Legend of Divine God [Vol 10:...

GinoongOso által

414K 85.5K 8.9K

Ngayong tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn sa mundo ng alchemy, oras na para maisakatuparan niya ang kan... Több

Legend of Divine God [Vol 10: Celestial Wrath]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
NOTE

Chapter XXIII

5.4K 1K 58
GinoongOso által

Chapter XXIII: Danger

Tama, mayroong mga sasalubong na bulalakaw sa sinasakyang air ship nina Finn. Marahil may isang planeta ang sumabog na naging sanhi ng pag-ulan at pagkalat ng mga bulalakaw. Natukoy ito ng kayamanan na nakakabit sa air ship. Ang ganoong uri ng kayamanan ay pangkaraniwan nang makikita sa mga sasakyang pangkalawakan. Ang trabaho ng kayamanang iyon ay tukuyin kung mayroong papalapit na panganib sa kanila kagaya ng bulalakaw, pagbubukas ng isang black hole, o ang paglapit ng ibang sasakyang pangkalawakan. Dapat mayroong ganito ang bawat air ship na sasakyan ng mga adventurer dahil nagbibigay ito ng karagdagang proteksyon at kasiguraduhan sa kanilang magiging paglalakbay.

Malayo pa ang mga bulalakaw, ngunit kahit na malayo pa ang mga ito, agad na naalerto ang binata dahil napakabilis ng pagbulusok ng mga bulalakaw patungo sa kanilang direksyon. Isa itong malaking problema na kailangan niyang agad na solusyunan. Agad niyang inihanda ang kanyang sarili para sa pagpapaandar ng air ship. Sinimulan niya na rin ang agarang pagpapagana ng mga barrier upang ma-protektahan ang kanilang sinasakyan mula sa mga bulalakaw.

Bukod pa roon, inalerto niya rin sina Eon gamit ang pagpapakita sa mga ito ng mga bulalakaw na mabilis na bumubulusok patungo sa kanilang kinaroroonan.

Lumabas ang imahe sa bolang kristal na matatagpuan sa silid na kinaroroonan nina Eon, at nang makita nila ang nangyayari sa labas, pare-pareho silang napahinto sa kanilang ginagawa. Nawalan na ng interes si Eon sa pagsisimula ng munting laban, at ang unang pumasok sa kanyang isip ay ang umalis sa silid upang puntahan ang kanyang master.

Sumunod sa kanya si Poll. Pareho silang nagtungo sa silid na kinaroroonan ni Finn habang ang magkakapatid na mersnake at sina Eduardo ay naghanda na ring kumilos upang magtungo naman sa labas.

“Kayong dalawa, dito muna kayo at magpahinga. Tutulungan namin si Finn Doria na solusyunan ang problemang paparating,” seryosong sabi ni Tisia habang nagpapalit-palit ng tingin kina Temuer at Oyo.

Hindi na kumontra ang dalawa. Gustuhin man nilang sumama palabas, wala silang kakayahang pareho dahil kagagaling lang nila sa laban. Pareho pa silang pagod at kahit ang pagtayo ay mahirap na para sa kanila.

Kailangan nilang dalawa na magpahinga muna dahil kahit na lumabas sila, wala rin silang gaanong maitutulong.

“Huwag kayong gagawa ng kalokohan kung ayaw ninyong magalit si Finn Doria. Magpahinga na lang kayo para mabawi agad ninyo ang inyong lakas,” pahabol na sabi ni Tisia bago siya tuluyang humakbang upang lumabas ng silid.

Sumunod agad sa kanya si Talia. Pinagmasdan muna nina Tumo at Torko si Temuer bago sila sumunod kina Tisia at Talia. Tungkol kina Eduardo, naiwan sila sandali upang mag-iwan ng mga salita kay Oyo.

“Tutulong din kami sa kanila, Oyo. Magpagaling ka agad at mag-iingat ka,” sabi ni Eduardo, at mapanuri niyang tiningnan si Temuer na kasalukuyang nakasandal sa kabilang bahagi ng haligi.

“Huwag ninyo akong alalahanin. Kaya ko na ang sarili ko. Umalis na kayo at tulungan ninyo sila,” pilit-ngiting tugon ni Oyo. “Mag-iingat kayo,” aniya pa habang seryosong pinagmamasdan ang tatlo niyang kasama.

Tumango sa kanya sina Eduardo, Mina, at Leila. Hindi na rin nagtagal ang tatlo, at nilisan na rin nila ang silid upang sundan sina Tisia.

