Venus
"Hindi mo ba talaga nakita kung saan pumunta, Ven?" tanong ni Calli sa akin.
Napakamot ako sa batok at umiling. Naaliw ako kakapanood sa malapit na dagat habang nasa veranda kanina. Nakaligtaan ko na ibinilin nga pala sa akin ni Kuya si Yawi. Ang brown pomeranian na ibibigay niya kay Zoe mamaya.
Halos halughugin na naming lahat ang buong beach house pero hindi pa rin nakikita ang aso. Nang mapunta ang titig ko sa dagat ay napatutop ako sa sariling bibig.
Hindi kaya nalunod na iyon?
Oh no! Nanlulumong napaupo ako sa konkretong hagdan, tinatanaw ang marahas na paghampas ng alon sa dalampasigan at sa rock formations. Sa liit ng asong iyon ay agad mawawala kapag nahampas ng alon.
"Bala nalunod na iyon.." pumatak ang luha ko na kaagad kong pinunasan gamit ang likod ng aking palad. "Ano'ng gagawin ko?"
"Makikita natin yun, Ven. Hindi iyon makakapunta sa dagat kasi kailangan pa niyang dumaan sa hagdan d'ba?" si Calli na mukhang nalito rin sa sinabi niya.
Mula sa pagkakasandal sa railings ay lumapit si Sandro sa akin. "Wag ka nang umiyak. Ang pangit mo'ng panoorin. Tara na muna sa loob."
Marahas akong napaangat ng tingin. Kaagad na uminit ang ulo ko dahil sa sinabi ni Sandro. All I ever wanted for him is to comfort me! Hindi iyong lalaitin pa niya ako!
"Yan lang ang masasabi mo?" humahagulhol kong sigaw, tumayo ako at dinuro siya.. "I am here wondering what could happen to the dog and yet yan lang ang masasabi mo? Na pangit ako? Pangit ako! Pangit ako!"
Si Sandro ay natigilan sa biglaang pagsigaw ko. Kita kong napaatras siya.
"Bakit mo naman sinabihang pangit sandro." si Gov sa likuran.
Hinilot ko ang sentido at tiningnan si Gov. Agad akong kumalma at nagpakawala ng buntong hininga. Nang muling bumalik ang titig kay Sandro ay inirapan siya.
"Pasalamat ka at cute ang pinsan mo.." nakasimangot kong usal.
Humagalpak ng tawa sina Vincent, Gov, at Borgy sa likuran. Si Sandro ay marahas na binalingan ang tatlo.
"Wag mong seryosohin ang sinasabi niya, matt!" giit ni Sandro. "She's just pregnant."
"Oh, bakit galit ka?" panunuya ni Gov.
My eyes immediately drifted to Zoe who was behind them. Nakangiti siya at hawak- hawak na ang asong kanina pa namin hinahanap. Sa likuran ay nakasunod si Kuya sa kanya habang bitbit ang bag niya.
"Zoe!" Mabilis akong lumapit sa kanya. "Saan mo nakita ang aso?"
Nagtatakang tinitigan ako ni Zoe at ang mga kasamahan na lumapit na rin. "Nasa entrance nang dumating kami ni Rig. He said it's mine."
"Yes, pero nawala iyan kanina. Hinahanap namin." si Calli.
"Oh, good thing I've found him."
"See? Hindi naman nakalayo d'ba? 'Wag ka kasing masyadong magpaka stress." hinawakan ni Sandro ang balikat ko. "Mabuti pa at magbihis kana.."
Mga alas syete ng gabi ay sabay kaming lahat sa pagpunta sa The Coast. Iyon naman kasi talaga ang plano. Sa beach house kami ni Sandro sa umaga at sa gabi ay didiretso nalang sa the coast.
"I like your dress." ani Zoe na kakababa lang ng sasakyan ni Kuya.
I am wearing a baby pink halter neck maxi dress. Sinikop ko ang buhok at ginawang pusod pero dahil sa hangin ay may iilang strands ng buhok na nahuhulog sa mukha ko.
