52 Weeks With You (COMPLETED)

By BeautifulSince94

2.6K 505 168

A love-hate relationship between Robert and Jovy. Si Jovy Garcia ay isang strong and independent woman. She... More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 22

62 16 8
By BeautifulSince94


JEALOUS 2.0

After ng kanilang madramang pag uusap, ay  nag simula na silang mag kanya kanya sa party.

Bago pa man lisanin ni Robert at Jovy ang venue ay lumapit sa kanila si Shine, bitbit ang malaking sketch board na may nakaipit na papel. Inayos niya ang makapal na salamin niya sa kanyang mata, habang naka ngiti. "ma'am Jovy, este... Ate Jovy pala."

"Why?" Tanong ni Jovy.

"P-pwede na ba akong mag swimming?" Excited na tanong niya.

Mabilis naman siyang pinag kunutan ng noo ni Jovy. "Gaga. Nakakahiya ano ba? Hindi naman sa atin party to eh." Huminga ng malalim si Jovy at humawak sa balikat ni Shine. "Sige na, paki tingnan maigi ang trabaho ng mga staff ha? Dapat maayos ang service nila sa mga bisita. Okey?" Sabi ni Jovy sabay kapit sa braso ni Robert at lumakad palayo.

Napasimangot na lamang si Shine at nag buntong hininga, sabay talikod at bumangga siya sa dibdib ni Justine.

Natumba si Shine at nabitawan niya ang hawak niyang mga papel at bahagyang lumihis pababa sa pisngi niya ang kanyang makapal at bilog na salamin na may malalaking lente.

"Hey.. are you okey?" Tanong ni Justine sabay upo at dinampot ang mga gamit ni Shine na nagkalat.

Tumango lang si Shine at inaninag kung sino ang nabangga niya. "Sorry sir." Sabi niya.

Napangiti lang si Justine. "No, it's okey." Sabi niya sabay ayos ng salamin ni Shine sa mata.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Shine ng mga oras na yun. Para siyang na hipnotized ng isang warrior angel na bumaba sa lupa para pakiligin siya ng ganito.

Nang mahimasmasan siya ay mabilis siyang kumurap-kurap at tumayo at tsaka nag pagpag ng kanyang slocks. Inayos niya ng bahagya ang makapal at kulot niyang buhok na kulay itim, na parang buhok ni Marimar.

Bahagyang napangiti lang si Justine at inabot kay Shine ang mga gamit nito. "Next time, mag iingat ka na ha?" Sabi nito sa kanya. Nagkangitian lang silang dalawa at kapwa tumalikod sa isa't isa at naglakad sa kanya kanyang pupuntahan.

------

SA PRIVATE ROOM NG HOTEL.

Pinasadya ni Robert ang room na ito para sa kanila ni Jovy. Dito sila natutulog kapag gusto nilang mag stay sa hotel ng resort.

Since naimbitahan silang makisali sa party ay nagkanya kanya na sila ng bihis para sa swimming ngayong gabi. At niyaya na rin nila si Shine dahil kanina pa itong hapon excited.

------

SA POOL.

Nag lalakad si Robert palapit sa kinaroroonan ng mga pinsan niya. Mga nakaupo ang mga ito sa hagdan ng pool, at tulad sa nakagawian ng mga pinsan niyang lalaki ay, kanya kanya na naman itong payabangan sa chickx. Ngayon ay nakikisali na rin sa kanila si Justine. Kasama na rin nila si Shine na nag fe feeling close agad kahit kakapakilala pa lang sa kanya ni Justine sa mga pinsan nito. Matagal na rin naman niyang kilala si Justine. Simula ng kunin siyang coordinator ni Jovy ay pinakilala na siya nito kay Justine. Kaya naman medyo confident na siya kahit pa matagal na niya itong crush.

"Hey! Robert! Long time no see ah." Sigaw ni Raffy sa papalapit na si Robert. Naka akbay pa si Raffy sa dalawang chicks niya.

Tumango si Robert habang nakangisi at tsaka nakipag appear sa mga pinsan niya.

Napakunot noo naman si Gladies at bahagyang tinanaw ang likuran ni Robert. "Where's Jovy? Don't tell hindi na naman namin siya mami-meet." Sabi niya.

Napa ngisi lang si Robert. "Of course not. Susunod daw siya dito. Nagpalit lang siya ng damit kasama si Mommy at mamu. " Sabi niya.

Ngumiti lang si Gladies. "I'm glad at okey na ulit sila." Sabi niya.

"Oo nga." Sabi ni Robert sabay talon sa pool at nag talsikan ang malalaking patak ng tubig sa mukha ng mga pinsan niya kabilang si Justine at Shine.

"Hey! Be careful." Sabi ni Justine sabay harang ng braso niya para hindi matalsikan ng tubig si Shine.

Ngumisi lang si Robert at lumapit sa kanila. "Napansin ko lang. May mga visitors na hindi ako familiar. Who are they? Malayong kamag anak? Or what?" Nakakunot noo na tanong ni Robert.

Lumingon naman si Jonathan at raffy sa tinutukoy ni Robert na mga grupo ng mga lalaki na sa tingin nila ay nasa same age lang nila. Nakaupo ang mga ito sa kabilang hagdan ng pool. May iilang mga babae rin silang kasama.

"Ah yan? Mga 3rd cousin na natin ang dalawang lalaki na feeling gwapo sa gilid. Anak yan ng pinsan nila mommy. Tapos yung dalawang babae, friend daw nila. Yung isang naka sando girlfriend nung isang girl na maputi sa gilid. Pinsan din natin yung nag iisang girl na yun. Yung chickx!" Paliwanag ni Jonathan.

