Bagong Simula

5.7K 143 33
                                    


Dalawang araw na niyang hindi nakakausap si Jaja. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lumalabas sa kwarto nito. Ni kumain ay hindi rin nito magawa. Gusto man niya ito damayan at pagaanin man lang ang nararamdaman nito ngunit hindi niya alam kung paano. Nawawalan siya ng lakas ng loob tuwing naririnig niya ang mahina nitong pag-iyak.



"Andrea...Hayaan mo muna siya.."



Nilingon niya si Mae.



Nang magising siya ng gabing iyon ay bumungad sa kanya sina Mae at isang babaeng kamukhang kamukha ni Maria Andrea. Sisigaw na sana siya at lalayo kung hindi lamang agad ito nagpakilala bilang si Tanya. Ginagamot pala nito ang kanyang mga sugat at inaalis ang markang nilagay sa kanya ni Britanny.



"Nasaan na ako? Nasaan na ang bahay?"



"Nandito tayo sa aming lupain kung saan dating nakatayo ang aming tahanan. Mahigit isang taon na iyong nabuwag. Nagkaroon ka lamang ng pagkakataon na muli iyong makita dahil sa kapangyarihang itim na ginamit ng aking kakambal na si Maria Andrea. Maayos na ba ang iyong pakiramdam?"



Naiilang na tumango siya rito. Nang iniwas niya ang tingin rito'y napadako ang kanyang pansin sa babaeng nakaluhod sa di kalayuan habang binibigkas ang pangalang "Jiji". Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakayuko ito at masyadong magulo ang buhok.



"Sino siya?



"Si Jaja-"



"Si Jaja? Yung kaninang nakikipaglaban kay Maria Andrea?"



Malungkot na tiningnan siya ni Mae. "Siya ang totoong Jaja"



Pinaliwanag sa kanya ni Tanya na si Jaja at ang matandang nagpakilala sa kanya sa pangalang Lola ay iisa. Nagkaroon ito ng kasunduan sa libro. Ang kamatayan para sa karamihan ang siyang magpapanatili ng magandang anyo, malusog na pangangatawan at malakas na kapangyarihan nito.



Bagay na hindi nasunod nito. Mas pipiliin na lamang daw nitong mamatay kaysa makapatay ng iba.



"Eh sino yung kanina?"



"Siya ang kakambal ng tunay na Jaja... si Jiji"

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Where stories live. Discover now