Monsterland (On-Hold)

Por xkinglessqueenx

961 475 911

There is a town that calls home What was once an ordinary town has been transformed into something evil Myste... Más

/intro/
/ML-1/
/ML-2/
/ML-3/
/ML-4/
/ML-5/
/ML-6/
/ML-7/
/ML-8/
/ML-9/
/ML-10/
/ML-11/
/ML-12/
/ML-13/
/ML-14/
/ML-15/
/ML-16/
/ML-17/
/ML-18/
/ML-20/
/ML-21/

/ML-19/

12 6 0
Por xkinglessqueenx

ELEANOR

"Tinley!"

"Tinley, nasaan ka?"

Halos mapagod na kami ni Mason kasisigaw at kahahanap kay Tinley na hanggang ngayon ay hind pa rin namin mahanap.

"Saan na kaya nagsusuot 'yun?"

Naigulo ko ang buhok ko dahil sa frustration na nararamdaman. Ito na naman ang pakiramdam sa tuwing may mangyayaring masama sa mga kaibigan ko.

Hangga't maari sana ayoko nang maramdaman 'yon pero heto at nangyayari na naman.

Natatakot ako. Hindi lang sa sarili ko kundi para sa mga kaibigan ko. Simula ng nangyari kay Enzo hindi ko na matanggal ang takot na 'yon.

Matagal-tagal kaming naghanap pero ni isa amin ni Mason ay walang gustong sumuko. Parehas kaming determinado na mahanap si Tinley lalo na at mag-isa lang siya.

Hanggang sa nakarating kami sa isang lugar na kung saan ay matataas ang mga damo. Lagpas hanggang tao ang taas nito kaya panigurado ay maliligaw ka lalo na at hindi mo alam kung saan patungo 'yon.

Sa isang tingin pa lang doon ay parang wala itong katapusan dahil wala akong nakikitang hangganan sa dulo at sa gilid.

Kung susundan namin ang mga damo sa gilid ay baka maubusan lang kami ng oras dahil tanaw mula rito na walang makikitang dulo roon.

"Here we go again."

Napatingin ako kay Mason dahil sa sinabi niya. Kailangan naming subukan. Kailangan naming mahanap si Tinley kung ang ibig sabihin noon ay ang pagsulong sa damuhan na nasa harapan namin.

"T-Teka, sigurado ka ba rito?"

Nilapitan ko si Mason at hinawakan siya sa balikat. "We have to, Mason."

Napatango siya sa sinabi ko. Napahugot siya ng hininga at dumiretso ng tayo.

"Mauna ka. Nasa likuran mo lang ako."

Tipid ko siyang nginitian at napatango.

Ibinalik ko ang paningin sa harapan at saka huminga ng malalim.

Nagsimula akong humakbang palapit sa damuhan. Rinig ko ang sariling kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

Hindi bale na. Bahala na kung anong mangyari.

"Stay close to me, Mason. 'Hindi tayo puwedeng magkahiwalay."

Muling tumango si Mason at saka sabay kaming sumuong sa tahimik na damuhan.

-----

"Motherf---aww! This place is itchy! Goddam---aray!"

Hindi ko alam kung saan ako maiinis. Sa pesteng mga damo na 'to na kanina pa sumasampal sa mukha at sa braso ko o sa maingay na bunganga ni Mason.

Kanina pa siya nagrereklamo dahil talaga namang makati ang mga damo lalo na tumutusok ito sa mga balat namin.

Ilang minuto na rin kaming naglalakad pero parang nagpapaikot-ikot lang kami dahil pare-parehas lang naman ang bumubungad sa amin.

Ang walang katapusang damuhan.

Kung babalik kami ay imposible dahil makailang liko din ang ginawa namin kaya wala kaming magagawa kundi magpatuloy.

Marahas kong hinampas ang damo na tumusok sa bibig ko dahilan para maibuga ko ito.

"Pwe!"

Panay ang hampas ni Mason sa mga kawawang damo na parang isa itong mga kalaban. Nagmumukha tuloy siyang ewan sa ginagawa niya.

Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay tumigil siya sa ginagawa. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bewang.

"This is nonsense, El. Paano natin mahahanap si Tinley kung nasa ganito tayong sitwasyon? We need to find another way."

Napakamot ako sa ulo at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"I know."

Pinagkrus ko ang mga braso ko habang nag-iisip. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, nagbabakasakaling may mahanap na kung ano na puwedeng makatulong sa amin.

"May naisip ako."

Napakunot-noo si Mason dahil sa sinabi ko pero wala naman siyang sinabi. Inaabangan niya lang ang susunod kong sasabihin.

"Come here."

Lumapit siya sa akin kahit na wala siyang ideya sa sinasabi ko.

