Undercover Queen

By sunnyzaideup

2.4M 52.4K 2.9K

[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get... More

Undercover Queen
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Pre-survey
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
The Winners
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Own Me
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Para sa mga umabot hanggang huli,

Chapter 45

33.9K 741 40
By sunnyzaideup

        “I know it's been some time. But there's something on my mind…” kanta ni Tita Whitney Houston matapos ang instrumental intro nito mula sa cellphone ni Manaloto na nakapatong sa mesa. “You see, I haven't been the same since that cold November day...” Katapat ko ngayon si Manaloto na nakayuko at nakatitig sa cellphone niya. “We said we needed space. But all we found was an empty place…” Sa tabi niya ay si Veloso na naguguluhang pinapanood siya. “And the only thing I learned is that I need you desperately...” Pero hindi siya nag-iisa. Kasi tulad niya, pareparehas kami ng pinta ng mukha. Mag mula kay Veloso, papunta sa katabi niyang si Chai, na katapat niyang si Detective Suarez, at kay Trevor na pinapaggitnaan namin ni Fatima. “So here I am and can you please tell meee... oh…

        Napahawak si Manaloto sa bibig niya at napapikit. “Where do broken heaaarts gooo? Can they find theeeir waaay hooome?” sabay niya kay Whitney. “Back to the open arms of a love that's waiting theeere…” mukhasim niyang kanta. “And if somebody loooves you, won't they alwaaays love youuu…” Binilog niya ‘yung kamay niya sabay kagat sa kamao. “I look in your eeeyes, and I know that you still caaare, fooor meee,” puno ng hinanakit niyang kanta. “Hooooooh-oh-hoooh…”

        Dinilat na niya ang mata niya at naluluha na siya.

        “Okay ka lang ba?” mahina kong tanong sakanya.

        Tinignan niya ako sa mata suot ang mukhasim na naiiyak niyang mukha. “Does this face look okay to you?”

        I gave him apologetic smile then shook my head. “No. Your face doesn’t look okay since I met you.”

        Napasandal siya at ngawa.

        “Nag-away ba kayo ng kaibigan ko?”

        “Pinagpalit niya ako, Officer Yeo. Pinagpalit niya ako.”

        “Ha? Kanino?” gulat kong tanong.

        “Sa pizza!” galit niyang sigaw. “Pinagpalit niya ako sa pizza!”

        Pareparehas kaming napa-‘wtf’ reaction dito sa loob ng conference room. “Pizza?” tanong ko.

        “Pinapili ko siya. Kasi nagseselos na ako. Dahil tuwing dinadalaw ko siya, mas masaya pa siyang makita ‘yung dala kong pizza kaysa sa akin. Pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng pinto, sa kamay ko siya nakatingin, eh nasa mukha ‘yung mata ko. Tanong ko, anong pipiliin mo, boyfriend o pizza? At alam mo kung anong masakit? Ang sabi niya… ‘Syempre pizza.’” Hinampas hampas niya ‘yung dibdib niya. “Ang sakit sakit!” hinanakit niya with matching expand ng butas ng ilong.

        Seriously? Broken hearted ka na sa lagay na ‘yun? Napaayos ako ng upo. Teka ngaaa. “Kayo na?”

        Pinunasan niya ‘yung pisngi niya. Kahit wala naman talagang tumulong luha. Namumula lang ‘yung mata niya pero hindi tumulo ‘yung luha. “Hindi pa.”

        Napa-foreheadpalm ako. “Eh hindi pa naman pala eh! Makatanong ka ng boyfriend o pizza diyan.”

        “Ano ka ba, Officer Yeo, dapat palagi kang two steps ahead kung mag-isip. Parang nasa mission ka lang,” pangaral niya sa akin. “Hindi pa nga ako boyfriend pizza na pinili eh. Paano pa pag kami na? Mas masakit ‘yun! Mas maganda na din ‘yung mas maaga kong nalaman.”

        Napatango na lang ako. Ibang klase talaga ‘tong si Manaloto.

        Lahat kami napalingon sa dulo ng biglang bumukas ang pinto. Dirediretsong pumasok si Chief at lumapit sa dulo ng mesa. Pinatay naman ni Manaloto ‘yung music sa phone niya. Lahat kami ay napatayo. Pati si Trevor. Sabay sabay kaming sumaludo at binati siya.