"Thanks.." I smiled.
Sabay kaming lahat sa pagpasok sa loob ng The coast. Malungkot akong napangiti habang papasok at maalala na si Samantha ang unang nagdala sa akin dito.
Hindi ko kailanman naisip na maaga siyang mawawala. Ang isang napakabait na taong kagaya niya ay napakahirap kalimutan.
Napakurap-kurap ako nang makitang walang tao sa restaurant at ang nauunang sina Calli at Vincent ay hindi doon dumiretso. Akala ko ba ay kakain kami? Bakit sa dalampasigan sila pupunta?
Umiilaw sa malayong bahagi ng dalampasigan at maririnig ang mga taong nag-uusap. Kahit medyo may kalayuan kami ay nakikita ko ang magandang ayos ng mini stage na ginawa. May kumakanta doon.
Napasinghap ako nang lalo pa kaming makalapit. May puting telang nakalatag sa buhangin, tila ginawang pathway. It was filled with petals of red roses and candles on each sides.
"Anong mayroon, San--" hindi na natapos ang sinasabi ko nang makitang wala si Sandro sa tabi ko. Si Kuya ang naroon!
Saan pumunta ang lalaking iyon at hindi ko man lang napansing wala na siya rito?
"Kuy, nasaan si Sandro?" tanong ko kay Kuya.
Imbis na sagutin ang tanong ko ay inilahad na lamang niya ang braso sa akin. Nang manatili ang nagtataka kong tingin sa kanya ay siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa braso niya bago inakay palapit sa dalampasigan.
"Venus!" pamilyar na mukha ang kaagad na sumalubong sa akin.
I blinked repeatedly trying to recognized her.
"Gracia!" malakas na bulalas ko. Humiwalay kaagad ako kay Kuya upang mayakap siya. "Kamusta ka na?"
Niyakap niya ako pabalik. "Ayos lang ako, Venus. Ikaw ang laki na ng pinagbago mo, ah? Mas lalo kang gumanda ngayon."
Pabiro ko siyang hinampas sa braso nang humiwalay sa kanya. "Bolera kang talaga.."
"Totoo kaya! Hindi ko akalain na kayo pa ring dalawa ni Sandro. Nagulat ako nang magpadala siya ng imbitasyon sa akin na pumunta rito ngayon."
Kumunot ang noo ko. "He invited you here?"
Hindi pa man nasasagot ang katanungan ko ay nalipat na ang aking atensiyon sa lalaking papalapit sa amin. He was wearing a white polo na nakatupi hanggang siko, black pants at black ding leather shoes. Ang buhok ay magulo pa rin pero mas lalo nang lumaki ang pangangatawan.
"Miko?" humakbang ako palapit sa kanya.
"It was nice meeting you again, Ven." aniya na sinalubong ako ng yakap.
Ibang-iba ito sa Miko na kilala ko noon. He looks formal and professional! Kahit hindi tanungin ay alam kong natupad niya na ang pangarap na maging abogado!
I am so proud of him. I just hope na nakabawi na siya mula sa biglaang pagkawala ni Samantha. Alam kong isa siya sa mga taong lubos na nasaktan noon.
Maraming kakilala pa akong nakita. Si Tito Dom at Tita Riza kasama si Papa ay narito rin. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan ang nangyayari.
"Umupo ka muna.." iminuwestra ni Calli sa akin ang upuan sa unahan. Sa tabi ko ay si Papa na katabi ni Tito Dom at sa pinakadulo ay si Tita Riza. Inokyupa kaagad ni Calli ang upuan sa kabilang banda ko.
Nagtatakang iginala ko ang tingin sa paligid. Petals of roses are scattered everywhere. Ang mga artificial bonsai palm tree ay umiilaw at sobrang gandang tingnan.
Tumaas ang kilay ko nang makita si Sandro na paakyat sa ibabaw ng stage ngayon. Tumigil sa pagtugtog ang bandang nasa itaas at nakipag appear sa kanya ang may hawak ng mic.