"Upo ka."

Sinunod naman niya ang sinabi ko at nang makaupo siya ay pumunta ako sa likuran niya. Lumingon naman siya sa akin na nagtataka kung anong ginagawa ko.

"Teka, anong gagawin mo?"

Hinawakan ko ang balikat niya at sumakay doon. Tinapik ko ang braso niya. "Tayo ka."

"Ha? Oh... I see. Okay, wait, tantiyahin ko muna bigat mo."

Dahan-dahan siyang tumayo habang nakasakay ako sa likod niya. Mukhang tinatantiya nga niya ang bigat ko dahil ilang beses siyang pumorma para ayusin ang tayo niya.

"Talino mo do'n ah."

"Thanks." Komento ko sa sinabi niya.

Pagkaangat ko ay wala akong makitang ni isang bahay o establisy---teka, may nakikita ako!

Pero hindi ko makita ng maayos dahil may kalayuan ito mula sa amin. Kung mas mataas pa sana ako ay baka makita ko pa ito.

"Mason, may nakita akong kung ano ro'n. Aapak ako sa balikat mo para makita ko siya ng maayos. Ayos lang ba 'yon?"

Tiningnan niya ako na parang nababaliw na ako. Umiling siya ng maraming beses at tinalikuran ako.

"Nope. No, no, no."

Paulit-ulit niyang sambit habang nakatalikod pa rin sa akin.

"Oh, come on, Mase! Naalala mo nung cheerleading? Flyer ako at lifter ka! Alam nating pareho na magagawa natin 'yun kaya sige na! 'Wag ka nang OA diyan!"

Nakipagtitigan pa sa akin si Maosn ng ilang segundo bago sumigaw sa inis pero pumayag din sa huli.

"Fine! 'Wag mo kong sisihin 'pag naihulog kita ng aksidente!"

Hindi ko na siya sinagot at sinenyasang umupo at maghanda.

Pumunta ulit ako sa likuran niya at hinawakan ang balikat niya. Alam kong matagal na simula nung nag-cheerleading kami pero confident naman ako na magagawa kong umapak sa balikat ni Mason.

'Wag lang talaga akong mahulog.

"Okay, alam mo naman siguro gagawin mo, 'di ba? Tigasan mo katawan mo at---"

"Alam ko, Mase. Ikaw alam mo ba gagawin mo?"

Ilang minuto siyang natahimik bago sumagot. Mukhang ngayon niya lang na-realize ang gagawin niya.

"O-Oo naman. Psh! Ako pa! Sige na, sampa na at baka magbago ang isip ko."

Humigpit ang hawak ko sa balikat ni Mason at inipon ang lakas ko. Huminga muna ako ng malalim bago nag-ready.

"Okay. One, two, three... up!"

Para akong poste dahil una, pinatuwid ko maigi ang katawan ko at pinatigas ito ng mainam. Binalanse ko rin ang katawan ko sa nanginginig na balikat ni Mason.

Hawak-hawak niya ang paa ko at mula roon, ramdam ko ang panginginig niya.

Sa ikalasang pagkakataon, muli kong tiningnan ang nakita ko kanina.

Tama ako, isa siyang malaking bahay. Pero para itong abandonado na ewan. Parang luma na kasi ang itsura.

"El!"

"Teka!"

Lumipad ang paningin ko sa may bandang kanan dahil nakita kong gumalaw ang damuhan doon.

Naningkit ang mga mata ko ng may nakita akong tao na naglalakad sa pagitan no'n at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino 'yon.

"Tinley."

Nawalan ako ng balanse kaya dumulas ang paa ko dahilan para mahulog ako pero mabuti na lang at mabilis nakakilos si Mason at kaagad niyang nasalo ang pang-itaas kong katawan.

"Ah!"

"El! Shit!"

Kaagad akong dinaluhan ni Mason dahil sa nangyari.

Tumama ang puwetan ko sa lupa pero hindi naman siya gaanong masakit since may kalambutan ang lupa at walang bato.

"Holy shit, El. Okay ka lang? Sorry! Ikaw naman kasi bigla kang sumisigaw diyan. Nabalian ka ba? Ha? Sumagot ka."

Inalalayan ako ni Mason na makaupo at saka niya ako hinarap. Kita ko sa mukha niya ang pag-alala.

"Okay lang ako. Hindi naman masakit. Hindi rin ako nabalian o kung ano kaya 'wag kang OA diyan."

Napapikit siya at napahawak sa dibdib na parang nakaginhawa sa sagot ko.

"Good. Good."

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita.

"Nakita ko si Tinley. Nandoon siya banda. Naglalakad siya. Kailangan na natin siyang puntahan."