        “Take a seat,” Chief said as he took his. “So I see we have a guest tonight,” he said, pertaingin to Trevor.

        “Chai already told you beforehand, am I right?” tanong ko.

        “Yes she did, Officer Yeo. I hope this will turn out as what is planned.”

        “It will, Chief. Mr. Del Julio will be a big help,” I assure him.

        “Anyway, let’s start.” Pinatong ni Chief ang kamay niya sa mesa. “About the MRI and ultrasound findings of Hye Soo. Or should we call her Sung-Ryeong. She has Cirrhosis. A liver disease. It explains the vomiting of blood and her swollen tummy, Officer Yeo.”

        “They have a son. Pero sa picture ko pa lang nakikita at hindi ko pa din alam ang pangalan,” singit ko. “But the real question here is why she is pretending to be Hye Soo.”

        “And where is the real Hye Soo,” patong ni Chai.

        “Charles can surely answer this,” sabi ko sabay tingin kay Trevor. “Rin and Sung-Ryeong are close. Rin is Charles’ wife. Charles’ former business client is Yam Xiu. Yam Xiu’s wife is Sung-Ryeong. For sure may nalalaman si Charles kahit pa konti.”

        “How can Mr. Del Julio help us, Officer Yeo. Enlighten me please,” malumanay na sabi ni Chief.

        “A family is always a family. Mas kilala ni Trevor si Charles. Alam niya mga kahinaan ng kapatid niya. Pwede nating makuha ang tiwala ni Charles para umamin at pumanig sa batas.”

        Sumandal si Chief at pinatong sa armrest ang magkabilang siko. “Now I ask you, Mr. Del Julio, what help can you give to us?”

        Trevor shows no sign of fear or intimidation. He just looks like he’s in a meeting trying to have a deal with a client. “We grew up under the same roof, school and rules of our parents. I’ve always been a big brother to him even though how much he tries to push me away. My brother may not listen to me at all times, but if there’s someone who knows him very well, I am that person. I am not here to help the PNP and NBI, I am here to help my brother do the right thing.”

        A dignifying answer it is. Chief looked at me. “I trust you on this, Officer Yeo,” sabi niya na may halong ‘pag-ito-pumalpak’ tone. “We can have him as our criminal informant.”

        “Thank you, Chief.”

        “And about Fuente.” Tinuro ni Chief si Fatima. “Have an eye on her, Detective Suarez.”

        Our meeting ends up in discussing what will be tonight’s plan. Ang aking pinakamabait na plano patungkol sa paghuli ng criminal. Trevor said Charles will visit Tita Mary’’s wake this midnight. Gabi gabi daw siyang dumadalaw. Huling lamay na ngayon ni Tita at bukas na ang cremation.

        “Officer Yeo, may I have a word with you?” asks Chief as we stand up on our seats.

        “Okay.” Nilingon ko si Trevor. “Wait for me at the receiving area.”

        Tumango siya at sumabay ng lumabas kaynila Detective Suarez.

        Kami na lang ni Chief ang natira dito sa loob ng conference room. Umupo ulit kami.

        “What are we gonna talk about, Chief?”

        “I cannot trust Mr. Del Julio one-hundred percent,” umpisa niya. “How sure are you he’s on our side?”

        “Magbibitiw ako pag pumalpak ‘to,” I fearlessly said. “Pag may nakulong na taong walang malay o nakawalang criminal at mali ang kinahinatnan ng mga plano ko… bibitawan ko ang pagiging pulis.”

        Chief stared at me. “You're handling two cases now, Officer Yeo. The PH's Finest and the YHS firearms smuggling. It will be hitting two birds with one stone. You really that sure?”

        I gave him a tight nod. "Hindi ka ba nagtataka, Chief, we are spying and watching Hye Soo's actions, but it just leads us in discovering that PH's Finest is still alive."

        Naningkit ang mata ni Chief. "What's on your mind, Officer?"

