The Cruel Billionaire's Marri...

Nuebetres

337K 5.2K 1.2K

Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to... Еще

PROLOGUE
CHAPTER 1: THE STRUGGLES TO BEGIN WITH
CHAPTER 2: MEETING THE CRUEL MAN
CHAPTER 3: THE ALLEGATIONS THAT LEAD THEM INTO MARRIAGE
CHAPTER 4: THERE'S NO OTHER WAY TO ESCAPE
CHAPTER 5: THE RESPONSIBILITIES THEY DIDN'T EXPECTED
CHAPTER 6: LEAVING THE MANSION
CHAPTER 7: REMAINED IN A SITUATION
CHAPTER 8: LONGING FOR SOMEONE
CHAPTER 9: GLIMPSE OF THE PAST
CHAPTER 10: GOING BACK TO MANSION
CHAPTER 11: HIS LOVE INTEREST
Chapter 12: HE'D SAVAGE HER FRAGILE SELF-CONFIDENCE
CHAPTER 13: THE CHEERFUL AND BUBBLY ELOISE
CHAPTER 14: HIS TRUE COLOR
CHAPTER 15: THE BEGINNING OF A GAME
CHAPTER 16: GET TOGETHER AT THE WATERFALL HOUSE
CHAPTER 17: THE PROPOSAL
CHAPTER 18: SAN FRANCISCO, CALIFORNIA
CHAPTER 19: DARE TO ESCAPE?
CHAPTER 20: THE WEDDING
CHAPTER 21: THE HONEYMOON
CHAPTER 22: HIS DESIRE
CHAPTER 23: THE AGREEMENT
CHAPTER 24: HOME ALONE
CHAPTER 25: DEEP SECRET
CHAPTER 26: AFTER THE HONEYMOON
CHAPTER 27: SKI MOUNTAIN RESORT
CHAPTER 28: HIS MISSING WIFE
CHAPTER 29: OBSESSED WITH HER ASSET
CHAPTER 30: HER PUNISHMENT
CHAPTER 31: THE TRUTH ABOUT HER TATTOE
CHAPTER 32: HE CALLED HER NAME FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 33: HER UNEXPECTED VISITOR 1
CHAPTER 34: HER UNEXPECTED VISITOR 2
CHAPTER 35: THE CARING HUSBAND
CHAPTER 36: A KISS TO BE REWARDED
CHAPTER 37: HIS ATTRACTIVE OFFER
CHAPTER 39: IS ARIES JEALOUS?
CHAPTER 40: AT THE EXCLUSIVE BAR
CHAPTER 41: IS ARIES HAVING A LOVER?
CHAPTER 42: SHE NEEDS FREEDOM NOT VACATION
CHAPTER 43: MEETING THE INVESTORS
CHAPTER 44: HE WANTS TO KEEP HER
CHAPTER 45: THE SPINSTER's LEGACY
CHAPTER 46: ARIES' DOPPLEGANGER
CHAPTER 47: HE DIDN'T BELIEVED HER
CHAPTER 48: HE CAME IN TO APOLOGIZE
CHAPTER 49: HEADED TO BLACK BEACH
CHAPTER 50: HIS LIFE MISERY
CHAPTER 51: THE TWINS AL AND AJ
CHAPTER 52: THE GRADUAL REALESE OF THE PAST
CHAPTER 53: SHE PASSED THE TESTS
CHAPTER 54: AGREED TO HER SUGGESTION
CHAPTER 55: ARIES' WEIRD ACTIONS
CHAPTER 56: SWEETNESS OVERLOAD
CHAPTER 57: HE MADE HER PREGNANT
CHAPTER 58: SHE FOUND THE ANSWERS
CHAPTER 59: HAVEN RANDOM THOUGHTS
CHAPTER 60: THE FIRST ENCOUNTER
CHAPTER 61: SNEAK IN
CHAPTER 62: THE DEVIL IS IN
CHAPTER 63: AGGRESSIVE
CHAPTER 64: THE FIGHTS
CHAPTER 65: THE BUTTERFLIES IN HIS STOMACHE
CHAPTER 66: EVERYTHING IS UNDER CONTOL
CHAPTER 67: ELOISE WITNESSED THE TRUTH
CHAPTER 68: REMEMBERING THE PAST
CHAPTER 69: HAVEN's CONFESSION TO THE DEVIL
CHAPTER 70: THE DAY HOW THEY WERE ABDUCTED
CHAPTER 71: HIS AVOIDANCE
CHAPTER 72: THE ENGAGEMENT PARTY
CHAPTER 73: CELABRATING A VICTORY
CHAPTER 74: THE LOSS OF HER INNOCENCE
CHAPTER 75: HER NEW BEGINNING
CHAPTER 76: HIS WIFE's WHEREABOUT
CHAPTER 77: COURTING HIS WIFE
CHAPTER 78: THE NEW RIVAL
CHAPTER 79: THE MONTESORRI FARM
CHAPTER 80: ARIES' AUDICITY
CHAPTER 81: GETTING ATTACHED WITH EACH OTHER
CHAPTER 82: CAN SHE FORGET AND FORGIVE?
CHAPTER 83: TAKING OFF THE MASK SHE WAS WEARING
CHAPTER 84: LOVE REUNITED
CHAPTER 85: THE CRUEL TRUTH REVEALED 1
CHAPTER 86: THE CRUEL TRUTH REVEALED 2
CHAPTER 87: THE FINAL PROPOSAL
CHAPTER 88: SWEET ESCAPE
CHAPTER 89: DISTANCES ARE REALLY MATTER
CHAPTER 90: HAVEN IS PREGNANT
CHAPTER 91: HAVEN WAS KIDNAPPED
CHAPTER 92: HAVEN AND AL GOT MARRIED
CHAPTER 93: THE FIGHTS BETWEEN BROTHERS
CHAPTER 94: AGAINST ALL ODDS
FINALE