Sa kabilang banda, narating na nina Eon at Poll ang silid na kinaroroonan ni Finn. Naabutan nila ang binata na seryosong nakatingin sa mga imahe ng mga bulalakaw na sasalubong sa kanilang sinasakyang air ship.

Lumapit agad sina Eon at Poll sa magkabilang tabi ni Finn. Nakitingin din sila sa mga imaheng tinitingnan ng binata, at pagkatapos, bumaling si Eon sa kanyang master at nagwika, “Master, kailangan mo ba ng tulong ko?”

Napasulyap si Finn kay Eon dahil sa tanong nito, pero muli niyang itinuon ang kanyang atensyon sa mga imahe, at sinimulan niya na rin ang pagpapagana sa mga magic cannon na nakakabit sa air ship.

“May solusyon na ako para lutasin ang problema. Gagamitin ko ang mga magic cannon ng air ship na ating sinasakyan,” tugon ni Finn. Sandali siyang huminto sa pagsasalita bago muling magpatuloy, “Ang mga magic cannon na ang bahalang pumigil sa mga bulalakaw na haharang sa daraanan ng ating sinasakyan. Siguro naman ay sapat na ang mga magic cannon na ito para wasakin at pulbusin ang mga bulalakaw.”

“Tungkol sa mga makakalusot, kayang-kaya iyong salagin ng barrier ng air ship. Ganoon man, kung sakaling mauubusan agad ng enerhiya ang mga magic cannon at formation na nakakabit sa air ship, mahihirapan na tayo sa susunod sa oras na muli tayong mapasabak sa ganitong uri ng panganib,” pagpapaliwanag pa ni Finn.

Nang marinig ni Eon ang tugon ng kanyang master, napaisip, at matapos ang ilang sandali, umismid siya at marahang nagwika, “Kung gayon, tulungan kita, Master. Ipaubaya mo na sa akin ang pagpigil sa ibang bulalakaw na haharang sa ating dinaraanan. Sa kasalukuyan kong lakas, imposibleng hindi ko mapigilan ang mga bulalakaw na iyon.”

Hinimas ni Eon ang kanyang kamao at ngumisi. Bakas sa kanyang mukha ang pananabik, at kasalukuyan siyang pinagmamasdan ni Finn habang nag-iisip.

“Kung iyan ang gusto mo, hindi kita pipigilan. Gano'n man, siguruhin mong hindi ka magtatagal sa labas ng proteksyon ng air ship. Malaking problema kapag hindi ka nakabalik sa air ship. Siguruhin mo rin na protektado ka ng iyong enerhiya habang nasa labas ka ng proteksyon ng air ship upang makaiwas ka sa mga komplikasyon,” paalala ni Finn kay Eon.

“Hindi mo kailangang mag-alala dahil gagawin kong lahat ang payo mo, Master,” kumpyansang sabi ni Eon.

Tumango na lang si Finn bilang tugon. Muli niyang itinuon ang kanyang buong atensyon sa mga imahe habang naghihintay ng tamang pagkakataon para kontrolin ang mga magic cannon.

Nagpaalam na si Eon, at lumabas na agad ng silid upang magtungo sa ibabaw ng air ship kung saan din nagpunta ang mga mersnake at sina Eduardo. Sandali namang nagpaiwan si Poll, ngunit sa huli, nagpaalam na rin ito kay Finn at sumunod kay Eon.

Nang siya na lang ang natitira sa silid, hindi na siya naabala pa at itinuon niya na lang ang buo niyang atensyon sa paghihintay nang tamang pagkakataon para umatake. Kahit na gustong-gusto na niyang magawa ang Heavenly Celestial Fist, isinantabi niya muna ito dahil nalalagay sa peligro ang kanilang buhay. Malaking problema kung sakaling masisira ang kanilang sasakyan dahil sa mga bulalakaw, at higit pa roon, ayaw niyang magtagal pa ang kanilang paglalakbay dahil gustong-gusto niya nang makaharap si Jero para maipaghiganti niya na ang malalapit sa kanyang buhay.

At kung nais niyang maipagpatuloy ang kanyang pagsasanay sa tulong ng misteryosong lalaking walang mukha, mas dapat niya munang pagtuunan ng pansin ang paglutas sa kinahaharap nilang problema.

“Pagkatapos ng paglalakbay na ito, makukuha ko na rin ang sagot sa mga tanong ko,” sabi ni Finn habang taimtim na nakatingin sa mga imahe sa kanyang harapan.

