Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

By dimples_eyebrow

173K 2.7K 260

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... More

Disclaimer
Prologue
Pleasure 01
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 14
Pleasure 15
Pleasure 16
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 21
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 31
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 36
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41
Pleasure 42

Pleasure 7

4.5K 71 1
By dimples_eyebrow

I was staring at my ceiling feeling so anxious about what happened earlier, and I feel so confused for my parents, they are acting so weird day after day. Simula noong muling tumapak si Gino sa probinsyang ito, at simula noong pumasok si Arthuro dito sa hacienda.

A lot of thoughts running all through my mind but I chose not to acknowledge it. I don’t want to think about it right now lalo pa maaga ako para bukas, para mag-jog kasama si Gino at Arthuro. They both agreed kaya naman wala na akong nagawa kahit pa nagdadahilan lang akong mag-jog ngayon. Palusot ko lang sana pero heto ako, hinihintay na mag-umaga para matapos na.
Nakayakap ako sa aking unan habang plit na pinipkit ang aking mga mata ngunit dahil sa mga pangamba sa aking isip ay mahirap ko itong nagawa.

Bago pa ako umakyat kanina dito ay nilagay ko na sa mga labahan ang damit na binigay sa akin ni Arthuro bago kami umuwi galing sa dapat na pagkikitaan namin. Ibibigay ko nalang siguro kapag natuyo na. ayaw ko ng makipagkita sa kanya baka gawin niya ulit ang ginawa niya kanina.

I took a deep breath then I rolled my eyes remembering what happened. I was so excited, I admit it. But I don’t know why I felt that way. Maybe I just want to hear new voice? Maybe I want to meet new people?
Para hindi lang ang mga taga hacienda ang mga nakaka-usap ko.

Siguro nga.

Hind ko namalayan ang takbo ng oras, nakailang posisyon na ako ng pagtulog bago ako dalawin ng antok.

Three knocks at the back of my door wakes me up.

“Are you awake? I’ll wait you here, Andra,” It was Gino’s deep voice.

Kaagad akong nagtungo sa aking banyo para mag ayos ng aking sarili.

I wore a black leggings and sports bra for my
top. I fix my hair into tight bun.

Humugot ako ng malalim na hininga habang sinisilayan ang aking sarili sa salamin. It looks new to me, I barely see myself like this, wearing revealing clothes. Okay lang naman sa akin dahil mag-jog lang naman kami.

Binuksan ko ang pintuan at kagaya ng dati ay nakita ko si Gino na nakasandal sa may pintuan na tila malalim ang iniisip.

He’s wearing a white sleeveless shirt revealing his defined biceps and black shorts paired with rubber shoes.

Kaagad rin kaming bumaba at laking gulat ko nang makita si Arthuro sa aming sofa.

He was leaning his back on the sofa when he caught us. Tumayo kaagad ito ngunit walang ekspresyon sa kanyang mukha.

Napangiwi na lamang ako sa kanya.

“Good morning, Andra.” Nagulat ako sa kanyang pagbati. Pinaunlakan ko din naman iyon.

Binati niya rin si Gino at binalik ni Gino ang pagbati.

Nauna na akong naglakad palabas ng bahay, rinig ko rin ang kanilang yapak sa aking likuran.

Sinalubong ako ng malamig na hangin, hindi pa lumilitaw ang araw ngunit ramdam nadin na nagbabadya na itong tataas at magpapakita.

“Sakto, let’s catch the sunrise, alam ko na kung saan tayo, sundan niyo ako,” si Gino sa aking likuran.

Hindi ko na siya tiningnan dahil nauna na
itong tumakbo patungo palabas sa aming hacienda at naiwan kami ni Arthuro na naglalakad pa lamang.

“Sabay na tayo,” pag-aanyaya ko sa kanya dahil wala yata siyang balak mauna sa akin.

Tumango lamang siya sa aking tabi.

Bumuga ako ng malalim na hininga at nagsimula ng inihakbang ang aking paa palayo.

Narinig ko na din ang sapatos ni Arthuro sa aking likuran.

Malakas ang simoy ng hangin sa ganitong oras, malamig rin.

Sementado ang daanan palabas ng aming hacienda, sa galid ng daan ay mga mayayabong na mga bulaklak na hindi pa masyadong naaaninag ang tingkad ng kulay dahil may kadiliman pa ang paligid.
Bago tuluyang makalabas sa aming hacienda ay makikita ang arko nag nagsisilbing gate namin.

There’s a letter written on it. ‘Hacienda Villavecencio’.