Hinampas naman siya ni Gladies sa balikat. "tumigil ka nga! Pinsan mo na yan. Baka type mo pa yan!" Sabi niya sabay irap.

Tumawa lang sila sinabi ni Gladies.

Maya-maya pa ay biglang namilog ang mga mata ni Raffy at Jonathan habang naka tingin sa mini bridge ng pool. Kaagad namang napalingon si Robert para tingnan kung anong meron.

Mabilis siyang napatayo sa hagdan at napakunot noo ng makita si Jovy na naka 2 piece na kulay pula na napapatungan ng chiffon na cardigan na kulay puti. Naka ponytail pa rin ang mahaba niyang buhok. Nag mistula siyang artista dahil siya lang halos ang pinag titinginan ng mga tao na naroon sa pool.

"Tangina pre! Chickx!!" Sigaw ng isa nilang pinsan na nasa kabilang hagdan ng pool. Kaagad naman tumingin ng masama si Robert sa mga yon.

Mag kasalubong ang mga kilay niyang umahon sa hagdan.

"Hey! Where are you going?" Tanong ni Galdies. Pero hindi na sumagot si Robert.

Parang uusok na ang ilong nito sa galit habang papalapit kay Jovy. Lalo pa siyang nainis nang makita niyang sa kabilang hagdan ng pool dumaan si Jovy.

Nakangisi naman ang mga pinsan niya at nakipag kamay pa kay Jovy. Napilitan naman na ngumiti si Jovy kahit pa medyo naiilang na siya sa mga ito.

Lumapit pa ang lalaking may anim na tipak na abs sa dibdib. Kahawig nito si Roco Jacino. "Hi i'm Micheal." Sabi niya. Nagpakilala  naman si Jovy sa kanya. "Pwede ba akong magpa picture kasama ka?" Tanong niya kay Jovy, at napilitan naman na pumayag si Jovy.

Mabilis na lumapit sa kanila si Robert at hinila sa kamay si Jovy palapit sa kanya. Tumingin siya ng masama sa mga lalaki na naroon. Lalo na kay Micheal. "What's your problem man?" Tanong ni Micheal.

Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Robert. "My problem is you! Masyado kang lumapit sa asawa ko."

Natigilan pa si Micheal at ang dalawang lalaki na kasama nito. "Come on! We're just taking selfies. Nothing's wrong with that." Sabi ni Micheal.

Napatiim bagang naman si Robert at mabilis na hinawakan sa damit si Micheal.

"

My wife is my wife! Therefore don't  take a photo with her, don't look, stare, touch,  flirt, compliment, hold, anything!!! That's my Job, not yours!" Galit niyang sabi, sabay hila ng kamay ni Jovy palayo sa mga lalaki niyang pinsan.

"Robert! Ano ba, nasasaktan ako." Reklamo ni Jovy sabay bawi ng kamay niya. Tumingin lang ng masama si Robert sa kanya. "You're mine Jovy! You're only mine!!! ALL RIGHTS RESERVED! Naiintindihan mo ba?" Masungit niyang tanong.

Huminga lang ng malalim si Jovy at tumango. "Okey. Hindi naman kita ipag papalit sa iba eh." Sabi niya.

Napangiti naman ng bahagya si Robert at humawak sa magkabilang balikat ni Jovy, at pinasadahan ng paningin ang kabuohan ng asawa. "Damn! Why are you so hot!!" Naningkit lalo ang kanyang mga mata.

Hinampas lang siya sa balikat ni Jovy sabay tawa. "Tumigil ka nga dyan. Naiilang na tuloy ako." Sabi niya.

Ngumisi lang si Robert at yumakap sa kanya. "No." Sabi niya tapos isinarado niya ang butones ng cardigan ni Jovy upang matakpan ng bahagya ang katawan nito. "Kahit anong isuot mo Jovy, takpan mo man ang katawan mo, alam ko pa rin naman kung gaano ka ka sexy. Wala ka pa ring takas sa mga mata ko. Pati dito sa puso ko." Tinuro niya ang dibdib niya. "Nakakulong kana sa puso ko Jovy. Kaya akin ka na. End of story!" Seryoso niyang sabi.

Ngumiti lang si Jovy at tumango. "T-tara na sa pool?" Sabi niya na parang walang nangyari..

Ngumiti lang si Robert at tsaka binuhat si Jovy sabay talon sa pool. At tumalsik na naman ang malalaking patak ng tubig sa gawi nila Gladies.

"Hindi na ako magtataka kung bakit pinili ni Robert si Jovy, over his wealth. Sobrang ganda ng asawa ni Robert palong palo!" Sabi ni Jonathan habang nakangiti na nakatingin kay Jovy at Robert na nag haharutan na sa pool.

"Sana all." Nakangiting sabi ni Shine habang nanonood kay Robert at Jovy.

Napangisi naman si Justine ng lingunin niya si Shine. " Naghahanap ka ba ng kaharutan? Available naman ako." Pabiro niyang sabi kay Shine, dahilan para mamula ng husto ang pisngi ng dalaga. Mabuti nalang at gabi, hindi masyadong kita ang pag ba-blushed niya.

Kaagad na hinila ni Justine si Shine papunta sa gitna ng pool habang nakangisi. "Sir Justine! No!! Please. Hindi ako marunong lumangoy. " Sabi niya sabay kapit sa leeg ni Justine. Kapwa sila natigilan ng magtama ang kanilang paningin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 36.8K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
Fierce By Nina

Teen Fiction

9.4M 196K 54
Set up by her parents, Blair is intent on doing all she can to push Gael away. But little by little, she has a change of heart...and uncovers a damni...
2M 77.7K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2.5M 159K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...