Sa kabilang banda, makaraan lamang ang ilang saglit, narating na rin nina Eon at Poll ang ibabaw ng air ship kung saan naroroon na sina Tisia, Torko, Talia, Tumo, Eduardo, Mina, at Leila. Nakatanaw sila sa malayo habang iniipon nila ang kanilang enerhiya sa kanilang mga mata. Kasalukuyan nilang tinatanaw ang mga bulalakaw na may milya-milyang layo mula sa kasalukuyan nilang kinaroroonan.

Seryoso ang ekspresyon ng bawat isa sa kanila habang si Eon ay nakangiti lang at humahakbang pauna ng air ship. Itinuon niya rin ang kanyang enerhiya sa kanyang mga mata upang malinaw niyang makita ang mga bulalakaw na pabulusok sa kanilang direksyon.

Bukod sa kanila, naroroon din ang mga manika ni Finn. Kasalukuyang nasa iba't ibang bahagi ng air ship sina Reden, Ysir, at Heren dahil ito ang utos sa kanila ni Finn, ang magbantay sa bawat sulok ng labas ng air ship para antabayanan kung may nalalapit na panganib.

Nanatiling walang kibo sina Eon habang tinatanaw ang mga bulalakaw na palapit sa kanila. Mabilis ang pagbulusok ng mga ito, ganoon din ang paglipad ng kanilang sinasakyang air ship kaya hindi magtatagal, makakasalubong nila ang mga bulalakaw.

Mayroong daan-daang bulalakaw na bumubulusok. Magkakaiba ito ng bilis, laki, at hugis. Mayroong maliliit lamang na maihahalintulad maliit na tipak ng bato habang mayroon din namang halos kasing laki o higit pa kaysa sa kanilang sinasakyang air ship.

At sa daan-daang bulalakaw na ito, siguradong higit sa dosena ang sasalubong sa air ship na kanilang sinasakyan. Maraming nakakabit na magic cannon sa air ship, umaabot din ito ng dosena, subalit hindi nito kayang pasabugin at pulbusin agad-agad ang mga bulalakaw dahil sa tibay na tinataglay ng mga batong ito at dahil na rin sa lakas ng puwersa ng mga ito. Hindi maiiwasang may makalampas mula sa depensa ng mga magic cannon, at ang inaasahan ni Finn na magpoprotekta sa kanila ay ang gawang barrier ng mga formation na itinayo sa air ship ni Drotey.

Naghintay sina Eon sa tamang pagkakataon. Naramdaman nila ang paggalaw ng mga magic cannon sa kanilang paligid. Napansin nilang tumutok ang mga ito sa pinagmumulan ng mga bulalakaw, at ilang sandali pa, nang iilang kilometro na lang ang layo ng mga bulalakaw, nag-ipon na ng enerhiya ang mga magic cannon, at sabay-sabay itong nagpakawala ng mga atake upang pasabugin ang mga bulalakaw na haharang at sasalubong sa kanila.

BANG! BANG! BANG!

Pinanood lang nina Eon ang mga pangyayaring ito. Hindi sila kumilos, bagkus, hinayaan nila na pulbusin ng mga magic cannon ang unang pulutong ng mga bulalakaw.

Agad na nagkapira-piraso sa maliliit na bahagi ang mga maliliit bulalakaw na tinatamaan ng mga tira ng magic cannon. Tungkol sa malalaking bulalakaw, kinakailangan pa ng dalawa o higit pang tira ng magic cannon bago ito tuluyang mawasak.

Dumaraan na rin sa magkabilang gilid ng air ship ang ibang bulalakaw. Tila ba umuulan ng mga malalaking nagliliyab na bago, at dahil sa ganda ng kalawakan, nakamamangha ang tanawing ito dagdagan pa ng mga pagsabog na bunga ng pag-atake ng mga magic cannon.

Ganoon man, sa halip na sulitin ang ganda ng tanawin, lahat sila ay itinuon ang atensyon sa kasalukuyang nangyayari sa kanilang daraanan dahil kahit na maganda ang tanawin, napakadelikado pa rin ng kanilang sitwasyon.

Kung magiging pabaya sila, at nagkaroon ng insidente, siguradong malalagay ang buhay nilang lahat sa peligro. Mawawasakan sila ng sasakyan, at magpapalutang-lutang sila sa kalawakan hanggang sa mamatay sila dahil sa nipis ng hangin, at mapanganib na mga kemikal na nasa paligid.