        I shrugged. “For now... I need to make friends with a foe.” Nilabas ko ‘yung flash drive sa bulsa ko at pinatong sa mesa. “I record my conversation with Fuente earlier. Laman niyan ‘yung pag-amin niyang pagtangkang patayin ako kagabi. Hindi niya binanggit ang pangalan ng amo niya, but that will serve as an evidence na kasabwat siya.”

        “Have Manaloto back-up the file,” turo niya sa flash drive. “Then go get Charles’ trust,” he said with a smile then stood up.

        Pinuntahan ko si Manaloto sa table niya. Malayo pa lang nakikita ko na ‘yung ulo niyang enjoy na enjoy sa pinapatugtog niya. Hindi naman ganun kalakas ‘yung music niya.

        “Huy,” agaw ko sa atensyon niya.

        “Oh, Officer Yeo. Tara na ba?”

        Kanina lang umiiyak ‘to, ngayon nagheaheadbang na sa gangster music. Hinila ko ‘yung swivel chair sa table ko at tumabi sakanya. “Back-up the mp3 file.” Sabay abot ng flash drive.

        Sinaksak niya ito sa pc niya. “Sa muli naming pagbalik ay mas lalo pang lumakas,” sabay niya sa rap nung pinapatugtog niya. “At sanga ng iniisip mo nagkakalaskalas. Nagkakamali ka ito kami, buo parin. Matatag parin. Di mo kayang buwagin karangalan ay bitbit parin.” Ini-scan pa niya ‘yung flash drive ko bago buksan.

        “Wala ‘yang virus. Bilisan mo na, i-copy mo na,” reklamo ko.

        “Malay ba natin. Mamaya ma-virusan pa ‘yung pc ko,” humahabang nguso niyang sabi. Balik siya sa pagheadbang sa rap na pinapatugtog niya. “Alam mo, Officer Yeo. Kung may theme song ang PH’s Finest, ito ‘yun eh,” matigas niyang sabi.

        “Ano ba ‘yan?”

        “Hindi mo alam ‘tong kantang ‘to!?” sigaw niya sa akin.

        “Magtatanong ba ako kung alam ko?”

        “We don’t die, we multiply oh oh!” feel na feel niyang kanta. “Ang pagkakaalam natin patay na ‘yung mga ‘yun, takte, nag-multiply pa pala.”

        Napatitig na lang ako sakanya. Bridge, what have you done? Abnormal na nga ‘to, hinawaan mo pa. Mas lalo lang lumala. “’Wag kang masyadong nagtatagal sa tabi ng kaibigan ko, ha? Lumalala ka lalo eh.”

        “One eighty-seven Mobstaz!” sabay niya sa rapper. Tinanggal na niya ‘yung flash drive at inabot sa akin. “Oh, flash drive mo.”

        “Thank you ha,” sarkastiko kong pasalamat sabay tayo at balik nung upuan sa table ko. “Tumayo ka na diyan. Aalis na tayo.”

        Pumunta na ako sa receiving area at pinuntahan sina Trevor at Chai. We drove to Arlington in his Camaro ZL1. Kasunod namin si Veloso at Manaloto dala ang black Sedan.

        Trevor parked the car near a tree across where Veloso parked. “He won’t do anything that will harm you,” Trevor said.

        Tinanggal ko na ‘yung seatbelt ko. “And I won’t do anything that will harm him.”

        “Go easy on him.”

        “Boss, ano bang tingin mo, magkasing age sila ni Chris?” Nilahad ko ‘yung kamay ko sa back passenger seat at inabot naman sa akin ni Chai ‘yung body bag. “We’ll just talk. Words are my weapon for now.”

        Tinignan niya ‘yung oras sa regalo kong relo sakanya. Inabot na niya sa akin ‘yung susi ng sasakyan. “He’ll be here in an hour or two. You should start preparing. I better go.”

        “Okay. I’ll go change to my costume.”

        He leaned to give me a quick kiss. “Good luck and be careful.”

        “I will.”

        He hopped off the car then said, “I love you,” before he closed the door.

        Nilingon ko si Chai sa likod. Hindi naman maipinta ‘yung mukha niya na para bang nandiri sa nakita niya. “What the heck did I witness?”

        “A display of affection, Chai,” natatawa kong sabi sakanya. “So I’m guessing you have no lovelife, huh?”

