Panglabing anim

10.5K 206 22
                                    

Tarang ihashtag #WPBahayniMaria on twitter. Thanks a bunch!

==========o==========

Nawawala si Ada.

Iyon ang bumungad sa kanya pagtuntong niya sa bahay ng kanyang pinsan. Malalim na ang gabi nang makarating siya sa bahay ng mga ito. Naabutan niya ang hindi magkamayaw na pag-iyak ng kanyang tita habang nakayakap sa kanyang ina. Nandoon rin ang kanyang papa, ang mga magulang ni Poy at si Regina.

Gusto niyang lapitan ang mga ito pero naramdaman niya ang paghawak sa kanya ni Regina. Mabilis siya nitong hinila palabas ng bahay ng kanyang pinsan.

"Andrea! Buti nakarating ka"

"Anong nangyari? Asan si Ada?"

"Hindi namin alam. Ang lang sabi ni Tita, ilang araw na raw nitong naririnig ang kakaibang ingay sa kwarto ni Ada. Nang hindi na siya makatiis, pilit niyang pinapabukas ang pintuan ngunit hindi siya pinagbubuksan. Nang makakuha na si Tita ng pagkakataon ay binuksan nito ang pintuan pero bago raw niya buksan iyon ay may naririnig na siyang parang kakaibang salita na-" Naputol ang sasabihin ni Regina nang biglang may nagsalita.

"Dasal ang tawag doon" 

Si Mae.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong niya kay Mae. Malalim na kasi ang gabi para maisipan pa nitong puntahan ang bahay ng kanyang pinsan.

Lumapit si Mae sa kanila ng dahan-dahan. Pagkahawak nito sa kanyang braso ay bigla niyang naramdaman ang pagnginig nito. Labis siyang nagtaka lalo pa nang makitang niya ang seryosong mukha nito habang hawak siya. Tila rin ingat na ingat ito sa kilos at sa mga sasabihin. Pagkuwa'y may ibinulong ito sa kanya na hindi naman niya maunawaan.

"Masyado kang nagtitiwala. Tandaan mo, hindi lahat ng nakikita at naririnig mo ay totoo. Minsan mag-isip-isip ka rin. Tumingin ka sa paligid at doon mo makikita ang iyong hinahanap"

Mabilis itong lumayo saka tumalikod.

"Napadaan lang ako." Nakita niya ang pagsakay nito sa isang itim na kotse at mabilis na umalis. Tila ito isang hangin na sobrang bilis dumating at sobra ring bilis umalis.

"Anong sabi niya Andrea?" tanong sa kanya ni Regina. Umiling lang siya habang nakatanaw sa papalayo nitong kotse.

Ano ang sinasabi nito sa kanya? Ano ang alam nito na hindi niya alam? Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng utak ni Mae. Pakiramdam niya, nasa gitna ito ng linya, may gustong sabihin pero hindi naman sinasabi ng maayos.

"Nanghihinala na ako sa kanya, Andrea" nilingon niya si Regina. Nakita niya ang seryosong mukha nito habang nakatanaw sa kotse ni Mae. "Kung ano talaga ang puno, siya ang bunga."

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Where stories live. Discover now