Falling for Miss President

By phantasiaaaaa

4.2K 211 313

❝Hindi naman porket naka-glasses ay matalino na!❞ - Alora Camren. Isa si Alora sa mga taong napagkakamalang... More

Falling for Miss President
1.
3.
4.
5.
6.
NOT AN UPDATE
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.

2.

168 11 0
By phantasiaaaaa

Looks and Glances

Pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan sa full length mirror ko. Okay na sana lahat, maganda naman ako, maganda na yung uniform ko pero yung necktie ko, hindi ko alam kung paano siya iayos.

"Hays, bahala na nga!" Sambit ko sa sarili at kinuha yung bag ko sa kama.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba, naabutan ko ang mayordoma ng bahay namin na naglilinis na sa sala namin.

"Good morning, Manang" bati ko nang makababa.

"Magandang umaga din sa'yo, hija. O'sya kumain ka na doon" aniya at ngumiti sa'kin.

Super bait ni Manang, since bata ako siya na ang nag aalaga sa'kin. Nakangiting pumunta ako sa dining namin at tahimik na kumain ng breakfast. As usual, ako na naman mag isa dahil ang parents ko ay laging nasa office, may company kasi ang Daddy at Mommy ko. I understand it naman dahil they're doing that for my future too.

Napatigil ako sa pag nguya at tumayo. I went to our sala and hold Manang's hand.

"Ay diyos ko po!" Saad niya na halatang nagulat sa pag hawak ko sa kamay niya. "Ano ka bang bata ka! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Aniya.

I pout, "Hindi naman po, I'm sorry I just wanted you to join me eating my breakfast" minsan talaga, gaya ngayon ay hindi ko mapigilang mangulila sa parents. "Please, Manang..." Pakiusap ko and I really show my very charming face just to make her join me.

And I did it! Ngumiti siya sa'kin, "Ay sus, naglalambing lang pala yung alaga ko. Hali na at kumain para makapasok ka na sa paaralan mo" sabay kaming nagtungo sa dining at naupo.

Super dalang lang niya akong samahan kumain every breakfast kasi madami siyang gawain and knowing oldies, maaga silang gumigising and nag aalmusal kaya busog na siya when I woke up.

Naging masaya ang breakfast ko dahil ang daldal ni Manang and she's making me laugh all the time while we're eating. I know that she just doing that to make me feel better lalo na kapag alam niyang nami-miss ko ang parents ko.

I am an only child kaya ang boring ng buhay ko sa bahay, hindi ko din naman nakakasama ang parents ko. Laging mga kasambahay, si Manang at ang driver lang ang nandoon to look after me.

Dati naman noong bata ako lumalabas kami ng parents ko every saturday. Pero nang magkaroon ako ng isip ay doon na sila walang time sa'kin. Hindi naman ako nakakaramdam ng sama ng loob sa kanila kasi alam ko namang ginagawa nila 'yon for me, for my future, and nabibigay naman ng parents ko ang mga needs ko.

"Manang, papasok na po ako!" Paalam ko sa kaniya at lumabas na sa dining namin.

Agad akong lumabas nang makitang hinihintay na ako ng driver namin. "Good morning po," bati ko at pumasok sa kotse.

"Good morning din, Ma'am" ani Kuya.

"Hay, Kuya... Sabing 'wag na pong ma'am ang itawag niyo sa'kin, Alora na lang po" hindi naman na kasi sila others sa'kin kaya I want them to call me by my name. Isa pa, sila nga yung laging nandiyan for me kaya gusto kong itreat nila ako as their friend.

Nahihiya namang ngumiti sa'kin si Kuya driver at nag start na siyang mag maneho. Halos thirty minutes din bago kami makarating ng university. Pinarada ni Kuya ang kotse sa may parking lot.

"Salamat po sa paghatid" saad ko bago lumabas ng sasakyan.

I looked around sabay ayos ng salamin ko sa mata. Grabe, hindi ako magsasawang tumambay dito sa parking lot kung sakali dahil puro magagandang sasakyan ang nandito, may mga brand new sports car yung as in bagong labas lang tapos ang kintab pa ng kotse nila. Para akong nasa isang display'an ng mga kotse.

Naglakad na ako papasok ng university nang sa unahan ko ay bumukas ang mga pinto ng isang sasakyan. Woah! BMW 6 Seris ang kotse na 'to, alam ko ito dahil may ganito si Daddy, ito nga lagi niyang ginagamit pag papasok sila ni Mommy sa company.