        “Lovelife. Tsh! Ano ‘yun? Nakakain ba ‘yun?” bitter niyang tanong.

        At mas lalo lang akong natawa sakanya at napailing.

        “Walang forever!” dagdag niya.

        I sit on my knees and faced her. “Alam mo, hindi totoo ‘yang walang forever. Nasasabi lang ‘yan ng mga taong bitter dala sa bugso ng damdamin nila. Kasi ang totoo, mayroong forever. Hindi nga lang lahat nabibiyayaan. Kasi ang forever, limited edition lang. Kaya madalas pinipeke. Maswerte ka kung authentic at hindi fake ‘yung na-avail mo.”

        Bigla siyang napangiti ng malawak. “Saan mo naman nahugot ‘yan, ha?”

        “Nakarinig ka na ba ng balita o kwento hango sa totoong buhay nung mga matatandang hanggang sa kamatayan o kahit nakaratay na ‘yung kapareha ay nasa tabi parin ng isa’t-isa? Chai, isa lang ‘yun sa mga patunay na mayroon pa ding forever. Kasi sila ‘yung mga taong naniniwala na kahit sa kabilang buhay, magkakasama pa din sila.”

        Tumango tango siya at humalukipkip. “Lalim ha? Hindi ko nareach. Tinalo ang lalim ng Marianas Trench. Paano ko naman malalaman kung authentic ang na-avail ko?”

        Ngumiti ako. “Malalaman mo ‘yun kapag parehas kayong may tiwala sa isa’t-isa. Kasi kapag may tiwala ka sa tao, nirerespeto mo siya. At kapag nirerespeto mo ang buong pagkatao niya, aalagaan mo siya. At kapag marunong kang mag-aruga at mag-alaga ng tama, minamahal mo siya ng tunay. So I therefore conclude that the root of forever is trust.”

        “How about honesty? Madalas iyan ang problema kaya nasisira ang trust.”

        “Alam mo, kung may tiwala ka sa tao, kung nirerespeto mo siya, at alam mong sa sarili mo na mahal mo siya, paano mo maaatim magsinungaling sakanya? I remember one thing Trevor’s dad said on their 30th wedding anniversary of Tita Mary. He said, you should subtract the bad things through creating good memories. Because through sharing wonderful memories with each other, surely you’ll treasure it forever.”

        “Very well said, candidate twenty-three! Bravo!” tuwang tuwang sabi ni Chai with matching palakpak pa. “At saan naman ako makaka-avail niyang forever na ‘yan? Saang floor ba ng SM makikita ‘yun? Bakit ang motto nila ‘We’ve got it all for you?’ Nagpunta na ako ng headoffice wala pa din. So masasabi mo bang sinungaling ang SM?”

        “Thank you for that wonderful question. Try mong jowain ‘yung mga batang gangster na naggagala sa SM. Para ikaw larn zafat nuah, ha? Lubs yow Bhosxk Trevor Zero Eight.” Umupo ako ng diretso at pumamewang sabay sigaw ng, “Summer Felicity Yeo, twenty-five, Marikina City!”

        At napahalakhak naman kaming dalawa dito. Napahiga pa si Chai sa upuan kakatawa.

        “Tama na nga ‘to! Mag-ayos na tayo,” pigil tawa kong suway sa amin. Kinalkal ko na ‘yung bag sa kandungan ko. Sinuot ko ‘yung hodded jacket, black mouth mask at gloves saka pinusod ‘yung buhok ko. Habang si Chai naman ay nagpalit na ng black polo shirt and pants. Nakasukbit sa belt niya ‘yung walkie talkie, baril at posas. Inumpisahan na niyang mag-make up at lagyan ng contour ang sarili niya. Hangang hanga naman akong pinanood siya.

        Mayamaya pa, pumasok na dito sa loob si Manaloto. Parehas sila ng outfit ni Chai. Siya naman ang sumunod na minake-up transformation ni Chai. Nagpigil ako ng tawa ng makita ‘yung pinaggagawa ni Chai. Nagmukhang malaki at kamatis ‘yung ilong niya tapos nagkaroon pa ng mga tigidig sa pisngi.

