BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITI...

By Margarita29

414K 6.8K 959

Bawal pumasok sa Bagong Bahay in Maria... Nakamamatay! More

UNA
Pangalawa
Pangatlo
Pang apat
Pang lima
Pang anim
Pang pito
Pang walo
Pang siyam
Pang sampu
Pang labing isa
Pang labing dalawa
Pang labing tatlo
Panglabing apat
Panglabing lima
Panglabing anim
Panglabing pito
Panglabing walo
Pang-wakas
Bagong Simula

Panglabing siyam

9.4K 262 71
By Margarita29


Tinangka niyang habulin si Andrea ngunit hindi na niya ito naabutan pa, idagdag pang hindi niya alam kung saan ito nagpunta kaya wala na siyang nagawa kundi pumunta sa hospital upang bantayan na lamang ang kanyang ina. Hinawakan niya ang kamay nito para malaman nitong nandirito lamang siya sa tabi. Nangkasakit ito isang taon na ang nakalilipas dahil sa sobrang kalungkutan nang biglang mawala ang kanyang kapatid. Inako ng huli ang kasalanang sa kanya ibinibintang.


Ang pagkawala ni Britanny.


Ngunit nang mapatunayang wala siyang kasalanan ay hindi pa rin nagawang magpakita ng kanyang kapatid.


"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung pinigil ko lamang ang galit ko, baka kasama pa namin siya"


Sa kanyang pagbuntong hininga'y nakaramdam siya ng kakaiba. Iyon ang parehong pakiramdam noong naospital ang kanyang kapatid. Ang mainit na hangin at ang maalinsangang paligid. Ang kabang unti unti niyang nararamdaman at ang pagtaas ng kanyang balahibo sa hindi malamang dahilan.


Nilingon niya ang buong paligid ngunit wala siyang anumang nakita. Ngunit nang dumako ang kanyang paningin sa maliit na salamin sa tapat ng kama ng kanyang ina ay nanlaki ang kanyang mga mata.


Ibang kamay na ang hawak hawak niya.


Isang babaeng may magulo at mahabang buhok na nakatabon sa mukha nito. Hindi niya tuloy magawang makita ang mukha nito. Madumi ang kulay itim nitong damit na tila may mga putik na hindi pa natutuyo. Naaaninag rin niya ang pulang likido sa mga braso hanggang kamay nito na hawak niya. Napaangat siya ng bahagya sa kanyang pagkakayuko nang biglang gumalaw ang ulo nito at humigpit ang hawak sa kanyang kamay. Naririnig rin niya ang mabigat nitong paghingal na sumasabay sa mabilis niyang paghinga.


Hindi niya magawang lingunin ito dahil natatakot siya. Tama nang sa salamin lang niya ito nakikita dahil baka hindi niya kayanin.


"Tulungan mo ako"


Kinilabutan siya nang marinig ang boses nito. Iyon ang kaparehong boses na kanyang narinig noong unang naospital ang kapatid. Iyon ang boses ng unang babaeng nagpakita sa kanya. Bakit ngayon na lamang ito muling nagpakita sa loob ng isang taon? Ano ang kailangan nito? 


"Tulungan mo ang kapatid ko"


Napasinghap siya nang humawi ang buhok nito at nakita niya ang kabuuan ng mukha nito.


"Hindi maaaring.."


"Paki-usap.. Tulungan mo... ang kapatid ko..."


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Parang isang ligaw na hayop ang pakiramdam ni Andrea habang nakaabang sa isang bahay. Hindi siya nahirapang hanapin ang bahay dahil bukod sa ito ang sentro ng bayan na iyon ay ito pa ang sigurado niyang pinakamalaki at pinakanakakatakot. Ang bahay na iyon ay higit na mas malaki kaysa sa bahay sa kanialng bayan, ngunit may pagkakatulad ang mga ito pagdating sa simoy ng hangin.


Sobrang bigat.


Hindi niya alam ngunit nahihirapan siyang huminga ng maayos.


Ano ang pakiramdam na ito?


Nahirapan siyang maka-alis sa bahay ni Lola ngunit nang marinig niya mula kay Maria Andrea ang tungkol sa pinsan niya'y agad siyang humanap ng paraan upang mapuntahan ang mga ito.


"Gagawin ko ito para kay Ada!"


