawa 'yon nang biglang nakalibing na ang mga paa niya mula sa lupang kinatatayoan.

Kahit anong pilit ni Izalem ay hindi siya nakakawala dahil mahigpit ang kapit sa kaniya ng mga lupa at biglang nagkaroon na ng takip na lupa sa itaas.




"Izalem, ang tinutukoy kong tunay mong lakas ay ang isa mo pang enerhiya! Ilabas mo na ang mga enerhiya ng Elementong Apoy!" Sigaw ni Protector Raidan.

Nang marinig 'yon ni Izalem mula sa loob ay nanlaki ang mga mata niya sa galit. "Akala ko ba naintindihan mo ako?! Bakit ngayon gusto mo nang gamitin ko ang pagiging Fire Gifted ko!" Galit niyang sagot.

"Dahil bahagi na 'yan ng pagkatao mo Izalem, hindi pwedeng habang buhay mo nalang itatago 'yan! Kinakailangan mo na gamitin 'yan lalo pa't 'yan ang enerhiyang bumabalot sa 'yo! Malaki ang tiwala ko sa 'yo na gagamitin mo sa kabutihan ang enerhiyang apoy, gagamitin mo 'yan para iligtas ang mga mahal mo sa buhay." Pasigaw pa rin itong sinabi ni Protector Raidan para mapapayag si Izalem.

Unti-unting kumalma si Izalem pero bumalik ang kaba niya nang matuklasan nalang niya ang sarili na nahihirapan na siyang huminga dahil sa subrang sikip ng pagkakulong sa kaniya sa mga Land Wall ni Protector Raidan.

"Ngayon ang hamon ko sa 'yo ay dapat kang makawala diyan sa loob gamit ang enerhiya mong apoy." Tugon ni Protector Raidan.

Nakatingin si Protector Raidan sa kung saan nakakulong si Izalem at nag-aabang siya sa kung ano ang gagawin ni Izalem para lang makalaya.

"Alam kong kapag gagamit siya ng apoy ay hindi ito masyadong malakas dahil matagal na niya itong hindi ginagamit, kaya sinadya kong ikulong siya sa mahirap mawasak pero mabilis lang kapag marami ang apoy." Saad ni Protector Raidan sa sarili.




Napabuntong hininga si Izalem. "Wala na akong pagpipilian pa, ayaw kong mamatay dito. Kaya sana lang hindi ako bibiguin ng apoy." Pinapakalma na niya ang sarili.

Dahan-dahan niya ipinikit ang mga mata at sandaling tumahimik, 'yon pala'y ginigising niya mula sa loob ang natutulog niyang enerhiya.

Mayamaya'y unti-unting nag-iba ang kulay ng balat niya, nagiging kasing pula ito ng mga apoy mula sa kaniyang paa hanggang sa ulo, ito'y dahil dumadaloy na sa katawan niya ang mga enerhiya.

Mayamaya'y umaapoy na ang katawan ni Izalem at napapalibutan na rin siya ng apoy, dahan-dahan niya inimulat ang mga mata at maging ang mga mata niya'y kasing pula ng nag-aalab na apoy at malalim ang titig nito.

Nang maramdaman ni Protector Raidan ang mga enerhiyang apoy ni Izalem ay napa ngiti siya sa labi. "Ganyan nga Izalem." Bulong niya sa sarili.

Ilang sandali pa'y pinakawalan na ni Izalem ang mga apoy kaya kumalat ito sa loob kung sa'n siya nakakulong. "Arrrrggghhh!!!" Pagsisigaw niya at naramdaman niyang mas lalo siya lumakas at tila hindi na niya kontrolado ang paglabas ng maraming apoy sa katawan niya.

Nilalabanan na nga ng mga apoy ni Izalem ang mga Land Wall na nagkulong sa kaniya para mawasak ito. Hanggang sa nagkaroon na ng pagsabog sa loob at tumilapon nga sa malayo ang mga lupang ginawa ni Protector Raidan, nawasak ang kulongan at nakalaya na si Izalem kaya kumalat sa paligid ang mga pinakawalan niyang apoy.





Muling napa ngiti si Protector Raidan nang makita si Izalem na pinapalibutan pa rin ng apoy. Mayamaya'y unti-unti na kumalma ang enerhiyang apoy sa loob ng katawan ni Izalem at tuloyan na nga naglaho ang apoy sa paligid niya.

Unti-unting nanghina si Izalem at hindi 'yon maiwasan dahil ang katawan niya'y nanibago, lalo pa't matagal na niyang hindi nagagamit ang enerhiyang apoy.

Hanggang sa dahan-dahan na bumabagsak ang katawan niya, mabuti nalang ay agad siya nilapitan ni Protector Raidan at hinawakan siya sa likod.

Dahan-dahan nilingon ni Izalem si Protector Raidan. "A-Ayos lang ba ang ginawa ko...?" Hirap siyang nagtanong.

"Hindi lang maayos, magaling pa. Ngayon gusto kong gamitin mo na ang mga kakayahan mo mula sa dalawang elemento, gamitin mo sa Warriors Battle at sa mga kakaharapin mong laban." Sagot ni Protector Raidan.

"P-Pero, paano kong may masamang epekto ito sa akin?" Muling tanong ni Izalem.

Dahan-dahan na lumakad si Protector Raidan habang at hawak-hawak pa rin niya si Izalem para magabayan ito lumakad lalo pa't nanghihina pa ito.

"Izalem, apoy pa rin ang totoong elementong meron ka at hindi mo 'yon mababago. Ang ilang kakayahan ng Elementong Lupa ay natutunan mo lang dahil bahagi sila ng kalikasan na una pa nalikha bago tayo kaya malaya natin silang kontrolin. Pero tandaan mo, apoy pa rin ang bumabalot sa loob ng katawan mo, 'yan ang magbibigay sa 'yo ng lakas." Ngumiti siya.

Natahimik si Izalem at parang napaisip siya, dahan-dahan na hinawakan ni Protector Raidan ang ulo niya at ginugulo nito ang mga buhok niya kaya pinipilit niya ang sarili na ngumiti.








Continue Reading

You'll Also Like

224 57 26
My name is Ced, I thought this is a simple case where my former high school classmates slowly disappeared without a trace and when I started my inves...
3.1K 74 15
I Love Him, but He Loves Him!.....
13.4K 206 24
Death School?Tama ba ang pinapasukan ko?Ano bang dapat kung malaman sa paaralang ito?
1K 50 27
sa pag ibig Kaya mong gawin ang lahat para makuha lang ang pansin kahit na kahiya hiya kana sa harapan ng taong inaasam mo mula ng bata pa kayo.hangg...