Nagpatuloy ang mga magic cannon sa pag-atake. Si Eon ay pasensyado pa ring naghihintay. Inilabas niya na ang kanyang palakol, at pinalibutan niya ang kanyang sarili ng itim na enerhiya. Muling kumalat ang kanyang aura, at sa isang iglap, nagbagong anyo siya kasabay ng pagkakaroon niya ng baluti sa kanyang katawan.

“Norton,” pagtawag ni Poll kay Norton mula sa kabilang dimensyon.

Agad na may lumitaw na lagusan sa tabi ni Poll. Iniluwa ng lagusan si Norton. Ipinaliwanag ni Poll ang nangyayari na agad namang naunawaan ni Norton.

Nang maramdaman nina Tisia na nagkaroon ng pagbabago sa paligid, napalingon sila kina Eon, Poll at Norton. Natigilan sila sandali nang makita nila ang kasalukuyang anyo at porma ng mga ito, ganoon man, agad nilang naunawaan kung bakit para bang sasabak ang tatlo sa isang matinding laban.

“Plano nilang lumabas sa proteksyon para pigilan ang mga bulalakaw na tumama sa air ship,” bulalas ni Tisia habang pinagmamasdan si Eon. “Masyado iyong mapanganib ngunit hindi imposible ang kanilaang binabalak.” Bumaling siya sa kanyang mga kapatid at nagwika, “Ihanda n'yo na rin ang inyong mga sarili. Tutulong tayo para mabawasan ang problemang kinahaharap ng ating paglalakbay.”

Inilabas din ni Tisia ang kanyang sandata na sinundan din ng kanyang mga kapatid na mersnake. Bawat isa sa kanila ay gumagamit ng salapang bilang sandata, at nang mailabas nila ang kanilang sandata, sinunod nilang inilabas ang kanilang enerhiya.

Nagbago rin ang kanilang anyo, at ginamit nila ang ikalawang antas ng kanilang foundation art na naging dahilan ng paglitaw ng baluti sa kanilang katawan.

Samantala, walang pakialam si Eon sa binabalak ng mga mersnake. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa mga bulalakaw. Naghihintay pa rin siya ng tamang pagkakataon, at hindi nga nagtatal ay dumating na rin ang pagkakataong hinintay niya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang palakol. Bumwelo siya at pagkatapos ay pabulong na nagwika, “Oras na.”

Pumadyak siya sa sahig na kanyang kinatatayuan at bumulusok siya palabas ng barrier na pumoprotekta sa air ship. Dahil nagmumula siya sa loob, hindi siya pinigilan ng barrier na makalabas. Malaya siyang nakaalis sa proteksyon ng air ship, at kasalukuyan siyang bumubulusok patungo sa mga bulalakaw.

Naramdaman ni Eon ang malaking pagbabago nang lisanin niya ang proteksyon ng air ship. Mas naging manipis ang hangin, at tila ba bumigat ang kanyang katawan at bumagal ang kanyang paglipad.

Ganoon man, nagpatuloy pa rin siya sa kanyang binabalak, at sinugod niya ang bumubulusok na bulalakaw na nakalampas sa atake ng magic cannon. Inihanda niya ang kanyang palakol, at nang malapit na siya rito, iwinasiwas niya ang kanyang palakol at mayroong puwersa at enerhiyang kumawala rito na mabilis na sumugod patungo sa bulalakaw.

BANG!!!

Sumabay ang pag-alingawngaw ng pagsabog sa pagsabog ng iba pang mga bulalakaw sa paligid. Nagkapira-piraso sa maliliit na bahagi ang bulalakaw na inatake ni Eon. Nagawa niyang makawasak ng isang banta, pero hindi pa siya rito nagtatapos dahil muli siyang sumugod sa bulalakaw na hindi pa kayang abutin ng atake ng mga magic cannon.

Sinimulan niya ang kanyang mga pag-atake habang ang mga mersnake at sina Poll, Norton, Eduardo, Mina, at Leila ay hindi na rin tumunganga pa. Lumabas na rin sila ng proteksyon ng air ship upang tulungan si Eon at ang mga magic cannon na pagpira-pirasuhin ang mga nakaharang na bulalakaw.

Samantala, dahil sa ginagawang pagtulong nina Eon, mas naging komplikado para kay Finn ang pagkontrol sa mga magic cannon. Kailangan niya nang maging maingat sa pagpapakawala ng mga atake dahil nasa labas na rin ang kanyang mga kasama. Kailangan niyang ituon ang kanyang buong atensyon sa mga imahe dahil minsan ay humaharang sina Eon sa sakop ng aatakihin ng mga magic cannon.