Papasok na sana siya sa nakabukas na gate nang bigla siyang nakarinig ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.


"Huwag mong sayangin ang pagliligtas sa iyo ng pinsan mo"


Lumingon siya sa kanyang likuran ngunit wala siyang nakita. Ngunit sigurado siyang narinig niya ang boses ni Mae. Iyon ang mga salitang narinig niya mula rito noong nagkausap silang dalawa.


Ano ba talagang meron sa bahay na ito?


Huminga siya ng malalim saka nakayukong humarap sa bahay. Hindi niya kayang libutin ng tingin ang bahay dahil natatakot siya. Kung hindi nga lang dahil sa pinsan ay hindi siya pupunta rito.


"Tu.. long.."


Napaangat siya ng tingin ng marinig iyon. Doon siya napasinghap nang mapansin ang tila tatlong pigura ng tao na nakasabit sa labas ng bahay. Kahit malayo ang gate mula sa bahay ay sigurado siyang mga tao ang nakasabit doon. Mabilis siyang tumakbo sa loob dala marahil ng sobrang takot na may mangyaring masama sa mga ito kung hindi niya ibaba ngunit nang maka limang tapak siya ay napatili siya nang biglang may sumunggab sa kanya dahilan para pareho silang masubsob.


Nakadagan ito sa kanya habang siya nama'y nakadapa sa lupa. Nakaramdam siya ng takot at pandidiri nang maramdaman ang malagkit na kamay nito sa kanyang buhok papunta sa kanyang mukha. Nagpupumiglas siya upang makawala ngunit sadya itong malakas. Idagdag pa ang mabaho at malagkit nitong kamay!


Nakakasuka!


"Sa wakas... pumasok ka rin!"


Bumilis ang lalo ang tibok ng kanyang puso nang marinig ang nakakakilabot nitong boses. Malalim iyon at mukhang delikado.


"Bitawan mo ako..." mahina niyang usal.


Narinig niya ang malakas nitong pagtawa. Akala niya ay makakawala na siya rito nang tumayo ito ngunit hindi pa pala. Muli siyang napatili nang maramdaman ang marahas na pag-angat ng kanyang paa mula sa lupa.


"Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito."


Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay napatulala siya nang sumalubong ang mukha nito. Napaiyak pa siyang nang makilala ito.


"Britanny?"


Nakita niya ang nakakakilabot nitong pagngisi. Nang pilit niyang lingunin ang tatlong tao na nakita niya sa pintuan ay wala na ang mga iyon.


"Hindi maari... ikaw ang-"


Muli itong ngumisi bago nagdilim ang lahat sa kanya dahil sa malakas na paghampas ng kung ano sa kanyang mukha. Nagising lamang siya nang marinig ang pag-iyak ng kung sino. Nang idilat niya ang kanyang mga mata'y nakaangat pa rin siya pabaligtad. Mula sa nanlalabong mga mata'y sigurad siyang nasa loob na siya ng bahay. Nakatapat siya sa isang malaking salamin na kulay itim.


Hinanap niya ang pinanggalingan ng pag-iyal, saka lamang niya napansin ang ilan pang mga tao na nakasabit rin sa tabi niya. Lima sila na nasa parehong sitwasyon. Ang pinagkaiba lamang ay duguan na ang mga iyon at halos hindi niya makilala.


"Gising ka na..."


Nanlisik ang kanyang mga mata nang bumungad sa kanya si Britanny na kampanteng nakaupo sa isang maliit na upuan. Tila ba hinihintay lamang nito na magising siya.


"Anong ginagawa mo sa kanila?"


"Iyan ba agad ang itatanong mo sa akin? Hindi mo muna tatanungin kung sino sila? Bakit ko ito ginagawa? Anong makukuha ko?"


"Hayop ka.."


Lumapit ito sa kanya saka siya mabilis na sinampal. Medyo nahilo pa siya sa ginawa nito bago niya naramdaman ang tila mainit na bakal sa dumikit sa kanyang braso.


"ANONG GINAGAWA MO?"


Nakagat niya ang pang ibabang labi niya hanggang sa matapos ito sa ginagawa.


"Ayan.. Kumpleto na kayo..."


Muli itong bumalik sa upuan at may kinuhang malaking libro.


