Chapter 23

58 16 3
                                    

After ng masayang swimming ng mag pipinsan, napag kasunduan na nilang umahon sa pool, since lumalalim na ang gabi at mas lumalamig pa ang hangin. Although maligamgam ang tubig ng pool. Lalo na kapag umahon sila ay ramdam talaga nila ang lamig ng atmosphere.

Kaya si Shine at Justine ay halos ayaw umahon sa tubig. Kanina pa rin sila halos ayaw mag hiwalay, at tila kapwa pinapawi ang lamig ng gabi sa pamamagitan ng pagyakap sa isa't isa. Kaya kanina pa silang dalawa tampulan ng kantyaw ng mga kasama nila.

"Bahala na kayong dalawa dyan. Babalik na kami sa cottage." Sigaw ni Gladies kay Justine at Shine.

Tumango lang si Justine habang nakalubog sa tubig at nakasandal sa gilid ng pool katabi ni Shine, na hanggang ngayon hindi pa rin nagagawang sumisid dahil sa kanyang salamin na ayaw niyang alisin sa mata niya.

"Sorry if i making you uncomfortable." Sabi ni Justine kay Shine, na ngayon ay tahimik na naka tayo sa tabi niya. Nanginginig ang labi nito at tinitiis ang ginaw makasama lang si Justine sa pool.

Mabilis naman na binawi ni Shine ang sinabi ni Justine. "Ah hindi.. K-kasi umiihi ako eh. Kaya medyo kailangan kong mag concentrate." Sabi niya sabay ngiti.

Humagalpak naman ng tawa si Justine. "Silly! Pero ang cute mo tingnan!" Sabi niya sabay wisik ng tubig sa mukha ni Shine.

"Hooooy.." sabi ni Shine sabay ganti ng wisik kay Justine. At naiwan silang dalawa sa pool na nag kukulitan.

Tila silang dalawa nalang din ang natira sa pool. Dahil tahimik na ang paligid. Nagmistulang isang malawak na galaxy ang kinaroroonan nila. Sinabayan pa ng mga fairy lights na naka desensyo sa mga halaman, na nagsilbing makikinang na mga bituin sa buong milky way resort.

******

Nagkanya kanya na ng bihis ang lahat. Ang ibang mga bisita ay nag uwian na rin. Halos sila sila na lang na pamilya ang naiwan sa Resort. Don kasi sila nag palipas ng gabi sa hotel. At aabutin pa sila ng 1 week doon dahil need pa nilang mag eroplano pabalik ng manila dahil nasa Palawan pa ang location ng Resort. Kaya nag decide silang magtagal sa resort para masulit ang vacation.

Pag sapit ng umaga, nagising si Robert na nakayakap kay Jovy.  Dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising ang asawa. Pero hindi siya nag tagumpay. Bigla itong kumapit sa damit niya. "San ka pupunta? Maaga pa ah." Nakapikit pa na tanong ni Jovy.

No choice naman si Robert kaya bumalik ulit siya sa higaan at muling yumakap kay Jovy. "Ilang days ba sila mamu dito sa Resort?" Biglang tanong niya.

Bahagyan dumilat ang isang mata ni Jovy at mabilis din ulit na pumikit. "I don't know. Hayaan mo na birthday naman niya eh." Sabi ni Jovy.

"No hindi na niya birthday ngayon. Kaya may charge na tong araw na pag stay nila dito sa hotel." Pabiro na sabi ni Robert.

Dumilat si Jovy at umirap kay Robert. "Kuripot kana ngayon ahh. Parang dati lang, napaka waldas mo pa ah. " Natatawang sabi ni Jovy.

Ngumisi lang si Robert at hinawi ang buhok ni Jovy na bahagyang humarang sa pisngi nito. "Be thankful kasi waldas pa ako nung una mo akong nakilala. Kundi hindi ka sana nakatikim ng mamahaling cellphone." Pang aasar ni Robert.

Tumawa lang si Jovy. "Don't worry, iingatan ko ang phone na binigay mo sakin. Siyempre ito ang first gift mo sakin eh." Sabi niya.

52 Weeks With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now