Napanganga ako nang lumabas sa kotseng 'yon ang mga Allegra. What the... Si Geovana ang bumaba sa driver's seat, halatang siya ang nag drive. Sa shotgun seat si Xirano bitbit ang bag niyang halatang mamahalin. Sa back seat naman si Arcane na mukhang bad mood dahil sobrang sama ng tingin niya sa harapan niya.

Sobrang... Sobrang ganda nila, ang hot pa nilang tignan ngayon dahil naka-shades sila. Parang mga celebrity ang dating nila at ang mata ko ang nagsisilbing camera.

They are indeed beyond gorgeous.

Nang masarado nila ang pinto ng kotse at pinatunog ni Geovana ito para sure na locked na ay sabay-sabay naman silang lumingon sa'kin.

Shet! They notice me! Siguro napansin talaga nilang someone's looking at them. Unison pa ang pag tingin nila sa pwesto ko.

Wala sa sariling sinarado ko ang bibig at inayos ang salamin bago ako tumakbo papasok. Shet naman! Ang aga aga bakit naman ganun ang bubungad sa'kin sa school?

Nakakahiya! Nakita nila akong nakatingin sa kanila. I don't even know na nakahinto na pala ako sa paglalakad. Nakakahiya, sobra!

Hingal ako nang makarating sa room namin. Nakaupo na sa sarili nilang upuan ang mga kaibigan ko except for Diya dahil late naman 'yon lagi.

Hindi ko sila pinansin at diretsong umupo sa seat ko sabay hawak sa mag kabilang pisngi ko. Why my face so hot? Dama ko ang pamumula nun.

Hello? Sila lang naman 'yon why do I even act like this? Wala sa sariling pinaypay ko sa kamay sa mukha ko.

"Hey, pakilakasan nga yung aircon, thanks!" Tawag ko doon sa kaklase naming malapit sa aircon kaya nilakasan nga niya.

Damn... Bakit mainit pa din ang pisngi ko? Ugh!

"Mainit ba?" I heard Chanelle asked Sofie.

"Hindi, nilalamig nga ako eh. Ang aga pa kaya." Sagot naman ni Sofie.

"Ano ba 'yan ba't masyadong malamig?"

Napatingin ako kay Anjali na bumangon na sa pagkakadukdok ng ulo sa desk. Lagi kasi siya natutulog sa tuwing umaga kapag wala pang teacher lalo na pag maaga siyang pumapasok.

"Pinalakasan kasi ni Cams" sagot naman nung kaklase ko.

My classmates used to call me Cams, short for Camren. We're not used to call each other by our firt name, sa surname talaga ang nakasanayan.

"Problema mo, Alora Mae? Ang aga aga kaya natural na malamig, eh ba't ka naiinitan?" Baling sa'kin ni Anjali.

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko nang sumabat ang sabaterang si Sofie. "Baka hindi siya naligo kaya naiinitan siya" saad niya.

"Hoy! Naligo ako, 'wag mo akong igaya sa'yong hindi naliligo" sabi ko sa kaniya.

"Ba't paypay ka ng paypay sa mukha mo? Namumula ka pa, ano ba kasing ginawa mo?" Si Anjali.

"Ano... Wala? Mainit kasi, traffic..." Mahinang sabi ko. Ang lame ng palusot ko kahit kailan!

"Baka naman kinikilig siya" makahulugang sabi ni Chanelle.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Anong kinikilig? Ba't naman ako kikiligin sa mga Allegra na 'yon?

"May boyfriend ka na ba? Or nanliligaw sa'yo kaya ang aga aga eh kinikilig ka d'yan?" Si Anjali, as usual being the mom of the group.

Boyfriend? Kailan kaya ako magkaka-boyfriend?

"Sus! Kilig ka lang pala kaya ang aga aga eh namumula ka d'yan!" Pang aasar ni Sofie.

"Ipakilala mo sa'min 'yang bebe mo, Alora Mae." Saad ni Chanelle.

"Wala naman, wala akong bebe or boyfriend." Tsaka ako umiling sa kanila.

"Eh, ano lang? Girlfriend?" Pang aasar ulit ni Sofie.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. What? Girlfriend? Girlfriend ko ba si Geovana— I mean ang mga Allegra na 'yon? Hindi naman ah!