"Alam mo ba kung an ang inilagay ko sa iyo, Andrea?" Kahit nakabaligtad ay ipinakita nito sa kanya ang pamilya na marka. "Ito ang marka ng kamatayan. Ang marka ng kasunduan. Buti na lang tanga ka at hindi mo tinanggap ang kasunduan sa kabilang libro."


"Anong sinasabi mo?" mahina niyang sabi. Hindi ito sumagot bagkus ay lumapit ito sa iba pang nakasabit na tulad niya.


"Ang unang bulaklak at ang ikalawang bulaklak. Si Isabel at si Alexis Paul." pinakita nito ang nabubulok na mukha ng dalawa niyang kaibigan. Mayroon pang mga uod na nagpapakasasa sa nakalaylay na mga laman ng mga ito.


Sunod nitong pinuntahan ang isa pang nakasabit. "Ang ikatlong bulaklak, si Regina." Bumungad sa kanya ang walang malay na si Regina. May nabuong dugo sa ulo nito.


"Ang ika-apat na bulaklak. Si Mandy" napasinghap siya nang makita ang hingal na hingal na si Mandy. Nakikinita niya kung paano ito pinahirapan ng husto. Napansin niya ang marka ng kamatayan na nakalagay sa pisngi nito. Mayroon pang mga dugo sa paligid niyon kaya nakasisiguro siyang bagong lagay lamang iyon.


"Pero... kapatid mo siya.."


Muli itong ngumisi bago niya nakita ang pagbabago ng mukha nito. Lalo siyang napaiyak sa takot dahil ang mukha nito ay katulad na sa mga buhay na bangkay na nakikita niya sa telebisyon. Nakalaylay ang isang mata nito, wasak ang labi at labas na rin ang mga buto sa ilang bahagi ng mukha.


"Hindi na siya si Britanny.." Nilingon niya ang nagsalita at mula sa sulok ay lumabas si Mae. Nakasuot ito ng isang asul at mahabang damit. "Patay na ang tunay na Britanny. Kinuha na ng matanda ang katawan niya noon."


"Mae?"


Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Binalaan na kita Andrea diba? ang curious mo kasi masyado, ayan tuloy, imbes na si Ada ang huling bulaklak, ikaw pa tuloy ang naging kapalit niya." lumayo ito at umupo sa upuan na inupuan ni Britanny. Habang ang huli nama'y umalis sa pwesto nito at tumayo sa gilid ng itim na salamin na kanyang nakita.

"Bakit niyo ba ito ginagawa? Sino ba talaga kayo?"


Sumangot si Britanny. "Gusto ng aking panginoon ng bagong katawan. Gusto ni Maria ng karugtong na buhay."


"Ma..ria?"


Tumayo si Mae at lumapit kay Mandy. Napatili siya nang makitang walang alinlangan nitong sinaksak sa dibdib si Mandy. "Maria... Mandy.." Ganuon rin ang ginawa nito sa tatlo pa niyang kaibigan. "Alexis, Regina, Isabel..." Lumapit ito sa kanya. "At Andrea.."


Napapikit siya nang akma nitong saksakin ng kutsilyo ang kanyang dibdib ngunit lumipas ang ilang sandali ay wala siyang naramdamang sakit. Bagkus ay narinig niya ang mahina nitong pagtawa. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang paglabas ni Maria Andrea sa itim na salamin. Dahan dahan itong lumapit sa kanila at kinuha ang kutsilyo kay Mae.


"Ako dapat ang gumawa nito sa iyo dahil espesyal ka Andrea.."


Nindi niya akalain na kung gaano ito kaganda ay siya namang kapangit ng kalooban nito. Maitim ang budhi nito at walang kinakaawaan.


"Nais kong ako ang papatay sa isang tulad mo.. Maaari pa sana kitang gamitin tulad ng ginawa ko kay Rosenda. Ngunit ang babaeng iyon ay umatras sa usapan at binagligtad ako. Isa siyang hangal diba?"


Hindi nakaligtas sa kanya ang binanggit nitong pangalan. Iyon ang pangalang tinawag sa kanya ng babaeng nagpakilalang Jaja sa library kahapon.


