Alluring Innocence (Seven Dea...

By EsorNori

1.1M 42.1K 12.3K

Seven Deadly Sinners Series #2: PRIDE [Parixia Ingrid Cohen] "I will sin for you. I will die for you. I will... More

Author's Note
Alluring Innocence
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
A Love That Defies The Odds
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Author's Note

Chapter 30

18.2K 660 112
By EsorNori

UNIQUE

"HMM.." I groaned in pain as soon as I opened my eyes.

Nasilaw pa ako sa liwanag kaya napapikit ulit ako nang mariin. Ramdam na ramdam ko ang panghihina at ang pagpintig ng ugat sa sentido ko. It hurts so bad. Parang minamartilyo ang ulo ko sa sakit. Buti na lang at malamig ang paligid.

I did some breathing exercise to calm myself. The pain is bearable but still annoying. Nang medyo kumalma ang pakiramdam ko ay saka ako muling nagmulat ng mga mata at napalinga ng tingin sa paligid. I'm in my room here in the mansion.

Wait, what?

I blinked while remembering what happened. Pilit kong iniisip kung ano ang huli kong ginawa at bakit ako nandito na sa mansyon? Hindi ba't nasa school lang ako? Then why---

"Ugh." Napaigik ako sa sakit nang bigla akong bumangon kaya napabalik ako sa pagkakahiga!

"What do you think you're doing?"

Binaling ko ang paningin ko sa nagsalita at agad namang sinalubong ng paningin ko ang matalim na mga titig ni ate Avery. She's wearing her business attire. Siguradong kagagaling niya lang sa kompanya. Magkasalubong pa ang kilay niya at nakapamaywang na kapapasok lang dito sa loob ng kwarto ko. Halatang hindi nagustuhan ang naabutan.

"Ate," I called and I heard her sigh.

Naglakad siya papunta sa kinahihigaan ko at nakita ko ang unti-unting paglambot ng ekspresyon sa mukha niya nang mapatitig sa akin. Ngayon ay mababakas ang pag-aalala sa maamo niyang mukha.

"How do you feel?" She asked as she caress my hair in a gentle manner.

Hindi na ako nagtangkang bumangon pa at nanatili na lang na nakahiga para makabawi ng lakas. I feel drained, for real. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko. Masakit din ang ulo ko at nanghihina pa rin. Ramdam ko rin ang pagkirot ng kanang balikat ko.

"I'm fine, but not that good." I answered honestly.

Now that I thought of it, I suddenly remembered what happened. We were doing a roleplay! Flashbacks of what happened came crashing in my mind like a wave. Then 'yung last scene, totoong nasaksak ako pero ang nakapagtataka ay kung bakit ako nawalan ng malay, kung sa balikat lang naman?

Inangat ko ang kaliwang braso ko para kapain ang kanang balikat. Masakit pa rin at kumikirot, pero kaya naman. Hindi rin naman siguro malalim ang pagkakabaon nung kutsilyo kaya ganito.

Buti na lang din at dito ako sa mansyon dinala at hindi sa hospital. Ayoko pa naman doon dahil hindi ako komportable. May kung ano-ano rin na nakakabit dito sa kamay ko at iba na rin ang suot na damit ko.

"The knife has a poison." Huminga nang malalim si ate at humalukipkip. She looks worried and stressed.

And, what? Poison? So it's really meant to kill me?

"Your parents are out. May aasikasuhin daw sila about what happened." Sagot ni ate kahit na wala pa man akong tinatanong sa kanya. "And the two of your classmates are missing. 'Yung sumaksak sa'yo at saka 'yung partner mo yata sa roleplay. May hindi ka ba sinasabi sa amin, Heaven?"

Napatitig ako kay ate na ang sungit na namang tignan. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita dahil pareho kaming busy pero ganito pa ang sitwasyon. Ang seryoso niya masyado at bahagyang pang magkasalubong ang perpektong mga kilay. Pakiramdam ko tuloy ay sermon na naman ang aabutin ko.