Maayos ang pagkakapintura nito at halatang bago pa lamang ang kulay. May bahid ng kulay ginto ang mga letra at kulay puti naman ang ibang parte nito. Sa ibaba naman nito ay mga halaman din na kagaya sa mga halaman sa paligid ng aming daanan palabas.

Ito ang dulong bahagi ng aming munisipalidad, kami din ang isa sa mga pinakamalayong barangay at ang hacienda naming ay dulo ng aming barangay kayat malimit nalang ang mga kabahayan rito. Pinapaligiran ng aming hacienda ang ilang bahay at mga ekta-ektaryang mga pananim na pagmamay-ari ng mayayaman. Bale ang mga tao rito ay hindi nila pagmamay-ari ang mga sinasaka nila, sila ang nagtatrabaho at magbibigay lamang ng porsyento sa totoong may ari ng lupa pagkatapos ng anihan.


Malayo nadin ang aming narating, nasa mahabang kalsada kami patungo sa dagat na kung saan kaunti lang ang bumibisita.
Hindi ko alam kung makakarating kami roon.

Tanaw sa malayo si Gino na tumatakbo. Nauna narin si Arthuro sa akin, ramdam ko na ang pananakit ng aking tuhod dahil ngayon ko lang ulit ito nagawa. Tagaktak na din ang aking pawis sa ilang minuto naming pagtakbo.

Paminsan ay humihinto ako pero madalas ay kagaad ring tumakbo dahil baka maiwan pa ako.

Unti-unting lumiliwanag ang paligid hudyat na papataas na ang haring araw. Ang luntiang paligid ay unti-unting tumitingkad na napakapresko sa aking paningin.


Ilang minuto pa kaming tumakbo hanngang sa marinig ko na ang hampas ng mga alon, ang hangin ay nagiiba nadin ang halimuyak nito.

Ilang saglit pa ay nakita ko na ang payapang karagatan na may mabangis na alon na humahaplos sa mapinong buhangin.

Tumigil ako sa pagkakatakbo nang mabalitan na ng buhangin ang aking tinatapakan na kanina ay semento.

Napansin ko rin ang presensya ng kasama kong dalawa si Gino at si Arthuro. Ako ang pumagitna sa kanila.

Hinanap ko ang mukha ni Gino at nakitang naka-kagat labi ngunit may silay ng ngiti ang kanyang mukha. Sinunod ko naman si Arthuro sa aking tabi na nakapamaywang habang nakatanaw sa munting isla sa gitna nito.

Ngayon ko lang nakita ang kanyang suot, napakagat labi na lamang ako nang mapansin ang suot ni Arthuro na parehas kay Gino.

“Mukha kayong magkapatid sa suot niyo,” giliw kong saad. Pang-aasar sa kanila.

“Of course not.” Si Gino na tila nainis kaagad.

I grinned more while enjoying his irritating expression.

“Hindi ba, Arthuro?” tanong ko.

Bumuntong hininga lamang siya at binitawan niya ang kanyang bewang sa pagkakapamaywang.

“Honestly, we looked like your bodyguards.” Then he shook his head.

Mas lalo akong napakagat labi para pigilan
ang pagbuga ng malakas na halakhak.

Nanaig muli ang katahimikan sa amin kayat binalik ko na lamang ang aking atensyon sa karagatan nang ilang saglit ngunit kaagad ring napakunot ang aking noo nang mapagtanto kung bakit nga ba kami nandito.

We’re catching the sunrise, pero walang araw sa may karagatan.

“Gino, kailangan mong magpaliwanag.” Matigas kong saad at hinarap siya suot ang dismayado kong mukha.

His brows arched out of confusion.

“We supposedly catch the sunrise, sa east ang sunrise, we’re facing the west.”
Paliwanag ko dahil parang hindi niya naintindihan ang mukha ko.

Laglag ang kanyang panga nang mapagtanto iyon, tumalikod kaagad siya at hinanap ang araw ngunit huli na ang lahat dahil mataas nadin ang araw na nasa likod ng bundok.

“Fuck. I’m sorry, I didn’t realize it.” Gino explained with so much guilt on his voice.

Wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya, hindi ko din naman iyon natanto at parang hindi rin alam ni Arthuro dahil ngayon palang naman siya nakarating dito.

We stayed there for an hour.

We decided to go back on our hacienda.

Naunang tumakbo si Gino at naiwan na naman kami ni Arthuro.

Tiningnan ko pa ang mukha niyang seryoso lantad at agaw atensyon ang buhok sa kanyang pisngi na madalang ko lang makita sa ibang tao. Wala naman ganyang itsura partikular dito sa lugar namin maliban lang sa mga bumbay.

“Are you okay?” his husky voice suddenly waked me up from staring at his face.
Kaagad akong nag-iwas ng tangin at nagkagat labi.