"Kasalanan ito ng mangkukulam na iyon! Walang hiya siya! Balak pa niyang gamitin ang kapangyarihan ng libro upang ako'y mawala?" Huminga ito ng malalim at kinalma ang sarili. "Ngunit mabuti na rin ang kanyang ginawa. Akalain mong iyon ang magiging daan upang makakuha ng mas malaking sakripisyo?" Lumapit ito sa kanya. "Kayo iyon.. Ang limang birhen na kusang papasok sa bahay ko. Ang hayaan kayong makapasok rito ang magiging susi. Ang matinding kuryosidad ang papatay sa inyo."


Tumawa ito ng sobrang lakas.


"Tulad ng sinabi ng aking mga manika.. hindi sana ikaw ang huling bulaklak, para sa aking muling pagkabuhay. Kaya lang masyado kang nangingi-alam, parang yung sampid na si Carmela-" Pinutol niya ang kung anong sasabihin nito nang marinig ang pangalan ni Carmela.

"Ginagawa mo ba ito para maipag-higanti si Tanya dahil sa ginawa ni Carmela? Kung gusto mong maghiganti sa kanya, huwag mo kaming dinadamay sa away niyong dalawa! Wala kaming kinalaman doon!"


Lumapit sa kanya si Britanny at sinampal siya ng malakas. Narinig naman niya ang malakas na pagtawa ni Maria Andrea. "Bakit ko naman ipaghihiganti ang walang silbi na si Tanya?" natahimik siya sa sinabi nito. "Kami ang tunay na magkapatid. Hindi lamang kami magkapatid, kambal kami. Ngunit ano? Nagbago rin ang kanyang isip at iniligtas si Carmela. Wala siyang silbi. Pare-pareho lamang silang lahat na tinalikuran ako. Tulad rin siya ng mga magulang namin na tinapon ako dahil sa kakaiba kong itsura. Kinahiya nila ako at kinulong sa pinakababang bahagi ng aming bahay.  Hindi nila ako pinakilala sa madla at tinangka pa nila akong patayin. Kaya dapat lamang na mawala na silang lahat sa mundong ito." Kitang-kita niya ang sakit sa mukha nito. Iyon ang klase ng sakit na maraming galit sa puso. Iyong wala nang pagpapatawad para sa lahat.


"Anong.. sinasabi mo?"


Pinakita nito sa kanya ang totoo nitong anyo. Nakikita niya ang pagbabago niyon. Mula sa magandang mukha ay napalitan ng nakakadiring anyo. Ang kalahati ng mukha nito ay hindi nabuo. Wala itong kaliwang mata, hati ang pisngi nito at baluktot ang ilang mga nakausling puting buto. Ang itsura nito ay patunay na hindi ito matatanggap ng karamihan.

"Ako ang pumatay sa mga magulang at mga kapatid ko. Ako ang pumalit bilang Tanya. Ako ang naging Chua. At ako ang kukuha ng buhay na isasakripisyo ng limang birhen. Kayo iyon, kayo ang limang lirhen na bumuo sa aking pangalan na Maria. " Mabilis itong lumapit sa kanya. Maayos na ulit ang itsura nito at bumalik na sa magandang anyo. "Ang dugong dumadaloy sa inyo ay mula sa aking dugo. Ang buhay niyo ay kinuha sa buhay ko. Ang markang iyan ang magpapatibay na ang buhay ninyong lima, ay ang magiging karugtong ng aking kaluluwa!"


Itinaas nito ang kutsilyo upang siya ay saksakin, ngunit mabilis pa sa kidlat na tumalsik ito hanggang sa dulo ng kwartong iyon. At mula sa kabilang sulok kung saan nanggaling ang malakas na pwersa, isang babae ang nakatayo roon.


Ang babaeng nakilala niya sa library.



A/N: Nakaprivate po ang wakas at bagong simula para ang mga nakafollow sa akin ang unang makabasa. Hindi ko sinabing ifollow niyo ako para mabasa niyo rin po iyon. Walang pong pilitan. Dont worry kasi ipupublic ko iyon after a month. December 1. Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

34.2K 1K 30
Dalawang taong pinaglayo. Isang puso ang nais bumalik sa kaniyang pagkatao. Isang pusong sakim. Isang pusong papatay. Isang pusong puno ng pag-ibig. ...
575K 17.1K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
104K 1.5K 200
The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree
44.3K 1.1K 27
Detective Aihara at Spy Mitsubara mag sasama sa ma-ala sundalong labanan? Paano kaya nila matatapos ang kanilang misyon kung simula Pag ka bata mag k...