Isang bagay lang naman ang hindi ko pa nasasabi sa kanila. It's about the card that I received. That's obviously a death threat and I didn't expect that it'll be too soon.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Should I tell them? I mean, it's my problem. I should be the one to deal with it. But, she'll be worried. Ayoko rin namang dagdagan pa ang iniisip niya. Pero mas lalo lanh din naman siyang mag-aalala kapag hindi ko sinabi. Ugh. I don't know!

But what happened to them? Bakit nawawala? Nagtatago ba? Siguradong mapagbibintangan si Mandy dahil siya mismo ang may hawak ng kutsilyo. Pero hindi niya naman sadya 'yon, eh. Hindi niya alam na totoong kutsilyo ang hawak niya. At saka si Shan? Bakit naman nawala din?

"Heaven." May tono ng pagbabanta sa boses niya kaya bahagya akong napanguso. Pakiramdam ko ay talo ako. "What is it?"

"W-Wala." Pagsisinungaling ko pa habang hindi makatingin sa kanya nang diretso.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang umupo. Kalmado naman na ang pakiramdam ko at nabawasan na ang sakit ng ulo ko. Kanina pa rin ako nakakaramdam ng pagka-uhaw kahit na maayos naman ang pakiramdam ko.

"Ate, pwede pahingi ng tubig?" I asked and she heaved a deep sigh. I could feel her frustration but decided to remain calm this time.

"Alright."

Naglakad siya papalabas ng kwarto ko kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Ayokong sabihin sa kanya dahil lalo lang siyang mag-aalala. Though, I don't think that she's clueless. Alam niya naman na may hindi ako sinasabi, she just wanted to confirm that. Siguro ay sa susunod ko na lang sasabihin sa kanya.

Sumandal ako sa headboard ng kama at mariing pumikit. Pagod na pagod ang pakiramdam ko at nanlalata. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang kasalanan na ginawa ko. Is it possible that it's because of that? It's about something that I did before. Nalaman na ba nila?

I shook my head to dismiss my thoughts. I'll be just fine, I guess. I shouldn't drag them in this mess.

"Heaven, may bisita ka pala." Rinig kong sabi ni ate nang makapasok ulit dito sa kwarto ko at may dalang dalawang bottled water at mga prutas. "Here." She opened it and gave it to me.

Agad naman akong uminom at inalalayan niya pa ako. It feels good. I'm so thirsty. Bakit gano'n? Hindi ba't kahapon lang naman nangyari 'yung roleplay? At saka ang tingin ko ay tanghali pa lang ngayon base sa liwanag na pumapasok na nagmumula sa bintana.

"Sinong bisita pala?" Tanong ko nang matapos akong uminom. Siguro ay si Sunny at siguradong nag-aalala na 'yung babaeng 'yon.

Hindi pa man nakakasagot si ate ay sukat doon ay kita ko ulit ang marahang pagbukas ng pinto ng kwarto ko, at parang naging mabagal pa ang lahat sa paningin ko nang bumungad sa akin... si Ma'am?!

Wala akong suot na salamin pero nakikilala ko ang tindig niya, maging ang amoy niya nang makapasok dito. Nanlaki ang mga mata ko at bahagya pa akong napanganga nang siya nga ang pumasok! W-Wait! Bakit siya nandito? Isn't she allowed here? Sa pagkakatanda ko ay hindi kami nagpapapasok ng kung sino dito sa mansyon, kaya bakit siya ay pinayagan? Hindi rin maganda ang unang bungad ng mga tauhan namin sa kanya.

"Takot lang nila sa'yo." Sagot sa akin ni ate nang sa kanya ko ibaling ang tingin ko at binigyan pa ako ng makahulugan na tingin. "Remember what you said and did to Henry?"

Nawala naman ang pagsasalubong ng kilay ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Ah, that. Naikwento kasi sa kanya ni mom ang nangyari at hindi na siya nagulat sa ginawa ko. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa nalaman. That's good to know that she's safe. Hindi ko talaga alam ang pwede kong magawa kapag may nanakit sa kanya kahit na ganito ang kalagayan ko.

Nagsalubong ang paningin namin ni Ma'am at mula sa walang buhay niyang mga mata ay nakita ko ang agad na pagkislap nito sa tuwa. Para siyang nakakita ng tao na nami-miss niya.