Bakit ba si Geovana ang nasabi ko? Ang mga Allegra dapat 'yon! At isa pa, hindi naman ako kinikilig sa kanila? Hindi ko alam pero bigla na lang namula ang mukha ko nung napatingin sila sa gawi ko.

"A-anong g-girlfriend?!" Sarap kaltukan ng sarili ko dahil bakit ako nautal?

"Straight ako!" Sigaw ko sa mukha ni Sofie.

Bigla naman siyang tumawa ng malakas, sunod talaga 'yan kay Diya sa lakas ng boses niyan. Sinamaan ko siya ng tingin kasi tuwang tuwa siya, kung anu-ano ang pinagsasabi niya. Talagang kung anong maisipan ay sasabihin.

"Inaasar lang kita, babe! Huwag kang magalit" at muli na naman siyang tumawa.

Sarap sabunutan ni Sofie sa totoo lang.

"Huwag mo kasing asarin, Sofie Mae. Alam niyo namang there's no way in earth na magiging baliko tayo. Straight pa tayo sa straight, remember?" Si Anjali.

Straight pa sa straight...

Tama, straight naman talaga ako. Never akong nagkagusto sa babae in a romantic way or kahit ano pa 'yan, nagagadahan pwede pa. Siguro nagagandahan lang ako sa mga Allegra kaya ganito ako kumilos ngayon.

"Wow, may meeting?" Si Diya nang makapasok siya sa room at makitang nag uusap kaming apat.

"Late ka na naman kasi!" Saad ko sa kaniya.

Umupo siya sa proper seat niya at tumingin sa'min. "Dali, kwento na. Ano yung pinag me-meetingan niyo kanina?"

"Kung bakit ka laging late" sagot ko sa kaniya.

May sasabihin pa sana siya kaso dumating na yung teacher namin sa first subject. Ayan na naman ang klase, ayoko talagang mag aral! Lalo na pag Chemistry at Physics ang subject, ugh!

Lunch break na, tapos na ang klase namin sa umaga kaya sabay-sabay na naman kaming kakain sa canteen na punong puno ng tao.

"Himala atang nandito kayo?" Tanong ko sa dalawa. I am referring to Anjali and Chanelle. Halos 3 times a week lang namin nakakasama yung dalawa kumain dahil ngang part sila ng student council.

"Wala naman masyadong gawain kasi nandiyan na ang mga head" sagot ni Anjali.

"Mabuti ngang naisipan ng mga 'yon bumalik at nabawasan mga gawain naman." Si Chanelle.

"Oh, kargo niyo pala works nila nun" si Sofie.

"So, meaning niyan you both have a lot of time na sumama sa'min?" I asked.

Tumango naman yung dalawa na siyang kinangiti naming tatlo. I missed our old days, nung mga first month pa lang ng class last year and 'di pa tumatakbong student council yung dalawa.

"Tara, mall tayo!" Aya ni Diya.

"When?" Sabay naming tanong ni Sofie.

"Bukas? Para makapagpaalam ako" sagot ni Diya.

"May exam tayo 2 days from now." Chanelle said.

Oo nga pala, friday na ngayon and sa monday na ang second quarter exam namin. This will be the last exam for our first semester kaya we really need to review.

"Huwag na mag review!" Diya.

"Hoy, Diya Mae! Kailangan kong mag review, ayoko ng bumagsak ulit 'no!" I exclaimed.

Hindi naman lahat ng subject ko ay bagsak, ang epal lang talaga yung sa statistics and chemistry at physics. Hindi naman ako nagka-line of 7 sa card pero line of 8 'yon, I got 85 last time kaya nakakapanlumo.

Hopefully, I can do better this coming monday for our examination.

"Sus, grade lang 'yan!" Inirapan ko si Diya dahil hindi na talaga ako natutuwa sa mga sinasabi niya.

"Alam mo, Diya. Hindi ka na nakakatuwa." Sabay na sabi namin sa kaniya. Paano ba naman kasi lagi siyang ganiyan, wala siyang paki sa grades niya or kahit saan, siguro nga ang paki lang niyan sa buhay kaming mga kaibigan niya.

"Last year na natin 'to sa high school and ga-graduate na, isipin mo yung pinapang-tuition sa'yo and parents mo." Sermon sa kaniya ni Anjali, naglalakad pa din kami ngayon papuntang canteen.

"'Di man nila sabihin or gusto na ipayback mo yung mga sacrifices nila, sana sa sarili mo, mag kusa kang gawin 'yon. Iyon na lang mabibigay mo as of now sa parents mo, yung magandang grades." Anjali added, the mom of the group speaking!