He's on a gray pullover sweater and faded jeans. Nang hawiin niya ang buhok ay halos lumabas ang puso ko mula sa aking katawan. Sobrang gwapo naman talaga!
Kahit akin na 'yan ay hindi ko mapigilan ang araw araw na humanga.
"Sandro is my friend.." wika ng vocalist na tinapik ang balikat ni Sandro upang ipakilala sa harapan. "We were schoolmates abroad. Kahit paman noon sa London ay sikat na itong kaibigan ko. Women are swarming over him like a bees. Lalong- lalo na't nag di dj kung gabi. Dagsaan tuloy ang chicks."
Humalakhak si Sandro at naiiling na lang sa sinabi ng kaibigan. Ganoon rin ang ibang nasa paligid.
I smiled when I remember simping over him before. Sinong mag-aakala na si Sandro Marcos, mula sa kilala at prominenteng pamilya ay mapapansin ang isang katulad ko?
I used to think that I am too way out of his league. Pero wala namang imposible kung talagang nakatadhana para sayo ang isang tao. Kahit gaano pa siya kataas at kalayo sayo.
"Nang tinawagan niya ako noong isang araw para sa plano niya ay nagulat ako. Ni hindi ko alam na may girlfriend siya.." napunta ang titig ng vocalist sa akin. Halata sa itsura niya na pinoy siya pero lumaki sa ibang bansa. "And he got a goddess for a girlfriend.."
Napanguso ako, nahihiya sa sinabi ng vocalist.
"Venus Laine Villaruel.." tawag ng vocalist sa pangalan ko. "Sandro wants to tell you something."
Ibinigay ng vocalist ang mic kay Sandro na agad naman nitong tinanggap. I swallowed hard when his gaze immediately went to me.
"I am practicing this since the first time that I met you, Venus and yet.." humalakhak siya "I still don't know what to say."
Tumingala siya upang punuin ng hangin ang dibdib, tila kinakalma ang sarili. "I can still remember the first time that I saw you. How those deep and smoky eyes captivated my heart and soul. And ever since that day, I've loved you more and more everyday."
Napakurap ako. Ang tingin ay mariing nakatutok sa kanya.
"Venus, you turned my life around completely. You made me realize what true love is. Kaya naman nang mabigyan ako ng pagkakataong mahawakan ka, sinabi ko sa sarili ko na hinding- hindi na kita pakakawalan. Makawala ka man mula sa mga yakap ko, gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan upang muli kang mahagkan."
Nakarinig kaagad ako ng hiyawan mula sa paligid. I laughed when realized it was from his cousins. Nasa gilid sila kasama ni Kuya at Vincent.
Kinagat ni Sandro ang labi at tumingala, tila pinipigilan ang mapaiyak. "Paps said that a good woman is a gift from God and I have always think that you're God's gift for me, Ven. You are pretty, smart, independent, you are indeed one of a kind."
"See? That's my eldest!" pagmamalaki ni Tita Riza.
Napatawa ako kahit na namumuo na ang luha sa mga mata ko. I can't believe that I could cry out of extreme happiness.
"Kay tagal ko itong hinintay, Ven." ang huling sinabi ni Sandro bago pumailanlang sa paligid ang tugtog ng banda.
Eight forty five in the morning
I had it all planned
I'd go see her Daddy
for a sit down to talk
man to man
Napatutop ako sa sariling bibig nang magsimulang kumanta si Sandro. Lumandas ang mga luha sa pisngi ko habang tinitingala siyang nasa itaas at sa akin nakapirmi ang titig.
As I knocked on the door
with my heart on my sleeve
I told him your daughter is my everything
So I'm asking sir with your permission
I'd really love to
Tuloy tuloy lang sa pag-agos ang luha ko. I don't know what to say nor to react! Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko habang pinapanuod si Sandro na unti- unting bumababa sa stage at humakbang palapit sa aking direksiyon.
He never removed his gaze at me.