Nakasuot siya ng dark green long sleeves polo at black slacks paired with heels. Seryoso lang siyang nakikipagtitigan sa akin pero nababasa ko ang tuwa sa mga mata niya. She's happy, I can say. Ang gaan din sa pakiramdam ng pinapakita niyang aura.

At ako lang ba o parang mukha siyang pagod? I mean, may kakaiba kasi talaga sa kanya.

I felt something excited within me. Kahit na hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko sa pagkagising ko. I'm happy. Parang may kumikiliti sa kalooban ko nang makita ko siya.

"Uh... h-hello---" Natigil ang sasabihin ko nang mabilis siyang nakalapit sa kinauupuan ako at naramdaman ko na lang ang paglapat ng malambot na bagay sa noo ko kasabay ng pagbalot sa akin sa mga braso niya.

"Y-You're awake. How are you?"

Natulala pa ako dahil sa ginawa niya at hindi agad nakapag-react. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang tainga ko at ang hindi normal na tibok ng puso ko. Ang init at kinakabahan ako dahil nandito na siya. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako. I feel embarrassed yet excited at the same time and I don't know why.

Binalot niya rin ako sa isang mainit na yakap. I could feel her very well. Her presence, her fast heartbeat and the comforting warmth. Her addicting scent is so... oh, gosh. Ang bango! I could also feel her softness, her skin and all. She can really bring peace and chaos into my being effortlessly. Paano niya 'yan nagagawa?

Ang higpit ng yakap niya sa akin na parang ayaw na akong pakawalan. I can feel the love and care. Sa balikat ko siya nakayakap pero hindi naman natatamaan ang nasaksak na parte. Pati ang tibok ng puso niya ay sumasabay sa akin at natagpuan ko na lang ang sarili ko na bahagyang napangiti sa ginawa niya.

"Can't you, at least, let me get out of here first?"

Natauhan ako nang marinig si ate na nagsalita. I almost forgot that she's still here! Para akong nataranta dahil nang tignan ko siya ay nakataas pa ang kilay niya. Sana naman ay mali ang iniisip niya dito sa kaibigan niyang mukhang ayaw pang kumalas sa yakap. H-Hindi niya pa naman alam, right?

"What?" May tono ng inis na tanong ni Ma'am.

"Behave." Naningkit pa ang mga mata ni ate na nakatitig nang diretso sa mga mata ni Ma'am. Heto na naman ang strict side niya. "She's my sister."

"She's your cousin." Pagtatama ni Ma'am at kita ko pa ang paglabi niya.

"That's the same." Pagmamatigas ni ate at bahagya na lang akong natawa dahil tinatamad lang siyang magpaliwanag.

Rinig ko pa ng pagbuntong-hininga ni Ma'am na parang sa isang iglap lang ay nauubusan na agad ng pasensya. Humalukipkip pa siya at kahit saang anggulo talagang tignan ay ang tikas ng tindig niya.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa sa pagkalito. What are they talking about, anyway? Pakiramdam ko ay na-out of place ako sa pinag-uusapan nila. Parehas pa namang may mga attitude, ano namang laban ko doon? Lalo na 'tong si Ma'am.

"I'll go. She'll take care of you." Paalam sa akin ni ate makalipas ang ilang segundo at lumapit pa sa akin para mabilis na humalik sa kanang pisngi ko.

Nag-angat ulit ako sa kanila ng tingin at nakitang magkasalubong na agad ang kilay ni Ma'am habang nakatingin nang masama kay ate. "What? Don't tell me, pati ako pagseselo---"

"Shut up. Alis na." Pagpapaalis sa kanya ni Ma'am.

Napaamang naman ako dahil sa inasal niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mamangha na nagagawa niya 'yan. Bakit naman kung makapag-utos siya ay parang mas may karapatan pa siya kaysa sa mismong pinsan ko? I mean, hindi ko naman siya kamag-anak pero siya pa mismo ang nagpapaalis dito sa isa.