"Isipin mo din ang advantage ng magandang grades sa college, don't settle sa grade na below 85. Itatak mo sa isip mo na you can do better." Si Sofie.

"Hindi naman sa sinasabi naming mababa ang grades na 'yon, we know that kaya pang taasan 'yon kaya why not ibigay ang best para tumaas? Iba pa din kasi ang opportunity na pwede mong makuha pag nasa 87 above ang grades mo." Si Chanelle.

"I'll apply that to myself also. Gusto ko talagang tumaas ang grades ko kasi iniisip kong madaming opportunity, like sa university na gusto mong pasukan may mga grades silang pinagbabasehan don." Saad ko.

Iyon talaga ang habol ko, sa university na gustong gusto kong pasukan pag college na. I'm not saying naman na I don't like here, pero kasi I want a new environment that will help me grow.

I can say naman na this university helped me a lot as a student and sa college I want other university to try and become independent.

"Oo na po, mag aayos na po sa pag aaral" sagot ni Diya. Sinamaan namin siya ng tingin para seryosohin niya ang mga sinasabi namin.

Nang makarating kami sa canteen as usual masama na naman ang mood namin dahil madaming tao, luckily after how many minutes of waiting naka-order na kami.

"Sa may bench na lang tayo kumain" Anjali said and we made our way to the exit.

Nang makarating sa bench kaniya kaniya na kami ng upo at kain sa mga inorder namin.

"Let's take a picture namin, ngayon lang ulit tayo nakapag-sabay kumain" Sofie said. Ang selfie lord ng group.

"Sabay kaya tayong kumain kahapon, duh." Umirap pa si Diya.

"Eh sa hindi tayo nakapag-picture nun, Diya Mae!" Sofie.

"Ba't kasi hindi tayo nag picture nun?" Diya.

Hindi talaga siya mauubusan ng sasabihin at pang aasar niya.

"Aba malay ko! Eh 'di ko naalala eh!"

"Eh ba't ka sumisigaw?!"

Oh my... Sasabog ang eardrums ko sa dalawang 'to, mga nakalunok ng mega phone. Sabay-sabay naman kami ni Chanelle at Anjali na napabuntong hininga. Sometimes we get tired of this two, pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao at halatang naiinis na sa grupo namin dahil sa ingay.

"Hey, stop shouting." May diing sabi ni Chanelle dahil patuloy pa din sa sigawan yung dalawa.

Nag aasaran lang 'yang dalawa pero sana hindi sila magkapikunan.

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid at halatang madami na kaming naagaw na pansin. Napakamot ako sa sintido ko dahil sa hiya. Suddenly, nahagip ng tingin ko ang grupo nila Geovana na naglalakad at nakatingin sa'min.

Halata sa itsura ni Arcane ang pagkainis. Dahil ba sa ingay namin? Ang sama pa ng tingin niya sa group namin. Wala sa sariling nilipat ko ang tingin kay Xirano na nakatingin lang sa'min, sunod si Geovana na nakataas na ang kilay.

Napansin siguro niyang nakatingin ako sa kaniya kaya tinignan din niya ako sabay taas ng isang kilay. I gulp.

Wala sa sariling binaling ko ang tingin sa dalawang kaibigan kong nagbabangayan at sinampal ang bunganga nilang dalawa.

Which made the two of them stopped from shouting and slowly turning their heads on me. While Anjali and Chanelle are smirking while looking at me. Shet! What have I done...

"Shut up..." Mahinang turan ko.

Nawala na ata ang kakapalan ng mukha ko. I just want them to stop from shouting kasi madami na ang naiinis sa'min and I don't know what happened to me and I just slap their mouths.

Kasi naman... I was so pressure to those head of student council. It's better for me to make them stop than those dragonang babae. Baka sila pa magpatahimik sa dalawa and mapahiya kami.

Sus, Alora Mae.

What the hell? What's that mean? I am straight.

"Did you just slap my mouth?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sofie.

"What the fuck is your problem, Alora Mae?" Inis na sabi ni Diya.

I'm sorry!

"Ahm..." Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya iniwas ko ang tingin sa dalawa.

But, I hope I didn't do that dahil saktong dumaan ang grupo ng mga head sa harap namin and I saw how Geovana smirk at me.

That was so... hot.

What? No!