CHAPTER 38: THE CASUAL DINNER

2.5K 38 0
Nuebetres

Kinagabihan, saktong alas syete nang dumating sina Aries at Haven sa  bahay na binili ni Eloise sa Quezon City. Mga ilang minuto din ang biyahe nila dahil na din sa traffic.

Ang usapan kasi alas-otso nang gabi pero alas syete palang nandoon na sila.
   

Namangha siya sa nakitang bahay ni Eloise. It was a modern house na bagay lang sa isang pamilya na nakatira.
   

Nagulat si Eloise nang mapagbuksan sila ng pinto ni Aries nang magdorbell sila.
   

"Good Evening," nakangiting bati niya kay Eloise.
   

"Good Evening too! Wow, ang sexy mo talaga, Haven! Ang aga niyo yata hindi pa ako nakaluto!" sabi ni Eloise at nakipag beso siya dito.
   

Nakasuot ito ng apron samantalang siya halos lantad na ang cleavage niya dahil pilit siyang pinasuot ni Aries ng sexy'ng bodycon dress na hapit na hapit sa katawan niya at V-neck pa naman iyon may manggas nga kaso nga lang parang nalalaswahan pa rin siya at hanggang sa may hita niya iyon. She felt uncomfortable.
   

"Bakit hindi ba pwedeng mapaaga ang pagpunta namin?  It’s nice seeing you wearing an apron." puri ni Aries kay Eloise.
   

Buti pa si Eloise kahit sa gaanoong ayos lang nito pinuri pa nito samantalang siya hindi man lang siya nito pinuri.
   

"Naks, bro! Salamat naman sa papuri mo! Nagluluto kasi ako. Upo muna kayo." sabi ni Eloise nang makapasok na sila sa loob.
   

Umupo naman sila ni Aries sa couch.
   

"Ah, Eloise tutulungan na kita." presinta niya.
   

"No wife, I should be the one to help her." sabad agad ni Aries at pinanlakihan siya nito ng mga mata na sinasabing sumang-ayon na lang siya.
   

"Don't bother, nandoon na si Daniel sa kitchen,"
   

"Eloise, I want to learn how to cook. I want to prepare something for my wife hindi 'yong siya na lang lagi ang nagluluto." sabi ni Aries.

Mukhang alam na niya ang binabalak ng nito.
   

Ang pag kunot-noo kanina ni Eloise ay napalitan ng ngiti kasabay niyon ay ang mahina nitong pagtawa.
   

"Hay naku, sinasabi ko na nga ba nakakapanibago talaga ng pagkatao kapag may inspirasyon." sabi ni Eloise.
   

"So, you mean you’re willing to help me?" sabi ni Aries na may ngiti sa mga labi.

Kakaiba talaga ang mukha ni Aries kapag si Eloise ang kaharap nito para itong nasa alapaap.
   

"Okay, tatawagan ko lang si Daniel sa kusina at ii-entertain niya 'tong si Haven." sabi ni Eloise at muling pumasok sa loob ng kusina.
   

Mabilis na nakagawa ng paraan si Aries kung paanong mapagsolo sila ni Daniel.
   

Napaka-utak talaga!
   

"Alam mo na ang gagawin mo," bulong na sabi sa kanya ni Aries.
   

Lumabas na din si Daniel at may dalang bote ng alak at wine glass.
   