Isang malaking pagkakamali kung hindi niya sinasadyang matamaan ang sinoman kina Eon kaya sinuguro niya muna na bago niya pakawalan ang atake ng magic cannon ay wala siyang matatamaan na sinoman kina Eon.

Kahit na naging komplikado ang sitwasyon kay Finn, hindi ibig sabihin ay hindi pumapabor sa kanilang panig ang nangyayari. Mas nabawasan ang problema dahil sa pakikilahok nina Eon, at hangga't buo ang kanyang konsentrasyon sa pagkontrol sa mga magic cannon, nakasisiguro si Finn na walang aberyang mangyayari.

Isa pa, kita niya kina Eon na alerto rin ang mga ito hindi lamang sa pag-atake sa mga bulalakaw, alerto rin ang mga ito at pinakikiramdaman ang mga magic canno ng air ship.

Nagpatuloy sina Eon sa pagpigil sa mga bulalakaw sa pamamagitan ng buong lakas nilang pag-atake. Pinupuntirya nila ang mga bulalakaw na madaling wasakin, at ipinauubaya na nila ang mga malalaking bulalakaw sa mga magic cannon.

Naging matiwasay ang  kanilang paglalakbay. Wala pang bulalakaw ang nakalalampas sa kanilang proteksyon kaya nananatiling maayos ang barrier na pumoprotekta sa air ship.

Ganoon man, hindi pa rin nagpakampante sina Eon. Napakarami pa ring bulalakaw ang bumubulusok sa direksyon ng kanilang air ship. Marami pa silang kailangang pagpira-pirasuhin, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila makita ang katapusan ng mga bulalakaw na ito.

Marahil isang napakalaking planeta o bituin ang sumabog kaya ganito na lang din karami ang bulalakaw na nagkalat sa bahaging ito ng kalawakan.

Dumaan pa ang bawat sandali. Wala pa ring hinto sina Eon sa kanilang mga pag-atake. Kahit ang malalaking bulalakaw ay kanila ng pinupuntirya. Nakararamdam na ng panghihina at hirap sa paghinga sina Eduardo at ang iba pa. Hindi na nila kayang magtagal pa kaya wala silang pagpipilian kung hindi ang bumalik sa air ship upang magpahinga.

Malaya silang nakabalik sa air ship. Nagbukas si Finn ng maliit na daanan sa barrier upang makapasok sina Eduardo, Mina, Leila, Tumo, at Torko.

Nanatili sa labas sina Eon, Tisia, Norto, at Poll, ngunit hindi nagtagal, hindi na rin kinaya nina Poll, Norton, at Tisia ang pagod at kawalan ng enerhiya.

Samantala, hindi na rin magtatagal si Eon. Nakararamdam na rin siya ng pagod at ang kanyang enerhiya ay mabilis na nakokonsumo. Ilang atake na lamang ang kanyang maaaring pakawalan, at tuluyan na siyang mawawalan ng kakayahan para tulungan ang mga magic cannon na pigilan ang mga bulalakaw na tumama sa kanilang sinasakyang air ship.

BANG!!!

Nagkapira-piraso ang isang maliit na bulalakaw matapos itong pigilan ni Eon gamit ang kanyang palakol. Agad na kumilos si Eon upang iwasan na matamaan siya ng mga lumilipad na piraso ng bulalakaw, at habang siya ay umiiwas, nahagip ng kanyang mga mata ang isang dambuhalang bulalakaw na halos kasing laki na ng kanilang sinasakyang air ship.

Natigilan siya sa kanyang kinaroroonan. Nakaramdam siya ng pangamba dahil ang dambuhalang bulalakaw na ito ay sasalubong sa kanilang air ship. Nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at sinasakyan.

Hindi niya kayang pagpira-pirasuhin ang ganito kalaking bulalakaw, at hindi rin siya sigurado kung makakaya ng mga magic cannon na pigilan ang dambuhalang bulalakaw na ito.

Sa ngayon, ang tanging naiisip na lang ni Eon na makalulutas ng problemang ito ay ang kanyang master.

At sa kasalukuyan nga, taimtim na nag-iisip si Finn kung ano ang kanyang gagawin para ma-solusyunan ang panganib na kinahaharap nila ngayon.

--

Olvasás folytatása

You'll Also Like

4.1K 760 38
"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan bin...
104K 4.3K 137
Rafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to...
364K 66.7K 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos...
4.1K 466 6
NOTE: 'On Hold' does not mean I would stop updating this. I mean i will, for the mean time, but not forever. Just give me more time guys, I'll be bac...