"Hay salamat naman and you both shut your mouth. Nakakahiya sa mga tao." Anjali said at uminom sa juice niya. "Sampal lang pala sa bibig katapat niyo eh."

"I'm going to slap your face sana buti na lang naunahan ako ni Alora Mae." Ani Chanelle at tinignan ako, "Good job!" She said and wink at me.

"I'm sorry, I didn't mean to do that. Ayaw niyo kasing tumahimik eh..." I said and fixed my eyeglasses kahit na ayos naman iyon na nakasabit sa ilong ko.

Mannerism, I guess? I was in grade 8 when I started wearing glasses.

"Plus, she better did that before the head of student council slaps your whole face" Anjali said.

"Dumaan sila?!?!" Sabay na tanong ng dalawa.

See? Wala talaga silang pakialam sa paligid pag nav aasaran sila.

"Oo, ang sama nga ng tingin sa'yo nung mga 'yon." Sabi ko.

"Dapat sinabi mo!" Sofie.

"Paano ko sasabihin eh 'di nga kayo maawat na dalawa? Palong palo kasi sumigaw." Inirapan ko siya dahil baka ako pa sisihin niya dahil masama tingin ng mga 'yon sa kanila.

"Hays, they saw me being so ugly!" Napangiwi naman kami sa sinabi ni Sofie.

"Ano naman ngayon? Eh pangit ka naman talaga" inumpisahan na naman ni Diya.

"Bakit kailangan bang maganda ka sa harap nila? They are just head, nothing special." Ani naman ni Chanelle.

"OMG!" Sabay na sabi namin ni Anjali.

"Sabihin mo nga, may type ka sa mga 'yon 'no?" Pang aasar ko.

"W-wala!" Nauutal na sabi ni Sofie.

"Bakla kana ba?" Tanong naman ni Anjali.

Umirap naman ng bongga si Sofie at inayos ang buhok niya. "Oh my! What the hell are y'all saying? I am straight as y'all are" aniya.

"Sure ka?" Diya asked.

"Sure as hell!"

"Ang defensive mo naman, bawal may maging bakla sa'tin, okay?" I said. Nakasalalay sa'min ang buong pagpapalaganap ng angkan. "I am not a homophobic, but, our parents are" I added.

Well, actually I don't know if my parents' like that. I haven't talked to them for a long time, minsan naman kapag mag kakasalubong sa bahay ay magtatanong lang ng 'how's your school' and that's it.

Kaya I am so thankful that I have my friends kasi they're always there for me since day 1, start of our friendship.

"Straight tayo!" Sabi pa ni Sofie. "But, Diya Mae have a potential" she added.

"Potential?" Tanong ni Diya.

"Potential na maging bading" natatawang sabi ni Sofie and when she saw Diya's angry face ay tumakbo na siya.

"Bye, guys! Una na ako sa room!" Sigaw niya nang habulin siya ni Diya.

"They're so childish" iling na sabi ni Anjali habang nililigpit ang mga kalat namin.

Tumulong naman kami ni Chanelle, "And we love them because of it" sabay na sabi namin ni Chanelle kaya nagtawanan kami.

Uwian na at gaya ng nakagawian sabay-sabay kaming naglalakad papuntang gate. Inayos ko ang salamin ko ay kumapit sa braso ni Chanelle.

"Ayaw niyo talagang gumala ngayon?" Tanong ni Sofie.

"Marami pa kaming gagawin, mag schedule na lang tayo." Ani Chanelle.

"After exam! 'Di ba may 2 days break tayo everytime na tapos ang examination day" nakangiti kong sabi sa kanila.

"Tara!"

"Sure!"

I feel so excited kaya ngiting ngiti ako habang nakalingkis ang braso kay Chanelle at naglalakad.

"Yes!" Tuwang tuwa kong sabi at nag jump pa ako sa excitement.

Rinig ko naman tumawa ang mga kaibigan ko. I looked around while smiling kasi I really can't help my excitement. It's been a month since we last have a bond dahil sa busy ang dalawa sa council.

As I was looking around while smiling whole heatedly ay siya namang paghagio ng mata ko kila Geovana.

Sila na naman...

Bigla namang lumalakas ang tibok ng puso ko nang mapatingin sila sa gawi namin. Bakit ba laging ganito? I don't like this anymore.

"Saan ba tayo pupunta nun? Sa mall or mag a-outing tayo?" Sabi ni Diya na nasa kabilang side ni Chanelle.

Oh my...