Agad na tumayo si Aries at nilapitan si Eloise.
   

"Haven, si Daniel na muna ang bahala sayo tuturuan ko lang itong asawa mo ng sa ganun mapakinabangan mo naman sa kusina." natatawa na sabi ni Eloise at inakbayan pa nito si Aries habang nakapamulsa ang dalawang mga kamay ng asawa sa suot nitong pants.
   

Mukhang sanay na sanay ang dalawa sa gesture nilang 'yon. Tinignan naman niya ang reaksiyon ni Daniel parang wala lang ito dito.
   

She smiled at her. "Sige mabuti nga iyon na iba ang magtuturo sa kanya." may pait ang tinig na sabi niya.
 

"Okay, babe ikaw na muna ang bahala sa kanya." paalam ni Eloise kay Daniel.
   

Muli siyang sinulyapan ni Aries ng tingin bago pumasok ang mga ito sa loob ng kusina.
   

Narinig niyang tumikhim si Daniel kung kaya't napabaling siya dito.
   

"Hi, kamusta nga pala ang may buhay asawa?" nakangiting umpisa ni Daniel.
   

"O-okay lang naman medyo nakakapanibago pa rin at nakaka-stress minsan." she said and smiled to him. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng kaba sa dibdib at magkahalong takot.
   

"Ganoon ba? Ganyan naman talaga sa umpisa talagang nakakapanibago.”
   

Tumango-tango na lang siya. She didn’t know how to start a good conversation with anyone else. Because she was still an introvert.
   

Gusto mong sa likuran na lang sa may swimming pool mas maganda ang view doon?" sabi sa kanya ni Daniel.
   

"S-sige." kaagad na pagpayag niya.

Wala naman itong masamang gagawin sa kanya si Daniel? Pero siya? Siya itong may balak. Pero paano niya uumpisahan ang pang-aakit dito? Hindi rin siya madaldal na tao.
   

Tinungo na nila ang likod ng bahay. Tama nga si Daniel maganda nga ang view sa likod. May saktong lapad ang swimming pool. It was rectangular. At marami ding mga bulaklak sa gilid.
   

Napansin ng mga mata niya ang puting matabang pusa na nakahiga sa couch.
   

Nagningning ang mga mata niya nang makita ang pusa.
   


Kaagad siyang lumapit doon.
   

"Kaninong pusa siya?" tanong agad niya kay Daniel pero alam naman niya ang sagot kung para kanino iyon. Wala na talaga kasi siyang ibang masabi.
   

"Actually, that was your husband's gift to Eloise, last month."
   

"Talaga?" hindi makapaniwala na sabi niya.
   

"You didn't know?" nagdududa ang tanong ni Daniel habang nagsasalin na ito ng alak sa wine glass.
   

She bit her lower lip. Mukhang siya pa yata ang mahuhuli sa gagawin nila ni Aries. "H-hindi naman nakalimutan lang sigurong i-kwento ng asawa ko."
   

"You know what Eloise is not fond of pets. If there is any by chance, she preferred dogs rather than cats." sabi ni Daniel sabay abot sa kanya ang wine at umupo ito sa kabilang couch na katapat niya.
   

Really? Pero bakit tinanggap nito ang bigay ni Aries at mukhang alagang-alaga naman ni Eloise ang pusa.
   

"Ganun ba ang alam ko din mas gusto ng mga babae ang pusa," sabi na lang niya kay Daniel.
   

"I think so, what about you? Do you like cats too?" tanong ni Daniel at muling tumungga ng wine samantalang siya hindi pa niya natitikman ang binigay nito.
   

Paano ba kasi magpakita ng interes sa isang tao? Mukhang hindi kakagat si Daniel sa plano nila ni Aries.
   

Tinignan niya ito saka binigyan ng pilit na ngiti. "Yhup, gustong-gusto ko din ang mga pusa," sabi niya at umupo sa tabi ng pusa at hinawakan niya ang ulo nito.
   

Naalala niya ulit ang puting pusa 'nun na niregalo sa kanya ng namayapang ama.

Kagayang-kagaya din ang pusang iyon sa pusa na hinahawakan niya.  At ang pusang iyon ang kasa-kasama niya noong panahong na-kidnap siya.
   

"Really? I thought sa isang kagaya mo mahilig lang sa social life." sabi ni Daniel at malamlam siyang tinignan.
   

"Siguro ang tingin nila sakin ganoon." sabi niya hindi na siya magtataka kung ganun ang akala sa kanya ng mga lalaki.
   

Naging tahimik sila pareho na para bang inaaral nila ang presensya ng isa't isa.
   