Kita kong may binulong pa sa kanya si ate habang hatak-hatak siya ni Ma'am sa braso para paalisin. Lakas talaga ng loob niya. Wala man lang kinatatakutan na kahit na sinong kausapin niya. No wonder why she's feared.

Click!

Rinig ko ang pagtunog ng kung ano at sigurado akong tunog 'yon ng lock ng pinto. B-Bakit ni-lock?

Sinundan ko lang ng tingin si Ma'am na eleganteng naglalakad papalapit sa pwesto ko. Parang isang reyna ang naglalakad patungo sa akin at isa lang ako sa mga alipin. I could really feel her superiority against me. Feels like she owns everything around, including myself.

Walang salita na basta na lang naupo si Ma'am sa tabi ko at nakipagtitigan pa sa akin. She crossed her legs while staring intently at me. Her height is also towering me. Those eyes that never fails to drown me looks gentle. There's something off with her today. Something that I can't point out. Parang may nangyari na hindi ko alam, base na rin sa kakaibang kislap ng mga mata niya.

"How do you feel?" She asked gently then lifted her hand to caress my hair.

"Maayos naman na." Sagot ko at napatitig ulit sa mga mata niya pero agad ulit akong nag-iwas.

"You sure?" Paninigurado niya at dahan-dahan naman akong tumango. "You want to eat?" She offered and speaking of food, I suddenly felt hungry.

"Hm-mm." I hummed as an answer without looking at her. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan kaya ayokong salubungin ang mga titig niya.

"Unique." She called with a serious tone and that's when I looked up at her.

"Po?"

Inangat niya ang kanang kamay at napakurap na lang ako nang gamit ang thumb niya ay bigla niyang pinunasan ang kanang pisngi ko na hinalikan ni ate kanina. Nakita ko rin ang pagsulyap niya sa labi ko pero napailing na lang siya na parang biglang may naisip.

"Ayos ka la---"

Natigil ang sinasabi ko nang bigla siyang lumapit pa sa akin at niyakap ako nang buo. Sakop niya ako dahil sa yakap niya. This hug is tighter than what she did earlier. Nasa baywang ko ang mga braso niya na hinihila pa ako papalapit sa kanya.

She feels warm and I'm comfortable with this position. I feel relaxed and tired at the same time. I slowly wrapped my left arm around her nape to hug her back. Masakit pa kasi igalaw ang kanan kaya hindi ko siya mayakap nang buo. How I missed her. Nakasiksik siya sa leeg ko at ramdam ko ang malalalim na paghinga niya na parang pagod na pagod.

"I can't lose you..." She whispered lovingly that made me gulp.

Pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko dahil sa tono ng boses niya. As if she's begging me! Ayoko nang ganyan siya, but right now, I am seeing her gentle side again. She really has this soft side that I find adorable. Pero hindi ko gusto ang tono ng boses niya na parang nakikiusap sa akin. If I can give it to her, I will gladly do so.

"You've been asleep for two days. I'm honestly scared." She admitted while still hugging me. "You don't know how worried I am."

That caught me off guard. She was... scared?

Natigilan ako dahil sa naisip. I don't like that idea. Ayoko nang ganyan ang nararamdaman niya dahil sa akin. I feel bad, and I could also feel her pain in those words. Gusto ko lang na masaya siya sa akin. At bakit naman dalawang araw akong tulog?

"Y-You will not lose me," I reassured her and heaved a deep sigh to calm myself, but hell, nagugulo ang lahat.

Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko at hindi ko alam kung bakit. Naguguluhan ako. I feel sensitive. Hindi naman siya umiiyak pero ramdam ko ang sakit sa boses niya. I don't want that. Ayoko na nasasaktan siya. I want her happy and at ease.

We stayed in that position for I don't know how long. Bigla akong nakaramdam ulit ng antok dahil ang komportable talaga sa pakiramdam ng init ng yakap niya. I love her warmth, it's putting me at ease. I feel safe in her arms.

Dahan-dahan na siyang kumalas ng yakap sa akin at magaan na hinalikan ako sa noo. I find that gesture sweet and I smiled, while looking at this sinner.