“O-oo naman,”

I cleared my throat.

“Sayang hindi nakita ang sunrise.” Mas matapang kong saad.

“Yeah, it is much better when it’s sunset.” Sagot naman niya.

Nasa tabi ko siya habang naglalakad na kami habang nakatanaw sa likod ni Gino na seryosong nag-jo-jogging.

“Siguro, ngayon lang naman ako nakapunta dito, sa hills ko lang nakikita ang beach na ‘to.” Wika ko.

Hinintay ko ang kanyang sagot ngunit wala akong nahintay kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

Magsasalita na sana ako ngunit nauna siyang nasalita sa akin.

“Wanna come here again later?” tumigil rin siya sa paglalakad at humarap sa akin.

Naramdaman ko ang mabigat na pitik ng aking puso, hindi ko maintindihan dahil nagtama ang aming tingin, pinilit kong iniwas ang aking mga mata sa kanyang mata ngunit tila hinihigop ako na para bang hindi na makakabalik pa.

I forcely shot up my eyes once then suddenly turned away.

Pinroseso pa ng aking utak ang sinabi niya.
He’s inviting meto meet him up again here?
Ganoon ba iyon?

“I won’t be late anymore, sabay tayong pupunta dito,” tanong niya habang nakasunod sa aking paglalakad.

“If you don’t mind, I’ll respect your decisions anyway.” dagdag niya.

Bakit niya naman gustong pumunta dito kasama ako?

But I like his idea, gusto kong makitang lumubog ang araw sa dulong bahagi ng dagat.

“Pagiisipan ko.” Sagot ko.

Nagsimula na akong tumakbo palayo at narinig ko na din ang kanyang yapak sa aking likuran. Binilisan ko pa ang pagtakbo para magkaroon ng distansya ang pagitan namin para makapag-isip ako ng maayos kung papayag ba ako sa pagimbita niya.

Mabilis lang ang pagbalik naming sa hacienda, nakita ko si Gino na nakapamaywang at naghahabol ng hininga sa malaking gate namin at hinihintay kaming dalawa.

Nang makarating ay hinintay narin namin si Arthuro. Tagaktak ng pawis ang kanyang mukhang seryoso na papalapit sa amin.

Lantad nadin ang pawis sa kanyang puting damit kayat naaaninag ang kutis sa loob ng kanyang damit. Nang makalapit ay iniwasan kong tumagal ang titig ko mula roon at baka kung ano pa ang isipin niya.

“So I’ll leave you both here now, babalik na ako sa bahay.” Nang makarating si Arthuro.

Tumango si Arthuro kay Gino para magpaalam at sinunod niya naman ang aking mukha at gumuhit ng kaunting ngiti ang kanyang labi.

Saan nga ba ang bahay niya?

“Sure, sabay na kami ni Andra papasok sa loob.” Si Gino naman.

Tumango lamang si Arthuro at tumalikod na sa amin.

Hindi ko pa pala nasasabi na papayag na akong bumalik doon mamayang hapon.

“Mauna kana Gino, mag uusap lang kami ni…Arthuro,” I forced a smile for Gino.

Kumunot pa ang kanyang noo sa pagtataka.

Muli akong ngumiti para umalis na siya.
Nagalangan pa siyang naglakad paalis.

Binaling ko ang aking tingin kay Arthuro na nakakunot nadin ang kanyang noo.

“Hintayin nalang kita dito mamayang hapon? Sabay tayong pupunta,” Hinawi ko ang takas ng aking buhok papunta sa likod ng aking tenga dahil nahihiya.

Bakit kasi kailangan ko pa siyang tingalain, ang tangkad niya.

He’s blocking my sight with his huge body.
Umangat lamang ang isang dulong bahagi ng kanyang labi.

“See you then.” He said huskily.

Tumango lamang ako at hinintay siyang umalis bago pumasok.

Naglakas na ako pabalik sa aming bahay.



I was about to go upstairs but my eyes caught the three person patiently waiting in our living area. Mag-asawa sila at kasama ang anak

I know them, sila ang umaabuso sa kabaitan ng aking magulang, madami na silang utang sa amin, nagtatrabaho nga dito sa aming hacienda ang mag-asawa pero mas madami pa silang utang kaysa sa kanilang natrabaho, ang sabi pa nila sa bisyo lang napupunta ang tinutulong nila papa at mama.

“Ma’am Andra,” tawag sa akin noong lalaking may suot na sombrero.

Napatigil ako sa paglalakad kayat dinaluhan ko sila.

“Bakit po?” tanong ko kahit alam ko na ang sadya nila rito. Ang mangutang na naman, I don’t want to judge them but whenever they are here, iyon lang naman ang gagawin nila.