Nakasabay namin sa paglalakad ang mga Allegra! And Xirani's beside me! Kahit na ilang hakbang ang layo namin sa kanila I feel so nervous.

And why the hell I am nervous? It's just them. Like what Chanelle said, there's nothing special to them.

"Pwede naman tayong mag outing, basta magpaalam kayo." Sofie said.

"Tara, swimming!" Excited din na sabi ni Anjali.

"Magpapaalam ako. How about you, Alora? What do you think?" Chanelle asked me.

"Huh?" I asked.

Okay, I clearly heard what they're talking about pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko, was it because of excitement sa magiging gala namin or it was because of the nervousness that I am feeling dahil nasa gilid ko lang ang mga Allegra?

"Natahimik ka diyan? Kanina lang super excited mo sa gala natin ah" Sofie said.

Nilingon niya ako dahil nauuna silang maglakad ni Anjali while kami nila Chanelle at Diya nasa likuran nila.

"Ah, wala! May iniisip lang." Thank you lord at hindi ako nautal!

"Iniisip mo na ba ang magiging set up ng gala natin? Share mo naman kung anong naiisip mo, kung saan tayo and anong gagawin natin" sabi niya.

I gulp nang makita ng peripheral vision ko na napatingin sila sa'min. Ramdam ko din ang tingin ni Chanelle sa'kin.

"What's wrong?" Bulong niya sa'kin na kaming dalawa lang talaga ang makakarinig.

Naramdaman din ata niya ang pag gulp ko dahil nakalingkis ako sa braso niya. Bahagya akong umiling sa kaniya sabay ngiti. Binaling ko naman ang tingin kay Sofie.

"Umayos ka nga, Sofie Mae. Baka mabali na 'yang ulo mo" nakalingon pa din kasi siya sa'kin obviously waiting for my answer.

"Naisip ko ngang pwede naman tayo mag swimming, 'di ba may resort naman kayo? Pwede bang doon na lang?" Tanong ko. Buti hindi ako na utal, kita ko pa rin sa peripheral vision ko ang tingin ng mga Allegra sa grupo namin. Nanlalamig ang kamay ko, why is that?

"Tapos, let's add something fun like games, dala kayo ng mga uno cards or jenga blocks, kahit ano..." I added.

"Nice idea!" Saad nila.

"Gawin din natin yung sa tiktok, yung rainbow color tas lalabas mo yung mga foods na dala mo" ani Diya.

Iyon yung picnic ng mga friends and sa bawat color ng rainbow ay maglalabas ka ng foods tas ka-color nun. Basta ayon, nasa tiktok.

"Huwag kayo puro drawing, kulayan niyo 'yan." Ani Chanelle.

"Oo, babe! Kukulayan natin 'yan. Tagal na din ng last set natin eh" ngiting sabi ni Sofie.

Nang nasa labas na kami ng gate huminto kami to bid our goodbyes before going home. Nauna na ang nga Allegra sa'min dahil nakapark ang kotse nila sa parking.

I glance at them and once again I feel my cheeks heating and my heart beats faster when I met Geovana's eyes. We're looking at each other. Nakalingon siya sa'kin.

"Hey, sabi namin bye!" Naiwas ko ang tingin sa kaniya at binaling sa mga kaibigan ko.

"Bye! Take care ah, chat kayo when you're already home" saad ko at niyakap sila isa-isa.

Naglakad na kami ni Sofie at may nag u-udyok sa'kin na lingunin ang mga Allegra.

Hindi ko na nga napigilan ang sarili at nilingon sila, they are now entering the car. Parang nadismaya naman ako nang hindi nila nililingon ang pwesto namin, Arcane instantly get inside the car at sunod naman si Xirano.

Mabilis pa sa alas kwartong iniwas ko ang tingin kay Geovana. Shet! Here we go again, my heart! She looked at me! She looked at me before she enter the driver's seat.

Lagi kaming nagkakatinginan and why on earth my heart always beat so fast kapag nangyayari 'yon? I hugged Sofie and separate our ways.

Pumasok ako sa sasakyan and greeted our driver. "Ang ganda ng ngiti natin, Ma'am Alora ah" saad ni kuya driver.

What? Nakangit—

"Inlab na ang, prinsesa sa mansion..." Nakangiting malawak si kuya habang nakatingin sa rear view mirror.

Continue Reading

You'll Also Like

93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
141K 11.3K 171
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
32.3K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
260K 17.7K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...