_____

"MAY KASALANAN ka pa sa akin,"

Natigilan ako sa kalagitnaan ng pagnguya nang sabihin ni Ma'am ang linya na 'yan na parang may mabigat akong kasalanan na ginawa sa kanya. She's feeding me even if I already told her that I can do it by myself. Ang kulit niya masyado kaya hinayaan ko na lang din.

It's pork adobo. May maid na nagdala nito sa kwarto ko at may dala rin pala si Ma'am na kung ano-anong prutas. Mamaya ko na lang siguro kakainin 'yung dala niya para sa akin.

Nagpapabalik-balik din pala siya dito habang tulog ako nang dalawang araw. Sa mga maid ko pa nalaman dahil ayaw niyang sabihin sa akin. She's worried, for real. Hindi naman ako mamamatay nang dahil lang sa ginawa sa akin.

"Anong kasalanan?" Bahagya pa akong napanguso dahil sa talim ng titig niya sa akin. Nakakakaba at ayan na naman ang nag-aakusa niyang mga titig.

"You let someone kiss you." Walang mababakas na emosyon sa mukha niya na tanong kaya napakamot ako sa pisngi.

Para siyang bato pero ang mga titig sa akin ay para akong lalapain. Naalala ko tuloy na ganyan niya din ako tignan nung unang beses na nagkita kami sa bar.

"Hindi ko naman po alam na---"

"Still, she kissed you." Pagdidiin niya kaya natigil ako sa sinasabi ko.

Ayokong makipagtalo dahil alam ko rin namang ako ang talo sa huli. Ako rin ang susuko lalo na't hindi ko siya matiis. May pagkamadaya din talaga siya minsan. Kahit na hindi niya sabihin ay alam ko na ang mangyayari.

"You can make it up for me." Suggestion niya kaya nsgtataka ko siyang tinignan.

Wow! Seryoso ba siya? Bakit ba pakiramdam ko talaga ay malaking kasalanan ang ginawa ko? Ni hindi ko nga alam na mahahalikan ako ni Shan, eh. At saka kung alam ko, e 'di sana umiwas ako. So, bakit parang kasalanan ko pa? Aba't ang galing.

"Paano?" Nanlulumong tanong ko dahil alam kong hindi niya rin ako titigilan o bibigyan niya ako ng rason para pumayag sa gusto niya. Pasimpleng makulit din.

"Well," she smirked while looking somewhere else.

And that somewhere is in my lips. Matalim pa rin ang mga titig niya pero nakikita kong natutuwa siya sa reaksyon ko. Her eyes were sparkling with amusement. She's smirking and I don't really like the feeling. Parang may gagawin siyang masama kapag ganyan ang mga titig niya sa akin.

But in all fairness today, makulit siya. Hindi siya basta lang na tahimik at nakatitig lang sa akin. Marami siyang tinatanong at saka kinukwento sa akin, and I really love that. Nakikinig lang ako sa lahat ng sinasabi niya dahil nakakatuwa talaga siya. Hindi rin kasi siya ganyan sa ibang tao.

"Last one."

Hindi pa nga pala ako tapos kumain. We shared our lunch. Marami naman 'yung dinala nung maid. Buti na lang din talaga ay walang nagtangkang manakit sa kanya nang pumasok siya dito sa mansyon. I wonder, ano kayang magiging reaction nila mom and dad kung makita nilang nandito siya?

"Unique,"

"Hm?" I hummed while looking at my hand.

Tumahimik siya kaya nag-angat ako ng tingin. Saktong pagharap ko sa kanya ay nilapit niya ang mukha sa akin kaya natigilan ako! I thought that she's going to kiss me but I was caught off guard at what she did next!

S-She tilted her head to the side and licked my lower lip in a slow manner while looking at me straight in the eyes!

Naiwan akong tulala dahil sa ginawa niya. Her soft tongue gave me the goosebumps but not because of fear. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang tainga ko at sa oras na 'to ay gusto ko na lang na magpalamon sa lupa!

Parang biglang uminit ang paligid at nanuyo ang lalamunan ko. Ang init talaga. I was left petrified while still looking at her gorgeous face. She's having fun, I think. Ang saya ng mga mata niya p-pero h-hindi nakakatuwa 'yon!

Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay anumang oras ay magpa-panic na ako at mas lalong nagwawala ang tibok ng puso ko. I don't know what to do or what to say or should I even say anything?

Nakailang beses pa akong lumunok para pakalmahin ang pakiramdam ko, pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na bumaba ang tingin sa malambot niyang mga labi. Para akong naaakit sa mga titig na binibihay niya sa akin. Her lips looks like it's inviting me.

No, no, no! Pakiramdam ko ay magdadagdag lang ako ng kasalanan ko. Stop your thoughts, Unique! This is seriously embarrassing.

"Sweet."

Knock! Knock!

Naputol ang pagtititigan namin nang biglang may kumatok sa pinto. Agad namang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya na halatang hindi nagustuhan ang istorb---ang kumakatok. Si Ma'am na rin ang nagbukas no'n at nakita ko pa ang pagpasok ni Vien kahit na masama ang tingin sa kanya ni Ma'am na para siyang binabalatan nang buhay sa isip niya.

"M-May nagpadala pala para sa'yo." Alanganin niyang bulong sa akin nang makalapit siya dahil nakatayo lang sa mismong likod niya si Ma'am na ang sungit na namang tignan.

Parang anumang oras ay manlalapa sa sama ng tingin niya kay Vien. Ito namang isa ay siguradong nararamdaman na may handa nang mag-transform sa likod niya kaya ganyan ang reaction.n

Bahagya na lang akong natawa dahil sa nakikita. Natigil lang nang makita ang inabot sa akin ni Vien na puting sobre. Para sa akin? At sino namang magbibigay sa akin ng sulat?

I frowned as I opened it. Wala man lang nakalagay na pangalan kung galing kanino, pero nakalagay ang pangalan ko na para sa akin. Sulat kamay pa ang pangalan ko.

Natigilan ako nang makita kung anong laman at napatitig dito. I tried my best to not do any reaction. No freaking way. This is the same as the card that I received! Parehas na parehas ang itsura ng card kaya dali-dali kong binasa kung ano ang nakasulat sa likod.

'Sin. Such a beautiful word, isn't it?'

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana dahil sa nabasa. It ruined the mood. Who in the world would send me something like this? Those people... are they toying with me? This is not funny.

And it's as though they expected that I'll survive.

"At saka 'y-yung ano pala, 'yung dalawa mong kaklase na nawawala? Nahanap na daw." Balita niya sa akin na nakakuha ng atensyon ko.

Tinabi ko ang sulat sa bedside table at humarap kay Vien habang nakaupo pa rin dito sa kama. "Asan daw sila?"

"Natagpuan sa abandonadong bahay. 'Y-Yon nga lang... ano. T-Tinorture sila." Pahina nang pahina na sabi niya pero sapat lang para marinig ko kaya kinabahan ako nang may maisip.

Please, no. May kutob ako sa kung ano ang nangyari at bakit gano'n ang ginawa pero ayokong maniwala. M-Mali naman siguro ang hinala ko. That's right. Bakit ba hindi ko agad naisip 'yon?

At kasasabi lang sa akin ni Ma'am na kasalanan na may humalik sa akin.

"Tapos?" Mahinang tanong ko.

Sumulyap ako sa likod niya at nakita na nagliligpit si Ma'am ng pinagkainan namin kaya kay Vien muna ang atensyon ko. Kahit siguro na hinaan niya pa ang boses niya ay sigurado akong naririnig niya kami.

"'Yung m-maganda daw, nabugbog at saka tapyas ang labi. T-Tapos 'yung isa naman, may kabuuang bente na saksak sa mga braso at binti. 'Y-Yung parang pinako pero sa pader at kutsilyo ang gamit?" Mahabang paliwanag niya kaya napalunok na lang ako. "Buhay sila pareho pero hindi pa nagigising."

Oh, my gosh. That's horrible. G-Gano'n ba kalaki ang galit sa kanila nung gumawa no'n? Napakagat pa ako ng labi nang may mapansin sa kwento niya. Tapyas ang labi at pinagsasaksak? Dapat rin ba na matuwa ako na buhay pa sila kahit na nasa gano'n na ang kalagayan?