“Nasaan ang magulang mo, hija?” iyong ale naman ang nagsalita.

“H-hindi ko po ala—”

“Ayan na pala si Don Marcelo.” Giliw na saad noong lalaki.

“Magandang umaga po Don Marcelo.” Bati noong mga magpapamilya at tumayo sila.
I want to roll my eyes but I don’t want to be rude.

“Napadalaw kayo?” Tanong ni papa kahit alam kong alam niya kung ano ang pakay nila. Nakangiti pa si papa nang lumapit ito.

“Ay opo, may gusto lang po sana kaming ipakiusap.” Magalang na saad noong asawa noong lalaki si aleng Bebang.

“O ano ‘yon?” si papa.

“Uutang po sana kami Don Marcelo, para po sana pang tuiton nitong anak ko sa Manila,” ang lalaki naman, si mang Lino. Hinawakan pa niya ang palikat ng kanyang anak.

Nag taas ng kilay si papa na parang iniisip kung sino ang mag-aaral sa Manila, hindi naman pwede itong kasama nilang anak nila dahil parang alam naman ng lahat na palaboy siya at pabaya sa pag-aaral.

“Sino ang mag-aaral sa Manila?” tanong ni papa.

“A-ako po sana, Don,” sagot noong anak nila.
My lips parted.

They must be kidding.

“Talaga hijo? Kolehiyo ka na?” wika ni papa na may kaunting halakhak sa dulo.

Kung pupunta siyang Manila para mag-aral sa ganyang sitwasyon ay mas lalong malala, masasayang lang ang itutulong nila papa kung tutulong sila.

“Alam ko po ang iniisip niyo na may
pagkabulakbol ang anak ko, kaya namin naisipan na ipadala siya sa Manila baka magtanda po doon.” Paliwanag nang tatay.

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Alam kong maraming uportunidad sa Manila na nagaabang pero alam ko rin na madami ring gulo at masasamang impluwensya roon lalo pa sa ugali ng kanyang anak.

“Naku, magulo sa Manila, baka mas lalong magbulakbol itong anak mo, Lino.”

“Hindi naman po siguro, ang sabi niya magbabago na siya kaya gusto niyang mag Maynila.” Depensa naman ni mang Lino sa kanyang anak.

“Pasensya kana Lino at hindi ko mapapaboran ang hinihiling niyo, gusto kong tumulong pero madami pa kayong utang sa amin at paminsan nalang din kayo mag trabaho dito sa hacienda,” paliwanag ni papa sa kanyang malumanay na boses.

Parang nakahinga ako ng maluwag nang marinig iyon mula kay papa, dahil kung ako rin ang tatanungin ay hindi ako papayag.
Madami na ang natulungan nila papa at isa na ang pamilyang ito, malambot ang puso nila mama at papa sa mga nagtatrabaho para sa amin kayat madaming pabor ang napapaboran, pero minsan nangaabuso na sila.

Nakita ko ang pagbago nang kanilang ekspresyon, pumait ang kanilang mukha na parang hindi makapaniwala sa kanilang narinig.

“Tara na, wala palang kwenta ang pagpunta natin dito.”

Laglag ang aking panga dahil hindi makapaniwala sa narinig mula sa bastos na bunganga nila. Kaagad silang nag martsa paalis ng bahay na hindi man lang nagpaalam. Gusto kong silang sigawan sa pambabastos nila sa papa ko ng harapharapan pero pinigilan ko ang aking sarili baka sa akin pa magalit si papa.

“Ang bastos nila ah.” Matigas kong saan habang nakakuyom ang aking kamao.

Umiling na lamang si papa habang nakatingin sa pintuan habang sinusuyod niya ang likuran ng pamilyang naglalakad palabas.


Umakyat na lamang ako sa itaas para maligo. Binabad ko ang aking sarili sa pagligo para sa kaling makalimutan ang ginawang pambabastos ng pamilyang iyon kanina kay papa.

It took me an hour inside my bathroom. Pagkatapos ay nagbihis na. I wore a short shorts and my usual over size shirt. I fix my hair into messy bun.

Hindi din lumabas ng kwarto si Gino, nag tatrabaho siguro.

Sabay kaming apat na kamain ng lunch, si papa, si mama, ako at si Gino.

I don’t know why my mama keep on insisting that I should go out with Gino.

Pati si papa, gusto niyang ipabisita sa akin iyong property na ineregalo nila sa akin kasama naman si Arthuro.

It was just a usual noon for me.
I took a nap for a bit waiting for the afternoon.

Magkikita kami ni Arthuro, I don’t know why I felt so excited, siguro excited akong makitang lumubog ang araw.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...