Ang alak tuloy ang pinag diskitahan niya.
   

Kung kaya't tumungga siya ulit.
   

She was tense what would she do then next? Kung bakit kasi hindi siya natutong makipaglandian.
"Ahm, I like this house," 

Pew! Kung ano nalang ang naisatinig ng bunganga niya.
 

"Really? I'm glad you like this house," Daniel said politely.
   

"Oh, yes, I like it very much. I like light brown."
   


"Red is my favorite color since we cannot apply that color in a house." salungat naman ni Daniel.
   

Nginitian niya ito. "It's an interesting thing about colors. Red's a nice color in a house too; but outside, too much red would be bad. I mean for instance, if all trees and the grass were red. Outside, light brown is the best color."
   

"That's right! I've never thought of it that way—but when do you think of it, it's quite a thought! And besides red is something kinda hot just like what you are wearing now..." sabi ni Daniel at tinitigan siya nito. Hindi niya alam pero nailang siya sa mga titig nito at ang sinabi nito sa tingin niya wala namang malisya.
   

Kulay pula kasi ang suot niya.
   

Wala sa sariling kinuha niya ang pusa  at inilagay niya sa kandungan niya.
   

"A-ano kaya ang niluluto ng dalawa?" tanong  niya. Darn wala na siyang ibang masabi na iba.
   

"Maybe a delicious one. I hope your husband learn his lesson now." makahulugang sabi ni Daniel.
   

What was he talking about?
   

She smiled at him. "Can I ask you something?" tanong niya na hindi pinansin ang sinabi nito.

Inayos na muna niya ang suot niya at marahang itinas ang damit upang hindi makita masyado ang cleavage niya.
   

Nagtatakang tinignan siya nito.

"You can ask me directly what you want to ask I'll answer. Huwag lang malalim na tanong." natatawang wika nito.
   

"P-paano mo masasabing mahal ka ng isang tao?" tanong niya. Nakakainis ano ba ang mga tinatanong niya!
   

Mataman muna siya nitong tinitigan.
   

"Hmn, maniniwala ka ba kung sasabihin ng isang tao na mahal ka niya na walang effort na pinapakita? Naniniwala ako na mas madaling mabasa ang isang tao sa bawat kilos nito kaysa ang mga salitang lumalabas sa bibig nito."
   

Ganoon ba ang nagmamahal?

Wala pa kasi siyang experience sa love puwera lang ang pagmamahal na ipinapakita niya sa mga magulang at kaibigan niya.
   

"So? Mahal na mahal mo nga si Eloise?" sabi niya.
   

"Yes, mahal ko siya." diretsang sagot nito.
   

Huminga siya nang malalim at tinignan niya ang swimming pool kumikislap iyon dahil sa liwanag ng dim light.
   

Siguro masayang masaya si Aries ngayon dahil naka-bonding ulit nito ELoise.
   

Samantalang siya depress na depress! Paano na 'yan mukhang matatalo na si Aries?
   

Nagngingitngit ang kalooban niya sa sama ng loob! Ang akala siguro ni Aries madali lang ang pinapagawa nito! Mukhang hindi tatamaan ang santong si Daniel na 'to sa binabalak nila ni Aries.
   

"Ouch!" dahil sa inis hindi niya namalayang nasakal na pala niya ng yakap ang pusa kung kaya't kinamot siya nito sa matutulis nitong mga kuko! At  umalis sa kanyang kandungan!
   

"Meow!"
   

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Daniel na hindi niya napansing nakalapit na pala ito.
   

Tinignan niya ang may kamot sa kanyang kamay medyo dumugo ng konti iyon at may tatlong guhit iyon at isang pulgada ang haba!
   

"I guess cats don't like to be hugged. It's alright to stroke them, but don't squeeze them." sabi ni Daniel at hinila nito ang kamay niya at tinignan ang sugat.
   

"M-maliit na kalmot lang naman ang ginawa ng pusa." sabi niya ilang na ilang siya sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya!
   

Ganoon kasi ang pakiramdam niya kapag napapalapit siya sa lalaki pero kapag ang asawa naman niya parang nakakaramdam siya ng paru-paro sa kanyang tiyan!
   

"Sandali lang kukuha lang ako ng first aid kit sa loob." paalam ni Daniel at muling pumasok sa loob.
   

Ano ang gagawin niya sa susunod!?
   

Iyon na ba ang pagkakataon niya?
   

Dapat na ba siyang magpasalamat sa pusa?

Продолжить чтение

Вам также понравится

4.2K 259 51
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
220K 13.2K 9
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
2M 45.9K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
68.7K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...