"A-Ano, 'yon lang. Glad to see you awake. Pagaling ka." Nagmamadaling aalam niya sa akin at dali-daling naglakad palabas ng kwarto ko.

Naiwan akong tulala hanggang sa namalayan ko na lang na nakaupo na ulit sa gilid ko si Ma'am at may kakaibang kislap ng emosyon sa mga mata niya. It screams danger while staring at me. Ramdam ko ang kilabot sa sistema ko matapos ang binalita sa akin.

"M-Ma'am?" Pagtawag ko dahil para akong mapapaso sa mga titig na binibigay niya sa akin.

Slowly, she lifted her hand and I shut my eyes close. Muli na lang akong nagmulat ng mga mata nang maramdaman ang paghaplos niya sa kanang pisngi ko sa marahan na paraan. Ingat na ingat na parang ayaw akong masaktan. As though I'm a precious someone for her, and I'm a glass that can break anytime.

"Do you know that the poison in the knife isn't meant to kill you?" She asked gently and I was left speechless.

What? At paano niya naman nasabi 'yon?

Naguguluhan akong napatitig sa kanya pero huminga lang siya nang malalim na parang pinapakalma ang sarili. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid namin at ramdam ko na naging mapanganib. Mas seryoso na rin siyang tignan ngayon kumpara kanina.

"The poison will kill you after 7 hours. Do the math and you'll get it." Sagot niya sa akin kaya napaisip ako.

7 hours? Kung papatayin man ako, pwede namang wala nang lason ang ilagay at swerte na lang sila kung sa katawan ako mismo nasaksak, pero hindi. It has a poison. Nasa harap pa ng maraming tao nangyari kaya agad na madadala ako sa ospital. Kung gusto man nila akong patayin, why still use a poison that will kill me after that time? Bakit hindi na lang 'yung mas mabilis?

Then... why? It doesn't make any sense. Para saan pa at ginawa 'yon, unless it's a---

"A warning." Sambit ni Ma'am na siya mismong naiisip ko ngayon.

Sa buhok ko siya nakatitig at nilalaro 'yon sa daliri niya. Mapungay din ang mga mata niya pero matalim pa rin ang mga titig. Mukha siyang inosente sa ginagawa niya ngayon, pero hindi.

Hindi pa ba sapat 'yung mga sulat na nakuha ko? Now, this is somehow interesting. They are giving me a warning, huh? Hindi puro salita lang. A warning that they can really do something about me.

It's no wonder that Ma'am Cohen is mad at what happened. Mabilis niyang naintindihan kung ano ang nangyayari nang dahil lang doon at siguradong marami na rin siyang katanungan sa isip niya.

Pakiramdam ko ay marami ang madadamay dito.

"I will do anything for you, Unique." She whispered and tilted her head to the side as she lean closer to me and press her lips on mine. "I will die for you," pinulupot niya pa ang kaliwa niyang kamay sa baywang ko kaya napalunok ako lalo nang mas magkalapit ang katawan namin. "I will kill for you..."

Those sharp light brown eyes were looking at me with gentleness yet I swear, I could feel the danger that it could bring. Para siyang nanunumpa sa ginagawa niya ngayon. She mean every word that she said. Kahit na hindi niya sabihin ay parang inamin niya na rin ang nangyari sa mga kaklase ko.

Shan and Mandy... did she really do those things to them? Ayokong akusahan siya, but I really have this feeling that it's her who did those horrible things to them. They are innocent yet... ayoko nang isipin pa.

Is this my fault?

"You had taken my sanity away, my beloved."

Continue Reading

You'll Also Like

961K 26.2K 32
[This is a GL story] Started writing on July/August, 2014 Story completed on March, 2015 Manuscript revised on August 18, 2020 ** Zekhaila Abraham un...
40.2K 1.4K 37
SAMLY AU (Completed. Unedited) Samantha is an actress managed by Windstrike Entertainment. Unfortunately, her reputation is tainted by something she...
37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
180K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...