Pinigilan naman ako ni Mason tumayo. "Teka, sigurado ka ba? Makakalakad ka ba ng maayos? Naku, El. Ayoko magbuhat."

Napatawa naman ako sa sinabi niya at saka mahina siyang hinampas.

"Loko ka talaga kahit kailan. Ano ka ba, may paa pa naman ako. 'Wag kang mag-alala. Tara na."

Tumayo na ako at sabay kaming naglakad sa daan kung saan ko nakita si Tinley kanina.

"This way."

-----

"Tinley!"

Tama nga ang hinala ko na si Tinley ang nakita ko kanina.

Nakatalikod siya mula sa amin kaya hindi namin siya makita.

Nasa kaniya lang ang paningin ko dahil baka bigla na lang siyang mawala o maglaho.

Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay kaagad kong hinawakan ang balikat niya at pinaharap sa akin.

Kaagad ko siyang niyakap kahit na wala pa siyang sinasabi.

"My God, Tinley. Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpupunta?" Nag-aalala kong sambit habang yakap siya.

"El? Mason? Anong---teka, nasaan tayo? Anong ginagawa natin dito?"

Kumalas ako sa yakap at nangunot ang noo ko dahil sa naging tugon niya.

Napapikit ako ng ilang beses habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"Teka, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? You mean, hindi mo alam kung paano ka napunta rito at kung nasaan... ka?"

Biglang sabi ni Mason. Tulad ko ay naguguluhan din siya.

Teka. Parang ito rin ang nangyari sa kaniya kanina. Hindi niya maalala kung paano siya napunta sa kinalalagyan niya kanina. At base pa sa sinabi niya, may narinig siyang boses na tumatawag sa kaniya.

"Tin, bakit ka nandito? Paano ka napunta rito? Alam mo ba?"

Kinamot niya ang kaniyang noo na tila nag-iisip. Marahan pa niyang kinagat ang bibig niya. Kapagkuwan ay umiling din siya.

Mukhang wala rin siyang ideya kung paano siyang napunta rito.

"May naalala ako... hindi ko alam kung ako lang 'yon pero may tumatawag ng pangalan ko. Akala ko ikaw o Mason kaya sinundan ko 'yung boses... at 'yun na ang huli kong natatandaan."

Nagkatinginan kami ni Mason dahil sa sinabi niya. Sino naman kaya ang tumawag sa kanilang dalawa?

Hindi kaya may nilalang nga rito na gumagala kahit umaga? Pero ang akala ko ay sa gabi lang sila lumalabas? Anong ibig sabihin nito?

"Tinley, Mason heart it too. Sa ngayon, hindi namin alam kung kaninong boses o kung anong klase ang tumawag sa inyong dalawa pero kailangan nating maghanda."

Napatango silang dalawa sa sinabi ko. Simula ngayon, hindi na talaga kami maghihiwalay tatlo. Mahirap na. Sobrang delikado pa naman ng lugar na 'to.

Seryoso kami sa pinag-uusapan namin ng biglang may kumaluskos hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.

Napahawak ako sa braso ni Mason samantalang nagtago naman sa likod si Tinley habang nakatingin sa kaluskos.

"W-What the hell is that?"

Nanginginig na tanong ni Mason. Sabay-sabay kaming napaatras lalo na nang lalong gumulo ang damuhan.

"Should we run or what?"

Komento ni Mason. Sasang-ayon na sana ako pero may nahagip ang mata ko.

"Wait... may nakikita ako. Dito lang kayo." Saad ko sa kanilang dalawa na mariin naman nilang tinutulan.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksiyon ng kaluskos kanina.

Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang kaba dahil hindi ako sigurado sa makikita.

Pagkarating ko sa lugar kung saan ko nakita ang anino kanina ay wala naman akong naabutan doon.

Narinig ko sa likuran ang yabag ng mga paa at doon ko nalaman na sinundan pala ako nina Mason at Tinley.

"Anything?" Tanong ni Mason.

Umiling ako bilang sagot pero nagpalinga-linga pa rin dahil baka makita ko ulit ang anino kanina.

"Ano bang nakita mo, El? Baka namamalik-mata ka lang at saka alam mo naman ang lugar na 'to, misteryoso." Pahayag ni Tinley.

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko na lang na nahuhulog ako papunta sa isang malalim at madilim na hukay.

Para akong nahulog sa isang napakataas na building at ang tanging nagawa ko na lang ay abutin ang liwanag na unti-unting lumiliit kasabay ng malakas kong sigaw.

Ang kaninang maliwanag na paligid ay napalitan ng madilim na lugar.

Seguir leyendo

También te gustarán

123K 3.8K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...
207K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.
680K 47.8K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...