        “Okay na ba? Pogi ba lalo?” tuwang tuwang tanong ni Manaloto sa akin ng mapansin niyang ngingiti ngiti ako habang nakatingin sakanya. “In love ka naman sa akin, Yeo! Ano ba ‘yan. Tama na. Uso mag-move on. Tagal tagal na nating break eh. Payag ka bang taluhin bestfriend mo?” Pakiputok nga ‘yung ulo nito. Lumulobo eh. Inabutan siya ni Chai ng salamin at nanlaki ‘yung mata niya.

        Nag-duet kami ni Chai para tawanan siya. “In fairness, parang walang nagbago ah,” asar ko.

        “Sht!” Manaloto cussed. “Ang pogi ko pa din!”

        Napatigil naman kami sa pagtawa ni Chai. Nagkatinginan kami sabay tingin kay Manaloto. “Iba talaga level ng confidence mo eh, ano? Tinalo ‘yung akin,” hirit ko.

        Ngumiti siya ng malawak sabay iling. “Ganda lalaki,” bulong niya habang nakatingin sa salamin.

        Minsan talaga mapapa-facepalm ka na lang eh.

        “There he is,” sabi ni Chai habang nakatingin sa labas. Charles’ car arrived. Nagpark siya malapit sa dulo. “Why don’t we just arrest him? Alam na naman natin na siya talaga si Charles.”

        “We can’t for now. Paano natin maaaresto si Eman Valeros at paano tayo makakakuha ng matibay na ebidensya at lead kay Hye Soo? Edi naalarma ‘yung mga ‘yun.”

        “Fair point well made.”

        Hinintay namin siyang makalabas sa sasakyan niya at makalakad palayo saka kami bumaba. Dumiretso ako papasok sa shotgun seat ng Sedan habang nagmadali namang hinabol nung dalawa si Charles. Parehas naming sinundan ng tingin ni Veloso ‘yung dalawa.

        Hinarang ni Chai si Charles at kinausap ito. Sa gilid naman ni Charles tumayo si Manaloto. Saglit lang ay nag-radyo na si Chai. “Sir, white tshirt and black pants, right?”

        Tinapat ni Veloso ‘yung walkie talkie sa bibig niya, “White tshirt and black pants. Nakita niyo na ba?”

        “Yes, Sir. For inspection na,” sagot ni Chai. Kinapkapan na ni Manaloto si Charles habang patuloy na nagsasalita si Chai at inaagaw ang pansin ni Charles. Hinawakan ni Chai ang baba nito at tinaas bahagya ang ulo habang chinicheck ni Manaloto ‘yung bulsa ni Charles. “Sir, kulot medyo mahaba ang buhok at matangos ang ilong?”

        “Naka-cap?” tanong ni Veloso.

        “No, Sir.”

        Napansin naming nakuha ni Manaloto ‘yung susi ni Charles at naibulsa na. “May tattoo sa bandang leeg,” radyo ni Veloso.

        “Wala, Sir. May peklat sa kanang pisngi, Sir.”

        “You’ve got the wrong guy.”

        Binitawan na ni Chai si Charles. Kinausap niya ito at mukhang humingi ng paumanhin. Tumango lang si Charles at nagpatuloy na uli sa paglalakad.

        Nang wala na sa paningin namin si Charles, lumapit na dito ‘yung dalawa. Pumasok ‘yung dalawa sa likod.

        “Got the keys.” Tinaas ni Manaloto ‘yung susi at car remote ni Charles. “Mabango siya ha,” seryoso niyang hirit. “Medyo nabawasan ‘yung pagkalalaki ko ng maamoy at malapit ‘yung katawan ko sakanya.”

        Sabay na napailing si Chai at Veloso. Inagaw ko naman kay Manaloto ‘yung susi, “Ang bilis mo naman mag-change of heart. Ipagpapalit mo na nga lang ‘yung bestfriend ko sa lalaki pa.”

        Bumaba na kami Chai sa Sedan. In-unlock ko ‘yung kotse ni Charles gamit ang remote bago ‘to iabot kay Chai. Binuksan ko ang front passenger seat, inuna kong tignan ay ‘yung glove compartment. I am not surprised to find a revolver. Kinuha ko ito at pinasok sa bulsa ng jacket. Binuksan ko ‘yung backseat door at doon pumasok. Bahagya kong binaba ‘yung salamin para pumasok ang hangin kahit kaunti. Ni-lock na ni Chai ‘yung mga pinto. Naglakad siya palayo para kunyaring hanapin at isauli kay Charles ‘yung susi.