Put a ring on her finger
And love her the rest of my life
Put a ring on her finger
I'd sure love to make her my wife
Huminto si Sandro sa harapan ni Papa na nasa gilid ko. Papa laughed but I could see that he is also trying to hold his tears.
I promised I'll take care of your little girl
She'll make me the happiest man in the world
with your blessing I wanna
I gasped on my hand when Sandro took something from his pocket and slowly, very slowly kneeled in front of me.
Put a ring on her finger
Why, he was the only person who could make me feel this happy! My heart was beating rapidly that it's almost hurting my ribcage.
Inilapag ni Sandro ang mic sa buhangin. Sandali akong napapikit habang pinapanuod ang unti- unting pagtaas niya sa velvet box sa aking harapan.
"Ven. There's only one thing I ever wanna do." he whispered like it was only meant for me. He swallowed hard and looked directly into my eyes. "Marrying the only woman that I will ever call home."
"You are also my home, Sandro. I need you in my life." wika ko na inilayo ang kamay mula sa aking bibig.
He smiled and nodded. "I hope you'll continue to need me so I can stay in your life for the rest of eternity.."
He swallowed hard again. His eyes transude love, assurance, and gratification.
"Venus Laine Montillo Villaruel. You're the only one I want to share the rest of my life with. Will you please marry me?"
My gaze went to the ring inside a red velvet box. It has a round brilliant cut diamond flanked by tapered baguettes on a platinum band.
Kinagat ko ang labi. He prepared for this and I don't even have any single idea! He's expert when it comes to surprises, huh?
"Yes, Sandro.." I tried choking a sob and leaned down to kissed him.
My heart is filled with happiness and I am not asking for anything other than this. Ang gusto ko lang ay ang makasama si Sandro habang buhay.
A tear fell from Sandro's eye when he put the ring on my finger. Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na magsalita dahil pagkatapos maisuot ang singsing sa daliri ko ay kaagad na kaming inulan ng pagbati mula sa mga kakilala na lumapit.
Si Papa, si Tito Dom at Tita Riza ay lumapit na rin sa amin.
"Masaya ako para sa inyo, Venus." ani tita Riza na niyakap ako. "You take care of my son, ha? Mahal na mahal ko yan.."
I laughed. "Mahal na mahal ko rin po ang anak niyo, tita.."
Marami pang kakilala ang lumapit sa amin. Sina Zoe at Calli ay ilang beses pang nag papicture upang may maipost daw sa social media.
"Kinabahan ako.." ani Sandro nang mahawakan muli ako. "Ang tagal mong sumagot."
Ngumuso ako. "You proposed in front of these people. How can you be so sure that I would say yes, huh?"
Arogante siyang ngumiti at dumausdos ang kamay sa aking baywang. I laughed when he started to move. Isinasayaw niya ako kahit wala namang musika!
Naramdaman ko ang pagsalikop ng mga kamay niya sa aking likuran at mas lalo akong hinapit palapit sa kanya. His body is swaying against mine.
"I know you can't resist me, Ven." he said arrogantly.
"Wow.." nanunuyang wika ko. "Ang conceited mo!"
"Bakit, hindi ba?" He leaned down and brushed his soft lips over mine, teasing me. Nang nanatiling umaawang ang labi ko kahit na inilayo niya na ang labi ay malakas siyang tumawa. "See?"
I laughed with him. Maybe he's right. I can't resist him because I've been irrevocably inlove with him.
"Are you sure you're going to marry me?" I taunted. "I don't know how to cook."
"I can cook for you." he chuckled. "I have you, baby. It's enough. It's everything."
Sandro made me realized that every wait and every fight is all worth it. It was worth everytime I lose him just to find myself back in his arms again.
Love was like the waves in the ocean. There are times that it was gentle and there are times that it would be rough. But it was always there. Love should always be there.
I looked at him and smiled.
Ferdinand Alexander Marcos. Every beat of my heart are saying that it had found its home now and won't be going anywhere.
End.