        Time passes by. Siguro mga isa’t kalahating oras. Nakabalik na din si Chai sa Sedan. Palipat lipat na ako ng pwesto dito sa likod. Hindi malaman kung saan uupo. Nang bigla ko na siyang makita palapit.

        Nilabas ko sa bulsa ng jacket ‘yung shades at sinuot ito. Inayos ko din ‘yung mouth mask sa bibig ko at tinaklob ‘yung hood ng jacket sa ulo ko. Pumwesto ako sa gitna ng upuan.

        Charles hopped in and closed the door. Nagulat siya ng makita niya ako sa rearview mirror. Matagal kaming nagkatitigan. I, looking on his wide eyes. Him, looking on my covered eyes. I make no move. Nang bubuksan na niya ‘yung pinto niya, napatigil siya ng humarang ‘yung Sedan sa harap. Binaba ni Veloso ‘yung bintana ng driver’s seat at tinutok sa gawi ni Charles ‘yung hawak niyang baril.

        Agad na inabot ni Charles ‘yung glove compartment at binuksan iyon. Bumagsak ang panga niya ng hindi matagpuan ‘yung baril niya.

        Nilingon niya ako. Dahan dahan kong nilabas sa bulsa ng jacket ‘yung revolver niya. Tinaas ko ito kapantay ng mukha ko at nag-hi sakanya.

        “Sino ka!?” galit niyang sigaw. “Anong kailangan mo sakin!?”

        Oooh… Now I hear your voice.

        “Sino ka!?”

        Binalik ko sa bulsa ‘yung baril niya. Binaba ko ‘yung hood ng jacket, hinubad ‘yung mouth mask at tinanggal ‘yung shades.

        Namilog ang mata niya ng makita ako. He’s about to say something. But he’s stuttering.

        “Hello… Stephen,” I greeted and gave him a smile.

        “Anong ginagawa mo dito?” mahina niyang tanong.

        “Parang ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Anong ginagawa mo dito sa Arlington, Mr. Devenecia?”

        He gave me no reply. He just stared at me.

        “Napipi ka na ba ulit? Kailangan mo na ba ulit ang tulong nung special app sa phone mo?”

        “I… I am here to visit a friend.” Eengk! Wrong answer! Come on, don’t lie to me now. Ngayon pa ba?

        “A friend. I saw where you went,” I said. Kahit nandito lang naman ako sa loob kanina pa. “So you’re a friend of my boyfriend’s mother, aren’t you?” I asked then raised an eyebrow. “What if… I call my boyfriend’s sister now. Ask her if Stephen Devenecia is a family friend or someone her mother may know?”

        Humarap siya sa dashboard at sumandal sa upuan niya. He breathed heavily and brushed his hair.

        Sa isang mabilis na galaw, binuksan niya ‘yung makina ng sasakyan at binunggo ‘yung Sedan. Inatras ni Charles ‘yung sasakyan niya at walang alintanang sinagasaan ‘yung plantbox sa likod. Nasira niya ‘yung harang na halaman ng carpark at lumiko palabas. Napahawak ako sa upuan ng mabilis niyang pinatakbo ‘yung sasakyan.

        Humaharurot ‘yung sasakyan sa bilis at ingay palabas ng Arlington. “Are you trying to get us killed?” tanong ko sakanya.

        Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa pagddrive.

        Nilingon ko ‘yung Sedan sa likod, they are following us. Nag-vibrate ‘yung phone ko kaya nilabas ko ito. Chai’s calling. “Don’t follow us,” agad kong sabi pagkasagot.

        “Wha- What!? What don’t follow?”

        “Just don’t.” I hang up.

        Trevor said Charles won’t do anything to harm me. I calm myself and just let him drive.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
17.8K 720 36
Louisiana quit her job as an agent in an organization called Sierra. It was for the safety of her members. Pero mas lalo lamang palang magiging kompl...
5.1M 61.2K 67
Once upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee y...
20.3M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...